You are on page 1of 142

PILI at PINO

OBTEC (OUTCOMES-BASED TEACHER EDUCATION


CURRICULUM) FILIPINO

inihanda ni:
Voltaire M. Villanueva

1
PANIMULA
Sa panahong nakararanas ang ating bansa ng iba’t ibang suliraning panlipunan;
maituturing na solusyon ang edukasyon. Sa krisis na binabalikat ng sistema ng
edukasyon kaugnay ng isyu ng komersiyalisasyon, kolonyal, piyudal, at eletista;
mahalaga ang makabayang pedagohiya. Isang pedagohiyang magpapamulat ng 4K
o kaakuhan, kamalayan, kalinangan, at kasaysayan upang maging makabayang
mamamayan. Edukasyong magtatawid sa pansarili, pampamilya, pampamayanan,
at pambansang kapakinabangan. Paano isusulong ang makabayang pedagohiya
upang palakasin ang kamalayang lokal laban sa banta ng globalisasyon?

Handog ng AKADEMIKONG FILIPINO na nasasakop ng bagong modelong


kurikulum na OBTEC (Outcomes-Based Teacher Education Curriculum) ng
Pamantasang Normal ng Pilipinas na isakonteksto ang kahingian ng lipunan na
pupunan ng larangang Filipino. Bagama’t hindi isasantabi ang nakagawiang
pagsasangkapan sa wika at panitikan bilang mukha ng larangan, lalapatan ito ng
makabayang pedagohiya bilang paraan upang patatagain ang kamalayan,
kaakuhan, kalinangan, at kasaysayan ng lipunang Pilipino.

Napakahalagang maipabatid at maunawaan ng mga magiging guro sa hinaharap


ang pangangailangang maging makabayan. Makabayang hindi kinakailangang
lumabas ng lansangan. Kundi gurong makabayan na may kakayahang ipagmalaki
ang sariling kaakuhan, kamalayan, kalinangan, at kasaysayan. Sa mga babasahin at
iba’t ibang pamamaraan inaasahang iluluwal ng OBTEC-FILIPINO ang mga guro sa
hinaharap na:

 Tagapagsulong ng kamalayang Pilipino


 Tagapagtaguyod ng kaakuhang Pilipino
 Tagapagtanghal ng kalinangang Pilipino
 Tagapagsaysay ng salaysay ng Kasaysayang Pilipino

Ang makabayang pedagohiya ang magpapalakas sa tinig ng Filipino bilang larangan


na dapat pahalagahan. Sa kabila ng hamong hinaharap ng Filipino dulot ng
globalisasyon at neoliberalisasyon, patatagin ng OBTEC Filipino ang mithiing patibayin,
patatagin, palakasin, at pagyamain ang larangang magiging pundasyon ng isang guro
na maging makabayang guro upang maging kabalikat sa pagpanday ng mga pag-asa
ng bayan. Sapagkat ang guro ang maituturing na mga pag-asa ng pag-asa ng bayan na
hinubog ang kakayahan at kahusayan sa iba’t ibang karanasan sa proseso ng
pagtuturo at pagkatuto.

2
V.M.V

NILALAMAN: Saysay at Salaysay

Tradisyunal vs. Umuusbong na Gramatika

makabuluhang pagbuo ng salita mula


tunog sa tunog, salitang-ugat,
at panlapi
palatunugan palabuuan

PONOLOHIYA MORPOLOHIYA

SINTAKTIKA SEMANTIKA

pagbuo ng
makabuluhang o
ugnayan ng salita pagbuo ng kahulugan ng
upang maging parirala salita batay sa aspektong
kultural, komunikatibo, at
o pangungusap iba pa
-palaugnayan

PONOLOHIYA

 Ang ponolohiya o palatunugan(mula sa salitang Griyego: φωνή, phōnē, "tunog, boses") ay


sangay ng Lingguwistika (linguistics) na nag-aaral ng mga tunog o ponema (phonemes) ng
isang wika.

MORPOLOHIYA

 Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o


ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan.

SINTAKTIKA

 tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap ng mga tuntuning nagsisilbing patnubay sa


pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap.

SEMANTIKA

 Pag-aaral na tumatalakay kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa
paggamit nito sa pangungusap o pahayag. 3
KAMALAYAN: Tampok na Babasahin

ADYENDA NG PANANALIKSIK SA ESTRUKTURA NG WIKA


Jonathan C. Malicsi
Pangunahing Konsiderasyon
Sa mga nalathala na ng Daluyan tungkol sa saliksik wika, may dalawang
pariralang nakababahala, ang pagtakda ng tamang baybay” at “pagbuo ng grammar ng
Filipino”.
Ang konsepto ng “tamang baybay” ay nakababahala dahil mukhang angat na
angat na problema ito at palaging nangunguna sa mga usapin tungkol sa Filipino, at
baka inaasahan ng mga nagfi-Filipino na matutugunan ito ng linggwistiks. Ngayon,
dapat mailagay sa siyentipikong konteksto ang kahulugan ng “tama”. sa linggwistiks,
walang “tama” o “mali” sa wika, sa dahilang ang nilalayon ng linggwistiks ay ang
paglalahad ng mga form at pattern ng mga wika—sa tunog, salita, pangungusap, at
diskurso—tungo sa pag-unawa ng language faculty ng tao—ang kakayahan ng utak
natin na matuto at gumamit ng wika. maaring may tawaging “tama” o “mali” sa analisis,
pero ito ay nakasalalay sa sapat na datos, ayon sa prinsipyong observational
adequacy, at sa konsitent at lohikal na aplikasyon ng teorya at metodolohiya na sapat
na nagpapaliwanag ng estruktura ng wika, ayon sa prinsipyong explanatory adequacy.
Pumapasok lang ang linggwistiks, partikular ang phonemics, sa pagbuo ng
alpabeto para sa isang wika na wala pang paraan ng pagsulat. May mga pag-aaral na
napapagalit sa diskusyon ang tunog at letra, halimbawa na ang lagyan ng heading na
“phonology” ang pagtatalakay sa mga letra, o ang sabihing ang tunog na “ñ” ay hiram—
ang letra ay hiram nga, pero ang tunog na /ny/ ay nasa mga taal na salita tulad ng
“kanya” at “nyaring puso ko”.ang phonological na problema ay hindi ang letra, kundi ang
pagdedetermina kung angkop sa phonology ng Filipino ang ituring na sa isang
phoneme ang /ny/ o dalawang phoneme /n/ at /y/ na magkasunod kapag isinama sa
database ang pagbigkas sa Filipino ng mga hiram na salita.
Kapag may tradisyon na ng pagsulat ang isang wika, ang pag-aaral ng pagsulat,
o ortograpiya, ay gumagamit na ng iba-ibang lapit—maaring deskriptibo (Paano
magbaybay ang DLSU sa mga publikasyon nito?). istatistikal (Ilang porsiyento ng mga
hiram na salita ang binaybay muli ng mga peryodiko, at paano?), historical (Ano ang
“at” sa sinaunang estruktura ng pangungusap na may salitang “subalit” ayon sa dating
baybay nito na “subali’t” na kontraksiyon ng “subali at”?), o sikolinggwistiko (Aling
baybay ang mas madaling maintindihan?).
Tamang baybay? Pansinin na sa Ingles, ang pariralang “no one” ay binabaybay
na “no-one” sa Reader’s Digest, ang “Internet” ay “internet” sa Economist, ang “ASEAN’
ay “Asean” sa Far Eastern Economic Review, ang “Neanderthal” ay “Neandertal” sa
National Geographic, at ang “Prof.” ay mas madalas na “prof” sa Time. Sa Germany,

4
makaraan ng 10 taong pagtalakay, naisabatas na rin noong Agosto 2005 ang Spelling
Reform Law.Isa sa mga patnubay nito ay ang pagpapanatili ng mga dobleng kating ng
stem sa mga inflection at derivation nito, kahit na ang idinidikit na suffix o stem ay
nagsisimula sa parehong letra, hal. “Schiff” ‘barko’ + “Fahrt” ‘byahe’ > “Schiffahrt”
‘byahe sa barko,’ o “schwimmen” ‘langoy’ + “Meister” ‘master o coach’ >
“Schwimmmeister” nagtuturo ng paglangoy.” SInasabing ang natutuwa lang dito ay ang
mga naglalaro ng Scrabble, dahil sa mas mataas na puntos ng tatlong “m”. may mga
manunulat na nagsabi na sa kanilang pabliser na huwag gagalawin ang kanilang dating
pagbaybay, at dalawang estado ang deklara na suspendido muna sa kanila ang
pagpapairal ng batas.
Kung gayon, ang talagang nagtatakda ng tamang baybay ay ang pabliser na
may karapatang magbago ng pagbaybay ng dokumentong isinumite ng manunulat
(kung papayagan ng manunulat), o mag-reject ng dokumentong hindi umaayon sa
gabay ng pabliser. Tingnan na lamang ang kaibahan ng “diksyunaryo” ng Komisyon sa
Wikang Filipino, at “diksyonaryo” ng Sentro ng Wikang Filipino. Bahala na ang mga
guro kung aling gabay o sistema ang kanilang ituturo o ipapataw sa kanilang mga
estudyante . Mas mainam nga lang na ang isang departamento o intitusyon ay
magkaroon ng isa lamang gabay o sistema, para ang ispeling ng mga memo, report,
term paper, at publikasyon ay consistent. Matinding negosasyon ang kinakailangan.
Sa usaping gramatika naman, nakakabahala ang pariralang “pagbuo ng
grammar”, hal. sa deklarasyon na “Kailangan na kapag bubuo ng grammar ng Filipino,
maisasama rito pati grammar ng iba pang wika sa Pilipinas.” Mukhang ang pupuntahan
nito ay ang pagbuo ng gramatika ng isang artipisyal na wika, gaya ng Volapük ni
Johaan Matrin Schleyer noong 1880 at Esperanto ni Ludwik Zamenhof noong 1887, na
ang mga anyo at tuntunin ay hinango sa iba’t ibang wika. Ang isang narinig ko nang
sinabi ayon dito ay ang panukalang alisin na ang reduplikasyon sa pandiwa ng
Sebuano. Sa departamento namin, tinatanggap ang anumang estilo sa Filipino ng mga
estudyante sa kanilang term paper, tesis, at disertasyon. May pumasa na ngang
disertasyon na ang Filipino ng teksto ay walang reduplikasyon sa pandiwa. Pero hindi
dahilan ito para sabihing ang gramatika ng Filipino ay walang reduplikasyon. At ang
disertasyon na nabanggit ay siguradong puspusang ieedit ng Sentro kung ilalathala nila
ito, palagay ko ay papayag naman ang manunulat.
Siguro naman ay walang seryosong nagsusulong ng Filipino bilang artipisyal na
wika.
Pero para sa pag-aaral ng estruktura ng Filipino para sa adyenda sa wika ng
Sentro ng Wiakng Filipino (na maaari ring sundan ng ibang institusyon) pangunahing
tanong ang: Aling variety at register ba ng wika ang papag-aralan, at bakit?
Kaugnay nito ang tanong: Sino-sino ba ang gagamiting informant, o saan ba
kukuha ng mga citation, sa pag-aaral ng estruktura ng Filipino?
At pangatlo, ano ang pinupuntahan ng pag-aaral—ang pagkuha ng mga
generalization tungkol sa mga form at pattern ng Filipino, ang pagbuo ng hipotesis
tungkol sa wika, ang pagsuri ng kakayahan ng mga teorya o metodolohiya sa

5
pagpapaliwanag ng estruktura ng Filipino, o ang pagsulong ng mga panukalang
magagamit sa pagtuturo, pagsulat, at pag-edit? sa mas simpleng paglalahad, ang pag-
aaral ba ay nakatuon sa deskripsyon, teorya, o gabay?
Phonology
Gaya ng nasabi na, magkaiba ang usaping phonological sa usaping
orthographic. Ang una ay nakabatay sa pag-aaral ng aktuwal na pagbigkas ng mga
piniling informant. Ang pangalawa ay maaaring nakabase sa aktuwal na gamit ng mga
pabliser, o kaya’y panukala ng pabliser. Ang phonology ay lehitimong problema sa
lingwistiks; ang orthography ay problema ng indusriya ng publishing.
Ilang mga partikular na problema sa phonology ng Fillipino
Kung isasama sa database ang mga hiram na salita, ilan na ang lumilitaw na
tunog o phone ng Filipino? At ayon sa functional differences ng mga ito, ilan at ano-ano
ang mga phoneme o feature clusters ng Filipino? Ano ang estado ng schwah na
kadalasang ginagamit sa affixation ng mga hiram na salita na nagsisimula sa
consonant cluster, hal. magsa-speech, magta-transfer? Matatag ba ang kaibahan ng
trilled ”r” at rolled “r” sa Filipino, kung saan ang trilled “r” ay consistent sa mga hiram na
salitang Espanyol, at ang rolled “r” naman ay di man consistent ay madalas naming
gamitin sa mga hiram na salitang Ingles? Ang “r” [r] allophone ng “d” (din ~ rin, daw ~
raw, dumudungaw ~ dumurungaw) ba ay nawawala na sa karaniwang pagsasalita, at
ginagamit na lang sa pormal na pagsulat at pagsasalita?
Anong proseso ng asimilasyon ang nangyayari sa mga hiram na salita lalo na sa
mga salitang Ingles na ang pagbigkas sa Filipinas, sa Filipino man o Pinoy English (PE)
ay kaiba sa nakatala sa mga disiyonaryo ng international English (IE) (hal. psoriasis –
Fil/PE [so’rj sis], IE [s ‘ aje sis]; abroad – Fil/PE [ ‘browd], IE [ ‘b :d]; jubilarian
– Fil/PE [ʤʊbÍlɅrjɅn], IE [ʤʊbÍle ɪən].
Ano ang epekto ng mga consonant cluster sa canonical form ng morpheme sa
Filipino? Paano ang analisis ng silabikasyon kapag may consonant cluster sa gitna ng
salita (hal. ek-stra, eks-tra, o ekst-ra; ba-tsoy, bat-soy, a-broad o ab-road)?
Kailan naging “e” [e] ang “ay” [Ʌj], hal. ay > e, kay > ke, kailan > kelan,, tainga >
taynga > tenga, aywan > ewan, maghintay ka > hintay ka > teka? Ang prosesong ito ba
ay limitado sa ilan lang na mga salitang Tagalog (baywang > bewang, baytang>
*betang) o nagagamit din sa mga hiram na salita?
Ang pagiging [ʊ] ng dalawang magkasunod na “oo” ba ay limitado sa
demonstrative, hal, doon > dun >, naroon > narun?
Binibigkas pa ba na [dj] ang “dy” o ito ba ay konsistent na kasintunog ng “j” [ʤ]?
Binibigkas pa ba ang [tj] ang “ty” o ito ba ay konsistent na kasintunog ng “ch” [tʃ]?
Ang pinal na glottal stop sa isang salita ba ay palaging nawawala kapag ang
salitang kasunod ay nagsisimula sa katinig (hal, wala, wala na vs. wala ito)?

6
Tradisyonal na sinasabing may mga allomorph na –in at –hin, at –an at –han, na
ginagamit ang –hin at –han kapag ang ugat na nilalapian ay nagtatapos sa patinig. May
mga nagsabi ring lingguwista na –in at –an lang ang hulapi, ang “h” ay huling ponema
sa mga ugat na sa pagsulat ay nagtatapos sa patinig, at ang “h” ay binibigkas lang
kapag nagkakaroon ng hulapi. Mas maganda bang paliwanag na –in at –an lang hulapi,
ang “h” ay ipinapasok bilang epenthetic na “h” upang mapaghiwalay ang dalawang
patinig na magkakasunod, at itong epenthetic na ‘h” ay parallel sa epenthetic na “n” na
ginagamit sa ilan lang na mga salita, hal. tawa > tawanan, kaya > kayanin, tuto > “Ang
sarap paglihian ng Mcdo” na linya ni Sharon Cuneta noong 2004?
Ang Filipino ay syllable-timed, at ayon sa pananaliksik sa Kolehiyo ng Inhinyeriya
sa UP ay mas malapit sa ritmo ng Hapon kaysa ritmo ng Kastila. Pero dahil phonemic
at morphemic ang stress sa Filipino, lumalabas na ang syllable-timing ay apektado ng
epektong “spiking” ng stressed syllable. Nagkakaroon ba ng mitigation (panghihina) ang
mga patinig at katinig sa pagitan ng stressed syllable? Ano pang mga proseso sa
pagbigkas ang kailangang aralin at i-computerize para makagawa ng Filipinong tunog
ang text-to-speechsynthesis?
Mga Uri ng Gramatika
Maaaring mahati sa tatlong uri ang siyentipkong pag-aaral na gramatika ayon sa
layunin nito. Ang isa ay ang formal- description – ang paglalahad ng estuktura o paraan
ng pagbuo ng salita at pangungusap gamit ang anumang pormal na gramatika
(gramatikang gumagamit ng mga simbolo para mailahad ang porma at proseso ng
pangungusap). Ang ikalawa ay ang reference grammar – ang integrasyon ng mga pag-
aaral ng estruktura para maipakita ang pinakamalinaw o pinakalohikal na paliwanag ng
mga bahagi ng gramatika. Ang ikatlo ay ang theoretical validation – ang pagsubok sa
kakayahan ng isang teorya na mailahad ang estruktura ng pangungusap sa isang wika
na hindi pa ginagamitan ng ganitong lapit, at, kung kailangan, ang mga pag-aangkop o
pagbabago na kailangan sa teorya. Nakatuon ang pangatlo sa pagtatalakay ng
universal grammar – ang gramatikang nagpapaliwanag ng fakultad pangwika ng tao—at
ang pag-aaral ng isang wika ay ginagawa bilang case study.
Sa pagtuturo ng wika, mas madaling magamit ang formal description at
reference grammar, na nagsasaad kung ano ang porma at proseso ng pangungusap,
para maging basehan ng pedagogical grammar, na nagsasaad kung ano ang “tama” o
“mali”, “tinatanggap” o “di-tinatanggap” sa wikang pinag-aaralan. Ang theoretical
validation, na kadalasang ginagawa sa tesis at disertasyon sa lingguwistiks, ay
maaaring magbigay ng karadagang paliwanag sa estruktura pero hindi tuwirang
nagagamit sa pagtuturo ng wika. Halimbawa,maaaring ipakita sa isang tree diagram sa
government-and-binding (GB) theory kung ilang X-bar ang nasa itaas ng isang salita,
pero ang impormasyong ito ay hindi naman tuwirang magagamit sa paggawa ng
leksiyon at eksam sa wika. Maaari ring ipakita sa isang talahanayan ng optimality
theory kung ilang morphemic rule ang dinadaanan at nababalewala ng isang proseso
ng paglalapi upang makamit ang optimal form, pero mas diretsong naituturo ang optimal
o aktuwal na form.

7
Tandaan na magkaiba ang pagtuturo ng lingguwistiks ng wika, at ang pagtuturo
ng wika. Kailangan pag-isipan ng guro ng wika kung aling impormasyong pangwika ang
makatutulong sa mas madali at mabisang paraan ng pag-aaral ng wika, Isang paalala
sa mga guro ng wika sa nag-aral ng linggwistiks— tandaang ang layunin ninyo ay ang
maging matatas sa paggamit ng wika ang mga estudyante ninyo. Ang mga paliwanag
na lingguwistiko ay dapat magsilbi lamang na dagdag na impormasyon na maaaring
hindi kailangan sa pagtuturo sa silid-aralan, at baka maging sagabal pa.
Ilang mga partikular na problema sa gramatika ng Filipino
Sa kumbersasyonal na Filipino, marami nang pagbabago ang nagaganap.
Halimbawa, dumadalas na ang gamit ng “yung” sa halip na “ang”, at “nung” sa halip na
“ng”. Ginagamit na ang “siya” bilang katumbas ng “they.” Mas madalas gamitin sa
intensive ng pang-uri ang “sobrang” sa halip na “kay”, “ang”, o “napaka-“. Sa paglalapi
ng “mag-“ at reduplikasyon sa mga hiram na salita na nagsisimula sa consonant cluster,
kinukuha na lang ang unang katinig at sinusundan ito ng schwah (pero isinusulat na “a”
o patining na kahawig ng unang patinig ng stem.
Eto na yung order mo.
Paabot ng catsup.
Hindi ko siya abot eh
Yung salt and pepper nalang.
Malayo rin sila.
Sobrang arte mo naman
Magsa-split kami ng French fries.

Ipinapakita ng mga ito at mga katulad nito na ang gramatika ng impormal na


Filipino, lalo na ng pasalita, ay iba sa gramatika ng pormal at pasulat na Filipino. Dito rin
makikita ang kaibahan ng Filipino sa Tagalog. Kung gayon, anong mga pattern sa
Tagalog ang hindi ginagamit sa Filipino? Anong mga pattern ang nanggaling sa ibang
wika sa Filipinas? Saang detalyeng nagkakaiba ang impormal at pormal na Filipino?
Sa mga panghalip, karaniwang nakapako ang pagtuturo sa mga pormang “ako”,
“ko”, at “sa akin” at ang mga gamit nito bilang focus (nagpunta ako sa Maynila),
nonfocusagent (pinuntahan ko ang mall) o kaya’y possessive (tiket ko ang nabunot sa
raffle), at non-focus goal (nagpunta siya sa akin) o percept (nakinig siya sa akin).
Kailangang pag-aralan kung ano-ano pa ang gamit ng mga pormang ito. Halimbawa,
kapag nag-oorder ng pagkain sa restawran, maaaring sabihing “ako, adobo” o kapag
pumipili ng opsiyon sa eksam, “ako, A.” Ito ba ay ipapasok na dagdag na gamit ng
“ako,” o pagpapalit ng “ako” sa “ang para sa akin”?
Mayroon pang ibang gamit ang mga panghalip na plural. Napansin ko ito nang
magtanong ang isang Amerikanong tagasalin kung bakit ang pariralang “kami ng
kapatid mo” ay hindi maisalin bilang “we of your sibling.” Lumalabas na ang “kami ng”
dito ay katumbas ng “ako at ang”. Makikitang konsistent ang pattern na ito.
Hal.:

8
ako at si Ana > kami ni Ana
ikaw at ang driver > kayo ng driver
siya at nanay ko > sila ng nanay ko

Ano kaya ang iba pang gamit ng mga panghalip?

Makikita rin na mayroon nang katumbas ang Ingles na “it” sa Filipino—ang “siya.”
Hal.: “May bagong Xerox sa office. Nakita mo na siya?”

May konsistent ba na kaibahan ang “ng” at “sa”? kapag sinabing “kulang ng


asin”, tila ang tugon ay ang lagyan ng asin, dahil wala; pero kapag sinabi naming
“kulang sa asin,” tila tugon ay dagdagan ng asin (para ring sa Ingles na ang “lack: ay
maaaring “wala” o “hindi sapat”). Kapag sinabi namang “umakyat siya ng puno”, may
partikular na puno ang tinutukoy. Dahil sa mga halimbawang tulad nito, nagkaroon ng
kongklusyon na indefinite ang “ng” at definite ang “sa”. Pero, samantalang may contrast
ngang indefinite at definite ang “siya ang kumain ng mangga” at “siya ang kumain sa
mangga”, nagagamit o tinatanggap ba ang pormang “?kumain siya sa mangga,” At
kung indefinite nga ang “ng” bakit nagagamit ito sa pangngalang pantangi na likas na
definite? Ano ang kaibahan ng “pabalik sila ng Pilipinas nang ma-aresto” at “pabalik sila
sa Pilipinas nang ma-aresto,” o ng “umalis nan g Pilipinas ang bagyong Egay” at
“umalis na sa Pilipinas ang bagyong Egay”?

Ang posisyon ng possessive sa core sentence ay isang problema, sa dahilang


ang possessive predicate (kay Rizal ang nobela) ay kaiba ang form sa pariralang
possessive (ang nobela ni Rizal, ang kay Rizal na nobela). Sa pagsasaad ng
possession, ginagamit ang “ng” o “ni” sa pagmarka ng pangngalan, o kaya’y ang
katumbas a “ng” form ng panghalip, hal. “libro ng bata,” “kotse ni Jeff,” “cellphone ko”.
Mapapansing ang form na ito ay pareho ng form ng unfocussed agent, hal. “hiniram ng
bata ang libro,” “ginagamit ni Jeff ang kotse,” “binili ko ang cellphone.” Mapapansin din
na ang mga pariralang may possessive ay ambiguous o maraming kahulugan, bagay
na nakakalito kung minsan kapag tinitiyak ang mga ari-arian ng isang tao ng isang
credit o lifestyle investigator.
Hal.:
ang bahay ng heneral:ang bahay na inuupahan ng heneral
itinayo
namana
binili

Hindi kaya mas malinaw kung ang pariralang possessive ay hahanguin sa


pariralang unfocussed agent na nagkaroon ng pagtatanggal ng pandiwa?

Hiniram ng bata ang libro > ang librong hiniram ng bata > ang libro ng bata
Ginagamit ni Jeff ang kotse > ang kotseng ginagamit ni Jeff > ang kotse ni Jeff
Binili ko ang cellphone > ang cellphone na binili ko > ang cellphone ko

9
Kaya nga’t sa credit investigation, kapag nagsabi ang impormante ng “lote niya
‘yan,” kailangan pang usisain kung ang lote ay inuupahan, ginagamit, inaangkin,
kinamkam, o binili ng tinutukoy na may-ari.
Sa dahilang hindi lahat ng pariralang possessive ay may kaugnay na pandiwa,
kakailanganing maglagay ng henerikong pandiwang possessive, hal. “inaangkin”, para
maging konsitent ang analisis.
Karaniwang sinasabi na may tatlong aspekto ang Filipino—ang perfective
(nagluto), progressive (nagluluto), at contemplative (magluluto). Saang kategorya
ilalagay ang imperative (magluto ka) at infinitive (gusto kong magluto)? Isasama bang
pang-apat na aspekto ang recent perfective (kaluluto ko lang nang mawalan ng gas)?
Saang kategorya naman ilalagay ang pagsasaad ng paulit-ulit na aksiyon (luto
nang luto ang nanay) o ang paulit-ulit na aksiyon na dahilan ng isang pangyayari
(kaluluto niya naubusan tuloy ng gas)? At saang kategorya rin ilalagay ang banghay na
“parating” sa “parating na ako riyan.” at ang pag-uulit ng ugat sa “ihing-ihi na ang bata”
o “biling-bili na ako dahil malaki ang discount”.
Ano-ano ang mga constraint sa mga aspekto? Halimbawa, sa clause na
pinapangunahan ng “kapag”, maaaring gamitin ang perfective kahit na ang panahong
tinutukoy ay ang hinaharap (kapag nagluto ka mamaya, mauubusan tayo ng gas). Sa
clause na pinapangunahan ng “tuwing”, hindi maaaring gamitin ang perfective (*tuwing
nagluto siya, masaya kami). Sa clause na pinapangunahan ng “samantalang”,
progressive lang ang maaaring gamitin (samantalang nagluluto siya, nanood kami ng
TV).
Pansinin din ang gamit ng perfective sa panghinaharap sa “sana dumating siya”
at ng contemplative para sa pangnagdaan sa “darating sana siya pero bumagyo.”
Nakapaloob ang problemang ito sa sunuran ng pagsasaad ng aksiyon. May epekto rito
ang mga pang-abay at pangatnig na gamit. Halimbawa, bakit maaaring sabihing
“kumakain ako nang dumating siya” pero kapag pinagpalit ang inflection ng aspekto ay
nagiging kakatuwa, “*kumain ako nang dumarating siya”.
Kapag ginamit naman ang mga pangatnig na “makaraang”, “pagkatapos”, o
“sukat ba namang”, infinitive lang ang maaaring porma ng pandiwa. Ano pang mga
pangatnig ang nagkokontrol ng aspekto ng pandiwa, at paanong naisasaad ang
panahon ng pandiwa?
Mukhang may constraint din ang recent perfective. Pansinin na hindi ito magamit
sa mga pandiwang pang-emosyon, hal. *kaiibig lang niya, *kagagalit ng boss. May iba
pa bang kategorya ng pandiwa na hindi nagagamitan ng recent perfective?
Anong mga pandiwa ang walang agent focus? Lumalabas na lahat ng pandiwa
ay nagagamit sa patient focus, pero hindi lahat ay nagagamit sa agent focus.
Halimbawa, walang katumbas na agent focus ang “nakita ko siya”, di-tulad ng “tiningnan
ko siya” na maaring “tumingin ako sa kanya.” Kabaligtaran ito ng sitwasyon sa Ingles,
kung saan lahat ng pandiwang transitive ay nagagamit sa active voice pero hindi lahat
ay nagagamit sa passive voice.

10
Ano-ano ang kahulugan o gamit ng bawat aspekto? Hindi agad makukuha ito
kung monolingguwal o Filipino lang ang gagamiting database. Mas lalabas ito kung
pag-aaralan ang salin ng mga aspekto sa ibang wika. Halimbawa, ang progressive na
pandiwa sa clause na “nagnanakaw sila” ay iba-iba ang salin ayon sa konteksto:

Tumawag ka ng pulis! Nagnanakaw sila. @ Call the Police They are stealing.
Nagnanakaw sila kanina. @ They were stealing a while ago.
Dati nagnanakaw sila pero ngayon hindi na. @ They used to steal, but not anymore
Nagnanakaw sila noon, at baka gawin pa rin nila ngayon. @ They would steal then. And
they
might do it again.
Nagnanakaw sila tuwing wala ang superbisor @ They stole/ would steal whenever the
supervisor was not around.
Nagnanakaw sila. Ugali na nila yan. @ They steal. That’s their habit.
Kailangan ding pag-aralan ang matatawag na reduction ng inflected form na nagaganap
kapag malinaw ang konteksto ng reduction. Halimbawa, ang phrase na “galing sa” ay
isinasama sa mga pang-ukol, pero ito ay reduction ng “nanggaling sa” sa dahilang kung
ang pangungusap na may buong inflection ng aspekto ay “manggagaling sa Baguio ang
walis”, hindi ito katumbas ng “galing sa Baguio ang walis.” Gayundin ang “kuha sa New
York ang litrato”, “gawa sa rattan ang silya,” “luto sa bayabas ang sinigang na ito.”
Lumalabas na ang reduction na ito ay limitado sa perfective at hindi nagagamit sa lahat
ng pandiwa at focus.

Ang mga imperatibo ay nagkakaroon din ng reduction, hal.:


kumain tayo > kain
maligo ka na > ligo na
magtago ka > tago

Ito ba ay limitado sa agent focus?


Ang pang-abay ay matatawag na “Payatas” ng kategoryang gramatikal, sa
dahilang karaniwan itong tambakan ng mga morpemang hindi mailagay sa pangngalan,
panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-ukol, at pangatnig. Pero maraming uri ng pang-
abay, at nangangailangan ito ng masusing pag-aaral upang matiyak kung ano ang mga
uri nito, ano ang mga morpemang kasama sa bawat uri, at saan ang posisyon ng mga
ito sa sintaks ng core sentence. Kahit sa wikang Ingles, na siyang may pinakamaraming
pag-aaral na lingguwistiko, ay malabo ang diskusyon ng pang-abay.
Isinasama sa kategoryang pang-abay ang mga katagang “daw”, “din”,
“lamang/lang”, “man,” “muna”, “na”, “naman”, “nga”, “pa”, “pala”, “sana”, “tuloy”, at
“yata”. Nausong tawaging “clitic” ang mga katagang ito pero ang paggamit na ito ay
hindi naaayon sa gamit ng termino sa ibang mga wika, sa dahilang “clitic” ang tawag sa
mga morpemang dumidikit. (May kaguluhan talaga ang terminolohiya ng lingguwistiks
ng mga wika sa Pilipinas, kaya kailangang alerto ang bumabasa sa pagkakaiba-iba ng
gamit ng parehong termino ng iba-ibang lingguwista). May di-gradwadong tesis noong
2004 na tinawag itong “particle” pero ang terminong “particle” ay nagagamit sa

11
maraming uri ng salita tulad ng “ng” at “sa”. Kasama rin ba sa grupong ito ang “ni” sa
pangungusap na “ni singko wala ako”? Maaari na rin bang isama ang mga salitang
“gid”, “kuno” at “charing”?
May mga nagsasabing walang kaibahan ang pang-uri at pang-abay sa Filipino,
sa dahilang ang “mabilis” sa pangungusap na “mabilis si Pedro” ay pang-abay daw.
Pero may pangungusap na “tumakbo nang mabilis si Pedro” na maaaring isaayos
bilang “tumakbo si Pedro nang mabilis,” samantalang ang “mabilis na tumakbo si
Pedro” ay maaaring “mabilis si Pedrong tumakbo”. Hindi kaya pang-uri rin ang “mabilis”
sa dalawang huling pangungusap, at pang-abay sa dalawang nauna? Pansinin na ito ay
tumutukoy lang sa pang-abay na pamaraan.
Ano sa modernong gramatika ang “pandiwari”?
Ano ang estruktura ng mga pangungusap na nagsasaad ng appearance o
kaanyuan? Pansinin na maliban sa “tila” ang lahat ng mga pangungusap ay may
ligature, at ang ligature ay lumilipat sa panghalip kapag ang panghalip ay inilapat sa
unahan:

Mukhang nagpa-derma siya > Mukha siyang nagpa-derma.


Parang artista ang dating niya. > Para siyang artista.
Mistulang pang-cover ang make-up niya > Mistula siyang naka-make up na pang-cover
pero:
Tila makinis ang mukha niya ngayon. > ?Tila siya makinis ang mukha.
Ang ligature ay ginagamit sa modification (asong payat) at relativization (asong nakuha
sa kalsada). Aling ligature ang ginagamit ng “mukha”, “para” at “mistula”? O ito ba ay
pangatlong gamit ng ligature? Kapag ang pangngalan ay nagtatapos sa katinig,
nagagamit ba ang allomorph na “na”, hal., mukhang/parang/mistulang iskolar si Bert > ?
mukha/para/mistula si Bert na iskolar?
Sa aplikasyon ng theta theory sa mga wika sa Pilipinas, ang mga theta role na
natukoy na ay:

1. Agent
binatukan ko siya
2. Patient
nagkasakit siya
nagluto siya ng adobo
3. Theme
bago ang Ipod
inihagis niya ang Ipod sa akin
4. Experiencer
narinig ko siya
5. Percept
narinig ko siya
6. Goal

12
ibinalik niya ang libro sa library
7. Source
umalis siya ng bahay
8. Location
nag-exercise siya sa gym
9. Instrument
ipinambukas niya ang Vingt Card

10. Beneficiary
ipinagluto ko sila
11. Reason
ikinagalit niya ang pag-absent ni Emily
12. Comitative
nakipag-inuman siya sa mga kapitbahay nila

13. Time
pinaghahandaan ko ang kwaresma
14. Reference
pinag-usapan nila ang kasal
15. Possesor
may bago siyang Nokia

Mayroon pa kayang iba, tulad ng “reservation” na binanggit sa isang gramatika


ng Tagalog? Malinaw ba ang kaibahan ng bawat isa?
Ano-ano ang proseso ng embedding sa Filipino—ang paggamit ng isang clause
bilang bahagi ng isang clause? Nariyan ang subordination kapag nilagyan ng “na” o “-
ng” ang isang pangungusap at ginamit na parang pangngalan (alam ko ito; mahal mo
ako > alam kong mahal mo ako). Nariyan din ang relativization na gumagamit din ng
“na” o “-ng” at ang resulta ay ginagamit na parang pang-uri (bumili ako ng libro; galing
sa States ang libro > bumili ako ng librong galing sa States). Mayroon ding
adverbialization sa iba-ibang paraan (nagsuspinde ng klase; lumakas ang ulan >
nagsuspinde ng klase nang/ kung kailan lumakas ang ulan). Ano pang proseso ang
mayroon sa Filipino?

Semantics
Wala pa akong nababasang pag-aaral ng semantics ng Filipino kung kaya’t sa
palagay ko ang larangang ito ay bukas na bukas sa pagsasaliksik. Gayunpaman, una
muna nating tingnan ang iba-ibang uri ng semantics. Sa pilosopiya, nakatuon ang
semantics sa pag-aaral ng kahulugan, di lamang ng wika, kundi pati rin ng mga senyas
at simbolo. Sa sikolohiya, napag-aaralan ang association o pag-uugnayan ng mga
salita, at mula sa mga pag-uugnayan ay maaaring matukoy ang pag-iisip ng isang tao.
Sa antropolohiya, ginagamit ang analisis ng mga kinship term para mapagkompara ang
13
konsepto ng kamag-anakan sa mga kultura, gayundin ang analisis ng lexical domain
para makita kung ano ang mahahalagang konsepto sa kulturang pinag-aralan.
Sa lingguwistiks, karaniwang sinasabing ang semantics ay larangang hiwalay,
pero lahat ng larangan sa lingguwistiks ay may kaugnay sa semantics. Kapag pinag-
aralan ang ponolohiya, ang pagtiyak ng isang ponema at mga allomorph nito ay ayon
sa konsepto ng semantic difference, o functional difference in meaning. Sa
morpolohiya, nakasalalay ang morpema sa konsepto ng semantic distinctiveness, ang
natatanging kahulugang dala-dala ng morpema at mga allomorph nito saan man
lumabas ang mga ito sa salita o pangungusap. Sa lexicography, ang lexeme ay
kinikilala ayon semantic reference, kung kaya’t may lexeme na binubuo ng dalawa o
higit pang salita. Makikita rin sa lexicography na ang kahulugan ay ayon sa gamit ng
nakararaming kinikilalang magaling sa wika. Sa syntax, ang pagkilala sa pangungusap
ay ayon sa organisasyon ng mga kategorya at ng semantic proposition, hal., ang
salitang “pasko” ay may semantic reference lang, pero ang pariralang “pasko na” ay
may semantic proposition, at maaaring tugunan ng “oo nga”, o “hindi pa”, kung kaya’t
maibibilang ito sa mga sentence pattern ng Filipino.
Ilang mga partikular na problema sa semantics ng Filipino
Sa pag-aaral ng lexical o semantic fields, aling mga kategorya ba ang may
elaborasyon sa Filipino at alin ang hindi, at ano ang categorical schema ng mga ito?
Kailangan sa pag-aaral na ito ang matinding klasipikasyon ng mga salita sa Filipino na
ginagamitan ng mga classifying term na Filipino rin. Halimbawa, ano-anong salita ang
sakop ng salitang “ulam”? Kasama ba rito ang pansit at spaghetti? Ano-anong lutuin
ang maaaring gawin kung ang proseso at sangkap ay ang mga taal na Tagalog lang?
ano kapag isinama ang Ingles at iba pang wika?
Makikita natin na ang Filipino at mga wika sa Pilipinas ay may mas elaborasyon
ang sistemang numeral kaysa Ingles. Mayroon tayong cardinal (dalawa), ordinal
(ikalawa), ordinal serial (pangalawa) frequentative (makalawa, dalawang beses),
restrictive (dadalawa), distributive dual (tigalawa), distributive plural (tigagalawa, tiga-
tigalawa), distributive-collective multiplicatives (dala-dalawa), at distributive-collective
(dalawahan). Kung gayon, magandang pag-aaralan kung paanong magagamit ang mga
ito upang madevelop ang kasanayang pangmatematika ng mga mag-aaral lalo na sa
elementarya. Bulag ang DepEd sa ganitong paraan sa dahilang opisyal na
nakadeklarang Ingles ang wikang panturo sa Math.
Ang elaborated domain ng isang wika ay sinasabing mahalaga sa kultura ng mga
nagsasalita ng wikang iyon; ang pagkakaroon ng salita ay tanda ng kahalagahan ng
konseptong isinasaad nito. Halimbawa, mahalaga ang kaibahan ng “palay”, “bigas”, at
“kanin”, ng “malauhog”, “buko” at “niyog”, ng “kawayan” at “buho”. Pero bakit may mga
konseptong sinasabing mahalaga sa kulturang Filipino na tila wala namang tuwirang
salita para sa mga ito, hal. “hospitality”, “Filipino Time”, at SIR o “smooth interpersonal
relationship”?

14
May epekto ba sa pagbibigay-halaga natin ang kawalan ng negatibong
paghahambing sa Filipino at mga wika sa Pilipinas—na ang saling “less pretty” at “least
pretty” ay “mas pangit” at “pinakapangit”?
Ano ang kahulugan ng “huli ka na” at iba pang salitang malalakas ang epekto sa
ating mga desisyon at pagkilos? Sa mga institusyong matindi ang kapit ng konsepto ng
panahon sa orasan, maaaring “huli ka na” kapag lumampas ka na sa takdang oras.
Pero kapg imbitado ka sa isang kasalan, “huli ka na” ba kapag nakapagprosesyonal na,
o kapag tapos na ang pagsusuot ng singsing, o kapag nakaalis na ang lahat? Isama na
rin dito ang “puwede na” o “OK lang” para sa depinisyon ng kalidad o ng level of
happiness,”wala lang” para sa depinisyon ng makabuluhan o walang kabuluhang
gawain, “diskarte mo na yan” para sa depinisyon ng katanggap-tanggap na paraan ng
paglutas ng problema, at iba pa. Isang nakatutuwang halimbawa ay ang sabihin ng
isang drayber na “ang bait ng pulis, di ako hinuli” kahit na nilabag niya ang batas trapiko
at tinigil siya ng pulis. Ang kabaitan ba ay sakop ang hindi pagtupad sa batas?
Paanong nakakaapekto sa paggawa ng desisyon o kongklusyon ang pangatnig?
Halimbawa, ang interpretasyon ng “kung” sa Filipino ay kadalasang biconditional; hal.
kapag sinabing “kung gusto ka ng administrasyon, mapo-promote ka”, at nalamang na-
promote nga ang pinagsabihan, magiging kongklusyon agad na gusto nga siya ng
administrasyon. Pero ang kongklusyon na ito ay hindi lohikal, sapagkat ang mas
angkop na interpretasyon ng ganitong estruktura ng “kung” ay conditional, na ang ibig
sabihin ay hindi siguradong totoo ang "kung” o “if” na clause kapag naging totoo ang
kasunod o “then” na clause. Ang biconditonal ay “mapo-promote ka lamang kung gusto
ka ng administrasyon”.
Ang paggamit ng componential analysis o paghanap ng mga semantic primitive
sa isang wika ay madaling gawin sa ilang mga domain, gaya ng mga kinship term, mga
kulay, at mga pagkain—mga pangngalan at pang-uri. Sa analisis ng pandiwa,
lumalabas na ang mga semantic primitive ay umaayon sa estruktura ng pangungusap
at mga theta role na maaaring gamiting depinisyon nito. Halimbawa, ang analisis ng
“kalabit” ay nangangailangan ng pagtukoy sa agent (hintuturo, na medyo kurbado ang
anyo), action (paghipo), manner (mabilis at di madiin), goal (kadalasang maliit na
bahagi ng braso o balikat na natatakpan ng baro), direction (paikot, clockwise kapag
kanang kamay, counterclockwise kapag kaliwa), at intention (pagtawag-pansin). Ang
estruktura ng depinisyon ng pandiwa ay maaaring gamiting batayan ng analisis ng
syntax, particular sa identipikasyon ng mga theta role? Ang paraang ito kaya ay
magagamit sa lahat ng wika?
Rekomendasyon sa mga guro ng Filipino
Itigil na muna ang diskusyon sa alpabeto. Hayaan na lang na maglabas ng kani-
kanilang gabay ang mga pabliser, at piliin ang gabay na gusto ninyong ituro upang
maging katanggap-tanggap ang pagsulat ng mga estudyante ninyo.
Mag-aral ng lingguwistiks upang magkaroon kayo ng sapat na kakayahang
magkritik ng mga materyales o librong lumalabas para sa pagtuturo ng wika, at

15
kakayahan ding pumili ng impormasyon mula sa mga lingguwistikong pag-aaral na
magagamit ninyo upang mapahusay pa ang pagtuturo ninyo.
Gumawa ng sarili ninyong pag-aaral at ibahagi ito sa lahat sa pamamagitan ng
paglalahatla nito sa Daluyan o iba pang jornal sa wika.

