You are on page 1of 21

Aesthetic Notes

NO TE!
R ESEL L I N G M Y N O T ES I S N OT
AL L OW ED ! !

I F T HEY W AN T T H IS N O T ES,
K I N D L Y R EFER TH EM T O MY
PAG E.

N AM E: @AC AD EMI C EASE O N


I N ST AG RAM
Made by: @academicease on Instagram

Yunit 1:

Aralin 1
Aralin 1: Sistematikong Pananaliksik at Pandiwa

Pananaliksik at Pandiwa
Ang Mitolohiyang Griyego ay koleksyon ng mga
kwentong tinatampukan ng mga Diyos at Dyosa na
karaniwang pumapaksa sa pag-ibig,
pakikipagsapalaran, pakikidigma, at pagpapakita ng
iba't ibang kapangyarihan ng mga nasabing nilalang.

Ang "Pagsasagawa ng Sistematikong Pananaliksik"


ay maaaring sa silid-aklatan o kunin sa internet.

Tatlong Lugar sa Internet

1. Open Web- Ang tawag sa impormasyong lumalabas


agad-agad at nakukuha mula sa mga search engine
tulad ng Google, Yahoo, at iba pa.
2. Gated Web- Tawag sa impormasyong makukuha mo
lamang kapag ikaw ay miyembro kaya't
nangangailangan ng log-in at password bago
makapasok.
3. Hidden Web/Deep Web/Invisible Web- Nagtataglay ng
mga hindi naka-HTML na dokumento tulad ng
naka-PDF, makikita rin ito sa mga gated site.

Uring Pandiwa:

Palipat

Pinangungunahan ng mga katagang "Ng," "Ng mga," "Sa," "Sa mga," "Kay," o
"Kina".
Hindi ganap o buo. Halimbawa: "Umulan ng malakas!"
Made by: @academicease on Instagram

Katawanin
Ganap at buo ang diwa ng ipinahahayag.
Halimbawa: "Mananatili sa loob ng silid-aklatan hanggang tanghali."

Asperto ng Pandiwa

Perpektibo- Kumain - Naglaba


Imperpektibo- Kumakain - Naglalaba
Kontemplatibo- Kakain - Maglalaba
Perpektibong Katatapos- Kakakain - Kakalaba

Pokus sa Pandiwa

Tagaganap o Aktor- Ang simuno o paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos. Halimbawa: "Maglilinis ng
silid-aklatan si Ginang Leo bukas."

Layon o Gol- Ang layon ang siyang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap. Halimbawa: "Lutin mo ang manok
na nasa lamesa. Ang ulam ay niluto ni Nanay para sa akin."

Ganapan Lokatib- Kung ang lugar o pinanggaganapan ng kilos ang paksa ng pangungusap. Halimbawa:
"Pinagdausan ng binyag ang bagong simbahan."

Tagatanggap Benepaktib- Kung ang tao o bagay na nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa ng
pangungusap. Halimbawa: "Ibinili ni Isabella ng pasalubong si Tatay."

Gamit o Instrumental- Kung ang bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ang paksa ng
pangungusap. Halimbawa: "Ang mahabang stik ang ipinanungkit niya ng bayabas."

Sanhi o Kosatib- Kung ang paksa ng pangungusap ay ang dahilan o sanhi ng kilos. Halimbawa: "Ikinalungkot ni
Oliver ang hindi pagpunta ni James. Kinainis ni Mia ang pang-aasar sa kanya ni Ethan."
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 2
Aralin 2: Berbal, Di-berbal, at Pasulat, at Pang-ugnay

Berbal o Di-berbal
Uri ng Pakikipagtalastasan

Berbal
Pakikipagtalastasan na karaniwang isinasagawa nang
harapan, sa telepono, sa pamamagitan ng makabagong
teknolohiya tulad ng FaceTime, Skype, at iba pang media.

Di-Berbal
Ginagamitan ng kilos at sagisag.

Pasulat
Kinabibilangan ng liham, e-mail, SMS.
Matatagpuan rin sa mga aklat, magasin, blog, at iba pa.

Pang-ugnay

Pang-angkop- Salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.


Pang-ukol- Kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang
salita sa loob ng pangungusap.
Pangatnig- Mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala,
sugnay, o payak na pangungusap.

Pang-ukol

Alinsunod sa/kay, Ayon sa/kay, Hinggil sa/kay, Kay/kina, Laban sa/kay, Para sa/kay,
Tungkol sa/kay, Ukol sa/kay

Pangatnig

At, anupa, kapag, bagaman, kaya, o, samakatuwid, ni, samantala, sanhi, subalit, ngunit,
sapagkat

Parabula

Ito ay isang kwento na hango sa banal na aklat o Bibliya. Ito ang katawagan sa mga
kuwentong ginamit ng ating Panginoon sa kanyang pangangaral. Ito ay nagmula sa
salitang Griyego "Parabole" na ang ibig sabihin ay pagkukumpara.
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 3
Aralin 3: Criticism, Critique, Pang-halip, Roundtable Discussion, at Maikling Kwento

Kuwento
Criticism

Naghahanap ng mali.
Naghahanap ng kulang.
Nagbibigay-agad ng hatol sa hindi niya maunawaan.
Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig.
Negatibo.
Malabo at malawak.
Seryoso at hindi marunong magpatawa.
Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda.

