You are on page 1of 13

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK Mga Hakbang sa Pagbabalangkas

Pag-oorganisa ng mga Impormasyon 1. Ayusin ang tesis na papangungusap

➢ Makikita ang kaayusan sa pagkaunawa kung mainam Halimbawa:


na naisasagawa ng mambabasa ang pagsasaayos ng
PAKSA: Ang Kahalagahan ng mga Kagamitang
impormasyon batay sa kahalagahan nito sa paksa.
Pampagtuturo
➢Ang mga tala na nakalap sa pagbasa o pagha-highlight TESIS: Nagsisilbing pagganyak sa mga mag-aaral ang
ay magandang ipunin at isaayos batay sa paksa. mga kagamitang pampagtuturo upang ituon ang
➢Maaari ding pagsunud-sunurin batay sa: atensyon sa talakayan sa loob ng klase.
✓impluwensya o kung anumang balangkas na 2. Isipin at ilista ang mga susing ideya.
may lohikal na tunguhin
Halimbawa:
✓background o kaligiran
✓debelopment balangkas o framework I. Mga Hakbang sa Paglinang ng Apat na Makrong
Kasanayang Pangwika: Pagbasa, Pagsulat, Pakikinig at
Tip para sa MABISANG PAGTATALA NG MGA
Pagsasalita
IMPORMASYON mula sa aklat nina Hauser at Gray
(1987) na Writing the Research and Term Paper: A. Pagtiyak sa Layunin
B. Paglalahad
➢Tiyaking buo ang iyong mga impormasyon.
C. Pagsasanay
➢Isulat ang lahat ng impormasyong kailangan at isipin D. Paglilipat
ang mga ito sa oras na makita agad.
➢Sumulat nang maayos upang mabasa. 3. Tiyakin ang kaayusan ng mga ideya
➢Magdaglat kung kinakailangan upang makatipid sa Halimbawa:
oras.
➢Gawing eksakto ang mga impormasyon. I. Balangkas ng Wika
➢Sinupin ang iyong mga impormasyon. A. Ponolohiya
➢Organisahin ang mga tala upang hindi malayo sa B. Morpolohiya
balangkas. C. Sintaks
➢Ayusin ang mga ideya sa indeks kard upang makita D. Diskurso
kung nananatili at di nalalayo ang mga paksa.
4. Desisyunan ang URI at LEBEL o ANTAS ng gagamitin.
Halimbawa:
Paggawa ng Balangkas
I. Leadership Style
Ang Balangkas A.COACHING
1.
➢Ito ay ang maayos na paghahanda ng ulat sa 2.
pamamagitan ng pagsulat ng mga mahahalagang punto a.
hinggil sa paksa. b.
➢Ito ay isang iskeleton ng sulatin na nagsisilbing gabay 1.)
na pagsulat. 2.)
➢Sistematikong paghahanay ng mga ideya upang (a.)
malinawan ang kanilang ugnayan. (b.)

Kahalagahan ng Pagbabalangkas
Katangian ng isang Balangkas
1. Upang maiwasan ang paglayo sa pagtalakay ng
➢ binubuo ng pangunahin at pantulong na ideya. mananaliksik sa paksang kanyang pinili.
➢ Maaaring simple o mahaba. 2. Upang sa isang tingin lamang, makikita sa mahusay na
balangkas ang pagdedebelop ng isang sulating
pananaliksik.
3. Upang magsilbing talaan ng mga ideya na nais • Maaaring maging tatlo hanggang anim na sub-
paksain sa pagsulat. dibisyon o antas ang balangkas.
4. Upang magkaroon ng ideya ukol sa kabuuan ng isang
sulatin.
5. Upang magkaroon ng direksyon ang pagsulat. Kung
may direksyon ang pagsulat, ang lohika ng
pangangatwiran ay magiging malinaw at maayos.
6. Upang ang sulatin ay magkaroon ng KAISAHAN, DIIN
AT MAHUSAY NA PAGKAKA-UGNAY-UGNAY.
6. Upang may magsilbing gabay ang manunulat.

TATLONG URI NG PAGBABALANGKAS

1. BALANGKAS NA PAPAKSA

❑ Gumagamit ng mga salita o parirala para sa ulo o


heading.
❑ Karaniwan ay salita o parirala ang ginagamit sa
paghahanay sa mga kaisipan.
❑ Mga parirala ang ginagamit o pangunahing mga salita
lamang.

2. Balangkas na Papangungusap

➢Gumagamit nang buong pangungusap sa


pagpapahayag ng pangunahing kaisipan.
➢Gumagamit ng isang buong pahayag o pangungusap
sa ulo o heading.
➢Ang kaisipan ay ipinahahayag sa isang buong
Sa anyo ng pagbabalangkas dumepende ang mga
pangungusap.
sumusunod na bilang o letra batay sa kung may higit pa
3. Balangkas na Patalata sa isang paksa ang tinalakay.

➢Gumagamit ng talataan ng mga pangungusap na may Halimbawa:


tambilang na ang bawat isa ay naglalaman ng punong
Huwag nang lagyan ng numerong 2 or 3 kung iisa
diwa.
lamang ang paksa.
➢Gumagamit ng pariralang may maikling buod upang
ipaliwanag ang bawat paksa. Ang nasa ilalim ng A. gayundin, kung walang B walang A.

