You are on page 1of 16

GABAY SA PAGSUSURI NG PAHAYAGANG PANGKAMPUS

Pahina ng Isports

Pamantayan Kakiki Hindi Paglalarawan


taan Kakiki
taan
Paksa ( Ayon kay Tolentino, 2014)
 Gumagamit ng impormasyon / sa 10 balita mula sa pahina ng
hango sa panayam o siniping-sabi isports ay makikita na gumamit
mula sa mga nanalo o natalong ng mga impormasyong hango
koponan. sa panayan:

1. mayroong mga siniping


pahayag mula sa mga
manlalaro at coaches nito.
2. Upang higit na
mapansin ay gumamit ng mga
panipi sa mga pahayag.
 Naglalaman ng mga tiyak na / Sa paghabi ng pahina ay
impormasyon at pangyayari gumamit ng mga tiyak na
patungkol sa isports. (Hal. Iskor, numero na nagpapakita ng
pangalan ng koponan, manlalaro, iskor at mga porsyento ng at
etc.) performans ng mga manlalaro.
 Gumagamit ng mga pang-isports / Marami ang isports jargons sa
na jargon ng mga salita. bawat balita. Iba’t ibang uri ng
isports ang nakapaloob sa
pahina:
1. inasintang pilit
2. Dinagit sa koponan
3. Buo ang Haraya
 Inilalahad ang mga teknikal na / Gumamit din ng teknikal
konseptong pang-isports na jargons sa isports ang mga
madaling maunawan ng mga balita. Ito ay masasalamin sa
mambabasa. bawat balita sa pahinang ito
depende sa isports na nilalaro
ng kanilang binabalita. Ito ang
mga sumusunod:
1. FIBA
2. block(Basketball)
3. Fadaway
4.
 Gumagamit ng mga maaksyong / Maaksyon ang mga larawang
larawan na kuha mula sa mga inilagay sa bawat balita ng
larong ibinalita. pahina ng isports makikita ito
sa pamamagitan ng:
1. ekspresyon ng muka.
2. aksyong larawan
(Kakikitaan ng mga larawan
habang naglalaro)
Estruktura ng Wika
Semantika
 Gumamit ng konotatibong / Hindi kinakitaan ng
pagpapakahulugan ng mga salita konotatibong mga salita ang
pahina ng isports
 Gumamit ng denotatibong / Halos lahat ng mga salitang
pagpapakahulugan ng mga salita ginamit ay denotatibo o galing
sa diksyunaryo.
Sintaksis
 Gumamit ng karaniwang ayos ng /
pangungusap.
 Gumamit ng di-karaniwang ayos / Maaksyon ang lahat ng simula
ng pangungusap. ng mga pangungusap. Halos
lahat ay nagsisimula sa
pandiwa.
Gamit ng Wika
(Ayon kay Jacobson, 2013)
 Gumagamit ng pormal na antas ng /
wika
 Gumagamit ng impormal na antas / Kakikitaan ng impormal na
ng wika salita sa bawat balita.
Maraming ginamit na hiram na
wika na hindi isinalin sa
katumbas na wikang Filipino.
Mapapansing pinanatili lamang
ang mga hiram na wikang
nakapaloob dito.
 Ginagamit ang wika upang mag- / Sa pahina (15) “Hindi na Dapat
utos, manghikayat, o magpakilos Maulit” na isinulat ni Bagwis.
ng taong kinakausap Kakikitaan ng panghihikayat at
pagpapakilos sa lahat ang
karanasan ni Obiena ay
maging aral sa lahat.
 Ginagamit ang wika upang / Kakikitaan din ng
palutangin ang karakter ng pagpapalutang ng karakter ng
nagsasalita. nagsasalita sa pamamagitan
ng pagkuha ng mga tiyak na
pahayag ng bawat manlalaro.
 Ginagamit ang wika bilang /
panimula ng isang usapan o
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
 Ginagamit ang wikang nagmula / Hindi kakikitaan ng mga wikang
sa aklat at iba pang babasahin nagmula sa aklat o mga
bilang sanggunian o batayan ng sanggunian dahil ang mga
pinagmulan ng kaalaman. salita at impormasyon ay
naaayon lahat sa kabuuang
pangyayari sa laro o isports na
ibinalita.
 Ginagamit ang wika sa / Sa pahina (15) nagbigay ng
pamamagitan ng pagbibigay ng tiyak na panukala ang balita sa
komentaryo sa isang kodigo o pamamagitan ng pahayag ng
batas. Philippine Olympic Sports. Sa
pamamagitan ng suspension ni
Obiena.
 Ginagamit ang wika sa masining / Hindi kakikitaan ngmga
na paraan ng Pagpapahayag masisining na pahayag ang
gaya ng panulaan, prosa, mga balitang isports na sinuri.
sanaysay, at iba pa.
Ortograpiya ng Wika
(Ayon sa KWF Manwal, 2014)
 Sumusunod sa wastong tuntunin / Kung ano ang bigkas siyang
sa pagbabaybay. sulat. Ito ang naging batayan
sa pagbabaybay sa isports
palita.
 Sumusunod sa wastong tuntunin / Tumugon sa wastong
sa pagbabantas. tuntuninsa pagbabantas,
guamit ng ga sumusunod:
1. Panipi
2. Kuwit
3. Tutuldok
4. kuwit-tuldok
 Wastong paggamit ng mga hiram / Hindi kakikitaan ng consistency
na salita at jargon. ang paggamit ng hiram na
salita. May mga bahaging
isinalin sa katumbas na salin sa
wikang Filipino ngunit higit na
marami ang nagpanatili ng mga
salitang hiram.
Estilo
(Ayon kay Tolentino, 2014)
 Sumusunod sa tuntunin at estilo / Kakikitaan na ang pahina ng
ng pagsulat ng pahinang isports ay sumunod sa tuntunin
pampalakasan. at istilo sa pagsulat.
1. Nasagot ang ASSKPB
(Ano, sino,saan, kalian at
paano)
2. Naglagay din ng mga
tiyak na pahayag mula sa mga
taong naglaro at coached ng
koponan.
3. Masasalamin din ang
kabuuang iskor ng bawat
koponan sa laro at ang average
ng kabuuang performans ng
bawat manlalaro.
 Gumagamit ng kakaiba at / Ang mga pamagat ng pahinang
nakakabighaning pamagat sa isports ay kakikitaan ng
pahinang pampalakasan maaksyong mga salita.
 Gumagamit ng angkop na mga / Gumamit ng mga angkop na
salita at termonolohiya sa artikulo salita at terminolohiya ang mga
artikulo batay sa mga isports
na binalita.

