You are on page 1of 7

Learning Area - Grade Level Kindergarten

Quarter Second Quarter Week No. 1


Date January 4-8, 2021 Learning Time Lunes-Biyernes ( )

I. LESSON TITLE Pagtukoy at Paglalarawan sa Pamilya


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Pagkatapos ng aralin, inaasahang: a) natutukoy
COMPETENCIES (MELCs)
mo na may pamilya ang bawat isa; b) natutukoy
mo kung sino-sino ang bumubuo ng pamilya; at c)
nailalarawan mo kung paano nagkaakaiba at
nagkakatulad ang bawat pamilya.
III. CONTENT/CORE CONTENT  Ang pamilya
 Mga kasapi ng pamilya
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Ang bawat batang katulad mo ay may
Panimula
pamilya. Ang pamilya ay karaniwang binubuo
ng nanay, tatay at anak. May mga pamilyang
may iba pang karagdagang kasapi. Maaring
kasama sa iisang bahay ang lolo, lola, pinsan
at iba pang kamag-anak. Maaari rin namang
kakaunti ang bilang ng mga kasapi, dulot ng
iba’t ibang kadahilanan.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:
a) natutukoy mo na may pamilya ang
bawat isa;
b) natutukoy mo kung sino-sino ang
bumubuo ng pamilya; at
c) nailalarawan mo kung paano
nagkaakaiba at nagkakatulad ang
bawat pamilya.

Hilingin na magtipon-tipon ang mga


kasama sa bahay. (Gawin ito kung posible).
Magsama-sama sa iisang lugar habang
sinusunod ang social distancing o isang
metrong pagitan sa isa’t isa.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Kilala mo ba kung sino-sino sila? Ano ang
tawag sainyo kapag kayo ay pinagsama-
sama?
Kayo ay matatawag na isang pamilya.

Alam mo ba ang kahulugan ng salitang


pamilya? Ikaw ba ay mayroon nito? Kaya mo
bang tukuyin ang mga bumubuo ng iyong
pamilya?
B. Development Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng
Pagpapaunlad
lipunan. Gayumpaman, ito ay napakahalaga.
Kagaya ng nabasa mo sa panimula, ito ay
karaniwang binubuo ng tatay, nanay at anak.
Naiiba ang liit o laki at bilang ng mga kasapi
ng bawat pamilya.

Ilan ang bumubuo sa iyong pamilya?


Sino-sino ang iyong mga kasama sa bahay o
tahanan? Pangalanan sila isa-isa.

Gawain sa Pagkakatuto Bilang 1


Tukuyin ang mga kasapi ng pamilya at ang
mga katawagan sa bawat isa. Gawin ang
Activity Sheet na may pamagat na “Kilala ko
ang Aking Pamilya” sa pahina 7 ng PIVOT 4A
SLM for Kindergarten.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Sa pamamagitan ng laro, idikit ang


sumusunod na katawagan sa bawat kasapi ng
pamilya.

tatay nanay

ate kuya bunso


Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Paalala sa magulang/nangangalaga:
1. Isulat sa papel ang mga salita sa itaas.
2. Idikit ang bawat papel sa bawat kasapi ng
pamilya. Maaring ibahin ang nakadikit.
Halimbawa: sa tatay nakadikit ang papel na
may salitang kuya. Maaaring magdagdag kung
may iba pang kasama sa bahay na kasapi ng
pamilya maliban sa mga nabanggit.
3. Isa-isang magpakilala sa harap ng mag-aaral.
Sabihin ang pangalan at ang nakadikit na
papel. Halimbawa: Ako si Jun. Ako ang iyong
kuya (subalit siya talaga ang tatay).
4. Ipalipat sa bata ang tamang katawagan sa
bawat kasapi.
5. Palakpakan ang bata sa bawat tamang
pagtukoy.

C. Engagement 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Pakikipagpalihan

Awitin ang nasa ibaba sa tono ng “Where is


Thumbkin?”

Nasaan si tatay. Nasaan si tatay?


Heto siya. Heto siya.
Kumusta, kumusta? Kumusta, kumusta?
Okay lang. Okay lang.

