You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Kalye Luna, Lungsod ng Iloilo

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino – Baitang 11


(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik)

PANGKALAHATANG PANUTO:
Basahin at unawain ang sumunod na mga teksto at ang mga tanong ukol dito. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

Maraming Pagpipilian
Para sa bilang 1- 3

Ang hand, foot, and mouth disease o HFMD ay kilalang infectious disease na nakaaapekto sa
mga bata. Ang sakit na ito ay kadalasang dulot ng coxsackievirus na nakukuha sa pamamagitan ng
paglanghap ng mga droplet o maliliit na laway ng taong may sakit, o kaya naman ay sa paghawak ng
mga bagay na kontaminado ng dumi ng taong infected.
Kapag nagkaroon ng sakit na ito, ang pasyente ay magkakaroon ng mga sugat at pantal o
butlig sa kanyang mga kamay, paa, at bibig. Kung minsan, nagkakaroon din ng mga sugat at butlig
ang puwit. Bukod sa mga ito, makararanas din ang pasyente ng lagnat, pananakit ng lalamunan,
hirap sa paglunok, kawalan ng gana sa pagkain, at iba pa.
Ang HFMD ay hindi naman isang seryosong kondisyon bagama’t lubos itong nakahahawa. Sa
katunayan, maaaring gumaling nang kusa ang pasyente sa loob ng 7 o 10 araw. Ganunpaman,
hinihikayat na pangalagaan nang mabuti ang mga pasyenteng infected ng HFMD sapagkat maaari pa
rin itong magresulta sa iba’t ibang komplikasyon. Upang mas mabilis na gumaling sa kondisyon,
maaaring pahiran ang pasyente ng mga topical ointment, uminom ng mga gamot sa lagnat at
pananakit, uminom o kumain ng malalamig na inumin o pagkain, at iba pa.

Mula sa https://mediko.ph/karamdaman/hand-foot-and-mouth-disease/

1. Anong mga impormasyon ang nakapaloob sa tekstong binasa?


A. Mga pag-aaral tungkol sa HFMD
B. Mga lunas sa sakit na HFMD
C. Kahulugan, sanhi, sintomas at lunas ng HFMD
D. Ang mga dapat sundin upang makaiwas sa sakit na HFMD
2. Batay sa paksa ng teksto, ano ang maaaring maging pamagat nito?
A. Ang Mga Sintomas ng HFMD C. Ang Mikrobyong Sanhi ng Sakit
B. Ang Sakit na Hand, Foot, and Mouth D. Mga Paraan Kung Paano Mahahawaan
3. Layunin ng tekstong impormatibo ang makapaghatid ng impormasyong walang bahid ng personal na
pananaw o opinyon. Batay sa tekstong binasa, anong uri ito ng tekstong impormatibo?
A. Pagpapaliwanag
B. Pag-uulat pang-impormasyon
C. Paghahambing at Pagkokontrast
D. Paglalahad ng totoong Pangyayari/Kasayasayan

Para sa bilang 4 at 5

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kung hindi tunay na ligaya at kaginhawaan.
Kailanpama’t sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng
karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kung hindi
4. Ang paghihirap ng bayan ay sanhi ng ___________________.
A. Pagkamakasarili C. Kawalan ng bayani
B. Kahinaan ng bayani D. Digmaan
5. Kung gagamitin ang paghihibla sa mga konsepto sa talata, ano ang pinag-uusapan?
A. Kabayanihan B. Kaginhawaan C. Ligaya D. Pag-ibig
6. Anong uri o estruktura ng tekstong impormatibo ang naglalahad o nagpapakita ng pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari at ng kinalabasan ng mga naunang pangyayari?
A. Paglilista B. Pagbibigay-depinisyon C. Paghahambing D. Sanhi at Bunga
Para sa bilang 7

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang
taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't
ang tugon ni Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si
Pepe'y nagpumilit kaya't sandali munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawat titik. Hindi siya tumigil
sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay nangangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng
mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming
magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.
Halaw sa Mga Anekdota sa Buhay ni Rizal