Pangkalahatang Obserbasyon
Sa kabuuan ang nilalaman ng pahina ng isports ng pahayagan ay pabalita at
palathalain. Ang pahina ng Isports ay naglalaman ng sumusunod:

Paksa

1. Gumamit ng mga tiyak na impormasyon mula sa siniping pahayag mula sa mga


manlalaro at coaches nito.
2. Masasalamin ang istadistika at tiyak na mga impormasyon mula sa isports.
3. Malaking tulong din ang mga maaksyong larawan mula sa balitang isports.
4. Malinaw ang paggamit ng mga isport jargons ng bawat artikulo sa magkakaibang
isports.

Estruktura ng Wika

1. Gumamit lamang ng karaniwang ayos ang na pangugnusap ang mga artikulo.


Ortograpiya

1. Gumamit ng mga pormal na wika ang mga artikulo ngunit may iilang mga hiram na
salitang hindi naisalin sa sa wikang Filiipino. Hiniram ng direkta ang mga salita sa bawat
artikulo.

2. Tumugon sa wastong tuntunin sa pagbabantas, gumamit ng sumusunod, Panipi,


Kuwit, Tutuldok at kuwit-tuldok kuwit.
3. Hindi kakikitaan ng konsistensi ang panghihiram ng mga salita sa artikulo.
Gamit ng Wika
1. Gumamit ng pormal na antas na wika ang lahat ng artikulo
Estilo
1. Pormal at hindi maligoy ang estilo na ginamit.