Mga Dapat Sundin sa Pagbuo ng Balangkas: Ilan pang Tagubilin sa Pagbabalangkas

➢Kailangang iayos ang mga kategorya: 1. Mahalagang napaplano ang anumang sulatin
sapagkat nagagabayan nito ang pagsusulat.
1. Dibisyon- ito ay pinandaan ng mga bilang 2. Mapapasimulan ang pagbabalangkas kung
Romano (I, II, III, IV) naumpisahan nang mangalap ng materyal sapagkat
2. Seksyon- pinandaan ng malalaking titik ng ang deskripsyon nito mismo ang nagagamit na mga
Alpabeto (A, B, C, D) pangunahing punto at mga pansuportang detalye sa
3. Sub- dibisyon- pinandaan ng Bilang- Arabiko paghahati-hati ng mga paksain mula sa
( 1,2,3,4,5) pangkalahatang pagtalakay.
• Kung minsan o maaaring kadalasan, ang paghahati pa ANG PAG-UNAWA SA MGA GRAPIKONG
rin sa sub-dibisyon na ang maliliit na titik ng alpabeto REPRESENTASYON
(a,b,c,d,e...) ang ginagamit na pananda. Ang mga grapikong representasyon
-binubuo ng mga GRAP, TALAHANAYAN, TSART, FLOW ➢Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang
TSART at ORGANISASYONG ISTRUKTURAL. pagtutumbas.
-Ginagamit ang mga ito upang madali at malinaw na ➢Gamit ang linya at tuldok tinutukoy anginterval, bilis,
maipaliwanag ang mga numerikong datos na nakalap sa bagal o tagal ng mga bagay (salik) na nakatala sa bawat
pananaliksik. gilid.
-Ang mga katawagan, termino, pagtutumbas at iba pa
ay kinakatawan ng mga numero, simbolo at larawan. 2. Pay grap/ Pabilog na grap
➢Gumagamit ng bibig na parang pie.
PARAAN NG PAGPAPAKAHULUGAN SA GRAPIKONG
➢Ang bilog ay hinahati sa kwadrant na binubuo ng
REPRESENTASYON
100%.
1. Tiyakin ang dahilan sa pagbasa at
➢Ang porsyento o digri ng pagtutumbas ay iguguhit
pagpapakahulugan sa grap, tsart, talahanayan
batay sa aktwal na hati nito sa bilog.
at iba pang uri nito upang maging maayos ang
pagbibigay-kahulugan at pagsusuri sa mga 3. Bar Grap
datos. ➢Sa halip na tuldok at linya, bar ang ginagamit upang
2. Sundin ang layunin o panuto sa paglalapat ng tukuyin ang kantidad.
datos at pagsusuri nito. ➢Parisukat ang anyo ng grap, maaaring patayo o pahiga
3. Basahin sa pasalaysay na teksto na ang mga datos na sinisimbulo ng bar.
nagpapaliwanag sa nilalaman at layunin nito, ➢Maari ding gumamit ng mga pangkulay upang mas
tingnan din ang pamagat at sab-seksyon ng maganda at maayos na maipaliwanag ang datos.
grap.
4. Unawain ang legend at scale of miles nito. 4. Pikto Grap
5. Tingnan din ang mga tala sa gilid, itaas o ➢Sa grap na ito ay mga larawan ang ginagamit upang
ibabang bahagi, suriin ang mga kahulugan nito kumatawan sa mga datos at impormasyon. Mahalaga na
ayon sa legend. maging magkakasinlaki ang mga larawan.
➢Epektibo rin ang uring ito ng grap sa paghahambing
ANG GRAP
ng datos sa iba’t ibang panahon.
➢Ayon kina Bautista at Menez (2008)
-ang grap ang pinakamabisang paraan upang 5. ANG FLOW TSART
mailarawan ang mga datos o impormasyon sa biswal na ➢Ipinakikita ng ganitong uri ng representasyon ang
representasyon. daloy o flow ng isang proseso o maaaring pangyayari.
PAGBIBIGAY- KAHULUGAN SA GRAP ➢Binubuo ito ng ibat-ibang hugis sa pinagtatalaan ng
1. Literal na kahulugan- pagsagot sa tanong na mga prosesong dapat sundin o isagawa.
nagbibigay ng mga impormasyong makikita sa ➢Ang mga guhit o strands na nagdurugtong sa bawat
grap. proseso ay mahalaga ring maunawaan para sa pagsusuri
2. Kahulugan sa antas na interpretatibo- paghango sa takbo ng proseso.
sa kahulugang ipinapahiwatig ng kaugnayan ng 6. ANG TALAHANAYAN
mga impormasyong inilalarawan sa grap.
➢Nasa anyong tabulasyon ang mga datos.
3. Pagsusuri sa kahulugan ng datos – pagbuo ng
➢Mayroong kaukulang kolum ang bawat paksa. Katulad
ideya, paghahambing, pagbibigay ng hula o
ito sa matrix sa istatistiks.
prediksyon ng konklusyon tungkol sa mga
inilahad na impormasyon sa grap. Kailangan sa paglalapat ng numerikong datos:
GRAPIKONG REPRESENTASYON 1. Agad na matukoy kung ilang hanay at kolum ang
kakailanganin,
Mga Uri ng Grap
2. Lagyan ng leybel ang bawat hanay at kolum
1.Layn grap 3. Dapat maging malinaw at tiyak ang mga datos
➢ Ito ay binubuo ng dalawang guhitperpendicular o sa bawat hanay at kolum
hugis L. 4. May pamagat ang talahanayan at sikaping sa
pamagat pa lamang ay mauunawaan na ng
target na gagamit/babasa nito kung tungkol 7. Talataang nag-iisa-isa, nag-eenyumereyt o
saan ang talahanayan bumabanggit ng proseso o mga hakbang.
5. Itala sa ilalim ng talahanayan ang source o kung 8. Idinagdag na sariling komentaryo, tanong at
saan nakuha ang datos na inilapat sa adisyonal na impormasyon.
talahanayan. 9. Mga talang marginal.

