You are on page 1of 21

De La Salle John Bosco College

La Salle Drive, Mangagoy, Bislig City


Basic Education Department

DAILY LEARNING PLAN IN FILIPINO 6

Paksa: Pangunahing Paksa at Pantulong ng mga ideya sa isang talata Quarter: 1


Subject Teacher: Ms. Sheena B. Abarquez
&
Ms. Golda Crizelle
Noquiao

Institutional Values/ Learning Strategies


21st Century Skills Competencies
(3 I’s) References Remarks
(MELCS DepEd
Curriculum)

IKATLONG LINGGO

Critical thinking Unang Araw Ang


pangunahing
Preliminaries paksa at mga
Creativity and  Panalangin pantulong na
Collaboration  Pagtatala ng liban detalye.
 Mga Alituntunin sa klase

INTRODUKSYON

A. Pagbabalik aral

PASS THE CLAP


Tatanungin ng guro kung ano ang tinalakay noong nakaraang tagpo sa pamamagitan
ng pass the clap habang nagkakaroon ng isang awit at kapag huminto ang kanta siya
ang sasagot sa naging katanungan.

B. Motibasyon

PRE-TEST

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. “Isinilang siLiongo sa isa s apitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya. Siya


Naisukat ang angnagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang
kasalukuyang lugar.Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante na hindi nasusugatan
antas ng nganomang armas. Ngunit kung siya ay tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod
aymamamatay siya. Tanging si Liiongo at ang kaniyang inang si Mbwasho
kaalaman ng
angnakakaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at Shangha sa Faza
mag-aaral tungkol oisla ng Pate.”
sa isang
partikular na Tanong:Base sa ikalawang pangungusap ng talata, alin sa mga sumusunod ang
paksa maaaringkilos o gawi ni Liongo?

a. Naglalakadna palaging nakataas ang noo.

b. Madalas na lumilikha ng mga tula.

c. Magaling bumigkas ng tula.

d. Lumakad nang may kahambugan

2. Batay satalataan sa tanong bilang 1, alin sa mga sumusunod ang maaaring


magingmatinding suliranin ni Liongo sa akda?

a. Malakas at mataas din siya tulad ng isanghiggante na hindi nasusugatan ng


anomang armas
b. Tangingsi Liongo at ang kaniyang ina ang nakakaalam ng kaniyang lihim.

c. Kung siya ay tatamaan ng karayom sa kaniyangpusod ay mamamatay siya.

d. Harisiya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at Shangha sa Faza.

3. Sinabi ngtagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. “Ito ay


isang kasinungalingan,gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ay hindi
nagsalitasapagkat alam niya ang totoo.

Tanong:Alin sa mga sumusunod ang may malinaw na kaugnayan sa binasa?

a. Desisyon ng tauhan
b. Suliranin sa akda
c. Kilos at gawi ng tauhan
d. Klimaks ng akda

4. “Nakatutuwang isipin na mayroon tayong buddingof writers sa panahong ito na


nangangarap na maging tanyag sa larangan ngpagsusulat.” Alin sa mga sumusunod
ang angkop na salin ng pariralang maysalungguhit?

a. Mga bagong usbong na manunulat


b. Mga batang manunulat
c. Mga bagong manunulat
d. May namumukadkad na manunulat

5. “No ID, No entry.” Alinsa mga sumusunod ang ginamitan ng angkop na pamantayan
sa pagsasalin ngpangungusap?
a. Wala ID, Wala pasok
b. Bawal pumasok angwalang ID
c. Walang pasok angwalang ID
d. Walang ID, walang pasok

6. Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-eDin (MND) ang


pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa.Lagi itong
naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mgabata pa. Libo-
libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni MullahNassreddin sa kanilang
lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sapagkukuwento dahil sa mapagbiro
at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang
kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.

Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ngisang talumpati sa harap ng


maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanongsiya, “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig“Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala
akong panahong magsalita sa mgataong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay
umalis. Napahiya ang mgatao.

Inanyayahan siyang muli upang magsalitakinabukasan. Nang muli niyang tanungin


ang mga tao ng katulad na katanunganay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah
Nassreddin “Kung alam na pala ninyoang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang
marami ninyong oras” mulisiyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa
kaniyang naging sagot.Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin
upang magbigay ngpahayag at muli siyang nagtanong, “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi
ng“Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita siMullah
Nassreddin. “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayoang magsasabi sa
kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.

