You are on page 1of 3

GNED12

MODYUL 1
“DALUMAT”
DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan samalalim at mapanuring
pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng
kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ngmga mamamayang Pilipino.
Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mgam a k a b u l u h a n g
p a n a n a l i k s i k s a w i k a n g F i l i p i n o , b i l a n g l u n s a r a n n g p a g p a p a l a w a k a t pagpapalalim sa
kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o
“makapag-teorya” sa wikang Filipino, batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma sa konteksto
ng komunidad at bansa. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS).
LAYUNIN

1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya.


2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang
akma sa kontekstong Pilipino.
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
4. Makagawa ng sariling awit o tula na magpapahayag mg pagmamahal sa ating wika

ANO NGA BA ANG DALUMAT?


Sinasabing ang Dalumat ay kasama sa sampung Filipino unfamiliar words. Ibig sabihin, maraming Pilipino ay
hindi alam ang kahulugan ng Dalumat. Sa wikang Ingles,katumbas ito ng critical thinking. Sabi nga sa dictionary
critical thinking is a way of thinking in which you don’t simply accept all arguments and conclusions you are exposed
to but rather have an attitude involving questioning such arguments and conclusions
Samakatuwid, ang dalumat ay pagkakaroon ng kakayahan na mag-isip ng malalim. Hindi ito basta basta
simpleng mga salita, pangangatwiran o pag-iisip na madalas na nagagamit ng mga tao. Kadalasan ito ay ang
pagsasaad ng ibang kahulugan sa mga simpleng salitang paksa o partikular na sitwasyon ng isang tao. Ito rin ay
nangangailangan ng matindi at malalim na pag-iisip at kinakailangan ng imahinasyon upang maintindihan ang
salitang dalumat. kinakailangan mong lawakan ang iyong imahinasyon na mag-isip na mag-isip kung ano ang tunay
na kahulugan ng salitang dalumat. Bilang mga mag-aral sa kolehiyo, nararapat naman talaga na matindi at malalalim
na imahinasyon.
Dalumat salita rin ang pag gamit ng wika sa mataas na antas. Ito ay ang pag teorya na may kabatayan sa
masusi, at kritikal na pag gamit ng salita na umaayon sa ideya o konsepto na malalim na kadahilanan o uri ng pag
gamit nito. Nagsisimula ito sa ugat na dahilan o kahulugan ng isang salita at madalas nag ugat o nagbubunga ito ng
iba’t ibang sangay na kahulugan ng salita. Hindi madali magkaroon ng ganitong kakayahan sapagkat kailangan mong
mag bigay ng sapat na panahon at oras upang mag isip kung paano mo maisasaad ang isang salitang dalumat.
Ayon kay Dr. Rhoderick Nuncio, tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng
pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya
at kaalamang nagiging konsepto sa mlalimang pag-uuri’t pagvaryasyon ng mga pagbabanghay ng salita na nagluluwal
ng sanga-sangang kahulugan. Samakatuwid, kung nagdadalumat ang isang palaisip, nakakapit sa isip niya ang
paglilirip, pagsisid sa kailaliman ng kahulugan/phenomenon at paghihiraya nito. Ibig sabihin dahil sa imahinasyon,
tagakatha’t tagasuri siya sa pagdadalumat. Hindi laman tekstwal ito bagkus, biswal din ang saklaw ng pagdadalumat.

Binigyan kahulugan ni Lacsamana et al ang kahulugan ng:


 Dalumat — deep thought, mental conception, abstract conception
 Madalumat — to be able to conceive or imagine
 Pagdalumat — act or manner of thinking deeply

Pagdalumatmula sa salitang ugat na “dalumat” na ibig sabihin ay masusi, masinop, kritikal


atanalitikalpagteteorya ng wika.
GNED12
Tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya batay masusi,masinig kritikal
at analitikal na pag gamit ng salita na kumakatawan sa ideya o kaalamang nagiging konsepto na malilinang sa pag-
uuri’t pag gamit nito. Tinitingnan sa paraang ito ang ugnayan ng salitang- ugat at varyasyon ng mga pagbabanghay
ng salita na nagluluwal ng sangay-sangay na kahulugan. (Nuncio at Morles-Nuncio 2004:167)

MODYUL 2
“SAWIKAAN”
Mula noong 2004, isinasagawa na ang taunang patimpalak na Sawikaan na nagbibigay-daan sa paghahanap
ng Salita ng Taon bilang pagkilala sa patuloy na pag-inog ng mga salita sa lipunang Pilipino. Nakapagbigay-daan ang
siyam na kumperensyang naganap upang makapagtalakayan ukol sa mahigit sa 80 salita na tinuturing na malaking
bahagi ng komunikasyon at kulturang Pilipino sa kasalukuyan.

ANO ANG SAWIKAAN?


Ayon kay Mario I. Miclat,ang Sa· wi· ka· an ay Bagong Likha (Modernong Filipino). Nilapian ito ng sa+at +an na
nagpapahayag ng “sapamamagitan ng”na ang ibig sabihin ay pagbabanyuhay ng salita sa pamamagitan ng wika.
Ayon kay Galileo S. Zafra (2005, viii) ang Sawikaan ay isang masinsinang talakayan para piliin ang
pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanan sa nakalipas na taon.
Maaaring Kilalaning Salita ng Taon ang mga sumusunod:
 Bagong imbento;
 Bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika;
 Luma ngunit may bagong kahulugan, at;
 Patay na salitang muling binuha.

Sa pamimili ng Salita pangunahing batayan ang mga sumusunod:


1. Kabuluhanng salita sa buhay ng mga Filipino at/o pagsalamin nito ng katotohanan o bagong pangyayari sa
lipunan;
2. Lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang retorikao ganda ng paliwanag, at paraan ng pagkumbinsi sa
mga tagapakinig; at
3. Paraan ng presentasyon.

 Nawala ito noong 2008 at 2009 dahil sa paniniwala ng FIT ay walang masyadong bagong salita ang lumitaw
sa mga nabanggit na taon
 Walang 2011 dahil mula nang magbalik ito noong 2010 ay naging kada dalawang taon na ito at hindi na
taunan
GNED12
Narito ang talataan ng mga salita sa bawat taon. Sa iyong palagay ano ang salita ng taon sa bawat taon?

2004 2005 2006 2007 2010 2012 2014 2016 2018


Canvass huweteng Lobat Miskol Jejemon Wang- Selfie Fotobam Tokhang
wang
Ukay-ukay pasaway Botox Roro Ondoy Level-up Endo Bully Dengvaxi
a
Tsugi Tiback/t- Toxic Friendster Korkor pagpag Filipinas Foundling DDS
back
Tsika Blog Birdflu Abrodista Trapo Android Imba Hugot Dilawan
Dagdag- Call center Chacha Extrajuidi Ampatuan Fish kill kalakal Lumad Fake
bawas cial news
Dating- Care giver karir Ad killing Emo impeachm Riding in Meme Federalis
fashionist ent tandem mo
a
Jologs Convo kudkod Make Load palusot Peg Netizen Foodie
over
Kinse- e-vat mall Oragon namumutbol Pik-ap Hashtag Viral Quo
anyos warranto
Otso-otso Gandara meningo Party list Solb SALN CCTV Tukod Resibo
salbakuta Networ Orocan Safety Spam trending storm Milenyal Train
king
Terorista Tsubami payretd Sutukil Unli wagas surge Troll
at
terorismo
Text Wire spa Telenobel wifi PDAF
tapping a
Bossing
Whistle
blower

You might also like