You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Valencia National High School-SHS

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili,pamilya,komunidad,bansa at daigdig
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan ng katangian at anyo ng iba’t ibang
Teksto.

Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang mabisang paraan sa pagpapahayag.


(F11PU_111fg-90)

Kwarter: 1 Linggo: 5 Araw: 2


I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, 88% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagsusuri ng mga argumentong matatagpuan sa teksto gamit ang mga kaalamang
natutuhan
2. Nakapaglalatag ng sariling argumento tungkol sa ilang usaping panlipunan at
pagpapahalagang Pilipino; at
3. Nakatutuklas ng mahahalagang konsepto at impormasyon na nakapaloob sa tekstong
binasa.

II. Nilalaman:
Paksang Aralin:Tekstong Argumentatibo
Integrasyon: English (debate) Argumentative dialogue, Aralin Panlipunan (debate)
(Learning Area):
Kagamitan: laptop
Sanggunian: De Laza, Crizel S., 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto sa
Pananaliksik. St., Sampaloc, Manila. Rex Book Store, Inc.

III. Proseso ng Pagkatuto: (Depends on the Strategy used)


Unang Sesyon
A. Pagbabalik-aral (Elicit) Panalangin
5 minuto Pagbibigay ng pamukaw sigla
Pagkuha ng datos ng mga mag-aaral (attendance)
Pagbabalik-aral sa nakaraan paksa
B. Pag-uugnay (Engage) Basahin ang teksto pagpapatupad nf Programang K-12
5 minuto bilang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa pahina 80
nina Heidi C. Anatacio Yolanda at Rita D. Morales.
Tuklasin ang mahahalagang konsepto at impormasyon
na nakapaloob ditto. ( Mga listahan ng mga karaniwang
uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy sa Ingles.
C. Pagtuklas (Explore) Ibigay ang inyong opinyon tungkol sa binasang teksto at
15 minuto pangatwiranan ito.
D. Pagtalakay (Explain) Sang-ayon sa K-12 Hindi sang-ayon sa K-12
15 minuto

38
E. Pagpapalalim (Elaborate)
5 minuto Iproseso ng guro ang kanilang sagot.
F. Pagtataya Tukuyin ang uri ng ginamit na lihis na pangangatwiran.
( Evaluate) Isulat lamang ang
10 minuto titik ng tamang sagot.

1. Tiyak na kikita ang kanilang pelikula.


A. Non-sequitor
B. Ad numeram
C. Ad baculum
2. Ayokong mag-aral sa UP dahil puro aktibista ang
mga tao roon.Baka mapabayaan ko ang aking pag-
aaral.
A. Non-sequitor
B. Padalos-dalos na paglalahat
C. cArgumentum Ad baculum
3. Karapat-dapat manalo ang batang iyan sa
paligsahang ito dahil malaking tulongang premyo
para sa kanilang pag-aaral.
A. Arg. ad misericordiam
B. Arg. ad hominem
C. Arg. Ad ignorantiam
4. Napaka-playgirl mo naman! Linggo-linggo ay iba-
iba ang naghahatid sa iyo.
A. Non-sequitor
B. Argumentum ad hominem
C. Padlos-dalos na Paglalahat
5. Tiyak na pipilahan ang kanilang pelikula.Premiere
Night pa lamang ay napakaraminang nanood.
A. Arg. ad hominem
B. Arg.ad numeram
C. Arg. Ad misericordiam
6. Bagsak na ang industriya ng pelikulang Pilipino
dahil sa nagkalat na ang mga pirated na CD at DVD.
A. Non-sequitor
B. Post hoc propter hoc
C. c.Argumentun ad hominem
7. Galit si Ma’am sa akin. Mula nang hindi ko siya
batiin noong isang araw ay lagi na niya akong
tinatawag sa klase kahit hindi ko alam ang sagot.
A. a. Cum hoc ergo propter hoc
B. b. Post hoc ergo propter hoc
C. c. Arg. Ad hominem
8. Naghimala sa akin ang Nazareno. Nang hawakan ko
ang laylayan ng kaniyang damit ay bigla akong
gumaling.
A. Cum hoc ergo propter hoc
B. Post hoc ergo propter hoc
C. Padalos-dalos na paglalahat
9. Kapag ipinagpatuloy ang paglalathala ng iyong

39
scientific findings, tiyak na tatanggalin ng gobyerno
an gating badyet.
A. Argumentum ad ignorantiam
B. Argumentum ad baculum
C. Argumentum ad numeram
10. GMA Kapuso ang pinakasikat na istasyon ngayon
dahil lahat kami sa bahay, Maging ang aking mga
kamg-anak,at kapitbahay ay pawing sa mga palabas
ng GMA Kapuso nakatutok.
A. Ad numeram
B. Non-squitor
C. Post hoc rgo propter hoc
G. Paglilipat Paraan ng pagsisimula ng teksto :
(Extend) Tesis :
5 minuto Unang argumento
Mga suportang detalye o karagdagang impormasyon :
Ikalawang Argumento :
Mga suportang detalye o karagdagang impormasyon :
Ikatlong Argumento :
Mga suportan detaye o karadaan imppormasyon:

IV. Ebalwasyon (Depends on the Strategy used)


Ilagay ang sarili sa sitwasyong ito.
Paano mo ipaliliwanag sa iyong mga magulang na ang kursong ipinakuha nila sa iyo ay
hindi mo gusto? Dahil dito,nais mo nang lumipat sa kursong iyong tunay na interes.

Gumawa ng liham para sa iyong magulang ukol dito.Isaalang-alang anng paggamit ng


pabuo o pasaklaw sa paglalatag ng iyong katwiran.

V. Takdang Aralin/ Enrichment (as needed)


Basahin at itala ang sumusunod : Mga Elemento ng isang tekstong argumentatibo.

Pagninilay:
A. Blg ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Blg ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istrateheyang patuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan nasolusyonan sa tulong ng aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

40

You might also like