2. Maaksyon din ang simula at gamit ng wika ng mga ito. Sa pagsusuri halos gumamit
ng pandiwa ang mga artikulo.
GABAY SA PAGSUSURI NG PAHAYAGANG PANGKAMPUS
Pahinang Lathalain

Pamantayan Kakikitaan Hindi Paglalarawan


Kakikitaan
Paksa ( Ayon kay Tolentino, 2014)
 Nagpapabatid ng mga  May apat na akdang
pangyayari at aral sa pang-araw- matatagpuan sa pahinang
araw na karanasan sa buhay. lathalain. Ang apat na ito ay
makatotohanan at nangyayari
sa tunay na buhay.

 May tonong manlibang sa  Ang mga akda sa ilalim ng


paggamit ng tayutay na lathalain ay gumagamit ng
nakapagpapaisip sa masining na pagpapahayag o
mambabasa. retorika upang mas mabigyan
pa ng kulay ang akda.

 Nakabubuo ng imahe ng  Naglalaman ito ng imagery


maganda at positibong kaisipan. kung saan ang mambabasa ay
nakakabuo ng imahen sa
isipan tungkol sa mga akdang
nagdadala ng inspirasyon.

 Namumuna sa mga bagay na sa  Ang lahat ng akda partikular na


tingin mo ay dapat bigyan ng ang pangatlo at pang-apat ay
pansin ng pamahalaan at tumatalakay sa epekto ng
magbigay opinyon sa mga inflation at pagtaas ng presyo
saliwang paniniwala ng lipunan. ng langis at karanasan ng
isang mamayang Pilipino sa
Martial Law.

 Makapagbigay ng inspirasyon ng  Ang lahat ng akda sa ilalim ng


sa simpleng Juan at Juana na pahinang lathalain ay
makababasa upang sila mismo naghahatid ng inspirasyon sa
ay makaisip ng paraan ng mga mambabasa patunay ang
pagbabago sa tulong ng sulatin. mga sumusunod na pahayag:
 Ang kabiguan ng
kasalukuyan ay hindi
mapipigilan ang
tagumpay ng
kinabukasan.
(Mula sa Siwang ng
Pangarap: Ang
Kuwento ng Unang
Abogado)
 Sipag lang. ‘Di bale
nang ‘di matalino,
basta’t masipag.
(Aba! Abe na si Alvin!)
 Ang kalbaryo sa langis
ay hindi sapat na
balakid upang siya’y
mawalan ng Liwanag.
(Traysikel: Ang Pag-
usad ni Aeron sa
Karimlan)
 Isang tagpo na siyang
nagpanumbalik sa
demokrasya na
matagal na ipinagkait
sa mga Pilipino.
(Martial Law sa Mata
ng Historyador)
Estruktura ng Wika
Semantika
 Gumamit ng konotatibong  Kombinasyon ng konotatibo at
pagpapakahulugan ng mga salita denotatibong
 Gumamit ng denotatibong  pagpapakahulugan ng mga
pagpapakahulugan ng mga salita salita ang ginamit sa apat na
akda.
Sintaksis
 Gumamit ng karaniwang ayos ng  Kombinasyon ng karaniwan at
pangungusap. di-karaniwang ayos ang
 Gumamit ng di-karaniwang ayos  ginamit sa apat na akda.
ng pangungusap.
Gamit ng Wika
(Ayon kay Jacobson, 2013)
 Gumagamit ng pormal na antas  Pampanitikan at pambansang
ng wika antas na wika ang ginamit sa
mga akda.
 Gumagamit ng impormal na  Hindi gaanong kakikitaan ng
antas ng wika mga impormal na antas ng
wika ang mga akda sapagkat
pormal na antas ang ginamit
ng mga ito.
 Ginagamit ang wika upang mag-  Nanghihikayat ang mga
utos, manghikayat, o akdang ito sa pamamagitan ng
magpakilos ng taong pagbibigay ng inspirasyon na
kinakausap maaaring makatulong at
sundin ng mga mambabasa.
 Ginagamit ang wika upang  Pakikipanayam ang
palutangin ang karakter ng pamamaraan ng manunulat sa
nagsasalita. pagbuo ng akda. Lumulutang
ang pagiging matatag at
masipag na karakter sa akda.
 Ginagamit ang wika bilang  Ang apat na akda ay
panimula ng isang usapan o nakikipagkomunikasyon at tila
pakikipag-ugnayan sa kapwa. ay nakikipag-usap sa mga
mambabasa.
 Ginagamit ang wikang nagmula  Naglalaman ang mga akdang
sa aklat at iba pang babasahin ito ng reperensya o
bilang sanggunian o batayan ng sangguniang galing sa mga
pinagmulan ng kaalaman. babasahin tulad ng mga batas,
balita at iba pang datos.

