You are on page 1of 20

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 7:
Mga Pangyayaring Naganap sa
Panahon ng Pananakop ng Hapon-
Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Araling Panlipunan - Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 7: Mga Layunin at Mahahalagang Pangyayaring Naganap
sa Panahon ng Pananakop ng Hapon- Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rizaldy M. Lebaste


Patnugot: Rosalin S. Muli EdD, CESE
Ricky C. Balingit
Tagasuri: John Paul C. Paje EdD
Janet Y. Paras
Romeo P. Lorido
Bryan M. Balintec
Tagaguhit: Shane Reza M. Amath
Tagalapat: Erwin H. Iruma
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby Murallos Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilimbag sa Republica ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis,
City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 7:
Mga Pangyayaring Naganap sa
Panahon ng Pananakop ng Hapon-
Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Layunin at Mahahalagang
Pangyayaring Naganap sa Panahon ng Pananakop ng Hapon- Pagsiklab ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
ika-21 siglong mga kasanayan habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Layunin at Mahahalagang
Pangyayaring Naganap sa Panahon ng Pananakop ng Hapon- Pagsiklab ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
Pagyamanin iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Bago pa man natin makamit ang kasarinlan sa pananakop ng mga


Amerikano, tayo ay muling napasailalim sa mga Hapones sa pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nalalaman ang mga layunin at mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga
Hapones-Pagpagsiklab ng digmaan;
2. napapahalagahan ang mga mamahalagang pangyayaring naganap sa pagsiklab
ng ikalawang digmaang pandaigdig; at
3. nakagagawa ng timeline ng mga mahahalagang pangyayari sa pagsiklab ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga Tala para sa Guro


Ang mga halimbawa at pagsasanay na ginamit sa modyul
na ito ay ginawa para sa mag-aaral ng ikaanim na baitang.
Tulungan ang bawat estudyante na gabayan at suportahan
sa pagsagot ng mga pagsasanay upang sa ganoon ay masagot nila
ng tama at maayos ang mga ito.

Subukin

Basahin ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Naging Open City ang Maynila sa panahon ng pananakop ng anong bansa?
A. Amerika C. Hapones
B. Tsina D. Espanya
2. Siya ang Ministrong Panlabas ng Hapones na nag-anyaya sa Pilipinas na sumali
sa Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
A. Hachiro Arita C. Shinzu Abe
B. Hanamichi Sakuragi D. Takeshi Son
3. Kailan binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii?
A. Disyembre 7,1941 C. Disyembre 17,1941

1
B. Disyembre 8,1941 D. Disyembre 26,1941
4. Nilusob ng Hapones ang Pilipinas na naging hudyat ng ________________
A. Unang Digmaang Pandaigdig. C. Ikatlong Digmaang Pandaigdig.
B. Ikalawang Digmaang Pandaigdig. D. Ikaapat na Digmaang Pandaigdig
5. Masaya ang mga Pilipino sa pamumuno ng mga Amerikano.
A. Oo, dahil makapangyarihan ang mga Amerikano.
B. Oo, dahil sila ang nagligtas sa atin sa kamay ng mga Kastila.
C. Hindi, dahil patuloy pa rin nila tayong sinakop hangga’t walang kalayaan.
D. Hindi, dahil hindi naman sila nagbibigay ng ayuda sa mga mamamayan.
6. Siya ang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt noong sakupin tayo ng mga
Hapones.
A. Emilio Aguinaldo C. Manuel A. Roxas
B. Manuel L. Quezon D. Jose P. Laurel
7. Mga naranasan ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Hapones
A. Masaya at masagana
B. Maunlad at payak na pamumuhay
C. Nilapastangan at pinagmalupitan
D. Tahimik pero hirap sa buhay
8. Sino ang alkalde ng Maynila noong sakupin ng mga Hapones ang lungsod?
A. Douglas Mac Arthur C. Jorge Vargas
B. Isko Moreno D. Manuel A. Roxas
9. Anong batas ang nagtadhana ng Malasariling Pamahalaan o Pamahalaang
Komonwelt?
A. Batas Cooper C. Batas Jones
B. Batas Pilipinisasyon D. Batas Tydings-Mc Duffie
10. Kung ikaw ay nabubuhay noong sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas,
papayag ka bang mangyari ulit ito?
A. Oo, upang kapwa Asyano na lamang ang may sakop sa atin.
B. Hindi, dahil mas magaling mamuno ang mga Amerikano.
C. Hindi, upang makamit na ang lubos na kalayaan pagkatapos ng
Pamahalaan Komonwelt.
D. Hindi ko alam, ipapaubaya ko na lamang ang kapalaran ng aking bansa sa
mga dayuhang mamamalakad sa bansa.