Alin sa mga sumusunod ang akmangdeskripsyon kay Mullah Nassreddin bilang


pangunahing tauhan sa binasanganekdota?

a. mapang-asar

b. seryoso

c. mapagbiro

d. malalim mag-isip
7. Alin sa mga sumusunod ang masasabingangkop na paksa ng binasang anekdota?

a. Pagbibirong hindi maunawaan ng mga tao.

b. Pagbibirong nakaloloko.

c. Paraanng pagbibiro ni Mullah Nassreddin.

d. Paraan ng pagbibiro ng isang Persiano

8. Sa pangungusap bilang 9ng anekdota, ano ang ibig sabihin ng salitang “napahiya”
batay sa panlapingginamit sa salita?

a. Katatapos pa lamangmapahiya ang mga tao.

b. Kasalukuyang napapahiya ang mga tao.

c. Tapos nang napahiya ang mga tao

d. Gagawin pa lamang angkilos na pagpapahiya sa mga tao.

9. Ang salitang “lumisan”sa pangungusap bilang 15 ng anekdota ay ginamitan ng


panlaping um. Alinsa mga sumusunod na salita ang kasing kahulugan nito ayon sa
pagkakagamit saakda?

a. pumanaw

b. umalis

c. umaalis

10. Ika’y biniyayaan ng mgamatang naglalagablab, (1)

At ang pambihirangpangungunot ng iyong kilay (2)


Ay hindi ba palatandaanna ika’y maingat nilang pinanday? (3)

Yaman ni Zeus atAprodite sa iyo’y kanilang inalay. (4)

At ang katalinuhangnangungusap sa iyong mga mata, (5)

Maging sa iyong mgahalakhak. (6)

Paano ka pangangalanan,aking inakay? (7)

Ikaw ba’y lahi ng iyonglahi oo naiibang lahi?” (8)

Aling linya sa tula ang ginamitan ngsimbolismo?

a. 2

b. 1

c. 6

d. 8

11. Aling linya sa tula angginagamitan ng matalinghagang pahayag?

a. 4

b. 1

c. 8

d. 2

12.”Talagangnapakahusay mong magluto McSeth,” wika ni Kimbauer habang bantulot


nanaglalagay ng kapirasong pagkain sa kaniyang pinggan.

Tanong:Alin sa mga sumusunod ang damdaming nakapaloob sa binasang


pangungusap?

a. natutuwa
b. nagagalit
c. naiinis
d. nasasaktan

13. Kayailipad mo, gabing walang maliw,

Angilaw at hamog ng aking paggiliw;

Ilipadmo habang gising ang damdamin

Sabanal na tugtog ng bawat bituin!”

ang ikalawang estrapo ng tula ay nangangahulugang_____.

a. matamlayna pagmamahal
b. initat lamig ng pagmamahal
c. malamig napagmamahal
d. labisna init ng pagmamahal

14. Namayani : naghari ;gugugulin : _____

a. papaluin
b. kakainin
c. gagastusin
d. sasabunin

15. Berde : kagubatan ;asul : ____

a. baro
b. Kakahuyan
c. kulay
d. karagatan

16. Alin ang angkop na pagsasalin sapariralang “Apple of the eye”?

a. Mansanas sa paningin
b. Paborito
c. Mansanas sa mata
d. Kinaiinisan

17. Alin ang angkop na pagsasaling kultural sapahayg na “Give unto Ceazar what is
due to Ceazar.”

a. Ibigay kay Juan ang lahat ng kay Juan


b. Ibigay kay Ceazar ang nararapat kay Ceazar
c. Ibigay kay Ceazar ang lahat ng gustoniya
d. Ibigay kay Juan ang nararapat kay Juan

18. Alin sa sumusunod ang mga salitang nangangahulugan ng intensyonal na kilos


batay sa ginamit napanlapi?

a. Nabasa
b. nasulat
c. napulot
d. Binasa

19. Ang pangunahing kaisipan ang pundasyon ng talata.


a. TAMA
B. MALI

20. Maaring gumamit ng mga pantulong na kaisipan na walang kaugnayan sa


pangunahing kaisipan.

a. TAMA
B. MALI.

JUMBLE LETTER Wordwall

 Magbibigay ang guro ng mga letra na may kaugnay sa pangunahing


paksa at pantulong ng mga ideya sa isang talata at buohin ng mga mag-
aaral ang mga nagkagulong mga letra.