Tugon ni Viveca V. Hernandez


Pangunahing Konsiderasyon
Bilang isa ring lingguwist, naiintidihan ko ang pagkakabahala ni Dr. Malicsi sa
mga praseng “pagtakda ng tamang baybay” at “pagbuo ng gramar ng Filipino” sa mga
nalathala ng Daluyan hinggil sa pananaliksik sa wika. Sa lingguwistiks, nakatuon ang
aming pag-aaral, higit sa lahat, sa wikang oral o iyong natural na sinasalita ng mga tao.
Bagama’t mahalaga, karaniwang itinuturing na sekundaryong anyo ng wika ang
pagsulat. Sekundaryo, dahil sa lahat tayo’y natutong magsalita ng ating unang wika o
katutubong wika nang walang pormal na instruksiyon. Sa kabilang dako, kailangan
tayong turuang magbasa at magsulat.
Sa usaping ortografik o pagtakda ng tamang baybay, malinaw ang posisyon ni
Dr. Malicsi tungkol dito, i.e. na ipaubaya sa mga pabliser ang pagtatakda ng mga gabay
o sistema ng pagbabaybay. Kahit mismo ang aming departamento, mayroong mga
sumasang-ayon sa ganitong pananaw. Mayroon ding naninindigan sa “kung ano ang
bigkas, siya ang sulat”. Napansin ko na hindi nagrere-spell si Dr. Malicsi ng mga
salitang-hiram (humigit-kumulang, may nabilang akong 513 mga salitang-hiram na
halos lahat, kung hindi man lahat, ay galing sa Ingles sa buong papel). Anuman ang
kanyang dahilan, ang masasabi ko lang ay dapat marunong ng Ingles ang babasa
nitong papel para “tama” ang pagbasa niya nito. Alam naman natin na magkaiba ang
mga sound system o fonoloji ng Filipino at Ingles.
Sa kabilang dako, ang pangambang hahantong sa isang artipisyal na wika ang
dahilan ng pagkabahala naming sa pagbuo ng gramar ng Filipino kung hahanguin ito sa
iba’t ibang gramar ng mga wika ng Pilipinas (WP), sa halip na hayaan ang natural na
pagdevelop nito.
Para sa pag-aaral ng estruktura ng wika para sa adyenda sa wika ng SWF,
balido ang mga hinarap ng tanong ni Dr. Malicsi na inaasahan o di kaya’y dapat
sigurong sagutin ng kumperensiyang ito. Para magtagumpay ang kumperensiya sa
layunin nitong bumalangkas ng komprehensibong adyenda para sa pananaliksik
tungkol sa wika upang maging gabay sa mga estudyante, titser, at mananaliksik, natural
lamang na pagdesisyonan o magkaroon ng consensus hinggil sa varayti at rejister ng
Filipino na napag-aralan, mga gagamiting informant, pagkukunan ng mga sipi o citation,
at tunguhin ng pag-aaral.

16
Mga Partikular na Problema sa Fonoloji ng Filipino
Isang sangay ng lingguwistiks ang fonoloji, i.e. ang pag-aaral ng mga patern ng
mga tunog-wika. Mahahati sa tatlong paksa ang mga problema sa fonoloji ng Filipino
na binanggit ni Dr. Malicsi: 1) mga salitang hiram, 2) pagbabagong
fonolojikal/morfofonemik, at 3) alternatibong analisis ng ilang problema.
Kung Filipino ang pag-uusapan, sa tingin ko’y hindi maiiwasan na isama ang
mga salitang-hiram sa database nito. Kung gayon, natural na proseso at hindi rin
maiiwasan na madagdagan ang imbentaryo ng mga tunog nito, at posible, ng mga
phoneme nito. Hal., noong dumating ang mga Kastila dito, gawa ng language contact,
sinasabing dumami ang mga vowel (V) phoneme ng wikang Tagalog, i.e. /i a u/ > /I e a
o u/. Mga problematik na tunog ( ang schwah, ang trilled at rolled r, at ang alofon ng r
[p] ng d) ang ibinibigay na halimbawa sa papel. Sa tingin ko, bukod sa mga tunog-wika
mula sa Kastila at Ingles, kailangan ding isaalang-alang iyong mga mula sa iba pang
wika tulad ng Intsik, Hapon, Arabik, at iba pa. Puwede ring pag-aralan kung paano
naaasimileyt ang mga salitang hiram sa Ingles na iba ang bigkas sa Filipino/Pinoy
English sa nakatalang bigkas sa mga diksiyonaryo ng Ingles. Interesante ding pag-
aralan ang epekto ng mga konsonant-klaster (KK) sa kanonikal-form ng morpheme
[silabol?] sa Filipino at kaugnay nito, ang pagpapantig kapag nasa gitnang posisyon ng
salitag-hiram ang –KK-. Pansinin na sa pagpasok ng mga salitang-hiram na may KK,
ang KV (K) > (K) KV (KK).
Walang tigil ang pagbabagong nagaganap sa wika. Sa pagdaan ng
panahon, iba-ibang dahilan ang nagdudulot ng ganitong mga pagbabago sa lahat ng
sangkap/element ng wika – fonoloji, morfoloji, sintaks, at semantics. Puwedeng pag-
aralan ang mga pagbabagong ponolohiko na binanggit ni Dr. Malicsi (ang pagiging e ng
ay, i.e. [ai] > [ɛ]m ang pagiging [u] ng dalawang magkasunod na o, i.e [o?o] > [u:] sa
pamamagitan ng dayakronik/historical na pag-aaral.
Puwede ring tingnan muli ang kinasanayang mga paliwanag/analisis at
pag-isipan kung dapat ba itong baguhin. Hal. ang kinasanayan nang isulat bilang dy at
ty (maidadagdag pa rito ang ts). Kung papansinin, binibigkas ang dy bilang [ʤ], at ty at
ts naman, bilang [tʃ]. Isa pang interesanteng paksa ang epentetik h na alternatibong
analisis sa tradisyonal na paliwanag sa hulaping –in/-hin at –an/-han.
Mga Partikular na Problema sa Gramar ng Filipino
Malinaw ang paliwanag ni Dr. Malicsi tungkol sa tatlong uri ng siyentipikong pag-
aaral ng gramar, i..e. pormal na deskripsiyon, referens-gramar, at teoritikal na
balidasyon, at ng mga layunin ng mga ito. Bagama’t iba ang pagtuturo ng lingguwistiks
sa pagtuturo ng wika, aniyang dapat pag-isipan at piliin ng nagtuturo ng wika ang mga
impormasyong lingguwistik na sa kaniyang tingin ay makakatulong sa kaniyang
pagtuturo.

Nabanggit na sa itaas na tuloy-tuloy na nagbabago ang wika. Sa mga halimbawa


ng mga pagbabagong nagaganap sa kumbersasyonal na Filipino (paggamit ng yung sa
halip na ang, ng nung, imbe ng ng, ng siya bilang katumbas ng it, ng intensive-

17
adjektive na sobrang imbes ng kay, ang¸ o napaka-) na ibinigay ni Dr. Malicsi,
maidaragdag pa ang tila nagbabagong gamit ng panlaping ka….an. Malimit marinig lalo
na sa mass media ang: Mayroon akong 1 katanungan…, May 1 kalalakihan…, ang atin
kapulisan, kakalsadahan, at iba pa. Bagama’t marami nang nagawang pag-aaral sa
sintaks, naipakita ni Dr. Malicsi na may ilan pang mga problema (may pronoun,
possessive, kaibahan ng ng at sa, aspek, adeverb, adjektive, vis-á-vis adverb ϴ theory,
at iba pa). na hindi naipapaliwanag ng tradisyonal na analisis ng mga ito.

Mga partikular na problema sa semantics ng Filipino

Ayon kay Dr. Malicsi, wala pa siyang nababasang semantic na pag-aaral ng


Filipino, kaya bukas ito sa pagsasaliksik. Ang semantics ay untrodden path, kung baga.
Dahil nga sa wala pang nasusulat tungkol sa semantics ng Filipino, napaka-exciting ang
larangang ito, gaya ng mga halimbawang binanggit niya: mga leksikal/semantic na
larangan, semantic/domeyn, komponensiyal-analisis, at iba pa.

Rekomendasyon sa mga Guro ng Filipino

Bilang kongklusyon, tatlong rekomendasyon ang ibinigay ni Dr. Malicsi: a) itigil


na muna ang diskusyon sa alpabeto at ipaubaya sa pabliser ang magtatag na kani-
kanilang gabay; piliin ang gusto ninyong ituro; b) mag-aral ng linnguwistiks para
magkaroon ng sapat na kakayahang mag-critique ng mga materyales/libro hinggil sa
pagtuturo ng wika, at kakayahang pumili ng kaalaman mula sa mga lingguwistik na pag-
aaral at ipapablis ito sa Daluyan/iba pang dyornal para maibahagi ito. Sang-ayon ako sa
mga ito liban sa una. Sa palagay ko, bilang mag-aaral/mananaliksik/titser ng wika,
mayroon tayong karapatang magpasiya ng sarili natin tungkol sa bagay na ito.

18
SURI-LAPAT: Itaguyod, Itanghal, Isulong, at Isalaysay ang 4K

 Malaya at Pinatnubayang Talakayan


o Gabay na Katanungan
 Bakit mahalaga ang balarila sa talastasang mabisa?
 Paano lilinangin ang pang-unawa kaugnay ng paksang
ponolohiya, morpolohiya, sintaktika, at semantika?
 Paano pag-uugnayin ang kaalaman, kasanayan, at
kapangyarihan sa kahusayang pangkomunikatibo tugon
sa hamon ng panahong nagbabago?
 Ginabayang Pagbabasa
o Gamitin ang pagbabalangkas (konseptuwal at papangungusap
upang madaling maunawaan ang dalawang artikulong
babasahin.
 SGD (Small Group Discussion)
o Tatalakayin kung Mali o Tama ang makikitang
dokumento/larawan.
o Pag-uusapan ang mga tiyak na magagawa upang pahalagahan
ang sariling wika.
o Iisa-isahin ang mga tiyak na hakbang upang mapahalagahan
ang ating wika.

 Munting Imersiyon
o Gabay sa Pagsasagawa
 Magpangkatan sa apat-anim na kasapi.
 Humanap ng karatula na magpapakita ng maling gamit ng
wika/gramatika.
 Mula sa larawan ay gumawa ng “groupie” o “kuharami”
bilang patunay na sama-samang pumunta sa larawan.
 Idikit ang larawan at lapatan ng pagsusuri gamit ang
R,S,A.
 Reaksyon- opinyon sa nakitang karatula
 Saloobin- damdamin ng mga dumaraan o ibang
nakakita sa karatula. Tiyaking may grapikong
paglalarawan at kasamang angkop na pagsusuri
 Adbokasiya- mungkahing pananaw upang
mapagbuti ang mga nakitang mali sa karatula. Sa
bahaging ito rin, ipapahayag ang marapat gawin
ng mga kabataan at mga guro sa hinaharap.

19
DAGDAG-KAALAMAN: Suplementaryong Babasahin

Sumisibol na Gramatika sa Filipino:


Ilang Obserbasyon sa mga Bagong Kalakaran/Pagbabago sa Wika
Aurora E. Batnag, Ph. D

Panimula
Hindi ko siya alam. (Ito ang sinabi ni Manilyn Reynes nang hindi maibigay lyrics
ng kanta sa programang Singing Bee.)

Ipindot mo, ihinto ko. (Karatula sa Jeep)


Tanong: Ano’ng ginagawa mo rito? Sagot: Dito kaya ako nakatira
Masaya ako kasi kikitain ko na bukas ang matagal ko nang ka-chat
Ipinatawag siya ni Senate Finance Committee Chair Juan Ponce Enrile
Noon kasi, although kilala na siya, hindi raw siya tinitilian, So nagsikap siya para
mas sumikat pa.

Matatalino ang mga students ko ngayon.

Ang mga pangungusap na ito ay ilan lamang sa mga pahayag na karaniwang


naririnig at nabasa ngayon. Kung ikaw ay isang gramaryan, isasama mo na ba sa iyong
paglalarawan ng wikang Filipino ang mga pangungusap na ito. O isasantabi lamang at
ituturing na maling gamit o medyo lihis sa itinuturing na standard ng kawastuhan? Iisipin
kayang lumilipas na pauso lamang? O itatala mo pa rin at sa pag-aaralan ng sumisibol
na gramatika o mga bagong kalakaran sa paggamit ng wika, na maaaring maging
matatag sa sumusunod na panahon.
Sumisibol na Gramatika
May bago na ba sa gramatikang Filipino? Kung mga umiiral na aklat sa
gramatika ang titingnan, wala namang bago sa gramatika. Iyon pa rin ang dating mga
tuntunin at paglalarawan ng wikang Filipino ang makikita natin.
Ngunit patuloy na nagbabago ang alinman wikang buhay, dahil sa patuloy na
paggamit nito ng paparaming tagagamit na may iba’t ibang kasarian, edad, pinag-aralan
paniniwala, layunin ng komunikasyon, paraan ng pagpapahayag, at iba pa. May mga
nagsasabing may nabubuo nang mga pagbabago sa gramatika, na hindi pa naitatala sa
mga aklat ng gramatika, o hindi pa napag-uukulan ng pagsusuri. Tinawag itong

20
emerging grammar ng ilan, na maaaring tumbasan sa Filipino ng “sumisibol na
gramatika.” May nagtanong: hindi ba sumusupling? Mas malaki ang supling kaysa sa
sibol. Kung baga sa tao, ang sibol ay nasa sinapupunan pa, pinapalaki bago ilabas.
Samantala, ang supling ay naianak na. Kaya ang sumisibol na gramatika ay nasa
sinapupunan pa, bago pa lang nabubuo. Kaya ng may subtitle ang papel na ito: ilang
obserbasyon sa mga bagong kalakaran/mga pagbabago sa wika.
Obserbasyon lamang ang mga nailahad ko, hindi siyentipikong pag-aaral na
gumamit ng maraming kalahok at isagawa sa maraming lugar. Batay ito sa panghabang
buhay ko nang aliwan, ang pagmamasid at pakikinig sa mga tagagamit ng wikang
Filipino, ang laging pakikinig sa newscast sa radio at telebisyon, pati sa mga
komersiyal, panonood ng telenovela, pagbabasa ng diyaryo, magasin, journal at iba
pang babasahin. Pati mga nag-uusap sa LRT, FX, bus, jeep, atbp. ay hindi
nakalalampas sa aking obserbasyon, sukdulang lumampas sa patutunguhan dahil sa
pakikinig ng mga tsismis ng mga katabi sa mga publikong sasakyan. Dalawa ang lagi
nang layon sa mga ito: (1) kumuha ng impormasyon at (2) magmasid sa gamit ng wika.
Ang mga talakay na ito ay batay, kung gayon, sa matagal ko nang kinagawiang
pagmamasid at nitong makaraang dalawang buwan (Setyembre-Oktubre 2008), tutok
sa pakikinig, panonood, at pagbabasa sa mass media at sa mga tao sa aking paligid
upang makakuha ng datos. Para sa pagtatala ng mga datos sa reduplikasyon,
tinulungan ako ng aking mga estudyante sa PNU graduate school.
Hindi masasabing siyentipiko ang pag-aaral na ito; gaya ng nasabi na, hindi ito
dumaan sa proseso ng pormal na pagtatala gamit ang maraming respondent na
isinagawa sa maraming lugar. Ngunit ang mga obserbasyong ito ay maaaring maging
batayan ng paglalarawan ng “sumisibol na gramatika” ng Filipino.
Ilang Obserbasyon sa mga Bagong Kalakaran: Pagbabago sa Wika
Simulan natin ang obserbasyon sa palatanungan. May mga bagong ponema na
ba sa Filipino ngayong 28 letra na ang bumubuo sa alpabetong Filipino?
Pumasok na kaya ang ponemang /f/ at /v/ kahit man lamang sa mga pantanging
ngalan. Batay sa pakikinig sa mga balita at usapan sa radyo at telebisyon, at sa
pakikinig sa mga usapan ng mga tao sa paligid, lumalabas na ang mga Pilipino ay hindi
conscious sa pagbigkas ng nasabing mga ponema kahit sa mga pangalan. Mismong si
Ricky Velasco ay hindi pinatunog-V ang pagbigkas sa kanyang apelyido sa kanyang
pagbobrodkast ng balita sa DZMM.
Narito ang ilang piling salita at kung ano ang obserbasyon kung paano binigkas
ang mga ito:
Pangngalang pantangi
Vic Lima – Bik Lima
Ted Failon – Ted Paylon

21
Ricky Velasco – Riki Belasco
Bagyong Ofel – Bagyong Opel
Revicon Forte – Rebikon Porte
Senator Villar – Senator Bilyar
Vicente – Bisente
Vic – Vic
Vietnam – Byetnam
Rodolfo – Rodolpo
Fortunato – Portunato
Panfilo – Panpilo
Zafra – Safra
Dave - Dey
Quezon Blvd - Keson Bolebard
Bayani Fernado - Bayani Pernando
Samakatuwid, kung minsan ay binibigkas ang /f/ at /v/ sa mga pantanging ngalan
ngunit kadalasan ay hindi.
Pangngalang Pambalana

Housing Fair – hawsing peyr


Chief of Police – tsip op polis
Seven – seben
Four - por
Five – payb
Ceasefire – sispayr

Batay sa mga nakalap na datos, hindi pa conscious ang mga Pilipino sa


pagpapatunog ng f. Kung sakali man, hindi labio-dental ang f na nabubuo kundi bilabial.
Kailangan siguro ang instrumentong panukat ng tunog upang maging mas accurate ang
paglalahad. Ngunit ang napansin ko, ang tunog na lumaalabas ay p na parang f.

22
Sa mga bilang, tulad ng 4, 5, at 7 na may f at v, napakakonsistent ng narinig
kong bigkas. Puro hindi /f/ kundi /p/ ang narinig ko. Siguro, ito ay dahil parang katutubo
na ang turing sa mga salitang ito dahil matagal nang hiniram at ginagamit sa pang-
araw-araw na pamumuhay. Halimbawa, kapag may nagtanong ng bilang ng iyong
cellphone, siyempre, mga bilang sa Ingles ang sasabihin mo, pero ganito ang bigkas:
sero, nayn, wan, eyt, tu, seben, seben, yet, wan, siks.
Lumabas noong 1972 ang Tagalog Reference Grammar nin Schachter at
Otanes. Sa nasabing libro, ang /f/ ay nakakulong sa parentheses dahil marginalized pa
lamang, ayon sa mga sumulat ng aklat. Ngayon, 36 taon pagkaraan, masasabing nasa
gilid-gilid pa rin ang ponemang /f/, kontra sa sinasabi ng ilang linggwista. Sakali mang
binibigkas na ito sa Filipino hindi naman tulad ng sa Ingles ang bigkas dito kundi mas
malapit sa /f/ ng ibig pa nating mga kababayan na ang wika ay ponemang ito.
Ang “pilipit” na r, may ilang kabataang tagapagbalita sa radio at TV na kapansin-
pansing naiiba ang pagbigkas ng /r/? Medyo nakakiling. Kaya nga “pilipit” ang tawag ko,
Lawakan ang pagmamasid at pakikinig at mapapansin ang dumaraming
kabataan na ganito kung bumigkas ng r. Ito kaya’y isang fad, o kaya nama’y isang
kaartehan? Hindi pa natin masabi. Ang masasabi ko, may ilang wika sa Pilipinas na
walang /r/, kaya marahil medyo pilipit ang kanilang r kapag nagsalita na sa Filipino.
Ngunit ang maraming kabataang ganito kung bumigkas ng /r/ ay hindi naman
masasabing lumaki sa kaligirang walang ponemang /r/.
Kaya dapat pa itong pag-ukulan ng higit na pag-aaral, maaaring lumilipas na uso
lamang ito, maaari naman maging baryasyon ng bigkas ng r sa hinaharap.
Kontrobersiya
Noong panahon ng panunungkulan ni Lito Atienza bilang alkalde ng Maynila,
makikita sa lahat ng sulok ng lungsod ang ganito: Maynila: Atin siya. Pansinin kung
paano ginamit ang panghalip na panao na siya. Ginamit sa pagtukoy sa isang lugar.

Iba pang mga halimbawa:


“Masarap siya.”
(Mula ito sa isang TV komersiyal tungkol sa pamahid sa tinapay.)

“Akala nami’y matibay ang pader, pero sa biglang buhos ng ulan ay agad siyang
bumigay.
(Ito ang sinabi ng isa sa mga nabiktima nang gumuho ang isang mataas na
pader at matabunan ang ilang bahay ng iskwater)

23
“Bago mo siya pindutin, tiyakin mo munang nakasaksak na ang computer.”
(Ito ang turo ng guro sa kanyang estudyante sa computer)

Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa (1939) ni Lope K. Santos, ang salitang


siya ay isahang panghalip panao sa pangatlong panauhan. Katumbas ito ng Ingles na
he o she. Ito ang gamit ng siya na alam ng lahat, maging guro o estudyante ng wikang
Filipino.
“Panahon na para baguhin ang dating tuntunin sa pagbaybay; iangkop natin siya
sa ating mga pangangailangan sa ngayon”
“Hindi natin ginamit ang letrang f sa salitang telepono pero panatalihin natin siya
sa mga bagong salitang hiram tulad ng focus”
Naeskandalo ang mga gurong participant na galing sa iba’t ibang panig ng
bansa. Giit nila: para lamang sa tao ang panghalip siya, at hindi dapat gamitin sa mga
bagay o idea. Nagtaasan ang mga kamay, bawat isa’y tumututol sa “maling gamit ng
panghalip panaong “siya” nakalimutan na tuloy ang paksa ng seminar.
Ngunit hindi lamang bilang panghalip panao ang gamit ng salitang siya.
Maaaring hindi na napapansin ng marami sa atin na ang salitang ito ay gamit sa
pagbubuo ng ilang salita.
Ano ang pasiya mo?
Masiyahan kaya ang mga bisita natin sa ating handa?
O, kasiya ba sa iyo ang damit?
Siyanga? Baka naman binobola mo lang ako.
Siya nawa.
Mahalaga sa kulturang Pilipino ang pangatlong panauhan, ang siya, kagaya ng
mga ipinakikita ng mga halimbawa sa itaas, ang pasiya ay desisyon o hatol. Kapag
nasiyahan, maligaya o kontento. Kung kasiya ang isang bagay, ito’ kasukat o sapat
batay sa pamantayan ng siya. Ang siyanga ay katumbas ng “Oo na, talaga.” Ang huli,
siya nawa, ay “amen, mangyari sana”
Ang iba pang gamit ang siya
“Naniniwala nga ako na siya rin lamang at gusto natin itong panatilihin ay dapat
nating paghusayin ang pagtuturo at pag-aaral ng wikang ito.” (Mula sa Asterisko ni
Virgilio S. Almario, FilMag, Set. 18, 1995)
“Siyahan mo nga ang kabayo’t may pupuntahan ako.”
(Lagyan ng silya)

24
O, siya naniniwala ka na ba?
Talagang palasak na ngayon ang siya sa pagtukoy sa mga bagay na hindi tao.
Basta’t matanda, propesyunal o manggagawa, ginagamit ito.
“Tawag ako nang tawag sa iyo kanina pa, ring lang siya nang ring pero walang
sumasagot”
“Tinakpan ko na nga siya pero nabungkal pa rin ng pusa”
Isang kilalang awtoridad sa gramatika ang nagsabing mismong siya ay
gumagamit ng salitang siya para tukuyin hindi lamang ang mga tao kundi pati mga
bagay. Talagang uso na marahil, ito ay dahil ginagawang malinaw o explicit ang
pagtukoy sa isang bagay na implicit o nauunawaan na.
“Masarap ba ang espesyal na putaheng inihanda ko?”
“Oo, masarap nga.”
(Sapat na sana ang sagot na ito, mauunawaan na ngang espesyal na putahe
ang sinsabing “masarap”. Pero maraming sasagot ng “OO, masarap nga siya.”)
Ngunit mapapansin na sa pasalitang komunikasyon mas gamitin ang siya sa
mga halimbawang ibinigay. Iba kapag pasulat na komunikasyon. Mas pormal. At
iniiwasan ng mga tagagamit ng Filipino ang paggamit ng siya kung hindi rin lamang tao
ang tinutukoy. Ipinakikita nito na mas konserbatibo ang pasulat at mas mabilis naman
magbago ang pasalitang komunikasyon.
Sadyang patuloy na nagbabago ang isang wikang buhay. Ang mali ngayon ay
maaaring maging katanggap-tanggap bukas. Kaya walang dapat ikatakot ang mga
bantay ng wika. Kailangang maging bukas ang isip natin sa mga pagbabago.

Sabi nga ni Lope K. Santos, ang “bibig ngayon” ang may panghuling pasiya.
Nakakahiya o Nakahihiya?
Matagal nang pinagtatalunan kung alin ang dapat ulitin – ang salitang ugat ba o
ang panlapi? Nilutas ang problema noong 1987 na tuntunin sa bagong alpabeto at
tuntunin sa pagbaybay n ipinalabas noo’y Linagang ng mga Wika sa Pilipinas
(Komisyon ng Wikang Filipino ngayon) sa pamamagitan ng noo’y DECS. Nilutas ang
problema sa pamamagitan ng pagtanggap sa dalawag anyo: kapwa tama ang
nakakahiya at ang nakahihiya. Ngunit hindi ipinaliwanag kung bakit kapwa tama ang
dalawang anyo.
Ayon sa tuntunin sa mga aklat sa gramatika, sa pagbabanghay ng pandiwa,
inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat. Upang ipakitang mali ang tuntunin, ibinibigay
na halimbawa ang nagpaplantsa. Ang unang pantig ay plan. Kung gayon, magiging

25
nagplanplantsa – na wala namang gumagamit. Iwinasto ito sa kalaunan: ang inuulit ay
unang katinig at unang patinig ng salitang ugat.
Balikan natin ang nakakahiya/nakahihiya:
Salitang ugat hiya
Word base kahiya
Panlapi ma-
Sa ganitong pagsusuri, ano ang inuulit? Di ba hindi ang salitang-ugat kundi ang
unang katinig at unang patinig (unang K at unang P) ng base (tinatawag ding word
stem), hindi ng salitang-ugat. Itinuro noon sa mga lumang aklat ng balarila na ang mga
panlapi ay ma-, mag-, maka, maki-, makapag-, at iba pa. sa makabagong pananaw
hinati-hati ang mga ito: ma- + ka- + pag- at ang pinakahuling pantig lamang ang
itinuturing na panlaping makadiwa. Ang iba pa ay mga bahagi ng word base.
Kapag ganito ang pagsusuri, mas magiging malawak ang saklaw ng tuntunin at
makikita nating pumapasok sa tuntunin ang iba pang mga halimbawa.
Nakikipaglaban, hindi nakipaglalaban
Nakikigamit, hindi nakigagamit
Nagsisipag-alisan, hindi nagsipag-aalisan
Nangagsisitulog, hindi nangagsitutulog
Gayon man, malawakan nang ginagamit lalo na sa pasulat na komunikasyon ang
pag-uulit ng unang K at unang P ng salitang-ugat. Ganito ang obserbasyon sa mga
salitang kinakabitan ng ma-+- ka-+:
Kapwa ginagamit ang dalawang anyo:
Nakakahiya nakahihiya
Nakakalungkot nakalulungkot
Nakakatanda nakatatanda
Nakakabuti nakabubuti
Nakakasiguro nakasisiguro
Nakakatuwa nakatutuwa
Nakakaranas nakararanas
Nakakatawa nakatatawa
Nakakasindak nakasisindak

26
Nakakakilabot nakakikilabot
Nakakabuo nakabubuo
Nakakakilala nakakikilala
Nakakatulong nakatutulong
Nakakasama nakasasama
Nakakahinayang nakapanghihinayang
Nakakahinga nakahihinga
Nakakalipas nakalilipas

Ngunit dahil siguro bihira at di gamitin, iisa lamang anyo ang naobserbahan,
nakasusulasok (walang nakakasulasok) at nakaririmarim (walang nakakarimarin)
Kapag naman may pa—, ganito ang naobserbahan:
Naipadala naipapadala
Naipapaliwanag naipaliliwanag
Naipapahayag naipahahayag
Ipinapalabas ipinalalabas
Pinapapunta pinapupunta
Pinapasagot pinasasagot
Ipinapalagay ipinalalagay
May dalawang anyo, kung gayon, kapag may pa- sa word base. Sa kaso ng
“ipinapalagay” at ipinalalagay” masasabing may pagkakaiba sa kahulugan ang
dalawang salita: ipinapalagay (opinyon); ipinalalagay (dalhin sa isang lugar ang isang
bagay). Ngunit sa nakararaming tagagamit, walang distingksyon ang dalawa. Ganito
naman talaga sa isang modernisadong wika – nagiging mas malawak ang kahulugang
saklaw ng iisang salita.
Kongklusyon: Ang anyo ng salita na unang K at unang P ng salitang ugat ang
inuulit karaniwang nakikita sa pasulat na anyo, lalo na sa mga teksbuk at iba pang
pormal na sulatin. Samantala, sa pagsasalita mas gamitin ang anyo ng salita na ang
inuulit ay ang unang pantig ng word base.
Masasabing talagang ang divided usage sa pag-uulit ng mga panlapi at
salitang- ugat. At kung mga kabataan ang tatanungin, mas pabor silang ulitin ang ka-

27
Kakakain ko pa lang nang dumating siya.
Kakabili ko ng damit para sa parti na di na pala matutuloy.
Kakakitakits lang naming kanina.
Ito na ba ay aspektong kakatapos?
Ang nang at ng
Nagsimula ang pagtatangkang pag-ibang ng gamit ng nang at ng sa Balarila ng
Wikang Pambansa. Bago ito, makikita sa mga lumang teksto na hindi istandardisado
ang gamit – karaniwang nang ang ginagamit ngunit paminsan-minsan makikitang ay
gumagamit din ng ng.
Ngayon, ayon sa tuntunin ng wastong gamit, may kani-kaniyang gamit ang
dalawang salita. Ngunit sa aktwal na gamit ng nakararaming mamamayan laging
nagkakabaligtad ang dalawa.
naghahanapbuhay ng patas
sumigaw ng malakas
makita nang sambayanan
marami ng sumuko
Linggo nang tanghali
kumita nang limpak-limpak na salapi
Kaya nga ba noon ay may mungkahi na ang mananaliksik na ito na pag-isahin
na lamang ang gamit ng nang at ng. Gamitin na lamang ang nang. Ngunit hindi siguro
ito tatanggapin ng ating mga kababayan dahil ang mas gusto nilang gamitin ay ang
matipid na ng.
Paggamit ng Panlapi
May sariling kahulugan ang mga panlapi kaya posibleng magbago ang
kahulugan ng mga salita batay sa panlaping ginamit. Halimbawa: bumili at magbili.
May mga panlapi rin naman na puwedeng magkapalitan, tulad halimbawa ng i-
at –in. May mga pandiwang magkatulad ng kahulugan o parehong resulta rin ang
makukuha alin man sa dalawang gamitin.
Mga halimbawa:
Iluto lutuin
Iprito prituhin
Iihaw ihawin

28
Igisa gisahin

Ngunit, posible ring mabago ang kahulugan dahil iba ang magiging resulta
depende sa panlaping ginamit:
Iakyat akyatin
Ibili bilhin
Sino ang nagpapasiya kung aling panlapi ang dapat sa aling salitang-ugat?
Karaniwang napagpasiyahan na iyan para sa atin. Natutuhan na natin bilang mga taal
na tagapagsalita ng wikang pambansa. Ngayon, ang mga di taal na tagapagsalita ay
natuto rin kapag nakipamuhay sa komunidad ng mga taal na tagapagsalita at natutuhan
kung paanong ginagamit ng mga tao ang kanilang unang wika.
Samakatuwid, may mga panlapi sa bawat salitang-ugat upang maipahayag ang
gustong kahulugan, ngunit ngayon, sa dami ng gumagamit ng Filipino na hindi taal na
tagapagsalita ng wikang ito, maraming pumapasok na ibang gamit,
Irespeto n’yo naman ako! (Ito ang pakiusap ni Bea Alonzo bilang Betty sa I love
Betty)
Italakay natin ngayon ang mga bagong panlapi (ito ang karaniwang naririnig
ngayon sa mga talakayan sa mga klasrum, gamit ng mga estudyante)
Ipindot mo, ihinto ko (Pindutin)
Sa unang dalawang halimbawa, karaniwang respetuhin at talakayin ang
ginagamit. Ngunit ngayon, pumapasok na ang paggamit ng panlaping i- sa halip na –in.
pareho rin bang resulta talakayin man o italakay, respetuhin o irespeto? Mukhang
pareho rin, at ang tututol lamang ang iyong nangangalaga sa tinatawag na kasiningan
at kawastuhan ng wika.
Makikita rito ang paglawak ng saklaw ng gamit ng panlaping i-. Idagdag pa na
mas karaniwan ang paggamit ng unlapi kaysa hulapi kapag hiram na salita ang
nilalapian, kaya:
i-computer hindi computerin
i-discuss hindi discuss-in
I challenge hindi challgenge-in
i-xerox hindi xerox-in

maaaring ito ay dahil mas madaling makikila ang orihinal na anyo ng salita kapag
nakabukod sa unahan ang panlapi. Samantala, mas nagkakaroon ng pagbabago sa

29
salitang-ugat kapag nasa hulihan ang panlapi. Halimbawa, maaaring magkaroon ng
paglilipat-diin sa paghuhulapi.

Paghahanay ng mga Salita


Sa tingin ko ay may mga bagong estrukturang hiram sa Ingles na pumapasok na:

Isinilang sa Cavite, nakatira na siya ngayon sa Maynila (Born in Cavite, he now


resides in Manila)
Sa ulat ni Chief Inspector Rexon Reyes, hepe ng Gonzaga Municipal Police
Station…
Sina Pinoy Dream Academy Season 2 Grand Star Dreamer Laarni Lozada at
First Runner Up Bugoy Drilon…
(Dati: Sina Laarni Lozada, Pinoy Dream Academy Season 2 Grand Star
Dreamer, at Bugoy Drilon, First Runner Up…)
Samakatuwid, paunti-unti ay may pumapasok nang impluwensiya ng Ingles sa
sintaks. Maaari ring idagdag ang paggamit ng siya upang tukuyin ang mga bagay na
walang buhay, na natalakay na.
Pagkaltas ng Unlapi
Karaniwan ang pagpupungos o pagkakaltas ng mga pantig sa unahan ng salita
Karaniwang nasasaksihan ang ganitong pagkakaltas sa kaso ng unlaping i-:
(i) pininta
(i) nirekomenda
iniugoy
(i) pinasasagot
(i) tinatanong
(i) hatid
Kadalasang hindi alam ng gumagamit na dapat pala’y may i- sa unahan ng mga
salita sa itaas. Posible ring sa natural na bilis ng pagbigkas ay talaga namang nalagas
ang i- sa unahan, na sa katagalan ng panahon ay itinuturing nang karaniwang mga
tagagamit na wala nang i- doon.
Naiiba ang kaso ng (i) hatid, dahil ito lamang ang binabanghay na nang walang i-

30
Ihatid inihatid inihahatid ihahatid
Ihatid hinatid hinahatid ihahatid

Mga Bagong Pahayag


Parang apoy na lumalaganap ngayon ang paggamit ng kaya sa ganitong mga
sitwasyon:
Dito kaya ako nakatira, ano?
Busog na ‘ko. Kumain na kaya ako!
(1) Nagmumungkahi: Lumunok ka kaya nito, makabubuti sa iyo.
(2) Nagdududa: ipinuslit nga kaya niya ang P670M fertilezer fund?
May bagong gamit ang kaya sa mga halimbawa sa itaas.
Palasak na rin ngayong ang sumusunod:
Huli kasi siyang dumating so nahuli rin ako.
Sige na nga, payag na ko, although hihingin pa rin natin ang opinyon niya.
Sasabihin na ba natin na ang mga ito ay mga bagong pang-ugnay?
Sumisibol na mga bagong pananaw sa pagsusuri ng gramatika.

Tatalakayin natin sa bahaging ito ang mga bagong pananaw sa pagsusuri ng


gramatika.
Ayos ng pangungusap. Sinasabi sa mga umiiral na aklat ng gramatika na may
dalawang ayos ng pangungusap sa Fiilipino, ang karaniwan at ang di karaniwang ayos.
Ayon sa marami, ang isa ay dinamiko at ang isa ay hindi. Ang isang ayos, ang walang
ay, ay tinatawag na “karaniwang ayos.” Samantala, di karaniwang ayos naman ay
tawag sa pangungusap na may “ay”
Ngunit palagay ng manunulat na ito, ang dapat ituro ay: may kanya-kanyang
gamit ang bawat ayos ng pangungusap.
Subukin kung ano ang magiging epekto kapag inilagay sa karaniwang ayos ang
lahat ng pangungusap na may “ay”. Magiging iba na ang dating, iba na ang epekto sa
mga mambabasa.
Ayon kay Santiago sa kanyang Makabagong Balarilang Filipino, ang di
karaniwang ayos (may ay) ay “karaniwang ginagamit na mga pormal na pagkakataon,
tulad ng mga pulong, paglilitis, atb., hindi sa “mga pang-araw-araw o kolokyal na gamit”.

31
Ang ay raw ay “nagsisilbing pananda na nagpapapakilalang nauuna ang paksa kaysa
sa panaguri”
Kaya, may ilang naniniwala na ang salitang sinusundan ng “ay” ang paksa ng
pangungusap. Halimbawa, sa pangungusap na:
Bukas ay pista.
May mga naniniwala na ang paksa ng pangungusap ay bukas

Sa sumusunod na mga halimbawa, ipapakita na ang iba’t ibat gamit ng


panandang “ay” na hindi lamang hudyat na nauuna ang paksa sa panaguri
Sa Tagalog Reference Grammar ni Schachter at Otanes na lumabas noong
1972, tinawag nilang “ay inversion” ang pangungusap na may “ay” at samakatuwid ay
nauuuna ang argumento (o paksa) sa panaguri. Para sa kanila, sa inversion
construction ay inililipat sa unahan ng pangungusap ang ilang bahagi na wala sa
ganitong posisyon sa batayang pangungusap.
Para sa maraming linggwista, iskolar ng wika at guro ng Filipino, pareho lamang,
walang pagkakaiba, ang dalawang anyo ng pangungusap ay maaaring pagpalitin.
Kaya naman, karaniwan na ang ganitong pagsasanay sa mga teksbuk sa
Filipino:

A. Isulat sa patlang ang K kung ang pnagungusap ay nasa karaniwang ayos. DK


naman kung di karaniwan
_____1. Ang mga butanding ay malapit nang maubos.
_____2. Pangalagaan natin sila.

B. Gawing di karaniwan ang ayos ng pangungusap na nasa karaniwang ayos at


karaniwan naman ang nasa di karaniwang ayos.
Kay Lope K. Santos, ang “ay” ay pandiwang walang banghay. Kina Schachter at
Otanes, ang “ay” ay hudyat na nauuna ang argumento (o paksa) sa panaguri. Ngunit
ang “ay” ay may gamit sa pangungusap hindi lamang upang ihudyat na nauuna ang
simuno.
Ang gamit ng ay:
a) Kapag gustong bigyang-pansin ang argumento o paksa

32
Ang kapistahan ng Nuestra Señora dela Paz ay ginugunita tuwing Enero 24

Ang Nuestra Senora dela Paz ay patron ng Congregation of the Sacred Heart of
Jesus and Mar na itinatag ni Peter Coudrin sa Paris noog French Revolution
Editoryal, Balita, Enero 24, 2007
b) Kapag may gustong bigyang-diin sa unahan ng pangungusap
Madilim pa’y ginising na ako ng sunod-sunod na tahol ni Ruben
Ngayo’y nasa kamay naming mga kababaihan ang pagtatanggol sa lupaing
ninuno.
Sa Camiguin ay masarap ang lansones.
Masarap nilang narating ang simpleng buhay ng pamilya ng dalaga.
Kapag gabi kasi ay walang trapik sa lugar nina Maris
c) Kapag may ipinapakilalang bagong paksa
Ang sumusunod ay may saguting criminal sa malubha at sa di gaanong
malulubhang krimen.
Ang mga parusang maaaring ipataw alinsunod sa Kodigong ito ay iyong
napapaloob sa sumusunod.
Mula sa Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas
Salin ni Cezar C. Perales
d) Para ipakita ang konstruksyong parallel
Si Datumanog ay mahigpit na kaalyado ni Ate Glo kaya sa bawat sabihin ni Ate
Glo ay yes lang si Datumanog.
Rod T. Salandanan, Balita, Set. 1, 2005
Ang bantay ko’y tala/ang tanod ko’y bituin
e) sa pagbubuod ng naunang pahayag
Ito ay parang silakbo ng damdamin sa katatapos lang na impeachment process.
Balita 9/9/10
Samakatuwid, may gamit ang bawat ayos ng pangungusap sa kabuuan ng
diskurso. Bigyang-pansin na sa pasalita man o pasulat na komunikasyon, bawat isa ay
gumagamit na estruktrang naaayon sa ibig niyang ipahayag o sa uri ng diskurso.

33
May bagong panlapi?
May bago na raw panlapi, ayon sa iba. Ito ay –ibo, -al, -er, at iba pa. bilang
halimbawa, ibinigay nila ang mga salitang kontemplatibo/kontemplativ, nasyonal,
komisyoner, atb.
Maituturing bang mga bagong panlapi sa Filipino ang mga nabanggit? Hindi.
Dahil ang hiniram ay ang buong salita ang hindi lamang ang mga panlapi.
S bilang pamparami ng pangalan?
Palasak ngayon ang panghihiram ng mga salitang Ingles na may s sa dulo.
Halimbawa, mga girls, mga boys, students, administrators, friends at iba pa. ibig bang
sabihin nito’y pluralizer na sa Filipino ang s lamang ang hiniram kung ang buong ang
salita. Masasabi lamang na pamparami na ng pangngalan ang s kung tinatanggap na
ang babaes, lalakis, sanggols, atb.
Ponemang Morpema
Ang o at a ba ay mga ponemang morpema na nagbabadya ng kasarian? Hindi
pa rin. Hinihiram nang buo ang mga salitang tulad ng abogado/abogada, maestro/a, at
iba pa.
Kailanan at Kasarian ng Pangngalan
Itinuturo sa mga paaralan ang kailanan ng pangangalan.
Isahan: isang bulaklak
Dalawahan: dalawang bulaklak
Maramihan: maraming bulaklak
Nagbago ba ang anyo ng “bulaklak” sa iba-ibang bilang? Hindi, di ba? Alin ang
nag-iba, hindi ba ang panuring?
May ganito pang pagsasanay ang mga guro:
Naipapakita ang dalawahan at maramihang anyo ng panggalan sa pamamagitan
ng paglalapi.
Isahan: ina
Dalawahan: mag-ina
Maramihan: mag-iina
Ilan ang ina sa mag-ina? Sa mag-iina? Diba isa lamang? Paano natin masasabi
na dalawahan at maramihang anyo ng pangngalan ang mag-ina at mag-iina gayong
hindi naman nagbago ang bilang ng ina.

34
Isa pang tanong. Ano ang kasarian ng pangngalang mag-iina? Pambabae,
panlalaki, di tiyak o walang kasarian?
Hindi ba panahon na upang suriin muli ang ilang bahagi ng ating gma itinuturo sa
mga bata.

Kongklusyon
Sino ang bayan nagpapasiya kung ano-anong mga tuntunin ang ilalagay sa
isang aklat ng gramatika ng isang partikular na wika? Anong taong tagagamit ba ng
wika o iskolar ng wika at linggwista? Sa paggawa ng diksyonaryo, itinatala ng
leksikograper ang lahat ng salitang naobserbahan niya, pati na rin mga neolohismo,
mga slang, mga bagong uso, atb. At inilalagay ito ng angkop na label. Sa gramatika,
hindi ganito ang nagyayari. May mga pamantayan ng kawastuhan na nakatala sa
balarila, at dapat itong sundin. Preskriptibo ang tawag dito. Ang descriptive linguist, sa
kabilang dako, ay nagmamasid at naglalarawan ng wika batay sa aktwal na gamit na
naoobserbahan niya.
*Papel na binasa sa Pambansang Seminar sa Filipino na may temang “Edukasyong
Pangwika: Isyu, Kalakaran at Tunguhin” sa taguyod ng Pambansang Samahang
Linggwistikang Filipino at pakikipagtulungaan at tangkilik ng Komisyon sa Wikang
Filipino, Komisyon sa Lalong Matas ng Edukasyon (CHEd) at Kagawaran ng
Edukasyon (DepEd) Oktubre 23-25, 2008.

35
NILALAMAN: Saysay at Salaysay

Sulyap sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa

baybayin o Alpabetong
Alibata Romano

KATUTUBO KASTILA

AMERKANO KASALUKUYAN

Ingles bilang
wikang Hamon sa wika
panturo kaugnay ng
nagbabagong
kurikulum

Kasaysan ng Wikang Pambansa:

Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang
Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto
("sa katotohanan") na pamantayang bersyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo")
itong iba rito. Noong 2007, ang wikang Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao, o mahigit
kumulang isang-katlo ng populasyon ng Pilipinas, 45 milyon naman ang nagsasabing ikalawang
wika nila ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185 na wika ng Pilipinas na nasa
Ethnologue. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika,
pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang
sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo."Ang gustong makamit ng wikang Filipino ay ang pagiging pluricentric language, o ang
wikang may iba't ibang bersyon depende sa lugar na kung saan ito'y ginagamit. May mga
"lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa karaniwang balarila ng Tagalog" sa
Davao at Cebu, na bumubuo sa tatlong pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama
ng Kalakhang Maynila.

36
KAMALAYAN: Tampok na Babasahin

Ang Tutulain Kong Harana: Sanlibo’t Isang Pahina ng Istorya’t Historya ng


Sintang Bayan Kong LUZVIMINDA”
Ni: DAVID MICHAEL M. SAN JUAN
Makata ng Taon 2010
“Ayaw ba nila kayong ituring bilang mga mamamayang Espanyol? Ihiwalay ninyo ang
inyong mga sarili sa pamamagitan ng paglalantad ng inyong tunay na katauhan.
Subukin ninyong buuin ang pundasyon ng bansang Pilipinas! Pinagkaitan ba nila kayo
ng pag-asa? Mainam! Huwag kayong umasa sa kanila, umasa kayo sa inyong mga
sarili…!”
Simoun sa Ikapitong Kabanata ng “El Filibusterismo”
I. PROLOGO
Pitong libong pulo sa dakong silangan
Bughaw, malumbaying mga katubigan
Bundok, kagubatang sa sigwa’y tanggulan
Hiyas ng balangaw, hinagkan ng araw!