Mahalagang paalala:
Kung nakuha mo lahat ang tamang sagot, maaari mo ng laktawan
ang modyul na ito.
Binabati kita!
Kung hindi naman, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa sa modyul
at sagutin ang mga inihandang gawain para sa iyo.

2
Aralin
Pagsiklab ng Ikalawang
1 Digmaang Pandaigdig

Balikan

Magbigay ng mga hakbang at batas na ipinatupad para sa pagsasarili ng


bansang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Amerikano. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Tuklasin

Pag-aralan ang mensahe ng awit.


Pilipinas Kong Mahal

Ang bayan ko’y tanging ikaw


Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay.

Tungkulin ko’y gagampanan


Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong mahal.

3
Pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Anong bansa ang iniibig nang gumawa ng awit?
2. Ano ang mga nais niyang ibigay para sa kanyang bansa?
3. Bakit nais niyang bantayan ang kalayaan ng Pilipinas?

Suriin

Alam ko na nais mo ng malaman ang mga pangyayari na nagbunsod ng


pagkakahudlot ng paglaya natin sa mga Amerikano. Pangyayaring puminsala ng
mga buhay at ari-arian maging sa karapatan nating mga Pilipino. (Pagsiklab ng
Digmaan) Halika! Suriin mo ang timeline upang mas madali mo itong maunawaan.
Pagsiklab ng Digmaan
Disyembre 7,1941- Binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii sa
utos ng Hukbong Imperyal ng Hapon na naging hudyat ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko. Nasangkot ang
Pilipinas dahil nasa ilalim ito ng Amerika. Lumusob din
ang mga Hapones sa Clark Field Pampanga at Nichols Base.
Disyembre 8,1941- Binomba ng mga Hapones ang Maynila ng umaga. Gayundin
ang Davao, Baguio, Tarlac at Tuguegarao.
Disyembre 26,1941- Ipinahayag ni MacArthur na Open City ang Maynila upang
maiwasan ang higit na pamiminsala at matigil
pansamantala ang paglusob ng mga Hapones. Madaling
napasok ng mga Hapones ang Maynila at sinira ang mga
radyong shortwave. Inagaw ang mga sasakyan, tirahan at
pagkain ng mga Pilipino.Nilapastangan at pinagmalupitan
nila ang mga mamamayan.
Upang maging makapangyarihan ang isang bansa, kailangang may malawak
itong teritoryo at maraming mamamayan na magtatrabaho para sa ikauunlad nito.
Kaya naman ang bansang Hapon ay nakipagdigma sa mga bansa sa Asya. Sinakop
nito ang Manchuria noong 1932, ang malaking bahagi ng Tsina noong 1937 at ang
Hilagang France Indochina noong 1940.
Ang Pilipinas ay inanyayahan ni Hachiro Arita, Ministrong Panlabas ng
bansang Hapon na makiisa sa programa ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
o Sama-samang Kasaganaan ng Kalakhang Silangang Asya ngunit hindi naniwala
ang mga Pilipino sa pang-aakit na ito dahil ayaw nilang mapasailalim muli sa mga
dayuhan. Tumanggi sila sa paanyaya.
Bago pa ipahayag na Open City ang Maynila, inilipat ni Pangulong Quezon sa
Corregidor ang Pamahalaang Komonwelt o Malasariling Pamahaaan. Si Jose P.
Laurel ang naatasang maiwan sa Maynila upang sumalubong sa mga Hapones.
Sinikap ni Laurel na pangalagaan ang taumbayan laban sa kalupitan ng mga
Hapones at panatilihing buo ang bansang Pilipinas. Ang Maynila ay naiwan sa

