You are on page 1of 1

Karamihan sa mag aaral ang nahihirapan sa sitwasyon ng kanilang pag-aaral.

Hindi
alam kung ano ang dapat unahin at litong lito na sa buhay sa madaling salita ay hindi
na ginagamit ng tama ng kanilang oras. Ang kanilang mga personal ng gawain at nais
gawin ay nalilimi tahan sapagkat nangangailangan ng matapos ang mga gawaing pang
paaralan. Ang suliraning ito ay nagaganap sa maraming estudyante.
Ano nga ba ang maaaring solusyon dito?

Time management o ang pamamahala ng oras ay pagkakaroon nang malinaw,


maayos at malawak na layunin, may mga iba't ibang paggamit sa konseptong time
management kung saan ikaw ay magtatala ng iyong pagpaplano, pagsasaayos ng
iyong schedule at pagiging bukas sa mga pagbabago. Ang time management din ay
naglalayon na balansehin ang paggamit ng oras base sa bigat ng gawain. Malaki ang
magiging epekto ng time management sa mga estudyante sapagkat maiiwasan nila ang
pagkastress dulot ng napakaraming gawain sa paaralan at ang mga pansariling gawain.
Ipinahayag rin nila (Claessens et al, 2007) na mahalaga ang "planning behavior" sa
time management. Ang pagtukoy sa mga aspeto na nakakaapekto sa paggawa ng
gawain ay isa sa mga kapakipakinabang sa pagpaplano. Mula kay (Claessens et al,
2007), na ang pamamahala ng oras ay may positibong impluwensya sa pagkatuto ng
mga mag-aaral. Maaaring ang tagumpay sa larangan ng akademiko ang nagbibigay
motibasyon sa pagbutihin at higitan pa ang nakamit(Elena-Simona Increicaa, 2011).

You might also like