You are on page 1of 9

5

Activity Sheets sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Quarter 2 – MELC 24
Paggalang Sa Kapuwa Tao, Isapuso
Natin

REGION VI – WESTERN VISAYAS

REGION VI – WESTERN VISAYAS

Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet


Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Writer: Charito C. Dajao


Editor: Josephine S. Tero
Quality Assurance: Gualberto A. Dajao

Division of Bacolod City Management Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Michell L. Acoyong
Janalyn B. Navarro
Ellen G. De La Cruz
Gualberto A. Dajao

Regional Management Team:


Ma. Gemma M.
Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Miriam T. Lima
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito
ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of Bacolod
City sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD).
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larangan ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa
kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

Quarter 2, Week 3

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 3

Pangalan ng Mag-aaral:______________________ Grado at


Seksiyon:__________ Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 5

Paggalang Sa Kapwa Tao, Isapuso Natin

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng:
3.1. mabuting pagtanggap/ pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan
3.2. paggalang sa natatanging kaugalian/ paniniwala ng mga katutubo at
dayuhang kakaiba sa kinagisnan
(EsP5P –IIc – 24)

II. Panimula
Hangad ng bawat tao ang isang maunlad, nagkaintindihan at mapayapang
lipunan. Isang sangkap ng kapayapaan ay ang paggalang ng bawat isa sa
kabila ng magkakaibang kulay o rasa, paniniwala, tradisyon at kaugalian.

Karamihan ng mga hidwa-an, alitan o di pagkakaunawaan ay


nanggagaling sa hindi pagrerespeto sa karapatan ng kapwa. Ang labis na
pagkamakasarili o ang paghahangad lamang ng sariling kasiyahan kahit
na nakapinsala sa karapatan ng iba ay magbubunga ng kaguluhan.

Kung ang lahat ng tao sana ay susunod sa kasabihan o sa “golden rule”


na “huwag mong gawin sa kapwa ang mga bagay na ayaw mong gawin
din sa iyo ng iyong kapwa”, mamayani sana ang kapayapaan at
pagmamahalan sa ating lipunan. Kaya kailangang isapuso natin ang
paggalang sa kapwa.

Dahil sa dami ng tao sa lipunan, likas na na may pagkakaiba sa


paniniwala at kaugalian ang ibat-ibang tao. Ngunit hindi ito ang dahilan
upang hindi tayo magkakaunawaan at mawalan ng paggalang sa isat-isa.
Kahit iba ang kanilang kulay o rasa, paniniwala, tradisyon at kaugalian
maari pa ring mamayani ang kapayapaan at pagkauunawaan.

III. Mga Sanggunian

DepEd MELCs 2020

IV. Mga Gawain

1. Panuto: Basahing mabuti ang mga pinapagawa sa bawat pagsasanay


sa ibaba.

2. Pagsasanay

Unang araw

Ang Tamang Paggalang sa Kapwa: Piliin ang tamang gagawin batay


sa isang sitwasyon. Isulat ang titik lamang.

1. Bunga ng matinding pag-ulan at pagbaha, napipilitan ang mga


taong naninirahan malapit sa mga ilog na magsilikas sa inyong
barangay hall upang may masisilungan at makahingi ng tulong na
pagkain. Biglang may dumating na nagsilikas ding mga
dayuhan/katutubo na naninirahan din sa inyong barangay, sila ay
humihingi ng tulong sa kanilang sinapit. Ano ang gagawin mo kahit
alam mong hindi mo sila kilala?
a. Kukutyain sila dahil iba ang kanilang kasuotan.
b. Ayaw kong makipagkaibigan sa kanila dahil maitim ang kanilang
kulay ng balat.
c. Hindi ko na lang silang pansinin.
d. Magkipagkaibigan sa kanila at alamin kung ano ang kanilang
pamumuhay para makatutulong din kahit paano.

2. Ikaw ay napatakbo habang pauwi ng bahay dahil sa malakas na


ulan. Dumaan ka sa isang simbahan ng ibang relihiyon na sa
kasalukuyang may nagsiservice. Natatakot kayong mabasa ng ulan
kaya naghahanap ka ng masisilungan ngunit nag-aalinlangan
kayong makikisilong sa simbahan ng iba. Ano kaya ang mas mabuti
mong gawin?
a. Hihingi ako ng permiso na papasok para makikisilong.
b. Papasok ako sa loob at tahimik na magmamasid ng kanilang
paraan ng pagsamba.
c. Magpapasalamat bago lumabas ng simbahan.
d. Lahat ng mga nabanggit.