Pamprosesong tanong:

 Ano-ano ang inyong napansin sa mga salita?


 Ano nga bang paksang tatalakayin natin ngayon?

Iproseso ng guro ang sagot ng mga mag-aaral.

INTERAKSYON
PowerPoint
C. Pagsasanib sa Gramatika/Retorika
Natutukoy ang  Talakayin ng guro ang pangunahing paksa at pantulong ng mga Presentation
kahulugan ng ideya sa isang talata.
pangunahing
Talata- Binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay.
paksa at
 Binubuo rin ng pangunahing paksa (PP) at mga pantulong na detalye
pantulong na mga
(PD).
ideya sa isang
talata.
Pangunahing Paksa
 Main idea
 Sentro o pangunahing tema sa talata.
 Kadalasan ay makikita sa unang pangungusap (imply) at huling
pangungusap.

Mga pantulong na Detalye


 Supporting details/information.
 Mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may
kaugnayan sa paksang pangungusap.

Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng isang talata tungkol sa hindi makakalimutan na


Nakasusulat ng karanasan sa buhay. Bilugan ang pangunahing ideya at salungguhitan ang mga
isang talata pantulong na detalye.
tungkol sa hindi
makakalimutan
na karanasan sa
buhay.
GAMIT ANG PADLET

INTEGRASYON
Padlet
Bakit mahalaga na kailangan nating malaman o matukoy ang pangunahing paksa at
Naibibigay ang ang pantulong na ideya ng isang akda? Gaano ka importante ang papel ng
kahalagahan ng dalawang ito?
pangunahing
paksa at
pantulong ng mga
ideya sa isang sa IKALAWANG ARAW
isang akda.
Preliminaries

 Panalangin
 Pagtatala ng liban
 Mga Alituntunin sa klase

INTRODUKSYON

A. Balik-aralin

WHEEL OF NAMES Flippy


 Tatanungin ng guro kung ano ang tinalakay na paksa sa
pamamagitan ng wheel of names na kung kaninong pangalan ito
huminto siya ang magbabahagi sa paksang natakalay.

B. Motibasyon

KAYA KO TO

Panuto: Basahin ang talata. Isulat sa sagutang papel ang pangunahing paksa at mga
Nakasusulat ng pantulong na mga ideya na ginagamit dito. Gawing gabay ang talaan na nasa ibaba.
pangunahing
Dinaan sa panalangin at pagkakaisa ng mga Pilipino ang pakikibaka laban sa isang
paksa at mga
diktador. Walang nagbuwis ng buhay ni gumamit ng dahas upang makamit ang
pantulong na mga
minimithing kalayaan. Naging payapa at hindi madugo ang pakikipaglaban sa
ideya sa
kalayaan ng mamamayang Pilipino. Sinasabing kakaiba ang rebolusyong naganap
nabasang talata.
noong ika-22 hanggang 25 ng Pebrero taong 1986.

Pangunahing Paksa:

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

Pantulong na Kaisipan:

(1)___________________________________________________

_____________________________________________________

(2)___________________________________________________

_____________________________________________________

(3)___________________________________________________

_____________________________________________________
Pamprosesong tanong:

1. Ano-ano ang napapansin ninyo sa talata na inyong nabasa at naisulat?

Iproseso ng guro ang sagot ng mga mag-aaral.

INTERAKSYON
Naipapakita ang
C. Magpapakita ang guro ng isang talata na may pangunahing paksa at pantulong
halimbawa ng
na mga ideya nito.
isang talata na
may pangunahing
paksa at D. Mga gawain sa pagtamo ng kaalaman.
pantulong na mga
ideya. PAGYAMANIN

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa kasalukuyang problemang hinaharap ng


ating bansa. Ang talata ay kailangan nagtataglay ng 5 hanggang 7 na pangungusap.
Ikahon ang pangunahing paksa.