7. ORGANISASYONG ISTRUKTURAL Ano ang Talang Marginal?

Ipinakikita nito ang ranking sa isang organisasyon, ➢Ito ang mga simbulo, salita o drawing na nakatala sa
samahan, o asosasyon. gilid o margin/ palugit ng pahina na ginagamit ng sanay
na sa gawaing pagmamarka.
Nagsisimula sa pinakamataas na antas tungo sa
pinakamababa. ➢ Wala itong format o formula na sinusunod at
Pagmamarka (Highlighting) maaring sariling likha lamang ng gumagawa nito ang
mga simbulo upang madaling matandaan at
➢Ito ay ang paraan na ating ginagawa upang madali maunawaan ang mga detalye sa binabasa.
nating matandaan at maunawaan ang binabasa.
PANGUNAHING KASANAYAN SA PAGPAPALAWAK NG
➢Isa itong mabisang paraan upang hindi mawaglit sa
TALASALITAAN
isipan at paningin ang mga keywords na dapat tandaan.
➢Tinatawag din itong “Annotating the Text” o Talasalitaan
“Highlighting”. Ito ay maaaring paglalagay ng makulay ➢ Listahan ng mga salita at kanilang kahulugan
na bolpen o pagsalungguhit sa mga mahahalagang salita ➢ Tinatawag ding Vocabulary o bukabularyo,
sa binabasa. ➢ pangkat ng mga salita na nasa loob ng isang wika na
Mahalagang basahin ang buong teksto at tandaan na pamilyar sa isang tao.
ang pagmamarka ay dapat na sumakop sa sampung ➢ karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad
bahagdan (10%) lamang ng kabuuang teksto. ➢ nagsisilbing gamitin at pundamental na kasangkapan
para sa komunikasyon at pagkamit ng kaalaman.
Walang kabuluhan ang pagmamarka kung ang buong
➢ Ang mga salita na itinuturing na pinakadiwa ng isang
tala ay kakulayan. Ang paraang ito ay mabisa para sa
wika ay ang kabuuang talasalitaan ng wikang ito.
pegrerebyu, pananangguni at muling
pagbasa(rereading) Cruz (2004). Anglo-Saxon
Ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na
MGA DAHILAN SA PAGMAMARKA:
dapat angkinin at pahalagahan
Dahil sa ating pagbabasa ay may mga:
1. Salitang nakapagpapamulagat sa ating Intsik
sensibilidad. Ang talasalitaan ay isang malawak na dagat ng mga
2. Salitang nagbibigay ng mga bagong salita na dapat hulihin
impormasyon.
Kahalagahan ng Talasalitaan
3. Salitang nakapaglilinaw ng mga isyung nais
masagot. 1. Madaling pag-unawa
4. Salitang nakasentro sa diwang gustong mabatid. 2. Tamang paggamit ng mga salita
3. Tamang pagpapa-kahulugan
Anu-ano ang Minamarkahan?
1. Ang mga (content words) at (keywords). Mga Paraan ng Pagpapalawak ng Talasalitaan
2. Mga pangalan ng tao.
3. Pangyayari na mahirap nating matandaan. 1. Palagiang pagbasa
2. Pakikisalamuha
4. Mga teorya.
5. Mga kaisipang inilahad ng materyal sa atin. 3. Paglalahad ng nabasa
6. Mahalagang puntos, paksang pangungusap, 4. Pagtatanong ng kahulugan ng mga
mga susing pangungusap at salita. terminolohiyang binigyang-pansin
5. Pagkakaroon ng interes sa ibang diyalekto
Ibigay ang kahulugan ng mga salita: Mayroong ding mga disyunaryong nilikha para sa ilang
natatanging disiplina tulad ng mga:
1. Kubyertos
2. Kwaderno ✓ Synonyms
3. Tipanan ✓ Antonyms
4. Huwad ✓ Homonyms
5. Sanggang dikit
✓ Phrases and idioms
6. Pulot gata
✓ Dialect terms
7. Naniningalang pugad
8. Batubalani A. PAG-UULIT NG BUONG SALITA O ILANG PANTIG NG
9. Kalimbahin SALITA
10. Salipawpaw Ang salitang innulit ay isang salitang-ugat o salitang
11. Antipara maylapi na inuulit.
12. Azotea
13. -Abaniko 1.Parsyal na Pag-uulit
14. Batingaw ➢ang unang bahagi lamang ng salita ang inuulit
15. Liwasan Halimbawa:
16. Sambalilo – sayaw = sasayaw lakad = lalakad
17. Piging – 2. Ganap na Pag-uulit
PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO GAMIT ANG ➢Ang buong salitang-ugat o salitang maylapi ang
TALATINIGAN O DIKSYUNARYO inuulit.
Halimbawa:
Ayon kay Cruz et. al. (2004) ang diksyunaryo ay isang gabi = gabi-gabi basa = basa nang basa
alpabetikong pagkakasunod-sunod ng mga salitang
binibigyang – kahulugan. 2.Ganap na Pag-uulit
Salitang-maylapi:
❖ Karaniwan na ang pahina nito ay nahahati sa dalawa sumayaw = sumayaw -sayaw
❖ unang entri-makikita sa kaliwa mag-isip = mag-isip- isip
❖ huling entri-kanan o katapat
Mga Tiyak na Tuntuning Sinusunod sa Pag - uulit ng
Maliban dito ibinibigay rin ng diksyunaryo ang wastong: Ganap na mga salita:
❑baybay
• Sa salitang- ugat, kapag ito ay dalawang pantig
❑wastong gamit lamang, ulitin nang buo.
❑etimolohiya taon = taon – taon
❑pagbigkas araw = araw-araw
❑ mga uri ng salita
Kung ang salitang - ugat naman ay binubuo ng tatlo o
PAG-ALAM SA KAHULUGAN NG ISANG SALITA mahigit pang pantig, kunin lamang ang unang dalawang
1. Dapat ay may sapat na kaalaman at kasanayan pantig ng salita at gawing unang bahagi ng pag- uulit at
ang isang mag-aaral sa paggamit ng saka ikabit sa ikalawang hati ang buong salitang- ugat.
diksyunaryo. malayo = malayu-layo
2. Mabisang hakbang sa madaliang pagkakita sa hiwalay = hiwa-hiwalay
kahulugan / katuturan ng salita. mataas= mataas-taas
DIKSYUNARYO • Sa pag- uulit na ganap ng salitang maylapi, -ang unlapi
❖ Nakatutulong sa pagbibigay sa mga mambabasa o at gitlapi ay isama sa unang hating pag- uulit subalit ang
manunulat ng mga salitang maaaring magamit upang hulapi ay isama sa ikalawang hati.
maipanghalili sa isang palasak na salita. Halimbawa:
❖ Paraan ng pagpapalawak ng mga kaalamang 1. tumakbo (takbò + -um)= tumakbu- takbo
pansalitaan. 2. magsabi (mag- + sabi)= magsabi-sabi
3. tumatlo (tatlo + -um-)= tumatlo- tatlo
B. PAGTATAMBAL - Pagsasama ng dalawang salita. Bakit nga ba tayo nanghihiram?