4
pamumuno ni Jorge Vargas bilang nahirang na alkalde. Pormal namang itinalaga ni
Chief Justice Jose Abad Santos si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt.
Sa mga panahong iyon, ang Pilipinas ay nasa ilalim ng tinatawag na
Malasariling Pamahalaan o Komonwelt alinsunod sa itinadhana ng Batas Tydings-
McDuffie. Ito ay sampung taong kaloob ng Amerika upang subukin ang kakayahan
ng mga Pilipino na pamahalaan ang bansa.
Sagutin ang mga tanong kaugnay sa timeline na nasa itaas. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Kailan binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor?
2. Ano-anong lugar sa ating bansa ang nilusob ng mga Hapones?
3. Sino ang heneral na nagpahayag na gawing Open City ang Maynila at bakit?
4. Bakit nadamay ang Pilipinas sa alitan ng Amerikano at Hapones?
5. Ano ang ginawa ng mga Hapones sa mga Pilipino? Sang-ayon ka ba rito?

Pagyamanin

A. Kilalanin ang mga taong may kaugnayan sa mga pangyayari sa pananakop ng


mga Hapones.
Hanay A Hanay B
1. Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt A. Hachiro Arita
2. Naiwan sa Maynila upang pangalagaan ang mga tao B. Jose P. Laurel
3. Naging ministrong panlabas ng bansang Hapon C. Jorge Vargas
4. Naghayag na gawing Open City ang Maynila D. Manuel L. Quezon
5. Alkalde ng Maynila noong 1941 E. Hen. Douglas
MacArthur
F. Jose Abad Santos

B. Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang talata. Piliin ang
mga salita sa loob ng kahon sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Dis. 26,1941 Hapones Nilapastangan Heneral MacArthur


Open City Hawaii Clark field Dis. 8, 1941
Dis. 7,1941 pinagmalupitan Manuel L. Quezon

Noong (1) _______, binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa (2) _______
na naging hudyat ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko. Matapos ito,
nilusob ng mga eroplanong pandigma ng Hapon ang (3) _______sa Pampanga at ang
Nichols Air Base. Ang Maynila ay binomba nila noong (4) _______. Ipinahayag ni (5)
_______ na (6) _______ ang Maynila noong (7) _______.

Inagaw ng mga (8) _______ ang mga sasakyan, tirahan at pagkain ang mga
Pilipino. (9) _______ at (10) _______ nila ang mga mamamayan. Malaking hirap ang
dinanas ng ating mga kapwa Pilipino noong mga panahong iyon.

5
C. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari kung paano sumiklab ang digmaan.
Lagyan ng bilang 1-5 ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____Binomba ng mga Hapones ang Clark Field sa Pampanga at Nichols Air Base.
_____Nilapastangan at pinagmalupitan ng mga Hapones ang mga Pilipino.
_____Ipinahayag na Open City ang Maynila ni Heneral Douglas MacArthur.
_____Ipinag-utos ng Hukbong Imperyal ng Hapon na bombahin ang Pearl
Harbor sa Hawaii.
_____Binomba ng mga Hapones ang Maynila.

D. Gamit ang timeline, ilahad ang mga pangyayaring naganap kung paano
sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Dis. 26, 1941

Dis. 8, 1941

Dis. 7, 1941

E. Piliin ang tamang salita sa loob ng panaklong upang maging wasto ang
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ipinag-utos ng (Hukbong Sandatahan ng Amerika, Hukbong Imperyal ng
Hapon) ang pambobomba sa (Pearl Harbor, Pearl of the Orient) na naging hudyat ng
(simula, katapusan) ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sinunod din nila sa araw na iyon ang pagbomba sa Clark Field Pampanga at
(Basa Air Base, Nichols Air Base) at sumunod ang Maynila noong (Disyembre 8,1941,
Disyembre 8,1942).
Ipinahayag ni MacArthur na (Close City, Open City) upang mapigilan ang
pinsala ng paglusob ng mga Hapones sa Maynila.