7. Ang tagapagsalaysay ng anekdota sa buhay ni Rizal ay nakabuo ng salaysay _____________.


A. salaysay na nagpapaliwanag C. salaysay na pantalambuhay
B. salaysay ng nakaraan D. salaysay ng pakikipagsapalaran
Para sa bilang 8

Dala-dala palagi ni Matt ang kanyang radyo kahit pumunta sa gapasan ng mais. Bukod sa
naaaliw itong makinig ng musika at drama, palagi rin siyang nakikinig ng balita tungkol sa mga
kaganapan sa loob at labas ng ating bansa.

8. Bakit kailangang maihatid sa tao ang mga impormasyong kailangan nilang malaman?
A. Upang magamit nila sa pang-araw- araw. C. Nagbibigay ito ng sensitibong kaisipan.
B. Dahil nagiging palipas oras nila ito. D. Madali itong pakinggan at paniwalaan.
Para sa bilang 9-12

Noong nasa restawran kami at habang kumakain, pinagmasdan ko siya nang mabuti. Lalo
siyang gumaganda at nakakahalina. Mahinhin ang kanyang kilos habang siya ay kumakain. Nagulat
ako nang biglang naging kakaiba ang kanyang kilos. Kumunot ang noo ,lumuwa ang mga mata
habang hawak ang kanyang leeg. Parang naiilang na nahihirapan habang pasulyap-sulyap sa isang
basong tubig. Nahalata ko na siyay’y nabubulunan at hirap huminga kaya pumunta ako sa kanyang
likuran sabay yakap habang ang kamay ay sa kanyang tiyan at inipit pataas. Isinagawa ko ang
Heimlich Maneuver para mailabas ang bumara na pagkain o bagay.

9. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamalas sa teksto?


A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

10. Bakit nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng babae sa teksto?


A. Masakit ang kanyang leeg.
B. Siya ay nabulunan at hindi makalunok.
C. Hindi kanais-nais ang lasa ng kanyang kinakain.
D. Nahalata niyang pinanonood siya ng pangunahing tauhan.
11. Saan naganap ang pangyayari?
A. Kusina B. Opisina C. Restawran D. Simbahan

12. Anong emosyon ng pangunahing tauhan sa pagsisimula ng teksto?


A. Pagkabighani B. Pag-ibig C. Pagkainis D. Pagpapakatotoo
13. Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na may layuning magbigay ng mga kongkretong
impormasyon na magpapalawak sa isipan ng mambabasa. Anong uri ng teksto ang gumagamit
nito?
A. Naratibo B. Impormatibo C. Argumentatibo D. Deskriptibo
14. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling. Ano ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong ito?
A. Magkaroon ng malawak na kaalaman sa paksang isusulat.
B. May sapat na kaalaman sa wastong gamit ng mga salita.
C. May sapat na kakayahan sa pagsasaayos ng pangungusap.
D. Matukoy ang tamang pormat sa pagsulat.
15. Ang kahirapan ay talamak hindi lamang sa Quiapo kundi sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Kung
hihintayin lang lagi ang pagkilos ng pamahalaan upang matugunan ang suliraning ito ay matagal at
malayo pa ang lalakbayin ng bayan upang ito ay maibsan. Ano ang kahulugan ng salitang nakahilis?
A. laganap B. malubha C. malala D. matindi
16. Nakahiligan ni Ali ang mga insekto. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit nagbabagong-
anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na "Ang Pagbabagong-Anyo ng
Salagubang." Ano ang katangian ng teksto ang tinataglay nito?
A. Paglalahad ng totoong pangyayari C. Pagpapaliwanag
B. Pag-uulat pang-impormasyon D. Pantulong na Kaisipan
17. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Gustong malaman ni
Terrence ang kasaysayan sa likod ng pinakamahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas –
“Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.” Anong uri ng tekstong naratibo ang babasahin niya?
A. Salaysay ng pantalambuhay C. Salaysay na pangkasaysayan
B. Salaysay na nagpapaliwanag D. Salaysay na pakikipagsapalaran