____________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

INTEGRASYON

Nabibigyang C. Pagpapahalaga
 Lalagumin ng guro sa pamamagitan ng isang tanong.
halaga ang mga
pantulong na mga
Bakit mahalaga ang mga pantulong na mga ideya sa isang talata?
ideya sa isang
talata.
IKATLONG ARAW

Preliminaries

 Panalangin
 Pagtatala ng liban
 Mga Alituntunin sa klase

INTRODUKSYON

A. Balik-aralin
RANDOM CARDS
Sa ilalim ng upuan ay may nakadikit na papel kung saan nakasulat ang mga numero Wordwall
mula 1 hanggang 15. Gamit ang isang website, magkakaroon ng "shuffle card" at kung
anong numero ang lumabas ay siyang magbabahagi ng kanyang natutunan noong
nakaraang araw.

B. Motibasyon
. ANAGRAM
Gamit ang isang interaktibong website ay bubuohin ng mga mag-aaral ang mga
ginulong letra.

1. AKAI ISNP:
2. TSUIR AP:
3. KOTEST:
4. APNGULONT:
5. UPAGHNAINN:
6. WIADPAO:

Natutukoy ang
pangunahing at
pantulong PAGBABASA
kaisipan mula sa
isang sanaysay Babasahin at uunawain ng mabuti ang isang sanaysay mula sa panitikang Luzon na
pinamagatang. “Nang Maging Mendiola Ko ang Internet Dahil kay Mama” ni Abegail
Jay Yuzon Lee.

“Nang Maging Mendiola Ko ang Internet Dahil kay Mama”


Sa unang bahagi ng sanaysay, ipinakita niya ang kanyang hindi pagkakainteres sa
pulitika at sa mga rally. Gayunpaman, sa tulong ng kanyang ina, na may interes sa
mga isyung panlipunan, natuklasan niya ang kahalagahan ng pagiging bahagi ng
lipunan at ng pagpapahalaga sa mga isyung panlipunan.

Sa pamamagitan ng internet, napanood niya ang mga aktibidad sa Mendiola at naging


saksi sa mga hindi kanais-nais na pangyayari na naganap sa rally. Hindi man siya
nakasama sa rally, nagkaroon siya ng pagkakataon na magpakita ng kanyang suporta
sa pamamagitan ng paglahad ng kanyang saloobin sa social media.

Sa huli, ibinahagi ng may-akda ang kanyang pagkamulat sa kahalagahan ng


pakikibahagi sa mga isyung panlipunan at kung paano ito nakatulong sa kanyang
pagpapakatao bilang isang indibidwal. Ang sanaysay na ito ay nagpapakita ng
kahalagahan ng pagkakaroon ng interes sa mga isyung panlipunan at kung paano ito
nakapagbibigay ng pag-asa at pagkamulat sa ating kaisipan at pananaw sa mundo.

INTERAKSYON
Nakakasagot sa ISAISIP
mga tanong
tungkol sa isang Gawain: Pag-unawa sa binasa.
sanaysay na 1. Ano ang paksa ng sanaysay?
PowerPoint
binasa. 2. Ano ang nais ipaunawa sa akin ng awtor tungkol sa paksa?
3. Batay sa akda, bakit na nagging Mendiola niya ang internet? Presentation
4. Ano ang pangunahing kaisipan na tumatak sa iyong isipan mula sa akda?
5. Sang-ayon ka bas a pahayag na “Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa
pagsasalita” Bakit?

Nagpapakita ng INTEGRASYON
pagpapahalaga
sa mga ideya at VALUES CLARIFICATION ACTIVITY
konsepto na
nakapaloob sa Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kanilang personal na pananaw o kahulugan sa
teksto, at mga pangunahing at pangtulong na kaisipan na nakapaloob sa teksto.
pagmamalasakit Halimbawa, kung ang pangunahing kaisipan ay tungkol sa pagiging
sa mga ito. mapagkakatiwalaan, magbibigay ng personal na kahulugan ang bawat mag-aaral
tungkol sa kung ano ang ibig sabihin nito para sa kanila.
IKAAPAT NA ARAW

Preliminaries
 Panalangin
 Pagtatala ng liban
 Mga Alituntunin sa klase

INTRODUKSYON

A. Motibasyon
SABIHIN MO

Tingnang mabuti ang larawan at isulat sa pisara ang maarin ginagawa ng guro.