F. Maliban sa sangguniang aklat na aking pinagbatayan sa aralin, naghanap ako


ng bagay na makatutulong upang mapaunlad ang aralin tungkol sa simula ng
digmaan. Narito ang mapa ng Pilipinas. Pag-aralan ito at tukuyin ang mga lugar
at araw kung kailan ito nilusob ng mga Hapones. Nais kong gumawa ka ng sarili
mong timeline para sa gawaing ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

6
7
Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod na tanong: Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang naging hudyat ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Bakit nasangkot sa alitan ng AmeriKa at Hapones ang Pilipinas?
3. Ano-ano ang mga naranasan ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng
mga Hapones?

Isagawa

Dumanas man ng matinding hirap at gutom ang mga Pilipino sa Ikalawang


Digmaang Pandaigdig, hindi sila nagpadaig. Naging maparaan sila at malikhain
kung paano mapupunan ang kanilang pangangailangan. Natuto silang kumain ng
lugaw, insekto at marami pang mga pagkain na nakikita sa paligid upang mabuhay
sa panahon ng kanilang pagdurusa. Kaya ngayon nais ko na ipakita mo ang iyong
pagkamalikhain at maparaan sa pamamagitan ng paggawa ng isang collage na may
temang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pamantayan Puntos
Malinaw ang pagkakalahad ng detalye 10

Angkop ang mga simbolong ginamit 5

Masining ang pagkakagawa 5

Kabuuang puntos 20

8
Tayahin

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Siya ang heneral na nagpahayag na gawing Open City ang Maynila upang matigil
ang pamiminsala sa lungsod.
A. Heneral Arthur MacDouglas
B. Heneral Emilio Aguinaldo
C. Heneral Douglas MacDouglas
D. Heneral Douglas MacArthur
2. Ano ang unang lugar sa bansa na nilusob ng mga Hapones?
A. Davao
B. Pampanga
C. Tarlac
D. Tuguegarao
3. Anong lugar ang unang binomba ng mga Hapones na naging hudyat ng Unang
Digmaang Pandaigdig?
A. Basa Air Base
B. Nichols Air Base
C. Pearl Harbor
D. Pearl of the Orient
4. Sino ang nag-utos na bombahin ang Pearl Harbor sa Hawaii?
A. Hachiro Arita
B. Hukbong Imperyal ng Hapon
C. Hukbong Sandatahan ng Amerika
D. Manuel L. Quezon
5. Kailan binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor?
A. Disyembre 7,1941
B. Disyembre 8, 1941
C. Disyembre 26,1942
D. Disyembre 7,1943
6. Siya ang naiwan upang pamunuan ang pagsalubong sa mga Hapones sa
Maynila?
A. Douglas MacArthur
B. Jorge Vargas
C. Jose P. Laurel
D. Manuel L. Quezon

9
7. Anong programa ang inilunsad ng mga Hapones upang akiting makiisa ang
Pilipinas sa kanila?
A. Asia Pacific Economic Cooperation
B. Association of South East Asian Nation
C. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
D. United Nation
8. Bakit hindi pumayag sa paanyaya ng mga Hapones ang mga Pilipino?
A. Dahil takot sila sa mga Amerikano
B. Dahil kaaway nila ang mga Hapones
C. Dahil kaya nilang paunlarin ang sariling bansa
D. Dahil ayaw nilang mapasailalim muli sa mga mananakop
9. Alin sa mga sumusunod ang naranasan ng mga Pilipino sa pananakop ng mga
Hapones?
A. Madaling umunlad ang kanilang kabuhayan
B. Lumipat sila sa Amerika upang doon manirahan
C. Nilapastangan at dumanas sila ng malaking hirap
D. Maraming mga Pilipino ang nakapag-asawa ng Hapon
10. Kung ikaw ay nabubuhay noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
maaaring ikaw ay _________________________________
A. papayag dahil ayaw kong mamatay ang mga mamamayan.
B. papayag sa paanyaya ng mg Hapones upang umunlad ang bansa.
C. hindi papayag na maapi ng mga dayuhan at lalaban para sa kalayaan.
D. hindi papayag at pupunta na lang sa ibang bansa upang hindi madamay sa
kaguluhan.