3. Isang araw may dumaan na dalawang dayuhang Afrikano na


napadaan sa kalye niyo. Habang sila ay lumalakad sunod-sunoran
naman sa kanila mga bata at nangungutya dahil sa napakaitim ang
kulay ng kanilang balat. Makikita ang bakas ng lungkot sa kanilang
mga mukha. Awang-awa ka sa kanila. Ano kaya ang dapat mong
gawin?
a. Sasali ako sa pangungutya ng ibang mga bata sa mga Afrikano
para matutuwa din ako.
b. Tatawanan ko ang mga Afrikano dahil nakakatawa ang kulay ng
kanilang balat.
c. Aawayin ko ang mga batang nangungutya dahil hindi tama ang
kanilang ginagawang pangungutya.
d. Tatawagin ko ang mga batang nangungutya at kausapin na
tigilan ang pangungutya sa mga dayuhan at dapat din silang
respetuhin.

4. Niyaya mo ang mga kaibigan mong pumunta sa birthday mo.


Naghanda naman ang nanay mo ng mga pagkain para sa kanila.
Habang kumakain sa hapag kainan, napansin mo ang isa mong
kaibigan na hindi kumuha ng pagkain. Pinipilit siya ng ibang mong
kaibigan na kumuha ng lechong baboy dahil masarap ito ngunit
tumanggi siya. Tinanong mo siya kung bakit ayaw niya at sinabing
hindi sila kumakain ng baboy dahil Muslim daw sila. Hiyang-hiya
siya ng pagtawanan siya ng kanyang mga kaibigan. Ano ang HINDI
mo dapat gawin?
a. Ipapaliwanag ko sa mga kaibigan ko na dapat respetuhin ang
kaugalian ng ating mga kapatid na Muslim na hindi kumakain ng
baboy.
b. Hihingi ako ng paumanhin sa aking kaibigang Muslim at
bibigyan siya ng pagkaing hindi nahahaluan ng baboy.
c. Pipilitin ko ang aking kaibigang Muslim na kakain ng baboy dahil
hindi naman ito sasabihin sa iba.
d. Maglalagay ng hiwalay na mesa na may pagkaing hindi hinaluan
ng baboy para sa kanya.

5. Ayaw ng kapatid mo na sumama sa lakad ng kanyang mga barkada


na magpraktis ng sayaw para sa darating na birthday ng inyong
Kapitan. Mas gusto ng kapatid mo ang kumanta. Ano ang gagawin
mo?
a. Papagalitan ko ang aking kapatid dahil ayaw niyang makikisama
sa mga kaibigan niya.
b. Tuturuan ko ng sayaw ang aking kapatid para magkahilig.
c. Ipapaliwanag ko sa kapatid ko at mga kaibigan niya na may
ibat-ibang hilig ang bawat tao. Dapat nating igalang ang pasya
ng bawat isa.
d. Papauwiin ko ang mga kaibigan ng kapatid kong mamimilit sila
na sasama sa kanila ang kapatid ko.

Ikalawang araw:

Puzzle: Ayusin ang mga letrang may salungguhit sa loob ng bawat


pangungusap para mabuo ang tamang salitang may ugnayan sa ating
paksa.

1. Maiiwasan natin ang mga kaguluhan kung magkaroon ng


a g p e r e s t o p ang bawat isa.

2. Magkakaiba man ang ating mga paniniwala at n a i l a g u a k


dapat hindi ito hadlang ng ating mabuting pakikipagkapwa.

3. Taglay nating mga Fipilino ang pagiging magalang sa mga dayuhan


man o t u t u k a b o.

4. Kung ang lahat ng tao ay may n g a l a g p a g sa bawat isa, tiyak


na walang magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatang pantao.

5. Hindi kailangan na laitin mo ang ibang relihiyon para patunayan na


totoo at mabuting relihiyon ang sa iyo dahil ang relihiyon na may
mabuting paniniwala ay ang may respeto sa iba. Kailangan natin ito
i s u p a o s.
Mga Batayang Tanong:

1. Bilang bata, ano sa palagay mo ang mga mabuting maidudulot ng


paggalang sa kapwa sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon
ito? Ipaliwanag.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

2. Sa totoong buhay, nagawa mo na ba ang magpapakita ng


paggalang sa kapwa? Ano naman ang pakiramdam matapos mo
gawin ito? Ipaliwanag.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

3. Ano sa palagay mo ang iba pang paraan upang maipakita mo ang


pagmamalasakit mo sa kapwa?
______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________

V. Repleksiyon (Sagutin ang sumusunod na mga tanong.)

1. Ano ang mga leksyon sa buhay ang natutunan mo mula sa ating


araling “Paggalang Sa Kapwa Tao, Isapuso Natin”?
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Ano ang gagawin mo para maisasabuhay mo ang iyong mga


natutunang aral ngayong paksa?
________________________________________________________
________________________________________________________

3. Ano ang iyong mga iminumungkahi na gawin upang mapaunlad mo


ang iyong pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao?
________________________________________________________
________________________________________________________

4. Susi sa Pagwawasto

Unang Araw:

D
D
D
C
C
Pangalawang Araw:

PAGRESPETO
KAUGALIAN
KATUTUBO
PAGGALANG
ISAPUSO

You might also like