Napapalawak ang
kaalaman ng mga
INTERAKSYON
mag-aaral sa
pagsusulat at Pangkatang Gawain (ALPHA)
pag-unawa sa uri Panuto: Magsaliksik ng isang tula tungkol sa Pag-ibig sa tao, bayano kalikasan.
ng tula. Pagkatapos Mabasa ang tulang nasaliksik, tukuyin at isulat sa graphic organizer ang
pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan na naglalahad sa diwang nais
iparating ng sumulat sa mambabasa.
Nauunawaan ng
mag-aaral kung Pagyamanin (BRAVO)
paano Panuto: Basahin ang talata at isulat ang pangunahing kaisipan sa sagutang
makakakuha ng papel. At sabihin kung saang bahagi (unahan, gitna o hulihan) ng talata nakuha
pangunahing ang pangunahing kaisipan.
kaisipan mula sa
isang talata 1. Ang panitikan sa panahon ng Amerikano at Komonwelt ay naging masigla at
maunlad. Naging malaya ang mga manunulat sa alinmang akda na kanilang
isusulat. Marami ang nailimbag na mga aklat pampanitikan at mga babasahin
sa panahong ito.

Sagot: Bahagi ng talata:

2. Totoo, ang mga doktor, nars at ibang mga frontliners ay handang magbuwis ng
kanilang buhay. Sila ang ating mga bagong bayani sa kasalukuyan. Nagtiis at
nagsakripisyo upang alagaan ang mga maysakit lalo na ang nagpositibo sa
corona virus.

Sagot: Bahagi ng talata:

3. Ang pagpapatupad ng edukasyon sa Pilipinas ng mga Amerikano ay mayroong


tatlong layunin. Una, upang palaganapin ang demokrasya. Pangalawa, sanayin
ang mga Pilipino sa pagkamamamayan at ang panghuli ay ipakalat ang wikang
Ingles sa ating bansa.
Sagot: Bahagi ng talata:

4. Sa panahon ng mga Amerikano, sinimulan ang pagtatatag ng mga


pampublikong paaralan at ginawa itong sapilitan. Ginamit ang wikang Ingles
bilang midyum sa pagtuturo. Hindi maipagkaila na ang pamahalaan ng Estados
Unidos ang namamahala sa pagbibigay ng libreng edukasyon sa Pilipinas.

Sagot: Bahagi ng Talata:

5. Ganito ang sitwasyon ng sambayanang Pilipino sa kasalukuyan. Nagkaroon ng


malubhang problema sa komunikasyon ang bawat Pilipino. Labis na hindi sila
nagkakaintindihan at hindi nagkakaisa sa kanilang pag-iisip, pagnanasa at
pagkilos sa pambansang kaunlaran. Sapagkat hindi mabisa ang komunikasyon
sa isa’t isa.

Sagot: Bahagi ng Talata:

Nakapag-analisa INTEGRASYON
at nakapagtukoy TAYAHIN
ng ugnayan ng Panuto: Hanapin sa Hanay B ang pantulong na kaisipan ng pangunahing kaisipan na
pangunahing nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
kaisipan sa mga
pantulong na Hanay A
kaisipan. 1. Ang paggamit ng kompyuter ay magbibigay ng kagalingan sa isang indibidwal.
2. Sinikap ng DepEd na maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya.
3. Dumami ang kaso ng COVID 19 sa mga rehiyon ng bansa nang ipatupad ang Balik-
Probinsya Program.
4. Ang pagtaas ng bilang ng mga nawalan ng trabaho sa bansa ay nakababahala.
5. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay mga kabataan.

Hanay B
A. Labis na naapektuhan ang mga bata kung may krisis.
B. May mga magulang na nais patigilin ang kanilang mga anak dahil sa Covid 19.
C. Naghihintay ang bawat isa sa hatol na haharapin.
D. Napaaayos nito ang paghahanda ng alinmang ulat gamit ng iba’t ibang software.
E. Pansamantalang ipinatigil ang pagpapauwi sa mga Pilipinong mula sa mga lugar na
apektado ng virus.
F. Umasa ng tulong mula sa gobyerno at pribadong organisasyon ang hindi na
makapaghanapbuhay

IKALIMANG ARAW

Preliminaries
 Panalangin
 Pagtatala ng liban
 Mga Alituntunin sa klase

INTRODUKSYON

A. Pagbabalik-Aral
OPEN THE BOX
May (5) kahon ang naihanda ng guro para sa mga mag-aaral pipili siya ng isang mag-
aaral at pipili ito kung anong kahon ang kanyang gusto pagkatapos ay bubuksan niya
ito at ibahagi kung ano ang kanyang sagot batay tanong tungkol sa paksang itinalakay
noong nakaraang araw.

