You are on page 1of 5

Pangalan:

ARALING PANLIPUNAN 10
Mga Kontemporaryong Isyu
Handout #6

Modyul 2 Mga Isyung Pang-Ekonomiya


Aralin: Mga Isyu sa Paggawa
Markahan: Ikalawa
Guro: G. Mike Allen D. Religioso, LPT

Ang Globalisasyon at mga Isyu sa Paggawa (Globalization and Labor Issues)

Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng
globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na
pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Sa unang aralin ng modyul na ito ay nabatid mo ang
naging impact ng globalisasyon sa bansa sa pagbabago sa kaisipan at perspektiba ng mga mamamayan
tungkol sa pandaigdig na komunidad at pangangailangan ng bawat bansa. Natunghayan mo rin sa
unang aralin ang iba’t ibang anyo ng globisasyon tulad ng globalisasyong ekonomiko, teknolohikal, at
sosyo-kultural.

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa. Halimbawa ng mga suliranin at hamon sa paggawa ay:
a. mababang pasahod
b. kawalan ng seguridad sa pinapasukang kumpanya
c. job mismatch
d. kontraktuwalisasyon (contractualization)
e. mura at flexible labor
f. kompetisyon ng mga dayuhang kumpanya at lokal na negosyo

Mga Dulot ng Globalisasyon sa Paggawa


Una demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa
(manufacturing) na global standard;
Pangalawa mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan
pamilihan;
Pangatlo binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok
ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa paggawa; at
Pang-Apat dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang
sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang
produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.

Hamon ng Globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga sumusunod:


a. kasunduan sa mga dayuhang kumpanya
b. integrasyon ng ASEAN 2015 (Association of Southeast Asian Nations 2015) sa paggawa
c. bilateral at multilateral agreement sa World Trade Organization (WTO)

Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay kailangang i-angat ang antas
ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa.
Naglalayon ang disenteng paggawa (decent work) na magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat,
anumang kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa.

Matutunghayan sa sumusunod na pigura ang apat na haligi upang makamit ang isang disente at
marangal na paggawa na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa bansa.

1
PRUDENCIA D. FULE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL San Nicolas, San Pablo City
Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016)

WORKERS’ RIGHTS PILLAR


SOCIAL
SOCIALDIALOGUE PILLAR
PROTECTION PILLAR
EMPLOYMENT PILLAR

Ang

1. EMPLOYMENT PILLAR – Tinitiyak nito ang paglikha ng mga napapanatiling negosyo (sustainable
enterprise) at mayroong malaya at pantay na oportunidad sa paggawa at maayos na pook-gawaan
(workplace) para sa mga manggagawa.
Alinsunod sa haliging ito ay mayroong apat na suliranin na dapat pansinin at hanapan ng
solusyon upang makamit ang matatag na kalagayan ng paggawa sa bansa.

Vulnerable Youth
Employment Unemployment

Educated
Job Mismatch
Unemployed

1.1. Tumutukoy ang Vulnerable Employment sa mga trabahong walang pormal na ugnayan o
kasunduan sa pagitan ng manggagawa at amo, kakulangan sa benepisyo at maaaring maharap
sa mga pinaka-malulubhang epekto ng ikot ng ekonomiya.

1.2. Ang Youth Unemployment ay tumutukoy sa kawalan ng trabaho sa mga kabataang may
edad labinlima (15) hanggang dalawampu’t apat (24). Ang kawalan ng trabaho sa mga kabataan
ay maaari ring bahagyang maiugnay sa hindi sapat na paghahanda sa akademiko o kolehiyo dahil
sa mga kahinaan sa sistema ng edukasyon tulad ng kakulangan sa pasilidad, mababang kalidad
ng pagtuturo at hindi napapanahong mga programa o curriculum.

1.3. Pinupunto naman ng Educated Unemployed ang kawalan ng trabaho ng mga indibidwal na
nakapag-aral. Ang kawalan ng trabaho ng mga nakapagtapos ng pag-aaral (elementarya
hanggang kolehiyo) ay nangangahulugang kakaunti na lamang o nawawalan na ng mga
oportunidad para sa produktibong paggawa sa bansa.