Critique

Naghahanap ng estruktura.
Naghahanap kung ano ang maaaring gawin.
Nagtatanong para maliwanagan.
Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig.
Positibo.
Kongkreto at tiyak.
Nagpapatawa.
Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina.

Simposyum

Isang pagtitipon, pagpupulong, o kumperensiya kaugnay ng isang paksa kung saan maraming tagapagsalita ang
magbabahagi o maglalahad para sa mga imbitadong tagapakinig o kalahok.

Bakit mahalaga ang Simposyum?

Nagbibigay ng impormasyon.
Ang impormasyon ay ibinibigay ng mga eksperto.
Ina-update ang kaalaman ng mga tao.
Made by: @academicease on Instagram

Roundtable Discussion

Isang mabisang paraan ng paghahatid ng


impormasyon dahil mas kakaunti ang kalahok at
hindi gaanong pormal ang pamamaraan kumpara sa
workshop o panel presentation. Nagbibigay ito ng
mas maraming pagkakataon sa mga kalahok upang
aktibong makibahagi sa usapan at makasama sa mas
malalimang pagtalakay sa paksa.

Maikling Kuwento

May aral.
Kakaunti ang tagpuan at tauhang gumaganap.
Mabilis ang daloy ng kwento.
Ang mga elemento ng maikling kuwento ay tauhan,
tagpuan, punto de vista, banghay, tema, hidwaan.
Mabilis ang wakas.

Panuunan ng Paningin

a. Unang Panauhan- Ang nagsasalaysay ay kasama sa kuwento o madalas ang mismong protagonista ng kuwento.
Gumagamit ito ng panghalip na "Ako".
b. Ikalawang Panauhan- Ang nagsasalaysay ay hindi kasama sa kuwento subalit tila kausap niya ang pangunahing
tauhan o iba pang tauhan. Bihira itong gamitin sapagkat ang panghalip na ginagamit dito ay "Ikaw" o "Kayo".
Karaniwang ginagamit ito sa mga sanaysay o talumpati.
c. Ikatlong Panauhan- Ang nagsasalaysay ay "Omniscient" o tila nasa isang mataas na lugar na nakamasid sa mga
nangyayari sa kuwento at hindi kasama sa mga tauhan. Ang panghalip na ginagamit sa panauhang ito ay "Siya o
Sila".

Bahaging Maikling Kuwento

Simula
Mahalagang bahagi ng kuwento, dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa.

Tunggalian
Pinagbabatayan ng buhay ng maikling katha. Ito rin ang nagbibigay daan sa madudulang tagpuan upang mas
maging kawili-wili ang daloy ng kuwento.

Kasukdulan
Ang pangunahing tauhan ay maaring magtagumpay o kaya naman ay mabigo. Madalas itong nagaganap kapag
malapit nang matapos ang kuwento.

Wakas
Naghahatid ng mensahe ng may-akda
Made by: @academicease on Instagram

Yunit 2:

Aralin 1
Aralin 1: Mga Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa Anyo

Uri ng Dula
Dula- Ang dula ay isang anyo ng literatura na naglalayong ipahayag ng may-akda ang kanilang mga ideya sa
pamamagitan ng salita, pagkilos, at galaw.

Uri ng dula

Komedya- Naglalayong magpatawa, tumatalakay sa mga magaan at kasiya-siyang paksa, at nagtatapos sa


tagumpay ng mga tauhan.
Trahedya- Ang mga paksa nito ay malalalim at nakalulunos, nakapagpapaiyak, at nagdudulot ng kawalan ng
pag-asa.
Melodrama- Nagpapadama ng malalim na emosyon at luha sa mga manonood, na para bang ang buhay ay puro
problema at kalungkutan.
Tragikomedya- Pinagsasama ang mga elemento ng trahedya at komedya.
Saynete- Isang uri ng dula na ginagamit bilang libangan noong mga huling taon ng pananakop ng mga Espanyol
sa Pilipinas.
Parse- Isang dula na puro katuwaan at walang malalim na kuwento.
Parodiya- Isang dula na gumagaya ng kakaibang estilo, kilos, salita, at pag-uugali ng tao bilang isang paraan ng
pagpapahayag ng komento o pamumuna.
Proberbyo- Mga dula na ang pamagat ay hango sa mga sikat na salawikain o kasabihang pinag-uusapan.
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 2
Aralin 2: Ang Tula at mga Elemento Nito

Tula
Uri ng Tula

• Tulang Liniko o Tulang Damdamin- Ang tulang liriko bilang isang uri ng tula ay hindi nagkukuwento ng kuwento
na naglalarawan ng karakter at mga aksyon. Direkta itong nagsasabi sa mga mambabasa ang kanyang personal na
damdamin, iniisip, at pananaw.

a. Awit
Isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng apat na taludtod bawat saknong, kung saan ang bawat taludtod ay
may labindalawang pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isa. Ito ay karaniwang mga awit na may
malungkot na paksa - tulad ng mga malungkot na awiting pag-ibig.