18. Nagbabasa ng balita si Alexa. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito: “Inflation
lumala lalo sa 8.1% dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain – PSA,” balita mula kay James Relativo
ng Philstar.com noong Enero 5, 2023. Bilang mag-aaral gaya ni Alexa, ano ang kabutihang
maidudulot ng impormasyong makukuha sa balitang nabasa?
A. Nakakakita ng mga trends
B. Nababasa ang mga bagong ganap sa showbiz
C. Nakakakuha ng pinakabago at mahahalagang balita
D. Nakakatuwang basahin ang mga kaganapan sa paligid
19. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon at
tinatawag din itong ekspositori.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persweysib
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Prosidyural

20. Ang mga sumusunod ay ang dapat na paghandaan para sa pagsulat ng tekstong naratibo maliban
sa isa.
A. Piliin ang itatampok na pangyayari sa pagsasalaysay.
B. Isipin kung ano ang magiging paksa o layunin ng isusulat.
C. Pagsama-samahin ang mga detalye na bubuo sa mga pangyayari.
D. Piliin ang itatampok na pangyayari sa pagsasalaysay.
21. Elemento ng tekstong naratibo na nagbibigay-buhay at gumaganap sa isang kwento kung saan sa
kanya umiikot ang istorya.
A. Banghay B. Tagpuan C. Tauhan D. Paksa o Tema
22. Ano ang tawag sa cohesive device na gumagamit ng mga salitang maaaring tumukoy sa paksang
pinag-uusapan sa pangungusap?
A. Ellipsis B. Pang-ugnay C. Referensiya D. Substitusyon
23. Ano ang tawag sa cohesive device na may ibinabawas sa bahagi ng pangungusap ngunit
inaasahang maiintindihan pa rin dahil makatutulong ang unang pahayag upang matukoy ang nais
ipahayag ng nawalang salita?
A. Ellipsis B. Pang-ugnay C. Referensiya D. Substitusyon
24. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI naglalahad ng katotohanan tungkol sa tekstong
deskriptibo?
A. Maaaring mabasa ang tekstong deskriptibo sa tekstong naratibo.
B. Ang tekstong deskriptibo ay laging nakahiwalay sa ibang teksto.
C. Bihira itong magamit nang hindi kabahagi ng iba pang uri ng teksto.
D. Ang pagsulat ng tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa pagpipinta.
25. Nagtago si Laiza ng pitong cupcakes at si Lyka nama’y walo. Anong cohesive device ang ginamit
sa pangungusap?
A. Ellipsis B. Pang-ugnay C. Referensiya D. Substitusyon
26. Layunin nitong manghikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na ang tono ay maaaring
nangangaral, nambabatikos o nagpaparinig.
A. Persweysib B. Impormatibo C. Deskriptibo D. Naratibo
27. Makulay at matagumpay ang pagdiriwang ng Dinagyang Festival ngayong taon. Ito ay dinagsa ng
maraming turista mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Anong cohesive device ang ginamit sa pahayag?
A. Katapora B. Anapora C. Pamalit D. Elipsis
Para sa bilang 28-29
Muli na namang kinilala ang Palawan bilang pinakamagandang Isla sa buong mundo batay sa isang
survey na isinagawa ng isang kilalang international travel magazine, ang Travel – Leisure para sa taong 2020.
Matatandaang hawak ng Palawan ang titulo noong 2015, 2016, at 2017. Ngunit dahil sa pag-iingat ng
gobyerno sa COVID-19 nagkaroon ng pansamantalang pagpapahinto ng mga-negosyo kasama ang sektor ng
turismo, mga paliparan, mga hotel, at mga pasyalan ng mga turista.
Tinatayang 37,764 bawat buwan ang bumibisita sa Bayan ng El Nido na nahinto sa ngayon. Ito ay
pagsunod sa inilabas ng National Inter-Agency Task Force ng Omnibus Guidelines of Community Quarantine
in the Philippines.
Ang lokal na pamahalaan naman sa Palawan ay naglunsad ng iba’t ibang livelihood programs of
suporta sa mga apektadong negosyante at mamamayan na umaasa sa turismo.
Mula sa: DepEd TV Courtesy of Palawan
Provincial Information Office