Sinisid sa lalim, hinila ng talim


Sa apoy sinugba, kataga’y hininga
Niyapos ng lumbay, mahikang laragway
Tumawid ng dagat, umahon sa tangway

Isanglibo’t isang limot ng gunita


Nilimbag sa papel, nanilaw na pahina
Itinabi, tinagi, winalambahala
Sa alaala’y naglahong parang bula

Inanod ng batis, tuwa’t pagtitiis

37
Memoryang niligis, panlunas na langis
Sugat ng kahapon, tumanglaw sa layon
Historya’t istorya, katang maglimayon

Piling-piling bayan, gintong kabukiran


Tubuhang tumatangis, dugo ang panlinis
Busilak na handog, sariwang alindog
Gunitang kapilas, ngayo’y mamamalas

Baybayin ang noon, linawin ang ngayon


Hiwaga’y ungkati, pangamba’y supilin
Dalit ko’y pakinggan, ‘sang haranang bayan
Liwanag, karimlan, tulang kasaysayan.

II. HENESIS
Bagong kasibulan ng lahing dayuhan
Sa lupa’y nanulay, iba’t ibang kulay
Ang iba’y sumakay sa mga balangay
Tagni-tagning bayan, isang kapuluan

Samyo ng amihan, parang na luntian


Lambak, kapatagan, laksang kaburulan
Sapa, batis, lawa ng kasaganaan
Isanlibong lunas sa kasiphayuan

Masayang haraya, bayan ng ligaya


Mumunting pag-asa sa bagong umaga

38
Langit ay ngumiti, dinilig ang binhi
‘Sang dakilang bukas, bansang aliwalas

Dayong lahing pagal, dito ay dumatal


Kayumanngging kamay sa lupa’y nagbungkal
Tahana’t bantayog ng bayan ay ‘tinindig
Ritmong matulain, nilikha’t narinig

Kulintang, kudyapi, pasyok na pinili


Ugong, ihip, huni, halik ng kandili
Kumintang ng laya, haranang pithaya
Kalinangang taal, masaganang bukal

III. INKARNASYON
Sa luwad sinulat, titik na pangmulat
Pinanday ang tatak, inalis ang latak
Ang luma’y hinagkis, nagbagong bihis
Tadhanang dakila, iisang adhika

Salita’y nagbunga ng santuyag gawa


Bundok ay pinatag ng lahing timawa
Sa hilaga’t timog, nagtayo ng muog
Lahat nangatulog hanggang sa mausog

IV. HEGEMONYA
Sa dulong Silangan, pati sa kanluran
Anarkikong layag, sa baya’y tumambad

39
Usok ng mapusok, handang manulasok
Huwad na balsamo, sa puso’y palaso

Krus na pulahan, puting kaligiran


Maliyab na pangulo, naglatay sa sulo
Kadena’y pumalo, ang laya’y naglaho
Bulaklak na bata, agad sinawata

Nagdilim ang langit, bayan ko’y napiit


Sumugat sa diwa, kinital ang awa
Malayang batingaw, umaalingawngaw
Nagbango’t naamis, sa lilo’y lumihis
Namatay, nabuhay, kidlat na kaybilis

V. KONTRA- HEGEMONYA
Hanggang sa isang araw, kinubling balaraw
Sumiklab ang ningas, tirania’y naagnas
Umulan sa pana, sa hilaga’y laya
Sumagot ang timog, ginupo ang hambog

Mabuhay, mabuhay, agad ‘winagayway


Araw ng tagumpay, tuwang walang humpay
Tatlo ang bituin, gabay sa landasin
Kinulayan mandi, pula ng magiting

Bughaw itong langit, laging inaawit


Busilak na hirang, palahaw sa parang

40
Unang republika, sa dako ng Asya
Laru-larong digma, s’ya muling kawawa

VI. NEKROPOLIS
Di naglipat-taon, bagong panginoon,
Bagong kabubuo, muling iguguho
Ibong bagong laya, inihaw sa baga
Ang bagong bandila’y pinilit maluma

Mata’y piniringan, dunong, binusalan


Bibig, biawalan, puso’y binantayan
No sa makabayan, yes sir sa dayuhan
Kundiman sa bayan, destino’y libingan
Lahat, inutusan, tsokolate’y tikman
Kakani’y bitawan, Tiyo Sam ay hagkan
Itakwil si Boni, si Pepe’y bayani
Ang Noli at Fili,basta isantabi

Dekadang linlangan, huwad na huwaran


Eskwela’y binuksan, diwa’y kalimutan
Itanghal ang dayo, limutin ang iyo
Kadena’y ibigin, mag-asal-alipin

Dila’y pilipitin, sa wikang di atin


Kataga’y hungkag man, Inglesero naman
Masarap pakinnggan, kahit walang laman
Hudas, palakpakan, paiyakin ang bayan.

41
Ay bayang sinakmal, ba’t di umatungal!
Ay bayang nilansi, ba’t di maninisi
Ay bayang nilason, ba’t di ka makabangon!
Ay bayang hinilam, mata mo’y banlawan!

Lahing inihandog, lahing natutulog


Layag pinagbili, huwad na kandili
Dayuha’y yumaman, hikahos ang bayan
Piging ng iilan, sayawan sa bulkan

VII. ANARKIYA
Isang alingawngaw, dakong Maguindanao
Leyte, Escalante, maliwalu’t Lupao
Tadhanang gumuhit, aral na malupit
Pantas mong naulit, sa baya’y hagupit

Nangusap ang dugo, hinagpis sa punglo


Sumagot si luha, inampon ni baha
Dumatal ang sigwa, poot ni Bathala
Panaho’y tinakda, hustisya’y bahala

Bagyo sa disyerto, tuyong paraiso


Gumuhong kastilyo, bayang minartilyo
Bansang kapuluan, nilulon, nilamon
Dumagsa ang laksang dambuhalang alon.

42
Bundok ay ginupo, ‘sang iglap, naglaho
Giniba’t winasak, sinaklot ang pilak.
Sinaklot ng takot, kahila-hilakbot
Mundong masalimuot, guguhong tatsulok.

Abang sambayanan ay kumaing-dili


So Ginto;t si Pilak, ang reyna’t ang hari
Punebre’t himutok, sa bata’y oyayi
Sa dilim, hinagpis, binhing pinaglihi
Sa araw natusta itong tagabungkal
Inugat sa lupa silang nagpapagal
Ang lupang pangako, lunod sa lansihan
Tales, Tata Selo, katwira’y nasaan

Paroo’t paritong nangagsisitakbo


Bawal ang mahuli sa among trabaho
Ay naku, ay naku, gamumo ang sweldo
Ayan na, ayan na, langit ang presyo

Sa sagradong pinto, simbahang maluho


Sentimo’t mamera, insultong pag-asa
Kupi-kuping lata’y bihirang dampian
Kalansing ng barya, saan at kalian

VIII. INSUREKSYON
Dumating ang araw, hirap ay tumindi
Sa hinaing ng bayan, mahikero’y bingi

43
Batingaw sa tore’y muling dinupikal
Panawag sa bayan sa pulong na bawal

Bandilang bahaghari’y nangagsilipad


Naipong galit, sumambulat sa plakard
Ang pipi’y nangusap, sumigaw ang lahat
Bawiin, bawiin, bansang kinulimbat

Kumurap ang mata’t umulan ng bala


Sumabog ang madla, nag-amoy pulbura
Bumuwal ang isa, dalawa, lahat na
Kalawit, kalawit muli kang magpista
Ay bayang kapilas, kailan aalpas
Ay bayan kong sawi, kailan babawi
Itanghal ang tuwid, iwaksi ang mali
Dangal nitong lipi, hiyas nitong lahi

RESUREKSYON
Mangarap, mangarap, mata’y mag-apuhap
Buuin ang bayan nang mayro’ng paglingap
Muling magsiawit, sipatin ang langit
Buksan, buksan, diwa’t pusong nakapinid

Masayang bughaw, sandipang kalangitan


Malalayang ibon, nangagsalimbayan
Ito ang kandungan nitong kalikasan
Biyaya ng Diyos sa sinta kong bayan

44
Bayan ko, kata na, dito’y kasibulan
Saan mo man tingnan, karikta’y luntian
Talahib at kugon sa may kaparangan
Gulaya’y malago sa bawat bakuran
Dakuan pa itong kanyang kagubatan
Punong matitibay, nasa kakayuhan
Ligtas na tirahan ng sangkahayupan
Yamang kalikasan nitong sambayanan.
Igala ang tingin sa tanang palayan
Ginintuang butil ay pinagpawisan
Nitong magsasakang may katiyagaan
Lupa’y pinagyaman ng sangkalangitan

Huni ng ibon at tilaok ng tandang


Lagaslas ng batis at ihip ng hangin
Isip mo’y lalaya sa dako ng parang
Bayan ko, halika, bulong ay awitin.

Pitong libong perlas sa dakong silangan


Pinung-pinong puting mga buhanginan
Walang hanggang puwang ang dalampasigan
Isanlibot’ isang hiyas ay tunghayan

Mga kabundukan, tanod-kalayaan,


Tanggulan ng bayan kung mayro’ng digmaan,
Kadluan ng yaman sa kapayapaan
Remedyong mabisa sa karalitaan.

45
Aliw-iw ng hangi’t pagdaloy ng tubig
Awit ng ibo’t marubdob na pag-ibig
Hinaing ng diwa’t tula ng paglaya
Matimyas bigkasin sa sariling wika

Tulain natin itong bagong umaga


Lumikha ng mga awitin ng pag-asa
Luntiang paligid, itanghal sa diwa
Bukal sa bundok, payapang lawa

EPILOGO
Sa hanging amihan ating iparating
Matimyas na sonata ay iparinig
Sa gabi’t umaga’y hawanin ang daan
Patungo sa ating pangarap na bayan

Bayang nilugami, babangon sa muni


Mga batong guho, toreng itatayo
Sa dilim sisilip, hininga’y iihip
Silahis ng buhay, ang bukang-liwayway

Nasyon, liberasyon, pasyon, rebolusyon


Pusikit, pimikit, lintik ang pipitik
Kidlat ang pangmulat, panggulat sa salat
Magsulat, magsulat, kahit inaalat

Hanggang isang araw, ating masilayan


Maunlad at malayang irog na bayan
Binigkis na bansa, wala nang luha
‘To, ito ang haranang tutulain ko.

46
SURI-LAPAT: Itaguyod, Itanghal, Isulong, at Isalaysay ang 4K

 Masining at Madamdaming Pagbasa ng Tula


o Bawat pangkat ay aatasan ng angkop na saknong ng tula
o Mula sa saknong ay bubuo ng malikhaing pagtatanghal ang
bawat pangkat. Sisikaping iuugnay ito sa kasaysayan ng wikang
pambansa.
 Mag-isip, Magpares, at Magbahagi
o Gabay na Katanungan sa pare-pares na talakayan:
 Ano ang mga mahalagang pangyayari kaugnay ng
kasaysayan ng ating wika?
 Anong aral ang dapat tandaan at pahalagahan kaugnay
ng kasaysayan ng wikang pambansa?
 Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang
kasaysayan, ano ang iyong gagawin?
 Paano naging magkaugnay ang kasaysayan ng wikang
pambansa sa kasalukuyang kalagayan nito?
 Bakit mahalagang balikan ang kasaysayan ng wika?
 Sinturon ng Kaalaman
o Hakbang sa Pagsasagawa
 Magpangkatan na may 8 – 10 kasapi
 Bawat kasapi ay gagawa ng malikhaing flashcard na
naglalaman ng konseptong may kaugnayan sa
kasaysayan ng wika
 Pagsasamahin ng bawat kasapi ang flashcard upang
maging sinturon. Bawat isa ay tatapat sa mga konsepto at
ilalahad sa buong klase sa isang masining na
pagtatanghal.
 Magkakaroon ng pagtatanong ang ibang pangkat at
muling iikutin ang sinturon upang itapat sa ibang kasapi.
 Ang matapatan ng konsepto ang siyang
magpapaliwanag.
 Maugnaying Talakayan
o Hakbang sa Pagsasagawa
 Habang nagtatanghal ang “Sinturon ng Kaalaman” ng
bawat pangkat ay makikinig ang magiging
tagapagtanong.
 Ang unang bahagi ng tanungan ay maglalahad ng
katanungan na ang kasagutan ay nasa loob mismo ng
47
DAGDAG-KAALAMAN: Suplementaryong Babasahin

SPEAK IN ENGLISH ZONE


Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan
Ika-13 ng Oktubre, 2010

Taong 1898 nang sumalakay si George Dewey


Sa ngalan ng Benevolent Assimilation ni McKinley
Ang paglaya sa Kastila ay agad na nawalang saysay
Dahil sa imperyalistang likas yaman ang pakay!
At ang mga Kano at Kastila’y nagbentahan
Twenty million dollars ang naging kabayaran.
Sinimulan ng Thomasites kolonyal na edukasyon
English ang wikang nagsilbing pundasyon
Ang magigiting na bayani ay ipinabitay
Tulad nina Felipe Salvador at Macario Sakay
Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular
Sa puso’t diwa English ang idinadasal.

Ang bayan ko ay Speak in English Zone


Paghahandang yakapin ang globalisasyon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center

Pagkatapos ng World War II Parity Rights ang sumakal


At ang nagsilbing tanod ay ang mga base militar
Manggagawa at magsasaka ay nalibing sa kahirapan
At nabaon sa utang ang sambayanan.
Ngayo’y wala nang base militar wala na rin ang Thomasites
Ngunit may VFA at English speaking campaign
At ang mga paaralan hulmahan ng propesyunal
Sinanay upang maglingkod sa mga dayong kapital

Ang bayan ko ay Speak in English Zone


Alipin kami noon hanggang ngayon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center.

At ang bansang Pilipinas kahit pa agricultural


Walang makain ang mga mamamayan
Ang aming isip, salita at gawa ay kolonyal
Lahi kami ng alipin sa sarili naming bayan.
Nalulong sa Facebook ang kabataan ni Rizal
Sa pagdodota animo’y mga hangal

48
Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular
Sa puso’t diwa English ang idinadasal.

Ang bayan ko ay Speak in English Zone


Paghahandang yakapin ang globalisasyon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center
Ang bayan ko ay Speak in English Zone
Alipin kami noon hanggang ngayon
Ang pagbabago ang tanging solusyon
Durugin ang kolonyal na edukasyon!

Sariling wika ang ang siyang magpapalaya


Sa sambayanang gapos ng tanikala!

49
NILALAMAN: Saysay at Salaysay

Prinsipyo at Simulain sa Iba’t Ibang Anyo ng Pagsulat

isa sa makrong pagkakaroon ng


kasanayang kaalaman patungkol
dapat na mas sa isang bagay o
paunlarin higit pa

PAGSULAT KASANAYAN

PRINSIPYO SIMULAIN
pinanghahawaka
n at nilalaman mga hakbangin na
ng iyong isip dapat gawin

Mga Kasanayang Dapat Taglayin sa Pagsulat

Ang pagsulat ay isang sistema na humigit-kumulang na permanenteng panandang


ginagamit upang kumatawan sa isang pahayag kung saan maaari itong muling makuha
nang walang interbensyon ng nagsasalita. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang emosyon at
damdamin na nagpapakita ng pagkamatapat at identidad ng paksa. Isa itong kalikasang
praktikal, isang simbolikong sistema ng kahalagahang panlipunan na may epekto sa isang
komunidad na nagsasalita.

May iba’t ibang layunin sa pagsulat tulad ng ekspresib, pormulari, imahinatibo at marami
pang iba.Ang pagsulat din ay may limang katangian.
1. sinasalitang tunog
2. arbitraryo
3.likas ang wika
4.ang wika ay dinamiko
5.ang wika ay masistemang balangkas
50
KAMALAYAN: Tampok na Babasahin

Pag-unawa sa Pilosopiyang Filipino


Florentino Timbreza
Sa kabanatang ito, ating tatalakayin ang mga paksang sumusunod: (1) ang
dahilan kung bakit kinakailangang mamilosopiya ang tao; (2) ang pagbibigay-katwiran
sa kamayroonan ng pilosopiyang Filipino (PF); (3) ang kalikasan ng PF at ang
pinagmulan nito; (4) ang mga pamamaraan ng artikulasyon at intelektwalisasyon ng PF;
at (5) ilang pilosopiya ng buhay ng mga Pilipino: (a) konsepto ng pagkatao, (b) pananaw
ng pamilya, (c) batas ng panunumbalik, (d) pagbabalanse ng kalikasan, (e) konseptong
pangkaligtasan, at (f) ang pabilog na konsepto ng kalikasan.

Bakit kailangang mamilosopiya ang tao?

Hindi ba maaaring kumain na lamang ang tao upang mabuhay, o kaya’y


mabuhay upang kumain? Tila baga hindi maaari sapagkat ang tao ay may isip kung
kaya’t likas sa kaniya ang mag-usisa at magtanong kung bakit nangyayari ang mga
pangyayari sa buhay.
Ayo kay Plato at Aristoteles, ang dalawang kinikilala at bantog na pantas sa
pilosopiyang Kanluranin: ”Ang Pilosopiya ay nag-uumpisa sa pagtataka.”
Subalit ano nga ba ang nakapagtataka?
Kalagayan ng Tao
Ang buhay ng tao ay isang malaking kahiwagaan. Siya’y isinilang na wala sa
kaniyang kaalaman at pagkatapos ay mamamatay na naman siya nang labag sa
kaniyang kalooban.
Ang buhay ng tao ay isang di-malaking trahedya. Isinilang ang tao upang
maghirap at mamatay; at karaniwang mamamatay siya bago ang kaniyang mga
minamahal sa buhay, o kaya’y sila muna, o kaya’y sila muna bago siya; pero kahit
alinman sa dalawa ang mauna o mahuli, walang ibang tanging kasiyahan kundi pawang
pasakit at kalungkutan:
Bakit kinakailangan pang isilang ang tao kung siya’y maghihirap at mamamatay
rin lang? Ano ba ang tunay na kabuluhan ng buhay?
Ito ang pagtataka na tinutukoy nina Plato at Aristoteles; ang tanging katotohanan
na natuklasan ni Siddartha Gautama; ang kawalang-kabuluhan na siyang lumiligalig kay
Haring Solomon; at ang kabalighuan na siyang bumabagabag kina Albert Camus, Jean
–Paul Sartre, at iba pang eksistensyalista.

51
Ang buhay ng tao ay isang malaking suliranin na nangangailangan ng
karampatang kasagutan, solusyon, o paliwanag. Ang paghahanap ng kalutasan ay
siyang tinatawag na pamimilosopiya. Kaya, ang pilosopiya ay isang pangkaisipang
paghahanap ng katotohanan at kabuluhan ng buhay; at habang may tao ay hindi
maiiwasan ang mamilosopiya.
Samakatuwid, kung ang pilosopiya ay nag-uumpisa sa pagtataka, tiyak na
mayroong pilosopiyang Filipino sapagkat marunong din namang magtaka ang mga
Pilipino.
Kung ang pilosopiya ay bumubukal mula sa karanasang-tao, nangangahulugang
mayroon ngang pilosopiyang Filipino sapagkat mayroon din namang karanasang
Filipino na kasingyaman ng mga karanasan ng ibang tao.
Kung ang pilosopiya ng tao ay nakapaloob sa kanilang kultura (na siyang
sinasabi ng mga sosyologo at antropologo), ay walang kaduda-dudang mayroon ngang
pilosopiyang Filipino, sapagkat mayroon ding kulturang Filipino.
Kung ang istilo o hugis ng pag-iisip ng mga tao ay nakahabi sa kanilang wikang
ginagamit na siyang tahasang kinukuro ng mga dalubwika, ay mayroong syempreng
pilosopiyang Filipino, sapagkat mayroon ding wikang Filipino na kasingyaman,
kasingdakila, at kasingganda ng ibang wika sa buong daigdig.
Samakatuwid, hindi na kailangang marunong ng Pranses o Ingles ang isang
indibidwal upang mamilosopiya. Hindi na kailangang maging Amerikano o Aleman para
magtaka tungkol sa kahiwagaan ng buhay. Sapat na ang maging tao na mayroong
sariling karanasan, sariling kultura, at katutubong wika.

Dalawang Uri ng Pilosopiya

1. Pilosopiyang Mapanuri o Kritiko

Nakasentro ito sa katotohanan, at nakapokus sa pangangalap ng


katuwiran, patunay o ebidensya sa lahat ng pahayag. Ano ang
katotohanan? Mayroon bang Diyos? Ano ang patunay na may Diyos.

2. Pilosopiyang Konstruktibo

Nagsasaad ito ng isang pandaigdigang pananaw, ng isang larawan o


persepsyon ng buong katunayan, isang pilosopiya ng buhay.
Ano ngayon ang tinatawag na pilosopiyang Filipino (PF)?

52
Ang PF ay higit na konstruktibo kaysa kritiko. Tumutukoy ito sa pilosopiya ng
buhay ng mga taong-bayan, ang kanilang pandaigdigang pananaw, pagpapaliwanag, at
pagpapakahulugan sa mga pangyayari sa buong santinakpan.
Ito ang kanilang kasagutan at paliwanag sa kakunbakitan ng buhay-tao, ang
kabuluhan ng kariyang-tao. Ito ang kabuuan ng karunungang praktikal ng mga taong-
bayan na galing sa kanilang katutubong karanasan.
Bilang pilosopiya ng buhay, ang PF ang isang kalipunan ng mga paniniwala at
paghahaka tungkol sa kalikasan ng buhay at kung paano mabuhay batay sa kinikilalang
mga katotohanan at mga pagpapahalaga ukol sa buhay.
Kalikasan ng Pilosopiyang Filipino
Higit itong isang pilospiya ng buhay kaysa isang pilosopiya ng bagay. Hindi ito
metapisika kundi isang pandaigdigang pananaw sa malawakang turing.
Higit itong metaporikal kaysa literal. Gumagamit ng metapora; halimbawa, ”Kung
ano ang puno ay siyang bunga.” ”Kapag lumalakad kang parang itik, pakembot-kembot
na parang itik, at kumakakak na parang itik, ay tiyak na ikaw nga ay itik”

Makakongkreto sa halip na abstrakto. Kongkretong paglalarawang-diwa ang ginagamit


sa pangangatuwiran. Hal., Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim, ang
lumalakad nang marahan, kung matinik ay mababaw.” ”Ang asong tahol nang tahol ay
bihirang mangagat.” (Ilokano: ”Tay aso a nataul saan a makadunor.”) ”Ang
punongkahoy na hitik ng bunga ay siyang pinagbababato.”
Makapersonal sa halip na impersonal ang diwang Filipino. Nakasentro sa
pamilya, may kaugnayan sa pamilya. Hal., ”Utang na loob sa aking mga magulang.”
”Kung saan ako nadapa, doon ako babangon.”
Maramdamin at sensitibo ang Pilipino. Pinepersonal niya ang mga bagay o mga
isyu.
Mapaniwalain sa mga kababalaghan, tulad ng mga multo, mamaw, tyanak,
himala ng mahal na Birhen. ”Malaking himala ang nangyari sa EDSA I, purihin ang
Diyos, aleluya!”
Sikliko at holistiko sa halip na pahalang o pahiga ang kaisipang Filipino. Hal.,
”Kung may sarap ay mayroon ding saklap.” ”Kung may dilim ay mayroon ding liwanag.”
“Ang buhay ng tao ay gulong ang katumbas, pag nasa ilalim ngayon ay nasa itaas
naman bukas.”
Holistiko: Ang buhay ay tambalan ng lungkot at ligaya, hirap, at ginhawa, pait at
tamis, bigo at tagumpay, karamdaman at kalusugan, pagsilang at pagkamatay.
Sentripetal ang kaisipang pang-asal ng Pilipino. Iginigiit ang sariling pagkatao
bilang sentro o pamantayan ng paghuhusgang moral. Aspektong ginintuang tuntunin,

53
ha., Tagalog: “Ang masakit sa iyo ay masakit din sa iba.” ”Ang masama sa iyo, huwag
mong gawin sa kapwa mo.” Ilokano: ”Dika aramiden itipadam a tao ti dika kayat a
maaramid ita bagim” (Huwag mong gawin sa iyong kapwa-tao ang ayaw mong
mangyari sa iyong katawan).
Panggasinense: ”No agmo labay ya pagawad sica, agmo gagaween ed kaparan
a too” (Ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo ay huwag gawin sa kapwa-tao mo).
Aspektong di-pamumulang tuntunin. Hal., Tagalog: ”Bago mo pahirin ang uling
ng iba, ang uling mo muna ang iyong pahirin.” Bikolano: ”Sighidan mo nguna sa
sadiring natad, bago ka mahigid kan sa ibang natad” ( Walisan mo muna ang iyong
sariling bakuran, bago mo walisan ang bakuran ng iba).
Higit na makadiyos sa halip na makaagham ang diwang Filipino.
Napakarelihiyoso ng mga taong-bayan. Kapag nagtagumpay: ”Pinakinggan ng Diyos
ang aking panalangin.” ”Isang himala ang nangyari.” “Kaloob ito ng Diyos.” “Naghimala
ang Mahal na Birhen.” “Pinarusahan siya ng Diyos sa kanyang mga kasalanan.” “Bawat
isilang na sanggol ay hulog ng langit.”

Pinagmulan ng Pilosopiyang Filipino

Panitikan o Literatura, isinulat o saling-bibig. Hal., mito, alamat, tula, epiko, awit,
paniniwala, bugtong, kaugalian, seremonya, katutubong sayaw, salawikain, kasabihan,
aphorismo, dung-aw, kuwentong bayan, nobela, dula, sarswela, pasyon, balagtasan,
bukanegan, atbp. Ang panitikan ay siyang naglalarawan sa pamumuhay at pag-iisip ng
mga taong-bayan.
Mga Aklat at iba pang sinulat ng mga bayani, at mga ninuno, tulad nina Rizal,
Mabini, Bonifacio, Jacinto, Ninoy, atbp.
Interbyu o pakikipanayam sa mga matatanda’t katutubong Pilipino (lalo na sa
mga probinsya) na hitik ng kaalaman at karanasan sa buhay. Hindi mababasa sa aklat
ng paaralan ang kanilang kaalamang hango sa aklat ng buhay.
Mga pampilosopiyang pagninilay, mga aklat at iba pang kasulatan ng mga
pangkasalukuyang dalub-aral, manunulat, at mga daludguro ng pilosopiya sa iba’t ibang
dalubhasaan at pamantasan.
Mga Pamamaraan ng Artikulasyon
Repleksibong Pag-iisip: Pagsusuri, pagsisiyasat, pagninilay, pagsasaayos,
pamumula, pagpapaliwanag, pagpapakahulugan sa mga diwang katutubo at mga
pananaw ng mga Pilipino.
Malikhaing Pag-uulit: Pinagigitaw, pinalulutang, pinalalabas, binubungkal,
hinahalughog ang mga diwang nakakubli sa panitikang-bayan na kung saan

54
nakapaloob ang angking karanasan at hugis ng pag-iisip ng mga taong bayan; hal.,
tula, awit, salawikain, atbp.
Progresibong Paraan: Magpanukala, magtatag, bumuo ng bagong sistema ng
pag-iisip na paraang isang kilusan. Habang isinasagawa ito ay mangilan-ilang bagong
diwa at pag-iisip ang maaaring lumitaw.
Pagsasakatutubo ng PF (indidyinisasyon o indigenization): Humiram ng mga
katutubong hugis ng pag-iisip (eksodyenus o exogenous). Paggamit ng mga katutubong
hugis ng pag-iisip sa pagpapaliwanag ng mga dakilang ideya (Endodyenus o
endogenous)
Intelektwalisasyon ng PF: Iangat at itaas, palawakin at palalimin ang
pamimilosopiyang kahulugan ng mga katutubong pag-iisip at pananaw sa pamamagitan
ng paghahambing o paghahalintulad sa mga dakilang ideya at mga pangangaral ng
mga dakilang guro at pantas sa buong daigdig.
Pilosopiya ng Buhay ng mga Pilipino
Konsepto ng Pagkatao
Una: Iniuugnay ang pagkatao sa malinis na pangalan o karangalan, kabutihang
asal, kagandahang-loob, magandang kaugalian, at kabaitan. Ito ang sukatan ng
kadakilaan para sa mga taong-ayan.
Tagalog: ”Di man nagmana sa ari, nagmana naman sa ugali.”
”Ang kalinisang-puri ay hindi nabibili.”
Boholano: ”Ang maayong cagawian labaw sa bulawqan.”
(Higit na mahalaga ang magandang kaugalian kaysa ginto.)
”Ang tunat na kagyomon iyo an ugaling marhay.” (Ang tunay na
kagandahan ay ang magandang pag-uugali.)
Tausug: ”Bulawan iban pilak. Mahalaga malaingkan budhi pangari mahang
kabaakan.” (Ang ginto at pilak ay mahalaga subalit ang magandang
pagkatao ay mahirap hanapin.)
Ilokano: ”Ti tao a nanakman, daeganna tay nabaknang.”
(Daig ng mabuting pagkatao ang kayamanan.)
Pagninilay: Para sa mga Pilipino, mas mabuti ang di-tanyag at di-mayaman
subalit malinis naman ang pagkatao, kaysa maging bantog at
mayaman ngunit may dungis naman ang pagkatao. Higit na
mahalaga ang pagkatao kaysa kayamanan na galing sa masama.
Pangalawa: Iniuugnay ang pagkatao sa paggawa.

55
Cebuano: Ang tinuod nga tawo masolti ug diotay apan magabuhat ug
daghan.” (Ang magaling na tao’y madalang magsalita pero
maraming nagagawa.)
Unsa ang tawo maila sa iyang binuhatan.”
(Kung ano ang gawa ay siyang pagkatao.)
Tagalog: ”Makikilala sa gawa ang katotohanang dakila.”
Bikolano: ”Namimidbid an tao sa iyang gibo-gibo.” (Nakikilala ang tao sa
pamamagitan ng kanyang mga nagawa.)
Pagninilay: Ang kabuuan ng mga gawa, mga pag-aaral, at mga likha (hal., aklat,
tapos na gawain, mga isinulat, tungkulin, atbp.) ay siyang kabuuan ng pagkatao
ng isang indibidwal. Ang mga ito ang bumubuo sa kanyang kasinuhan o
kakayahan. At makikilala rin siya ng mga tao sa pamamagitan ng mga ito.
Halimbawa: Kilala natin ngayon si Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga
dakilang nobela, mga tula, mga pag-aaral, mga gawa, mga paglalakbay,
pagpapakasakit, at pagkamatay bilang isang martir alang-alang sa kanyang
minamahal na ”Perlas ng Silanganan.” Ang bumubuo naman sa pagkatao ni
Ninoy Aquino ay ang sumusunod na detalye: siya ay naging reporter noong
digmaan sa Korea nang siya’y labimpitong taong gulang pa lamang; dating
pinakabatang naging gobernador.

56
SURI-LAPAT: Itaguyod, Itanghal, Isulong, at Isalaysay ang 4K

 BUKLAT-ULAT: Pangkatang Bahagihan ng Kaalaman at Natutuhan


- Pangkat 1
(Simulain sa Pagsulat ng Patalastas at Islogan)
- Pangkat 2
(Simulain sa Pagsulat ng Pananaliksik)
- Pangkat 3
(Simulain sa Pagsulat ng Lathalain at Editoryal)
- Pangkat 4
(Simulain sa Pagsulat ng Rebyu ng Aklat, Fashion, o Pelikula)
- Pangkat 5
(Kasanayang Dapat Malinang: Pagpapaliwanag, Pag-iisa-isa, Paghahambing)
- Pangkat 6
(Kasanayang Dapat Malinang: Paglalarawan, Pagsasalaysay, Paglalahad,
Pangangatwiran
- Pangkat 7
(Kasanayang Dapat Malinang: Pagpapamulat at Pagpapalaya)
Pangkat 8 (Kasanayang Dapat Malinang: Paglalagom, Pagbuo ng Kongklusyon at
Rekomendasyon)

Paraan ng Pagsasagawa/ Iba Pang Mungkahi/Presentasyon


A –activity

 Malikhaing gawain upang itulay sa pag-unawa sa pag-aaralang


nilalaman o paksa. Maaaring palaro o iba pang pangkatang gawain na
gigising hihikayat sa iba na manood at makinig
D-discussion

 Komprehensibong pagtalakay sa paksa


I-integration

 Pag-uugnay ng paksa sa ibang binasang kaugnay na artikulo


D-deepening

 Pagsusuri sa paksa kaugnay ng kasalukuyang kalagayang panlipunan,


isyung pang-edukasyon, at iba’t ibang usapin na makatutulong sa
lubusang pag-unawa at pagpapahalaga sa paksa.
S-synthesis

 Pagbubuod sa paksa na may kasamang pagtatampok sa adbokasiya.

57
DAGDAG-KAALAMAN: Suplementaryong Babasahin

Saklaw at Lapit sa Pagsulat ng Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Isang


Mungkahi
Monico M. Atienza

Wikang pambansa ng Pilipinas ang paksain ng papel na ito. Ito ang wikang
pambansang nagsimula sa wikang Tagalog bilang batayan, tinaguriang national
language at Pilipino sa ilang panahon sa paglaganap at pag-unlad nito, tinawag na
Filipino sa Kontitusyong 1973 ng diktadurang U.S. – Marcos at ibinunsod nga ito bilang
idedebelop at itatakdang pambansang wika ng Pilipinas, samantalang Pilipino at Ingles
ang mga opisyal na wika at kung saan nananaig ang huli sa una sa mga tyempo ng di-
pagkakasundo o di-pagkakaunawaan, at sa ngayon ay Filipino sa Konstitusyong 1987
na naipasa ng liberal-demokratikong rehimeng U.S.-Aquino; opisyal ding wika at
midyum ng pagtuturo o edukasyon ang Filipino sa Konstitusyong kababanggit,
kasabayan ng Ingles, ngunit nangangailangan ng mga batas ang Filipino para sa ganap
at puspusang paglaganap at pag-unlad nito bilang opisyal na wika at midyum ng
edukasyon. (Kapansin-pansin hanggang sa puntong ito ng paglalahad na may
pagtutuon sa ‘legal’, ‘mala-legal’ o ‘may pagkalegal’ na pagtuturing o pagpapaliwanag
tungkol sa wikang pambansa o sa mahigpit nitong kaugnay na wikang opisyal at
midyum ng edukasyon; totoo ito, at at repleksyon at signipikasyon na rin ng mga
saloobin at atityud na walang iba kundi paghingi ng paumanhin o apologia, paisantabi
nga, na tayo ay may pambansang wika, dapat na gamitin, palaganapin at paunlarin
para sa ating mga kapakanan at pangangailangan. Lagi, at lagi nang dapat tayong
maging legal, konstitusyonal pa nga, dahil hiyang-hiya tayong masaling man lang ang
wikang Ingles at ang mabubunying nasa likuran nito. Mabuti na lamang at di-
naipagsasantabi ang wika, tulad din ng maraming pangyayaring panlipunan! At patuloy
na ginagamit, pinapalaganap at pinauunlad ang Filipino, bilang wikang pambansa at
wika ng sambayanan.

Mga Akdang Pangwika


Maimumungkahi, bilang panimula sa pangkasaysayang paglalahad o pagsulat
tungkol sa pambansang wika ng Pilipinas, ang dalawang nakilala nang may
pangkomprehensibong sulatin hinggil sa paksa: ang Historical Development of the
Philippine National Language ni Ernest Frei at ang Language ang Natonalism The
Philippine Experience Thus Far ni Andrew Gonzales. Bukod sa makabuluhang
nilalaman ng mga ito hinggil sa pagpili o pagtatakda ng batayan o maaaring pagsimulan
ng pambansang wika, ng mga pagdedesisyon at patakaran ng gobyerno, ng mga
pananaw at posisyon ng ibat ibang grupo at indibidwal sa mga usapin at isyu ng wika,
at ng mga akademiko at edukador, at ng pagpalaganap at pag-unlad ng komon at/o
pambansang wika sa Pilipinas, kapaki-pakinabang lalo ang pagsisilbi ng mga obrang ito

58
bilang mapag-uumpisahang balangkas ng paglalahad o pagsusulat pangkasaysayan
tungkol sa wikang pambansang wika. Kagyat ding kapaki-pakinabang “Ang Sitwasyong
Pangwika sa Pilipinas” nina Constantino, Gonzales-Garcia, at Ramos para sa
kasalukuyang layunin, lalo na ang paglalagom ng mga datos pangwika at
pangkasaysayan at mapagbuong paglalahad nito. At mailulugar din dito, bilang
pagpapailalim at pagdedetalye ang sumusunod: Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope
K. Santos, “Mga Gramar sa Tagalog” ni Lydia Gonzales-Garcia, “Ang Papel ng U.P sa
Pagpapalaganap ng Pambansang Wika” ni Jovita Orara, at Writing Filipino Grammar
nina Nelly Cubar at Ernesto Cubar. At bagamat mga ispesipiko o espasyalistang
pagpupunyagi sa pagtitipon, pag-uuri, at pagpapakahulugan ng mga salita, ang
sumusunod na mga obra ay dapat ding datusan, daluyan nga, ng minulan at tinungo ng
pambansang wika sa Pilipinas: Arte y reglas de la lengua tagala (1610) ni Fray
Francisco Blancas de San Jose, Vocabullario de la lengua tagala (1613) ni Fray Pedro
Francisco Blancas de San Jose, Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Dr. Jose
Villa Panganiban, Viscassan’s Pilipino-English Dictionary (1978) ni Vito C. Santos,
Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano Laktaw, Diksyunaryo ng Wikang
Filipino (1989) ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, The Contemporary English-
Filipino Dictionary (1999) ni Ernesto A. Constantino at ang Up Diksiyonaryong Filipino
(2001) ng Sentro ng Wikang Filipino (Virgilo Almario, punong editor).

Mga Pangyayaring Kaugnay ng Wika


Ngunit mahalaga ring masaklaw ng isang paglalahad at pagsulat
pangkasaysayan sa pambansang wika ang iba pang mga pangyayaring panlipunan,
pampolitika, pangkultura o pang-akademiko at/o pang-intelektuwal kaya, lalong
nagpunyagi para palaganapin at paunlarin ang ating wikang pambansa.
Maihahalimbawa ang mga hakbang at aktibidad ng mga kabataan at estudyanteng
aktibista, kasama ang mga manggagawa, maralita ng lungsod at magsasaka, sa
pagtataguyod ng Tagalog, Pilipino, at Filipino sa nakaraang mahigit sa apat na dekada
at sa nagpapatuloy nitong pagtataguyod sa pambansang wika ng Pilipinas. Sa
pangunguna ng mga abanteng puwersang pambansa-demokratiko, aktibo at militanteng
ginagamit, pinapalaganap at pinauunlad ng mga aktibista ang Pilipino/Filipino sa
kanilang di-humihintong pagtuligsa at pakikihamok sa imperyalismong U.S., katutubong
pyudalismo at buruktang kapitalismo at sa lahat ng nagsusuporta’t nagsusuhay sa mga
ito. Sa malaking bahagi, ang ganitong mga hakbang at aktibidad pangwika, maituturing
ngang ideolohikal, politikal at organisasyonal na pagkilos ng mga puwersa ng
demokratikong rebolusyong bayan, ay matutunghayan sa munting sulating Kilusang
Pambansa-Demokratiko sa Wika (1990) ni Monico M. Atienza; masasabing isang
angkop na daan ang akda para matukoy pang lalo ang mga punyagi at sikap ng
rebolusyonaryong kilusang nabanggit kaugnay ng pagpapalaganap at pagpapaunlad ng
pambansang wika, at maaari kang matagpuan ang mga sumusunod: “Gabay sa
Ispeling, Bokabularyo at Balarilang Pilipino” at “Gabay sa Pagsasalin” (kapwa lumabas
noong 1996 ang binagong mga edisyon), Ang Bayan at Rebolusyon, pahayagan at
teoretikal na Partido Komunista ng Pilipinas (MLKMZ), Ulos, Silyab at marami pang
mga publikasyon sa wika, panitikan at kultura gaya, halimbawa, ng Muog, Gera,

59
Hulagpos, STR at Kabanbanuagan. Maikakawing din sa munting sulating nabanggit ang
ilan pang sinulat ni Atienza, gaya ng mga sumusunod: “Filipino ng Kilusang
Pambansang-Demokratibo (KPD): Pilosopiya at Pulitika sa Pambansang Wika “(The
Archive, August 1998), “Kuru-kurong Pangmadla sa Pambansang Wika” at
“Ensayklopedia sa Pilosopiya: Pagdidiskursong Pangmadla” (Wika at Lipunan: Mga
Piling Diskurso sa Filipino, Constantino, Pamela at Monico M. Atienza, mga patnugot).
(Inaakalang ang tatlong kababanggitay kapupulutan ng pangkaraniwan at/o
pambalanang tanaw at tindig sa usapin ng wika at wikang pambansa, na maaaring
maging kapaki-pakinabang sa paglalahad at pagsusulat pangkasaysayan sa ating
paksain.)
Wikang Pambansa sa U.P.
Dapat ding masaklaw ng marami-rami na ring pagpupunyagi sa Unibersidad ng
Pilipinas (U.P.) tungo sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng Pilipino/Filipino bilang
wikang pambansa, opisyal na wika at midyum ng pagtuturo. Isa rito ang aktibong
pagkilos, pagdodokumento at pagsusulat ng mga nanguna at nagtaguyod sa
“Sikolohiyang Filipino” gaya nina Dr. Virgilio Enriquez, Dr. Rogelia Pe-pua at Dr.
Elizabeth Marcelino; sa halos talong dekada ng mga pagsisikap at publikasyon sa
disiplinang ito, malinaw na naging layunin at katuparan ng hangarin ang pagpapasulong
sa Pilipino/Filipino. Hindi rin maihihiwalaay sa ganitong mga aktibidad at punyagi ang
mapaghawang-landas na gawain sa disiplina ng Kasaysayan, tinawag na “Bagong
Kasaysayan” ng mga tagapagtaguyod nitong sina Dr. Zeus Salazar, Dr. Jaime
Veneracion, Dr. Noel V. Teodoro, mga propesor na sina Dante Ambrosio, Ferdinand
Llanes, Nancy Kimuell-Gabriel, Atoy Navarro, at Mary Jane Rodriguez, at iba pang mga
tagasuporta ng mga ito sa loob at labas ng akademya. Ngunit bago pa naman ang
ganitong mga kilos at punyagi, naitatag na ang Departamento ng Filipino at Panitikan
ng Pilipinas noong 1966, at naging sentro na ito ng mga susing hakbang at aktibidad sa
pagpapalaganap at pagpapaunlad ng Pilipino/Filipino bilang wikang pambansa, wikang
panturo at wikang opisyal; sa ngayon, hindi na matatawaran ang naging silbi ng
departamento sa larangan ng wika, panitikan, aralin, at kulturang Filipino, hindi lamang
sa loob ng Unibersidad kundi pati sa labas nito. Maikokonteksto rin sa ganitong mga
punyagi at pagkilos para sa wika at mga kaugnay na usapin nito ang “Palisi sa Wika ng
U.P” na aktibong pinasimulan sa panunungkulan ni Dr. Jose V. Abueva bilang pangulo
ng Unibersidad; naglayon ang patakaran na palaganapin at paunlarin ang Filipino bilang
ganap na naipatupad, nananatiling buhay ang pagtataguyod at pagpapatupad sa mga
batayang adhikain nito, lalo na nga’t sa panahon ng patakarang naitatag ang Sentro ng
Wikang Filipino sa Sistemang U.P, at hanggang sa ngayon, sa kabila ng ilang
malakihang pagbabago sa estruktura’t mga tungkulin nito, ay nananatiling susing
kawing sa pagpapatuloy at pagpapatupad ng mga desisyon at hakbanging
mapalaganap at mapasulong ang Filipino bilang wikang pambansa, wikang opisyal at
wikang panturo, hindi lamang sa Unibersidad kundi sa iba pang bahagi ng lipunang
Pilipino. Kaya sa paglalahad at pagsusulat pangkasaysayan sa wikang pambansa, ang
mga nabanggit na kilos at kaganapang ito sa U.P ay nararapat lamang masaklaw.
Wikang Pambansa sa Ibang Unibersidad

60
Hindi nag-iisa ang U.P sa mga kilos at hakbangin kaugnay ng pagpapalaganap
at pagpapasulong ng Filipino bilang wikang pambansa, wikang opisyal at wikang
panturo. Alam ng marami sa atin na ang Philippine Normal Unversity (PNU), Ateneo
University (Adu), De La Salle University (DLSU) at Polytechnic University of the
Philippines (PUP), lalo na sa pamamagitan ng kani-kanilang mga departamento at
sangay sa wika at panitikang Pilipino at mga samahan at grupong pangwika at
pampanitikan sa kani-kanilang mga kampus, ay aktibo rin sa mga larangan ng wika na
atin nang nailahad ng di-iilang ulit. Sabihin pa, ang ganitong mga gawain ay- dapat
lamang masaklaw ng anumang paglalahad at pagsusulat pangkasaysayan tungkol sa
ating pambansang wika at iba pang mahigpit na kaugnay na usapin ng ganito. At hindi
rin dapat malingid ang ugnayan at pagtutulungan ng mga pamantasang ito, kasama na
ang U.P. at iba pang paaralan sa bansa, kaugnay ng mga gawaing pangwika,
pampanitikan, pangkultura at panlipunan na laging may mahalagang ugnayan sa lalong
ikalalaganap at ikauunlad ng Filipino bilang wikang pambansa, wikang opisyal at wikang
panturo.
Marami pang mga kahawig at/o kakawing ang mga nabanggit ko, matatagpuan
nga sa iba’t ibang panig at larangan sa ating lipunan, na matatamo pang pagkukunan
at/o paghahalawan ng mga datos, ng sari-sari at masasalimuot na ugnayan. Sa
paglalahad at pagsusulat pangkasaysayan tungkol sa ating pambansang wika at sa
mahigit na kaugnay nitong mga usapin, dapat lamang mulang tayong lahat, tayong may
tiyak na layuning itaguyod, palaganapin at paunlarin ang wikang Filipino—sa konteksto
ng lunan at panahon ng globalisasyong mapanakop at mapanupil sa mga bayan at
sambayanang minamaliit at hinahamak!