POST TEST
Test I.
Multiple Choice
Panuto: Piliin ang pinakamainam na sagot sa bawat tanong. Basahin nang mabuti
ang mga katanungan bago magpasya.

1. Ano ang ibig sabihin ng pangunahing kaisipan?


a. Ang pinakamahalagang ideya sa isang teksto.
b. Ang mga detalye na sumusuporta sa pangunahing ideya.
c. Ang mga pangalawang ideya na sumusunod sa pangunahing ideya.

2. Ano ang ibig sabihin ng pantulong na kaisipan?


a. Ang mga detalye na sumusuporta sa pangunahing ideya.
b. Ang mga pangalawang ideya na sumusunod sa pangunahing ideya.
c. Ang mga ideya na hindi kasingkahalagang ang pangunahing ideya.

3. Ano ang pinakamainam na paraan upang matukoy ang pangunahing kaisipan


sa isang teksto?
a. Basahin ang bawat salita sa teksto.
b. Basahin ang buong teksto at tukuyin ang pinakamahalagang ideya.
c. Tukuyin ang pinakamahalagang ideya sa pamamagitan ng mga pamagat
at subtitulo.

4. Anong bahagi ng teksto ang kadalasang naglalaman ng pangunahing kaisipan?


a. Simula ng teksto.
b. Gitna ng teksto.
c. Huling bahagi ng teksto.

5. Ano ang mga detalye na sumusuporta sa pangunahing kaisipan?


a. Pangalawang ideya.
b. Pantulong na kaisipan.
c. Mga impormasyon na nagpapaliwanag sa pangunahing ideya.

6. Ano ang layunin ng pangunahing kaisipan sa isang teksto?


a. Ibigay ang detalye sa isang kwento.
b. Ipakita ang kabuuang paksa ng teksto.
c. Pagbigay ng malayang pag-iisip sa mga mambabasa.

7. Ano ang pangunahing kaisipan ng sumusunod na teksto?


"Ang pangangalaga sa kalikasan ay mahalaga upang mapanatili ang maayos
na kalagayan ng ating mundo."
a. Mahalaga ang pangangalaga sa kalikasan.
b. Mapapanatili ng pangangalaga sa kalikasan ang maayos na kalagayan
ng mundo.
c. Maayos ang kalagayan ng mundo.

8. Ano ang pantulong na kaisipan ng sumusunod na teksto?


"Ang pangangalaga sa kalikasan ay maaaring gawin sa pamamagitan ng
pagtanim ng mga puno."
a. Ang pagtatanim ng mga puno ay nakakatulong sa kalikasan.
b. Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi dapat ginagawa ng tao.
c. Ang pagtatanim ng mga puno ay hindi nakakatulong sa kalikasan.

Test II.
FILL IN THE BLANKS
Panuto: Isulat ang tamang salita upang kompletuhin ang pangungusap.

9. Ang pag-aaral ng mga pangunahing at pangtulong na kaisipan ay makatutulong


sa mga mag-aaral upang maunawaan ang __________ ng isang teksto.
10. Ang __________ na kaisipan ay nagbibigay ng detalyadong impormasyon o
patunay upang suportahan ang pangunahing ideya ng teksto.
11. Ang mga __________ na kaisipan ay nagbibigay ng karagdagang
impormasyon o detalye upang mas maunawaan ang pangunahing ideya ng
teksto.
12. Ang __________ ay nagbibigay ng mga salitang nag-uugnay sa mga ideya sa
loob ng isang teksto.
13. Ang mga pangunahing at pantulong na kaisipan ay tumutukoy sa mga
__________ ng teksto.
14. Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa __________ ideya ng isang teksto
o sulatin.
15. Ang mga pantulong na kaisipan naman ay nagbibigay ng __________ sa
pangunahing ideya.

Test III.
Panuto: Isulat ang isang limang pangungusap na sanaysay tungkol sa paksang
pangunahin at pangtulong na kaisipan. Ibigay ang iyong opinyon tungkol dito at
magbigay ng halimbawa upang suportahan ang iyong sagot.

16-17. Bakit mahalagang maunawaan ang pangunahin at pangtulong na kaisipan?


18-20. Paano natin maipapakita ang pangunahin at pangtulong na kaisipan sa ating
pang-araw-araw na buhay?

Inihanda ni:
Elmer A. Taripe
Learning Leader-Filipino

You might also like