 Ginagamit ang wika sa  Ang apat na akda ay batay sa


pamamagitan ng pagbibigay ng tunay na karanasan ng
komentaryo sa isang kodigo o mamamayan na naglalahad ng
batas. saloobin at hamon sa buhay.
Partikular na rito ang pangatlo
at pang-apat na akda kung
saan nakapokus ito sa
komentaryo ng persona sa
pagtaas ng presyo ng langis at
inflation at ang batas-militar.
 Ginagamit ang wika sa masining  Pasanaysay ang ginamit na
na paraan ng Pagpapahayag paraan ng manunulat sa
gaya ng panulaan, prosa, paglalahad nito. Ginamitan din
sanaysay, at iba pa. ang mga akdang ito ng
retorika.

Ortograpiya ng Wika
(Ayon sa KWF Manwal, 2014)
 Sumusunod sa wastong tuntunin  Sa pagkalahatan, kakikitaan
sa pagbabaybay. ang apat na akdang ito ng
wastong pagbaybay ng mga
salita ngunit mayroong
kakaunting tipograpikang
pagkakamali gaya ng noya/nya
(niya), bese (beses).
Mayroon ding pagkakamali sa
paggamit ng gitling tulad ng
iba’t-iba (iba’t iba).
 Sumusunod sa wastong tuntunin  Wasto ang pagbabantas sa
sa pagbabantas. mga akda.
 Wastong paggamit ng mga hiram  Konsistent ang paraan ng
na salita at jargon. paggamit ng hiram na salita sa
mga akda lalo na ang mga
salitang walang katumbas sa
wikang Filipino.
Estilo
(Ayon kay Tolentino, 2014)
 May sari-saring estilo na  Tuluyan at sa pamamaraang
maaaring maging tuluyan o pagkukuwento ang paraan ng
patula paglalahad sa akda.
 Gumagamit ng persona sa  Pangatlong panauhan ang
lathalain (una, pangalawa o ginamit sa apat na akdang
pangatlong panauhan) matatagpuan sa pahinang
lathalain.
 Gumagamit ng mainam at kahali-  Gumamit ang mga manunulat
halinang pamagat ng kahali-halinang pamagat
upang makakuha ng atensyon
ng mga mambabasa.
 Mula sa Siwang ng
Pangarap: Ang
Kuwento ng Unang
Abogado
 Aba! Abe na si Alvin!
 Traysikel: Ang Pag-
usad ni Aerons a
Karimlan
 Martial Law sa Mata ng
Historyador.

Pangkalahatang Obserbasyon

Sa kabuoan, ang pahinang lathalain ng pahayagang pangkampus na Sinag Haraya ay


kakikitaan ng limang pamantayan ng pagsusuri, sa paksa, estruktura ng wika, gamit ng wika,
ortograpiya at estilo ng pagsulat.

PAKSA
Kadalasang paksa sa pahinang lathalain na makikita sa Sinag Haraya ang mga kuwento
ng indibidwal na nagbibigay ng inspirasyon sa mga mambabasa na nagtataglay ng retorika.

ESTRUKTURA NG WIKA
Ang mga akda ay inilahad sa masining na pamamaraan kaya ang mga ito ay kakikitaan
ng kombinasyon ng konotatibo at denotatibong pagpapakahulugan, gayundin ang karaniwan at
di-karaniwang ayos ng pangungusap.

