You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

UNANG MARKAHAN- IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT

TALAAN NG ESPISIPIKASYON

ANTAS NG PAGTATASA AT KINALAGYAN NG AYTEM

Blg
Pagbaba
.
lik Pan
Code Layunin ng Pag-
Kaisipa g- Paglalapat/ Pagtata Paglik
Ar aanali
n/ una Paggamit ya ha
aw sa
Tanaw wa

EsP4P Nakapagsasa
KP-IH- gawa nang
i-26 may
mapanuring
pag-iisip ng
1-5
tamang
25 6-10 11-15
pamamaraa
16-25
n/
pamantayan
sa pagtuklas
ng
katotohanan
Total 25 5 20
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
UNANG MARKAHAN- IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSUSLIT
Pangalan _______________________________________ Petsa ___________________
Baitang/Pangkat _________________________________ Iskor ___________________
I. Iguhit ang bituin sa patlang kung ito ay nagsasagawa ng may mapanuring pag-iisip ng tamang
pamamaraan o pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan at kidlat kung hindi.
________1. Nagulat si Mang Melchor sa ibinalita ng kanyang kapitbahay na may parating na bagyo. Agad niyang
binuksan ang telebisyon upang alamin kung ito ay may katotohanan.
________2. Tuwing gabi ay nakikinig ng balita ang mag-anak ni Aling Pacing upang malaman ang mga mahaha-
lagang impormasyon na nagaganap sa buong bansa.
________3. Madalas na lumiliban sa klase si Edwin na siyang ikinababahala ng kanyang guro, kaya’t nagpunta
Ito sa kanilang tahanan upang alamin ang dahilan ng madalas na pagliban nito.
________4. Isang umaga ay nagising si Joseph na nag-aaway ang kaniyang mga kapatid, agad niyang pinuntahan
ang mga ito at inalam ang puno’t dulo ng kanilang pag-aaway.
________5. Bumili ng pampagandang produkto si aling Nena sa isang hindi kilalang online seller dahil sa mga
nakita niyang litrato na epektibo ito.
II. Lagyan ng ( / ) ang patlang bago ang bilang kung ang ipinapahayag ay mabuting dulot ng internet at ekis ( X )
kung hindi.
________6. Naitutuloy ang pag-aaral kahit sa bahay ito isinasagawa.
________7. Nakapaglalaro ng Mobile Legends hanggang madaling-araw.
________8. Nakapagsasaliksik ng mga makabagong kaalamang magagamit sa pag-aaral.
________9. Nagkakaroon ng pagkakakitaan ang magulang dahil sa online selling.
_______10. Nakapapanuod ng mga mararahas na panuorin sa youtube.

III. Iguhit ang araw sa patlang kung ang ipinapahayag ay nagpapakita ng mapanuring pag-iisip
at ulap naman kung hindi .
_______11. Agad kang sumugod at naghamon ng away ng may magsabi sa iyo na na sinisiraan ka ng iyong kaklase.
_______12. Matiyaga mong hinintay ang anunsyo ng inyong guro tungkol sa mga nagkamit ng karangalan sa
Inyong pangkat kahit sinasabi na ito ng ilan mong mga kamag-aral.
_______13. Nagalit ka sa mga batang nagtatawanan dahil sa pag-aakala na ikaw ang pinagtatawanan nila.
_______14. Hindi ka pinapansin ng matalik mong kaibigan. Kaagad mong inalam ang naging dahilan ng pagba-
bago ng pakikitungo nya sa iyo.
_______15. Nakita mo ang nakababata mong kapatid na umiiyak. Kaagad mong sinugod at inaway ang mga
kalaro nito.
IV. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang kukumpleto sa bawat pahayag sa ibaba upang magkaroon ng
mapanuring pag-iisip. Ilagay ang inyong sagot sa patlang.

Dyaryo internet Fake Radyo Telebisyon

16.Ang patnubay ng magulang ay kailangan kung may mga panoorin tayong hindi nauunawaan sa __________.
17.Ang mga balita na nakikita sa internet ay maaaring totoo o di kaya ay _____________news.
18.Maari tayong makakuha ng mga makabuluhan at mapagkakatiwalaang balita sa telebisyon o di kaya ay
mapapakinggan sa ___________________.
19.Bukod sa telebisyon, internet o radio, makababasa rin tayo ng mga mahahalagang balita sa _____________.
20.Hindi dapat tayo agad-agad naniniwala o nakukumbinsi sa mga balita o bagay-bagay na nababasa at nakikita
natin sa mga social media site at _____________________.
V. Isulat sa patlang ang nawawalang salita upang mabuo ang pangungusap. Kunin ang sagot sa kahon sa ibaba.
Social media pamantayan mapanuri maloko pagtuklas mapaniwalain

Ako bilang mag-aaral ay magiging (21) _______________________ sa lahat ng aking nakikita sa


(22)________________________ at telebisyon. Bubuo ako ng (23) ________________________
at pamamaraan sa (24) _________________________ ng katotohanan upang hindi (25) ______________
ng mga nagpapakalat ng maling impormasyon.

ESP 4
UNANG MARKAHAN- IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSUSLIT

SUSI SA PAGWAWASTO
1. bituin
2. bituin
3. bituin
4. kidlat
5. kidlat
6. /
7. x
8. /
9. /
10. x
11. ulap
12. araw
13. ulap
14. araw
15. ulap
16. Telebisyon
17. Fake
18. radio
19. dyaryo
20. Internet
21. mapanuri
22. Social media
23. pamantayan
24. pagtuklas
25. maloko

You might also like