Balangkas Pangkasaysayan
Makapagsisimula tayo ng balangkas pangkasaysayan sa sinimulang pagbubuo
ng mga datusan, daluyan at/o batis at/o sanggunian, sa itaas. Kumbaga, may
pangkabuuang larawan na sa ating hinagap. Mula sa pangkabuuang larawan,
hahagilapin natin ang mga detalye’t partikularidad sa bawat bahagi na nagbubuo sa
larawan. Kumbaga, inilulugar o iniluluwal natin sa bawat bahagi, U.P., Ateneo, La Salle,
PNU o PUP, kilusang pambansa-demokratiko, bagong kasaysayan, sikolohiyang
Filipino, palisi sa wika ng U.P, Sentro ng Wikang Filipino, kumbaga , ang ating iniisa-
isang inilahad, sulatin at buuin bilang mga ‘hiwa-hiwalay’ na ‘salaysay’ o ‘kasaysayan’—
na magtutungo, kalaunan, sa ‘pag-iisa’ ng ‘hiwa-hiwalay’ at sa ‘pagtitipon/pagbubuo’ ng
mga ‘salaysay’ o ‘kasaysayan’. Ito nga ang lapit, ang pamamaraan.

Bakit kasaysayan?
Mahahalaw kay E. H. Carr, sa kaniyang What is History?, ang ganito: hindi
lamang tala ng nakaraan ang kasaysayan… ito ay pagtatanong ng historyador tungkol
sa nakaraan… kaya ito ay isang proseso ng interaksiyon ng kasalukuyan at nakaraan;
at may dalawa itong tungkulin: malinaw ang nakaraan sa pamamagitan ng kasalukuyan,

61
at mapanghahawakan ang kasalukuyan sa liwanag ng nakaraan. Kung gayon,
mahalaga ang kasaysayan sa dapat na nagpapatuloy na pag-alam ng tao sa kanyang
lunan at panahon, para na rin, marahil, sa kaniyang malay at wastong pagkilos at
pagkabuhay sa nasabing lunan at panahon. Hindi nga mali o wala sa lunan at panahon
nating alamin ang kasaysayan ng ating wikang pambansa at mga kaugnay nitong
usapin.

Paglingon, Pagpapatuloy, Pagtanaw/Pantindig


Sa puntong ito, Ipagpaumanhin ninyo ako at hayaang sumipi mula sa artikulo ko
noong nakaraang taon, ang “Kursong Filipino sa GE Kurikulum”
Mahigit isandaan at dalawang taon na nang ilatag ang Konstitusyong Biak-na-
Bato. Mahigit sa isang siglo na nang imungkahi ni Apolinario Mabini ang isang borador
ng Konstitusyong Malolos. Nauuna pa nang bahagya sa dalawang ito ang patakarang
pangwika ng rebolusyonaryong Katipunang pinangunahan nina Andres Bonifacio at
Emilio Jacinto. Halos isandaan at tatlumpu’t isang taon na ang nakalipas mula nang
isulat ni Jose Rizal ang sa “Sa Aking mga Kabata,” sinasabing ginawa ng pambansang
bayani nang ito’y mga walong taong gulang pa lamang. At mga isandaan at siyam na
taon na ring nabibigkas si Simoun kay Basilio ang bisa ng sariling wika at kahungkagan
ng wikang Kastila para sa mga estudyanteng naglalayon ng ilang reporma sa nobelang
El Filibusterismo. Halos apat na daang taon na rin mula nang isaad nina Frat Chirino at
Colin ang pagkakahawig ng mga wika sa Pilipinas; at nang banggitin ng una ang mga
katangian ng lalim at hirap kung ihahambing sa Hebreo, ng malilinaw na katawagan
nito kahambing ng Griyego, ng kaganapan at kariktan nito kagaya ng Latin, at ng
pitagan at paggalang nito kawangis ng Espanyol. Maaaring mga pala-palagay lamang,
mga panimulang pag-aanyo ng pagtataguyod at paninindigan sa isang wikang
sarili/katutubo, ngunit pagpili pa ring masasabi kaugnay ng wikang gagamitin,
palalaganapin at pauunlarin….
Namamayagpag ang imperyalismong U.S. sa global na antas. Hambog nitong
ipinangangalandakan ang globalisasyon bilang bagong relihiyon, wika nga ni Amado
‘Gat’ Inciong; kung gayon, ipinapataw nito ang liberalisasyon, deregulasyon at
pribatisasyon sa larangan ng ekonomiya at kalakalan sa daigdig, kaya patuloy rin
nitong ginogoyo at nilalambutsing ang gobyernong Estrada na impormalismo nang
husto ang bagong relihiyong U.S at monopolyo kapitalista (ang gobyerno ngayon ay sa
pamumuno na ni Macapagal-Arroyo, di-nagbago ang patakarang U.S sa bansa)… Sa
ganitong global na konteksto, malilirip ang pinasiglang pagdodomina ng
imperyalismong U.S. sa gobyernong Estrada sa partikular at sa sambayanang Filipino
sa pangkahalatan, at ang patuloy na pagdodomina rin nito sa teknolohiya ng
impormasyon at komunikasyon sa ating bayan. Kaya madali nang mauunawaan ang
kasunod na pamamayagpag naman ng wikang Ingles sa mga institusyon at ahensiya
ng gobyerno at pribadong sektor ng ekonomiya’t pangangalakal sa ating lipunan. Sa
sustansiya, ito ang konteksto ng pakikipaglaban para sa pambansang wika, wikang
opisyal at wikang panturo, nakabatay man ito sa isa sa mga wika natin o sa mga wika
natin dito sa kapuluan. Pilipino man o Filipino o anumang wikang sarili natin,

62
kakaharaping lagi ang dominasyong politikal, ekonomiko at kultural ng monopolyong
kapitalistang U.S.; susing kawing ang wika sa dominasyong ideolohikal, ang
pangingibabaw ng U.S sa kamalayan ng lipunang Filipino sa hanay ng mga politiko,
akademiko, intelektuwal, estudyante, guro at propesyonal.
Malalim ngang estratihiya ng pananakop at pangingibabaw ang patuloy na
pagdodomina ng wikang Ingles sa maraming aspeto ng ating buhay at kamalayang
panlipunan. Ito ang nag-iisang konteksto ng ‘Wika’ Komunikasyon at Diskurso; Kursong
Filipino sa G.E Kurikulum,’ ng potensiyal at hinaharap nito sa pagtatapos ng milenyo at
pagpitada ng susunod. At ang nagtataguyod sa nasabing proyekto ay pagkilala lamang
sa kalikasan ng usaping pangwika bilang politikal at ideolohikal na usapin,
nangangahulugan ng politikal at ideolohikal na pakikiisa sa sambayanang bukal at
daluyan ng wikang pambansa at pang nakakarami; at ang masinop na pakikiisa at
pagkilos para sa patriotiko, makabayan at demokratikong layunin at adhika ng
sambayanang Filipino, laban nga sa anumang at alinmang dayuhang monopolyo sa
kapangyarihang ekonomiko, politikal at ideolohikal na walang layon kundi ang maging
mapagsamantala sa nakararami, para lamang sa interes at kapakinabangan ng iilan.

63
Ang Paglinang ng Pagkamalikhain sa Pagtuturo ng Kurso sa Komunikasyon.
Eugene Y. Evasco
Sisikapin ng panayam na talakayin at pag-usapan ang mga sumusunod na
paksa.:
1. Mga paraan ng paglinang ng malikhaing pamamahayag kaalinsabay sa
pagtuturo ng komunikasyon sa antas ng sekundarya.
2. Mapahalagahan ng kapwa guro at mag-aaral ang bisa ng teksto at bilang isang
anyo ng pamamahayag
3. Mabigyang-linaw ang halaga ng mga mag-aaral bilang tagalikha ng
pampanitikang akda sa kurso ng komunikasyon.
Lalamanin ng papel na ito ang mga paraan na magsisilbing gabay sa mga guro
upang mapahalagahan ang pagiging malikhain sa pagtuturo ng komunikasyon.

Dahilan sa Pagsulat at Pagpapahayag ng Tao

Ang tao ang natatanging nilalang sa daigdig na may sapat na pag iisip para
magpahayag ng damdamin. May tiyak na sistema ng komunikasyon ang isang tao
upang isaayos ang kanyang nakikita, naririnig at naamoy. Tao lamang ang may
naisadokumentong wika at kalipunan ng mga senyal upang magpadala ng mensahe at
maghatid ng kaukulang reaksiyon sa mensaheng iyon. Ito marahil ang pangunahing
dahilan kung bakit nakakapagsulat ang isang tao.
Sa bahaging ito, lilinawin natin na ang depenisyon ng pagsusulat ay sumasakop
sa lahat ng uri ng ganitong pamamahayag ng mga tao, teknikal man o malikhain:
pamamahayag (journalism), malikhaing pagsulat, pagpapatalastas (advertising)
pagpapahayagan, komunikayon at ekspresyon. Isama na rin natin dito ang mga
simpleng uri ng pagsusulat ng liham, ulat, anunsyo, babala at iba pang nakatutulong sa
pagsasaayos ng buhay ng tao.
Una, Ang pagsulat ay komunikasyon ng isang tao, Ang tao, bilang panlipunang
nilalang, ay napapaloob sa isang mundo ng diskurso na nangangailangan ng
pagpapalitan ng reaksiyon, ideya, kaalaman at karunungan. Pagsulat ang isa sa
makapangyarihang daluyan ng komunikasyon tulad na lamang ng isinasagawa ng mga
sinaunang tao na nagsusulat ng liham at kanilang obserbasyon sa mga balat ng kahoy,
dahon, sa bumbong ng kawayan at sa yungib. Sa ating pandaigdigang
64
pangkasaysayan, Ang mga sinaunang kalinangan ay may sistema ng komunikasyon,
na tinatawag na pagsusulat. Ang mga Tsino, Arabo, Indian at Ehipto ay may mga
organisadong sensyal na tunog ng mga kasangkapan sa komunikasyon. Kilala itong
alpabeto, maging ang mga Pilipino noong unang panahon ay may alibata kaya
nagkakaroon ng palitan ng mga mensahe. Kilala ito maging sa panahong ito bilang uri
ng komunikasyon. Kahit pa sabihing mataas ang kalidad ng ating teknolohiya, hindi pa
rin nawawala ang bisa ng pagsusulat, sa mga cellular phone, halimbawa ang mga
Pilipino ay nahuhumaling sa tinatawag na text messaging na tinatayang pinakakilalang
uri ng komunikasyong pagsulat sa kasalukuyang panahon. Kasama na rito ang
pagsusulatan sa pamamagitan ng e-mail, faxmodem, at pakikipag-chat sa computer.
Anuman ang instrumentong ginamit, pagsusulat pa rin bilang komunikasyon ang punto
ng mga nasabing tekolohiya.
Ikawalang dahilan sa pagsulat ng tao ay ang tinatawag na pagpapahayag sa sarili. Sa
katunayan, hindi lang sa pagsulat ang paraan sa pagpapahayag nito. Maaari rin sa pag-
awit, pagsayaw, pagpipinta, pagsasagawa ng pelikula, pagdidisenyo at pagtatanghal,
pero ang pagsusulat ang pinaka-epektibong paraan ng pagpapahayag ---------------------
nariyan ang lirikal na tula ng mga Pilipino. Tulad ng sonanoy, (sonetang Pilipino)
Talindaw (tula sa paggaod), tagumpay , tula sa pakikidigma (toyayi) (awit sa pagsinta)
kumintang (awit sa pakikidigma) at kundiman (awit sa pag-ibig). Na bagamat inaawit o
isinasalaysay ay naisusulat din sa modernong panahon upang ipahayag ang
kalungkutan, papuri sa mga bagay, papuri sa namatay’ kasiyahan, pagmamahal at
kagalakan. Sa misteryo ng paligid mula noon haggang ngayon ang pagpapahayag ng
sarili ang pamatnubay sa mga manunulat upang lumikha ng obrang pampanitikan. Ito
ay mga nagsasabing ang pagsusulat ng isang tao ay isang paraan upang makaagapay
ito sa bugso ng kaniyang damdamin. Isa nga rin itong paghihilom kung nasa matinding
pagdurusa ang manunulat. Kaya nga, mapapansin natin na karamihan sa mga
mahuhusay ng tula at awitin ay may malungkot na tono. Marahil isang matinding
kalungkutan ang nag-udyok sa manunulat upang itala ang kanyang nararamdaman.
Kaya nga sa kasalukuyang panahon hinihikayat ang mga manunulat na sagkaan ang
ang kinarahatinhang na ang pagsusulat ay bunga ng malungkot yari sa pamamagitan
ng pagsulat naman buhat sa masasaya at magagandang karanasan sa buhay. Kilala
ang ganitong udyok ng pagsusulat bilang selebrasyon ng kasiyahan.
Pangatlong dahilan ng pagsusulat ay ang layunin ng tao ng pagbabago sa
kanilang lipunan at paligid. Isang paraan dito ay ang pagsusulat sa kanilang
kasaysayan. Ginagamit ng tao ang kanilang nakaraan upang pumatnubay sa kanilang
pamumuhay sa kasalukuyan at sa hinaharap bukod sa pagtatala ng mga pangyayari sa
mga nakalipas. Layunin ng pagsusulat ng kasaysayan ang mithiin ng tao ng
pagbabago. May kasabihan nga na natututo ang tao sa kanilang pagkakakamali at ito
rin ang kanilang nagiging gabay upang humubog ng isang maalwan at maayos na
pamumuhay, matapos ang proseso ng pagsusuri at pagsasabuhay ng kanilang mga
napag-alaman. Dahil ang pagsulat ay nagagamit sa pagtatala ng kasaysayan,
pinaniniwalaan na maaring maging dokumento ng kasaysayan ang mga sulatin tulad ng
panitikan. Kaipala, marami ang naninindigan na ang panitikan ay kasaysayan ding
maituturing bagamat ito ay nasusulat sa masining na paraan.

65
Ikaapat na dahilan ng pagsusulat ay ang pagtatala. May sapat na kakayahan ang
sinuman, nakapag-aral man o hindi na makaranas, makaalala, makagunita at
maisabuhay ang kanilang pakikipamuhay sa digdig. Dahil may sapat na pandama ang
mga tao kumpara sa mga halaman at hayop, umuusbong ang kaalaman at karunungan
upang lumitaw ang pangangailangan ng pagtatala. Halimbawa ng ganitong pagsusulat
ang paghahanda ng talaarawan, sanaysay sa paglalakbay (travelogue), dyornal na
personal at mga sanaysay na personal at impormal. Sa Pamamagitan ng mga ganitong
mga sulatin, nagkakaroon ng pagsisidlan ang sinuman ng kanilang obserbasyon sa
kanilang paligid at kanilang karanasan araw-araw. Talas ng gunita ang kailangang
gamitin ng sinuman upang makapagsulat ng mga anyo ng sulatin sa ganitong
pagpapahayag.
Ikalima, nagsusulat ang tao upang makapaghikayat at makapag-anunsiyo. Batid
naman natin na bukod sa audio biswal ng komunikasyon (tulad ng telebisyon at
pelikula) mabisang paraan ang pagsusulat para sa ganitong kalakaran. Halimbawa, tao
na iboto siya sa nalalapit na halalan. Nagsusulat ang isang kompanya ng mga
anunsiyo ng kanilang paninda at produkto upang mahikayat ang mga tao na tangkilikin
ang mga ito. Kung hindi sa panghihikayat at pag-aanunsiyo, hindi lalago ang negosyo
at maaring bumagsak ang ekonomiya’t kabuhayan ng isang lipunan. Sa ganito ring
kalakaran, mainam na halimbawa ang mga imbitasyon at paanyaya: imbitasyon sa
kasal, paanyaya sa binyag o kaarawan, paanyaya sa paglulunsad ng isang aklat,
imbitasyon sa gaganaping pagtatanghal. Lahat ng mga ito ay gumagamit ng pagsusulat
bilang anyo ng pagpapahayag.
Ikaanim, Ginagamit ang pagsusulat upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan.
May mga manunulat na hinihikayat ang higit na nakararami sa isang kilusang
pagbabago. Ganito ang isinasagawa ng mga manunulat ng mga non-government
organization upang lumikom ng mga tao at mapagpalayang gawain: Pagtataguyod ng
karapatan ng mga bata, kababaihan, magsasaka, maralita, manggagawa. May mga
manunulat naman na humihingi ng pagbabgo sa bulok o baluktot na sistema ng
pamamahala ng organisasyon o ng pamahalaan. May mga manunulat naman na
malikhaing ipinapakita ang ganitong mithiin sa pamamagitan ng lantad o hindi lantad na
paraan tulad ng dula, tula o maikling kwento. Halimbawa ng mga manunulat na ito ay si
Alejandro G. Abadilla sa kanyang tulang “Ako ang Daigdig.” Na tumaliwas sa
nakamihasnang kumbensiyon sa panulaang katutubo na may sukat, tugma at kariktan
ng wika at indayog. Tinaguriang drama simboliko o dulang sediyoso ang mga
makabayang panulat ng “Kahapon, Ngayon at Bukas” at “Tanikalang Guinto” ni Aurelio
Tolentino at Juan Abad noong panahon ng Amerikano dahil sa kanilang pagpupunyagi
nahumaling ng pagbabago laban sa pagmamahal ng mga mananakop ng bansa. Sa
kasalukuyang panahon, may mga grupo ng mga marginalisadong sektor ang humihiling
din ng pagbabago sa kalakaran ng produksiyong pampanitikan. Paggigiit ng tinig ng
kanilang layunin, tinig na huwag maisasantabi. Tinig na bumabalikwas sa
nakamihasnang paniniwala. Halimbawa nito ay ang mga akda ng kababaihan at
peminista na bumabalikwas at bumabaklas sa istoritipo at arketipo na kakabit ng
kanilang pagkatao. Binabasa nila, wag partikular, ang paniniwala na ang babae ay
pantahanan lamang o ang babae ay emosyonal, irasyonal, o histyerikal sa mga bagay
bagay kaya hindi naangkop sa malikhain, kritikal, at siyentipikong gawain.

66
Ikapito, isang dahilan ang pagsusulat ay ang layunin nitong maghatid aliw at
kasiyahan. Ang mga pelikulang kinahuhumalingan ng tao ay dumaan sa proseso ng
pagsusulat ng dulang pampelikula. Ang pagsusulat ng komiks, romansang nobela,
dulang panradyo, kwento ng kababalaghan, ay naglalayong mang-aliw ng mga tao.
Simula pa lamang, ang ating mga ninuno ay lumikha ng mga alamat, mito, pabula at
epiko upang aliwin ang mga taong bahagi ng isang komunidad. Sa kasalukuyan,
mahigpit ang ugnayan ng pagbibigay aliw at negosyo. Marahil nakita ng ilang mga
negosyante na bagay mapagkakitaan ang pagsusulat kung kaya naging laganap sa
ating bansa ang mga sulatin, literatura at sulating nakakaaliw. Mangyari pa, marami
ring manunulat ang nabubuhay sa pagsususlat. Naging prosesyon nila ang kanilang
sining. Kilala ang ito bilang panitikang popular. Halimbawa nito ang mga magasin na
ukol sa nga artista, horoscope, panghuhula sa kapalaran, kwento ng misteryo at
romansa at maging sa mga kuwentong malalaswa na tumatalakay sa sekswalidad at
pagtatalik. Ang kinagigiliwan nating mga soap opera at mga pelikula sa sine ay mga
produkto ng pagsusulat upang makapaghatid aliw at lugod sa mga manonood.
Ikawalo, ang pagsusulat ay isang paraan upang mapanatili ang tradisyon ng
isang bayan. Alam naman natin na nabubuhay ang isang tradisyon sa pagpapanatili sa
isang kultura. At ang pagsusulat ay isang kultura upang itaguyod ang kultura sa
pagdagsa ng pagbabago sa moralidad, kabuhayan, teknolohiya at panahon. Ang
pagsusulat din sa isang lipunan ay patunay na isang masigla at buhay na kultura at
kalinangan. Kung kaya sa daigdig, mataas ang respetong igagawad sa mga manunulat
dahil sila ang nagiging tagapag-ingat at tagapangalaga ng kultura. May paniniwala nga
na isa sa batayan ng maunlad na lipunan ay ang pagtataglay nito ng mga gawaing
pangkultura tulad ng panitikan, pampahayagan at malikhaing pagsusulat. Kabilang sa
mga manunulat na nagsikap na panatilihin ang tradisyon at kulturang Pilipino ay sina
Damiana Eugenio At E. Arsenio Manuel sa kanilang koleksiyon ng mga panitikang
bayan. Si Felipe Landa Jocano sa kanyang Philippine Pre-History, Jose Villa
Panganiban sa kanyang tesauro at diksyunaryong Pilipino, Nicanor G Tiongson sa
kanyang aklat tungkol sa komedyo at dulang bayan ng Pilipinas, si Virgilio S. Almario sa
kanyang mga pag aaral ukol sa panulaang Tagalog at si Ligaya Tiamson-Rubin sa
kanyang mga kalipunan ng pag-aaral sa sining at kultura sa Angono, Rizal.

Ikasiyam, ang pagsusulat ay paraan ng pagtuturo at pagbabahagi ng kaalaman,


karunungan, magandang asal at kaugalian. Nagiging mabisa ang sistema ng
edukasyon dahil sa pagsusulat. Sa paaralan, ginagamit ang mga aklat upang maging
kasangkapan sa pagkatuto at pagtuturo. Kaya nga kailangan ng bawat paaralan ang
silid aklatan o laybrari upang matiyak na may matutunan ang mga mag-aaral upang
mapalawak pa ang kanilang isipan ukol sa bagay-bagay na kanilang interes.
Nagsusulat din ng aklat upang maibahagi ng mga bagay na gigiya sa mag aaral ng
anumang larangan: ito man ay medisina, pamamahala sa negosyo, pagtuturo,
abugasya, inhinyerya, agham panlipunan, agham pangnatural (biology, chemistry,
physics,astronomy, at geology) at humanidades (sining, panitikan, musika, arkitektura,
teatro at pelikula) Ang pagsusulat ng mga panitikang pambata ay para ipalaganap ang
magandang ugali at mahahalagang aral na dapat ng matutunan ng mga batang

67
mambabasa. Kadalasan ang kahalagahan na taglay ng ganitong sulatin ay kasipagan,
kalinisan, pagkamakabayan, pagmamahal, katapatan, pakikipagkaibigan, katapatan,
pagkamalikhain, pagiging makatao, maka-Diyos at makakalikasan. Ang mga sulatin
ding ganito ay nagbibigay instruksyon sa mga mambabasa. Halimbawa nito ang polyeto
ukol sa pagtatanim ng mga halamang gamot, mga resipe at mga panuto sa mga
mambabasa sa mga kahon ng gamot at kagamitan. Bukod pa rito ang Bibliya, Awit na
papuri, at mga sulating panrelihiyon ay produkto ng ganitong uri ng pagsusulat sa
katunayan ang mga unang nilimbag na aklat sa Pilipinas ay relihiyoso ang nilalaman.
Pinamagatan itong Doctrina Christiana.

Ikasampu, nagsusulat ang mga tao upang lumikha at mahiraya ang kanilang
pamumuhay sa kanilang kinabukasan. Ang mga kwentong pyuturistiko at mga science
fiction ay mga uri ng sulatin na naglalarawan sa hangarin ng tao sa maunlad na
kinabukasan, sapagkat sa kasalukuyang panahon, malaki ang takot ng tao ng nilalang,
dulot rin ng tao sa kanilang buhay. Sa kasalukuyan naisulat ni Jose Rizal ang kanyang
sanaysay na “Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon” o naipalimbag ni
Nostradamus ang kanyang prediksiyon sa daigdig, malagim man ito at nagdudulot ng
ligalig. Nakakatuwa ring isipin na ang panitikang nanghihiraya na magaganap pa
lamang ay nangyayari na sa kasalukuyan, halimbawa ay ang “Jurassic Park” ni Michael
Crichton na naghiraya sa cloning at pagsasabuhay ng mga dinosaur. Na sa ngayo’y
naisasagawa na sa pag-aaral ng sperm cell mammoth isang uri ng hayop na wala na sa
daigdig.
Ikalabing isang dahilan sa pagsusulat ay ang pagsulong ng kaisipan o ideya.
Pampolitika man ang hangarin o pampilosopiya. Kabilang sa mga magtatagumpay at
dinarakilang pilosopo ay sina Aristotle, Socrates, Plato, San Agustin, Confucius,
Buddha, Freidrich Engels, Karl Marx at Mao Zedong. Sa mga palaisip dinarakila sina
Bertolt Brech, Edward Said, Virginia Woolf, Carl Jung, at Sigmeund Freud. Sa Pilipinas
kilalang palaisip ang mga propagandistang sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar,
Graciano Lopez-Jaena, maging sina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio ay nagsulat din
ng mga sanaysay, tula at manipesto upang itaguyod ang kanilang paniniwala hinggil sa
kalayaan at kasarinlan ng bayan noong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Matutukoy ang bisa ng mga ideya at kaisipan ng mga sumusunod kung ito’y angkop pa
ring gamitin at isabuhay magpahanggang-ngayon Nagiging dakila ang mga natutukoy
na palaisip at pilosopo dahil sa kanilang mga sulatin na nagtatampok ng talas ng
kanilang pag-iisip at naiambag sa karunungan ng daigdig.
Ikalabindalawang dahilan sa pagsusulat ng tao ay walang bahagi ng kanilang
karanasan. Tulad ng nabanggit kanina, panlipunang nilalang ang isang tao kung kaya
mahalaga at makapamuhay sila sa isang lipunan ang pagbabahagi at pakikipag kapwa
tao. Isang paraan ng ganitong pagsusulat ang ganitong gawin. Hindi lamang ito
simpleng pagpapahayag kundi gawaing likas at makatao. Dahilan sa pagsusulat ang
mga personal ng sanaysay ang bahagi ng karanasan. Napapalawak ang pang-unawang
pang tao. Naipararanas din ng mga sulating ito ang mga bagay na maaaring
maranasan o hindi maranasan ng isang mambabasa. Naghahatid din ito ng ideya kung
ano ang pamumuhay sa isang bayan, kung ano-anong kultura o kung ano-anong mga
68
bagay ng humubog sa unawa ng isang nilalang. Ganito marahil ang dahilan sa
paglaganap ng mga sulatin ukol sa paglalakbay at kasaysayan ng isang pamilya (family
history). Bukod sa mga sulating personal kauri rin ng ganitong mga sulatin ang lathalain
ukol sa mga pangyayari, personalidad, o lugar. Kasama rito ang pagsusulat ng mga
pananaliksik upang magbahagi ng karanasan hinggil sa tiyak na paksa, siyentipiko man
ito o ukol sa karanasang panlipunan o pansining.
Pagsusuri sa lipunan ang ikalabintatlong dahilan sa pagsusulat. Layunin ng mga
pagsusuri ang makapagdulot ng pagbabago sa paligid at imulat ag mamamayan sa
mga pangyayaring nagaganap sa kaniyang lipunang ginagalawan. Halimbawa nito ang
dalawang nobela ni Jose Rizal na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” Maging ang
nobelang pangkasaysayan ni Padre Jose Burgos na “La Loba Negra” Isang popular na
pagsusuri sa lipunan ang bahaging editoryal sa mga peryodiko at mga pitak o kolum sa
pahinang opinion ng diyaryo. Bukod sa tinutuligsa nito ang mga kabaluktutan ng
pamahalaan at simbahan, sinusuri rin nito ang puno’t dulo ng kahirapan at karahasan
ng bayan. Hinihikayat ng ganitong sulatin ang kakulangang aksyon upang masugpo
ang suliranin ng bayan. Tagapamulat din ito ng kamalayang nakapiring sa katotohanan
at katurungan. Kahanay rin ng ganitong layunin ang mga sanaysay ukol sa panunuring
pampanitikan at pansining. Sa pamamagitan ng mga sanaysay na ito, napapatnubayan
ang mga produksiyon ng mga produktong pangkultura ng isang lipunan at nabibigyan
ng karampatang pag-aaral ang sining ng isang artista, ito man ay manunulat, manlililok,
piyanista o ilustrador.
Ikalabing apat na dahilan sa pagsusulat ay ang hangaring itampok ang kanilang
pagkamalikhain, talino at talas ng pag-iisip. Pagpapatunay rin ito sa kanilang kaalaman
sa wika, banyaga man o sarili. Sa Pilipinas, pinaka-prestohiyosong gawad sa
kagalingan sa pampanitikan ang Gawad Palanca at halos lahat ng kabataang
makikinabang sa sariling talino at sining ngunit sa bandang huli, ang bayan ang
makikinabang sa mga tagisan at patimpalak sa pagsusulat dahil nagpapatunay ito sa
bayan na nagpapahalaga sa edukasyon, literasi, sining at kahusayan. Sa ganitong
dahilan din, lumilitaw ang mga pamantayan sa kahusayan at naglalarawan sa estetika
ng isang partikular na panahon sa lipunan.
Ikalabinlima at pinakahuling dahuilan sa pagsusulat ng tao ay katuparan ng
sariling pangarap at pagkakaroon ng pangalan o tatak sa gunita ng kanyang mga
mambabasa. May isang paniniwalang Asyano ukol sa pagiging immortal at pamumuhay
na habang buhay ng isang tao. 1. Pagtatanim ng puno, 2. Pagkakaroon ng anak na
lalaki 3. Paglalathala ng sariling libro. Malay man o hindi, karamihan sa mga manunulat
ay gustong mabuhay ng walang hanggan sa pamamagitan ng kanilang mga panulat. Sa
pagsusulat sila nakikilala, nagkakaroon ng pangalan, naisasakatuparan ng pangarap ng
panaginip at nagiging angat sa karaniwang mamamayan. Maraming manunulat ang
lubos na natutuwa kapag nakikita ang kanilang pangalan na nakalathala, kilala ito
bilang kaluwalhatian ng nalalathalang pangalan o glory of the byline. Totoo, marahil na
hindi karaniwan ang kasabihan na higit pa sa anumang sandata ang kapangyarihan ng
isang panulat. Kung gagamitin lamang sa tamang pamamaraan ang kapangyarihan at
kakayahang ito - sa ikauunlad ng kamalayan at kabihasnan ng mga tao – ay
magpatibay ang mga nakamihasnang paniniwala sa mga bisa ng panulat.

69
Mungkahing Gawain:
1. Kapayanamin ang isang manunulat at alamin kung ano ang kanyang mga
layunin sa pagsusulat.
2. Pumili ng isang magasin at suriin ang layunin ng mga mamamahayag sa
kanilang mga naisulat na artikulo.
3. Gumupiit ng print ad (nalathalang patalastas) at ipaliwanag kung bakit epektibo
ito.
4. Lumikha ng greeting card para sa sumusunod na okasyon: a) birthday
b)father’s/mother’s day c)Valentine’s day d)anibersaryo e) humihingi ng
paumanhin at f) nakikiramay
5. Sumulat ng liham na hindi ipapadala
6. Sumulat ng talumpating mapanghikayat ukol sa inyong imbensyon.

Sa isang araw sa inyong paaralan alamin ang iba’t ibang layunin ng pagsusulat na
iyong nasaksihan. Itala ang mga ito at ipaliwanag.
A. Tula
1. Sumulat ng limang modernong bugtong na ang mga bagay ng pinahuhulaan
ay mga makabagong gamit dulot na teknolohiya tulad ng kompyuter,
automated teller machine, cd-rom, cellular phone, website, internet, atbp.
2. Lumikha ng isang panalanging humihingi ng kaligtasan mula sa kalikasan.
3. Magbasa ng isang pahayagan at pumili ng makabuluhang paksa batay sa
balita o lathalain para maging lunsaran sa pagsusulat ng tula.
4. Mangalap ng isang larawan mula sa photo album ng inyong pamilya at
lumikha ng lirikal na tula tungkol sa larawan na iyon.
5. Sumulat ng tula bilang parangal sa inyong ama, ina, kasintahan o isang
bayan.
6. Maghanda ng isang tanaga (tulang may apat na taludtod, May pitong pantig
sa bawat taludtod, at kadalasay’ monorima) na nagpapatungkol sa
napapanahong isyu ng lipunan.
7. Sumulat ng isang lirikal na tula sa bata sa dalang post card na nagtatampok
sa kagandahan ng kalikasan: karagatan,bundok,bulkan,talon o ilog.
8. Pumili ng isang tulang inyong paborito, kontrobersyal ang nilalaman o
bumabagabag sa inyong isipan. Sagutin ang tulang ito sa pamamagitan din
ng isang tula.

70
9. Sumulat ng tula tungkol sa pagluluto o paghahanda ng isang putahe.
Siguraduhing may dalawang antas ang inyong sinusulat na tula ang literal at
metaporikal na antas ng pagpapakahulugan.
10. Maghanda ng listahan ng mga metapora at simile buhat sa mga tulang
nabasa sa inyong mga aklat, koleksiyon o antolohiya. Itala ito sa inyong
journal. Pag-aralan ang kahulugan ng tayutay sa ating pagtula.
11. Magbasa ng mga peryodiko. Mangalap ng mga tula na pumapaksa sa mga
kasalukuyang suliranin ng bansa. Basahin ito at suriin
12. Maglaro sa pamamagitan ng pagsulat ng tula. Bumilog ang klase at pipili ang
guro ng isang paksa ng tula. Bawat isa ay kinakailangang magsulat ng isang
taludtod hanggang sa matapos ang tula at mag-aaral na bahagi ng bilog.
Basahin at suriin ang taglay nitong elemento ng mga tula at tayutay.
13. Magdala ng kopya ng paboritong awitin sa klase. Basahin ito ng patula at
suriin ang mga tayutay na nakapaloob dito.
14. Mangalap ng dalawang tula na pumapaksa sa pag-ibig na ini-ulat ng lalaki at
babae. Paghambingin ang dalawa at alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng teksto
15. Pumunta sa isang eksibit ng mga larawan o isang art gallery. Sumulat ng
isang tula sa isang sining biswal na inyong pinili
B. Maikling Kwento
1. Mangalap ng isang popular na alamat, nito o pabula. Lapatan ito ng isang
pagbabago sa tono at punto de bista. Maaari ring ituon ang pagsasalaysay sa
tauhang hindi gaanong nabigyan ng tinig o walang gaanong pagkilos sa
orihinal na salaysay.
2. Maglagi ng 20 minuto sa isang parke, kantina, paradahan ng jeep, palengke,
restaurant, o sa tiangge. Magmasid sa paligid gamitin ang inyong limang
pandama. Anong amoy ng lugar? Ano-ano ang iyong naalala sa amoy na
iyon? Ano ang pakiramdam ng hangin sa iyong balat? Ano ang kakaibang
imahe ng iyong nakikita? Ano-ano ang iyong nalalasahan batay sa sariling
pang-amoy? Sumulat sa isang paglalarawan batay sa lunang iyong napili?
3. Sumulat ng isang maikling kuwento batay sa mga usapang inyong naririnig sa
tsismisan ng mga ale sa tindahan, kakuwentuhan ang mga naglalamay, mga
barber, mga nag-iinuman.
4. Maglista ng mga bagay sa inyo na nawala. Pumili ng isa mula sa listahan at
ipaliwanag kung bakit ito naging mahalaga sa yo. At kung paano nito binago
ang iyong buhay. Gamitin ang mga bagay na ito bilang simbolo ng iyong
isusulat at ihahandang kwento.
5. Magsimulang itala sa inyong journal ang inyong naalala sa sariling panaginip.

71
Ang mga talang ito ay maaaring paghanguan ng ideya sa inyong lupa.
6. Magsagawa ng dugtungang pagsasalaysay, ito ay dudugtungan ng iba pang
miyembro ng grupo hanggang sa makabuo sila ng isang buod o storyline ng
isang maikling katha.
7. Hulaan mo ang kwento ng inyong buhay na nais mong maganap sa
hinaharap.
8. Manood ng isang telenovela sa telebisyon at subukin mong sumulat ng
susunod nitong mangyayari.
C.Sanaysay
1. Sumulat ng isang sanaysay ng naglalarawan ukol sa isang bahagi ng
iyong katawan.
2. Sumulat ng liham sa sinuman na hindi ninyo ipapadala o kayang
ipadala.
3. Alalahanin ang pinakamakulay at pinakamasaya ninyong bakasyon.
Sumulat ng sanaysay bilang paggunita sa paglalakbay na ito.
4. Manood ng isang dula, pelikula, sayaw, konsiyerto o anumang
pagtatanghal sumulat ng rebyu sa pamamagitan ng isang liham
personal.
5. Alalahanin ang inyong pagkabata – ang iyong mga laro, hilig,
pamamasyal, unang pasok sa paaralan, panghuhuli ng tutubi,
tipaklong, salagubang, mga aklat na binasa. Sumulat ng sanaysay na
gugunita sa inyong pagkabata. Lakipan ang mga larawan buhat sa
inyong album.
6. Magmasid at kilalanin ang inyong mga kapitbahay at sumulat ng
sanaysay na naglalarawan ukol sa kanilang buhay at paniniwala.
7. Maghanda ng isang sanaysay ukol sa alaala ng inyong mga magulang.
Ang kanilang buhay mag-asawa, ang kanilang pagpapalaki sa mga
anak, ang mga alitang mag asawa at iba pa.
8. Ipagpalagay na kayo ay isang pusa. Paano kaya ako mabubuhay
bilang isang pusa sa pamamahay ng isang maarugang pamilya?
Sumulat ng sanaysay na sasalaysay sa paksang ito.
9. Ihambing ninyo ang inyong buhay sa sariling silid. Sa paanong paraan
kayo magkakahawig at magkakaiba? Isulat ito bilang sanaysay.
10. Pagmunihan ang pinakamalungkot o pinakamasayang bahagi ng
inyong buhay, bumuo ng sanaysay ukol dito.
11. Ipagpalagay ninyong nakapunta na kayo sa isang bayan o isang bansa
72
na hindi naman talaga ninyo napuntahan. Lumikha ng liham sa kakilala
upang isalaysay ang inyong paglalagalag sa lugar.
12. Sumulat ng isang character sketch sa anyo ng isang recipe.
13. Kung ika’y babae, isalaysay kung paano mo sinubok o susubukin ang
karapatan ng inyong manliligaw. Kung ikaw ay lalaki isalaysay kung
paano mo sinagot ang iyong sinusuyo.
14. Kung ikaw ay nabuhay sa isang panahon, ano ang iyong pipiliin at
isalaysay ang iyong buhay sa panahon na iyon.
15. Kung bibigyan ka ng pagkakatong bumalik sa nakaraan, anong
pangyayari ng kasaysayan ang nais mong baguhin at bakit?
D. Kathang Pambata
1. Maglista ng pinakamasaya at pinakamalungkot na alaala bilang bata. Ang
listahang ito ay makakatulong sa pagsusulat ninyo ng maikling kwentong
pambata.
2. Magmasid, makipaglaro, makipag-usap sa mga bata. Alamin ang kanilang
hilig. Alamin kung paano nila tinitingnan ang buhay. Paano sila sumaya?
Paano sila malungkot? Ano-ano ang kanilang konsepto ng kaibigan, pamilya
at kapwa?
3. Pumili ng isang tauhan – Maaaring isang hayop, halaman, prutas o gulay.
Ilarawan mo ang kanyang buhay sa loob ng isang araw. Gumamit ng punto
de bista sa unang panauhan. Halimbawa “ako ay isang palaka”
4. Ilarawan ang isang kagila-gilalas at mapaghimalang kaharian sa iyong
panaginip. Ilarawan ang lahat ng sulok at dako ng iyong kaharian. Maaari
pang gumawa ng mapa. Maaaring ito ay yari sa ginto, asukal at arnibal at
maaari ring sa papel.
5. Lumikha na bagong bersiyon ng lumang kwento. Paano kung nanalo ang
kuneho sa karera nila ni pagong? Paano kung masipag si Pina? Magiging
pinya pa kaya siya? Paano kung hindi hinalikan ng prinsipe ang natutulog na
si snow white? Anong mangyayari kung hindi tinulungan ni langgam si
tipaklong?
6. Ang mito ay isang salaysay ng pagbabahagi ng kababalaghan ng daigdig
sumulat ng modernong mito ukol sa modernong aparato, radio, cellular
phone, telebisyon, cable, kompyuter at iba pa.
7. Magbasa ng inyong paboritong aklat pambata. Sumulat ng sanaysay kung
bakit ninyo ito nagustuhan at ulit -ulit na binabasa.
8. Sumulat ng mga bagay na nais ninyong maranasan sa inyong magiging mga
anak na hindi mo naranasan ng inyong kabataan.

73
9. Isipin ang iyong paboritong laruan at gumawa ng kwento na ang tauhan ay
mga ito.
10. Manood ng isang programang pambata sa telebisyon. Ipagpalagay na ikaw
ay isang bata. Isulat sa papel ang dahilan kung bakit ito kinahihiligan ng mga
bata.
11. Mag-isip ng bagong laro na kagigiliwan ng mga bata. Isulat ang direksyon sa
paglalaro sa wikang madaling maiintindihan ng isang pitong taong gulang na
bata.
12. Sumulat ng isang dasal ng isang batang may kaibigan na may sakit.
13. Sumulat ng isang panalanging pambata.
14. Ipagpalagay ng ikaw ay isang bata, sumulat ng liham para humingi ng regalo
kay santa claus.
15. Maghanda ng isang dula ukol sa inyong kinahihiligang kwentong pambata.

E. Dula
1. Magmasid ng isang estranghero sa isang tiyak na lunan - waiting shed, mall,
estasyon ng tren, ospital, kantina, bulwagan ng paliparan. Sumulat ng isang kathang -
isip na talambuhay ukol sa estrangherong hindi mo naman kinausap o kinapanayam
Ano-ano kaya ang kanyang mg problema? May pinagkakaabalahan kaya siya? Saan
siya nagmula? May tinatakasan kaya siyang nakalipas? May ginagawa ba siyang
hakbang para malutas ang kanyang suliranin?
2. Bumili ng isang tabloid. Pumili ng isang interesanteng balita na gusto ninyong
isalin bilang kwento ng inyong dula. Manaliksik pa ukol sa balita. Sumangguni ba ang
peryodiko at aklat. Sumulat ng isang monologo sa akdang iyong napili,
3. Maghanda ng isang modernong ritwal. Maaaring ritwal ito ng paglilinis ng
kamalayan o pagpapatibay ng pagkakaibigan. Maaaring maghanda ng ritwal tungo sa
kapayapaan.
4. Maglista ng 10-15 na pangyayari na inaakala mong madula buhat sa iyong
sariling karanasan. Mula sa listahan, pumili ng isa at sumulat ng storyline o buod ng
dula hinggil sa pangyayaring iyon. Humingi ng suhestiyon at komento sa guro o kamag-
aral. Maaaring ang inihanda ninyong buod ang simula ng inyong pagsusulat ng dula
5. Sumulat ng maikli ngunit makabuluhang diyalogo ukol sa sumusunod:
a. Kasintahang nais ng makipaghiwalay.
b. tandang na nanliligaw sa isang inahin
c. babaeng nagpahayag na nanganak siya ng hito at ahas.

74
d. Musikerong may asawang bingi
e. dalagang inang ipapaampon sa dating nobyo ang sanggol
f. ipapaalam ng doctor na may malubhang sakit ang kanyang pasyenteng
kaibigan.
g. magkakaaway na nakulong ng dalawang oras sa elevator.
h. Isang tiyanak na gustong maging sanggol.