10
Karagdagang Gawain

Gumawa ng tula na tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring


naganap sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na may tatlong (3) saknong
na mayroong tig-aapat (4) na taludtod. Gawin ito sa sagutang papel.

Rubrik sa Paggawa ng Tula


Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan Nakuhang
(10 puntos) (8 puntos) (6 puntos) ng pagsasanay puntos
(4 puntos)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang Mababaw at
makahulugan makahulugan ang may lalim ang literal ang
ang kabuuan kabuuan ng tula kabuuan ng kabuuan ng tula
ng tula tula
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1- Wala ni isang
simbolismo/ simbolismo/pahiwatig 2 simbolismo pagtatangkang
pahiwatig na na bahagyang na nakalito sa ginawa upang
nagkapagpaisip napaisip sa mga makagamit ng
sa mga mambabasa. May mambabasa. simbolismo
mambabasa. ilang piling salita at Ang mga salita
Piling-pili ang pariralang ginamit. ay di-gaanong
mga salita at pili.
pariralang
ginamit.
Gumamit ng May mga sukat at May Walang sukat at
napakahusay tugma ngunit may pagtatangkang tugma
at angkop na bahagyang gumamit ng
sukat at tugma inkonsistensi sukat at
tugma ngunit
halos
inkonsistensi
lahat
Kabuuang Puntos

11
12
Subukin
1. A 2. A 3. A 4. B 5. C 6. B 7. C 8. C 9. D 10. C
Pagyamanin
A B C
1. Dis. 7,1941 2
1. D 2. Hawaii 5
2. B 3. Clark Field 4
3. E 4. Dis. 8,1941 1
4. C 5. Hen. MacArthur 3
5. A 6. Open City
7. Dis. 26,1941
8. Hapones
9. Nilapastangan
10. Pinagmalupitan
D E F
1. Hukbong
Imperyal ng Dis.10 1941 – Appari at Vigan
Dis. 7,1941 – Nilusob ng mga
Hapones ang Pearl Harbor sa Japan Dis.12,1941 – Legazpi
Hawaii, Pampanga at Nichols Air 2. Pearl Harbor Dis.18,1941- Capiz
Base na nagging hudyat ng 3. Simula Dis. 20,1941 – Davao
digmaan 4. Nichols Air Base Dis 22,1941 – Agoo
Dis 8,1941 – Nilusob nila ang 5. Open City Dis 23,1941 – Atimonan
Tarlac Baguio at Tugegarao dis.30,1941 - Digos
Dis. 26,1941 – Inihayag na maging
Open City Ang Maynila upang
matigil ang higit na pinsala.
Tayahin
1. D 2. B 3. C 4. B 5. A 6. C 7. C 8. D 9. C 10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Antonio, Banlaygas, Dallo, Eleanor D., Emilia L., Evangeline M.
2017. Kayamanan – Batayan At Sanayang Aklat Sa Araling Panlipunan
6 Bagong Edisyon. Manila: Rex Bookstore, Inc.

"Araling Panlipunan K To 12 Curriculum Guide". 2020. Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/kenjoyb/araling-panlipunan-k-to-12-
curriculum-guide.

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) – Teach Pinas. Teach


Pinas, 2020. https://www.teachpinas.com/ k-12-most-essential-
learning-competencies-melc/

"Martsa Ng Kamatayan Sa Bataan". 2020. Tl.Wikipedia.Org.


https://tl.wikipedia.org/wiki/Martsa_ng_Kamatayan_sa_Bataan.

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be Contributor.


2020. "Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade 12
SY 2020-2021". DepEd Click. https://www.deped
click.com/2020/05/most-essential-learning-competencies.html.

13
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like