GAMIT NG WIKA
Ang mga akda ay kakikitaan ng pampanitikan at pambansang antas ng wika. Lahat din
ng gamit ng wika ay makikita rin sa mga akda sa ilalim ng pahinang lathalain. Ito ay dahil mas
malaya ang manunulat sa paglalahad ng kanyang akda upang makapagbahagi ng
impormasyon at makapagbigay ng inspirasyon sa kanyang mga mambabasa. Maliban sa
pakikipanayam ng isang indibidwal, naglalahad din ang manunulat ng pansuportang datos o
reperensya upang mas maging kapani-paniwala ito.

ORTOGRAPIYA
Nagkaroon ng tipograpikong pagkakamali sa mga salitang noya/nya (niya), bese
(beses). Mayroon ding pagkakamali sa paggamit ng gitling tulad ng iba’t-iba (iba’t iba). Sa
pangkalahatan, ito ay kakaunting pagkakamali lamang at nasunod pa rin ang mga alituntunin sa
ortograpiya.
ESTILO
Masining ang pagkakalahad ng akda sa tuluyan o prosang pamamaraan.
Pakikipanayam sa isang indibidwal ang pangunahing pamamaraan ng pagkalap ng datos at
detalyeng siyang gagamitin ng manunulat kung saan sinasabayan ito ng masining na
pamamaraan ng pagsulat o retorika na mas nagpapatibay sa imahen na nais mabuo ng
manunulat sa isipan ng mga mambabasa. Ito ay para sa layuning makapagbigay ng
impormasyon at inspirasyon sa mga babasa nito.

GABAY SA PAGSUSURI NG PAHAYAGANG PANGKAMPUS


Pahinang Editoryal

Pamantayan Kakikitaa Hindi Paglalarawan


n Kakikitaan
Paksa ( Ayon kay Tolentino, 2014)
/ Malinaw, tiyak, mahalaga,
 Naglalahad ng malinaw, makabuluhan at
tiyak, mahalaga, napapanahon ang paksa o
makabuluhan at isyu subalit may ilang
napapanahong paksa / editoryal na hindi na
isyung panlipunan napapanahon ang paksa
 Naglalaman ng matibay na / Naglahad ng matibay na
punto de bista tungkol sa punto de bista na
paksa pinatunayan ng datos
mula sa isang sanggunian.
 Matibay na ipinahayag ang / Litaw na ang mga
mga argumento na argumento ay
suportado ng mga sinupurtahan ng mga
halimbawa o ebidensiya halimbawa o ebidensiya.
 Nakapanghihikayat o / Ang mga artikulo ay may
nakaiimpluwensiya sa mga layuning manghikayat at
mambabasa makaimpluwensiya
 Gumagamit ng mga batayan / Ang mga datos na inilahad
o ebidensiya mula sa iba't ay mula sa estadistika at
ibang sanggunian, pag-aaral.
estadistika at mga pag-aaral
Estruktura ng Wika
Semantika
 Gumamit ng konotatibong / May konotatibong
pagpapakahulugan ng mga pagpapakahulugang
salita ginamit sa mga editoryal
sa pahayagan.
 Gumamit ng denotatibong / Karamihan sa detalye ay
pagpapakahulugan ng mga denotatibo ang
salita pagpapahayag ngunit may
ilang pangungusap na
ipinahayag sa paraang
konotatibo.
Sintaksis
 Gumamit ng karaniwang / May mga pangungusap na
ayos ng pangungusap. nauuna ang panaguri
kaysa sa simuno.
 Gumamit ng di-karaniwang / May mga pangungusap
ayos ng pangungusap. naman na nauuna ang
simuno kaysa panaguri.
Gamit ng Wika
(Ayon kay Jacobson, 2013)
 Gumagamit ng pormal na / Gumamit ng pambansa at
antas ng wika pampanitikan ang sinuring
editoryal.
 Gumagamit ng impormal na / Walang impormal na
antas ng wika wikang ginamit
 Ginagamit ang wika upang / Ang artikulo ay
mag-utos, manghikayat, o nagpapakita ng
magpakilos ng taong panghihikayat, pag-uutos
kinakausap at magpakilos sa mga
mambabasa.
 Ginagamit ang wika upang / Hindi nakakitaan ng
palutangin ang karakter ng karakter na nagsasalita o
nagsasalita. buhay ang editoryal.
 Ginagamit ang wika bilang / Hindi ginamit ang wika
panimula ng isang usapan o bilang panimula ng isang
pakikipag-ugnayan sa usapan o pakikipag-
kapwa. ugnayan sa kapwa.
 Ginagamit ang wikang / Maraming datos at
nagmula sa aklat at iba ebidensiya ang ginamit sa
pang babasahin bilang editoryal.
sanggunian o batayan ng
pinagmulan ng kaalaman.
 Ginagamit ang wika sa / Ginamit ang wika sa
pamamagitan ng pagbibigay pagbibigay komentaryo sa
ng komentaryo sa isang isang kodigo o batas. Sa
kodigo o batas. isang editoryal ginamit ang
DepEd Order No. 20 at
House Bill No. 8621
 Ginagamit ang wika sa / Direkta ang pagkakalahad
masining na paraan ng ng mga ideya at datos sa
Pagpapahayag gaya ng editoryal.
panulaan, prosa, sanaysay,
at iba pa.
Ortograpiya ng Wika
(Ayon sa KWF Manwal, 2014)
 Sumusunod sa wastong / Sumunod sa tuntunin sa
tuntunin sa pagbabaybay. pagbabaybay ngunit may
mga ilang kamalian ang
mga Nakita pagdating sa
mga sumusunod:
- Kwento na dapat ay
kuwento
-may isang pangungusap
na mali ang paggamit ng
"nang"
 Sumusunod sa wastong / Malinaw na nasunod ang
tuntunin sa pagbabantas. mga pangunahing
pagbabantas katulad ng
tuldok, kuwit, gitling,
gatling.