b. Soneto
Isang tula na karaniwang may 14 na linya. Ito'y tungkol sa damdamin at kaisipan, may malinaw na pag-unawa
sa kalikasan ng tao.

c. Oda
Ang oda ay isang uri ng tula na karaniwang isinulat bilang pagpuri o pag-aalay sa isang tao o bagay na
nagbibigay ng inspirasyon sa makata.

d. Elehiya
Isang tulang nauugnay sa malungkot na pag-iisip tungkol sa kamatayan.

e. Dalit
Isang uri ng tula na karaniwang may kaugnayan sa relihiyon, partikular na isinulat para sa layunin ng papuri,
pagsamba, o panalangin, at karaniwang ipinadadala sa isang Diyos o isang kilalang tao o kahanga-hangang
halimbawa, at naglalaman ng pilosopiya sa buhay.

Tulang Pasalaysay- Ang tulang pasalaysay ay isang anyo ng tula na naglalarawan ng isang kuwento. Karaniwan
itong ginagamitan ng tinig ng tagapagsalaysay at ng mga karakter, at ang kabuuan ng kwento ay nakasulat sa
mga taludtod na may sukat.

a. Epiko
Isang mahabang kuwento o tula, karaniwang tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng
kabayanihan, mga gawa, at mga kaganapan na may kahalagahan sa isang kultura o bansa.

b. Awit at korido
Isang uri ng panitikan sa Pilipinas na karaniwang may walong pantig. Ang tulang korido ay karaniwang mga
kuwentong galing sa mga bansa tulad ng Pransya, Espanya, Italya, at Gresya. Ang tulang korido ay may anyo ng
Made by: @academicease on Instagram

pasalaysay. Ang kilalang korido ay ang Ibong Adarna.

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay


Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay.

Tulang Patnigan - Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula kung saan ang matalas na pag-iisip at
pangagatwiran ay ginagamit.

a. Balagtasan
Isang paligsahan ng tula, kung saan nagpapakita ng talino sa pagbigkas, bilang isang pagtatalo sa isang paksa.
Ito ay ginawa sa pangalan ni Francisco "Balagtas" Baltazar.

b. Karagatan
Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na "libangang itinatanghal" na
ang pamagat ay nagmula sa isang alamat tungkol sa pagbagsak ng isang dalaga sa dagat.

c. Duplo
Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran sa pamamagitan ng tula.
Kinuha ang pangangatwiran mula sa Bibliya, mga kasabihan, at mga kasabihan.

Tulang Pantanghalan o Padula - ay isang anyo ng dula na isinulat na may paggamit ng berso para maipahayag
ang mga salita.

Elemento ng Tula

Sukat- Tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong. Karaniwang ginagamit ang
labindalawang, labing-anim, at labingwalong pantig.
Tugma- Ang mga tunog sa dulo ng mga huling salita ng taludtod ay magkakatugma - maaaring magkatugma ang
mga pantig sa dulo ng salita o hindi magkatugma.
Talinhaga- Malalim na salita na ginagamit upang maging malikhaing at epektibong pagpapahayag.
Larawang-diwa- Mga salita na nagpapalitaw ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mga mambabasa.
Simbolismo- Mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mga mambabasa.
Kariktan- Magagandang salita na ginagamit upang magbigay-linaw sa mga mambabasa at magpukaw ng
kanilang damdamin at kaisipan.

Matatalinghagang Pananalita

Mga Idyoma- Mga pahayag na karaniwang nagmumula sa karanasan ng tao, mga pangyayari sa buhay at
paligid, ngunit may mas malalim na kahulugan.

Mga Tayutay- Isa pang uri ng malalalim na pahayag na kung saan lumalayo ang nagsasalita mula sa
pangkaraniwang paraan ng pagsasalita upang gawing mas maganda o kaakit-akit ang sinasabi.
Made by: @academicease on Instagram

Maraming uri ng tayutay:

Pagtutulad (Simile)- Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay gamit ang mga pariralang tulad ng, gaya ng,
at iba pa.

Pagwawangis (Metaphor)- Naghahambing rin ito tulad ng pagtutulad, ngunit ito'y tiyak na paghahambing at
hindi gumagamit ng mga pariralang tulad ng, gaya ng, at iba pa.

Pagmamalabis (Hyperbole)- Malalabis na pinalalaki o pinakukulang ang kalagayan ng isang tao, bagay, o
pangyayari.

Pagbibigay-katauhan (Personification)- Pagbibigay ng katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay.

Pagpapalit-saklaw (Synechdoche)- Pagsasabi sa pamamagitan ng pagsasama ng bahagi bilang pagtukoy sa


kabuuan.

Pagtawag (Apostrophe)- Pakikipag-usap sa isang karaniwang bagay na malayo o hindi tao.

Pag-uyam (Irony)- Isang uri ng pagtuya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang tila purihin ngunit may
kabaligtaran na kahulugan.

