You are on page 1of 6

ANG TUSONG

KATIWALA
LUNGKOT
GALIT
PAGTATAKA
PAGKAAWA
PANGHIHINAYANG
PAG-AALINLANGAN
1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang
nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.”
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin
naman kayo sa tahanang walang hanggan.”
5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”
Eksena: Lulubog na ang barkong Tetanus, nasa kalagitnaan kayo ng iyong
kasintahan sa pagkakataong isa lang ang dapat na mabuhay sa inyo.
Babae: “Babe, Tulong! Tulungan mo ako! Ayaw ko pang mamatay..”(BBBrot…
brot…brot..)
Lalaki: (Bbbrrt..brot..brot..) “Babe, mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko!”
Babae: (Humahagulgol na umiiyak) “Babe, nangako ka na ikaw ang magtatangol
sa akin!”
Lalaki: (Nagmamatigas) “Hindi ko na kasalanan na paniwalaan mo ang
kasinungalingan ko. Mahal ko rin ang buhay ko. Ayaw ko pa ring mamatay.”
(Nakahanap ng bagay upang siya ay lumutang).
Babae: (Palubog na sa tubig ang katawan, nahihirapan ng huminga) “Babe,
maawa ka!”
Eksena: Dalawang mag-aaral na matindi ang labanan kung sino ang hihiranging
Class Valedictorian. Sa labas ng school campus tinapos ang iringan ng dalawa.
Mag-aaral 1: “Hindi ko na iisipin ang letseng dignidad na yan! Ang mahalaga,
maungusan ko ang matagal ko ng gustong ibaon sa hukay ”. Kailangan ako ang
hiranging valedictorian.
Mag-aaral 2: “Alam ko kung anong kabulastugan ang ginawa mo!” Hindi ka na
nahiya? Ang lakas ng loob mong ipagmalaki sa buong klase ang pandarayang
ginawa mo?
Mag-aaral 1: “Anong pinagpuputok ng butsi mo? Sino ka para sabihan akong
makapal ang mukha? Pinagbibintangan mo kong mandaraya?May ebidensya ka?”
Mag-aaral 2: “Sa tulad ng ugali mong asal hayop, hindi na ako magtatakang
aminin mo ang kawalang-hiyaan mo. Ipinagdadasal ko na lang na usigin ka ng
iyong konsensya.”

You might also like