You are on page 1of 4

REGIONAL ACHIEVEMENT MEASURE

2023

Submitted by:
LEAH P. ANACLETO
Ang wika ay sumasalamin sa kultura at tradisyon
ng mga Pilipino. Ito ay nagsilbing tulay sa mga
Pilipinong naninirahan sa iba’t – ibang kapuluan at sa
ibang panig ng mundo. Ito ay nagsisilbing
pagkakakilanlan ng ating lahi sa iba. Nararapat lang na
ito’y gamitin at ipagmalaki.

Maraming Pilipino ang nakilala sa buong mundo dahil sa


angking galing sa larangan ng isports, pag-awit, pagsayaw at
marami pang iba. Hinahangaan ng mga dayuhan ang sipag,
determinasyon, at dedikasyon natin kaya nais nilang
makarating sa Pilipinas upang matunghayan ang husay at
galing ng mga Pilipino. Tunay ngang ang mga Pilipino ay likas
na magaling sa iba’t – ibang larangan.
ni: Meagan Alexis A. Almasco

1. Ano-anong larangan naging kilala ang karamihan ng mga Pilipino sa buong mundo?
_____________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga kahanga-hangang katangiang taglay ng maraming Pilipino?


_____________________________________________________________________

3. Bakit maraming dayuhan ang nagnanais makarating sa Pilipinas?


______________________________________________________________________
Taon-taon ay may naaaksidente bunsod ng matuling
pagpapatakbo ng mga sasakyan, kawalan ng preno, at kung minsan
wala sa sariling pagmamaneho dahil sa nakainom o walang tulog.

Kaya kung hindi man nasasaktan ay may napipilayan o


napuputulan ng mga kamay o paa at ang masaklap ay kung mawalan
ng buhay. Maraming pamilya na ang nagdurusa dahil sa mga sakunang
katulad nito.

Ang mamag na kilala sa Ingles bilang tarsier, ay isang bertebrado sa


klaseng mamalya. Isa ito sa pinakamaliit na mamalyang hayop na
nagpapasuso sa mga anak. Isa itong nokturnal o panggabing hayop.
Aktibo lamang ang mga mamag tuwing gabi kung kalian naghahanap sila
ng kanilang makakain. Kilala ang mga mamag sa taglay nilang mga
naglalakihang mata.

Ito ang tumutulong sa kanila upang makahanap ng mga makakain sa


gitna ng kagubatan. Sa Timog Silangang Asya karamihang matatagpuan
ang mga mamag. Pinakamatanyag ang mga uring makikita sa Indonesia
at Pilipinas.

Sa Pilipinas makikita ang mga ito sa lalawigan ng Bohol sa Gitnang


Visayas. Tinatawag din itong mawmaw (maomao o maogmaog )

1. Lokasyon:_______________________________________________

2. Katangian:_______________________________________________

3. Kasalukuyang sitwasyon:___________________________________

4. Pangangalaga:____________________________________________
Panuto: Basahin ang tekstong pag-impormasyon. Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik
ng tamang sagot.

Nangunguna ang Palawan sa mga lalawigan sa bansa sa pagkakaroon ng pinakamalaking


koleksyon ng mga di-karaniwang hayop sa Pilipinas. Sa Palawan matatagpuan ang ibong
Tabon. Napakalaki ang itlog nito na mahuhukay sa dalampasigan. Higit na malaki ito sa itlog
ng manok at pato. Dito rin makikita ang mga hayop na walang katulad ng Pilandok, Tagpilok,
Tandikan.

1. Anong lalawigan ang may pinakamalaking koleksyon ng mga di-karaniwang hayop sa


Pilipinas?
a. Palau b. Palawan c. Palawin d. Pilipinas
2. Anong ibon ang matatagpuan sa Palawan kung saan ang itlog ay mahuhukay sa
dalampasigan at mas malaki pa sa manok at pato?

a. Tabon b. Tabunan c. Pilandok d. Tandikan


3. Ang mga Tabon, Pilandok, Tagpilok at Tandikan ay mga _________________________
a. Karaniwang c. Di-karaniwang Hayop
b. espesyal d. masarap kainin

At Natutong Magluto ng Almusal si Genio

Ni NERISSA S. ALARDE

Tuwing umaga, kinasanayan na ni Genio na gumising nang maaga, maghanda ng maaga para
pumasok sa paaralan. Dahil sa simula pa lang, nasa mababang antas pa lamang siya, tinuruan na siya
ng kanyang Nanay Minda na maghanda ng sarili sa pagpasok sa paaralan. Dapat, pagkagising sa umaga,
ililigpit muna ni Genio ang kanyang kama, iaayos ang mga unan, titiklupin ang kumot at ilalagay sa
nakalaang lalagyan para sa mga ginamit sa pagtulog. Matapos na maiayos ang kanyang silid, dapat
niyang ayusin naman ang kanyang mga gamit sa paaralan, tinitiyak niya na lahat ng kanyang mga
kailangan sa araw na 'yon, tulad ng mga aklat at notebook na kakailanganin niya sa kanilang lesson sa
araw na 'yon ay maayos na nakalagay sa kanyang school bag. Hindi rin niya dapat kalimutan ang mga
assignments na inihanda niya bago siya matulog. Matapos na maiayos ang lahat, kailangang magtungo
na siya sa hapag. Dahil tiyak na nakahanda na ang kanyang almusal na inihanda ng kanyang mahal na
nanay. Subalit nang lumabas ng silid si Genio upang magtungo sa hapag, napansin niyang wala pang
almusal na nakahanda sa mesa at wala pa rin ang kanyang nanay na madalas na nauuna pang magising
sa kanya upang maghanda ng kanilang almusal. Agad na tinungo ni Genio ang silid ng ina. Nakahiga pa
rin si Aling Minda. Lumapit si Genio sa kama.“ Anak, mabigat ang pakiramdam ko, napagod yata ako
kahapon, hindi tuloy kita naipaghanda ng almusal,” matamlay na wika ni Aling Minda sa anak. “ Huwag
po kayong mag-alala nanay, ako na lang po maghahanda ng almusal ko,” sagot ni Genio.

“ Marunong ka na ba?” Tanong ni Aling Minda.

“ Opo 'Nay, grade six na ako...magagawa ko na kung paano ninyo niluluto ang almusal ko.”
pagmamalaki ni Genio.

“ May kanin sa kaldero, kaya mo na bang iluto ang sinangag?”

“ Yakang-yaka 'nay!”

You might also like