Ang salitang- tambalan - dalawang salitang magkaiba na a. Wala tayong pantawag na mga bagay, kaisipan,
pinagsama o pinag-isa upang makalikha ng isa pang karunungang hindi sa atin nagmula.
salita o salitang may bagong kahulugan. b. Wala tayong katutubong panumbas o katumbas
na salita para sa salitang hiniram
1. MALATAMBALANG SALITA- Karaniwang isinusulat na
c. Mapalawak ang ating talasalitaan
may gitling sa pagitan ng dalawang salita.
d. Dahil sa ang wikang Filipino ay isang buhay at
Halimbawa: dinamikong wika, patuloy tayo sa panghihiram
upang maragdagan ang ating bokabularyo.
pulis, trapiko pulis-trapiko e. Upang hindi tayo malayo o mahiwalay sa mga
tubig, ulan tubig-ulan pagbabagong nagaganap sa mundo.
f. Dahil tayo ay kabilang sa isang global na
gatas,kalabaw gatas-kalabaw komunidad, ang mga pagbabago at kalakarang
2. TAMBALANG -GANAP – isinusulat naman nang nagagaganap sa mundo ay kailangan nating
magkadugtong. (may bagong salita na may bagong magaya.
kahulugan na mabubuo) g. Upang magamit natin ang mga salitang hiram sa
pakikipagtalastasan; pasulat man o pasalita.
Halimbawa: h. May mga salitang teknikal, siyentipiko at
pantangi na hiniram natin sa iba at ginagamit
balat, sibuyas balatsibuyas
natin.
hampas, lupa hampaslupa
E. PAGLIKHA
dugo, bughaw dugongbughaw ➢ paglinang o pagdedebelop ng wika ayon sa kalikasan
nito
C. PAGLALAPI - idinurugtong ang mga panlapi sa
salitang-ugat. ➢ ang mga ito'y lumilitaw, ginagamitayon sa
pangangailangan ng mga tao at sa katagalan ay
• Ang salitang-ugat-ay mga salitang basal ang anyo o lumilipas din
mga salitang hindi pa nalalagyan ng panlapi; ➢ nagawang lumikha ng tao ng mga katawagan sa iba't
samantalang ang bang paraan na ang layunin ay mapalawak ang
• Ang salitang- maylapi- mga salitang-ugat na nilagyan talasalitaang Filipino
na ng panlapi Mga Halimbawa:
Punlay (sperm)
Hating (telepono)
Miksipat (mikroskopyo)
Lagusnilad (underpass)
Binhisipan (seminar)
Daktinig(mikropono)
D. PAG-ANGKIN/PANGHIHIRAM
Hatidwad (telegrama)
➢panghihiram sa dayuhang wika
Kabilang din sa mga likhang-salita ang mga balbal o
Ayon kay Propesor Florentino H. Hornedo ng Slang sa Ingles. Batay sa riserts ni Salvador (2008)
Pamantasan ng Ateneo, dapat daw ay tawagin itong mahirap masumpungan kung saan nga ba nagmula ang
PAG-AAMPON ng salita at hindi panghihiram; sapagkat, salitang slang o balbal.
ang anumang bagay raw na hinihiram ay sinasauli. Sa
kaso ng ating panghihiram, hindi natin hiningi ang Ayon kay Bulanos (1982) ang salitang balbal ay Tagalog
pagsang-ayon ng bansang pinaghiraman natin; ginamit na bersyon ng Slang. Ang balbal ay salitang Tagalog na
na lang natin ang mga salita nang walang paalam. nangangahulugang grupo ng mga salita na hiniram sa
wikang banyaga na ginagamit ng mga taong may
mababang pinag- aralan.
ANG ISLANG O BALBAL Halimbawa:
➢ informal na wika sa antas ng lenggwahe na ginagamit Banyuhay (Bagong Anyo ng Buhay)
ng tao sa komunikasyon. Tapsilog (Tapa, Sinangag, Itlog)
➢ Subalit, sinuman o anuman ang estado ng tao sa Altanghap (Almusal, Tanghalian,
lipunan ay nakalilikha ng sariling islang. Hapunan)
➢ Tagalog islang ay patuloy sa paglago at pagsibol. Dulawit (Dula at Awit)
Tsinoy (Tsino at Pinoy)
➢ Ang buhay nito ay depende sa kung paano ito nilikha
Sayawit (Sayaw at Awit)
at kung gaano ito kadalas gamitin.
➢ Nagiging usapin pa rin ito hanggang sa kasalukuyan G. PAGPAPARIS NG MAGKASAMA -
ng mga entymologist kung saan at paano na ang Tagalog ➢mga bagay na kapag binanggit ay lagi nang
Slang ay sumibol. magkasama
Mga Halimbawa:
Batay sa kinalabasan sa isang pananaliksik, narito ang
• simula, wakas
mga sumusunod na konklusyon:
• timog, hilaga
1. Bagamat may tatlong grupo ang mga lumilikha
H. PAGPAPANGKAT-PANGKAT/HYPONYM
ng salitang-balbal: taong-kanto, bakla, at mga
konyo, hindi nangangahulugan na ang proseso ➢isinasama sa isang klasipikasyon ang mga salitang
ng kanilang paglikha ay exklusivo sa kani- magkakasing-uri o nagtataglay ng isang katangiang
kanilang pangkat. katulad ng isang batayang salita
2. Masasabing ang proseso ng paglikha ay Mga Halimbawa:
inklusivo sapagkat anuman ang proseso ng SINING: musika, sayaw, pagpipinta, tula, pag-arte,
paglikha ng salitang-balbal ay nagaganap sa pagguhit
anumang uri ng tao: edukado man o hindi, dahil ISPORT: basketball, baseball, sipa, bilyar, volleyball,
dito, bukod sa nabanggit na, may mga chess,
tinatawag na mga tagapagsalitang: MEDISINA: Optalmology, Pedyatriks, Obstetriks,
Surgery, Dentistry,
superior,/inferior, civilizado/di-sivilisado,
barbaro/edukado,di-edukado/pangmasa, I. PAGSISINGKAHULUGAN / SYNONYM
mataas/vulgar, formal/di-formal. Kasingkahulugan- may mga salita na halos pareho ang
kahulugan.
3. May malaking kinalaman sa paglikha ng salita Halimbawa:
ang katangian ng tagalikha sa sarili nitong • magsagupa – mag-away
proseso • mapintog – matambok
4. Batay sa teorya ni Zorc (2000) sa kanyang • supling – anak
Coming to Grips with Tagalog Slang na
nagpapaliwanag sa mga proseso sa pagbuo ng 1. Denotasyon - Karaniwang kahulugan dala ng
mga ito. diksyunaryo o salitang ginagamit sa pinaka karaniwan at
simpleng pahayag.
Halimbawa:
Makunat ang tikoy.
Makunat = mahirap kagatin