28. Ano ang paksa ng binasang teksto?


A. Magandang tanawin sa El Nido Palawan C. Kalagayan ng turismo sa Palawan
B. Pananalasa ng Covid-19 sa Palawan D. Livelihood Program sa Palawan
29. Ang tekstong binasa ay nagbigay paliwanag kung paano ang kalagayan ng turismo sa Palawan.
Anong uri ng tekstong impormatibo ito?
A. Pagpapaliwanag C. Pagbibigay halimbawa at datos
B. Pag-uulat pang-impormasyon D. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan
30. Paano nakatutulong ang paggamit ng angkop na paglalarawan o deskripsiyon upang higit na
kalugdang basahin ang isang teksto?
A. Nakatutulong ito sa pagdedetalye tungo sa mas solido o buong imahen.
B. Nakatutulong ito sa pagpapaliwanag kung ano ang dapat gawin.
C. Nakatutulong ito sa pagbibigay impormasyon.
D. Nakatutulong ito sa pagsasalaysay ng pangyayari.
31. Malaking tulong ang E-bike kay Kyken sa araw-araw. Ito ang nagsisilbing niyang sasakyan patungo
sa paaralan. Maliban sa ito ay matipid dahil kuryente ang nagpapaandar, wala pang ibinubugang
maduming usok na nakakasira sa Ozone layer. Anong uri ng tekstong deskriptibo ang nakapaloob
sa pahayag?
A. Paglalarawan ng tauhan
B. Paglalarawan ng damdamin o emosyon
C. Paglalarawan ng tagpuan o lugar
D. Paglalarawan sa isang mahalagang bagay
32. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian at nilalaman ng mahusay na tekstong argumentatibo?
A. Mahalaga at napapanahong paksa
B. Maikli ngunit malaman at malinaw ang pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
C. May isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa
D. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento
Para sa bilang 33-34

Ika-14 ng Marso, 2023


Mahal kong Tatay at Nanay,
Sa darating na Linggo, Marso 17, ay bigayan po ng kard nina Miguel. Ipinagbilin po ng
kanyang tagapayo na makipagkita ako sa kanya. Binanggit po niya na bumagsak si Miguel sa lahat
ng aralin dahil sa pagliban-liban niya sa klase. Laging natutulog sa klase dahil sa mukhang antok na
antok. Hindi rin siya nakakapasa dahil sa walang nagagawang takdan-aralin.
Palagay ko Nanay, napapasama po siya sa masasamang barkada. Sana po ay hindi
magkatotoo ang aking hinala. Akin po siyang haharapin at kung magkatotoo ang aking kutob,
patitigilin ko na po lamang siya at pauuwiin ko na lamang diyan. Sa isang taon na po ninyo siya
ipasok diyan sa atin. Alam naman po ninyong maghapon ako sa trabaho, kaya hindi ko po siya
laging nasusubaybayan.
Salamat po sa inyo!
Nagmamahal,
Jia

33. Binanggit po niya na bumagsak si Miguel sa lahat ng aralin dahil sa pagliban-liban niya sa klase.
Ang pahayag ay nagpapahiwatig ng:
A. Paglilista ng klasipikasyon C. Paghahambing
B. Pagbibigay-depinisyon D. Sanhi at Bunga
34. Sa kabuuan ng liham, ang teksto ay nasa uring:
A. Tekstong Impormatibo C. Tekstong Deskriptibo
B. Tekstong Persweysib D. Tekstong Naratibo

