You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
POOK ELEMENTARY SCHOOL
POOK, AGONCILLO, BATANGAS

Pook Elementary School Baitang/ VI


Paaralan
Antas
MA. ROSALYN M. Asignatura FILIPINO-
CATCH- UP MAGSOMBOL PAGBASA
FRIDAY Guro
(INTERVENTION
BANGHAY )
ARALIN SA Petsa/ February 2, 2024 Markahan
PAGBASA Oras
I. LAYUNIN a. Naipapakita ang pagpapabuti ng kasanayan sa pagbasa sa
pamamagitan ng iba't ibang gawain.
b. Napapaunlad ang kasanayang pang-unawa sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong kaugnay ng teksto.
c. Nagagamit ang kaalaman sa palabigkasan upang mabasa ang mga
salita nang tama.
d. Napapataas ang bokabularyo sa pamamagitan nang pag-aaral ng
mga bagong salita at kanilang kahulugan.
II. PAKSANG
ARALIN
1. Paksa Kasanayan sa Pagbasa (Oral) sa Pagpapataas ng Pang - unawa
2. Mga
Kagamita Modyul, koleksyon ng mga babasahin, batayang aklat sa Filipino 6
n
3. Iba pang kopya ng kuwento, mga larawan, show me board/chalk, textbooks
Kagamita /storybooks, video presentation of Basic Sight Words-Filipino, word
ng cards with decodable words, worksheets para sa pagpapaunlad ng
Panturo pang-unawa, reading journals / notebook
III. PAMAMARAAN
A. Bago bumasa 1. Pampasiglang Gawain
Ipaawit /Sabayan ang awit

https://youtu.be/-iBmuFv2C0k

2. Pagpapabasa ng batayang talasalitaan (10 minuto)


Simulan ang aralin sa pamamagitan ng video
presentation ng basic sight words. (Makikinig ang mga
mag-aaral habang ipinapakita ang video at pagkatapos ay
Address: Pook, Agoncillo, Batangas
 0977-669-1872
 107212@deped.gov.ph
 DepEd Tayo Pook ES – Batangas Province
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
POOK ELEMENTARY SCHOOL
POOK, AGONCILLO, BATANGAS

magbasa kasabay ng video lesson)

https://youtu.be/fjzHn6pEvac
(Anumang uri ng batayang talasalitaan ay pwede at
nararapat lang na angkop sa grade level)
3. Pagsasanay ng Phonics (20 minuto)
Ipakilala ang mga bagong decodable words kaugnay ng
reading passage o storybook (anumang uri ng kwento ay
puwede – maaring ipakilala ang mga salita kasama ang mga
larawan sa pamamagitan ng powerpoint presentation)

Magbigay ng gabay na pagsasanay sa mga mag-aaral para


sa pagsasanay ng mga salita na kasama sa kwento.

B. Habang Tuklasin nang tama ang mga salita.


bumabasa Basahin nang tama ang mga salita ng buong klase, grupo, at bawat isa.

4. Gawaing Pagbabasa (30 minuto)


Ipakikilala ang kwento o storybook para sa araw.
(Sa pamamagitan ng powerpoint presentation)

Kwento: Payapang Paglalakbay ni Poe Francis Sa Pilipinas – ALAB


FILIPINO Batayang Aklat -Ikatlong Markahan Filipino VI pp.109-110

Babasahin ng guro ang teksto, bibigyang diin ang


tamang pagbigkas, mahusay na kasanayan at ekspresyon sa
pagsasalita.

Magsasagawa ng pagbabahagi sa gawaing pagbabasa


(shared reading activity), kung saan nagbabasa ang mga
mag-aaral kasabay ng guro.

Pagbabasa ng teksto ayon sa grupo.


Indibidwal na pagbasa ng iba't ibang bahagi ng teksto.
Pagbasa ng buong teksto ng mga piniling mag-aaral sa
klase.
Address: Pook, Agoncillo, Batangas
 0977-669-1872
 107212@deped.gov.ph
 DepEd Tayo Pook ES – Batangas Province
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
POOK ELEMENTARY SCHOOL
POOK, AGONCILLO, BATANGAS

Magbibigay ng oras para sa indibidwal na pagbasa ng mga


mag-aaral sa teksto.
C. Pagkatapos 5. Kasanayan sa Pag - unawa (30 minuto)
bumasa Ipapamigay ang mga takdang gawaing papel
(worksheets) na may mga tanong mula sa binasang kwento.
Babasahin ng guro ang mga tanong at sasagutin ng mga
bata ang tanong sa show me board.
Suriin ang sagot ng mga bata at ipaliwanag ang tamang
sagot at mga estratehiya sa pang-unawa. Hikayatin ang mga
bata na makapagbigay ng sariling paliwanag para
mapalawak ang kanilang pang-unawa.

6. Pagpapalawak ng Bokabularyo (20 minuto)

Pumili ng hindi bababa sa 5 na bagong salita mula sa


aklat ng mga kwento (storybook).

Gagamitin ng guro ang mga larawan, galaw, at mga


pangungusap upang talakayin ang kahulugan ng mga salita
para mapalawak ang bokabularyo ng mga mag-aaral.

Ilista ang mga salita sa pisara at talakayin ang kanilang


kahulugan.

Pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga gawain na


magpapatibay ng kanilang bokabularyo, tulad ng
pagsasanib ng mga kahulugan, pagbuo ng mga
pangungusap, o pagguhit ng mga ilustrasyon.

Tutuklasin ang tamang pagbigkas ng mga salitang


natutunan mula sa kwento.

7 . Pagmumuni-muni sa Pagbasa (Reading Reflection)


(10 minuto)

Bigyan ng oras ang mga mag-aaral na magmuni-muni sa


kanilang karanasan sa pagbasa.

Sa kanilang reading journals o notebooks, hilingin sa


kanila na magsulat o gumuhit tungkol sa kanilang
paboritong bahagi ng kwento, isang karakter na kanilang
gusto, o kung ano ang kanilang natutunan.
Address: Pook, Agoncillo, Batangas
 0977-669-1872
 107212@deped.gov.ph
 DepEd Tayo Pook ES – Batangas Province
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
POOK ELEMENTARY SCHOOL
POOK, AGONCILLO, BATANGAS

8. Pakikipagsara (Wrap-up) (5 minuto)

A. Basahin ang mga salitang natutunan mula sa kwento.


Gamitin ang mga ito sa pangungusap.

B. Mga Karagdagang Gawain (opsiyonal)

Magbigay ng parehang gawaing pagbabasa


(paired reading activities), kung saan ang mga mag-
aaral ay magpapalitan ng pagbabasa sa isa't isa.
Hayaang gumuhit ng bahagi ng paborito nilang
bahagi ng seleksyon at magsulat ng 3-5 pangungusap
tungkol dito.

Inihanda ni:

MA. ROSALYN M. MAGSOMBOL


Guro III

Binigyang Pansin :

HILARIO S. GARCIA
Punongguro II

Address: Pook, Agoncillo, Batangas


 0977-669-1872
 107212@deped.gov.ph
 DepEd Tayo Pook ES – Batangas Province

You might also like