You are on page 1of 12

Mga saligan sa pagsulat

ng akademikong pagsulat
PAANO SUMULAT?
mga elemento sa pagsulat
A paksa
- Ang pagsusulat ay isang proseso ng imbensiyon.
B layunin
- Pansariling Pagpapahayag, ito ay may layuning
magsulat o magtala ng mga bagay na naririnig, nakita, o
nabasa.
- Pagbibigay ng Impormasyon, layuning magpaabot ng
mensahe, balita, magpaliwanag, magpayo, mangatwiran,
o makiusap.
- Malikhaing Pagsulat, ito ay ang imahinasyon ng
manunulat.
C mambabasa D wika

- Dapat isaisip ng - Mahalaga sa


isang manunulat na pagsusulat ang
may nagaganap na kakayahang gumamit
interaksiyon sa ng wika.
pagsusulat.
Ang Proseso
ng pagsulat
AYon kina stephen mcdonald at william Salomone, mga may
akda ng isang serye ng batayang aklat sa pagsulat at
pagbasa, may tatlong pangunahing bahagi ang proseso ng
pagsulat- bago magsulat, habang nagsusulat, at pagkatapos
magsulat.

bAGO magsulat
1
- Bago magsulat, naghahanda ang manunulat sa pangangalap ng
ideya o impormasyon tungkol sa paksang naisisulat.

2 habang nagsusulat
- Dalawang proseso ang nakapaloob sa gawaing ito:
A Pagsulat ng burador

- ito ay aktuwal na pagsulat nang malaya at tuloy-tuloy na hindi


muna isinasaalang-alang ang gramatika, estruktura, at wastong
porma ng pagsulat.

B Muling pagsulat
Rebisyon, Sa yugto ito binibigyan-pansin ang mga bagayna
dapat ayusin.

Pagwawasto, Kabilang dito ang pagwawasto ng baybay,


estrukturang pambalarila , at paggamit ng bantas at malaking titik.

3 PaGKATAPOS MAGSULAT
- Matapos ang rebisyon at pagwawasto, tinatantiya ang bisa ng
akdang isinusulat sa pamamagitan ng pagbabasa nito sa klase,
pagtalakay sa mga isinusulat, at iba pa.
mga bahagi ng
teksto
anumang Teksto o akda ay karaniwang nagtataglay ng
tatlong mahahalagang bahagi:

1 Panimula
- Ang panimula ang introduksiyon ng sulatin. Karaniwan itong nagsisimula
sa isang pangkalahatang pangungusap tungkol sa paksa.

2 Katawan
- Sa bahaging ito isinasaad ang nilalaman ng teksto. Dalawang
bagay ang kailangan sa pagbubuo ng gitnang bahagi o katawan:
ang pagsasama-sama ng mga kaisipang magkakasing-uri at
paghahanay ng mga kaisipan sa isang makatwirang pagkakasunod-
sunod.
3 WAKAS O KONGKLUSYON
- Ang teksto ay nagwawakas sa kongklusyon.
Ang kongklusyon ang pagpapahayag ng mga
katibayan at pangangatwiran sa isang
teksto.
mga katangian ng
maayos na teksto
kaisahan A

- ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisa pokus ng buong nilalaman


ng teksto.
B kaugnayan
- ay tumutukoy sa pagkakaugnay ng lahat ng kaisipang isinasaad
ng isang teksto.
kalinawan C
- makikita ito kung naiintindihan ng mambabasa ang nais
ipahayag ng manunulat

D bisa
- ay nakasalalay sa malinaw na pagpapahayag ng layunin sa
panimula.
mga pamamaraan upang makaroon ng
kaisahan, kaayusan, at kaugnayan ang
teksto
A paggamit ng mga panghalip

1 Anapara ay panghalip na ginagamit na


pananda ng pangngalang pinalitan sa
unahan.
Katapora ay panghalip na ginagamit bilang
2
pananda sa pangngalang pinalitan sa hulihan.

paggamit ng mga pananda para maipakita ang


B maayos na ugnayan ng mga ideya at
pangungusap sa isa't isa
1 Ugnayang Hambingan ay mga panandang
ginagamit sa mga tekstong naglalarawan.
2 Ugnayang Pagpapalit ay tumutukoy sa pangkat ng
mga bagay na inilalarawan o nais bigyang-tuon.

3
Pagkakaugnay ay tumutukoy sa pagbibigay-
kahulugan ng pagkakaugnay ng dalawang sugnay
o mga sugnay na naglalarawan.
paggamit ng mga panandang
C nagbibigay-linaw sa mahihirap na
bahagi ng teskto
1. Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-
sunod ng pangyayari o gawain.
2. Panandang naghuhudyat ng paraan ng
pagkakabuo ng diskurso.
3. Pananda ng pagbabagong lakad.
4. Panandang nagpapakita ng pagtitiyak.
5. Panandang nagpapakita ng paghahalimbawa.
6. Panandang nagpapakita ng paglalahat.
7. Panandang nagpapakita ng pagbibigay-pokus.
8. Panandang naguhudyat ng pamamagitan ng
may-akda.

You might also like