You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Ikatlong Markahan

Pangalan______________________________________________Baitang______________________
Pangkat_______________________________________________Petsa________________________

ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN


Kasanayang Pampagkatuto at koda
 Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (EsP10PBIIIe-11.1);
 Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na umiiral sa lipunan
(EsP10PBIIIe-11.2).

Ang pagmamahal sa bayan ay isa sa mga pinakamahalagang magagawa ng isang


mamamayan para sa kaniyang bayang sinilangan at tinitirhan. Kung tutuusin, ito ay dapat natural
para sa isang mamamayan bilang pagtanaw ng kaniyang pagkilala sa nagawa at ginagawa ng
kaniyang bansa para sa kaniya.

SUBUKIN

Isulat ang salitang Tama kung totoo ang pahayag at Mali kung ito ay hindi totoo.

________1. Ang tagumpay ng isang Pilipino ay tagumpay ng lahat.

________2. Aktibong kasapi ng lipunan ang taong may pagmamahal sa bansa.

________3. Ang taong may pagmamahal sa bayan ay may malasakit para sa kapakanan ng sarili.

________4. Ang konsepto ng patriyotismo ay nagpapahiwatig ng mentalidad na tayo ay iisa bilang


mamamayan ng iisang bansa.

________5. Ang nakaraaan ng bansa ay kasaysayan at ang hinaharap nito ay nakasalalay sa lider.

TUKLASIN

A. Kung tatanungin ka kung anu-ano ang bagay na maipagmamalaki at gusto mo sa Pilipinas at


sa mga Pilipino, may maisasagot ka ba? Subuking sagutin ang tanong na ito at isulat sa isang
grapikong pantulong na hugis watawat sa iyong sagutang papel.

B. Tuwing itinataas ang bandila o tuwing flag ceremony sa paaralan ay binibigkas ang
“Panatang Makabayan.” Naaalala mo pa ba ang nilalaman nito? Isulat ang parirala o
pangungusap mula sa “Panatang Makabayan” na nagsasabi kung paano maipakikita ang
pagmamahal sa bansa.
C. Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahulugan ng panata para sa iyo?


2. May bahagi ba ng talata na hindi katanggap-tanggap sa iyo? Ano ito at bakit ?
3. Paano mo ilalarawan ang isang tao na gumagawa ng mga bagay na binabanggit sa
talata ?

Ano ang iyong naiisip o nararamdaman tungkol sa gawain? Isulat ang mga sagot sa iyong
sagutang-papel.

 Paano malalaman kung ano ang mag bagay na maipagmamalaki ng mga Pilipino?
 Bakit kailangang bigkasin ang “Panatang Makabayan”?

You might also like