Aralin 4
Aralin 4: Pagsulat ng Maikling Kuwento

Maikling Kuwento
1.Isang mahusay na paksa o ideya para sa iyong kuwento
Sa bahaging ito, kukunan mo ng mga ideya para sa iyong susunod na kuwento.
2.Makatotohanang mga tauhan para sa kuwento
Batay sa napiling paksa, bubuo ka sa iyong isipan ng mga tauhang maglalarawan sa iyong akda.
3.Angkop na tagpuan para sa kuwento mo
Ang tagpuan ay hindi lamang ang lugar kung saan magaganap ang kuwento, kundi kasama rin ang oras, panahon, at
kalagayan ng lugar.
4.Uri ng pananaw o perspektiba na gagamitin sa kuwento
Sa bahaging ito, ipapahayag mo kung mula sa anong perspektiba o pananaw isasalaysay ang mga pangyayari sa
kuwento.
5.Epektibong banghay ng iyong kuwento
Ang banghay ay tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod o daloy ng mga pangyayari sa buhay ng iyong tauhan
o mga tauhan.
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 5
Aralin 5: Mga Pagdulog o Pananaw sa Pagsusuring Pampanitikan

Pampanitikan
Mga Pandulog o Pananaw:

1.Moralistiko
Ipinahahalaga ang disiplina, moralidad, at tamang kaayusan na nararapat at inaasahan ng lipunan.
2.Sosyolohikal
Nahuhulaan ang kalagayan ng lipunan noong panahong isinulat ang akda.
3.Sikolohikal
Nauunawaan ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat.
4.Formalismo
Pagsusuri sa kaisahan ng mga bahagi at kabuuan ng akda.
5.Imahismo
Pagpapahayag ng malinaw gamit ang tiyak na larawan sa isipan.
6.Humanismo
Pagbibigyang pansin ang kakayahan at katangian ng tao.
7.Marxismo
Nakabatay sa teorya ni Karl Marx, tunggalian sa pagitan ng dalawang malalakas at magkasalungat na puwersa.
8.Arketipo
Gumagamit ng huwaran upang suriin ang mga elemento.
9.Feminismo
Ipinapakita ang kalagayan ng kababaihan at ang pagkakapantay-pantay nito sa kalalakihan.
10.Ektensyalismo
Ang tao ay malayang magpasya para sa kaniyang sarili.

Ginagamit din sa pagsusuri ng panitikan ang tatlong malalaking kilusang pansining at pampanitikan tulad ng
sumusunod:

1.Klasisismo
Layuning ipahayag ang katotohanan, kabutihan, at kagandahan.
2.Romantisismo
Binibigyang halaga ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, at mas nagbibigay-diin sa damdamin kaysa
kaisipan.
3.Realismo
Nagpapakita ng katotohanan, naglalayong ilahad ang mga pangyayari sa tunay na buhay.
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 6
Aralin 6: Pagbuo ng Talumpati

Talumpati
Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng mensahe o kaisipan hinggil sa
isang mahalagang o napapanahong paksa sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng
tamang, epektibo, at emosyonal na pagpapahayag.

Ang isang talumpati ay may iba't ibang layunin tulad ng sumusunod:

1.Makapagbigay ng Kabatiran o Kaalaman


Layunin nitong magbigay ng mga bagong impormasyon o kaalaman na magdaragdag sa
kasalukuyang kaalaman ng mga tagapakinig.
2.Makapagturo at Makapagpaliwanag
Ang talumpati ay maaaring magturo o magpaliwanag ng bagong pamamaraan o paniniwala
kaugnay ng isang ideya o kaisipan. Makatutulong ito sa mga tagapakinig na makakita ng
iba't ibang perspektiba at mapalawak ang kanilang kaalaman sa isinasaad na paksa.
3.Makapanghikayat
Ang isang mabisang talumpati ay maaaring makapanghikayat sa mga tagapakinig. Maaaring
baguhin nito ang pananaw ng isang tagapakinig at hikayatin itong sumang-ayon o tanggapin
ang pinagtatalunang bagay o kalagayan. Madalas ito'y ginagamit ng mga pulitiko sa
kanilang pangangampanya.
4.Makapagpaganap o Makapagpatupad
Ang isang talumpati ay maaaring maglahad ng isang adhikain, proyekto, batas, o regulasyon
na kailangang mapalaganap o maisakatuparan sa karamihan. Ito'y magtutulak sa mga
tagapakinig na isagawa o ipatupad ang nasabing kaisipan.
5.Magbigay ng Kaligayahan o Libangan
Ang talumpati, upang maging epektibo, ay dapat na makapagbibigay ng kasiyahan at
maglibang ang mga tagapakinig. Ang anumang layunin ng talumpati ay magiging
matagumpay lamang kung ito'y lubos na pinakikinggan at kinagigiliwan ng mga tagapakinig.

Uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda

1.Talumpating Walang Paghahanda


Kilala rin bilang impromptu speech o hindi pinaghandaan. Ito ay talumpating biglaan o spur-of-the-moment.
2.Talumpating Binasa
Ito ay talumpati na isinusulat at binabasa ng nagtatalumpati. Ipinagkakalooban ito ng sapat na oras upang maayos
na ihanda ang pagtatalumpati.
3.Talumpating Sinulat o Minemorya
Ito ay talumpating isinusulat o tinatandaan mula sa simula hanggang sa wakas. Sa bahaging ito, gumagawa ng
kumpletong talumpati ang nagsasalita.
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 7
Aralin 7: Pagpapalawak ng Pangungusap

Pangungusap
Pagpapalawak ng Pangungusap

1.Mga Paningit o Ingklitik bilang Pampalawak


Ito ay mga salita o bahagi ng pangungusap na isinasama o idinaragdag sa paksa o panaguri ng pangungusap upang
mas maipahayag ang kaisipan o mensaheng taglay nito. Halimbawa: Dumaan muna sila sa matinding pagsubok.
2.Mga Panuring bilang Pampalawak
Ang mga salitang panuring ay nagpapahiwatig ng paglalarawan sa pangngalan, panghalip, o pang-uri. Halimbawa:
Ang makasaysayang Berlin Wall ay simbolo ng paniniil.
3.Pamuno sa Pangngalan bilang Pampalawak
Ang pamuno sa pangngalan ay isang pangngalan o pariralang ginagamit upang magbigay ng ibang tawag sa isang
pangngalan. Halimbawa: Si Ronald Reagan, ang pangulo ng Amerika, ay nanawagan para sa paggiba ng Berlin Wall.

Aralin 8
Aralin 8: Mga Popular na Anyo ng Social Media

Social Media
1.Social Networking- Ito ay isang uri ng social media kung saan maaaring makipag-ugnayan ang mga tao na
miyembro rin ng nasabing social network. Halimbawa: Facebook, Messenger, Instagram
2.Media Sharing- Sa mga site na ito, maaaring mag-upload at magbahagi ng iba't ibang anyo ng media tulad ng vide.
Halimbawa: YouTube
3.Microblogging- Sa mga site na ito, maaaring mag-post ng maikling mga update na madaling maiparating sa lahat
ng mga miyembro ng microblogging site upang mabasa nila. Halimbawa: Twitter
4.Blog- Ang blog ay katulad ng isang online journal o talaarawan na ibinabahagi sa buong mundo. Ito'y naglalaman
ng personal na pananaw at karanasan ng may-akda.
5.Blog Comments at Online Forums- Ang online forums ay mga pahina kung saan ang mga miyembro ay maaaring
mag-post ng mga mensahe o mga komento, samantalang ang mga blog comments ay mga komento na karaniwang
nakatuon sa paksa ng blog.
6.Social News- Sa pamamagitan ng mga site na ito, maaaring mag-post ng mga balita, artikulo, o mga link patungo
sa mga artikulong hindi kopya at pindot. Halimbawa: Reddit
7.Bookmarking Sites- Sa mga site na ito, maaaring mag-save at maayos ang mga link sa iba't ibang mga web site sa
Internet. Halimbawa: Google, Pinterest
Made by: @academicease on Instagram

Yunit 3:

Aralin 1
Aralin 1: Ang Debate

Debate
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater

Nilalaman
Mahalaga na ang isang debater ay may malawak na kaalaman sa pangangatwiran at sa pangkalahatang paksa ng
debate.
Estilo
Nakikita rito ang galing ng debater sa pagsasalita, sa tamang pagpili ng mga salita, sa pagbuo ng mga pangungusap,
kalinawan at lakas ng kanyang tinig, magandang tindig, tiwala sa sarili, at iba pa.
Estratehiya
Dito makikita ang galing ng debater sa pagtanggap o pagtugon sa mga argumento, at kung paano niya
maihahalintulad ang kanyang panukala.

Mga Uri o Format ng Debate

Oxford- Ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng isang beses


Cambridge- Ang bawat kalahok ay tatalumpati ng dalawang beses
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 2
Aralin 2: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika

Pagsasaling-wika
Ang pagsasaling-wika ay isang mahalagang aktibidad na layuning ipahayag ang isang teksto mula sa isang wika
tungo sa ibang wika. Upang masiguro ang kahusayan ng pagsasalin, may mga pamantayan o gabay na dapat sundin.

