You are on page 1of 2

Pananaw at Pagtugon: Pag-aaral sa Kakulangan ng Oras sa

Pag-aaral sa STEM HEMLS

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maunawaan ang epekto ng limitadong oras sa pag-

aaral ng mga mag-aaral ng STEM HEMLS at magbigay ng mga hakbang na maaaring gawin

upang mapabuti ang kanilang pag-aaral kahit na sa kabila ng mga limitadong oras. Ayon sa mga

pagsusuri ni Claessens et al. (2007) at Elena-Simona Indreicaa (2011), ang wastong pamamahala

ng oras ay may malaking impluwensiya sa pag-unlad ng mga estudyante sa larangan ng

akademiko. Ipinapakita rin ng Academic Advising and Career Center (2010) na mayroong apat

na benepisyo ang maaring makamtan sa pamamagitan ng mabuting paggamit ng oras, kabilang

dito ang pag-iwas sa pagpapaliban at pagkamit ng mas mataas na antas ng kontrol at mas

mababang antas ng stress.

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ang mga estratehiya at pamamahala ng oras na maaaring

gamitin ng mga mag-aaral upang mapabuti ang kanilang pag-aaral kahit na sa gitna ng mga

limitadong oras. Kabilang dito ang pagtatayo ng isang balanseng oras para sa pag-aaral at

pagpapahinga, paggamit ng mga oras ng recess at pagtatambay upang mag-aral, at pagkakaroon

ng malinaw na layunin at plano para sa kanilang pag-aaral.

Sa kabuuan, mahalaga ang tamang pamamahala at paggamit ng oras upang mapabuti ang

pag-aaral sa kabila ng mga limitadong oras. Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas

mataas na tagumpay sa larangan ng STEM HEMLS.

Sanggunian: Benepisyo ng Time Management ayon kila Claessens et al, 2007 at Elena Simo
Indreicaa, 2011
Proyekto sa
Filipino sa
Piling Larang
(ABSTRAK)

You might also like