1.4. Ang Job Mismatch ay ang pagkakaroon ng trabaho na taliwas sa natapos na “degree” sa
kolehiyo. Halimbawa na lamang nito ay ang pagta-trabaho ng isang “Secondary Education”
graduate sa Call Centers. Nangyayari ito dahil sa kakulangan ng oportunidad sa industriya,

2
PRUDENCIA D. FULE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL San Nicolas, San Pablo City
limitadong impormasyon sa “Market Demand” at kakulangan sa paghahanda sa aspetong
akademiko.

Upang masolusyonan ang apat na suliraning ito sa Employment ng mga Pilipinong manggagawa ay
mayroong mga hakbang na maaaring isagawa ang pamahalaan.

A. Pagbuo ng humigit-kumulang isang milyong trabaho kada taon


B. Pagbuo ng pambansang polisiyang pang-industriya
C. Pagtuon sa mga patakaran at programa sa mga pangunahing lugar ng paggawa (workplace)
tungo pagiging produktibo ng paggawa
D. Pagbalangkas ng mga polisiyang pang-sektoral, pang-kalakalan at pang- pamumuhunan sa
pamamagitan ng social dialogue
E. Pagpapalawig ng mainam at mahusay na pook pang-negosyo
F. Pagtataguyod ng mahusay na paggawa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga
imprastraktura
G. Pagtataguyod ng pagne-negosyo
H. Pagtataguyod ng produktibong pamumuhunan at pagne-negosyo sa mga Overseas Filipino
Workers (OFWs)
I. Pagpapalawig ng mga programang pang-Agrikultura, Serbisyo at Industriya

2. WORKERS’ RIGHTS PILLAR – Sinisiguro nito na napoprotektahan ang mga karapatan ng mga
manggagawa alinsunod sa Saligang Batas (Constitution). Naglalayon din ito na palakasin pa ang mga
batas at magbuo pa ng mga karagdagang batas na lalong magpapaigting sa pagprotekta sa mga
karapatan ng mga manggagawa.

Narito ang ilang mga batas na nangangalaga sa mga karapatan ng mga Manggagawang Pilipino:

A. Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act) - nagsasaad ng mga mandato para sa
pagsasaayos ng pinakamababang pasahod o minimum wage na naaangkop sa iba’t ibang pang-
industriyang sektor
B. Artikulo XIII, Seksiyon 3 (Katarungang Panlipunan at mga Karapatang Pantao sa Paggawa) –
“Dapat magkaloob ang estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat,
organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga
pagkakataon sa trabaho para sa lahat.”
C. Pagbuo ng Labor Union – ito ay ang karapatan ng mga manggagawa na bumuo ng mga
samahan sa kanilang pinagtatrabahuhan.

3. SOCIAL PROTECTION PILLAR – Naglalayon na hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga
sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng mga manggagawa,
katanggap-tanggap na pasahod, at oportunidad na makapagtrabaho.

Mga Salik ng Proteksiyong Panlipunan (Social Protection) at mga hamong kinakaharap ng mga ito.

Social Protection Intervention Mga Isyu at Hamon na kinakaharap


Labor Market Intervention Kakulangan sa saklaw ng Social Protection
Social Insurance Kakaunting saklaw ng Minimum Wage bilang
sukatan ng Social Protection
Social Welfare Paglobo ng demand para sa mga trabahong pang-
kalusugan at kaligtasan
Social Safety Nets Pagiging vulnerable ng mga bata sa Child Labor.

4. SOCIAL DIALOGUE PILLAR – Nagsusulong sa pakikibahagi ng mga manggagawa at mga taga-empleyo


(employers) sa pagbalangkas ng mga hakbang ng pamahalaan tungo sa ikauunlad ng estado ng paggawa
sa bansa.
Tripartism - Ang Tripartism ay tumutukoy sa representasyon ng mga sektor ng mga
manggagawa at tagapag-empleyo sa pagsasagawa ng mga desisyon na naglalayong mapa-unlad ang
estado ng paggawa sa bansa.

