You are on page 1of 6

BACOLOD CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Bacolod City

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN


ARALING PANLIPUNAN 10
TAONG PANUNURAN 2022 – 2023
PANGATLONG MARKAHAN

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCS)


Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan: Nasusuri ang diskriminasyon at karahasan sa kababaihan, kalalakihan
at LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender).

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Uri ng Kasarian (Gender) at Sex at Gender Roles
sa iba’t ibang Bahagi ng Daigdig
b. Sanggunian: Quarter 3 Module 2
c. Pagpapahalaga: Kamalayan sa Isyung Panlipunan
d. Kagamitan: Laptop, TV, Larawan, Pen, Speaker

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO
A. PANIMULANG GAWAIN:

1. PANALANGIN
2. PAGBATI
3. PAGSASAAYOS NG SILID-ARALAN
PAGPA-ALALA SA MGA POLISIYA SA LOOB NG SILID-ARALAN
B. PAGLINANG NG GAWAIN:

1. PAGBALIK-ARAL:

Magandang Umaga mga mag-aaral! Balikan muna natin ang ating aralin noong nakaraang araw. Ating
sinimulan ang ating leksyon tungkol sa Kasarian (Gender at Sex) at iba’t-ibang gender sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Napag-alaman natin na sa bawat bansa sa mundo ay may kanya-kanyang gampanin ang bawat kasarian. Ngayong araw
naman, ating tatalakayin ang Diskriminasyon at Karahasan sa mga Lalaki, Babae at LGBT.

2. PAGGANYAK: LIGHTS CAMERA ACTION!

Panuto: Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral ang klase sa iba’t-ibang grupo, Sa pamamagitan ng maikling role
play, ilalarawan ng mga mag-aaral ang iba’t-ibang uri ng diskriminasyon na nararanasan ng kababaihan, kalalakihan
at LGBT sa loob ng paaralan (school setting) at dapat nagpapakita ito ng solusyon at interbensyon ng paaralan at
pamahalaan upang masulusyunan ang problemang ito.

Mga halimbawang senaryo:


 Pag bu-bully sa mga miyembro ng LGBT sa paaralan dahil sa kakaiba nilang paggalaw,
pananamit at pananalita.

PAMPROSESONG TANONG:
 Ano sa inyong palagay ang diskriminasyon?
 Bakit kaya nagkakaroon ng diskriminasyon sa ating lipunan?
 Ano-anong paraan ang ginagawa ng ating pamahalaan upang maiwasan at ma protektahan ang
iba’t-ibang kasarian sa ano mang uri ng diskriminasyon at karahasan?

3. PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN: JUMBLED WORDS

1. beritng iroan = BREAST IRONING


2. trimiocdninai= DISCRIMINATION
3. nidobonfigt= FOOTBINDING
4. PAGLALAHAD: PICTURE ANALYSIS

Panuto: Ilalahad ng mag-aaral ang kanilang pagkaka-intindi sa mga larawan.

PAMPROSESONG TANONG:
 Ano-ano ang pinapahiwatig ng bawat larawan?

5. PAGTALAKAY: STORY TELLING AND VIDEO ANALYSIS

Women Who Changed the World - Malala Yousafzai - A sad story... With a happy ending
PAMPROSESONG TANONG:

 Sino si Malala Yousafzai?


 Ano ang kanyang pinaglalaban?
 Ano ang kanyang mga pinagdaanan upang ipaglaban ang Karapatan ng mga kababaihan?

ANG KONSEPTO NG HOUSE HUSBAND

VIDEO: Gokushufudou: The Way of the House Husband PV English Translation

PAMPROSESONG TANONG:
 Base sa bidyong inyong napanuod ano ang House Husband?
 Sa inyong palagay, tanggap na kaya ng ating lipunan ang konseptong ang mga lalaki ay nanatili sa bahay at
gumawa ng mga gawaing bahay at ang kanilang mga misis ang nag tatrabaho?

DISKRIMINASYON SA MGA MIYEMBRO LGBTQ+

VIDEO: Philippines: LGBT Kids Need Protection from Bullying at School

PAMPROSESONG TANONG:
 Ano-anong uri ng diskriminasyon at nararanasan ng mga miyembro ng LGBTQ+ sa ating lipunan?
 Paano ito natutugunan ng mga paaralan at ating pamahalaan?

6. PAGLALAPAT:
7. BALWASYON: ACTIVITY: COMPLETE THE TABLE

3. TAKDANG ARALIN

Mag research tungkol sa hakbang na ginagawa ng ating pamahalaan para matugunan ang problema ng
diskriminasyon sa ating bansa?

Inihanda ni:
DONNA SHYRA G. MORENO
Guro sa Araling Panlipunan 10

You might also like