1. Pagpapanatili ng orihinal na kahulugan: Isang magandang pagsasalin ay dapat na maaaring maipahayag ang
kahulugan ng orihinal na teksto ng wasto at tumpak. Importante na lubos na maunawaan ang kahulugan ng mga
salita, parirala, at konteksto ng orihinal na wika upang maisalin ito nang tama at hindi mawala ang mensahe.
2. Paggamit ng katanggap-tanggap na wika at estilo: Ang pagsasalin ay dapat gumamit ng wika at istilong
katanggap-tanggap sa target na wika o kultura. Ang mga salita, parirala, at estruktura ng pangungusap ay dapat
tugma sa wika na ginagamit upang mas madaling maunawaan at magkaroon ng tunay na epekto sa mga
mambabasa.
3. Pagsasaayos sa anyo at estruktura: Ang pagsasalin ay dapat magkaroon ng tamang pag-aayos sa anyo at
estruktura ng wika ng target. Ito ay tumutukoy sa tamang paggamit ng mga salita, bantas, panapos, at iba pang
bahagi ng wika upang maisalin ang teksto nang malinaw at maayos.
4. Pag-iingat sa kultura at konteksto: Ang isang mahusay na pagsasalin ay dapat mag-ingat sa mga aspeto ng
kultura at konteksto ng orihinal na wika. Ang mga salitang may kahulugan o pagpapahayag na hindi pamilyar o
hindi katanggap-tanggap sa target na wika o kultura ay dapat baguhin o ipaliwanag upang maiwasan ang mga
pagkakamali o maling pagkaunawa.
5. Pagsasaalang-alang sa tono at layunin: Ang pagsasaling-wika ay dapat magpapanatili ng tamang tono at layunin
ng orihinal na teksto. Ito ay tumutukoy sa pagpapanatili ng emosyon, istilo, o layunin ng teksto sa pamamagitan
ng pagsasalin. Ang mga pagkakamali sa pagpapanatili ng tono at layunin ay maaaring magresulta sa hindi
malinaw na mensahe o maling emosyon sa target na wika.
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 3
Aralin 3: Ang Anekdota

Anekdota
Isang maikling salaysay ng isang kahanga-hangang o nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao na karaniwang
kilala o tanyag. Karaniwang maikli ang salaysay at ang mga pangyayari ay maaaring totoong nangyari sa buhay ng
taong iyon o maaaring likhang-isip lamang subalit halos kahawig ng katotohanan.
Ang anekdota ay maaari ring personal o pangyayari sa buhay ng manunulat o tagapagsalita. Sa pamamagitan nito,
ipinapakita nila ang isang bahagi ng kanilang buhay na maaaring magbigay ng aral.

Paalala sa pagsulat ng Anekdota

Alamin ang layunin o paksa ng personal na anekdota na iyong gagamitin.


Isipin nang mabuti ang mga detalye sa pangyayaring isusulat bilang personal na anekdota.
Sa pagsasalaysay, huwag agad sabihin ang kaganapan upang mapanatili ang interes ng mambabasa o
tagapakinig sa kabuuan ng kuwento.
Iwasan ang paggamit ng mabibigat na salita na hindi agad mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig.
Kung gagamitin mo ang anekdota sa pagsasalita, mahalagang mag-ensayo upang maipahayag ito nang mahusay.
Bilang pagwawakas, ibigay ang dahilan kung bakit mo ibinahagi ang anekdotang ito.

Aralin 4
Aralin 4: Apat na Komponent o Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo

Komunikatibo
Apat na komponente ng kasanayang Komunikatibo

1. Gramatika- Epektibo sa pag-uusap gamit ang angkop na mga tuntunin sa gramatika


2. Sosyo-linggwistik- Nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na magamit ang salitang angkop sa sitwasyon at sa
sosyal na konteksto ng lugar kung saan ginagamit ang wika
3. Diskors- Komponente na nagbibigay-kakayahan sa paggamit ng binibigkas at sinulat na wika nang may
kahulugan upang maipahayag ang mensahe at maunawaan ang tinatanggap na mensahe
4. Estratehiya- Nagbibigay-kakayahan sa paggamit ng berbal at di-berbal na mga senyales upang mas malinaw na
maipahayag ang mensahe at maiwasan o mabawasan ang mga hindi pagkakaintindihan sa komunikasyon
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 5
Aralin 5: Mga Uri ng Tula

Tula
Tulang Pasalaysay

Epiko- Pinakamataas at pinakamahalagang uri ng tulang pasalaysay


Metrikal na Romance- Uri ng tulang kumalat sa Europa mula ika-11 hanggang ika-14 na siglo
Metrikal na Kuwento- Kapag ang tula ay naging simple
Balad- Awit na isinasayaw subalit nang maglaon, naging isang kasaysayang tulang nakasulat na may walong o
anim na pantig na taludtod

Tulang Dula

Dramatikong Monologo- Isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa dulo ng dula
Liriko-Dramatikong Dula- Nagbibigay-tuon sa pagpapahayag ng damdamin na kasama sa mga pangyayari
Komedya ng Dula- Isinulat nang kasiya-siyang paraan at may temang nakakatawa, mayroong maligayang wakas
Tragedya ng Dula- Tunggalian at pagkapighati ng pangunahing tauhan
Melodramatikong Tula- Mga pangyayari na higit sa pangkaraniwang karanasan ng isang normal na tao
Tragi-komedya sa Tula- Kahawig ng nakakatawang at malungkot na pangyayari
Farce sa Tula- Mga pangyayari na labis na nakakatawa, mas katawa-tawa kaysa makatwiran

Tulang Liriko

Awit- Binubuo ito ng apat na taludtod bawat saknong, at bawat taludtod ay may labindalawang pantig, at ang
tradisyonal na huling tugma ay isahan. Karaniwan itong may malungkot na paksa - pag-ibig, pag-aalala, at
pagmamahal.
Pastoral- Layunin nito na maglarawan ng tunay na buhay sa kanayunan.
Oda- Karaniwang isang lirikong tula na may mataas na antas at marangal na estilo. Walang tiyak na bilang ng
pantig o bilang ng mga taludtod sa isang taludtod.
Dalit- maikling awit na nagpupuri sa Diyos
Soneto- Isang tula na karaniwang may 14 na taludtod.
Elehiya- Tula na may kinalaman sa mga saloobin tungkol sa kamatayan.

