You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Region VII-Gitnang Visayas
SANGAY NG BOHOL

PANG-ARAW-ARAW NA GABAY SA PAGTUTURO NG KOMUNIKASYON


AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Kwarter :1 Araw at Petsa : Lunes, Agosto 29, 2022


Linggo :2 Pamagat ng Modyul: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at
Multilingguwalismo
Modyul. :2 Aralin/Paksa: Monolingguwalismo at Bilingguwalismo

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga
karanasan(F11PS-Ib-86)

II. Paksa
Aralin/Paksa : Monolingguwalismo at Bilingguwalismo
Mga kagamitang Pampagtuturo: Modyul 2: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at
Multilingguwalismo
III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral/ Paghahanda/ Pagganyak
- Ipapasagot sa mga mag-aaral ang Balikan ng Modyul 2:

B. Paglalahad/ Pagtatalakay ng Aralin


- Ipasasagot sa mga mag-aaral ang mga katanungang ito bilang motibisyunal na tanong:
1. Naranasan niyo na bang gumamit ng dalawang wika sa pakikipagkomunikasyon?
2. Madali bang natatamo ang pakikipagkomunikasyon gamit ang dalawang wika?
3. Masasabi bang epektibo ang paggamit ng dalawang wika sa pakikipagkomunikasyon?
- Talakayin ang mga konsepto ukol sa monolingguwalismo at bilinguwalismo na nasa
bahaging Suriin.

C. Paglalahat:

Ipasasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang bilinggwalismo?
2.Gaano kahalaga ang bilinggwalismo sa pakikipagkomunikasyon?

D. Paglalapat
-Mag-isip ng mga sitwasyon sa paligid kung saan nagaganap ang bilinggwalismo.
Pagkatapos ay ilahad ito sa klase.

E. Pagpapayaman
- Sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong:
Nakatutulong ba ang bilinggwalismo sa mabilis na pagkatuto ng mga estudyante?
Pangatuwiranan.

IV. Pagtataya /Performans Assessment (isang beses lang sa loob ng dalawang linggo)
- Walang pagtataya na ibibigay sa araw na ito.

V. Kasunduan/ Takdang-Aralin (ibibigay bawat Lunes)

MGB 2022
Pumili ng isang babasahin na ginagamitan ng higit sa dalawang wika na maaaring mula sa
pahayagan o magazine at suriin at i-organisa ang mga salitang ginamit gamit ang talahanayan na
makikita sa ibaba.
Halimbawa:

Cebuano Filipino Ingles


handumon sawi forever

MGB 2022

You might also like