2. Konotasyon - pansariling kahulugan ng isang tao o


pangkat. May dalang kahulugang iba kaysa sa
F. PAGHAHALO karaniwang pakahulugan.
Dalawa o higit pang pinaikling mga salita na pinaghahalo Halimbawa:
upang bumuo ng isa pang salitang magtataglay ng Makunat ang taong iyan.
pinaghalong kahulugan ng lahat ng mga salitang Makunat = kuripot
pinaghanguan ng mga pinaikling anyo. Sa paraang ito
walang salita ang ginagamit ng buo
J. PAGGAMIT NG CONTEXT CLUES (PAHIWATIG) -angkop ANG SINING SA PAGSULAT
gamitin sa mga salitang iisa ang kahulugan, di madalas
KAHULUGAN NG PAGSULAT
gamitin, at may kalaliman sa depenisyon.
➢ Madalas na pangunahing ituro at talakayin bilang
K. PAGSASALUNGATAN / ANTONYM isang kasanayang makrong pangwika kaya maaaring
➢ Pagbibigay ng salungat na kahulugan ito’y panghuli ding natututunan.
Kasalungat - Ito ay tumutukoy sa salitang kabaligtarang ➢ Kompleks na gawain sapagkat mabusisi at mahirap
kahulugan ng salita. ang pagsasakatuparan.
➢ Pagbibigay ng salungat na kahulugan -isang prosesong sosyal o panlipunan, ang bunga ng
Mga Halimbawa: interaksyon ng proseso ng mga mag-aaral at produkto
mataba- payat sa sosyo kultural na konteksto na nakakaapekto sa
malinis - marumi pagkatuto. (Dr. Lydia R. Lalunio)
maputi - maitim ➢ pagsasatitik ng anumang simbolo sa kahit anong
mataas – pandak midyum upang maghatid ng mensahe ang isang tao sa
iba
• Gradable (komplimentaryo) – pinahihintulutan nitong
magkaroon ng pagpapahayag ng degree of contrast. ➢ kasingkahulugan ng pagsusulat: pagtatala,
Hal. Lalaki – babae paglilimbag, pagguhit, pagsasatitik
• Non-Gradable (naantas o nasusukat) – hindi ➢ Simbolo ang isininusulat ng tao. Sakop ng simbolo
pinahihintulutan nitong magkaroon ng pagpapahayag ang titik, numero, hugis, bantas at nota. (grapema)
ng degree of contrast. ➢ Ang midyum -tumutukoy sa kung saang kaparaanan,
Hal. Malaki - maliit tsanel, daluyan o daanan naisagawa o naisakatuparan
• Converse Terms (tugunan) – ito ay ang mga salitang ang pagsusulat. (dahon, bato, kahoy, papel, pisara,
magkakasalungat ang kahulugan ngunit magkakaugnay cellphone at laptop)
ito.
Proseso ng Pagsulat
Hal. Bumili – nagbenta
A. Unang Yugto
L. PAGSISINTUNUGAN/HOMOGRAPH - paggamit ng mga
1. Pagpili ng paksa - Pagtatanong sa sarili kung
salitang pareho ng baybay subalit nagkakaiba ng tunog
"Tungkol saan ang isusulat?"
at kahulugan
2. Pag-alam sa layunin ng pagsusulat
Halimbawa:
Layunin - dahilan o rason kung bakit
1. Ang puno ay pinutol ni Mang Benito.
nagsusulat ang isang awtor.
2. Si Ian ay puno sa aming klase.
a. Personal ito kung may layuning
3. Pito silang magkakapatid.
ipahayag lamang ang ating mga naiisip
4. Mahilig maglaro ng pito si Marky.
at nararamdaman. Kilala rin ito bilang
M. Salita na Maraming Kahulugan (Polysemy) ekspresibong pagsusulat.
➢mga salita na iisa ang anyo subalit nagtataglay ng b. Sosyal ang pagsulat kung may layunin
dalawa o mahigit pang kahulugan. itong transaksiyonal. Ibig sabihin, ang
➢Kung babasahin o di kaya’y maririnig natin ang pinatutungkulan ng sulat ay mga taong
salitang kamay, agad na pumapasok sa ating isipan na may mataas na katungkulan sa lipunan
ito’y bahagi ng katawan. Ngunit maaari rin itong o mga pagsusulat na pampropesyonal
magtaglay ng iba’t-ibang kahulgan gaya ng mga at panteknikal.
sumusunod na halimbawa: 3. Pangangalap ng datos
Halimbawa: KAMAY – bahagi ng katawan. Mapaghahanguan ng mga datos:
KAMAY na bakal, mahabang KAMAY, ➢ silid-aklatan
malikot na KAMAY ➢ Personal -mula sa talaarawan, dyornal,
liham at iba pang kaugnayan sa buhay
4. Paggawa ng balangkas - Nagiging maayos
ang pagkakasunod-sunod ng ideya
B. Ikalawang Yugto ➢Ito na ang makinis at malinis na
5. Pagsulat ng borador (Draft Writing) manuskrito.
➢Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy ➢Tiniyak mo na sa prosesong ito na naedit
na hindi isinasaalang-alang ang maaaring nang husto ang buong teksto.
pagkakamali.
C. MGA BAHAGI NG PAGSULAT
➢Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa
paksang sinusulat ay malayang 1. SIMULA/PANIMULA
ipinahahayag ng estudyante. Sa bahaging ito, kailangang mapukaw ang kawilihan,
➢Ang guro ay nakaantabay sa maaaring interes o atensyon ng isang mambabasa. Inihahalintulad
maitulong o tanong na maaaring hingin ng ito sa window shopping / display window
mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain.
