You are on page 1of 1

Sa panahon ngayon kung saan sinusukat ang hala ng isang tao sa kanyang kasarian,

Tayo ay ginawa ng diyos upang magmahalan hindi yung mag-bangayan,

Pero tayo ay nagsisiraan at bumibitaw ng maaanghang na salita sa kapwa natin mamamayan,

Kahit lubad man ang iyong kulay, ikaw ay importante sa ating bayan.

Tayong lahat ay may karapatang mabuhay at irespeto ng iba,

Sapagkat tayo’y pantay pantay sa mata ng ating tagapaglikha,

Dapat tayo ay maging bukal sa loo bhindi lamang sa ating mga sarili ngunit pati narin sa ating kapwa,

At huwag maging bahagang buntot ng dahil akala natin ay wala tayong halaga.

Ang pagiging iba ang kasarian ay hindi dapat na hinuhusgahan,

Ngunit merong mga makakapal ang mukha na sinasaktan ang kanilang katauhan,

Dahil nabubulag na tayo sa mga katagang babae at lalaki para maging basehan,

Hindi naman sila buwayang lubog, sapagkat sila’y bahaghari upang tayo ay mamulat sa katotohanan.

Ang ating mga pintong ginto ng ating pagmamahal ay huwas munang isara,

Kaya itaga sa bato, dapat natin silang tanggapin kahit tomboy ka man o bakla,

Gumawa tayo ng mundo kung saan Malaya tayong ipahayag ang ating saluobin ng magkakasama,

Sa kung ano man ang sasabihin ng iba, tayo parin ay parang mga bituin sa langit ang magkakaisa.

You might also like