6. Magmasid at itala kung paano makipag-usap at makipagtalastasan ang mga


sumusunod na grupo ng mga tao.
a. Mga young professional
b. Mga public elementary school teacher
c. Mga housewife
d. Mga serbidora
e. Mga saleslady ng mall
f. Mga bilanggo
g. Mga tambay sa bilyaran
h. Mga kabataang basketbolista
i. Mga matatanda sa home for the aged
j. Mga bata sa bahay ampunan
k. Mga katulong
l. Mga estudyanteng haiskul
m. Mga doctor

Paano sila gumagalaw? Paano sila kumikilos habang nagbibidahan? Mayroon ba


silang mga kilos na angkin lamang nila. Itala rin ang mga salita o pangungusap
na sa palagay mo ay kanila lamang ginagamit.
7. Pumili ng isang popular na maikling kwento at isulat itong muli sa anyo ng
dula , itanghal ito sa klase.
8. Mangalap ng isang dulang banyaga at isalin ito sa wikang Filipino nang hindi
masasakripisyo ang nilalamang pangkultura ng orihinal na teksto. Itanghal ito

75
sa paaralan.
9. Tumukoy ng isang tradisyunal na dula. Muli itong isulat at gawing moderno.
Halimbawa isang modernong duplo.
10. Manaliksik ng isang makasaysayang pangyayari sa ating bansa at sumulat ng
isang yugtong dula na bagay dito. Mas maigi kung ang yugto ng kasaysayang
mapipili ay hindi pa gaanong naisasadula sa bansa.
11. Maghanap ng isang talambuhay ng manunulat. Sumulat ng dula ukol sa
kanyang pag-ibig, at kasawian. Halimbawa isang dula ukol sa buhay, dula at
pag ibig ni Leona Florentino.

Mga Tagubilin sa mga Guro at Mag-aaral ng


Malikhaing Pagsulat ng Komunikasyon

1. Mahalaga sa pag-unlad ng sining sa malikhaing pamamahayag ang pagbabasa.


Magbasa ng higit sa kinakailanganan. Basahin ang ano mang madadampot.
Maglaan ng pera para sa pambili ng bagong aklat. Pumunta sa silid-aklatan sa
pamamagitan nito, magkakaroon tayo ng modelo sa pagsusulat nakakalikha tayo
ng modelo at natutukoy natin kung aling akda ang mahusay. Nalalaman din natin
ang istruktura ng isang tula, kwento, o akda.
2. Magsulat ng ano man ang inyong nalalaman. Mas magiging kapani-paniwala ang
ating isinulat kung ito ay ating gamay. Huwag nating linlangin ang ating sarili
dahil mahahalata sa ating mga akda kung nagpapanggap lamang tayong may
alam sa isang partikular na paksang ating likha.
3. Alamin ang ating isinusulat. Kung kulang ang ating alam sa napiling paksa,
manaliksik. Mangalap ng datos sa pamamagitan ng pagbabasa, pagkonsulta sa
peryodiko, pakikipanayam, at pagsangguni sa mga may kinauukulan,
makakatulong ang silid-aklatan sa pangangalap ng impormasyon.
4. Matutong magmasid sa pamamagitan nito, gamitin ang ating llimang pandama.
Ang mahusay na manunulat ay may matalas na pandama at sensitibo kahit sa
maliit at simpleng bagay na nangyayari sa paligid.
5. Makakabuting magkaroon ng modelo at hinahangaang manunulat batay sa estilo
sa pagsusulat ngunitt may sukatan na isang seryosong manunulat ay ang
patuloy na paghahanap ng sarili ng tinig sa panitikan. Matimbang ang anumang
parangal sa larangan ng malikhaing pagpapahayag.
6. Lumikha ng bago. Iwasan na gumawa ng akda na kahawig ng kanino man.
Gumamit ng bagong simbolo at talinghaga. Sipatin din natin ang mga bagay-
bagay sa bagong anggulo. Sikapin ding maihatid ang makabagong ideya sa

76
partikular na usapin sa ating akdang mga likha.
7. Maghanda ng kwadernong journal at special project note book. Dito mo itatala
ang iyong mga saloobin sa araw-araw. Maaari rin itong maging talaan ng mga
bagong tuklas mong salita na maaari mong gamitin sa paggawa ng isang
maikling kwento. Dito mo rin maaaring itala ang iyong pananaliksik para sa iyong
akda. Ang pagkakaroon ng journal ay maihahalintulad sa pag-iimpok sa isang
bangko ibig sabihin, sa journal tayo huhugot ng mga sa panahong kinakailangan
nating sumulat ulit ng bagong akda.
8. Magsanay sa pagsulat. Maglaan ng panahon na paganahin ang sariling
imahinasyon tulad ng paglalagay ng langis sa makina ng sasakyan. Sumulat ng
halimbawa ng iyong nararamdaman pagkagising. Lumahok sa workshop upang
magkaroon ng diskusyon sa kapwa manunulat. Magbabahagi rin tayo ng ating
mga nalalaman sa mga kapwa manunulat. Halimbawa’y magrekomenda tayo ng
aklat na magandang basahin.
9. Sumulat sa wikang alam mo. Mas nakakabuting gumamit ng wika kung saan ka
bihasa at kumportable. Alalahaning isang uri ng pagpapahayag ang malikhaing
pagsusulat. Hindi magiging mabisa ang komunikasyon kung tayo mismo ay may
suliranin sa pagpapahayag.
10. Matutong gumalang sa wika. Gamitin ang tamang salita sa tamang panahon
Sundin ang tamang gramatika. Iwasan ang maligoy sa kwento. Magdudulot
lamang ito ng masama para sa ating mambabasa.
11. Pakinisin ang iyong akda. Ang akto ng pagsusulat ay hindi natatapos sa
pagmamarka ng huling tuldok ng iyong nilikha. Unang burador lamang yan o first
draft. Sanayin ang sarili na mag-revise. Alamin natin ang kahinaan ng ating
sariling likha. Ipabasa ito sa iba, maaaring sa guro at kamag-aral upang
makapag-ambag sila ng ikalalago ng teksto. Maaaring ang mga komento nila ay
makasakit ng damdamin ngunit sa bandang huli’y tayo, bilang manunulat ang
magpapasya kung aling suhestiyon ang itatabi o isasa-alang-alang.
12. Huwag maging mayabang. Maraming pagkakataon upang mapaunlad ang talino
at talento. Huwag maging kuntento sa iyong nalalaman sa kasalukuyan.
Mabuting ikahiya mo ang iyong akdang tatlong taon ng naisulat manipestasyon
na may pag-unlad at paglago ka bilang manunulat.
13. Kilalanin ang ating sarili. Ano ba ang hilig, gusto, hinaing, at problema? Kilalanin
ang ating kapatid, magulang , kamag-anak. Kilalanin ang mga taong nakapaligid
sa atin. Kilalanin ang mga estranghero. Matututo tayong makipag kapwa tao.
Ang mga ito ay magpapaunlad sa pananaw ng pagsusulat.
14. Huwag magkulong sa isang lunan, maging lagalag, bumisita tayo sa parke
pasyalan o sa mga lalawigan. Sumakay tayo paminsan-minsan sa bus o jeep na
hindi natin alam ang patutunguhan. Sa pamamagitan ng paglalakbay at
paglalagalag may posibilidad na makilala natin ang malawak na daigdig.
Makatagpo ng bagong paniniwala, tradisiyon kultura at ikalalago natin bilang

77
manunulat.
15. Ipalathala ang iyong mga akda. Ang pinakamahalagang karangalan na
matatanggap ng isang manunulat ay mabasa at mapakinggan. Huwag natin ipilit
ang ating isinulat maituturing itong kamatayan ng teksto.
16. Makakatulong ang paglahok at pag-asam na magwagi ng gantimpala sa
pagsusulat ngunit ang ating pakatandaan hindi lamang tayo nagsusulat para
makasungkit ng medalya at labindalawang libo. Ang talino’t husay ng manunulat
ay hindi lamang napatunayan ng mga gawad na kaniyang natanggap.
17. Subuking sumulat ng iba’t ibang anyong pampanitikan- tula, kwento, dula at
sanaysay. Huwag ilimita sa isang anyo ang iyong pagsusulat. Kadalasan naman,
ang isang mahusay ng kwentista ay mahusay ring manunulat ng personal na
sanaysay at nobela. Ang mahusay na makata ay makakasulat din ng isang
magandang dula. Nasa inyo naman ang pasya kung saan kayo uunlad bilang
isang manununulat.

78
NILALAMAN: Saysay at Salaysay

Rehistro ng Wika sa Iba’t Ibang Domeyn at Intelektuwalisasyon ng Wikang


Filipino

masistemang Talino at
balangkas ng kaalamang
mga tinataglay ng isang
sinasalitang indibidwal
tunog

WIKA INTELEK

AGHAM AT
TEKNOLOHIYA MIDYA

mga makabagong
gadyets na maaaring
ang kolektibong
makatulong at
makahadlang sa katawagan sa mga
mabisang entidad o
pakikipagkomunikasyo institusyong
n tagapagbalita

Malaki ang maiaambag ng Agham at Teknolohiya at ng midya sa patuloy na


pagpapalaganap ng kahalagahan ng wika sa tuluyang pagpapaunlad ng intelek ng bawat
mag-aaral. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa
kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika
at mga diyalekto.

Nahahati ang wika at salitain sa apat na uri. Una, ang balbal, na siyang
79
pinakamababa. Halimbawa: "epal (mapapel), iskapo (takas), elib (bilib), istokwa (layas),
haybol (bahay) at bomalabs (malabo)".
KAMALAYAN: Tampok na Babasahin

Tungo sa Pagbuo ng Filipinong Diskursong Pangkalinangan


Ni: Rosario Torres-Yu, Ph. D.

HANGGANG sa kasalukuyan, inaabala ang mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino ng


problema ng inteklektuwalisasyon ng Filipino.” Konektado ang pamomroblemang ito sa
mga hakbang:
1. ang intelektuwalisasyon ay mas mataas na antas ng pag-unlad ng isang wika
paris ng naaabot ng wikang Ingles, ang wikang kakompetensiya ng wikang
Filipino;
2. hindi pa intelektuwalisado ang wikang Filipino ngunit kaya nitong marating ang
antas ng pag-unlad na ito;
3. ang malaganap na paggamit ng wikang Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad
ay susunod sa pangyayaring intelektuwalisado na ang wikang Filipino (o ang
kabaligtaran nito).
Mahango sa kasalukuyang literatura tungkol dito ang salitang intelektuwalisasyon sa
mga kahulugang:
1. ginagamit na ang wikang Filipino ng mga intelektuwal at dalubhasa sa kanilang
diskurso;
2. may sapat na terminong teknikal na maitatapat sa mga hiniram sa wikang Ingles
o iba pang wikang dayuhan.
3. may sapat na bokabularyong magagamit sa pagpapahayag ng abstraktong
kaisipan;
4. may modernong alpabetong makakaangkop sa pagpasok ng mga salitang
hiniram sa ibang wika.
Filipino nga ba ang wika sa dalubhasa?
Walang dudang gumigiling na ang proseso ng intelektuwalisasyon sapul pa
noong gamitin ang wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina ng Agham at Agham
Panlipunan kung ang mga binanggit ang pagbabatayan.
May moderno nang alpabeto ang wikang Filipino na inaasahang sasagot sa
pagbabagong magaganap dito. Ginagamit na rin ito ng mga dalubhasa at iskolar.

80
Isaalang-alang ang katunayan na sa Unibersidad ng Pilipinas, mula pa noong 1974, ay
may tatlo hanggang limang tesis na pangmaster ang isinulat sa wikang Filipino (Abueva
1992). Ginagamit na rin ang wikang Filipino sa mga pagtalakay sa mga abstraktong
kaisipan sa Agham Panlipunan at sa pagpapaliwanag sa mga konseptong banyaga
paris ng need achievement, personality, autarchy, absolutism, langue, parole at marami
pang iba. Maging sa pag-aaral ng panitikan at wika ay nangyayari na rin ang paggamit
ng pamamaraan sa semyotika, hermenyutika, at pag-aaral ng ideolohiya. Halimbawa
ang Seminar sa mga Teorya ng Panitikan: Tradisyunal at Makabago na isinagawa ng
Literary League of the Philippines, Pebrero 5-12, 1989 at noong 2000.
Isaalang-alang pa rin ang survey ng Sentro ng Wikang Filipino ng U.P Sinasabi
nitong malaganap na nga ang paggamit ng wikang Filipino sa Agham Panlipunan sa
pangunahing kampus ng U. P. diliman (Daluyan, Nobyembre- Disyembre 1990). Sang
ayon dito:

Sa Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP), nangunguna na ang


mga Departamento ng Linggwistiks, Kasaysayan, Sikolohiya at Sosyolohiya. Sa
kasaysayan, parehong 96% porsyento ang ginagamitan ng Filipino sa mga seksyon ng
Kasaysayan 1 at Sibilisasyong Asyano, pati na rin sa mataas na antas. Sa gradwadong
kurso, sandaang porsyento ang gumagamit ng Filipino. Sa Sikolohiya, sandaang
porsiyento sa kaguruan ang nagtuturo sa 59 porsyento ng mga kurso; sa Sosyolohiya
naman, parehong 78 porsyento sa kurso at kaguruan ang ginagamitan ng Filipino.
(Daluyan, 1990, 13.)

Nalaman din sa survey na ito na “43 porsyento ang may wordlist, 20 porsiyento
ang may natayang aklat sa Filipino, 43 porsyento ang may orihinal na gamit panturo, at
50 porsiyento ang may komite ng wika” (Daluyan, 1990, 13).
Sinasabi ng mga pangyayaring nabanggit na tila hindi na problema at lalong
hindi na alamat ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Nangyayari na ang iba’t
ibang bahagi ng porsiyentong ito. At kung nangyayari na ito sa UP na nangahas na
magpatupad ng Patakaran sa Wikang Filipino, sa pamumuno ni Pangulong Jose V.
Abueva, malamang na sumunod na rin ang iba pang nangungunang institusyon ng
edukasyon sa bansa. Ito naman ay kung totoong sumusunod lamang ang UP. Mainam
ding malaman sa tulong ng masinop na pag-aaral ang nangyayari sa iba pang
institusyon ng mataas na antas ng edukasyon.
Tama na ba ang makontento sa ganitong kondisyon sa paggamit ng Wikang
Filipino? Tama na bang maluwag na isinasalin o di kaya’y walang habas na hinihiram
ang mga banyagang salita sa iba’t ibang disiplina ng Agham Panlipunan na lang sa
wikang Filipino?
Sasagutin ng sumusunod na pagtalakay ang mga tanong na naturan.

Sipat-sulipat, Dilang Buhol-buhol


At ang Diskursong Pangkultura

81
Nangyayari ang pagsasa-Filipino ng mga diskursong pangkultura sa loob at
labas ng Agham Panlipunan. Tama bang ipalagay na dahil nangyayari ito ay kasabay
ring mangyayari ang intelektuwalisasyon sa wikang Filipino ng diskursong pangkultura
sa ating bayan?
Bago sagutin ang tanong na ito, hayaan munang ilatag ang kahulugan at
pamantayan ng intelektuwalisasyon na inaakalang dapat maging hantungan ng
pagsasa-Filipino ng diskurso.
Ang tunay na intelektuwalisasyon ay mangyayari kapag ang wikang Filipino ang
gagamitin ng mga Filipinong intelektuwal at iskolar sa pag-iisip at pagbuo ng kaisipan,
kaalaman, at karunungang hinango sa karanasan ng mga Filipino at nakatuntong sa
katutubong tradisyong intelektuwal.
Hindi mangyayari ang intelektuwalisasyong naturan kung mananatili ang
kasalukuyang kalakaran ng pagsasalin lamang ng mga salitang banyagang
naghahayag ng mga konsepto at kategoryang pangkulturang kanluranin, halimbawa:
sosyal konstruksiyon, relatibong awtonomiya, personalidad, atityud, postkolonyal,
deteritoryalisasyon at marami pang iba. Alinsunod sa pananaw na pinanghahawakan ng
sumulat, ang ganitong kalakaran ay isa lamang pag-aangkat ng mga konseptong
dayuhan na walang iniwan sa paggamit ng teknolohiyang dayuhang hindi aakma sa
mga tiyak na kondisyon ng kulturang humihiram.
Kung sasabihin naming pansamantala lamang ito habang kinakapa pa natin ang
daan, may panganib ito na baka makamihasnan. Paris ng madalas mapansing
pagkamihasa ng mga taong ayaw magpagod na magtanim sa sarili nilang bakuran at
kung makitang namumunga na ang tanim ng iba ay walang kahiya-hiyang nanghihingi
na lang.
Malamang pang mangyari ang pansamantala ay maging permanente dahil sa
namamayaning kalakaran ngayon sa Agham Panlipunan at maging sa disiplina ng
literatura at sining. Ang pangangamba sa ganitong direksiyon ay nakasalalay sa
katwirang ang mga salitang ginagamit sa mga pangkulturang pag-aaral sa Agham
Panlipunan, sa malaking kabuuan, ay hiram sa kaisipang kanluran at taglay ng mga ito
ang kahalagahan at pananaw ng kultura at lipunang kanluran na ibang-iba sa atin. Ang
direksiyon ng pagsasa-Filipino ng Agham Panlipunan ay dapat na nakatanaw sa
pagbubuo ng teorya at metodong bunga ng kaisipang Filipino, nakaugat at akma sa
kulturang Filipino. Naumpisahan na ito ng ilang maka-Filipinong iskolar ng Sikolohiya,
Kasaysayan at Antropolohiya subalit ang kanilang pagsisikap ay mailalarawan para sa
ngayon na pagsalungat sa malakas na agos ng maka-Kanlurang Agham Panlipunan.
Namalayan nang ilang Filipinong dalubhasa noon pa mang huling hati ng dekada
sisenta ang ilang problema at pulitika ng malaganap na oryentasyong kanluranin ng
Agham Panlipunan. (Feliciano 1965, Espiritu 1968, David 1977). Ang pagkamatay na
ito ay tulak na rin marahil ng pulso ng panahon ng malawakang paghanap ng katinuan
sa mga nangyayari sa lipunan. Maaari rin namang bunga ito ng matalas na pakiramdam
sa takbo ng mga nagaganap sa loob at labas ng akademya. Sa madaling salita’y

82
nabuksan ang usapin ng kabuluhan ng Agham Panlipunan kasabay ng mas masaklaw
na usapin ng edukasyon sa buong bansa. Natukoy ang kapalsuhan ng di- kakaunting
pananaliksik na nakababad sa pilosopiyang kanluranin at nakatali sa mga siyentipiko’t
obhetibong metodo. Pagkalipas ng 17 taon pa, muling mabubuksan ang usaping ito na
naghudyat ng ilang pagdududa at wari’y pagbitiw sa unibersalistang pananaw na lahat
ng tao ay may pare-parehong reaksiyon sa mga pangyayari sa lipunan. Sa isang
pambansang kumperensiya (“Toward the Filipinization of Research Methods in the
Behavioral Sciences,” Nobyembre 27-29, 1983, Palo, Leyte) ay pinag-usapan ang
katuturan ng Pilipinisasyong Agham sa antas ng paggamit ng wika, modelo at
metodong Filipino (Mercado 1983).
Pinag-usapan ng mga piling dalubhasa ang koneksiyon ng sinasabing
“pilipinisasyon” sa patuloy na paggamit ng mga kanluraning metodo. Ang pragmatikong
pananaw ay ipinahayag ni Prop. Leslie E. Bauzon na nagsabing dahil wala pa namang
matatawag na “Filipino social science methods,… we must be content with employing
proven social science methods, which are acceptable as standard all over the world, for
indeed there are some methods that know no national boundaries but are of universal
or international application because they are in accordance with the rigid scientific
method involving orderly and systematic data gathering toward the solution of research
problems” (Mercado, 1983, p.11). Nilinaw niyang mababaw na Filipinisasyon ang
paggamit lamang ng wikang Filipino o ang pagpapalit ng salitang Filipino sa mga
terminong Ingles sa metodolohiyang Kanluran.
Hindi ganap na sumasang-ayon sa posisyong dapat na lamang makuntento sa
mga kanluraning metodo sapagkat wala pa naming maihahaliling metodong Filipino,
nililinaw ni Mojares na ang mga metodong kanluranin ay hindi talaga kanluranin kung
ituturing na mga paraan ng pag-alam. Iginiit niyang “Perhaps in the area of how it has
been articulated, in the language shared by a specific research community and in the
development of a set of instrumentation or the application of these ways that we can
speak of these methods as largely Western. But the methods are not Western; they are
broadly human.” (Mercado, 1983, p.197)
Bagama’t ang nagsusog ng kumperensiyang ito ay ang palagay na ang mga
metodo sa pananaliksik sa ugali at kilos ng tao na binubuo sa kanluran ay di angkop sa
Pilipinas at malaking dahilang pinagmumulan nito ang pagkakaiba ng kultura, ang
usapin ng pagka-unibersal o di pagka-unibersal ng mga metodo sa pananaliksik ay
hinimay ng mga kalahok ngunit walang naging malinaw na posisyon tungkol sa
paggamit ng wikang Filipino. Katunayan, sa wikang Ingles isinagawa ang mismong
kumperensya.
Samantalang, walang naging malaking pagbabago sa direksiyon ng Agham
Panlipunan, hinay-hinay na nililinang ng ilang iskolar ang daan tungo sa
pagsasakatutubo o ang pagsasagawa ng maka-Filipinong pananaliksik. Noon pa mang
1975 ay nakapagsimula na si Enriquez at Santiago ng pagpapatunay na kaya ng
Filipinong mananaliksik na makabuo ng modelong Filipino. Inilahad ang panimulang
modelong batay sa pagsusuri at pagsukat sa mga metodong pampananaliksik sa
Agham Panlipunan sa dalawang iskala: ang iskala ng mananaliksik, mga metodong
angkop sa kulturang Pilipino; at iskala ng patutunguhan ng mananaliksik at kalahok. Sa
83
ikalawang iskala ay iminungkahing paabutin sa pakikipagpalagayang loob ng antas ng
patutunguhan upang makakuha ng datos na mapagkatiwalaan (Santiago at Enriquez,
1975).
Ang mga nalinang nang kaalaman ng maka-Pilipinong pananaliksik/pag-aaral sa
Sikolohiyang Pilipino ang sa kasalukuyan ay hindi lamang nagpasinungaling sa mga
naunang paninindigan hinggil sa katumpakan at unibersal na katangian ng metodong
kanluran. Higit na mahalaga ito ngayon ang nakapagbibigay ng pag-asang bumaling
ang kaisipang Filipinong higit na makapagpapaliwanag at makapagpapaunawa sa ating
mga Filipino ng ating kaisipan, kultura, at lipunan.

Pagsasakatutubo at ang Paglikha ng Karunungang Filipino


Kapangyarihan ang karunungan. Ang patuloy na pag-asa o pagkapiit sa
karunungang nagmumula sa sentrong kanluran ay paninikluhod sa altar ng mga diyos
ng karunungan sa Estados Unidos, Britanya, Pransiya, at Kanlurang Alemanya. At sa
ganitong kaayusan, kasama ang maraming pang nasa labas ng sentro, na tagabili at
tagagamit lamang, at hindi tagalikha mismo ng karunungan.
Isa pang masamang dulot ng ganitong kalakaran ang tila walang katapusang
paghabol sa kung ano ang bago o uso sa mga sentro ng karunungan sa mundo. At ito
ay totoo maging sa mga sirkulo ng matatawag na kritikal na mga akademiko. Kailangan
lamang makinig sa kanilang mga panayam upang marinig ang mga pagbabalibagan nila
ng mga konsepto’t kategoryang pangkultura. Nariyang paliparin nila ang mga dalitang
Ingles na postmodernism, positioning, worlding, at kung ano-ano pa, habang nakakapit
naman sa pundilyo ni Derrida, Foucault, Althusser, Macherey, Williams, Eagleton at
kung sino-sino pa.
Ang pagkahirati sa ganitong bisyo ay paninikluhod sa kabila ng napakaradikal na
paksa at usapang umiikot sa papel ng ideolohiya sa kapangyarihan at ng cultural
empowerment na sinasabing layunin ng kanilang diskurso. Kung sisipatin ito sa
pantayong pananaw ni Salazar, masasabing pangkaming pananaw ang ginagamit nila
sa gayon at sila-sila lamang ang nagkakaintindihan. Nakapagdududa ring sadyang
ibinuko nila ang sarili sa ibang akademiko samantalang ibinabandila sa kanilang mga
sinusulat ang pagtatampok sa the other at sa mga marginalized. Kung sa sikolohiya ng
Filipino sisipatin ang mga ganitong pangyayari, anong kapangyarihan ang sinasabi
nilang ibinubukod ang sarili ay hindi naman pinapansin ng bayan, at sa pananaw ng
bayan ay siyang nahihiwalay at “nag-iisa?” Anong kapangyarihan mula sa diskurso nila
ang maaaring asahan?
Ganito rin ang malakas na agos na nagsusulong sa panunuring peminista sa
Pilipinas. Tunghayan na lamang ang mabulas na literaturang nasusulat sa wikang
Ingles ng mga Filipinong peministang kategoryang hinango sa kasaysayan at
karanasang kanluranin. Bagaman mahalaga ang kaalaman, o ibang kaalaman, na
dapat asahan sa iba’t ibang lahi ng kababaihan, ay napipigil kundi man may peligrong

84
madiskaril kung mamimihasa lamang sa paggamit ng mga kategorya’t pasok sa
pagsusuring pawang hiram.
Ang tunay na kapangyarihang maaaring nagmula sa karunungan, kung gayon,
ay hindi sa maliit na sirkulo ng mga naturang akademiko manggagaling. Manggagaling
ito sa karunungang nililikha ng mga akademikong nakatingin at umuugnay sa
tradisyong katutubo at sa totoong karanasan ng bayan.

Sa ngayon ay hindi na mahirap makita ang ibig patunayan ng Sikolohiyang


Pilipino (SP) ni Enriquez at mga kasama niya noong una nilang buuin ito. Tatlo ang
tiyak na layunin nila: pagsasakatutubo, pagka-agham at pagka-Filipino (San
Buenaventura, 1983). Mula noon natuklasan nila ang iba’t ibang metodong hinango sa
ugali’t kultura ng bayan na patuloy nila ngayong nililinang pares ng mga pamamaraang:
pagkapa-kapa (bilang metodo sa larangan, Santiago, 1977), pagtatanong-tanong
(Gonzales, 1982), pakiramdam, pakikialam, pakikilahok, pakikisangkot at pagdalaw-
dalaw (Pe-Pua, 1982).

Bilang mag-aaral ng kamalayan, ulirat, isip, diwa, kalooban at kaluluwa ng


Filipino (Enriquez, 1976), ang Sikolohiyang Filipino at mga kapatid na samahang nabuo
pa sa pagkaraan nito ay may nahango nang kaalaman na higit na makapagpapaunawa
sa pagkakataong Filipino at sa pakikiugnay niya sa kapwa o sa ibang tao. Nariyan ang
kaalaman tungkol sa konsepto ng kapwa bilang pangunahing konsepto sa pag-unawa
sa sikolohiyang panlipunan ng mga Filipino, ang mga pag-uuri-uri ng kahalagahan sa
dalawang pangkat: ang panlabas na halagahan o core value na umiiral at naihahayag
sa ugali’t kilos sa pamamagitan ng pakikiramdam.

Dahil sa kakapusan ng lugar, hindi mabibigyan ng ganitong padaplis na buod


ang karampatang pagpapahalaga sa kabuuan ng mga kaalamang nabuo ng
Sikolohiyang Filipino. Marami pang konseptong higit na makapagpapaliwanag ng
pagkataong Filipino – kagandahang loob, karangalan, katarungan, kalayaan, bir,
lambin, tampo, sama ng loob/lakas ng loob, pakikibaka – ang nililinaw ng mga pag-aaral
at pananaliksik. Ang kahina-hinayang sa kanilang pagsisikap ay ang limitadong
pagkalat ng mga kaalamang ito sa iba pang larangang maaaring makiugnay dito pares
sa pilosopiya at maging sa pampanitikang kritisismo. Gayundin naman sa paggamit sa
mga kaalamang ito sa mga pampubliko at pribadong teksbuk upang ang antas pa lang
ng elemntarya at hayskul ay maibahagi na sa mga mag-aaral sa wikang magaan at
madaling maintindihan. Hindi naibabahagi ang mahahalagang pag-unawa sa
pagkataong Filipino at ang mga pinahahalagahan niya sa pakikipagkapwa sa mga
ginagamit sa kasalukuyan. Higit pang dapat pag-ukulan ito ng pansin ng mga edukador.

Malaking sagabal sa direksiyong ito ang saloobin ng mga akademiko na mas


nakatutok ang mga mata sa kanluran at mas kampante sa paggamit ng “quote…
unquote” (Alegre, 1991) sa mga dayuhang manunulat, sa problema ng paglalathala ng
mga publikasyong nakasulat sa wikang Filipino, at sa mahinang ugnayan ng mga
akademiko sa iba’t ibang institusyon dahil malakas na umiiral ang pagkakaniya-kaniya
at kompetensiya.

85
Nagsasariling Diskursong Pangkalinangan sa Wikang Filipino

Isa pang tinig na nagmumula kay Salazar at mga kasama sa Kasaysayan ay kay
Covar sa Antropolohiya ang nagpapahayag din na mahalagang bumuo ng karunungang
Filipino ang mga Filipino mismo. Tungo sa pagbuo ng teoryang magmumula sa kaisipan
ng mga Filipino at hinugot sa kung saang tradisyong intelektuwal, inihaharap ni Salazar
ang pantayong pananaw bilang pasok sa pagbuo ng diskursong Filipino. Ayon sa
kanya:

Ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob na


pagkakaugnay- ugnay at pag-uugnay ng mga katangian,
kahalagahan, kaalaman, karunungan, kaugalian, pag-aaral
at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan –
kabuuang nababalot sa, at ipinahahayag sa pamamagitan
ng isang wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling
talastasan, diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan.
(Salazar, 1991 p. 48)

Gamit ang mga kategoryang kulturang pambansa (na tinukoy niyang kulturang
pinalalaganap ng elit at iminamatuwid niyang instrumento ng dominasyon sa
taumbayan sapagkat pagpapatuloy lamang ng kulturang kolonyal) at kalinangang bayan
na nakasugat sa mga kalinangan ng mga grupong etnolingguwistiko na ang batayang
prehistoriko ay ang pangkabihasnang continuum o pagkakaugnay-ugnay ng
Austronesyano (Salazar, 1991, 67), inugat niya sa kasaysayan ang sanhi ng “dakilang
pagkakahating pangkalinangan.”
Mahalaga ang implikasyong pampulitika ng ganitong pananaw. Kung lalaganap
ang ganitong pananaw sa hanay ng mga dalubhasa na ang mga pag-aaral ay
hahanguin sa kalinangang bayan, may pag-asang makabuo tayong mga Filipino ng
mapag-isa at mapagbuklod na diskursong pangkalingan. Kung magkakatotoo ang
pinapangarap ni Salazar at mga kapanalig sa pagkakaroon natin ng isang pantayong
pananaw na ang lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat ay
gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat ang kahulugan, pati ang
relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa na mangyayari lamang kung iisa ang code o
pinagtutumbasan ng mga kahulugan, ibig sabihin ay isang pangkabuuang pag-uugnay
at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali, maging ang matagal na nating
suliranin sa ekonomiyang ayaw umabante ay maaaring malunasan. Naiuugnay ng
sumulat ang pangkulturang hugis ng problema sa ekonomiya sapagkat sa isang
pagsusuri, mamamayan ng isang bansa ang lalong mahalagang gulong sa pagsulong
nito.
Sa proyektong ito umuugnay ang makabuluhang paggamit ng Wikang Filipino at
ng sinasabing intelektuwalisasyon nito. Ang pagsasa-Filipino ng pagtuturo, pananaliksik

86
at paglalathala ang magpapabilis sa pag-unlad ng paggamit ng Filipino tungo sa
paglalaho ng dakilang pagkakahating pangkalinangan ng mga Filipino.
Sa kabila ng taimtim na pag-asang ito, magdudumilat pa rin ang katotohanang
matagal na panahon pa itong mananatiling pangarap sapagkat ang wikang Ingles,
bagaman naitataboy na ng wikang Filipino sa iilang larangan o domeyn ay nananatili
namang wikang makapangyarihan sa gobyerno, batas, at negosyo. Kaya naman ang
paglalathala at ang negosyo ay makiling pa sa Ingles.

Kaisipang Filipino, Tinig ng Filipinong Intektuwal at ang Mithiing Kalayaan ng


Bayan

Sa ganitong pagtanaw, ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino, sa Agham


Panlipunan at sa iba pang sangay ng karunungan ay nakikita ng sumulat na
masaganang aning ihahandog ng dalawang mahalagang pangyayari.
1. mas puspusang paglaganap ng paggamit ng wikang Filipino sa edukasyon,
gobyerno at negosyo; at,

2. pagsasa-Filipino ng diskurso sa Agham Panlipunan at sa iba pang sangay ng


karunungan tungo sa pagbuo ng iisang diskursong pangkalingan na maaaring
tanglawan ng pantayong pananaw (Salazar).

Ang pakikibaka para itampok ang kaisipang Filipino at ang orihinal dito, at
marinig ang mataginting na tinig ng Filipinong intelektuwal na mahigpit na
nakaugnay sa kanilang bayan ay mahalagang sangkap ng mithiing kalayaan ng
bayan. Kailangang kumupas, lalong mabuti’y mawala, ang pagdududa ng
Filipinong intelektuwal sa sarili niyang kakayahang makabuo ng bago, sarili, at
orihinal, sa wikang nag-uugnay sa kanya sa kalinangang bayan. Ang lalong
mainam ay kumalat ang kamalayang ito sa hanay ng mga bago at sumisibol na
intelektuwal.

87
DAGDAG-KAALAMAN: Suplementaryong Babasahin

Pagtuturo ng Matematika sa Wikang Filipino


Lea A. Soriano
Unang Pagkakataong Magturo sa Filipino
Noong una pa man akong nagturo sa De La Salle University, nabalitaan ko na
mayroong mga kursong agham na itinuturo sa Filipino. Hindi ako gaaanong nagulat
dahil alam kong ginagawa rin ito sa ibang paaralan at unibersidad. Ngunit hindi maalis
sa isipan ko kung ano kaya ang ginagawa at ano kaya ang nararamdaman ng mga
gurong ito na nagtuturo sa Matematika sa wikang Filipino. Nakaranas kaya sila ng
pagbabago? Gaano kaya katinding paninibago ang kanilang naranasan? Sa paanong
paraan kaya nila nasabi sa mga mag-aaral na ang kanilang kurso sa Matematika ay
ituturo sa Wikang Filipino? Ano kaya ang naging reaksiyon ng mga estudyante noong
mga sandaling nalaman nilang sa wikang Filipino ituturo ang kinuha nilang asignatura?
Ilan lamang iyan sa mga katanungan ko noon na nabigyan naman ng tugon ngayong
nagtuturo na ako ng Matematika sa wikang Filipino.
Nasa ikalawang taon na ako ng pagtuturo sa De La Salle nang ako’y tanungin ng
aming Katuwang na Tagapangulo kung maaari ba akong magturo ng Matematika sa
wikang Filipino. Inaamin ko na medyo ilang ako at segundo rin ang lumipas bago ako
agad nakasagot. Tinitigan ko muna siya nang mabuti sapagkat hindi ko alam kung
seryoso nga ba siya sa sinabi niyang ito. At seryoso nga pala siya. At hinihintay rin niya
ang sagot ko. Ngunit dahil sa tingin ko’y kakaiba ito, pumayag na rin ako. Ang unang
kursong pangmatematika na itinuro sa Filipino ay ang Matematika ng Pamumuhunan o
ang tinatawag natin sa Ingles na Investment Mathematics o Mathematics of
Investment. Dalawa kami sa departamento ang naatasang magturo nito at sa dalawang
klase lamang itinuro ito noong mga panahong iyon dahil ito ay isang pagsubok lamang
upang alamin kung magiging mabisa ang pagtuturo ng Matematika sa wikang Filipino.
Kaya lamang, medyo nagkaroon kami ng kaunting problema noong una. Dahil sa
problema sa imprenta ng mga panahong iyon, hindi kaagad nagawa ang aklat na
kakailanganin namin sa kurso kaya wala kaming mapagkunan ng materyal. Ang resulta,
kailangan naming isalin sa wikang Filipino ang unang kabanata ng aklat na ginagamit
namin sa Ingles hangga’t hindi pa dumarating ang aklat sa Filipino. Medyo nahirapan
kami sapagkat unang-una, hindi naman kami eksperto o dalubhasa para gawin ito, At

88
pangalawa, nangangamba kaming baka hindi magkatugma-tugma ang mga salitang
gagamitin namin lalong-lalo na ang mga salitang teknikal, Ngunit sa awa ng Diyos ay
maayos naman ang nangyari. Makalipas ang ilan pang linggo ay dumating na rin ang
aklat at nakahinga na rin kami nang maluwag sa wakas. Mabuti na lamang at
nagkatugma-tugma ang mga salitang naisalin namin sa unang kabanata. Dahil kung
hindi, marahil higit na magulo pa ang nangyari.

Mga Reaksiyon
Maaaring gusto rin ninyong malaman kung ano-ano ang reaksiyon ng mga
Lasallista noong nalaman nila na ang kurso nila sa Matematika ay ituturo sa wikang
Filipino. Iyon ang susunod kong isasalaysay. Sa pagpasok sa silid-aralan, alam kong
hindi pa alam ng mga mag-aaral na sa wikang Filipino para talakayin ang kanilang
kurso kaya hinayaan ko na lamang silang magsalita at magtanong ng mga bagay-bagay
tungkol sa kursong ituturo ko sa kanila. Tulad ng inaasahan, ang pagbati nila sa akin ay
wikang Ingles, maging ang mga salitang ginamit nila sa pagtatanong sa akin at sa pag-
uusap sa iba pa nilang mga kaklase ay sa wikang Ingles din. At dahil dito’y mas
nagatubili akong ipahayag sa kanila na sa wikang Filipino ituturo ang kurso nilang ito at
nang akin nga itong sabihin, medyo hindi sila nakapagsalita. Sa tingin ko’y hindi rin sila
makapaniwala dahil nagmistula silang walang kibo na nakatingin sa akin.
Sa unang linggo ng pagtuturo, napansin kong medyo hindi komportable ang mga
mag-aaral sa wikang ginagamit, marahil ay hindi sila sanay na ang Matematika ay
ginagamitan ng wikang Filipino sapagkat, tulad nga ng nasabi ko, maraming mga
teknikal na salita sa Ingles ang kinakailangan pang isalin sa wikang Filipino. Noong una
pa nga’y humihirit sila na sa wikang Ingles na lamang ang gamitin namin. Huwag na
lang daw maingay sa iba upang walang makaalam, at nangako pa silang hindi nila
sasabihin kahit kanino kung sakali mang mapagpasiyahan kong Ingles na lamang nga
ang gagamitin, at may halo pang pagmamakaawa ang mga pakikiusap na ito. Hindi ko
sila masisisi dahil nakakapanibago nga naman talaga. Kung ako nga na guro nila ay
talagang nanibago at kung minsan pa nga’y natutukso akong gumamit na lamang ng
wikang Ingles sapagkat ito ang nakasanayan kong gamitin at magiging mas madali pa
para sa akin kung ito ang wikang gagamitin ko, sila pa kaya? Ngunit pinilit kong iwasan
ang tuksong ito at salamat at napagwagian ko. At matinding pagtitiis talaga ang ginawa
ko.
Ngunit napansin ko rin na habang tumatagal ay paganda nang paganda ang
talakayan namin sa klase. Unti-unti nang nasasanay ang mga mag-aaral sa wikang
pambansa. Pagdating sa kalagitnaan ng termino, napansin ko na mas naihahayag na
nila ang kanilang mga kuro-kuro sa wikang pambansa. Napansin ko rin na habang
tumatagal ay nagiging mas madali ang aming talakayan at hindi ko na kailangan isalin
pa sa wikang Ingles ang aming talakayan at hindi ko na kailangang isalin pa sa wikang

89
Ingles ang ibang mga salita, na katulad ng ginagawa ko noong una. Napansin ko rin
unti-unti silang nagiging mahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino. Sa pagtatapos ng
semester ay sinabi sa akin ng ilan sa kanila na mas maganda pala na wikang Filipino
ang ginagamit dahil sila nahihiyang magtanong at maghayag ng kanilang mga kuru-
kuro. At dahilan sa ang kursong ito ay tungkol sa Pamumuhunan na may kinalaman sa
pagnenegosyo, masaya kong ibabalita na nahiligan nila ito.
Ngunit hindi pa natapos rito ang lahat. Noong sumunod na termino, ako ay
muling naatasan na magturo sa wikang Filipino. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na
Matematika ng Pangkolehiyong Algebra o College Algebra naman. Sa di-inaasahang
pangyayari, Naging mas mahirap para sa akin ang magturo nito kaysa sa Matematika
ng Pamumuhunan. Bakit? Ito ay dahil sa mas teknikal ang mga salitang ginagamit dito.
Di-katulad ng Matematika ng Pamumuhunan na pangkaraniwan lamang ang mga
salitang medyo bago sa aming pandinig. Kaya hindi maiiwasang pati ako ay medyo
nagulat dito. Paano pa kaya ang mga mag-aaral? Kung kayo ang tatanungin, ano sa
tingin ninyo ang ibig sabihin ng mga salitang gansal at pares? Bibigyan ko kayo ang
sampung segundo para hulaan ito. Gansal ang tawag sa odd numbers at pares para
naman sa even numbers. Maaari ninyong itanong kung ano sa wikang Filipino ang
equation, tinatawag itong tumbasan. Maaaring tanungin din ng iba sa inyo kung ano
ang square root sa wikang Filipino, tinatawag itong ikalawang ugat, at ikatlong ugat
naman ang tawag sa cube root. Ang quotient naman tinatawag na kapat, at marami
pang iba. Nakatutuwa di ba? Noong mga unang linggo ay napansin kong medyo
natatawa kung hindi man ay nagpipigil ng tawa ang mga estudyante sa turing gagamitin
ko ang mga salitang ito. At muli, hindi ko sila masisisi doon, at sa palagay ko’y alam
n’yo na ang dahilan kung bakit. Ngunit, tulad ng naranasan ko noong nagturo ako ng
Matematika ng Pamumuhunan habang tumatagal ay napansin kong nasasanay na rin
ang mga mag-aaral at unti-unti silang nagiging komportable sa wika.