Tulang Patnigan

Karagatan- Paligsahan ng tula na karaniwang isinasagawa sa kasalanang paligid ng patay


Duplo- Pagtatalo na gumagamit ng tula, nagsisimula sa pag-awit ng "Ama Namin", isang "Aba Ginoong Maria"
at isang Rekyemeternum
Balagtasan- uri ng pagtatalo ng dalawang magkakaibang panig tungkol sa isang paksa
Batutian- Nakakatawa. Layunin nito ang magbigay aliw sa mga tagapakinig o mambabasa.
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 6
Aralin 6: Mahahalagang Elemento ng Epiko

Epiko
Ang epiko ay isinasalaysay sa pasalita, pasulat o pagsasayaw. Minsan ay may kasamang instrumentong pangmusika.
Mahaba ang epiko, binubuo ito ng 1,000 hanggang 55,000 na taludtod.

Sukat at Indayog- Nagrerefer ang sukat sa bilang ng mga pantig na magkapareho sa bawat tumpak na hati ng
taludtod. Ang epiko ay inaayos sa paraang magiliw o mayroong kasiyahan.
Tugma- Ang mga pantig sa hulihan ng mga taludtod ay may parehong tunog.
Taludturan- Ang pagkakasunud-sunod ng mga taludtod sa isang tula.Matatalinghagang Salita - Gumagamit ng mga
matatalinghagang salita o idyoma. Ang mga ito ay may ibang kahulugan kaysa sa karaniwan. Hindi direktang
nagbibigay ng kahulugan ang mga idyoma.
Banghay- Ang epiko bilang isang tulang pasalaysay ay nagpapakita rin ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
Maaaring simple o komplikado ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Makikita rin na maraming pangyayari
sa epiko ang hindi totoo o hindi makatotohanan.
Tagpuan- Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito'y nakakatulong sa paglilinaw ng paksa, ng banghay, at ng mga
tauhan.
Tauhan- Gumaganap sa akda.

Aralin 7
Aralin 7: Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

Emosyon o Damdamin
1.Mga Pangungusap na Padamdam- Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng malalim na damdamin o emosyon.
Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!)
• Halimbawa: Laging may lungkot sa puso ko kapag iniisip ko ang mga alaala natin!
2.Maikling Sambitla- Ito ay mga sambitlang binubuo ng isang o dalawang pantig na nagpapahayag ng malalim na
damdamin.
• Halimbawa: Aray!
3.Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Tiyak na Damdamin- Ito ay mga pangungusap na naglalaman ng tiyak na
damdamin at emosyon, bagaman hindi masyadong malalim ang pagpapahayag.
• Halimbawa: Nalulungkot ako dahil hindi ako makakasama sa espesyal na okasyon.
4.Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan- Ito ay mga pangungusap na
gumagamit ng mga malalalim na salita o mga idyoma sa halip na tuwirang paraan.
• Halimbawa: Kumukulo ang aking dugo kapag nakikita ko inakawawa mga bata.
Made by: @academicease on Instagram

Aralin 8
Aralin 8: Ang Sanaysay

Sanaysay
Sanaysay

Ang sanaysay ay isang maikling komposisyon na karaniwang naglalaman ng personal na pahayag ng may-akda.
Sa uri ng panitikan na ito, kasama ang mga sulating pang-midya tulad ng artikulo, op-ed o editorial, at feature.
Kasama rin ang mga akademikong sulatin tulad ng tesis, disertasyon, diskurso, pananaliksik sa panitikan, at iba
pa.
Ang sanaysay ay may dalawang pangkalahatang uri: pormal o maanyo at pamilyar o di-pormal/personal.

Katangian ng Sanaysay

Tamang Pananalita
Makabuluhan ang Paksa

Pormal (Maanyong Sanaysay)

Naglalaman ng totoong impormasyon, mga piniliang salita, at maingat na pagsasaalang-alang, kaya't ito ay
mabisa. Ito ay may magandang estruktura na nakatulong sa lohikal na paglalahad ng kaisipan. Ang ganitong uri
ng sanaysay ay kadalasang nagtutulak sa mga mambabasa na mag-isip nang malalim at sumabay sa paglalakbay
ng mga kaisipan.

Pamilyar (Di-pormal/Personal na Sanaysay)

Nakakatuwa, nagbibiro, at nakapagpapasaya sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwang, araw-araw, at


personal na paksa. Ito'y nagbibigay-diin din sa mga karanasan at isyung kakaiba sa pagkatao ng may-akda.
Made by: @academicease on Instagram

Yunit 4:

Aralin 1
Aralin 1: Buod ng El Filibusterismo na Isulat ni Dr. Jose Rizal

El Filibusterismo
Ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Pangalan: Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda


Lugar ng Kapanganakan: Calamba, Laguna
Kapanganakan: Hunyo 19, 1861
Kamatayan: Disyembre 30, 1896 sa Rizal Park, Manila

Mga Taong Nakasalamuha ni Rizal

Jose Alejandro
Jose Maria Basa
Valentin Ventura- Siya ang tumulong kay Rizal upang ituloy ang
natigil na pagpapalimbag ng El Fili.

