You are on page 1of 3

KAAKUHAN: Paghahanap-danas ng identidad bilang PINOY

ni Alona Jumaquio-Ardales

I. Nakabuhol nang mahigpit ang wikang Filipino sa aking identidad bilang Pilipino.

A. Matagal nang napatunayang malaki ang kinalaman ng wika sa pag-iisip/ pamumuhay ng mga tao
mula pa kina Humboldt at Boas, Malinowski at Vygotsky, Sapir at Whorf, Wittgenstein at Austin (N.J.
Enfield 2013)

B. Mahalagang kilala ng tao ang katangian ng kaniyang wika

a. Ayon nga sa pahayag ni Wilhelm von Humboldt, “language should always be looked at from
the point of view of its activity and its living influence, if we want to grasp its real essence”
(nasa S. Takdir Alisjahbana 1986, 39).

b. makabubuting makilala at maging pamilyar sa katangian ng wika, partikular ng Filipino,


sapagkat hindi lamang ito naglalarawan ng karanasan ng mamamayan kundi
nakaiimpluwensya rin sa pagbabago ng mapaniil na mga pananaw sa lipunan (Norman
Fairclough at Ruth Wodak 1997, 258).
Mga Identidad ng mga Pilipinong may kaugnayan sa katangian ng wikang Filipino
Balangkas mula sa KAAKUHAN: Paghahanap-danas ng identidad bilang PINOY ni Alona Jumaquio-Ardales

I. Ang pagbigkas sa bawat titik ng wikang Filipino ay katambal ng pakikipagkapwa ng mga


Pilipino

A. konsistent ang sistema ng ispeling o palabaybayan ng ating wika sapagkat may pagpapahalaga ang
ating wika sa lahat ng titik na bahagi ng salita kaya binibigkas, sinusulat, kinikilala ang bawat letra
dahil konsistent ang sistema ng pagbaybay.

a. Halimbawa: pag-asa /p-a-g-á-s-a/; /b-á-r-y-o/; /l-á-w-a-s/

B. Kaiba ito kaysa wikang Ingles na ‘di konsistent dahil minadali nila ang panghihiram kaya maraming
silent sounds ang kanilang wika.

a. Halimbawa campaign /kæmˈpeɪn/; two /tu/; forefeit /ˈfɔːrfət/; silhouette /ˌsɪluˈet/;


pneumonia /njuːˈməʊniə/

b. Masasalamin ito sa likas na pagpapahalaga ng mamamayang Pilipino sa kaniyang kapwa.


Dahil likas na ugaling Pilipino na pansinin, batiin, ngitian, kilalanin, tulungan ang
kaniyang kapwa na tila karugtong ng sarili.

C. Ang salitang ‘kapwa’ ay nahahati sa dalawang kategorya base sa sinabi ni Virgilio Enriquez

a. ang Ibang-Tao (outsider)


1. Kung ang turing sa kapwa ay ibang tao, makikitungo, makikisalamuha, makikilahok,
makikibagay, at makikisama ang mga Pilipino

b. Hindi-Ibang-Tao (one-of-us).
1. Kung ang turing naman ay hindi ibang tao, makikipagpalagayang-loob,
makikisangkot, at makikiisa ang mga Pilipino.

c. Malinaw na kinikilala at pinahahalagahan ng mga Pilipino ang kaniyang kapwa bilang


bahagi ng sarili

D. Ang konsistent na pagbaybay ng ating wika na binibigkas at isinusulat ang mga titik ay katulad ng
pagpapahalaga ng Pilipino sa kaniyang kapwa, kapalagayan man ng loob o hindi.

II. Ang estruktura ng pangungusap sa wikang Filipino ay fleksibol katulad din ng mga Pilipinong
kayang makipamuhay kahit saang panig ng mundo

A. Maituturing na fleksibol ang estruktura ng pangungusap ng wikang Filipino sapagkat alinman sa


karaniwan o hindi karaniwang ayos ay maaaring gamitin dahil magkatulad pa rin ang kahulugan
nito

a. Sa estruktura ng pangungusap na PANAGURI + PAKSA o gawing PAKSA (ay) +


PANAGURI ay hindi mababago ang mensaheng nais iparating.
b. Hindi ito kaya ng wikang Ingles dahil ang estruktura ng pangungusap na SUBJECT +
PREDICATE ay hindi maaaring baliktarin na maging PREDICATE + SUBJECT dahil
masisira ang kahulugan.

B. Ang fleksibol na estruktura ng pangungusap nang hindi nagbabago ang kahulugan ay kahawig ng
ugaling Pilipinong kayang makipamuhay saang panig man ng mundo dahil fleksibol at masipag
sa trabaho.

III. Aktibo ang panlapi ng wikang Filipino sa pagtanggap ng mga hiram na salita

A. Tunay na mabilis ang palitan ng impormasyon sa panahon ng bagong media.

a. Kailangang sumabay ang wikang Filipino nang hindi maiwan sa pampang o ‘di kaya naman
maanod ng tubig sa lakas ng agos.

b. Ani Santiago, matatag ang pundasyon ng wikang Filipino kahit magdagsaan ang mga
dayuhang termino, hindi ito mabubuwag o masisira.

c. Ang mga salitang Ingles at iba pang dayuhang termino na ating hinihiram ay maaring maging
bahagi ng wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlapi at gitling (kung
kailangan).

1. nagsilbing tila tulay ang gitling (-) para sa mga salitang banyaga habang nakaabang ang
panlapi para dumugtong nang makapasok ang mga salitang dayuhan at tuluyang
makibahagi sa wikang Filipino
halimbawa:
Dina-download ko pa ang bidyo
Ligtas bang makipag-eyeball sa ka-text mate?

2. ang paglalapi at paglalagay ng gitling (kung kailangan) sa salitang dayuhan ay kahawig


ng pagiging palangiti at palakaibigan ng Pilipino sa mga panauhing banyaga

B. ang sistema ng panlapi at gamit ng gitling (kung kailangan) sa panghihiram ng mga salitang
dayuhan ay katulad ng ugaling Pilipinong palangiti at palakaibigan sa pagtanggap ng mga
panauhing banyaga sa ating bansa.

IV. Ang bawat mamamayang kilala ang taglay na ‘kaakuhan’ ng ating lahi ay may tiwala sa
sariling lumahok sa pandaigdigang mga pagbabago.

V. ang pagyaman (o kakapusan) ng sariling wika ay magbubunga ng pag-unlad (o patuloy na


paghirap) ng bansang Pilipina

Ricka Mae P. De Leon


OBTEC I-11
2GED_XAH1

You might also like