Higit na Mahirap Magturo sa Filipino kaysa sa Ingles


Inaamin kong mas mahirap magturo ng kursong pang-agham sa wikang Filipino
kaysa wikang Ingles. Naaalala ko pa na sa isang oras na pagtuturo ko sa wikang
Filipino ay pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko’y tatlong oras na akong nagturo.
Naging mabagal din ang aming talakayan lalung-lalo na noong una dahil sa kailangan
muna silang maging pamilyar sa mga terminolohiya na kailangang gamitin namin sa
aming kurso. Nakakapagod din sapagkat parang hindi lamang isa ang itinuturo ko sa
klase kundi dalawa. Ang kursong itinuturo ko, at iyon ay Matematika, at ang pagsasalin
ng wikang Ingles sa wikang Filipino. Minsan, kung talagang hindi maintindihan ng mga
estudyante ang mga salitang ginagamit sa libro ay kailangan ko ring isalin ang mga ito
sa wikang Ingles para lamang maintindihan nila ang ibig kong sabihin. Minsan pa nga
ay tinanong ko rin ang sarili ko kung ano ba talaga ang pangunahing layunin ko? Ang
makapagturo ng kursong kailangan kong ituro, o ang magturo ng pagsasalin ng wikang
Ingles sa wikang Filipino? Mahirap di ba? At palagay ko’y hindi lamang ito dahil sa
tayo’y may kakulangan sa materyal, kundi mas higit ay dahil sa may kakulangan din
tayo sa kasanayan. Aminin man natin o hindi, nakahihigit na dahilan ang kakulangan
natin sa kasanayan kaysa sa kakulangan sa materyal. Sapagkat naniniwala akong
90
kaunti ang nagsusulat ng mga aklat na pang-teknikal dahil karamihan sa atin ay walang
sapat na kasanayan sa pagsusulat sa wikang Filipino.
Pagpapalawak ng Sariling Wika
Kung talagang mahirap at nakakapagod ang magturo ng mga kursong pang-
agham sa wikang Filipino, bakit pa natin kailangang gawin ito? Bakit hindi na lang natin
patuloy na gamitin ang wikang Ingles sa pagtuturo ng mga teknikal at mga pang-agham
na kurso? Bakit pa tayo kailangang magpakahirap sa paggawa ng mga materyal at mga
aklat, gayong mas madali namang gumamit ng mga hiram na aklat, at mas madali ring
sumulat ng mga teknikal at pang-agham na aklat sa wikang Ingles kung talagang mas
madali ito? Tayo ba’y nagpapakahirap o nagpapakamartir lamang? Ano nga ba ang
layunin natin sa paggamit ng wikang pambansa sa pagtuturo ng mga kursong pang-
agham? Kailangan nga ba talaga natin ito? Bakit? Makakatulong ba ito sa pag-unlad ng
ating bansa? Mababawasan ba ang mga utang natin kapag patuloy nating ginamit ang
wikang Filipino sa pagtuturo ng mga pang-agham na kurso?
Maaaring ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang opinyon at kani-kaniyang
kasagutan sa mga katanungang ito. Ngunit para sa akin, kung ako ang tatanungin kung
kailangan nga bang ipagpatuloy ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng mga
kursong pang-agham kahit na mas mahirap ito, ang sagot ko ay oo, kailangan natin.
Sa mga nakaraang taon ay mapapansin natin na ang wikang Filipino ay parang
nakakulong lamang sa larangan ng literatura at sa malayang talakayan o malayang
talastasan. Oo, araw-araw nga nating ginagamit ito—ginagamit sa pakikipag-usap sa
mga taong nakakahalubilo natin, naririnig sa pakikipagtalastasan—ngunit sa limitadong
paksa lamang. Kadalasan pa nga’y hindi natin maiwasan ang paggamit ng wikang
Ingles lalung-lao na kapag medyo teknikal na ang mga salitang kailangan nating
gamitin. Minsa pa nga’y kahit na sa malayang talakayan o kahit na sa pangkaraniwang
kuwentuhan lamang ay hindi pa natin maiwasan ang paggamit ng wikang Ingles. Kailan
ba natin naiwasang gumamit ng mga salitang “so…” o di-kaya’y “alright…?” Ang sabi
nga, lahat tayo ay “guilty” rito.
Sa Isang Salo-Salo
Kamakailan lamang ay naatasan akong maging isa sa mga guro ng
palatuntunan sa isang programa. Isa sa mga kasama ko sa salu-salong iyon ay
nagsalita o naghayag na bawal magsalita ng wikang banyaga sa naturang okasyon, at
kung sino man ang may pinakamaraming nasambit na salitang banyaga ay may
kaparusahan. Siguro ito ay sa pag-aakalang ganoon lamang kadali ang magsalita ng
wikang pambansa sa kahit anong pagkakataon. Kunsabagay, masisisi ba natin siya
kung ganoon ang kaniyang naisip? Tayong lahat ay Pilipino. Nararapat lamang na lahat
tayo ay matatas at bihasa sa ating wikang pambansa. Ngunit, nasa umpisa pa lamang
ng palatuntunan ay nakakadalawa na siyang salita ng wikang banyaga. Hindi lamang
iyon, lahat halos ng mga panauhin na nagsalita ay may kani-kaniyang puntos sa
pagsasalita ng wikang banyaga. Lahat kami ay nagtatawanan sa tuwing may
magsasalita ng Ingles o kahit ano mang salitang banyaga na pala ang kanilang
nasasambit. Nalalaman na lamang nila ito kung may tao na sisigaw ng “huli ka” bilang

91
hudyat na sila’y nagsalita sa wikang banyaga. Ang nakatutuwa pa nito’y kung minsan,
ang humuhuli mismo ang nadudulas at nakapagsasalita ng wikang banyaga. Lahat
kami ay nagtatawanan sa tuwing may magsasalita ng Ingles o kahit ano mang salitang
banyaga sapagkat hindi halos namamalayan ng mga “may sala” na salitang banyaga na
pala ang kanilang nasasambit. Nalalaman na lamang nila ito kung may tao na sisigaw
ng “huli ka” bilang hudyat na sila’y nagsalita sa wikang banyaga. Ang nakatutuwa pa
nito’y kung minsan, ang humuhuli mismo. At hindi ko rin naman maikakaila na minsan
ay katulad din nila ako na hindi makapagsalita nang tuluy-tuloy sa wikang pambansa.
Hindi ko sila masisisi.

Iba pang Opinyon


Marami rin namang nagsasabi na kaya limitado lamang ang gamit ng ating wika
ay dahil sa ito’y “bata” pa. Maaaring totoo, ngunit ilan pong taon na rin natin naririnig
ang mga katagang ito. Bakit hindi natin simulang ngayon ang pagpapalawak ng ating
sariling wika? Maihahalintulad natin ito sa isang bata na minsa’y nahirapang tumayo at
maglakad noong siya’y isang sanggol pa lamang, ngunit hindi sumuko hanggang sa
matutong maglakad, ganoon din dapat ang hangad nating mapaunlad ang sarili nating
wika. Minsan ding nadapa ang batang iyo ngunit muli siyang tumayo, bumangon,
natutong maglakad, hanggang sa matutong tumakbo at hindi sumuko, ganoon din dapat
tayo. Oo nga’t mahirap sa simula, ngunit lahat naman ng bagay ay mahirap sa simula,
di ba? Nangangahulugan bang hindi na natin ito dapat simulan? Kung ito na lamang
palagi ang ipapasok natin sa ating mga isipan, wala tayong masisimulan. Siguro, kung
ang lahat ng tao ay may ganitong kaisipan ay wala tayong makikitang pag-unlad sa
teknolohiya ngayon. Walang mga ilaw na nakapaligid sa atin. Walang mga sasakyan na
maghahatid sa atin sa iba’t ibang lugar. Walang mga eroplanong maghahatid sa atin
upang makapunta tayo nang mas mabilis sa ibang bansa. Hindi ninyo maririnig ang tinig
sa isang palatuntunan sapagkat hindi rin naman ganoon kalakas ang boses para
umabot hanggang sa likuran kung hindi dahil sa tulong ng mikropono, na kung hindi
sinimulang isipin at gawin ay wala rin ngayon. Hindi mapapadali nang ganito ang
pamumuhay natin ngayon kung walang naglakas-loob na magsimula, kung walang
magmamalasakit na magpatuloy at kung walang maninindigang magtapos. Siguro
naman ay alam na ninyo kung ano ang ibig kong ipahiwatig.
At ngayong alam na nating nagsisimula na tayo sa pagpapaunlad ng ating wika,
bakit hindi pa natin ipagpatuloy ito? Ano pa ba ang pumipigil sa atin? Nandiyan na nga
at mayroon nang naglakas-loob na simulan ang pagpapaunlad ng ating wika,
magkaroon naman tayo ng pagmamalasakit na ipagpatuloy ito at sigurado akong
mayroon naman tayong pagmamalasakit na ipagpatuloy ito at sigurado akong mayroon
ding mga tao na maninindigan na tapusin hanggang sa maging lubos at ganap na
maunlad ang ating sariling wika.
Sa pagpapatuloy na pagsuporta sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng ating
wika, maaaring ito na rin ang simula ng pag-unlad ng ating bansa. Kung nakaya ng mga

92
bansang tulad ng Estados Unidos, Tsina, at Hapon na mapalawak ang kanilang wika sa
halos lahat, kung hindi man sa lahat ng larangan, kaya din natin ito. Malay natin, tulad
ng mga bansang ito ay umunlad din ang bansa natin. Sapagkat kung mayroon tayong
tiyagang mapaunlad ang sarili nating wika, siguro nama’y kasunod na ang tiyagang
mapaunlad ang sarili nating wika, siguro nama’y kasunod na ang tiyaga at pagsisikap
na mapaunlad ang ating bansa. At tulad din ng mga bansang ito, sa wika rin sila
nagsimulang magsikap. Kung nakaya nila, makakaya din natin.
Sinisimulan na natin ngayon. At katulad ng mga estudyante ko medyo hindi pa
tayo komportable at nahihirapan pa rin tayo, ngunit sana’y matulad din tayo sa mga
estudyante ko na sa kaunting panahon ay nasanay din at naging madali na lang ang
mga sumusunod na hakbang para sa kanila. Sana tayo rin. Kaunting panahon lang ang
kailangan, na kailangan din namang samahan ng kaunting tiyaga. Kaya natin ito!
Mga Batayan sa Paggamit ng Filipino sa Pagtuturo ng Pisika
Rosemarie D. Eusebio
Pinakamahalagang aspekto na isinaalang-alang sa pagtuturo ng Pisika (at iba
pang mga kaalaman) ang mga katangian ng mga mag-aaral o estudyante ng kurso.
Kung tutuusin, ang mga mag-aaral ang pinakasentro ng mga prosesong pagtuturo at
pag-aaral. Kailangang isaalang-alang ang kanilang mga naging karanasan sa hayskul
lalong lao na sa pag-aaral ng pisika. Ang mga paksang tinalakay, ang mga binigyang-
diin ng kanilang guro, ang mga uri ng gawain sa klase nila, ang mga aklat na ginamit, at
ang wikang panturo ay ilan sa mahahalagang kaalaman na makatutulong upang higit na
maunawaan ng guro ang kaniyang mga mag-aaral na kagaya ng mga kaparaanan ng
pag-aaral at pagtuturo at ang mga tinawag na learning outcome ay nakasalalay sa uri
ng mga mag-aaral na iniikutan ng prosesong pagtuturo at pag-aaral.

Sa pakitang turo na ipinamalas bilang bahagi ng isa sa mga lektyur sa Natural


Science I (Foundation of Natural Science) o Agham Pangkalikasan I na dinisenyo para
sa mga estudyanteng nasa unang semestre pa lamang ng pamantasan, masasabing
siyamnapu’t siyam na porsiyento (99%) ng mga mag-aaral sa Nat. Sci. I (unang
semester, 1999-2000) ay kumuha ng Pisika sa mataas na paaralan sa wikang Ingles.
Bukod-tanging ang mga nagtapos sa UPIS (UP Integrated School) lamang ang sanay
sa pag-aaral at pagtuturo ng pisika sa sarili nating wika. Sanay ang halos lahat ng mga
estudyante sa mga salitang teknikal sa Ingles. Dahil dito at dahilan na rin sa mga
dinaranas na adjustment o pagbabago ng freshmen sa buhay at aral UP, minabuti na
sa pangkalahatan ay panatilihin ang paggamit ng mga salitang teknikal sa Ingles.

Hindi rin naman maitatatwa na sa ilang mga pagkakataon, ipinakilala na rin ang
mga katumbas nito sa wikang Filipino. Hango sa mga pag-aaral at mga karanasan ng
tagapagsalita, higit na magiging epektibo ang pag-aaral ng Nat. Sci. I (bahaging pisika)
kung nakikita ng estudyante na:

1. may ugnayan ang mga inaral nila sa pisika sa mataas na paaralan at Pisika sa
Nat. Sci. I;

93
2. hindi magiging komplikado o masalimuot ang pag-aaral nila ng Pisika dahil halos
walang bagong bokabularyong kakabisahin at sasanayin sa wikang Filipino; at
3. sa wikang natural para sa kanila ang mga pagpapaliwanag at talakayan, iyong
kalimitang ginagamit nila sa karaniwang pakikipag-usap.

Laking tuwa at pasasalamat ang dinulot ng mga positibong pagpuna na galing sa


mga estudyante mula sa resulta ng Student’s Assessment of Teaching
Effectiveness para sa Nat. Sci. I (unang semester, 1999-2000). Sa tanong na “What
do you like best on how the course was taught?” may apatnapung porsiyento (40%)
sa mga sagot ay tungkol sa malinaw na pagpapahayag at pagpapaliwanag ng mga
paksa. Ayon sa ilang mga estudyante:

“Even though the class was supposed to be taught in Filipino, she uses English
for technical terms so that the students would understand more quickly.”

“Effectivity of teaching translates in English to Tagalog or vice-versa to help


students understands better”

“It was like I’m in Sineskwela.”

Ang isa pang mahalagang aspekto ng pinag-ukulan ng pansin sa pagtuturo sa


Filipino ng Pisika ay ang paraan ng pagpapahayag at pagpapayabong ng mga
kaalaman sa mga konsepto, batas, prinsipyo, at mga teorya sa Pisika.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga gabay na may kinalaman sa


paggamit ng Filipino sa pagtuturo sa Pisika at maaari na rin sa ibang kaalaman.
Nilalayon ng mga ito ang higit na epektibong pakikipagtalastasan ng guro at mga
estudyante.

1. Sa paglalahad ng mga kaisipan sa mga panayam at mga talakayan, mga payak


na pangungusap at maiikling parirala ang kadalasang ginagamit. Ito ay upang
maging magaan sa pandinig ng mga mag-aaral ang mga paksang pinag-aaralan.
Isa pa ay sa paggamit ng maiikli at payak na pahayag, naitutuon ng mag-aaral
ang kaniyang atensiyon sa isa o kaunting bilang ng mga konsepto. Sa
mahahabang pahayag, maaaring mawala o maiba ang pokus ng nakikinig.

2. Sa larangan ng paggamit sa mga salitang siyentipiko o teknikal, kadalasa’y


ipinakikilala muna ang salita o mga salita sa wikang Ingles. Pagkatapos na
pagkatapos nito ay isinalin na rin sa Filipino kung mayroong pangkaraniwang
termino sa Filipino. Kung wala naman ay nananatiling sa wikang Ingles ang mga
salitang ito. Ang isang halimbawa ay ang “Newton’s Law of Universal
Garvitation.” Karaniwa’y ipinahahayag muna ang tumbasan (equation) nito.
Pagkatapos ay ipininakilala ang pamagat sa wikang Ingles. Idinurugtong kaagad
ang katumbas na pamagat sa wikang Filipino, “Ang Batas ng Grabitasyong
Pansansinukob ayon kay Newton” o di kaya “Ang batas ni Newton ukol sa
Puwersang Gravity na Pansansinukob.”

94
Ang isa pang halimbawa ay ang konseptong acceleration. Unang ginagamit ang
“acceleration.” Idinugtong ang ‘akselerasyon” o “arangkada”. Sa kalaunan, isa na
lamang sa tatlo ang ginagamit , halimbawa’y akselerasyon. Upang maiwasan ang
paggamit ng pandiwa na gaya ng “mag-accelerate” o “nag-a-accelerate,” tinutukoy
na pangwakas lamang kung ano ang pagbabagong nagaganap sa bilis (speed) o sa
velocity. Ang ilang posibleng gamitin ay “bumibilis,” “bumabagal,” o “nagbabago ang
bilis (speed) o velocity.”

Ngayon nama’y makatutulong tanawin ang pakitang-turo sa konteksto ng isang


pangkalahatang modelo na maaaring gamitin sa pagtataguyod ng isang konsepto,
batas o prinsipyo. Sa susunod na pahina, makikita ang isang concept map o
flowchart na kasama ang mga pamamaraan ng pagpapaliwanag at paglago ng isang
mahalagang konsepto o batas sa Pisika.

Pangwakas na Pananalita

Kaakibat ng pagsasanay sa epektibong paggamit ng wikang Filipino sa klase ay


ang pagsasanay sa mga makabuluhang pamamaraan o estratehiya ng pagtuturo.
Tunay ngang napakaraming mga aspektong isinasaalang-alang tungo sa pag-unlad
sa kaalaman at pag-unawa sa Pisika. Kinakailangang pagyamanin ang mga sari-sari
at lubhang magkakatuwang na aspekto ng prosesong pagtuturo at pag-aaral.

Dahil sa napakalaki ng epekto ng wika sa pakikipagtalastasan at ganoon na rin


sa pagtuturo, kinakailangang pagyamanin nating lahat ang wikang Filipnio lalong-
lalo na bilang wikang panturo sa Agham at Matematika. Mahaba at matagal ang
prosesong ito ngunit sulit na sulit ang mga pagpupunyagi sa nakakamtang
kakaibang sigla ng pag-iisip at silakbo ng damdamin hindi lamang ng mga
estudyante kundi na rin ng mga guro.

95
Kemistri sa Filipino
Fortunato Sevilla III
Ang Kemistri ay ang agham na may kinalaman sa kabuuan ng mga bagay sa
ating paligid, sa mga pagbabagong naganap sa mga bagay na ito at sa enerhiyang
kasangkot sa mga pagbabagong ito. Mahalaga ang kaalaman ng Kemistri sa pag-
iintindi ng mga katotohanan tungkol sa ating daigdig, sa paglikha ng mga materyales
para sa pagpapabuti ng ating kabuhayan, at sa paglutas ng ilan sa mga suliranin ng
ating kapaligiran.
Itinuturo ang Kemistri sa pangatlong antas sa mataas na paaralan. Sa
pamantasan, ang Kemistri ay isa sa mga siyensiyang itinuturo sa Agham Pangkalikasan
(Natural Science), isa sa mga asignaturang kailangang aralin ng lahat. Mas malalim ang
pag-aaral ng Kemistri para sa mga estudyanteng nagpapakadalubhasa sa Agham.
Sa ngayon, Ingles ang ginagamit sa pagtuturo ng Kemistri at ng iba pang
asignaturang agham. Maaari bang gamitin ang Filipino sa pagtuturo nito? Kailangan
bang gamitin ang Filipino? Sasagutin ko ang mga tanong na ito batay sa aking
karanasan ng pagtuturo ng Kemistri – elementarya man o masulong.
Ang Pangangailangan
Maraming guro ang nagmamalaki na ginagamit nila ang Filipino kapag hindi
naiintindihan ng kanilang mag-aaral ang paliwanag sa wikang Ingles. Ang mga gurong
ito ay hindi makaimik kung sila ay tinatanong kung bakit pa kailangan nilang hintayin
ang pagkakataon na hindi sila maintindihan ng mga kanilang estudyante bago sila
gumamit ng Filipino sa kanilang pagtuturo.
Hirap ang karamihang mag-aaral sa paggamit at pag-intindi ng wikang Ingles.
Ito ay isang katotohanang pinatunayan ng ilang pagsasaliksik. Mas madaling umunawa
ang mga estudyante ng mga panayam sa wikang Filipino kaysa wikang Ingles. Kahit
gaano kagaling ang guro sa kaniyang pagtuturo sa wikang Ingles, hindi siya kaagad
maiitindihan ng karamihan ng kaniyang mag-aaral.

96
Maraming guro sa mga paaralang bayan, lalo na iyong nasa lalawigan, ang
gumagamit o napipilitang gumamit ng Filipino sa kanilang panayam dahil nakikita nilang
mas nakakaintindi ang mga mag-aaral sa sariling wika. Alam nila na ang kanilang
ginagawa ay salungat sa direktiba ng DECS tungkol sa bilingguwalismo, ngunit dahil sa
kagustuhan nilang matuto ang kanilang mag-aaral hindi nila sinusunod itong direktiba.
Sa aking pamantasan, at marahil sa karamihan ng ibang paaralan, kolehiyo at
unibersidad, hinihimok ng administrasyon ang paggamit ng Ingles sa pagtuturo upang
maging “globally competitive” ang mga estudyante. Pinapayuhan nila ang mga guro na
maging matatas sa wikang Ingles at magturo sa wikang Ingles. Sa pagpupulong namin
sa Kolehiyo ng Agham, madalas kong ipinapaalala na kailangan nating tanggapin ang
katotohanan na hindi lahat ng estudyante ay magaling sa Ingles at walang kabuluhan
ang galing ng guro sa pagpapaliwanag sa wikang Ingles kung hindi sila mauunawaan
ng kanilang tinuturuan.
Sa aking pagtuturo nakikita kong madaling makasunod ang mga estudyante
kung ang panayam ay isinasagawa ko sa Filipino. Mas malaya ang kanilang
pagtatanong at mas buhay ang aming talakayan. Wala akong pigurang estatistikal na
maibibigay upang patunayan na mas mabisa ang pagtuturo ng Kemistri sa Filipino.
Subalit, may ilang pagsasaliksik na isinagawa sa ibang pamantasan na nagpakita na
walang pagkakaiba ang bisa ng pagtuturo sa Ingles o sa Filipino. Para sa akin
mahalaga ang masiglang paglahok ng mag-aaral sa diskusyon sa klase. Ang kanilang
pagkatuto ay mas nababatay sa kanilang kakayahan intelektuwal.
Naniniwala ako na kung lumaganap na ang pagtuturo ng Kemistri at ng ibang
agham sa Filipino ay bibilis ang pagbuo ng isang kulturang siyentipiko sa ating bayan at
lalaki ang pakinabang ng bayan sa siyensiya at teknolohiya. Ang mga pag-uusap
tungkol sa agham ay madaling maunawaan ng madla at hindi lang ng mga akademiko
at ng mga estudyante.
Hati ang Kapisanang Kimika ng Pilipinas tungkol sa pagsasa-Filipino ng
pagtuturo ng Kemistri. Nababahala ang isang panig na hihina ang mga estudyante sa
wikang Ingles at mawawala ang bentahe ng mga siyentipikong Pilipino sa mga
pagtitipong internasyonal.
Pinaaalala namin sa mga kumokontra na ang mga masulong na bansa sa
larangan ng agham ay ang Japan, Tsina, Germany, at Korea, na pawang hindi sanay
sa wikang Ingles. Binibigyang-diin din namin sa umaayon sa pagtuturo ng Kemistri sa
Filipino na hindi kinakailangang mawala ang Ingles kung Filipino ang gagamitin sa
diskursong siyentipiko.
Mga Salitang Pang-Kemistri
Ang alinlangan sa paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng Kemistri ay tungkol sa
mga katawagang siyentipiko. Konti lang ang mga salita sa ating wika para sa mga
bagay na pang-kemistri o pang-agham.
May ilang dalubhasa na nagsikap lumikha ng salitang siyentipiko sa Filipino at
bumuo ng diksiyunaryong Filipino para sa agham. Nanguna ang Lupon sa Agham na

97
pinamumunuan ni Gonsalo del Rosario ng Araneta University Foundation na
nagsimulang gumawa ng mga salitang pang-agham noong 1977. Nagtala si Jose
Sytangco ng Unibersidad ng Santo Tomas noon ding 1977 ng mga salitang Filipino na
pang-medisina, noong 1988 bumuo ng talasalitaan para sa Kemistri ang mag-asawang
Bienvinido at Salmoe Miranda ng Unibersidad ng Pilipinas.
Habang ginagamit ang ibang wika ay dumarami ang mga salitang naisasali rito.
Halimbawa, sa ngayon ay may ilang salitang katumbas ang Chemistry sa Ingles: (1)
kapnayan, na pinanday mula sa mga salitang sangkap (composition) at hanayan
(ordered arrangement of science), (2) kimika, na nagmula sa uimica, ang salitang
Espanyol para sa Chemistry, (3) kemi, na hinango sa Chemie, ang salitang Aleman sa
Chemistry, at (4) kemistri, ang salitang Ingles na binaybay sa Filipino. Sa aking palagay,
lahat ay wastong salitang Filipino. Sa ngayon, kaniya-kaniya muna tayong pili ng salita
na gustong gamitin. Sa paglipas ng panahon, matitira ang mahusay na salita at ito ay
ang magiging salitang Filipino na katumbas ng Chemistry sa Ingles.
Minsan ay mukhang madali ang pagsasalin ng ilang salita mula sa Ingles, ngunit
sa unang gamit nito ay nakakatawa at nakakaasiwang gamitin. Halimbawa, sa aking
panayam tungkol sa mga katangian ng liwanag o ilaw, ang salin ko sa wavelength ay
haba ng alon. Marami ang napangiti dahil hindi sila sanay na madinig ito.
Ipinapaliwanag ko na ang literal na pagsasalin ay makatuwiran dahil ibinibigay nito ang
tamang konsepto sa Espanyol na ang katumbas ng salitang iyon ay longitude de onda,
isa ring literal na pagsasalin. Ganito rin ang kaso sa German na kung saan ang salitang
ginagamit ay Weillange. Ang iba pang pagsasaling ginawa ko ay dalas ng alon para sa
frequency. Bilis ng alon para sa wave velocity, at taas alon para sa wave amplitude.
Hindi palaging tama ang literal na pagsasalin mula sa Ingles, dahil posibleng
mag-iba ang kahulugan ng salita o termino. Halimbawa, ayon kay Propesor Bienvinido
Miranda, ang salita para sa test tube, isang karaniwang kagamitang panlaboratoryo, ay
isang subukang tubo. Para sa salitang Ingles na solid, isang simple at mahalagang
konsepto sa Kemistri, ang salin ni Propesor Miranda sa pangalang ito ay buo, at ang
salin ni Dr. Sytangco ay siksik. Sa mga kasong katulad ng mga ito, ang ginagamit ko ay
ang salitang ibinatay sa Espanyol sa Ingles- kaya solido.
Marami sa aking kasamahang kimiko ang umaayon sa paglikap ng mga
katawagang Ingles na babaybayin sa Filipino, kung walang tamang katumbas na salita
sa Filipino, dahil dito, tanggap nila ang salitang atom o atomo (at hindi mulapik),
electron (at hindi dagsik I kilab), molekyul o molekula (at hindi mulatil). Ang mga
katawagan sa mga bago o masulong na Anakrolohiya ay hinahango sa Ingles at
binabaybay sa Filipino, tulad ng semikondaktor, kompyuter, polimer, at payber.

Ang Pagsasanay ng mga Guro


Sa kasalukuyan kung tatanungin ang mga guro ng kemistri kung gusto nilang
magturo sa Filipino, ang isasagot nila ay hindi. Idadahilan nila na sila ay mahihirapan
dahil sa hindi sila sanay na magpaliwanag ng mga teknikal na konsepto sa ating wikang

98
sarili. Ang ginagamit ng karamihan ay Taglish, pinaghahalo ang Ingles at Filipino sa
isang pangungusap. Sa aming departamento ay pinupuna ko ang mga nagtuturo sa
Taglish, at pinapayuhan kong iwasan ito at subukan nilang gumawa ng wastong
pangungusap sa Ingles o sa Filipino.
Sa aming Sentro ng Pananaliksik sa Agham Pangkalikasan (Research Center for
the Natural Sciences) ay ginaganap namin taun-taon ang “Panayam Pang-Agham.” Ang
ilan sa aming mananaliksik ay pinapakiusapan at inaatasang magbibigay ng panayam
tungkol sa kanilang pinag-aralan. Ang paksa ay karaniwang isang masulong na aralin
tulad ng semikondaktor, splektroskopia, ang kemistri ng mga halamang gamut, fiber
optic, at recombinant DNA. Ang mga tagapanayam ay nagsusumikap nang mabuti na
ang kanilang diskurso ay isasaad sa wikang Filipino at hindi Taglish. Sinasabi ko sa
kanila na ito ay kailangang paghirapan at ang kapalit nito ay ang pagkakaroon nila ng
kompiyansa sa pagbibigay ng isang panayam sa ating wikang sarili.
Isinusulat nila sa Filipino ang kanilang panayam, at ito ay ipinababasa nila sa
isang guro mula sa Departamento ng Wika. Ang mga tagapakinig ay mga estudyanteng
nagpapakadalubhasa sa agham na wala pang alam tungkol sa paksa na uungkatin sa
panayam. Palaging masigla ang panayam at gising ang mga estudyante. Buhay na
buhay ang malayang talakayan at nalulugod ang mga tagapakinig. Pagkatapos ng
lektyur ay tuwang-tuwa rin ang tagapanayam at nakaraos siya. Napatunayan niya sa
kanyang sarili na kaya niyang magbigay ng isang panayam sa Filipino, sa kalaunan,
ang kompiyansang ito ay nadadala niya sa kanyang klase at nagsisikap siyang magturo
ng Kemistri sa Filipino.
Madali ang magbigay ng panayam sa ating wikang sarili. Madali ang magsalita,
subalit hindi kasing dali ang magsulat ng isang papel na teknikal. Malaking pagsasanay
ang kailangan para dito, lalo na sa mga henerasyon ng mga guro ngayon na natuto ng
kanilang kaalaman sa wikang Ingles. Marami ang nagsasabi na sila ay nag-iisip sa
wikang Ingles para sa mga diskusyong teknikal, at ang pagsusulat nila ay salin mula sa
Ingles na nasa isip nila. Sa aking karanasan ng pagsulat ng Filipino sa pamamagitan ng
makinilya o computer kailangan kong sanaying mabuti ang aking munting daliri sa
kaliwa dahil malimit ang paggamit ng letrang “a”. (Siguro kailangan ng isang espesyal
na keyboard kung Filipino ang gagamitin sa pagsulat o pangmakinilya, tulad ng sa
Germany na pinagpalit ang lugar ng “y” at “z”.
Muli, sa aming Sentro ng Pananaliksik, sa taong ito ay marami na sa aming mga
researcher ang handang tumanggap ng aking hamon na isulat nila ang kanilang
research poster sa Filipino. Mayroon kaming idinaraos na Kongreso ng mga Teknikal na
Poster tuwing pangalawang taon. Ipinapakita at ipinapaliwanag sa mga poster ang mga
saliksik sa masulong sa agham na isinagawa ng aming mga propesor. Sa katunayan,
ang poster na ipinakita ng aming Sentro noong nakalipas na Linggo ng Agham at
Teknolohiya ay nakasulat sa Filipino.
Nakikita ko sa unti-unting pagsasanay sa pagsulat tungkol sa paksang teknikal
ay darating ang panahon na makapagsulat na ang aming guro ng isang aklat o libreto
sa Filipino tungkol sa agham at teknolohiya. Kakaunti o iisa pa lang ang aklat sa
Kemistri na nakasulat sa Filipino. Ito ay ang aklat na Koleyds Kemistri ni Salustiano

99
Tegonciang ng Unibersidad ng Pilipinas. Marami ang pumuna na ang mga salita sa
aklat na ito ay halos Ingles na binaybay sa Filipino.

Konklusyon
Marami pang pagsasanay ang kailangang gawin naming mga guro ng Kemistri
para makapagturo kami nang lubusan sa ating wikang sarili. Nakapagbibigay na kami
ng aming mga lektyur sa Filipino, ngunit kadalasan ay nasa Ingles pa rin ang aming
isinusulat sa pisara. Dahil dito, ang mga tala ng mga mag-aaral ay nakasulat din sa
Ingles. Marami, o halos lahat kami ay nagbibigay ng eksamen sa wikang Ingles.
Marahil, ito ay dahil sa ang aklat na ginagamit ay nakasulat sa Ingles. Nakikita natin
kung ano dapat ang susunod na gawin- ang pagsasanay sa pagsusulat. Kailangan
namin ang tulong ng mga guro ng wikang Filipino.

100
Ang Filipino sa Internet
Isagani R. Cruz

Magsimula tayo sa isang kuwento na mababasa sa World Wide Web sa isang


website o homepage na tinaguriag Green Jokes
(https://www/x3network.net/alles/phil2.htm):
Four women we’re discussing who has the best boyfriend/lover .
Woman No.1 - I have the best boyfriend, he’s an accountant. Enter siya ng
enter.
Woman No. 2 - My boyfriend is better, he’s an engineer. Erect siya ng erect.
Woman No. 3 - A, wala ng tatalo sa boyfriend ko. He’s a doctor. Siya ay inject ng
inject
Woman No. 4 – Well, ang aking boyfriend ay bisaya. Masyadong malambot ang
kanyang dila.
(http://wwx3network.net/allews/phil2.htm#lover)
Hindi ang kabastusan ang nais kong ipamahagi dito, kundi ang kabastusan ay
nasa wikang Filipino. Sa Ingles nagsimula ang joke pero ang puso at diwa ng joke ay
nasa wikang Filipino. Sa katunayan, kung Filipino ang nagbabasa ng joke, kung hindi
niya alam hindi lamang ang wika kundi ang pagkakaiba ng wikang Ilonggo o Cebuano
sa wikang Tagalog ay hindi niya makukuha ang joke sa isang marunong mag-Filipino.
Ang pagbibiro o ang pagjo-joke ay isa lamang sa maraming gamit ng wikang
Filipino sa internet sa kasalukuyan. Malaki rin, Halimbawa, ang paggamit ng wikang
Filipino sa web site, dahil ito’y binubuo ng karaniwang pangungusap na karaniwang tao.
Mula tsismis at joke hanggang seryosong diskusyon. Makukuha sa internet ng chat site
ang mga marunong mag-filipino (http://www.ecf.toronto.edu/~caldero/irc.html), na tulad
ng chat manila (chat.mozcom.com8787) , Magic (magic.cnl.net7000) ; Hacker’s World
(mail.ictcollege.edu7000) Iskul Bukol (twister.ica.net7000), chat DLSU
(chatdlsu.edu.ph2401) Music Zone (balu.admu.edu.ph8787), Catholics

101
anonymous(uso-fx.com7000), DPSI tambayan *chat.dpsi-filipinas.com.ph), Chat bulak
(chat.bulak.ph.net7000) , Chat Ober Da Bakod (learn.senecac.on.ca700) Chat
Seafoods(mai4.dlsu.edu.ph2444) Olad chat manila(chat.manet.net8787) Heaven
(penoy.admu.edu.ph8787) , Erap-tion (chat.mozcom,com2323), the Zone
(chat.dlsu.edu.ph), 7000 (chat.dlsu.ph at chatt Mindanao (uis.fapnet.org7000).
Mapapansin na marami sa mga chat group ang nakabase sa Pamantasang De La
Salle, ang unang pamantasan sa Pilipinas na nagbigay ng sariling e-mail account sa
lahat ng kanyang mga estudyante.
Alam kong parang adiksiyon na katulad ng droga ang pag cha-chat sa internet.
Natuklasan na ito ng isang grupong gumawa ng undergraduate thesis sa La Salle
noong nakaraang taon. Sa ganitong pananaw ay hindi masyadong nakabubuti para sa
kabataan o sa kaalaman ng mga chat group. Pero dahil hindi lamang diyan maaaring
gamitin ang wikang Filipino.
Maaari ring gamitin ang wikang Filipino sa pagbabasa ng mga akdang
pampanitikan na nasa Tagalong o Filipino sa internet. May mga homepage na talagang
panitikang Filipino lamang ang laman tulad ng mga homepage ni Ria Roncales.
(http://www.teleport.com/~rua/rrunkles.html)at(http://www.teleport.com/~Oria/
angst.html) at ng iba pang tanikalang Ginto- Philippine golden links.
(http://www.mcs.net/~asia1/links/literature.html)nas dating
(http://www.tribo.org /new1.html) pero noong Hulyo 1997 ay lumipat sa
(http://www.filipinolinks.com) maaaring puntahan ang kaugnay ng
(http://www.filipinolinks.com) Natural, hindi lamang sa wikang Filipino o sa wikang
Tagalog nasusukat ang ating panitikan. Kung kaya’t may mga hompage na nakasulat
sa ibang wika tulad ng sadiriu’s home o iluko/ Philippine literature on web.
(http://geocites .com//Athens/acropolis/3219/index2.html) na may mga link
naman sa ibapang website na tulad ng Gumil-internet: Ti Pluma ni ilokano iti internet.
(http://www.maui.net/~t_group/gumil/gumil.thml) na nakasulat sa wikang iloko.
Magagamit din ang Filipino sa pagbasa ng mga titik ng ilang awiting Tagalog
tulad ng “Ang Pipit” at “Sit-si-rit-sit”
(http://thunder.temple.edu/~pangeles/folk.html) at ng mga pamaskong awitin
tulad ng “Ang pasko ay sumapit,” “Himig pasko,” “Pasko na naman” “Pasko na sinta ko”
at “12 Days of Christmas.”
(http://thumdertemple.edu/~pangeles/xmassongs.html)/ . Mababasa rin ang mga
cookbook at resipe na nakasulat sa Tagalog
(http://virtual-pc.com/graviles/pages/recifrae.html).
Sa matataas na antas ng intelektuwalisasyon, magagamit din ang Filipino sa
pagbasa ng mga rebyu ng pelikula na paminsan-minsan ay ginagawang kritiko si
Cloudualdo del Mundo Jr.

102
(http://linus2.dlsu.edu.ph/~clagam.news/).
Sa pagbabasa naman na balita sa maraming pahayagan ng Filipino na nasa
internet ay maaaring halimbawa ang Filipino homepage/Pahayagan sa
internet/Philippine Popular Media Watch/ Mga imaheng pinoy sa popular na media.
(http://www.pubweb.acns.nwu.edu/~flip/media.html). Hindi ko pa gaanong
nasusuri ang mga pahayagang Pilipinas, bikol News: Pinoy Showbiz, Fil-am Courier,
Journal group (people’s journal, taliba,tonight, women’s journal), Heritage, Philippines
Express online, Business world Online, Balita-L: Philippine News Agency
(http://www.mabuhay.com), NCR Newsletter: Filipino Unity New Letter,
ThePhilippineReporter, Manila Bulletin, Asian Week Online at kahit saang Philippine
star online, na pawang nasa web pa. Pero malamang na bahagi ng mga ito ay nasa
wikang Filipino.
Masarap pero makain sa panahon ang pag su-surf sa internet. Kung marami
kayong oras at nais niyong hanapin ang mga gumagamit ng Filipino ay maaari kayong
magsimula sa malawakang search engine tulad ng Yahoo o ang mas mabuti ay sa
pang Filipinong search engine tulad ng Habing Pilipino-The Pinoy Web Ring
(http://geocites.com/tokyo/towers/7247); Philippine news link – Philippine news
(http://www.philippinenews.com/) o EDSA (http://www.edsa.com.ph/) ang parang
ninuno na lahat ng ito ay soc. Culture Filipino na nagsimula noong wala pang web. Sa
internet at pulos ng mga news group o bulletin board lamang maaaring magsulat.
(alt.psst.hoy), pero hindi ko pa ito nadadalaw.
May mga webpage na malaki ang kaugnayan sa Filipino, na tulad ng
(http://www.web.net/~filipino/) at ng Filipino Home Page
(http://www.cyberus.ca/~filipino_hp/cov.htm/#current). At ang huling nabanggit ay may
sariling pahinang tagalog (http://www/cyberus.ca/~filipino_hp/tagalog.htm) .
Paano naman matututo ng mga Filipino ang mga banyaga dahil sa 60 milyon na
kataong may koneksyon sa internet, iilan lamang naman ang nasa loob at labas ng
Pilipinas at taal na marunong mag Filipino? Mayroong website na para lamang sa
gustong matutong mag Tagalog. Kaya lang, hindi mga lingguwista ang gumagawa nito,
kaya medyo marami ang mali. Halimbawa ay ang Tagalog home page ni Jesus Dizon
na isang antropologo (http://www.halcyon.com/dizon/welcome.html). Ang salin ni Dizon
na pangungusap na ingles sa “Please bring the bill” para sa nasa restawran ay “ Dalhin
mo nga ang kwenta” (http://www.halcyon.com/dizon/eat.html). ay maririnig pa ngang
bumibigkas ng pangungusap na ito, kaya nga lamang ay walang sound card ang
notebook na ginagamit ko para pasukin ang website niya, kaya hindi ako makapag-
comment tungkol sa kalidad ng pagbigkas.
May mga Tagalog Home Page din ang isang estudyante sa High School sa La
Union City sa United States na si Emmanuel Brown, ang Pilipino Tayo, Tuloy po kayo
(http://www.jlhs.nbusd.k12.ca.is:80/class/Foreign_Language/tagalog/pilipinotayo/
tuloypokayo). Sa mga di lingguwista at sa mga batang di-Filipino nakasalalay ang
kiunabukasan ng wikang Filipino rito sa atin; dahil wala silang ginagagawa, iba na ang
nagkukusang turuan ang mga taga-ibang bansa ng ating sariling wika. Hindi masamang

103
magkusa ang mga ito. Pero masama kahit na maganda ang intensyon ng mga maka
Tagalog, karaniwan namang kulang sila sa teknikal na kaalaman tungkol sa wika.
May mga diksyunaryo o talasalitaan pa ng Filipino sa internet. Halimbawa, may
talasalitaan ng arnis at iba pang martial arts
(http://www/terminology.html;cf.http://pw2.netcom.com/~w17js/Tagalog.html). May mas
malaking diksyunaryo, pero wala pa akong java script na browser upang mabasa ito.
(http//:www.skyinet.net/users/afpcsc/pilipino/pilipino.htm). Para sa mahilig magsaliksik
tungkol dito, May listahan ng diksyunaryo at balarila ng Tagalog.
(http//:www.tribo.org/bookshop/dictionary.html).
Sa Internet, Tagalog ang tawag sa Filipino. Isang dahilan nito na ang
pangangailangan ng kompyuter ay isa lamang ang kahulugan ng bawat salita. Ang
salitang Filipino ay ginagamit para mahanap ang mga tanong na tungkol sa Filipino,
kaya tinawag lamang na Tagalog ang wika. Pero maaari rin siyempre, na hindi talaga
alam ng mga nasa ibang bansa ang Filipino ang ating wikang pambansa. Halimbawa,
ang akala ni Dan Danao na Tagalog talaga ang ating wikang pambansa. *ang tawag
niya sa Tagalog ay national language of the Philippines.)
http://pw1.netcom/~wmodem/danao.html). May software pa nga siyang ipinagbibili, ang
Tagalog Look-up Version 2.0.
Kasalanan din naman ng gobyerno natin iyan. Halimbawa, ayon sa mga
patalastas ng departamento ng turismo (http;//www.filipino.com), Pilipino at hindi Filipino
ang ating wikang pambansa, (cf.http://www.sinio.net/asean/philippin.html at Philippine
business online ([http;//web.eunet.ch:80/eiger/pbol/]). Ang sabi ng DOT sa mga ahente
ng paglalakbay sa ibang bansa ay ito:” The national language is Pilipino which is based
on the language of Tagalog, although there are one or two dialects spoken in every
region.” Hindi lamang ang Filipino ang nilait kundi pati ang wikang vernacular na naging
dayalekto na lamang. Ine-mail ko na ang DOT sa San Francisco noong 16 hulyo 1997,
dahil sa pagkakaalam ko ay sila ang may pasimuno ng ganitong impormasyon pero
wala pa silang ginagawang pagbabago sa kanilang website, Ito rin DOT, kung hindi ako
nagkakamali ang nagsalin ng Goodbye sa salitang “paalam na po” sa isang drayber ng
dyip.
Pero may mga lingguwista naman talaga sa internet. Halimbawa’y ang yamada
tagalog WWW guide (http://babeluoregon.edu/yamada/guides/tagalog.html) na gawa ng
Yamada language center ng University of Oregon sa Estados Unidos. Medyo pambata
pero mas mabuti ng kaysa wala.
Sa madaling salita, ano ang gamit na wikang Filipino sa internet? Unang-una,
para makasali sa usapang umaaktibo ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo
na inuugnay na ng internet ngayon. Sa mga News group at chat group na mga ito,
kailangan nakakaintindi ng Filipino upang higit na maintindihan ang pinag-uusapan.
Ikalawa upang mabasa ang mga tekstong seryoso sa internet tulad ng mga rebyu sa
pelikula o sa pahayagang virtual. Ikatlo, para malaman ang kaunlaran ng wika sa
kamay ng mga hindi talaga tunay na nag pi-Filipino; Makikita na karamihan sa mga
sumusubok na magturo ng Filipino sa ibang bansa na nasa internet ay hindi Filipino o
lingguwista kundi mga banyaga na mahilig lamang.

104
Hindi ko tinalakay sa papel na ito ang personal o pribadong komunikasyon ng
mga gumagamit ng internet para lamang sa email. May ginagawang pag-aaral na
naman tungkol dito ang kaibigan kong si Ma. Lourdes S. Bautista, sa kanyang panayam
propesyonal Goh Kim Pah sa La Salle noong 18 Marso 1997, ang “systematic o rule
govern nga ba o baka naman anything goes talaga: Tagalog-English Code Switching
re-Analyzed” Matatandaan na tesis ni Bautista na sa gamit na tinatawag niyang code
switching o cs (o tinawag kong Filipino), mapapayaman ang pandaigdig na balarila
(universal grammar) at modelong sikolingguwista ng billinguwalismo (psycholinguistic
model of bilingual linguistic competence.)

Sigurado akong maraming website na hindi nabanggit. Sa laki ng world wide


web- alalahanin natin muli na 60 milyong mga computer ang nakakabit dito sa lahat ng
sulok ng daigdig - at imposibleng malaman ng kahit na sino kung ilan o nasan ang
lahat ng website na gumagamit ng wikang Filipino. Ang naipakita ko ngayon sa inyo
ang halimbawa lamang ng hindi pa talaga natutuklasang yaman ng gamit ng ating
sariling wika sa mundong virtual.