Estratehiya sa pagsulat ng mabisang panimula:
➢Matapos maisagawa, maaaring balikan at
suriin ng estudyante ang natapos na sulatin a. Pagkukuwento
upang maaayos at malinaw ang ginagawang ➢ Isang mahusay na panimula ang pagsasalaysay ng
paglalahad. isang kapana-panabik na karanasan ng isang tao.
6. Editing ➢ Maaari ding magamit na panimula ang mga
➢ Kasama na rin sa editing ang pagrerebisa. kuwentong hinango sa mga pabula, alamat, epiko, mito,
➢Ang bahaging ito ay pagwawasto sa anekdota o kaya’y sariling karanasan.
gramatika, ispeling, estruktura ng
b. Sipi o Panghihiram ng Idea mula sa Iba
pangungusap, wastong gamit ng salita,
kapitalisasyon, palabantasan at mga ➢ Hinihiram ang sinabi ng isang kilala at eksperto sa
mekaniks sa pagsulat. kaniyang larangan, (pasalita o pasulat)
➢Sa bahaging ito pinapakinis ang papel ➢ Nagsisilbi itong matatag na pundasyon upang maging
upang matiyak na ang bawat salita at kapani-paniwala ang isinusulat sapagkat ginamitan ng
pangungusap ay naghahatid ng tamang mga pananalita na mula sa isang iginagalang at kilalang
kahulugan. eksperto.
➢Sa pag-eedit, ang mga di-magkaugnay na c. Pagtatanong - Ang pinakamalimit gamitin ng mga
pangungusap ay muling isinusulat upang manunulat, lalo na yaong mga baguhan ang
higit na maipakita ang kaugnay na mga pagtatanong. Maaaring ang tanong na ipinupukol ay
ideya. dapat sagutin o yaong katanungang hindi naman talaga
7. Pagrebisa nangangailangan ng kasagutan. Kapag ang tanong ay
➢Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang hindi naman talaga nangangailangan ng kasagutan,
tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto retorikal na tanong ang tawag dito.
mula sa guro, kamag-aral, editor o mga
d. Depinisyon - May mga pagsulat na sinisimulan sa
nagsuri.
pagpapakahulugan o pagbibigay-katuturan ng isang
➢Pangunahing konsern ng rebisyon ang
konsepto o ideya. Malaking tulong ang ganitong paraan
pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito
ng pagsisimula upang maunawaan kaagad ng
upang suriin ang teksto at nilalaman para
mambabasa ang gamit ng salita sa kabuuan ng pahayag
matiyak ang kawastuhan, kalinawan, at
kayarian ng katha na madaling maunawaan e. Salitaan / Monologo o Diyalogo - Ang salitaan ay
ng babasa. mabisang panggising sa kawilihan at interes ng
➢Sa bahaging ito, iwinawasto ang mga mambabasa. Ang timbre ng boses at paraan ng
inaakalang kamalian, binabago ang dapat pagsasabi ng isang linya ay malaking tulong upang
baguhin, at pinapalitan ang dapat palitan. maagaw ang pansin ng mga tagapakinig at mambabasa
C. Pangatlong Yugto
f. Tula o Awit
8. Pagpasa o paglalathala - huling proseso ng
pagsusulat
➢ Mabisang kasangkapan upang simulan ang isang ➢ Ibayong pag-iisip ng manunulat ang kailangan
pagsulat. Dala ito ng likas na pagiging makata ng mga ➢ Dapat may malawak na kaalaman sa isang paksa
Filipino. ➢ Isaayos ang mga detalye batay sa layunin ng
g. Kasaysayan o Etimolohiya ng Salita - Ang pag-alam sa komposisyon
pinag-ugatan, pinanggalingan o pinagbuhatan ng isang ➢ Isaalang-alang ang tamang gamit ng mga salita at ang
termino o salita ay malaking tulong sa lalong damdamin at diwang nais ihayag
pagpapayabong ng talasalitaan ng isang tao, Dito Estratehiya ng Pagsulat ng Katawan (Bernales et al.)
nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa o (1) Iayos ang datos sa tamang pagkakasunod-sunod.
tagapakinig na makapag-isip at makapaglimi na ang Ibig sabihin, kung ang unang detalye, Iyon ang dapat
bawat salita ay may sariling kasaysayan na dapat mauna at pagsunod-sunurin ang iba pang
alamin, hanapin at tuklasin upang mas ganap na pangyayari.
maunawaan ang konseptong tinutumbok nito higit pa sa (2) Iayos ang datos nang palayo o palapit, pataas o
nakasanayan nang pagpapakahulugan dati rito pababa, at papasok o pababa lalo na kung ang
h. Lantarang Pagsasabi ng Problema teksto ay naglalarawan.
➢ Sa ganitong paraan ng pagsisimula ng pagsulat, (3) Iayos ang datos nang pabuod o mula sa pagbibigay
sinasabi agad ang suliranin bilang paksa. ng espesipikong detalye patungo sa paglalahat.
(4) layos ang datos nang pasaklaw, mula sa panlahat na
➢ Direktahan ang paglalahad ng problema upang
kaisipan tungo sa mga tiyak nadetalye.
malaman agad ng mambabasa o nakikinig kung tungkol
(5) Ihambing ang mga datos, ibigay ang katangiang