Mali ang paggamit ng


gatlang, dapat ay mas
mahaba kaysa sa gitling
dahil ito nagsasaad ng
pagpapatuloy
- 13-17 (dapat ay mas
mahaba)
-2023-2024 (dapat ay mas
mahaba)
 Wastong paggamit ng mga / Nagkaroon ng
hiram na salita at jargon. panghihiram sa ibang
salita.
Estilo
(Ayon kay Tolentino, 2014)
 Sumusunod sa tuntunin at / May layunin, punto de
estilo ng pagsulat Editoryal bista at mga batayan ang
datos ang editoryal
 May magana at / May mga pamagat na
makapanawag-pansin na kakaiba ngunit may mga
pamagat pamagat ni di-
masiyadong nakabibighani
 Gumagamit ng angkop na / Angkop ang mga salitang
mga salita at terminolohiya ginamit sa bawat editoryal
sa artikulo dahil naayon ang lahat ng
salita sa paksa ng bawat
artikulo. Malinaw rin na
nailahad ang kahulugan at
konsepto nito.

Pangkalahatang Obserbasyon:

Paksa
1. Ang ibang paksa ng mga editoryal ay makabuluhan at napapanahon subalit ang iba ay
hindi na napapanahon. Marahil siguro sa petsa ng pagkakasulat ng editoryal.

Estruktura ng Wika
1. Ang pagpapahayag sa mga pangungusap ay sa paraang denotatibo at konotatibo ngunit
mas lamang pa rin ang pagpapahayag na denotatibo.
Ortograpiya
1. Tama ang pagbabaybay ng mga salita, mali lamang ang paggamit ng gatlang.

Gamit ng Wika
1. Pinaghalong Pambansa at Pampanitikan ang ginamit na wika. Mas lamang pa rin ang
pambansa.
Estilo
1. Deriktang ipinahayag ang punto de bista, nakasunod sa tamang estilo, may argumento
na pinatunayan ng mga batayan.