Buod ng El Filibusterismo
Ang Source ay na sa bandang dulo pagkatapos ng kwento.
Ang isang Bapor Tabo ay naglalakbay sa ilog Pasig. Ito ay nag-udyok sa maraming tao na pumunta sa Laguna.
Sina Simoun, Basilio, Isagani, at ilang mga pari ay nasa bapor. Nang makarating si Basilio sa San Diego, una niyang
pinuntahan ang puntod ng kaniyang ina. Sa puntong iyon, nakita niya si Simoun na nag-aalahas. Nakilala niya si
Juan Crisostomo Ibarra nang alisin ang salamin. Si Basilio ay tinangka ni Simoun na patayin upang hindi lumabas
ang lihim nito. Gayunpaman, naisip niya na pareho silang magkakaroon ng parehong mga resulta, kaya hinimok na
lang niya si Basilio na lumahok sa planong paghihiganti sa Pamahalaang Kastila. Gayunpaman, tinanggihan ito ni
Basilio. Naghain ang mga mag-aaral ng Pilipino ng kahilingan sa Kapitan Heneral na magtatag ng isang institusyong
pang-edukasyon sa wikang Kastila. Gayunpaman, dahil ang mga pari ang namamahala dito, hindi ito pinagtibay. Si
Basilio ay muling kinumbinsi ni Simoun na umanib ang binata sa paghihigmasik nang muli siyang manalo.
Made by: @academicease on Instagram

PUpang agawin si Maria Clara, balak ni Simoun na hikayatin ang maraming tao na pumasok sa kumbento. Sa
kasamaang palad, hindi ito nangyari dahil ang dalaga ay namatay din sa panahon ng hapunan. Sa kabilang banda,
ang mga mag-aaral ay nagtitipon sa Panciteria, na pagmamay-ari ng Intsik na si Quiroga, dahil sa pagkabigo ng
kanilang kahilingan para sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila. Bilang karagdagan, natuklasan ng mga
pari ang direktang pagtuligsa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng talumpatian sa loob ng Panciteria. Ang mga
paskin na naglalaman ng mga paghihimagsik ay makikita sa pinto ng pamantasan kinaumagahan. Pinagbintangan
ang mga mag-aaral na lumahok sa kapisanan at dinakip sila kasama si Basilio. Si Huli, ang kasintahan ni Basilio, ay
may labis na pagdaramdam. Hinimok ni Hermana Bali si Huli na makipag-ugnayan kay Padre Camorra upang
humiling ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang lahat ng mag-aaral maliban
kay Basilio. Hinimok ni Padre Camorra si Huli na tumalon sa bintana at namatay kaagad. Sa kabilang banda, si
Simoun ay patuloy na nagtatrabaho sa kanyang diskarte sa paghihiganti. Sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo
Pelaez, na ama ni Juanito, upang maisagawa iyon. Ipinagkasundo niya na si Paulita ay pakasalan si Juanito.
Inanyayahan niya ang mga pinuno ng gobyerno sa piging. Lumipas ang dalawang buwan, nakalaya na si Basilio sa
tulong ni Simoun, at tuluyan na siyang naging bahagi ng paghihimagsik na plano ni Simoun. Upang magsagawa ng
paghihimagsik, ginamit ni Simoun ang mangyayaring piging. Nagbigay siya ng magandang lampara sa ikakasal.
Hindi nila alam na ang labis na iyon ay naglalaman lamang ng nitrogliserina. Sa oras na itaas ang mitsa,
magkakaroon ito ng malakas na pagsabog. Si Basilio ay naglalakad sa labas habang ang lahat ay masaya. Dahil alam
niya na magkakaroon ng pagsabog, hindi siya mapakali. Dahil sa nalalapit na pagsabog ng lampara, nakita niyang
lumabas na rin si Simoun sa bahay. Bilang karagdagan, nang makita niya si Isagani, sinabi niya sa kanya na umalis
na sa bahay na iyon. Ang ilaw ng lampara ay lumilitaw nang unti-unti. Ang mitsa ni Padre Irene ay iniutos ng
Kapitan Heneral na itaas, ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon sa ilog. Ang plano ni Simoun ay hindi
gumana, kaya tumakas siya at pumunta sa bahay ni Padre Florentino. Uminom si Simoun ng lason upang hindi siya
mahuli ng mga sibil na buhay. Siya ay nagkwento kay Padre Florentino tungkol sa kanyang buhay at ang planong
paghihiganti. Si Simoun ay namatay din noong panahong iyon. Tinapon ni Padre Florentino ang lahat ng pera ni
Simoun sa bato na laging inuupuan ni Isagani malapit sa dagat.

Source: https://noypi.com.ph/wp-content/uploads/2019/12/noypi-el-filibusterismo-buod-ng-buong-kwento.pdf

You might also like