35. “Talagang marami ang nagugutom sapagkat kulang sa disiplina ang mga mamamayang namihasa
sa pagwawalang-bahala. Kaya dapat huwag iasa sa gobyerno ang solusyon sa kahirapan dahil
lamang sa kawalan ng motibasyon na magbanat ng buto sa mabuting paraan.” Alin sa pahayag ang
proposisyon?
A. Talagang marami ang nagugutom sapagkat kulang sa disiplina ang mga mamamayang
namihasa sa pagwawalang-bahala
B. Dinaranas ang kahirapan sa kawalan ng motibasyon na magbanat ng buto sa mabuting
paraan.
C. Kaunti ang nagugutom sapagkat sapat disiplinado ang mga mamamayan
D. Dapat huwag iasa sa gobyerno ang solusyon sa kahirapan.
Para sa bilang 36 - 40

Naging kasamahan ni Julio si Atong sa trabaho sa konstruksyon. Naging kaibigan. Ang


nagdaang buhay ng pamilya ni Atong ay nagpagunita sa kaapihang tinamo ng pamilya ni Elias sa
Noli Me Tangere. Tulad ng pamilya ni Elias, ang pamilya ni Atong ay inagawan din ng lupa. Tulad ni
Elias, may isa ring kapatid na dalaga si Atong, si Perla. Mahal na mahal niya ang kapatid. Balak
niyang ibili ito ng sapatos at damit sa Pasko. Ngunit hindi natupad ang munting pangarap ni Atong.
Ang kanyang suweldo ay hindi ibinigay sapagkat kulang pa raw ang pambayad sa basag na
habonerang pilit na ipinasasagot sa kanya gayong hindi naman niya kasalanan ang pagkabasag.
Nakiusap si Atong sa namamahala sa kanilang si Kalbo. Sininghal siya ni Kalbo, na mainit ang ulo
dahil sa pagkatalo sa sugal.
Hindi nakapagtimpi, binuntal ni Atong si Kalbo.
Dinakip si Atong. Ginulpi sa City Jail. Dinala sa ospital at doon namatay. Ang pahayag sa City
Jail ay nakipag-away si Atong sa isang barkadang kasama sa selda.

Halaw sa Maynila: Sa Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes

36. Ang tagpuan sa binasang teksto ay_______________.


A. Kontruksyon B. Ospital C. City Jail D. Bahay
37. Ang tunggalian sa teksto ay_________________.
A. Tao vs. Kalikasan C. Tao vs. Sarili
B. Tao vs. Lipunan D. Tao vs. Tao

38. Tulad ni Elias, may isa ring kapatid na dalaga si Atong, si Perla. Mahal na mahal niya ang
Kapatid. Ipinahihiwatig ng may-akda sa pahayag ang paglalarawang _________________.
A. Reaksiyon B. Impresyon C. Subhetibo D. Obhetibo
39. Batay sa teksto, ano ang ginamit na ayos ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari o
estruktura?
A. Analepsis B. Ellipsis C. Kumbensiyonal D. Prolepsis
40. Ano ang pangunahing paksa ng teksto?
A. Kalupitang dinanas ni Atong C. Pangarap ni Atong
B. Kamalasan ni Atong D. Alaala ni Atong