Ang Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya


Ramon Bermejo
Pumapasok na tayo sa daigdig ng cyberworld. Iniluwal sa daigdig na ito ang
website, internet, e-mail, fax machine at iba pang kagamitan tungo sa mabilis na
daluyan ng makabagong komunikasyon.
Ingles ang lengguwahe sa pandaigdigang ugnayan sa negosyo at industriya. Sa
cyberspace, namamayani din sa talastasan sa iba’t ibang panig ng daigdig ang wikang
Ingles. Hindi maikakaila na ganito rin sa kalakalan. Napalitan ang pamamayani ng
wikang Griyego, Latin at Pranses.
Ingles din ang wikang ginagamit ng ating mga mangangalakal sa pakikipag-
ugnayan sa mga banyaga at malalaking negosyante. Monopolyo ng wikang Ingles ang
pakikipag-ugnayang pandaigdig. Kaya ang paksang iniatang sa aking balikat tungkol sa
halaga ng wikang Filipino sa negosyo at industriya ay parang napakahirap talakayin
batay sa mga nasabi ko na. Kabaligtaran yata na talakayin ang wikang Filipino bilang
wika sa negosyo at industriya.
Pero sa sinasabing daigdig ng cyberspace at sa darating na panahon ay
magkakaroon ng global language at isa ang gagamitin sa buong mundo. Inaasahan din
ang pagkakaroon ng isa lamang na monetary currency.
Sa aklat na Global Paradox, sinabi ni John Naisbitt na totoong magkakaroon ng
iisang wika tungo sa sinasabing global village. Pero pinagtutuunan niya ng pansin na
habang umuunlad ang iisang global language ay lalong pahahalagahan ng bawat bansa
ang kanilang ethinicity o sariling pagkakakilanlan. Higit na pag-uukulan ng pansin ang

105
kahalagahan ng national identity. Sinabi pa niya na hindi magkakaroon ng katuparan
ang pagkakaroon ng iisang global monetary currency dahil sa ang mga salaping
inililimbag o gagawin ng bawat bansa ay maglalaman ng kanilang sariling wika, sariling
kasaysayan at kultura. Ang pag-inog ng sarili nilang salapi sa mga negosyo at
industriya sa loob ng bawat bansa ay sinasabing patuloy na mananatili. Ito ang
makabuluhang konsepto ni John Naisbitt sa kanyang aklat na Global Paradox.
Sa ganitong konsepto, mahalaga pa rin ang wikang Filipino sa negosyo at
industriya. Kahit sa daigdig ng cyberspace, ang mga babasahin tungkol sa kaalamang
pangkabuhayan, halimbawa na ng Technology and Livelihood Resource Center
(TLRC), na nakapasok na sa internet, ay nasa wikang Filipino pa rin. Sinumang Filipino
na nasa ibang bansa at bahagi ng cyberworld ay mabilis na makakakuha ng
impormasyon para sa nais niyang pasuking negosyo pagbalik sa Filipinas. Ang
kaalamang pangkabuhayan, pang-agrikultura at paglilinang-dagat ay matutunghayan sa
wikang Filipino sa pamamagitan ng internet.
Bukod sa bersiyon nito sa internet, ang programang Negosiyete sa telebisyon ng
GMA 7 at TLRC, ay matutunghayan din sa Filipino. Sa programang ito ay
makakapanood din ng mga kaalamang pantahanan at pang-negosyo para sa mga
ginang ng tahanan, estudyante o yaong mga hindi nakatapos ng pag-aaral. Gayundin
ang Agrisiyete na mapapanood tuwing umaga sa GMA 7. Nagtuturo ito ng mga
kaalamang pang-agrikultura upang mabigyan ang manonood ng gabay kung sakaling
pumasok sa anumang negosyo pang-agrikultura.
Bilang suplemento ng mga programang ito sa telebisyon ay naglilimbag din ang
TLRC ng Gabay na babasahing kaugnay ng naipalabas sa telebisyon. Ang ganitong
”paaralan sa himpapawid” na nagbubukas ng pagkakataon sa maraming kababayang
nangangailangan ng tulong- pangkabuhayan sa wikang maiintindihan nila.
Bakit wikang Filipino? Napulsuhan marahil ng TLRC na isang korporasyon ng
gobyerno, na ang dapat bigyan ng pagkakataong umunlad ay ang maraming
kababayang nangangailangan ng tulong-pangkabuhayan sa wikang maiintindihan nila.
Malakas ang pang-akit o hatak ng telebisyon sa mga bata at matanda. Kaya ang
anumang produkto lalo na ang pangunahing pangangailangan ng madla, ay
inaanunsiyo sa telebisyon gamit ang wikang Filipino. Sa mga produktong ito ng
malalaking industriya, makakapamili ang konsumer batay sa kalidad o pang-akit ng
anunsiyo sa telebiosyon. Epektibo rin ang wikang Filipino sa mga anunsiyo ng mga
produkto sa radyo.
Sa pagdagsa ng itinatayong industriya sa Filipinas, kukuha’t kukuha ng mga
manggagawang Filipino. Karamihan dito ay yaong mga hindi nakatapos ng pag-aaral o
natigil sa pag-aaral sa kolehiyo, ngunit nakakaintindi ng kaunting Ingles. Pero para higit
na mapakinabangan sila sa itatayong industriya sa bansa ay kailangang turuan sila ng
mga bagong kakayahan sa paglikha ng mga produkto.
Dito papasok ang mga ekspertong Pilipino na namumuno at magtuturo ng
kaalaman sa mga manggagawa. Wikang filipino ang kanilang gagamitin upang higit

106
silang maintindihan ng mga manggagawa. Mabilis nilang matutuhan ang kaalamang
pakikinabangan ng industriya.
Dahil pinagtutuunan ng pansin sa kasalukuyan ng mga itinatayong industriya sa
bansa ang pandaigdigang pamantayan ng anumang produktong lilikhain, hindi Ingles
kundi Filipino ang gagamitin upang ang kanilang mga manggagawa ng dalubhasang
katalinuhan sa gagawing produkto
Sa pag-unlad ng negosyo at industriya, hindi maaaring iwasan ang paglaganap
at pag-unlad ng wikang Filpino. Ito ang prinsipyong aking pinaniniwalaan, kaugnay ng
pag-unlad ng negosyo at industriya.

Ang Usapin ng Wika at Panitikang Filipino at ang Paglahok ng Pilipinas sa


Globalisasyon
Wika at panitikang Filipino, globalisasyon-wari’y magkataliwas na usapin.
Partikular at mahigpit na nakaugat sa lipunang Pilipino ang una, tumatawid ng mga
kontinente ang ikalawa at sumasaklaw sa marami’t iba-ibang bansa.
Kung ang lokal ay ipasasaklaw sa global, lilitaw na ang wika at panitikang
katutubo ay sagwil sa pagsulong ng Pilipinas sa global na kalakalan. Ang
nasyonalismo, na siyang batayan ng paggigiit sa pagpapayabong sa wika at panitikan,
ay hindi na miminsang tinawag na ”anakronismo” sa panahon ng globalisasyon na ang
tunguhin daw ay ang pagtatayo ng ”mundong wala nang hangganan” (borderless
world). Sinasabing sa ”mundong wala nang hangganan,” papantayin ang kakayahan ng
bawat bansa sa pagpapasagana ng ekonomiya. Diumano, ang pagwawaksi ng
nasyonalismo ay magbubunga ng mga biyaya para sa munting bansang hangad
makaabot (kundi man makasabay) sa antas ng kaunlaran ng mga pangunahing bansa.
Kaakit.akit na pangangatwiran ito para sa mga bansang tulad ng Pilipinas na hanggang
ngayon ay hindi pa makaigpaw sa tambakan ng karalitaan tungo sa kaunlarang matagal
nang tinatanaw-tanaw lamang.
Pagmamadaling Marating Ang ”Borderless World”
Karanasan na natin na sa matuling pagbibiyahe, ang tanawin sa labas ng
sasakyan ay nangyayaring maging malalabong hubog at kulay na lamang. Hindi kaya
ng paningin natin na maitala ang boung larawan ng mga bagay-bagay na ating
nararaanan, kaya’t wala tayong kakayahan tiyakin kung anu-ano ang sapat nating
nakita sana. Ganyan sa wari ko ang epekto ng pagmamadali ng ating pamahalaan na
kamtin ang pangakong bunga ng globalisasyon, pagmamadali na tulak naman ng
pagmamadali rin ng World Trade Organization (WTO) na marating ang paraisong
”borderless world.”
At ano ba ang gusto nating makita habang sumusulong ang Pilipinas tungo sa
global na kalakalan at sa ipinangako nito? Paglaganap at pagtatag ng demokrasya.
Pangangalaga sa karapatang pantao. Pagtutulungan ng mga bansa para sa malinis na
environment. Pero sa halip, ang mga sumusunod naman ang nagaganap habang

107
itinutok ng Estados Unidos at ng mga kaalyado nitong mayayaman bansa ang ating
paningin sa mga pangarap sa hinaharap. Tinatanggalan ng proteksiyon ng batas ang
mga mangangalakal na Pilipino. Ang tungkuling paglingkuran ng pamahalaan ang
publiko at bigyan ito ng serbisyo ay inililipat na ng gobyerno sa mg apribadong
korporasyon. Bilang pagtugon sa kahingian ng WTO, ang sistema ng edukasyon na
nakatuon dapat sa pagkamakanayan ng mga kabataan ay itinutuon na sa pag-akit sa
mga ito na maging ”mamamayan ng daigdig.” Samakatwid, habang nililibang tayo ng
mga pangarap at ilusyon ng hinaharap, ang sambayanang Pilipino ay nalalantad sa
eksploytasyon ng kapitalismong global-ang teritoryo natin ay binubuksan sa mga
empresang multinasyonal; ang mga kabataan ay ipinapain sa kulturang nagpapalabo sa
mga tradisyong kanilang kinagisnan, ang kulturang itiuturing na global na humihimok na
hubdin ng kabataan ang kanilang identidad bilang mamamayan ng kanilang tinubuang
lupa. Sa maikling salita, ibinabalik tayo ng kapitalismong global sa yugto ng kolonyal na
pagsasakop. Hindi natin namamalayan ang panibagong pagsakop sa atin dahil wala
namang mga sandatahang hukbong lumulunsad sa ating baybayin; walang dayong
panginoong umaangkin sa kapangyarihang politikal ng ating pamahalaan; walang
tahasang pagpaslang sa mga mamamayang tutol sa pangungubkob ng masisibang
multinasyonal. Sinasabi ng mga aktibista na ”bagong katawagan lamang sa
Imperyalismo ang Globalisasyon.” Ang sinasabi nila ay katotohanang hindi natin
mapagsasarhan.
Panlaban ng Wika at Panitikan sa Globalisasyon
At ano naman kaya ang panlaban ng wika at panitikang katutubo ng mga Pilipino
sa dagsa ng pananalakay ng globalisasyon? Ano ang magagawa ng mga tula nina
Amado V. Hernandez, Jose Corazon de Jesus, at Lamberto E. Antonio; ng mga awit
nina Jess Santiago, Joey Ayala at Gary Granada; at ng mga nobela nina Dominador
Mirasol, Lualhati Bautista at Ave Perez Jacob upang maitaboy ang kadilimang akay-
akay ng World Trade Organization? Ano ang bisa ng wikang Filipino sa pagtatayo ng
moog laban sa paglusob ng mga kaisipang nakapagpapahina sa tigas at tatag ng mga
makabayan?
Noong 1996, sa Copenhagen, Denmark, inorganisa ng United Nations World
Summit for Social Development ang isang serye ng mga seminar upang talakayin ang
mga kalagayan tungo sa panlipunang pag-unlad sa harap ng mabilis na paglakas ng
kapitalismong global.
Sa harap ng tiwaling kalagayan, binibigyang-diin ng seminar ang
pangangailangang pagtuunan ng pansin ang kultura ng kapitalismong global, suriin ito,
pagtalunan at hamunin ang katinuan ng bisyon na gumagabay rito. Kaugnay ng
intelektuwal na makitid at labis ang pagkakulong sa kani-kanilang ispesyalisasyon.
Dapat daw himukin ang mga ito na gamitin ang kanilang tinig sa mga debate at diskurso
hinggil sa mga problema at tunguhin ng kontemporaryong lipunan.
Paglaban sa Kultura ng Globalisasyon
Narito, sa palagay ko, ang ispasyo na bukas at humihinging pasukin ng mga
Pilipinong tumatangkilik sa wika at panitikan. Sa ispasyong iyan maaaring pakiharapan

108
at labanan ang kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa
lipunang Pilipino. Hindi dapat magbunga ang globalisasyon ng panibagong pagkaalipin
para sa sambayanan. Sa isang artikulo ni Renato Constantino, ang ”Globalization and
Intellectual Tradition,” kinilalang progresibong historyador ang paghubog ng
misedukasyon sa mga intelektuwal na Pilipino. Ayon sa kanya, ang mga intelektuwal
natin ay may tendensiyang maging tagasunod/tagatanggap sa ideolohiya ng mga
bansang kapitalista, na siyang binibigyang-puwang ng midyang pandaigdigan. Subalit
may sektor naman ng intelihensya na kinapapalooban ng mga intelektuwal na ang
kamalayan ay pinanday sa pakikibaka ng mga inaapi ang impluwensiya ng mga
edukadong kinakasangkapan ng katutubong burgesyang naglilingkod sa kapitalismong
global.
Nakalangkap sa wika at panitikang katutubo ang pinagdaanang kasaysayan ng
sambayanang lumaban sa pananalakay at pang-aalipin ng kolonyalismong Espanyol at
Amerikano. Kailangang igiit ng mga progresibong intelektuwal na pahalagahan ang mga
ito at pagyamanin naman ng ating mga paaralan. Sa batayang antas ng sistema ng
edukasyon, nangangailangan ng mga babasahin at pagsasanay ang mga guro ng mga
kabataan ang kamusmusan ay matabang lupa sa pagpupunla ng mga kaisipang
makabayan. Sa tersiyaryong antas, may bagong kurikulum na nagtatakda na ituro ang
panitikan ng Pilipinas sa mga bagong pasol sa kolehiyo. Mahalagang hakbang ito tungo
sa pagpapayabong ng nasyonalismo sa hanay ng kabataan kung gagamiting lunsaran
ng mga talakayan hinggil sa kasaysayan at sa kaugnay ng panitikan sa lipunan.
Sa Copenhagen Seminar, inilatag ang ilang panukala upang pakinabangan ng
maliliit na bansa ang globalisasyon. Tanggap ng mga dumalo sa kapulungan na
prosesong sumusulong na ang globalisasyon. Ang mahalaga sa ngayon ay ang
paglinang sa demokratisasyon at sa pagpapairal ng kapakanan ng sariling bayan at
sambayanan. Itinagubilin ang pagpapaunlad sa pagkaunawa sa kabuuan ng galaw ng
globalisasyon at ang impluwensiya nito sa mga patakaran ng bawat pamahalaan. Ang
mabilisang pagsasakatuparan ng proseso ng globalisasyon ay mangyayaring pabagalin
upang ang pagpapasiya sa mga panukala at atas ng WTO ay maipasailalim sa masusi
nang maiangkop ang mga ito sa kalagayan at kapakanan ng partikular na bayan. Ang
konsepto halimbawa ng ”pakikipagkompetisyon” (competitiveness) ay magagawang
lapatan ng mga pamantayang makatao upang hindi ito mauwi sa lantay na panlalamang
ng mayayamang bansa.

109
Ang Pananaliksik Bilang Matalab na Kasangkapan sa Pagtuturo ng Pilipino
Benilda S. Santos
Sa ating panahon ng impormasyon, higit sa anupaman ang panahon, ang
pananaliksik ang kasangkapan sa pagtuturo na hindi na maaaring pagkabitan ng balikat
ng sinumang guro na may layuning umunlad sa sariling propesyon sa pamamagitan ng
pag- unlad ng kanyang pagtuturo at sa kanyang patuloy na edukasyon. Sa ayaw natin o
sa ibig, sa handa man o sa hindi, hinahatak tayong lahat na pumagitna sa information
highway at makilahok sa salimbayan ng kaalaman at karunungan. At hinding-hindi natin
madadahilan na dahil nagturo tayo ng Filipino at hindi Ingles ay hindi na tayo pwedeng
tumungtong sa ganoong larangan. Sa bilis ng daloy ng impormasyon at kapag hindi
tayo nagsaliksik malaki ang magiging kabawasan sa pag-unlad sa ating propesyon.
Subalit hindi naman madali ang pumasok sa larangan ng pananaliksik.
Sumasapit tayo sa pagtuturo bilang mga bagong gradweyt sa kolehiyo walang M.A. at
madalas wala pang gaaanong karanasan sa pagtuturo. Kapag nasimulan naman natin
ang pagpupursige sa M.A. part time teaching load lang ang kayang ibigay sa atin at
daig pa natin sila Aliguyon, Bantugen at Lam-Ang sa pakikibaka makamtam lamang ang
full time teaching status at maging M.A. hindi rin malayo rito ang pagtatapos ng
doktorado. Nagtitila suntok sa buwan tuloy ang pagsapit sa cyber space.sa kasama ang
pala, hindi napapaiksi ang napakahabang proseso ito dahil sa kalikasan ng
pananaliksik ang paghingi natin ng maraming oras sa pagbabasa at pagsulat ng mga
papel. Gayon din, hindi kagya’t na nagiging mahusay sa pagtuturo. Wika nga ni
Aristoteles, ang pagsilang at pag-unlad ng kahusayang intelektwal ay ang sa pagtuturo
na humihingi naman ng karanasan at panahon.
Bunga nito,may impresyong umiiral na hindi maaaring pagsabayin ang busy sa
pananaliksik at husay sa pagtuturo. Ang outstanding teachers ay wala ng panahon
para magbabad sa aklat upang magsaliksik, samantalang ang mga gurong naglalathala
ng mga aklat ay hindi inaasahang magiging mahusay sa pagtuturo. Higit na malala pa
ang huli na nakauungos sa una dahil sa pag-angat ng rangggo ang dami at dalas ng
publikasyon ang pinakamabigat ng sukatan. Hindi kaya tayo nagkakaroon ng isang
double standard sa akademiya.? Hindi kung ituturing nating ang pananaliksik at
esensiyal na kasangakapan sa pagtuturo sa halip na larangang hiwalay na

110
pinaglalaanan ng panahon alang-alang sa sarili nitong kapakanan. Ang tunay na
mahuhusay na guro ay iyong nagdadala ng bunga ng kanilang araw araw na
pananaliksik ng kanilang pagsisikap ng tulungan ang kanilang mag- aaral ng higit pang
matuto. Naibubukod nila ang impormasyon na makabuluhan sa mag-aaral at mga
mahirap maunawaan ay muling pagsasaayos sa pamamagitan ng sari- saring teaching
techniques o pamaraan ng pagtuturo,

Higit pa rito, ang pananaliksik ay batayan at buhay na tinatawag na higher


education. Napakahirap panatilihin ang mataas ng pamantayan sa kolehiyo at sa
unibersidad kung walang nagpapatulog ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagtungo
sa paaralang gradwado ng masteral at doktorado. Sa ganitong paraan lamang
nadaragdagan ang inimbak na kaalaman,
Kung gayon, bakit hindi pa rin nakauungos ang kultura ng pananaliksik sa ating
bayan? Kahit sa pamantasang bayan? Ang bilang ng mga kumukha ng masteral ay
napakaliit kumpara sa apat na bilang nito.ang sagot ay simple. Kulang sa pondo.. bukod
pa dito, ang kabuuang kulturang nakapaligid sa pag- aaral ng Filipino ay hindi maaamin
sa pagdadala ng mag- aaral hanggang sa antas ng pananaliksik. Bakit? Sapagkat wala
pa tayong malawakang kultura sa pagbabasa ng panitikang Filipino o kahit anumang
aklat sa Filipino. Sa loob lamang ng silid – aklatan ito nagagawang mag-aral.
Bagaman kailangan ng pormal ng edukasyon at pormal na paghahanda ng guro
at gayon din ang mamamayan upang maging masigabo ang pag- unlad ng bayan hindi
ito kailanman na magiging tunay na mabisa. Sa pagbabasa ng mga aklat sa bunga ng
pagsasaliksik ng mga guro at iskolar, maisasagawa ng mga mamamayan ang
pagpapalawak ng sarili nilang kaalaman sa mga bagay na mahalaga sa ating buhay at
kultura. Kung minsan, daig pa ng may malawak na nabasa ang mga taong may digri.
Lagi sana nating alalahanin ang malinaw na halimbawa ni Andres Bonificio na ang
bisang dunong ay bisang pumantay sa iniwan na bayan ni Jose Rizal sa pamamagitan
ng pagbasa at pagsulat lamang.
Sa ating bayan sa kasalukuyan, hindi pa binibigyan ng pamahalaan at ng
pribadong sektor ng sapat na halaga ang pagbabasa sapagkat wala pang
komprehensibong programa ukol dito, bukod sa paaralan, nagpapabasa ba ang mga
guro ng iba pang aklat na pupukaw sa interes ng mag aaral o sa kusang
pagpapayaman ng kanyang sariling kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa, hindi
pa.
Bagaman tunay na malayo pa tayong magkaroon ng kung tawagin sa kanluran
na research universities kailangan na tayong magsimula ng pagpapalaganap ng mga
metodolohiyang pananaliksik upang maipakita sa mga guro kung paano nito
mapapayaman ang pagtuturo at pag aaral.
Ang mga guro na masinop sa pagbuo ng kanilang planong pang- akademiko ay
madalas kaysa nama’y hindi alam at karanasan sa pananaliksik. Dahil higit sa
paghahanda at pagdidisenyo ang kanilang kurso. Ang nagiging bunga naman nito ay

111
mabisa at bai-baitang na pagtuturo. Ang kursong disenyo naman ng mabuti ang
nagbubunsod ng sigla sa pag- aaral ng parte ng mga estudyante. Naglilinaw sa paraan
ng pagkatuto at natutulungan ang mga mag aaral na magkaroon ng tiwala sa sarili sa
mapanuring pag- iisip at ugaling pagtatanong. At dahil sa madali patungong mahirap
ang metodo ng instruksiyon, nagagawa ng mga mag- aaral na mag ugnay- ugnay ng
impormasyon, lapatan ng itegrasyon ang nilalaman sa araw araw at sa dulo maging
responsable sa kanyang sariling pagkatao.
Mahalaga ring matutuhan ng mga mag-aaral na madalas ang larangan lamang
ng agham ang laging nangangailangan ng pananaliksik. Ang ibat ibang disiplina ay
may kaanyuang kanyang metodo sa pananaliksik. Ang pag-aaral ng ating wika at
panitikan ay para bang tinitisud-tisod lamang: ano pa ba ang displina na tulad ng
kasaysayan o matematika halimbawa ay ang nasasaklaw ng partikular na metodo ng
pag- aaral. Sa kaso ng pag- aaral ng Filipino ang malamang na gamitin ay isang uri ng
techonology transfer. ibig sabihin ang disiplina ang maaaring gamitin sa pag- aaral ng
panitikang Filipino.
Ang pinakamadalas gawin ay ang paglipat sa pagtuturo ng Filipino nitong
metodolohiya sa pag- aaral ng panitikan ng Ingles, ay ginagawa rin sa pag- aaral ng
panitikang Filipino, ang pinakanagiging popular ay ang paglalapat ng kritisismong
pampanitikan sa new criticism sa pag- alala ng modernong tula ng Filipino ng hindi
isinasaalang- alang ang may- akda pati kontekstong nakapaligid sa tula.
Marami pang aspekto ng pananaliksik na nag- uugat sa teoryang kanluranin na
pumasok sa pag- aaral ng ating panitikan. Sa pamantasang Ateneo De Manila
Matingkad sa bisa ng pananaliksik sa pag- aaral at pagtuturo ng panitikan, bagay na
makikita agad sa pamagat pa lamang ng mga tesis na masteral hinggil sa panitikang
Filipino.
Samantala, tingnan natin ang pananaliksik sa konteksto ng higit na malawak na
textual production ng buong mundo, o, sa paborito ang parirala ngayon, sa kontekstong
global. Kung tutuusin napakalinaw ng koneksyon. Ang masigabong produksyong
tekstwal sa mga bayang maunlad ng kanluran at silangan man ang nagtulak sa atin na
magkumahog sa pananaliksik upang hindi naman tayo malayo ng napakalayo sa
kanila. Tingnan na lamang ang dami ng kompyuter at pagpasok ng mundo sa www at
pagpindot ng search. Ang dami ng impormasyong nasa cyber space na bukas sa lahat
sa anumang bahagi ng daigdig sa anumang panahon ay sadyang nakakatigatig.
Makakaya ba nating ipagwalang-bahala ang penomenong ito? Oo nga kung oo, subalit
ang kapalit nito ay ang kinabukasan ng isang buong henerasyon ng kabataan. Mapalad
man tayo sa pagkakaroon ng kasaysayan sa wikang Ingles Hindi pa rin ito sapat sa
pagpantay sa ganyang kaunlaran ng diwa at dunong sa sarili. Sapagkat, lalong
dumadami ang dunong na hiram, lalong kailangan natin paigtingin ang dunong sa sarili.
Kailangan nating malaman kung paano natin ito ipapaloob o gagawing bahagi ng
dunong na ating lahi.
Sumusunod dito ang pangangailangang matatag ang programa ng pagsasalin na
kaagapay ng programa ng pananaliksik at ng programa ng pagbabasa. Ang pagsasalin
lamang ang magdadala ng dunong sa ibang mundo sa ating mundo nang napaaamo

112
ang bangis at alyenasyon nito sa dunong na sarili.
Ilang ulit na nating napakinggan at binanggit ang pariralang, intelektwalisasyon
ng wikang Filipino ito ang preokupasyon natin sa wika nitong ilang taon na rin ang
nakakaraan. Ang paksang naibigay sa akin upang talakayin ngayong umaga, Ang
pananaliksik sa larangang Global at Lokal, ang tunay na balangkas ng intelektwalisayon
ng wika o intelektwalisasyon ng mga Filipino sa wikang Filipino. Sa pananaliksik lamang
nadadala at napasailalim ang wika sa proseso ng secondary reflection kung saan ang
mga bagay na natural isipin o pag- iisipan ay muling nasusuri sa pag- aangat dito sa
higit na mataas na antas o libel ng abstraksyon.
Bilang pagwawakas, nais kong lagumin ang papel na ito sa isang pangungusap.
Ang pananaliksik ay nagiging matalab na kasangkapan sa pagtuturo ng Filipino
sa sandaling iniugnay ito sa paglalathala at pagsasalin, at sa sandaling ang lahat
naman ng ito ay iniugat sa isang matatag ng programa sa pagbabasa.

113
Intelektwalisasyon ng Wika sa Batas at Hurisprudensya
Benjamin M. Mendillo, Jr., Ph. D.
Ang batas at ang tao
Sangang daan ang landas ng batas ng mga tao at ang Diyos. Ang batas ng
Diyos ay nakasalig sa mga testamento ng Biblia hango sa banal na salita ng Diyos mula
sa nagliliyab na punong inihatid ni Moises sa aliping lahi ng Israel sa Ehipto. Sa
kabilang banda naman, ang batas ay imbento ng tao upang maging saligan ng kanyang
pamumuhay at pakikitungo sa kanyang kapwa. Ito ay mga batayan ng kanyang
responsibilidad at pananagutan sa kontekstuwal na pamumuhay niya sa pang araw-
araw. Ang pagkakaroon ng batas ay repleksyon ng isang sibilisadong kultura at
kritikalidad ng isang wika. Sa anotasyon ni Sanchez Roman (1995) sa Kodigo Sibil ng
Pilipinas anya:
“law is a rule of conduct, just obligatory, promulgates by legitimate authority, and
common observance and benefit.”
(ito ay mga panuntunan, makatwiran at dapat tupdin batay sa kinikilalang
kapangyarihang nagtakda nito, na sumasakop para sa kabutihan ng lahat.)
Sa kasaysayan ng wika sa Pilipinas ngayon ay higit pa man mababanaag ang
sumisiglang paggamit nito sa iba’t ibang larangan. Sa Unibersidad ng Pilipinas (UP),
sagana sa mga pagsasalin ang mga akademisyan at mga iskolar bunsod sa layuning
maintelektuwalisa at mapayabong ang sariling wika. Ang pagsasalin sa mga aklat na
teknikal patunog sa katutubong dila ay isa sa mga pangunahing gawain ngayon, hindi
lang sa UP, kundi sa iba’t ibang akademikong institusyon sa buong kapuluan.
Sa senado, inihain ni Senador Lito Lapid ang Senate Resolution No. 19 na
naglalayong isalin sa wikang Filipino ang mga tuntunin at iba pang dokumento sa
Senado. Ayon sa Senador, ang Senado ay isang napakahalagang institusyong
pampubliko na sangkot sa komunikasyon, pamumuno at pagsisilbi kaya dapat na
nakasulat ang lahat ng mga batas sa wikang pambansa at hindi lamang sa Ingles. Kung
nakasulat sa Filipino, maiintindihan ng masa ang mga ginagawang batas o mga
tinatalakay ng mga Senador habang sila ay nasa kanilang bulwagan.

114
Ang batas at ang pagsasalita
Sa larangan ng batas at hudikatura, hindi na bago ang paggamit ng wikang
pambansa sa mga paglilitis at pagkatha ng mga desisyon ng mga huwes at mahistrado.
Sa Kataas-taasang Hukuman naitala ang unang paggamit ng Filipino bilang midyum sa
pagsulat ng kasang-ayon na opinyon (concurring opinion) ni Mahistrado Domingo
Imperial sa People of the Philippines vs. Quebral, et. Al G.R No. 47956, Agosto 5, 1942.
Sa kasalukuyan, mayroon ng walong (8) bilang ng mga desisyon at opinyon sa Kataas-
taasang Hukuman na naisulat sa Filipino. Karamihan sa mga ito ay mga kasong kriminal.
Sa tala naman ng Hukuman ng Apelasyon, isang makasaysayang kaso na
kinaugnayan mismo ng Pangulong Corazon Aquino na naisulat at nailimbag sa sariling
wika.
Kamakailan, si Mahistrado Ruben T. Reyes ng Kataas-taasang Hukuman ay
naglabas ng mga desisyong may sariling Filipino sa mga mahalagang prinsipyong
pambatas. Kapuna-puna rin na ang kanyang mga desisyong may saling Filipino ay may
pampublikong interes na kahuhugutan ng aral ng karaniwang mamamayan. Ilang
halimbawa ay ang sumusunod:
1. SPO2 Geronimo Manalo, et al., G.R. No. 178290, Oktubre 15, 2007. “The
ultimate purpose of the writ of habeas corpus is to relieve a person form unlawful
restraint. The writ cannot and will not issue absent a showing that petitioners are
deprived of their liberty. Neither can it relieve petitioners, who are police officers,
from the valid exercise of prescribed discipline over them by the PNP leadership.
“Ang pangunahing layunin ng writ o utos ng habeas corpus ay ang pagsaklolo sa
isang tao mula sa pagkapiit o pagkapigil nang lisya sa batas. Ang writ ay hindi
makakamit kung walang pagkakait ng kalayaan. Hindi rin ito mapanghahawakan
ng mga nagpepetisyong kapulisan upang makaiwas sa takdang paraan ng
pagdidisiplina sa kanilang mga pinuo ng PNP.”

Ang mga naunang desisyon sa Filipino at ang mga sumunod dito gaya ng mga
isinulat ni Mahistrado Reyes ay nagpapakita lamang na maging ang Kataas-taasang
Hukuman ay nagpapakita ng seryosong pagtatalakay sa isyu ng paggamit ng wika sa
larangan ng istatyuts at hurisprudensya.

Ang wika at ang batas


Malinaw na isinasaad na ang batas ay pamuhatan ng katarungan at prosesong
nararapat sa anumang alitang pantao. Katotohanan rin na kahit anyo, porma, istruktura
at istaylistika ng wika ay nakasaad sa wikang Ingles, ipinapalagay ng batas na ito ay
nauunawaan ng mamamayan saklaw nito. Ito ay ayon sa Artikulo 3 ng Kodigo Sibil na
nagsasaad na “Ignorance of the law excuses no one from compliance therewith”

115
(ignorantia legis non excusat) o ang kawalan ng muwang sa batas ay hindi katwiran ng
sinuman sa di-pagsunod sa mga ito.
Nasasaad din sa Sekyon 1, Artikulo 3 ng Saligang Batas na “no person can be
deprived of life, liberty and property without due process of law not shall any person be
deprived of equal protection of the law” (Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-
arian ang sinumang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang
sinumang tao ng pantay na pangangalaga ng batas).
Samakatuwid, lahat ng saklaw ng kamay ng batas ay kailangang tumalima sa
lahat ng itinakda at itatakda pa. Subalit paano ang mga ordinaryong manggagawa sa
lipunan tulad ng mga magsasaka, mangingisda, kasambahay, drayber, minero,
dyanitor, karpintero, pintor, embalsamador at iba pa na kumakaharap o nasasangkot
halimbawa sa isang kasong sibil, kriminal at administrado na masasalang sa isang
prosidyur o proseso ng batas?
Dahil dito napakahalagang maisalin ang mga espesyalisado, teknikal, antigo, at
pormal na mga salita sa payak at pinakakomunikatibong anyo ng wika gamit ang
elaborasyong Filipino. Sa ganoong paraan ay maipaparating sa laylayan ng lipunan
lalo’t higit sa mga di nakakaunawa sa wika ng batas. Sa ganoong pamamaraan
magkakaroon sila ng pagkakataong maiugnay ag kanilang mga saloobin sa nilalaman
at naisin ng bawat batas sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang pagsasalin tulay sa Intelektwalisasyon
Ang pagpapayaman at pagpapakilala sa mga pilosopiya at karunungang
nakalimbag sa mga hurisprudensya na nakakaapekto sa pananaw at sensibilidad ng
bawat Filipino ay bagay na hindi matatawaran. Ang pang-aangkop-diwa at pag-
iinterpreta sa mga masalimuot na tekstong legal sa sining ng pagsasalin ay isang
konkretong patunay na ang wikang Filipino ay puno ng mga katangian ng isang
progresibong wika na singhusay at singbisa ng wikang Ingles. Ang pagsasalin ay
sinasabing isang kasangkapan sa intelektuwalisasyon ng wika. Sa pamamagitan nito,
ang karunungan ng mundo na maaaring nakalimbag sa wikang banyaga ay maaaring
mailipat o maibahagi sa bansang gagamit ng sariling wika sa pagsalin. Sabi ni (Almario
2003):
“Isang malaking gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang
pagsasalin upang maipon ang lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo
tungo sa wika ng bansa. Hanggang hindi nakabubuo ng isang aklatan ng mga
salin mula sa iba’t ibang katutubong wika sa Pilipinas at mula sa mga
pangunahing wika ng daigdig, mga salitang magtatanghal sa masalimuot na
karanasan at kasaysayang pambansa at sisinop sa pinakadakilang mga
tagumpay ng sangkatauhan, ay hindi pa maipagmamalaki ang lusog at tatag ng
Filipino bilang wikang pambansa.

Sa ispesipikong konteksto, sa pamamagitan ng pagsasalin, makatatanggap o


mababahaging ang Pilipinas ng mga leksikong maaaring ekslusibo sa wikang Ingles,

116
Pranses, Latin, Espanyol at iba pang banyagang wika kung ang mga ito ay maisasalin o
matutumbasan sa wikang Filipino. Kapag ito ay napangyari, masasabing
intelektwalisado ang wikang Filipino dahil sa maipapakita nitong kakayahang
makipagsabayan sa ibang mga wika. Dagdag pa ni (Almario 2003):
“Sa dulo, wala tayong ibang adhika kundi maitanghal ang kakayahan at
kaangkuhang Filipino. Sa pamamagitan ng pagsasalin, mithi nating ipakita na
ang wikang ordinaryo ng mamamayan ng Pilipinas ay kapantay ng Ingles,
French, Aleman, Niponggo, at alinmang wika ng karunungan sa daigdig sa
pagpapahayag ng pinakadakila at pinakamatulaing damdamin o kaisipan. Mithi
natin sa lalong maikling panahon, kung ipapahintulot ng pagkakataon, na ang
wikang Filipino ay magmistulang isang dakilang dagat na dinadaluyan ng lahat
ng ilog at agos ng karunungan sa buong mundo”

May mga nagsasabing intelektwalisado na ang wikang Filipino upang


makaangkop sa iba’t ibang domeyn. Ngunit mayroon ding mga hindi sang-ayon sa
ganitong pananaw. Ito ay nabanggit ni (Espiritu 2000) sa kanyang pagtatalakay sa
patuloy na intelektwalisasyon ng Filipino. Aniya:
“Maraming magkakasalungat na pananaw tungkol sa pagiging
intelektuwalisado ng Filipino. Nariyan ang pangkat na nagsasabing matagal na
itong intelektuwalisado at may kasapatang gamitin sa pagtuturo ng alinmang
asignatura. Nariyan din ang kasalungat na pananaw na nagsasabing
intelektuwalisado ang wika sa larangan ng panitikan, ilang sub-disiplina ng
araling panlipunan at ng sikolohiya subalit hindi sa maraming larangan. Ang huli
ay nagbibigay diin sa ‘pangangailangan makabuo ng register sa wika para sa
iba’t ibang disiplinang intelektuwal o lawak ng espesyalisasyon upang
maipabatid ang kaalamang pandaigdig sa pamamagitan ng wika’ (Gonzalez,
1988)”

Ang pagsasalin bilang hakbang sa intelektuwalisasyon ay isa ring paraan ng


pagpapayaman ng kulturang Pilipino. Sapagkat ang wika ay sumasalalim sa kultura ng
isang bansa.
Sa huling idinaos na “Sawikaan 2007: Mga Salita ng Taon,” isang kumperensiya
na ginanap sa UP Diliman noong Agosto 2-3, 2007, napili ng mga iskolar sa wikang
Filipino, delegadong guro, at mag-aaral ang “miskol” bilang salita ng taon. Ang bagong
salita, na isang pagsasalin ng “missed call” mula sa terminolohiya ng paggamit ng
cellular phone, ay nanguna sa labing-isang iba pang entri kung saan pumapangalawa at
pumangatlo ang “roro” at “friendster.”
Sa nanalong salita ng taon, naipakita ang kultura ng mga Pilipino sa paggamit ng
cellular phone. Ayon nga sa obserbasyon ni Adrian Remodo isang propesor ng Ateneo
de Naga na sumulat ng papel sa “miskol”:

117
“Ang missed call sa New York ay ibang-iba sa miskol ng mga Filipino. Ang
missed call ay simpleng di-naasikasong tawag, samantalang nakaugat sa
sikolohiyang paramdam ng mga Filipino ang miskol. Ang sandaling tunog ng
pagtawag sa cell phone ay nagsasabing “Buhay pa ako. Magparamdam ka
naman.”
“Katulad ng “lobat” ng 2005, lumaganap ang miskol dahil sa
pagkahumaling ng mga Filipino sa komunikasyong cell phone. Pero inangkin na
natin ang bagong teknolohiya at ginamit ito sa ating sariling paraan. Mahalaga
ang papel ng wika sa pangkulturang pandarambong na ito. Sinasabi nating
“Miskulin mo ako” para mairehistro ang bagong numero, makita ang naiwaglit na
cell phone, o ipagyabang ang bago at magandang ringtone.” (Miskol 2007)

Ang batas sa domeyn ng wika


Hindi maaaring isantabi sa pagtalakay ng intelektwalisasyon ang mga domeyn
ng wika upang makabuo ng etnograpikong konstrak sa pagpapalawak ng mga
talasalitaan, glosaryo at diksyunaryo. Sa artikulo ni Sibayan (1991) anya, ang wika ay
binubuo ng tatlong uri ng domeyn;

 ang non-controlling domains,


 semi-controlling domains, at
 controlling domains
Ang mga domeyn na ito,aniya, ay may kani-kaniyang sistema ng pagpapatakbo
ng kanilang institusyon. Ang domeyn na non-controlling ay kinabibilangan ng bahay,
tirahan at ng ating lingua franca, ang domeyn na semi-controlling naman ay
kinabibilangan ng relihiyon, pulitika, at trimidya. Ang domeyn na controlling ay
kinabibilangan, una, ng pamahalaan na nahahati sa tatlong sub-domeyn ng ehekutibo,
hudikatura at lehislatura; ikalawa, edukasyon; ikatlo, mga propesyon ng elementarya,
sekondarya, bokasyonal-teknikal at mataas na edukasyon; ikatlo, mga propesyon gaya
ng abogasiya, medisina, accountancy, at iba pa; ikaapat, agham at teknolohiya; ikalima,
pangangalakal, komersyo at industriya; ikaanim, impormasyong panteknolohiya na
kasama ang mas midya; ikapito, panitikan at ikawalo, pang-internasyonal na relasyon.
Sinasabing ang wikang ginagamit sa domeyn ng controlling, gaya ng
kinakapalooban ng batas, ay laging isang intelektuwalisadong wika. Ang isang wikang
intelektuwalisado, ayon kay (Sibayan 1991) ay yaong maaaring gamitin sa pagkuha ng
isang kumpletong edukasyon sa anumang larangan ng karunungan mula kindergarten
hanggang kolehiyo at anumang patuloy pa na pag-aaral. Sa ganitong depinisyon,
masasabing hindi pa intelektwalisado ang wikang Filipino.
Ani pa ni (Sibayan 1991), ang katangi-tanging domeyn na controlling kung saan
intelektuwalisado na ang wika ay panitikan o ang wika ng literatura ng Pilipinas. Ito ay
dahil sa malawak nitong resorses at substansyal na dami ng manunulat at publikasyon
kung saan umiinog ang wika ng panitikan. Subalit hindi maaaring makapagtapos ang
isang mag-aaral ng batsilyer o digri sa kolehiyo na Filipino lamang ang wikang gamit
118
sapagkat may mga asignaturang kailangang pagdaanan tulad ng matematika, agham
panlipunan, pisika na hindi pa abeylabol o ginagamit sa wikang Filipino.
Bagama’t mayroon nang mga tangkang gawain sa paggamit ng Filipino sa
larangan ng batas, gaya ng paggamit ng ilang sangay ng hukuman sa wikang Filipino
sa kanilang mga prosiding at pagsusulat ng mga huwes ng kanilang opinyon sa Filipino,
mayroon pa ring mga legal na terminolohiyang hindi pa naisasalin at wala pang
katumbas sa wikang Filipino o di kaya naman ay asiwa ang mga salin at hindi tugma.
Hindi rin maikakaila na mayroon pang mga kaisipang hindi pa rin
komportable sa Wikang Filipino sa ekslusibong ginagamit sa mga legal na pleadings at
sa prosidings sa korte. Ang pagkuha ng salaysay ng bawat testigo at pagdodokumento
ng prosidings ay ginagawan ng transkrip sa pamamagitan ng instenograpiya o maikling
paraan ng panulat na nakabase sa salitang Ingles. Mahihirapan ang kumukuha ng
transkrip na magtala ng talastasan sa hukuman kung ang wikang gagamitin ay Filipino.

Ang Intelektwalisasyon sa domeyn ng batas


Sa proseso ng intelektwalisasyon, ayon kay (Sibayan 1991), kinakailangan, una,
ang pagbuo ng iba’t ibang grupo ng tao na nagtataglay ng iba’t ibang kaalaman at
kakayahan sa Filipino, na mahusay sa wika ng kanyang propesyon tulad ng mga
agricultural scientists, medical doctor, abogado, accountants at iba pa. Kailangan ang
ganitong mga eksperto upang masiguro na maitatawid ang katalinuhan ng isang
register gamit ang kahusayan sa Filipino. Sa ganitong pamamaraan nadagdagan ang
register ng isang domeyn sa pamamagitan ng pagtulong ng isa pang domeyn.
Halimbawa, ang register na wika ng mga abogado ay hindi katulad at malayo sa
register na wika ng mga medical doctor, halimbawa ang salitang ‘operation’ sa register
ng mga medical doctor ay isang ‘surgery’, subalit sa register naman ng abogasya ito ay
tumutukoy sa isang ‘raid’ o isang ‘task’ na isasagawa. Kapwa sila hindi
magkakaunawaan kung sila ay magkakasama, at ito ay isang turning point sa
intelektwalisasyon ng wikang Filipino na upang maipag-ibayo ang edukasyon sa mga
teknikal, espesyalisadong mga register o katawagan kailangan itong gamitin sa wikang
Filipino.
Ang nabanggit na mga halimbawa ay makikita rin sa ibang mataas na mga
domeyn ngunit isinasa-Filipino. Isa sa mga ito ay ang disiplina ng medisina na ayon sa
mga doctor pangmedisina ay impraktikal at higit sa lahat ay imposible. Krusyal sa pag-
usad ng intelektwalisasyon ng wika na makalikha sa bawat domeyn ng register na
nakabatay sa katawagang Filipino. Sa ganitong gawain makikinabang ang mga taong
nasa domeyn na non-controlling na maunawaan nang wasto ang kanilang mga hinaing
pangmedikal.
Isa pang halimbawa, ang ‘bukong-bukong’ na nanakit ay kailangang
nauunawaaan ng eksperto o espesyalista na ang tinutukoy ng pasyenteng dumaraing
ay sa likod na bahagi ng paa. Marami pang ibang bahagi ng katawan ang may
katumbas sa katutubong katawagan, sa katunayan ang Unibersidad ng Pilipinas ay

119
naglabas ng isang sangguniang aklat sa medisina ng anatomiya ng katawan ng tao. Ito
ay pasimula pa lamang subalit paano naman ang mga katawagan sa mga sistema sa
loob ng ating katawan.
Pangalawang gawain ng intelektwalisasyon, sabi ni (Sibayan 1991), ay ang
pagbuo ng mga institusyon at mga istruktura na susuporta sa layunin nito gaya ng mga
kolehiyo, unibersidad at mga organisasyon na naglilimbag ng mga dyornal sa Filipino.
Dapat alalahanin na ang mga taong bumubuo sa isang domeyn ay nagsasalita at
nagsusulat sa wika ng domeyn na iyon. At upang maisakatuparan ang
intelektwalisasyon ng wika sa isang domeyn, kinakailangang mapasok ang kultura ng
partikular na domeyn na iyon gamit ang wikang iniintelektwalisa sa pamamagitan ng
mga istrukturang nabanggit. Sa proseso ng intelektwalisasyon ng Filipino sa pagtuturo
nito sa mga kolehiyo at unibersidad at makapaglimbag ng mga babasahing journal at
mga artikulong pambatas na gamit ang wikang Filipino.

Intelektwalisasyon bilang hamon


Tunay na ang pagpapaunlad ng register ng iba’t ibang sangay ng karunungan sa
Filipino at pagpapalaganap ng pagkatuto ukol dito sa populasyon na gumagamit nito ay
isang mabigat na gawain. Sa ganitong hamon nahaharap ang intelektuwalisasyon ng
Filipino. Ganito rin ang saloobin ni (Fortunato 2001) nang sabihin niyang:

‘Kulang ang kasapatan ng tuntunin para mapapasok ang karaniwang terminong


ginagamit sa pag-Filipino nating pasalita o pasulat.’