GABAY SA PAGSUSURI NG PAHAYAGANG PANGKAMPUS


Pahinang Agham at Teknolohiya

Pamantayan Kakikitaa Hindi Paglalarawan


n Kakikitaan
Paksa ( Ayon kay Tolentino, 2014)
/ Ang mga ginamit na
 Gumagamit ng impormasyon sanggunian sa artikulo ay
hango sa panayam, hinango sa mga
sanggunian at mga sumusunod:
pagsusuri. 1. Panayam sa
awtoridad(Nars)
2. Masusing
pananaliksik
3. Kalimitan ay nasa
anyong pabalita
ang paksa.
 Naglalaman ng mga / Nagkaroon lamang ng
kasalukuyan at dalawang (2) artikulo
napananahong mga paksa patungkol sa mga
sa agham at teknolohiya napapanahong paksa
pagdating sa agham at
teknolohiya. Ang
karamihan ng anyo ng
artikulo nasa pagbabalita
ng mga kaganapan
tungkol sa kanilang
komunuad na pumapaksa
sa agham at teknolohiya.
 Gumagamit ng mga pang- / Kitang-kita ang mga
agham na jargon ng mga ginamit na ginamit na
salita. jargon na salita sa bawat
artikulo. Sinisigurado na
pagkatapos ng salitang
jargon ay sinusundan ito
ng kahulugan upang mas
madaling maunawan ng
mambabasa.
 Inilalahad ang mga teknikal / Sinunod sa bawat artikulo
na konseptong pang-agham ang konsepto ni Tolentino
na madaling maunawan ng na pagkatapos ng tenikal
mga mambabasa. na salita ay ang kahulagan
o pagpapaliwanag agad
nito. Bilang result naging
madali ang pagbabasa sa
mga artikulo.
 Gumagamit ng mga pang- / Humugot ng mga
agham na mga sanggunian, estadistika ang ilang
estadistika, pahayag at artikulo mula sa
kuwento. mapagkakatiwalaang
sanggunian.
Naipamalas din sa ilang
artikulo ang mga direktang
pahayag ng mga
nakapanayam.
Estruktura ng Wika
Semantika
 Gumamit ng konotatibong / Walang konotassyon na
pagpapakahulugan ng mga ginamit sa mga artikulo
salita maliban lamang sa piling
pamagat sa lathalain sa
agham at teknolohiya.
 Gumamit ng denotatibong / Sa lahat ng pagkakataon
pagpapakahulugan ng mga ay denotatibo ang
salita pagkakagamit na
pagpapakahulugan ng
mga salita.Kailangan na
ito ang gamitin dahil ang
mga paksa ay masyadong
teknikal at hindi masining.
Sintaksis
 Gumamit ng karaniwang / Kalimitang ginagamit ang
ayos ng pangungusap. karaniwang-ayos lalo na
sa mga atrikulo nilang
pabalita at palathalain.
Mas epektibo ang mga
nasa karaniwang ayos na
pangungusap dahil sa
madulas itong basahin.
 Gumamit ng di-karaniwang / Hindi nagamit ang di-
ayos ng pangungusap. karaniwang-ayos ng
pangungusap dahil hindi
madulas ang pagbabasa.
Gamit ng Wika
(Ayon kay Jacobson, 2013)
 Gumagamit ng pormal na / Sa lahat ng artikulo ay
antas ng wika gumamit ng pormal na
antas ng wika magmula
pambansa at pamnitikan.
 Gumagamit ng impormal na / Walang impormal na antas
antas ng wika ng wika ang ginamit sa
lahat ng artikulo.
 Ginagamit ang wika upang / Walang artikulo ang
mag-utos, manghikayat, o nagpapakita ng
magpakilos ng taong panghihikayat sa mga
kinakausap mambabasa bagkus ito ay
may layuning magbigay ng
impormasyon lamang.
 Ginagamit ang wika upang / Walang artikulo ang
palutangin ang karakter ng kakakitaan ng karakter na
nagsasalita. nagsasalita o buhay.
 Ginagamit ang wika bilang / Lahat ng artikulo ay lahat
panimula ng isang usapan o tuluyan at may layuning
pakikipag-ugnayan sa lamang magbigay ng
kapwa. impormasyon.
 Ginagamit ang wikang / Hitik na hitik ang mga sa
nagmula sa aklat at iba mga sanggunian na
pang babasahin bilang nakapaloob sa bawat
sanggunian o batayan ng artikulo.
pinagmulan ng kaalaman.
 Ginagamit ang wika sa / Walang artikulo ang
pamamagitan ng pagbibigay nagpapakita ng
ng komentaryo sa isang komentaryo bagkus lahat
kodigo o batas. lamang ito may layuning
magbigay ng
impormasyon.
 Ginagamit ang wika sa / Hindi masining at maligoy
masining na paraan ng ang pagkakalahad ng mga
Pagpapahayag gaya ng artikulo maliban na
panulaan, prosa, sanaysay, lamang sa piling mga
at iba pa. pamagat.
Ortograpiya ng Wika
(Ayon sa KWF Manwal, 2014)
 Sumusunod sa wastong / Sumunod sa tuntunin sa
tuntunin sa pagbabaybay. pagbabaybay ngunit may
mga ilang kamalian ang
mga Nakita pagdating sa
mga sumusunod:

