You are on page 1of 1

ANG PUNONG KAWAYAN

Ako'y napatingin at aking napansin


Na sa bawa't hampas at sampal ng hanging,
Dulo ng kawaya'y sumusunod mandin
Ngunit umiingit, waring tumututol,
Parang dumaraing.

Matapos yumuko ay muling tutuwid,


Babalik sa dating marangal na tindig;
Kahit humilig ay ayaw padaig
Sa dagok ng hanging nais na maghari't
lubos na manlupig.

Kapag dumarating ang bagyo at luha,


Ang kawaya'y nag-aalalayan
Sila ay mistulang nangaghahawakan,
Nangagyayakapan, nangagdadamaya't
nangagsasandigan.

At kapag may ilang natumbang kawayan


Sila'y kinakalong sa mga kandungan
Ng ibang kawayan, upang alalayan
Na huwag masubsob sa dumi at lusak Ng
lupang putikan.

Ibang punongkahoy ay nangagbulagta,


Lubusang napigtas Ang ugat sa lupa;
Ngunit ang kawayan, bagama't salanta
Bali man ang tagyang ay hindi tuluyang
subasob at dapa.

Ang mga bagyo'y lilipas, tatakas, papanaw;


At muling ngingiti't sisikat ang araw...
Ang mga kawaya'y magbabagong buhay,
Tingala ang noo sa langit na bughaw -
Parang nagdarasal.

Submitted by:

CARLO JOSE B. AGUSTIN

You might also like