Sa isang Kumperensya sa Summer Institute of Linguistics na inisponsor ng


UNESCO noong 2004, inilahad ni (Gonzales 2004) ang kanyang karanasan bilang
isang iskolar, guro at kalihim ng Departamento ng Edukasyon sa pagpapalaganap ng
wikang Filipino. Ayon sa kanya, ang mga Pilipino ay hindi natuturuan nang wasto dahil
sa paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng instruksyon o pagtuturo. Sabi pa niya:

“For [the Filipino] language to be cultivated intellectually, it must be used and not
just studied. If school policy makers choose not to use the national language in
certain academic domains, the language will not be cultivated for higher cognitive
activities in that field of specialization.”

Samakatuwid, upang mapahusay ang wika sa lebel at usaping pang-intelektwal,


kailangan itong gamitin na hindi lamang nakakulong sa konseptwal na pag-aaral ng
wika. Kung ang ilang paaralan ay magmamatigas sa paggamit ng wikang Ingles bilang
midyum ng pagtuturo sa ilang domeyn pang-akademya, ang magiging resulta nito ay

120
pagkabansot ng wika sa mataas na gawaing pang-kognitibo sa larangan pang-
espesyalisasyon. Sa isa pa niyang artikulo sinabi ni (Gonzales 2002):

“The last phase of language development is the phase of cultivation which has
many aspects. Usually the nation all language is cultivated as a language of
imaginative literature, the mass media, a medium of instruction in the basic
educational system, as the language of governance, and as a language of
academic discourse.”

Pagpapatuloy ni (Gonzales 2002), ang huling yugto ay masasabing proseso ng


modernisasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga paksang sumasalamin sa
makatotohanang pangyayari sa pang-araw-araw at mga diskursong pang-akademik na
nagiging bahagi ng proseso sa paghubog ng wikang intelektwalisado. Dagdag pa niya,
ang yugto ng intelektwalisasyon ay hindi lamang naglalaman ng ekspansyong leksikal
na mula sa mga makabagong terminolohiya sa mga disiplina kundi sa istaylistikong
pagkakaiba din gamit ang mga kagamitang pansintaktika sa iba’t ibang tipo ng
diskursong pamprosa.
Makakausad lamang ang isang wika kung ito ay nakasasabay sa ebolusyong
bunsod ng panahon. Sa pagpapalawak ng wika, mahalaga ang matatag na pundasyon
sa unang wikang alam upang mapaghandaan ang bagong wikang nakasalang sa
proseso ng intelektwalisasyon. Isa sa mga kahingian ng intelektwalisasyon ay ang
kakayahan ng isang wika na makaangkop sa mga teknikal at espesyalisadong mga
salita upang magamit ito sa iba’t ibang domeyn.
Upang mapaibayo ang ganitong kaisipang pang-global, kinakailangan ang
maluwag na pagtanggap sa wikang ginagamit sa internet at traymidya. Matatamo ang
mga ito sa pamamagitan ng pagplaplanong pangwika tungong intelektwalisasyon ng
Filipino sa iba’t ibang corpus register.
Modernisasyon sa wika ng batas
Ayon kina (Fishman, Ferguson at Gupta 1968), may dalawang proseso sa
modernisasyon ng isang wika. Ito ang mga sumusunod:
1) Ekspansyon ng talasalitaan sa tulong ng adaptasyon ng mga bagong
salita at ekspresyon.
2) Ang pagbuo ng bagong lapit, at pamamaraan sa isang makabuluhang
diskurso.

Sa konteksto ng ekspansyon maisasagawa ang pang-iintelektwalisa ng Filipino


gamit ang armada ng mga bagong angkat na salita mula sa kanluran. Sa ganoong

121
pamamaraan napapalawak, napapaunlad ang iba’t ibang mga register at nagiging
modernisado ang wikang pambansa.
Upang maitaguyod ang mataas na gawaing kognitibo, susog nina (Fishman,
Ferguson at Gupta 1968), kailangang sumailalim sa pagpapalawak ng mga salita sa
iba’t ibang domeyn ang dapat na isagawa sa pamamagitan ng pagsasalin. Tinukoy din
ito sa artikulo ni (Batnag 1977):
“Mahalaga ang pagsasalin sa information age. Sa pamamagitan ng mga salin,
maibabahagi sa nakararaming mamamayan ang makabagong mga kaalaman na
patuloy lamang magiging misteryo sa kanila kung mananatiling nakasulat sa
wikang hindi nila nauunawaan.”
Ganito ang naging karanasan ng Hong Kong Department of Justice nang
isinaling-bilingguwal nila ang kanilang batas. Hanggang sa kasalukuyan, problematiko
ang naging gawain dahil sa kakulangan ng pagpaplanong pangwika upang ganap na
matutunan ang wikang Ingles sa konteksto ng paged-decode ng batas ng bilingguwal.
Nagbunga ito ng maraming kontrobersya sa pulitika ng wika. Inamin ito ng (HONG
KONG DOJ 1999) nang kanilang sabihin na :

“In order to make Chinese the language of the common law, Chinese legal terms
must reflect the common law meaning that exists behind their English
equivalents. When selecting the Chinese term, we must consider the adequacy
and acceptability of the term.”

Sa ganitong kalituhan kanilang ibinunyag ang madalas na paghahati sa kanilang


wika sa usapin ng “Acceptability” at “Adequacy” at ang kakompresibuhan ng wikang
Chinese sa wikang Ingles ay nanatiling nakabinbin na katanungan hanggang sa papel
na ito.
Maraming mapupulot na katuturan sa karanasan ng HONG KONG DOJ lalo’t
higit sa pamamaraan ng pagsasalin at mga karanasan na kanilang hinarap upang hindi
maulit ang naging kinalabasan ng kanilang eksplorasyon sa pagsasalin ng mga batas.
Una, imperatibo ang gawain ng pagpaplano ng wika. Kailangan ng masigasig na
pagpapamalas ng interes sa wika at ang maaaring maging anyo kapag naisalang sa
ibang disiplina o domeyn. Ikalawa, bukas na kaisipan sa pagbabago at ebolusyong
pangwika.
Natural sa isang kultura na maharap sa mga sosyo-kultural at pulitika na
eksposyur sa ganitong pamamaraan napapatunayan ang katatagan ng isang wika sa
aspekto ng iba’t ibang larangan. Ikatlo, ‘political will’ ng isang bansa upang kilalanin ang
isang wika na magtataguyod ng pagkakaisa at identidad bilang isang nasyon.
Sa kaugnay na talakay, sina (Sin at Roebuck 1996) ay nagbigay ng tatlong
argumento bilang pamantayan sa pagsasalin ng batas Ingles patungong Chinese. Una,

122
pagsasaayos ng mga karaniwang batas sa sistemang semantikong reperensyal;
ikalawa, pakikibagay ng wikang Chinese sa tatlong uri nito; ikatlo, paglalaan ng bagong
kahulugan sa mga kasalukuyang salita at ekspresyon; ikaapat, pagpapalawak o
paglilimita ng kahulugan ng salita; ikalima, pagbubuo ng bagong salita sa Ingles na may
kahulugang panteknikal at ang ikaanim, pagbuo ng metalinggwistikang mekanismo.
Ganito rin ang talakay ni (Haugen 1966) sa pag-inhenyeriya ng wika na
mayroong apat na proseso; (1) seleksyon ng batayan, (2) kodipikasyon, (3)
implementasyon at (4) elaborasyon.
Makikita na ang ganitong istilo ng pagpapayabong ng wika ay isang masalimuot
na proseso at nangangailangan ng ‘political will’ upang maisagawa ang mga nasabing
plano. Lahat ng ito ay paramentro ng isang wikang nagsisimulang nagpapalawak ng
pagkakakilanlan sa iba’t ibang domeyn at sub-domeyn nito. Ang praktikal at teoritikal na
epekto nito ay masusukat sa pamamagitan ng pragmatikong pagsisiyasat sa mga
gumagamit ng wika at ang antas ng pagkakaunawa ng wika sa isang ispesipikong
domeyn o disiplina.

Pagpaplanong pangwika sa domeyn ng batas

Si (Cooper 1982) ay nagsagawa ng pag-aaral sa pagpaplanong pangwika at


istandardisasyon. Tinukoy niya na may tatlong pangunahing uri sa pagpaplano ng wika.

 Una, ang status planning. Ito ay ang pagkilala ng pamahalaan sa kahalagahan o


posisyon ng isang wika sa iba pang wikang ginagamit, gayundin sa alokasyon ng
wika at ang itinakdang silbi nito.
 Ikalawa, ang corpus planning na tumutukoy sa pormulasyon ng mga reporma sa
ispeling, paglikha ng mga salita at pagbuo ng makabagong uri ng pagsulat
 Ikatlo, ang acquisition planning na nakapokus sa pagtuturo at pagkatuto ng iba’t
ibang wika.

Napakahalagang bahagi sa pag-aaral na ito ang pagsukat sa status planning na


tinutukoy (Cooper 1982) upang ma-operationalize ang pagpaplanong pangwika.
Sinusugan ito ng artikulong (Bakmand 2000) na ‘Language Planning why not?’ Ayon sa
kanya, sa mga pagpaplanong pangwika na isinasagawa sa buong mundo ngayon ang
‘status planning’ ang pinakainteresanteng dimensyon na dapat pagtuunan ng pansin ng
mga nagpaplano sa wika. Aniyaˑ

‘In the rich scientific literature concerned with these matters, there is a
general tendency to regard status planning as the most interesting
dimension of today.’

123
Ang pagpupulso sa estado o katayuan ng wika ang pinakapangunahing gawain
na dapat busisiin ng mga eksperto sa wika batay sa inilagak nina (Cooper 1982) at
(Bakmand 2000) sapagkat naniniwala sila na bago makausad sa susunod na lebel ng
pag-aanalisa ang kasalukuyang katayuan ng wika sa pamamagitan ng pag-aaral sa
iba’t ibang domeyn na kritikal ang gamit ng wika.
Kinategorya naman ni (Ferguson 1971) sa tatlong bahagi ang pagdedebelop,
lahat ng ito ay bahagi ng corpus planning: Ang graphization bilang pag-adapt ng
sistemang pasulat at pagbuo ng isang norm sa ispeling; ang istandardisasyon na
pagbuo ng supradialektikong norm; modernisasyon, pagpapalawak ng bokabularyo,
pagdedebelop ng bagong istilo sa diskurso na maaring gamitin ang pagpapakinis ng
bawat talata,mga tradisyunal na salita at pagbubuod.
Ang intelektwalisasyong panggramatika ng likhang salita ni (Garvin 1986) bilang
isang teknik sa pagbuo ng mga salita at mga kagamitang pansintaktika ay nagbibigay
ng puwang sa konstruksyon ng intelektwalisasyon. Sinusugan ito nina (Cloonan at
Strine 1982) nang tinukoy nila ang mga uri ng polisiyang pangwika; Ang
kumprehensibo, pormal at tuwirang ginagamit ng mas nakararami na likha ng presyur
mula sa nakararami o ng ispesipikong bilang ng mamamayan.
Ikalawa ang clientele-based na pampolisiyang pangwika ng dinetermina ng mga
kawani sa gobyerno, ito ay hindi kumprehensibo bagkus impormal at hindi ginagamitan
ng anumang istruktural na pagpaplano na nabubuo sa pamamagitan ng mga presyur
mula sa mga mamamayan dahil sa paglaan nito ng serbisyo. Halimbawa nito ang mga
interpretasyon sa korte, bilingguwal na edukasyon at marami pang iba.
At upang maisagawa ang pagpaplanong pangwika sang-ayon sa tunguhin nito
sa intelektwalisasyon kailangang ikonsidera ang panlingwistiks at mga panlipunang
salik. Si (Haugen 1966) sa ganitong lapit ng pag-aaral ay nagsaad ng apat na
mahahalagang uri ng pagpaplanong pangwika batay sa kraytiryang pag-aaral sa
linggwistika at pansosyal na aspekto sa uri at tipo ng pagpaplano na nais nitong
tunguhin.
Kongklusyon
Katulad ng ibang disiplinang dumadaan sa proseso ng modernisasyon kailangan
isalang ang domeyn ng batas sa pagsasalin sa wikang Filipino upang maabot ng mas
nakararami ang kaalaman at yaman ng talino sa ilalim ng batas. Sa pamamagitan ng
pagsasalin, matutugunan ang pangangailangang magkaroon ng pangkalahatang pang-
unawa ang mamamayan sa lenggwahe ng batas. Mailalapit din sa karaniwang tao ang
mga malalim at masalimuot na terminolohiyang teknikal pambatas sa paggamit ng
midyum na mas nauunawaan ng marami.
Bunsod ng kasaysayan ng ating bansa at ng karanasan ng bawat Pilipino sa
kasalukuyan, nabuhay at nananaig ngayon ang pagkakaroon ng interes ng bawat isa na
makialam at makisangkot sa mga sosyo-politikal na kaganapan sa lipunan. Ang mga
batas na ipinatutupad at mga interpretasyon ng hukuman ukol dito ay natural lamang na

124
nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat Pilipino. Ito ang panahon
kung kailan ang bawat isa, anuman ang maging antas sa buhay, ay natututong gumawa
ng sariling opinyon ukol sa mga pangyayari sa kanyang lipunan at komunidad.
Binabase ang kanyang opinyon sa mga nababasa at naririnig sa radyo, dyaryo at mga
personal na diskusyon. Mula sa pagkatha ng tamang pananaw sa mga isyung
nakapaligid sa kanya napapalakas ang kapangyarihan ng bawat Pilipino na makagawa
ng pagbabago sa kanyang buhay na nakaangkla sa mga nangyayaring pagkilos sa
lipunan.
Isa sa mga silbi ng pagsasalin ang paglalapit ng pang-unawa ng mga tao sa
usaping pambatas at alituntunin na sumasaklaw sa kanila kabilang na rin ang mga
desisyon at ipinopromulga ng mga Korte upang magbigay interpretasyon at
pagpapayaman sa leksyon ng Filipino. Napakahalaga na ang lenggwahe ng istatyuts at
hurisprudensya ay naiintindihan ng mamamayan upang magkaroon ng tamang
pagkakaunawa sa mga ito at makabuo ng wastong opinyon ukol dito.
Isang kongkretong halimbawa kung saan maipapakita ang pagiging
napapanahon ng pagsasalin sa larangan ng batas ang pangyayari noonng nakalipas na
taon kung saan ang Pilipinas ay napasailalim sa isang krisis pulitikal. Ang ating bansa
ay ipinasailalim sa isang state of emergency ng pamahalaan sa pamamagitan ng
Presidential Proclamation No. 1081. Sa ilalim ng Executive Order No. 464, ang mga
miyembro ng ehekutibo ay pinigilang lumahok sa mga imbestigasyong isinagawa ng
lehislatura sa mga isyung krusyal na bumabalot sa ating bansa.
Dahil sa mga naturang batas ay nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng bawat
Pilipino, lumalim ang interes ng marami na suriin ang mga ito. Binantayan at inabangan
ang inilabas na desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ukol sa Konstitusyunalidad o
legalidad ng mga ito.
Kung mayroon ng malawak na register o talasalitaan ng wikang Filipino sa batas
at hurisprudensya, magiging madali para sa mga Pilipino na maunawaan ang mga
usaping panlegal na karaniwan at di-maiiwasan na kaharapin sa araw-araw. Sa
gaanong kaisipan mapagdudugtong natin ang nananaig na mga puwang sa
impormasyon bunsod ng di pagkakaunawaan ng maraming Pilipino sa wikang
pambatas na kasalukuyang nakasulat lamang sa Ingles. Kung mapupunan ang agwat
na ito, hindi malayong maaabot natin ang mithiing-layunin ng saligang batas, ang ganap
na emansipasyon sa tanikala ng kamangmangan sa ibang wika at kainhustisyahan.

125
Pananaliksik at Teorya
Ni: Rhoderick Nuncio

Ang teorya na makabuluhan at nauugnay sa karanasang Pilipino.


Hindi sapat ang pag- aangkop ng teoryang kanluranin. Ang
kailangan ay mga teoryang nag- uugat sa mga konsepto, pananaw,
at karanasang Pilipino.
- Virgilio Enriquez, Sikolohiyang
Pilipino:
Perspektibo at Direksyon

Pananaliksik

Sinasabing isang sining, praktika, disiplina at agham ang pananaliksik. Isa itong
mahalagang bahagi sa pagbubuo ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan.
Maaari itong makaambag upang mapalakas at mapagtibay ang kasalukuyang pag-
unawa at paniniwala sa bagay- bagay o phenomenon ng buhay at ng lipunan. Subalit
maaari rin namang buwagin nito ang matagal nang dogmatikong kaalaman o
metodolohiya sa siyensiya, pilosopiya, matematika at agham panlipunan. Katulad ng
ginawa ni Reynaldo Ileto (1979) sa disiplina ng kasaysayan. Binago niya ang
pamamaraan ng pagdulog sa datos o impormasyon na hindi lamang limitado sa awit,
kuwentong bayan at panitikan sa pagsulat ng kasaysayan. Ito ang pagtanggap o
rebisyon ng mga kaalamang binuo, iniisip at isinapraktika sa mahabang panahon. Kung
walang ganito, siguro’y mahihirapang umunlad ang intelektuwal na buhay ng tao.
Ang proseso ng pananaliksik ay laging nakaugnay sa proseso ng pagsulat.
Dalawang magkaibang kasanayan ang pananaliksik at pagsulat. Subalit kailangang
bumuo ng disenyo, kumuha ng datos at resulta ang gawaing pananaliksik sa
pamamagitan ng mapanuri at mahusay na pagsulat. Ang mabisang pananaliksik ay
dapat na naisusulat at nakasulat sa dahilang mahalagang bagay din ang desiminasyon
o pagpapalaganap ng impormasyong ito sa maraming tao. Kung kaya’t mas hinihikayat
nang husto ang di- lamang magsaliksik subalit gayundin ang publikasyon nang
naisaliksik. Sa kabilang banda, ang kasanayan sa pagsulat ay hindi naman minsan
nangangailangan ng pananaliksik. Ang pagsulat ng liham, report sa bentahan at
kalakal, tula at ilang kuwento ay nangangailangan ng minimum na pananaliksik o maski
wala.

Depinisyon ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang sistematiko, masinop, lohikal, at kritikal na proseso sa


pangangalap, pagsisiyasat at pagsasaayos ng datos at resulta upang mapatunayan,
ang sagot, matuklasan, at maipaliliwanag ang dati o bagong kaalaman o phenomenon.
Sa ganitong paliwanag, ang buong proseso ay maaaring humantong sa: (1) pagbubuo

126
ng bagong kaalaman, (2) validasyon o pagpapatibay ng iba pang pag- aaral, at (3)
pagbuwag ng lumang kaalaman at paniniwala.

Paglilinaw ng ilang mga Termino

 Sistematiko- isang prosesong nakatuon sa pagsunod ng iba’t ibang hakbang na


sasagot sa kahingian ng pag- aaral. May modelo at balangkas ito na nakalatag
na gagamitin sa pananaliksik.
 Lohikal- paggamit ng sanhi- bunga, partikular-general at dedaktibo-indaktibong
proseso at iba pa sa pangangalap, pagpapaliwanag at pangangatwiran sa
nakuhang datos o resulta ng pag- aaral.
 Akademik- ang pagsasagawa ng pananaliksik at akademikong pagsulat ay
kasanayang dapat malaman at matutuhan ng mga mag- aaral. Iskolarli ang
katangiang dapat taglayin ng pananaliksik. Pakikilahok sa diskurso o debate ito
sa isyu, kaisipan at kaalamang ipinapalagay ng akademya. Kung kaya’t isang
pagsasanay na akademik ang pananaliksik.
 Kritikal- pinapahalagahan ang pagtalakay sa isyung napapanahon, kaalamang
makatutulong sa pag- unlad sa kabuuang pagkatao ng mga Filipinong mag- aaral
at pakikilahok sa pambansang usapin na gamit ang mapanuri at kritikal na pag-
iisip.

Sangandiwa – Rhod V. Nuncio at Elizabeth Morales- Nuncio

Ilan pang Depinisyon

Ayon kay Waltz at Bausell (sa Fawcett at Downs, 1986: 3) ang


pananaliksik ay “isang sistematiko, pormal, mabusisi at naaangkop na prosesong
ginagamit upang matugunan ang mga problema at/o di kaya’y matuklasan at
maipaliwanag ang mga bagong kaalaman. . . (salin)”
Ang sosyal riserts naman ayon kay Neuman (1991: 1) ay isang “uri ng
pananaliksik na isinagawa ng mga sosyologo, sosyal sayentist at iba pa para
sagutin ang mga tanong tungkol sa panlipunang realidad” (salin). Dinugtong pa
niya rito na ang ganitong klaseng pananaliksik ay binubuo “ ng mga
sistematikong metodo na ginagamit ng mga tao upang lumikha ng kaalaman” (2).
Mapapansin na sa unang depinisyon tumutukoy ito sa pangkalahatang
paliwanag tungkol sa layunin, paraan at katangian ng pananaliksik. Layunin nito
na makatuklas at makapagpaliwanag ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng
mga pamamaraang ginagamit ng mga mananaliksik. Samantala, ang ikalawang
depinisyon ay nakatuon sa isang suri ng pananaliksik na isinasagawa ng mga
sosyal na sayentist, ang sosyal riserts. Kung tutuusin, isa lamang ang punto na
ipinararating ng pananaliksik: ang matuklasan at maipaliwanag ang relasyon ng

127
penomenong nililikha ng tao sa lipunan. Sa ganitong paraan lamang nakalilikha
ng kaalaman batay sa mabusisi at sistematikong pamantayan ng pananaliksik.

Teorya

Ang teorya ay binubuo ng mga pagsasapangungusap ng mga ideya at


dalumat- salita na nagpapaliwanag sa relasyon o pagkakaugnay- ugnay ng mga
konsepto tungkol sa kaganapan, karanasan at penomenon. Ang teorya ay
tumutukoy sa istruktura ng ugnayan sa pagitan ng realidad at dalumat- salita.
Sinasalo ng mga pagdadalumat na ito ang patern at sistema na umiikot o
mababakas sa panlipunang realidad. Artikulasyon lamang ng ugnayang ito ang
paglalahad ng mga konsepto na bumubuo sa isang teorya.
Sa isang banda si MH Mar (sa Fawcett at Downs, 2) ay nagbigay ng
depinisyon ng teorya “bilang eksplanatori proposisyon o set ng mga proposisyon,
tungkol sa natural na penomena na binubuo ng mga simbolikong proposisyon ng
(1) naoobserbahang relasyon ng mga (nasusukat na) kaganapan, (2) mga
mekanismo o mga istrukturang nakapaloob sa nasabing relasyon, o (3) ng mga
nahinuhang relasyon at mekanismong nakatuon para maipaliwanag ang
naobserbahang datos kahit na walang direktang empirikal na manipestasyon ng
mga relasyong nabanggit” (salin).
Pinaparating ng depinisyon ni Marx ang sistematiko, kahit na minsa’y
komplikado, at istruktural na relasyon ng pangyayari, datos at konsepto.
Nakasaad ang mga relasyong ito bilang proposisyon.
Ang teorya’y isang wika at makawika. Mahalaga ang paggamit ng sariling
wika sa pagbubuo ng sariling mga konsepto’t teorya. Isang wika ang teorya dahil
sa ito’y gumagamit, lumilinlang ng mga salitang di payak (at di karaniwan) at
nakikipagtalastasan para maintindihan at maiaplay ito sa iba’t ibang tiyak na
panukat, domeyn at kaligiran ng pananaliksik. Makawika ang teorya kaya’t
kailangang babad ang mananaliksik sa wikang pinagmulan niya para makabuo
ng sariling mga konsepto. Sa ganitong premis, hindi uunlad ang wika ng teorya
sa pagteteorya sa Araling Filipino kung hindi wikang Filipino ang gagamitin, liban
na lang kung nasa ibang bansa na “ibayong pananaw” (diskurso/ talastasang
diaspora) ang ginagamit o Filipinong nasa Ingles ang kinapopookan nila.

Pagdadalumat- Salita

Tinatawag na dalumat- salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas


ng pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga
salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang
pag- uuri’t paggamit nito. Tinitingnan sa paraang ito ang ugnayan ng salitang- ugat at
ang varyasyon ng mga pagbabanghay ng salita na nagluluwal ng sanga- sangang
kahulugan.

128
KUNG NAIS LUMAYA SA PAGKAALIPIN
Sabayang Pagbigkas
Joel Costa Malabanan

Wikang Filipino ngayo'y sinasakal


Ng mga bathalang may diwang kolonyal
Maging sa kolehiyo, asam ipatanggal
Ng nagdisenyo ng adhikaing hangal.

Ang mga makata, mga manunulat


Na nagkapangalan, kumita't sumikat
Ang hagdan ay wikang dapat na itanghal
Ngayon ay tahimik, yakap ang pedestal?

Silang nangagkamal ng salapi't dangal


Bakit walang imik, at walang pag-angal?
Hangad maging global, dunong ang kapital
Sa bansa ng dayo, magpapatiwakal?

Makitid ang tingin kung kabuhayan lang


Ito ay usapin ng kinabukasan
Di lang nitong guro, kundi nitong bayan
Na pinaiikot lamang ng iilan!

Ang wika'y sandata sa pakikihamok


Tanging kasangkapan sa pakikisangkot
Kung nais langgasin, edukasyong bulok
Wikang Filipino ang lunas at gamot

Intelektuwalisasyon ay abutin
At sa bawat disiplina ay gamitin
Diwang watak-watak ating pagbuklurin
At ang ating lahi ay pagkaisahin.

Ito ang panahon ng pagbabalikwas


Upang manindigan sindihan ang ningas
Ang Filipino ay di dapat tanggalin
Bagkos sa kolehiyo, ating pagyamanin

Sabay-sabay nating ngayo’y bibigkasin


Ang Filipino ay di dapat alisin
Sambitin, bigkasin, gamitin, paunlarin

129
At sa mga paaralan payabungin!

Kung nais lumaya sa pagkaalipin


Ang pagkatao ay sa wika buuin!
Kung nais lumaya sa pagkaalipin
Ang pagkatao ay sa wika buuin!

130
TALASANGGUNIAN:

Almario, Virgilio S. 1990. Bantayog: Mga Piling Sanaysay sa Wika at Panitikan.


Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House.
__________________2001. “Ang pagsusupling ng wikang kontra-kolonyal.”Punla sa
Lingguwistikang Filipino: Handog Parangal kay Alfonso O. Santiago.
Grandwater Publications and Research Corporation. Lungsod ng Makati: J.P
Rizal St.
__________________2008. Adyendang Pangkagipitan para sa Wikang Filipino. Susing
panayam sa unang pandaigdigang kumperensiya sa Filipino bilang wikang
global, University of Hawai, Marso 18-20, 2008.
__________________2009. Filipino ng mga Filipino, Mga Problema sa Ispeling,
Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa. Anvil Publishing.
Lungsodng Pasig: Pioneer St., Barangay Kapitolyo.
Andres, Tomas Quintin D.2008 (et.al). Curriculum Development in the Philippine
Setting. National Bookstore. Lungsod ng Mandaluyong: Pioneer Street.
Atienza Monico M. 1992. Kilusang Pambansa-Demokratiko sa Wika. Sentro ng Wikang
Filipino. Lungsod Quezon: Unibersidadng Pilipinas-Sistema.
Bernabe, Emma J. F.Language Policy Formulation, Programming Implementation and
Evaluation in Philppine Education (1956-1974). LSP Monograph No.25
Manila: Linguistic Society of the Philippines.
Catacataca Pampilo D.2001“Ang wikang Filipino sa pagpapalaganap ng
pambansang kultura.”Punla sa Lingguwistikang Filipino: Handog Parangal
kay Alfonso O. Santiago. Grandwater Publications and Research
Corporation. Lungsod ng Makati: J.P Rizal St.

Constantino, Pamela C. 1985. Wika, Lingguwistika at Bilinguwalismo sa


Pilipinas.Rex Bookstore, Inc,. Maynila: Daang Nicanor.
_______________________1991.Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon:
Karanasan ng Malaysia, Indonesia, Pilipinas. Lungsod ng Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino, University of the Philippines Press.
______________________.1996.“Wika, nasyonalismo, at ideolohiya.”Mga Piling
Diskurso sa Wika at Lipunan.Lungsod Quezon: University of the Philippines
Press, Diliman.

131
______________________.2005. “Ang Filipino sa binagong kurikulum sa sekundarya
at tersiyarya at ang tunguhin ng edukasyong Filipino.”Filipino at
Pagpaplanong Pangwika, Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL. Sentro ng
Wikang Filipino. Lungsod Quezon: UP Diliman.
Constantino, Renato. 1982. The Miseducation of the Filipino. Quezon City: Foundation
for Nationalist Studies.
Covar, Prospero R. 1991. FILIPINOLOHIYA: Kasaysayan, Pilosopiya, at Pananaliksik.
Ed. Violeta V. Bautista at Rogelia Pe-Pua. Maynila: Kalikasan.
Delupio, Marlon S.2007. Ang Sistemang Pang-edukasyon Bilang Tagapaghatid ng
Amerikanisasyon sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas
1898-1913.Tesis Masterado. Lungsod ng Maynila: Kolehiyo ng Malalayang
Sining, Pamantasang De La Salle.
________________2013. SAKDAL: Kasaysayang Pangkalinangan ng Isang Kilusang
Panlipunan. Disertasyon: Lungsod ng Quezon: Unibersidad ng Pilipinas-
Diliman.
Denin, N.K. at Lincoln, Y.S. 2004. “Introduction: Entering the field of qualitative
research.” Handbook of Qualitative Research. California: Sage.
De Villa, Ma. Theresa. 2003. Filipino Para sa Isang Makabuluhang Kurikulum.
DALUYAN: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika. Edisyong
Pangmilenyo. Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, UP-Diliman.
Diokno, Jose W. 1984. Anti –Americanism: Twenty Four Questions About Filipino
Nationalism. KAAKBAY Primer Series No. 2 12 Pebrero.
________________1987. “Rizal for Today” kay Manalang, Priscila ed. A nation for
Our Children: Selected writings of Jose W. Diokno. Quezon City: Jose W.
Diokno Foundation and Claretian.
Espiritu, Clemencia C. 1995. “Ang Patakarang Pangwika ng Pamantasang Normal
ng at ang Implementasyon Nito.” Nasa SANGGUNI Journal.
______________________2000. Ang Wika sa Nagkakaisang Republika:
Implikasyon sa Pagtuturo ng Filipino. Daluyan: Journal ng SWF sa
Talakayang Pangwika. Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino,
UP-Diliman.
______________________2003. Ang Wika sa Nagkakaisang Republika:
Implikasyon sa Pagtuturo ng Filipino.” Nasa Santos, Belinda (ed.) op. cit.

______________________2004. Edukasyong Pangwika sa Filipino: Pag-unlad at


Tunguhin. Lektyur na binasa bilang holder ng B.P. Sibayan. Distinguished
Professorial Chair in Linguistics. DLSU, Pebrero, 14.

132
______________________2005. Wikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad.Rex
Book Store, Inc. Maynila: Daang Nicanor Reyes, Sr. Sampaloc.
Flora, Santiago. 2009. “Wikang Filipino: Sa Panahon ng Internet at Globalisasyon”
sa Ang Manghahasik sa Edukasyong Pangwika: Parangal kay Pamfilo
Catacataca ng Pambansang Samahan sa Lingguwistika at Literaturang
Filipino (PSLLF). Na pinatnugutan ni Pat Villafuerte (ed). Suatengco
Publishing House, Caloocan at Sons Print Corporation, Panilao, Pilar,
Bataan.

Flores, Melania L. 2013. “Anti-kolonyalismong nasyunalismo 1896: pangako at


pagdurugtong sa demokratikong rebolusyong bayan” Salita ng Sandata:
Bonifacio’s Legacies to the People’s Struggles. IBON Foundation Inc.,
Lungsod Quezon: Timog Avenue.

Fortunato, Teresita F. at Valdez, Estella S.1995. Pulitika ng Wika. De La Salle


University Press. Maynila: Leon Guinto St., Malate.

____________________2001“Pulitika ng wika: Nasyonalismo at Globalisasyon,


Focus sa Pagtuturo/ Pagpapalaganap ng Wika.”Punla sa Lingguwistikang
Filipino: Handog Parangal kay Alfonso O. Santiago.2001. Grandwater
Publications and Research Corporation. Lungsod ng Makati: J.P Rizal St.

Garcia, Fanny A. 2007 “Ang Walang Katapusang Balitaktakan Hinggil sa Wikang


Pambansa at sa Wikang Panturo.“ Field Notes, 2401: The Official
Newsletter of the De La Salle University- Manila. Vol. 39, no. 10.
_________________2011. Surinaysay: “Mga Barayti ng Wikang Filipino: Ang
Kabuluhan nito sa Wikang Filipino at sa Pagkakaisa ng mga
Pilipino“Wika-Panitikan-Malikhaing Pagsulat-Femenismo-Midya. Lungsod
Quezon: C & E Publishing House.
Gealogo, Francis A. 1997.“Globalisasyon, nasyonalismo, at kasaysayan,
Conference Proceeding, College of Social Sciences and Philosophy, 14-
15 Nobyembre 1997, Puerto Azul, Cavite) Diliman, Lungsod Quezon:
Kolehiyo ng Sosyal Sayans at Pilosopiya, Unibersidad ng Pilipinas, 1998.
15-16.
Guillermo, Ramon. 2009. Pook at Paninindigan: Kritika ng Pantayong Pananaw.
The University of the Philippines Pres. Quezon City: Diliman Campus, E.
delos Santos Street.
Hornedo Florentino H. 2001. Ang Filipino Bilang Wikang Panturo. DALUYAN:
Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika. Edisyong
Pangmilenyo.Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, UP-Diliman.

133
Javillo, Corazon M (et al.). 2005.Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod
Quezon: C & E Publishing House.
Jocano, Felipe L. 2001.Filipino Worldview: Ethnography of Local Knowledge. 2001.
Lungsod Quezon: PUNLAD Research House, Inc., Diliman.
Jose, Vivencio R. 1996. “Ang wika ng pagpapalaya, at ang papel ng
akademya.”Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Lungsod Quezon:
University of the Philippines Press, Diliman.
_________________. 2005. “Wika at globalisasyon: kalakaran, pagtanggi, at pag-
angkin.” Filipino at Pagpaplanong Pangwika, Ikalawang Sourcebook ng
SANGFIL. Sentro ng Wikang Filipino. Lungsod Quezon: UP Diliman.
Liwanag, Lydia B. 2001. “Mga hamon at direksyon sa pagtuturo ng Filipino sa
ikatlong milenyum.”Punla sa Lingguwistikang Filipino: Handog Parangal
kay Alfonso O. Santiago.2001. Grandwater Publications and Research
Corporation. Lungsod ng Makati: J.P Rizal St.

Lumbera, Bienvenido L.2000.Writing the Nation/Pag-aakda ng Bansa. University of


the Philippines Press. Lungsod Quezon: UP Diliman.
_______________________2005. “Saan tutungo ang wikang Filipino ngayong
binubura ito ng globalisasyon.”Filipino at Pagpaplanong Pangwika,
Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL. Sentro ng Wikang Filipino. Lungsod
Quezon: UP Diliman.
_______________________2007. Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal
Education int the Philippines. Congress of Teachers and Educators for
Nationalism and Democracy (CONTEND) Alliance of Concerned Teachers
(ACT), IBON Foundation.
Mabaquiao, Napoleon M. Jr. 2007. Globalisasyon,Kultura, at Kamalayang Pilipino.
MALAY. 2007 Tomo XIX. Blg. 3. Maynila: Pamantasang De La Salle.
Mahaguay, Jerwin M. 2013. Ang Pilosopiya ng Edukasyon Para sa mga Pilipino
Ayon kay Emerita S. Quito: Isang Pagsusuri. Disertasyon. Maynila:
Kolehiyo ng Malalayang Sining, Pamantasang De La Salle.
Marco, Jaze M. 2014. “Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Kolonyal”Pinoy Weekly
Espesyal na Isyu. Pinoy Media Center, Inc. Lungsod Quezon: Kalye
Burgos, Project 4.
Maribao, Joel L. 1997. Galing Pinoy: Filipino Excellence.Society of the Divine Word.
Philippines: Logos Publications.
Mendoza, Rizalina J. 2008. Ang Kurikulum na Filipino: Saan Patungo sa Hamon ng
Globalisasyon. MALAY. Tomo XX. Blg.2. Maynila: Pamantasang De La
Salle.

134
Miclat, Mario I.“Wika at globalisasyon.”Filipino at Pagpaplanong Pangwika, Ikalawang
Sourcebook ng SANGFIL. Sentro ng Wikang Filipino. Lungsod Quezon: UP
Diliman.
Nuncio, Elizabeth M. 2004. “Ang kritikal na pedagohiya tungo sa mapagpalayang
pagsulat.” Sangandiwa: Araling Filipino Bilang Talastasang Pangkalinangan
at Lapit-Pananaliksik. University of Santo Tomas Publishing House. Maynila:
Espana.
__________________2005. Mga Talinghaga sa Laylayan: Ang Mapagpalayang
Pedagohiya ng Maikling Pagsulat at Antolohiya ng mga Tula ng
Bukalsining.University of Santo Tomas Publishing House. Maynila: Espana.
Ocampo Dina. 2008. “Adyenda ng pananaliksik sa pagtuturo ng wika at wikang
panturo.”Adyenda sa Saliksik Wika. Sentro ng Wikang Filipino. Lungsod
Quezon: Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
Paz, Consuelo J. 2005. Gabay sa Fildwurk. The University of the Philippines Press.
Lungsod ng Quezon: UP-Diliman.
Paz, Vina P.2002 “Ang pang-akademyang varayti ng wika sa Pilipinas.”MINANGA:
Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Filipino. Sentro ng Wikang
Filipino. Lungsod ng Quezon: Sistemang Unibersidad ng Pilipinas.
Pineda, Ponciano B.1990.“Ang Wika ng Estado sa Pambansang Pagsulong.
Pahayag na binasa bilang batayan ng talakayan sa Unang Kongreso ng
Wika” sa Pagtataguyod ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas, Kolehiyo ng Agham at Sining, UP, Mayo 7-9, Faculty
Conference Hall.
_________________2000. “Institusyonalisasyon ng wikang Filipino.”Daluyan:
Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika.Lungsod ng Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino, UP-Diliman.
__________________2001. “Tungo sa siyentipikasyon ng Filipino.” Punla sa
Lingguwistikang Filipino: Handog Parangal kay Alfonso O. Santiago.
Grandwater Publications and Research Corporation. Lungsod ng Makati:
J.P Rizal St.
Quito, Emerita S. 1985. Pilosopiya ng Edukasyon sa Diwang Filipino. Malay.
Journal of Humanities and Social Sciences, Volume 5, No.2. Maynila:
Pamantasang De La Salle.1987. Wikang Pambansa at Edukasyon. Malay.
Journal of Humanities and Social Sciences, Volume 5, No.2. Maynila:
Pamantasang De La Salle.
_________________2009. Ang Kaugnayan ng Wikang Pambansa at Edukasyon.
MALAY 2009. Tomo XXII, Blg. 1. Maynila: Pamantasang De La Salle.

135
Ramos, Jesus. (et.al) 2002“Ang Situwasyong Pangwika sa Pilipinas” sa
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Rex
Bookstore, Inc,. Maynila: Daang Nicanor.
Recto, Angel S. 2004. Pilosopiya ng Edukasyon. Rex Bookstore, Inc. Lungsod ng
Quezon: Sta. Mesa Heights.
Reyes, Alvin Ringgo C. 2012. Ang Komponent ng Filipino I sa Refined Seconday
Education Curriculum 2010: Isang Pagsusuri ng Nilalaman Ayon sa
Kontekstong Filipino. Tesis Masterado. Lungsod ng Maynila: Kolehiyo ng
Malalayang Sining, Pamantasang De La Salle.
Royo, Ramero B. 2002. Integrasyon ng mga Kasanayang Metakognitiv sa
Pagtuturo ng Filipino: Isang Mungkahing Modelo. Tesis Masterado.
Lungod ng Maynila: Paaralang Gradwado, Pamantasang Manuel L.
Quezon.
Salazar, Zeus A. 1991. “Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong
Pangkabihasnan,” Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya at Pananaliksik.
Bautista, V. at R. Pe-Pua (mga ed.) Maynila: Dalubhasaan ng Agham
Panlipunan at Pilosopiya.
__________________2004. Sikolohiyang Panlipunan at Kalinangan: Panimulang
Pagbalangkas ng Isang Larangan (isa sa patnugot). Palimbagan ng Lahi.
Lungsod ng Quezon.
San Juan, David Michael M.Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa
Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang Kto12 ng Pilipinas.
2013.Malay Tomo XXVI Blg. 1. Maynila: Pamantasang De La Salle.
Santiago, Alfonso O. (et.al.) 2003. Makabagong Balarilang Filipino: Binagong
Edisyon. Rex Bookstore, Inc. Maynila: Sampaloc.
Sepeda, Bernardo N. 2012. Isang Pagpapanibago ng Edukasyon sa Pilipinas
Batay sa Isang Makabayang Pilosopiya. MALAY Tomo XXIV Blg.2.
Maynila: Pamantasang De La Salle.
Sibayan, Bonifacio at Gonzales, Bro. Andrew. 1988. Evaluating Bilingual
Education in the Philippines (1974-1985) Maynila: Linguistic Society of the
Philippines.

Simbulan, Roland G. 2008. Manwal sa Panlipunang Pananaliksik. IBON


Foundation, Inc. Lungsod Quezon: Timog Avenue.

Torralba, Antonio N. “Excellence of Pedagogy, Pedagogy of Excellence Towards


Excellent Teachers Teaching Excellence)” SANGGUNI: Selected Papers
on International Conference on Teacher Education. Volume VIII No. 1 & 2.
Philippine Normal University. Manila: Taft Avenue.

136
Villacorta, Wilfredo. 1996. Ang Kabuluhan ng Wikang Filipino sa Panahon ng
Globalisasyon. Papel na binasa sa seminar ng PSW, UP-Diliman, Mayo 6.

__________________2001. Ang Wikang Filipino sa Edukasyonal na mga Isyu sa


Panahon ng Globalisasyon. DALUYAN: Journal ng SWF sa Talakayang
Pangwika. Edisyong Pangmilenyo.Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang
Filipino, UP-Diliman.
Villanueva, Voltaire M. 2013.Mungkahing Gamit/Paraan sa Pagtuturo at Pagkatuto
Upang Alamin at Suriin ang Kakayahang Umunawa. DALUMAT:
Multikultural at Multidisiplinaryong E-Journal sa Araling Filipino. Tomo 4
Blg. 1 at 2. Numina Publications.
Yu, Rosario T.1997. Magkabilang Mukha ng Isang Bagol at iba pang Akda ni
Amado V. Hernandez: Koleksyon ng mga Dula at Sanaysay. University of
the Philippines Press. Lungsod ng Quezon: Diliman.
____________2005. “Tungo sa pagbuo ng Filipinong diskursong
pangkalinangan.”Filipino at Pagpaplanong Pangwika, Ikalawang
Sourcebook ng SANGFIL. Sentro ng Wikang Filipino. Lungsod Quezon:
UP Diliman
Zamora, Nina L.2011. Pagsusuri ng Implementasyon ng GEC-Filipino sa Ilang LCU sa
Metro Manila: Tungo sa Pagbuo ng Disenyo ng Ebalwasyon sa Pagpaplanong
Pangwika sa Edukasyon. Disertasyon. Lungsod ng Quezon: Kolehiyo ng Arte at
Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

137
APENDIKS
Larawan ng Ugnayan ng
Makabayang Pedagohiya
sa OBTEC-Filipino

138
Mga Larawan Blg. 1. Sa opinyon nag-uumpisang maihayag ang bawat ideya at
saloobin na nagpapakita ng kalayaan at kamulatan. Sa simpleng kalayaan sa
pagpapahayag naimumulat ang kamalayan sa iba’t ibang kalagayang panlipunan
batay sa berbal at di berbal na pakikipagtalastasan.

139
Mga Larawan Blg. 2. Sa taas ng tiwala sa sarili mapagtitibay ang kakayahang
itanghal ang kaakuhan, kamalayan, kalinangan, at kasaysayan ng lipunang Pilipino. Sa
taas ng kompiyansa maipag-iibayo ang lahat ng kaalaman at kasanayan upang
maibahagi sa iba nang dumami at lalong lumawak ang kabatiran ng bawat isa. Malaki
ang gampanin ng tiwala sa sarili sa paghubog at pagpapalakas ng diwang makabayan
na maipapakita sa ugnayang pedagohikal.

140
Mga Larawan Blg. 3. Isa lamang ang pagtatanghal bilang produkto at pagganap na
batayan ng pagkatuto. Malikhaing binibigyang tinig at kilos ang mensahe ng piyesa sa
bigkasan na itanghal at itaguyod ang kaakuhan, kamalayan, kalinangan at kasaysayan
tugon sa hamon ng globalisasyon.

141
142

You might also like