You are on page 1of 1

PANGALAN: ___________________________________________ MARKA: __________

BAITANG AT PANGKAT: _____________________________ PETSA: _______________

Baitang 4
Basahin ang tula at sagutin ang sumusunod na tanong.

Tahanan
Halaw sa
Obra Ko, Gabay Mo

Simula nang ako’y mabuhay


Magulang ang sa aki’y gumabay
Palagi kong isinasabuhay
Mga aral at payo nilang ibinibigay.
Biyayang maituturing na mula sa Ama
Ang magkaroon ng masayang pamilya
Salamat sa aking ama at ina
Sa lahat ng sakripisyo at pag-aaruga
Mamahalin ko ang aking magulang
Higit pa sa kaninuman
Aking susuklian, kanilang kabutihan
At di magsasawang sila ay pagsilbihan

Mga Tanong:
1. Sino ang gumabay mula ng siya ay mabuhay? _________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit kailangang isabuhay ang mga aral at payo mula sa magulang? _______________
________________________________________________________________________
3. Paano mo pinasasalamatan ang iyong ama at ina? _____________________________
________________________________________________________________________
4. Bilang isang mag-aaral, Nais mo rin bang magkaroon ng masayang pamilya? ________
_________________________________________________________________________
5. Anong aral ang mapupulot sa tulang binasa? __________________________________
6. Ano-ano ang palaging isinasabuhay ng anak sa tula? ____________________________
7. Paano mo ilalarawan ang pamilya sa tula? ____________________________________
________________________________________________________________________
8. Bilang ganti sa magulang, ano ang gagawin ng anak ayon sa tula? _________________
_________________________________________________________________________
9. Tukuyin ang mensahe ng tula. ______________________________________________
_________________________________________________________________________
10. Bilang mabuting anak, paano mo masusuklian ang pagmamahal sa iyo ng iyong mga
magulang? _______________________________________________________________
_________________________________________________________________________

You might also like