saan ang tatalakayin.
magkaiba o kaya'ypagkakapareho.
i. Makatawag -pansing pahayag (6) Iisa-isahin ang mga datos.
➢ Ang mga salita o pangyayaring nakakabigla o (7) Suriin o magbigay-puna mula sa sinabi sa panimula
nakakagulat ay epektibong paraan upang simulan ang
3. Pagwawakas ng Sulatin
isang pagsulat.
Estratehiya:
➢ Makatawag-pansin ang isang pahayag kung ito ay a. Pagbubuod - Ito ay nangangahulugang
kakaiba at bago sa pandinig at panlasa ng mambabasa o pagpapaikli ng mga sinabi sa isang sulatin.
makikinig. Lagom ang iba pang tawag dito. Pag-uulit ng
➢ Tumutukoy rin sa pahayag na di-pangkaraniwan ideyang nasabi na sa pinakamaikling
j. Biro o Paluwang-tawa pamamaraan.
b. Pagbibigay ng Inaasahang Mangyayari
➢ Hindi nakakalimutan ang isang sulating nag-iwan ng
ngiti o saya sa labi ng mambabasa o mga nakikinig. ➢ Ginagamit ito upang magpredik ng
kalalabasan o ng maaaring maganap sa
➢ Mabuting panimula ang pagpapatawa dahil
hinaharap.
magsisilbi itong pangganyak at mahihikayat ang mga
mambabasa o mga nakikinig na ipagpatuloy ang ➢ Nagbibigay-daan ito upang makita ang
kanilang ginagawa. hinaharap at makapaghahanda ang sinuman.
c. Kongklusyon
k. Kasabihan, Kawikaan o Islogan ➢ pinal na sagot sa problemang inilalahad ng
➢ Ang mga pahayag na naglalaman ng talinghaga at pagsulat
lalim ng pag-unawa ay mabuting panimula sa isang ➢ may kaiklian, isang mahalagang katangian
pagsusulat. nito ang pagtataglay o pagkakaroon ng
➢ Nagbibigay ito ng mga karunungang kinakailangang panibagong ideya buhat sa mga nasabi na.
pag-isipang mabuti at mensaheng nagpapatalas ng d. Paghahamon o Pagbabanta - Ang hamon ay
kaisipan. nakakatulong upang kumilos ang mambabasa o
tagapakinig.
L. Balita - Mabisang panimula sa isang pagsusulat ang
Ang wakas na pagsulat na naglalaman ng
isang napapanahong balita.
hamon o banta ay *susukat sa kakayahan ng
2. Katawan ng Isang Sulatin
isang tao na gawin, abutin o lagpasan pa ang 2. Teknikal na pagsulat
pananagutang nakaatang sa kaniyang balikat ➢ Uri ito ng pagsulat na may mahigpit na
e. Rekomendasyon pormat na sinusunod.
➢ Walang katapusan ang pagkatuto at pag- ➢ Madalas na isinusulat ito sa antas-
aaral sa buhay ng tao kaya malaking tulong ang propesyonal.
pagbibigay-mungkahi upang magsikhay sa Mga Halimbawa:
lalong pagpapaibayo ng buhay. ✓ Liham-aplikasyon
➢ Nakatutulong ang pagwawakas sa ✓ resume
pamamagitan ng rekomendasyon sapagkat mga ✓ Resolusyon
kongkretong pundasyon, hakbang at gabay ito
✓ katitikang pulong
upang maisakatuparan nang mas mainam ang
✓ Memorandum
isang layunin
3. Journalistic na Pagsulat
f. Sipi na maaaring kasabihan, paniniwala o
➢ Sa aklat ni Bernales et.al. (2002),
katotohanan
Uri ng pagsusulat batay sa layunin.
➢ Ang panghihiram ng idea sa pagwawakas ng
1. jornal bilang pang-araw-araw na talaan ng
isinusulat ay isang magandang halimbawa na
mga karanasan.
nagbabasa, nagsasaliksik, at mulat sa
2. jornal bilang gamit sa pamahayagan.
mahahalagang pangyayari ang isang manunulat.
➢ Madalas na mababasa sa mga pahayagan o
➢ Nakatutulong ito upang mas maging kapani-
diyaryo. Kabilang sa uring ito ng pagsulat ay:
paniwala ang kaniyang mga isinusulat.
✓ editoryal
➢ Maiuugnay ng manunulat ang kaniyang
✓ lathalain
kaisipan sa iba pang kaisipan na lalong
magpapalinaw ng kaniyang mensahe. ✓ balita
g. Tula o Awit o Panalangin ✓ balitang isports
➢ Kung nagagamit bilang umpisa ng pagsulat Editoryal
ang tula o awit, maaari din itong gamitin bilang ➢ Nagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro ng pahayagan
panapos nito.
sa pamamagitan ng pagpapaliwanag o paglalahad ng
➢ Ang anumang tula o awit ay laging may isyu sa paraang madaling unawain at malinaw para sa
kakabit na talinghagang tumutulong upang mga mambabasa.
mag-isip ang mambabasa nang malikhain, ➢ Dito nagbibigay ng tala, ng pagpanig o pagsalungat sa
kritikal at mapagnilay. isyu o pagbibigay-halimbawa ng sumulat.
MGA URI NG PAGSULAT 4. Reperensiyal na Pagsulat
1. AKADEMIKONG PAGSULAT ➢ Ito ang pagsulat na nagsisilbing hanguan ng
➢ Ito ay isang masinop at sistematikong iba pang ideya.
pagsulat ➢ sulating maaaring magbigay ng tiyak na
➢ ukol sa isang karanansang panlipunan na patunay mula sa mga sinasabi sa isinusulat ng
maaaring maging batayan ng marami pang pag- tao.
aaral na gagamit nito sa ikatataguyod ng ➢ Binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang
lipunan. ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang
Kabilang dito ang pagsulat ng: pinaghanguan niyon (parentetikal, talababa)
✓ ulat-aklat (book report) para sa sinumang mambabasa na nagnanais na
✓ repleksiyon sa paksang tinalakay sa klase sumangguni sa reperensyang tinukoy
✓ panunuring pampanitikan ➢ Naglalayong magrekomenda ng iba pang
✓ rebyu ng pelikula sanggunian hinggil sa isang paksa
Halimbawa:
✓ tesis
✓ Talababa (footnote)
✓ disertasyon
✓ kaugnay na literatura at pag-aaral
✓ sanggunian ➢ Kumpara sa internet, mas mapagkakatiwalaan ang
✓ bibliyograpiya aklat sapagkat may pangalan ito ng mga sumulat nito.
✓ apendiks Ibig sabihin, may mananagot at kayang manindigan sa
5. Propesyonal na Pagsulat mga impormasyong mababasa sa libro.
➢ Ito ay mga pagsulat na ginawa sa kani- 4. Ensiklopedya
kaniyang trabaho o disiplina. ➢ Makapal na libro na naglalaman ng maraming
6. Malikhaing Pagsulat bolyum tungkol sa espesipikong paksa o kaalaman.
➢ Ito ang uri ng pagsulat na sangkot ang ➢ Mamahalin ang uring ito ng sanggunian subalit tiyak
pagkakaroon ng mayamang hulagway ng isang na malaman ang pagtalakay rito sa anumang napiling
tao. Kailangan dito ng isang malikot na paksang inilathala.
imahinasyon.
➢ Paalpabeto rin ang pagkakaayos
➢ Layunin nitong palutangin ang kasiningan ng
➢ karaniwang nilalaman nito ang mga kakatwa o
isang akda.
pambihirang pangyayari sa buhay ng tao at sa daigdig.
Mga halimbawa:
✓ Bugtong (RIDDLES) 5. Atlas
✓ salawikain (PROVERBS) ➢ mga impormasyong may kinalaman sa lugar o tiyak
✓ Tula (POEM) na bansa.
➢ Naglalaman ito ng mga larawan, hugis o sukat ng
E. ANG PAGSULAT NG RESUME isang lugar na nais mong puntahan.
Formats of resume:
➢ Para ito sa mga taong mahilig maglakbay.
1. Chronological
➢ Makikita rito ang tiyak na lokasyon ng iba’t ibang
2. Functional
pasyalan at tanawin
3. Hybrid
➢ iba't ibang anyo ng tubig at lupa kasama na ang sukat
F. MGA MAPAGSASANGGUNIAN SA PAGSULAT kung gaano ito kalawak o kakitid.
1. Diksiyonaryo
6. Tesis
➢ Hindi mapasusubaliang napakahalaga ng
diksiyonaryo upang malaman ang tamang baybay o ➢ Sa tesis kinukuha ang mga kaugnay na literatura sa
ispeling mga isinusulat. isang pananaliksik.
➢ Tinatawag din itong talatinigan o talahuluganan. ➢ Ang kaugnay na literatura ay pangalawang bahagi sa
paggawa ng isang pananaliksik. (kab. II)
➢ Nakaayos dito ang mga entring salita sa
paalpabetong pagkakasunod-sunod ➢ ito ay mga naunang pag-aaral at magbibigay-linaw sa
isang paksang isinusulat.
2. Internet
7. Disertasyon
➢ Ang internet ang isa sa pinakamabilis na
mapagkukunan ng impormasyon sa pagusulat. ➢ Mataas na uri ng pagsusulat.
➢ Ito ay hango sa pinaikling "internet working.“ ➢ Ginagawa na ito ng mga nag-aaral sa antas
doktorado.
➢ Kailangan dito ng kompyuter o anumang gadget
upang ito ay magamit. ➢ Kaiba sa tesis, sa disertasyon, gumagawa ang mga
mananaliksik ng sariling teorya.
3. Aklat ➢ pinal na kahingian upang makapagtamo na digring
➢ May mga tagapaglathala ang bawat libro na siya ring doktorado
kaakibat sa anumang pananagutan ukol sa nilalaman
nito. Higit sa lahat, ang libro ay may mga editor na 8. Pahayagan
nagpapakinis upang lumabas ito nang malinis at malayo ➢ Makakatulong upang magkaroon ng batayan ang
sa mga tipograpikong pagkakamali. mga isinusulat lalo na sa mga napapanahon at maiinit
➢ Pinakamabisang hanguan ng impormasyon sa na isyung pinag-uusapan ng bayan.
anumang pagsusulat. ➢ arawang lumalabas sa sirkulasyon upang mabasa ng
publiko.
➢ Karaniwang naglalaman ng mga balitang
internasyonal, nasyonal at local

9. Journal
➢ Maaaring referred o hindi ang isang journal.
➢ Ito ay kalipunan ng mga pag-aaral na pinaikling
bersiyon.
➢ Maaaring mula sa tesis at disertasyon na muling
inilalathala upang itampok lamang ang mga
pinakamahalagang bahagi.
➢ Mga sanaysay ito na bunga ng mga pananaliksik
tungkol sa isang partikular na paksa

10. Almanake
➢ Kalendaryo ito ng mga araw sa isang taon na
kinatatalaan ng mga oras ng iba't ibang pangyayari at
katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog
ng araw, pagbabago ng buwan atbp.
➢ Makakatulong ito sa pagsusulat tungkol sa partikular
na kasaysayan ng isang bansa o lugar.
➢ Makikita rin dito ang mga prominenteng tao at ang
mga kasaysayang nag-iwan ng tatak o marka sa isang
lahi o lipi.

You might also like