Paalala sa magulang/nangangalaga:
Palitan ang salitang may salungguhit ng nanay, ate,
kuya, bunso sa bawat pag-ulit ng kanta. Ituro sa bata
ang aksiyon o kilos.
Nasaan si tatay. Nasaan si tatay? (Nakatago ang mga
kamay sa likod ng bata)
Heto siya. Heto siya. (Ilalagay sa harap ang mga
kamay. Isa-isang ilalabas habang ipinakikita ang
angkop na daliri).
Kumusta, kumusta? Kumusta, kumusta? (Ikikilos pataas
at pababa ang kamay)
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Okay lang. Okay lang. (Ibabalik ang mga kamay sa
likod ng bata)
Bawat daliri ng kamay ay may katumbas na kasapi ng
pamilya.
1. Hinlalaki – tatay
2. Hintuturo – nanay
3. Hinlalato (gitnang daliri) – ate
4. Palasinsingan – kuya
5. Hinliliit – bunso
Kung may kakayahan o paraan, maaaring
(30 panoorin kung paano ito gagawin mula sa video ni
minuto) Teacher Levin sa https://youtu.be/tVtKRzY5gu8.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Gawin ang Activity Sheet na may pamagat


30 minuto
sa na “Ang Tahanan ng Aking Pamilya” sa pahina
pagpapa 9 ng PIVOT 4A SLM for Kindergarten.
liwanag;
Upang mailarawan mo ang pagkakatulad at
pag-iikot
pagkakaiba ng iyong pamilya sa iba,
60 minuto maaaring tingnan ang mga sumusunod:
sa
1. Bilang ng mga kasapi
pagguhit
2. Bilang ng iba pang kasama sa bahay
3. Mga bagay na matatagpuan sa
tahanan

Paalala sa magulang/nangangalaga:
Samahan ang bata sa paglilibot sa bahay upang
tingnan ang mga tao at bagay na makikita rito.
Ipaliwanag nang maayos na bagaman may
pagkakaiba sa ibang pamilya ay dapat pa ring
maging masaya at magpasalamat sa kung anong
mayroon.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
60 minuto Gawain sa Pagkakatuto Bilang 5

Iguhit o magdikit ng larawan ng iyong


pamilya. Gawin ito gamit ang Activity Sheet sa
pahina 6 ng PIVOT 4A SLM for Kindergarten.

Gumupit ng maliliit na hugis gamit ang


papel (maaaring may kulay o kulayan na
lamang). Idikit ang mga ito sa bahagi ng frame
bilang karagdagang disenyo.

Matapos gawin ito, ipakita ang iyong


ginawa sa mga kasapi ng pamilya. Ituro kung
sino-sino ang mga nasa larawan o iginuhit.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6

Tukuyin kung alin ka sa nasa larawan sa


Activity Sheet na may pamagat na “Mahal Ko
ang Aking pamilya” sa pahina 8 ng PIVOT 4A
SLM for Kindergarten. Kulayan mo ito.

Habang itinuturo ang bawat kasapi ng


pamilya na nasa larawan ang mga
sumusunod, banggitin ang mga sumusunod:
 Mahal ko si tatay; mahal ko si nanay
 Mahal ko si ate; mahal ko si kuya
 Mahal ko ang aking pamilya.

D. Assimilation 5 minuto Masaya sa pakiramdam na mayroon kang


Paglalapat
pamilya. Kasama mo si tatay, nanay, ate,
kuya, bunso at iba pa. May pagkakaiba man
sa ibang pamilya, mahalagang masaya at
nagmamahalan ang isa’t isa.
V. ASSESSMENT
(Learning Activity Sheets for
15 minuto Alam mon a ba ang kahulugan ng
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks pamilya? Matutukoy mon a ba kung sino-sino
3 and 6)
ang mga kasapi ng isang pamilya? Matutukoy
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
mo na ba ang pagkakatulad at pagkakaiba-
iba ng bawat pamilya?
Panuto: Gamit ang lapis o pangkulay,
pag-ugnayin ang larawan sa Hanay A at ang
angkop na katawagan sa bawat kasapi ng
pamilya na nasa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. A. nanay

2. B. tatay

3. C. kuya

4. D. ate

5. E. bunso

VI. REFLECTION
10 minuto Kompletuhin mo ang sumusunod na
pahayag:

Ako ay may p __ m __ l __ __. Dahil dito,


i a a y

nararamdaman ko na _____________________
Prepared by: JAYPEE E. LOPO Checked by: JOB S. ZAPE, JR.

You might also like