You are on page 1of 3

HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Performance Task # 2

Subject: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Subject Description: Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa
mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan.
Grade Level: 12
Quarter: 1st
Performance Standard: Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik
Learning Competencies: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko;

Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin;


Performance Task Panukalang papel: Magsaliksik ng tungkol sa isyung sosyo-pulitikal na may kinalaman sa
Scenario: tungkulin at kapangyarihan ng Executive, Legislative or Judiciary. Pagkatapos, bumuo
ng rekomendasyon na magbibigay-solusyon sa napiling isyu gamit ang format ng
panukalang papel.

Goals: Ikaw ay inatasan na bumuo ng rekomendasyon na gamit ang format ng panukalang papel na
tuwirang tumutukoy sa napiling isyung sosyo-pulitikal.

Roles: Ikaw ay alkalde ng inyong lungsod, na nakatuon sa pangunahing isyung sosyo-pulitikal na


kailangang agarang solusyunan.
Audience: Ang, pangulo ng senado, mataas na kapulungan ng senado, hukuman, at mga mamamayan ng
Pilipinas.
Situation: Bilang alkalde ng inyong lungsod, madalas kang nakikilahok sa iba't ibang proyekto na layong
tugunan ang mga isyung panlipunan. Sapagkat ang katiyakan na maresolba ang mga problemang ito
ay magdudulot ng mas magandang lipunan at paligid para sa iyong nasasakupan. Sa kabila nito,
ikaw ay nakararanas ng mga isyung panlipunan na kailangang bigyang-pansin ng mga opisina sa
pamahalaan gaya ng Executive, Legislative or Judiciary. Upang makahingi ng tulong sa mga
nabanggit na opisina, ikaw ay magsusulat at magsusumite isang panukalang papel na nagpapakita ng
mga plano mo upang tugunan ang mga isyung sosyo-pulitikal na nakaaapekto sa inyong lungsod.

Performance/ Bilang mayor ng inyong lungsod, iyong gagawin ang mag sumusunod:
Product:
1. Magsagawa ng pananaliksik na may kinalaman sa isyung sosyo-pulitikal tungkol sa lungsod
(mga isyu sa transportasyon, mga isyu sa pagbaha, mga isyu sa tirahan o legalidad ng pook,
mga isyung may kaugnayan sa krimen, atbp...).
2. Ang isyu ay siguraduhing nakabatay sa pagsasaliksik, maglahad ng sanggunian (balita, mga
artikulo, o iba pang mapagkakatiwalaang pinagmulan) na nagpapatunay na ang isyung napili
ay totoong nangyayari sa iyong lungsod.
3. Bumuo ng rekomendasyon gamit ang format ng panukalang proyekto;
Project Proposal (Format)
 Pamagat ng Panukalang Proyekto
- Ito ay kinakailangang makatawag-pansin at konektado sa isyung
pinili.
 Tagapagpadala
 Petsa
 Paglalahad ng suliranin
- Ilahad mo ang isyung sosyo-pulitikal na pinili na tunay na
nangyayari sa iyong lungsod. Gumamit ng mga
mapagkakatiwalaang sanggunian na nagpapatotoo sa suliranin.
 Layunin
- Ilahad mo nang malinaw ang kahalagahan ng proyekto sa lungsod.
 Plano/Solusyon
- Ilahad mo ang tiyak na solusyon na makatutulong upang maresolba
ang piniling isyu.
 Budgyet
 Kongklusyon
- Ilahad mo kung paano makatutulong ang panukalang proyekto sa
komunidad at sa mga mamamayan na nasasakupan.
 Sanggunian (APA 7th Edition)
4. Ipasa ang inaasahang pagganap gamit ang Brightspace portal. Siguraduhing ipasa ito sa
format ng PDF o JPEG, at pangalanan ang file gamit ang format:
APELYIDO_PAGSULAT_PT2. Halimbawa: PETONIO_PAGSULAT_PT2.
5. Ipasa ang pinal na output bago ang ika-7 ng Oktubre, 2023.

Standards: Ang mga mag-aaral ay dapat makamit ang mga sumusunod na pamantayan:
• Kasanayan sa Pagsulat – Pinauunlad nito ang kanilang kakayahan sa pagsulat upang matugunan at
mapagtagumpayan ang paggawa ng akademikong sulatin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
pananaliksik, paglalahad ng malinaw at konkretong solusyon, at angkop at wastong paggamit ng
wikang Filipino at pagsunod sa format.

Ang output ay nagpapakita ng:


1. Pagsasaggawa ng pananaliksik – malawak at malalim na pagsusuri ng mga datos at
impormasyon na mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
2. Paglalahad ng malinaw at konkretong solusyon – malinaw at konkreto ang paglalahad ng
solusyon at lubos na tutugon na maresolba ang suliranin.
3. Gramatika at Format – kakikitaan ng angkop at wastong gamit ng gramatika, at sumunod sa
format na inilahad.
Highest Possible 50/50
Score/ Grade:

Rubric

1-7 Nalilinang 8-14 Magaling 15-20 Napakahusay


Pagsasagawa ng Lubos na malawak at May malawak na pagsusuri Hindi sapat at hindi tumpak
Pananaliksik malalim na pagsusuri ng ng mga datos ngunit hindi ang mga impormasyon na
(20 puntos) mga datos at impormasyon gaanong sapat ang mga maging batayan sa paglahad
ang naging batayan sa bahagi ng impormasyon na ng suliranin at solusyon
paglahad ng suliranin at kinakailangan bigyang-
solusyon pansin sa paglahad ng
suliranin at solusyon.
1-5 Nalilinang 6-10 Magaling 11-15 Napakahusay
Paglalahad ng malinaw Lubos na malinaw at Malinaw ang pagkakalahad Hindi malinaw at hindi
at konkretong solusyon konkreto ang pagkakalahad ngunit hindi konkreto ang konkreto ang pagkakalahad
(15 puntos) ng solusyon at lubos na pagpapalano kung kaya ng solusyon at hindi tutugon
tutugon na maresolba ang hindi gaano matutugunan na na maresolba ang suliranin.
suliranin. maresolba ang suliranin.
Gramatika at Format Angkop na angkop at wasto May ilang pagkakamali sa Maraming pagkakamali sa
(15 puntos) ang paggamit ng mga paggamit ng mga gramatika paggamit ng gramatika na
gramatika gayun din gayon pa man maayos dapat lubos na pagtuonan
maayos na na sinunod ang tamang at hindi sumunod sa
sinunod ang format ng format ng posisyong papel. tamang format ng
posisyong papel. posisyong papel.

KABUUANG PUNTOS 50/50

Prepared by:

Daisy D. Petonio, LPT Mr. Charls Vincent P. Dela Peña, LPT


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Philippine Politics and Governance Subject
Subject Teacher Teacher
Checked by:

Ms. Mikaela Anne R. Laxa


Communication Arts & Literature Area Coordinator

Reviewed by:

Mr. Ed Allen R. Uriarte, LPT


Assistant Principal
Approved by

Juzy Laygo-Saguil, Ph. D.


Principal

You might also like