Para sa bilang 41 – 44
Adobong Manok
Mga Sangkap:
1 pirasong bawang, tinadtad 1 maliit na lata ng hiniwang pinya
1 pirasong sibuyas, hiniwa 1 kilong manok, hiniwang katamtamang laki
1 hinlalaking luya, hiniwa ¼ kutsaritang asin
3 pirasong dahon ng laurel ¼ tasang toyo
1 pirasong siling haba ¼ kutsaritang pamintang buo
1 tasang suka ½ kutsarang asukal
1. Pagsamahin sa kaserola ang manok, suka, bawang, laurel, luya, toyo, asin at paminta.
2. Pakuluin, pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot.
3. Kapag natuyuan ay magdagdag ng tubig.
4. Kapag malambot na ang manok ay alisin na ito sa sarsa.
5. Sa isang kawali, igisa ang natitirang bawang.
6. Idagdag ang itinabing manok at lutuin hanggang matusta.
7. Ibuhos ang sarsa o pinaglutuan ng manok. Pakuluin.
41. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamalas sa seleksyon?
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
42. Paano binigyang-katuturan ng may-akda ang paksa sa seleksyon?
A. Paghahambing at pagtatambis C. Paghahalimbawa
B. Pagbibigay patnubay D. Pagkilala sa sanhi at bunga
43. Bakit kailangang hinaan ang apoy pagkatapos pakuluan ang manok?
A. Upang kumapit ang lasa ng toyo. C. Upang lumambot ang manok.
B. Upang maalis ang lansa ng manok. D. Upang maging tuyo ang manok
44. Ano ang karagdagang pakinabang ng paglalagay ng suka sa pagkaing iniluluto?
A. Bilang pampaalat C. Upang maghiwalay ang mantika at tuyo
B. Bilang pantanggal ng lansa D. Upang hindi madaling mapanis ang iniluluto
45. Si Michie ay inatasang gumawa ng isang tekstong nangangatwiran upang ipagtanggol ang
pinapanigan sa usaping pagsasalegal ng Same Sex Marriage. Alin sa mga sumusunod ang layunin
nito?
A. Mangumbinsi o manghikayat ng mga mambabasa gamit ang mga datos at impormasyong
inilatag.
B. Magsalaysay ng mga pangyayari na may tauhan, tagpuan at banghay na sinusunod.
C. Maglahad ng kaalaman o impormasyon nang malinaw at walang pagkiling.
D. Manghikayat at mapaniwala ang mga mambabasa gamit ang emosyon, kredibilidad at lohika.

46. Sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto ay may tiyak na layuning dapat matamo. Anong bahagi ang
pumupukaw sa interes ng mga mambabasa upang ito’y tapusing basahin?
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Panimula
47. Sa bahaging ito ng tekstong argumentatibo kailangang maliwanag at tiyak ang pinagtatalunan. Ang
mga ideyang ginagamitan ng “Lahat o Wala” ay iniiwasan dahil mahirap itong patunayan.
A. Personal na dahilan B. Pinagkakasunduan C. Paksa D. Tesis
48. Sulating nagbibigay ng sariling ideya at opinyon tungkol sa napanood o binasang tekstong may
kinalaman sa gawi ng mga tao, bagay, pook at pangyayari.
A. Pananaliksik B. Reaksyong Papel C. Argumentatibo D. Persweysib

49. Ang mga mag-aaral ay inilahad ang kanilang ideya at opinyon sa usaping pagtanggal ng
karagdagang dalawang taon sa hayskol sa kasalukuyan. Alin sa mga sumusunod na kabuluhan ng
paggawa ng reaksyong papel ang angkop sa sitwasyon?
A. Nabibigyang katuwiran ang sariling reaksyon.
B. Nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri.
C. Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa paligid.
D. Nakikilala ang sariling pagkatao at kakayahan.
Para sa bilang 50

Sa mga palabas na tulad ng Starstruck at Star Circle Quest, ginagampanan ng mga


tagapagsanay o mentor ang pagbibigay ng gabay o tips upang maituro ang iba't ibang teknik sa pag-
arte maging ang wastong emosyon para sa iba't ibang eksena. Maaaring nakatutulong ngunit sa
kabilang banda ay pumipigil din ito sa mga kalahok na ilabas ang kanilang galing sa pagiging
malikhain dahil sa limitasyon na kapag hindi naisagawa ang ibig ng mentor ay maaaring magresulta
sa masamang fidbak.
Halaw mula sa “Ang Realidad sa mga Reality Shows:
Tunay o Huwad” Reaksiyong Papel ni Bb. Diana Palmes

50. Anong kahalagahan ng reaksyong papel ang sumasalamin sa pahayag?


A. nakikilala ang sariling pagkatao at kakayahan sa pagbuo ng mga kaisipan
B. namumulat ang kaisipan sa mga mangyayari sa lipunan
C. nabibigyang katuwiran ang sariling reaksyon
D. nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri

Inihanda nina:

SALVACION C. MURILLO KATTIE C. TAGUD RHYNE MAE S. GALES JOSEPH P. CAGCON


Miag-ao National High School Calinog NCHS Lawigan NHS Buga National High School

Pinansin ni:

MARITES C. CAPILITAN, PhD


Education Program Supervisor I, Filipino

You might also like