3
PRUDENCIA D. FULE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL San Nicolas, San Pablo City
Mga Isyung Kaakibat ng Social Dialogue

A. Pagbaba ng bilang ng mga representante sa mga organisasyong pang-kalakalan at negosasyon sa


pasweldo at mga kondisyon sa paggawa.
B. Pagkakaroon ng kaaya-ayang lugar kung saan magaganap ang social dialogue
C. Pagkakaroon ng malinis na Labor Adjudication (paglilitis) sa mga kasong may kinalaman sa paggawa

Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t ibang Sektor

Sektor ng Agrikultura

Ilan sa mga suliranin at mga isyu na kinakaharap ng mga magsasaka sa ating bansa ay:
 Kakulangan para sa mga patubig sa mga taniman at palayan
 Kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda lalo na kapag may mga
nananalasang sakuna sa bansa tulad ng bagyo, tagtuyot at iba pa
 Globalisasyon
 Pagbibigay pahintulot ng pamahalaan sa pag-convert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng
mga subdivisions, malls at iba pang mga gusaling pang-komersyo tulad ng pabrika at bagsakan
ng mga produkto ng mga Transnational Companies

Sektor ng Industriya

Lubos din na naaapektuhan ng globalisasyon ang sektor ng industriya. Kabilang sa mga nakaka-
apekto sa sektor na ito ay ang mga sumusunod:
 Imposisyong ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) sa pagpapautang sa mga
bansa
 Import liberalization (pagbawas ng mga restriksyon sa mga produktong inaangkat mula sa ibang
bansa)
 Tax incentives (pagbabawas ng halaga ng buwis na ipinapataw sa isang gawaing pang-
ekonomiya o indibidwal)
 Deregularisasyon ng mga polisiya sa estado o bansa
 Pagsasa-pribado ng mga pampublikong serbisyo (tulad ng MRT at LRT)

Sektor ng Serbisyo

Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na
makakarating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa. Sa kabilang banda, hindi naman makakaiwas
ang sektor na ito sa ilang mga hamon at suliranin. Narito ang mga halimbawa:
 patakarang liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhan kasunduan
 mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino,
 pagiging “over worked” ng mga manggagawa sa sektor na ito
 pagkakaroon ng sakit dulot ng hindi normal na oras ng pagtatrabaho
 pagpasok ng mga malalaking kompanya sa kompetisyon ng mga “Small-Medium Enterprises”

Ang Iskemang Subcontracting

Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya
(principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor, na siyang kukuha naman
ng mga manggagawa, upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

Mayroong dalawang anyo ang Iskemang Subcontracting.

4
PRUDENCIA D. FULE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL San Nicolas, San Pablo City
1. LABOR-ONLY CONTRACTING

Principal Owner
May ari ng kumpanya na magbabayad sa mga subcontractors. Halimbawa ay ang
kumpanyang SPRINT, isang mobile network sa USA.

Subcontractor Tumutukoy sa tao o grupo ng mga tao na may kakayahang


mamuhunan at may malaking Kapital. Sila ay mga “entity” na
babayaran ng principal owner at mamamahala sa pagkuha ng mga
trabahador upang maisagawa ang serbisyo. Halimbawa ay
babayaran ng SPRINT ang Convergys (subcontractor) at kukuha
naman ang Convergys ng mga ahente o empleyado upang
maisagawa ang serbisyo.
Laborers Tumutukoy naman ito sa mga
manggagawa na ire-rekrut o
tatanggapin ng subcontractors
upang magtrabaho sa kanila.

Sa Labor-Only Contracting ay mapapansin na kahit ang Principal owner ang nagbayad sa


subcontractor upang maisagawa ang serbisyo o produkto na kaniyang nais maibenta ay ang
Subcontractor pa rin ang itinuturing na amo o “employer” ng mga manggagawang maire-rekrut.

2. JOB CONTRACTING

Laborers
Principal Owner
Subcontractor

Pasweldo at iba pang benepisyo

Sa Job Contracting naman makikita na may direktang pamamahala ang principal owner sa mga
manggagawa. Sa sistemang ito ay kukunin ng owner ang subcontractor upang humanap ng mga
manggagawa na tatapos sa isang proyekto o magsasagawa ng serbisyo ngunit ang owner pa rin, hindi
ang subcontractor, ang magpapasweldo sa mga trabahador at magsu-suplay ng mga pangangailangang
materyales para sa produksiyon.

Ang mga sistemang ito na nasa ilalim ng iskemang subcontracting ay naka-angkla at naaayon sa
Labor Code of the Philippines, Artikulo 106. Ito ay upang maproteksyunan ang mga karapatan at
kondisyon ng mga manggagawa na ire-rekrut ng subcontractors.

5
PRUDENCIA D. FULE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL San Nicolas, San Pablo City

You might also like