1. Kapag nagbago
ang Katinig (o/u)
2. Kapag nagbabago
ang katinig ( E,I,U)
3. Kambal katinig sa
digrapikong SK,
ST, SH at KT
4. Mga Kasong
Kambal- Patinig
5. Mga Di
nababagong
bagong hiram na
salita
 Sumusunod sa wastong / Malinaw na nasunod ang
tuntunin sa pagbabantas. mga pangunahing
pagbabantas katulad ng
tuldok, kuwit, gitling,
gatling.

Walang maling
pagkakagamit ng bantas
at lahat ay nailagay sa
wastong posisyon kaya
malinaw ang pagkakasulat
ng mga artikulo.
 Wastong paggamit ng mga / Gamit na gamit ang
hiram na salita at jargon. panghihiram ng mga salita
sa mga pang-agham at
panteknolohiya.

Kadalasan ay direktang
panghihiram ang
ginagamit at hindi
gumagamit ng pantumbas.
Estilo
(Ayon kay Tolentino, 2014)
 Sumusunod sa tuntunin at / Ang seksyon ay gumamit
estilo ng pagsulat sa Agham ng iba’t ibang mga estilo
at Teknolohiya pagdating sa mga
sumusunod:
1. Balita
2. Lathalain
 Gumagamit ng kakaiba at / Ang mga pamagat sa
nakakabighaning pamagat at palathalain na artikulo ay
ulo ng balita. naging masining at kaakit-
akit kaya na
magugustuhan ng mga
mambabasa.
 Gumagamit ng angkop na / Angkop ang mga salitang
mga salita at terminolohiya ginamit sa bawat artikulo
sa artikulo dahil naayon ang lahat ng
salita sa paksa ng bawat
artikulo. Malinaw rin na
nailahad ang kahulugan at
konsepto nito.

Pangkalahatang Obserbasyon:

Sa kabuoan ang pahinang Agham at Teknolohiya ng pahayagahn ay gumamit ng dalawang


anyo ng artikulo na pabalita at palathalain. Ang pahina na AgtTek ay nagtataglay ng mga
sumusunod na katangian:
Paksa
1. Gumagamit ng iba’t ibang mga sanggunian tulad ng panayam, masususing pananliksik
at estadistika.
2. Kulang ang mga paksang tumatalakay sa napapanahon at kasalukuyang usapin
pagdating sa agham at teknolohiya.
3. Malinaw ang pagkakagamit ng mga teknikal na salita o jargon dahil sa epektibong
pagbibigay ng kahulugan at paliwanag sa mga ito.

Estruktura ng Wika
1. Gumamit lamang karaniwang ayos na pangungusap ang nasa aritkulo dahil sa pormal at
mas madulas na pagbabasa.
Ortograpiya
1. Nagkaroon na mahusay na pagkakagamit ng mga bantas sa lahat ng artikulo.
2. May kamalian sa ispeling o pagbabaybay sa mga kategoryang: a. Kapag nagbago ang
Katinig (o/u) b. Kapag nagbabago ang katinig (e,i,u) c. Kambal katinig sa digrapikong sk,
st, sh at kt d. Mga Kasong Kambal- Patinig at e. Mga Di nababagong bagong hiram na
salita

Gamit ng Wika
1. Gumamit ng pormal na antas na wika ang lahat ng artikulo na nakabatay sa iba’t ibang
mga sanggunian.
Estilo
1. Pormal at hindi maligoy ang estilo na ginamit sa pabalitang artikulo at samantala sa
palathalian na aritikulo ay masining ito sa pamagat lamang.

You might also like