You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Valencia National High School-SHS

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili,pamilya,komunidad,bansa at daigdig
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan ng katangian at anyo ng iba’t ibang
Teksto.

Kasanayang Pampagkatuto: Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong


binas. (F11PS-111f-92)

Kwarter: UNA Linggo: 5 Araw: 1


I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, 88% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng tekstong argumentatibo;
2. Nakapaglalatag ng sariling argumento tungkol sa ilang usaping panlipunan at
pagpapahalagang Pilipino; at
3. Natutukoy ang uri ng ginamit na lihis na pangangatwiran.

II. Nilalaman:
Paksang Aralin:Tekstong Argumentatibo
Integrasyon:
(Learning Area): English (debate) Argumentative dialogue, Aralin Panlipunan (debate)
Kagamitan: laptop
Sanggunian: De Laza, Crizel S., 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto sa
Pananaliksik. St., Sampaloc, Manila. Rex Book Store, Inc.

III. Proseso ng Pagkatuto: (Depends on the Strategy used)


Unang Sesyon
A. Pagbabalik-aral (Elicit) Panalangin
5 minuto Pagbibigay ng pamukaw sigla
Pagkuha ng datos ng mga mag-aaral (attendance)
Pagbabalik-aral sa nakaraan paksa
B. Pag-uugnay (Engage) Itanong sa klase , “Dapat bang itakwil ng mga magulang
5 minuto ang kanilang anak na sumuway sa kanila nang dahil sa
pag-ibig?” Bigyan sila ng 3 minuto na mag-isip.
Ipasagot ang nais magbahagi ng kanilang sagot na
pangangatwiranan kung bakit ito ay oo at hindi.
C. Pagtuklas (Explore) Tumawag ng piling mag-aaral upang maglahad ng
15 minuto kanilang opinyon tungkol sa binigay na sitwasyon.
Suriin ang sagot na ibinigay ng piling mga mag-aaral at
pag-usapan ito sa klase
D. Pagtalakay (Explain) Basahin ang teksto. Tuklasin ang mahahalagang
15 minuto konsepto at impormasyon na nakapaloob ditto. (Mga
listahan ng mga karaniwan uri ng Lihis na
pangngatwiran o Fallacy sa ingles

34
E. Pagpapalalim (Elaborate) Ibigay ang kahulugan ng tekstong argumentatibo
5 minuto
F. Pagtataya Tukuyin ang uri ng ginamit na lihis na pangangatwiran.
( Evaluate) Isulat lamang ang
10 minuto titik ng tamang sagot.

1. Tiyak na kikita ang kanilang pelikula.


A. Non-sequitor
B. Ad numeram
C. Ad baculum
2. Ayokong mag-aral sa UP dahil puro aktibista ang
mga tao roon.Baka mapabayaan ko ang aking pag-
aaral.
A. Non-sequitor
B. Padalos-dalos na paglalahat
C. cArgumentum Ad baculum
3. Karapat-dapat manalo ang batang iyan sa
paligsahang ito dahil malaking tulongang premyo
para sa kanilang pag-aaral.
A. Arg. ad misericordiam
B. Arg. ad hominem
C. Arg. Ad ignorantiam
4. Napaka-playgirl mo naman! Linggo-linggo ay iba-
iba ang naghahatid sa iyo.
A. Non-sequitor
B. Argumentum ad hominem
C. Padlos-dalos na Paglalahat
5. Tiyak na pipilahan ang kanilang pelikula.Premiere
Night pa lamang ay napakaraminang nanood.
A. Arg. ad hominem
B. Arg.ad numeram
C. Arg. Ad misericordiam
6. Bagsak na ang industriya ng pelikulang Pilipino
dahil sa nagkalat na ang mga pirated na CD at DVD.
A. Non-sequitor
B. Post hoc propter hoc
C. c.Argumentun ad hominem
7. Galit si Ma’am sa akin. Mula nang hindi ko siya
batiin noong isang araw ay lagi na niya akong
tinatawag sa klase kahit hindi ko alam ang sagot.
A. a. Cum hoc ergo propter hoc
B. b. Post hoc ergo propter hoc
C. c. Arg. Ad hominem
8. Naghimala sa akin ang Nazareno. Nang hawakan ko
ang laylayan ng kaniyang damit ay bigla akong
gumaling.
A. Cum hoc ergo propter hoc
B. Post hoc ergo propter hoc
C. Padalos-dalos na paglalahat
9. Kapag ipinagpatuloy ang paglalathala ng iyong

35
scientific findings, tiyak na tatanggalin ng gobyerno
an gating badyet.
A. Argumentum ad ignorantiam
B. Argumentum ad baculum
C. Argumentum ad numeram
10. GMA Kapuso ang pinakasikat na istasyon ngayon
dahil lahat kami sa bahay, Maging ang aking mga
kamg-anak,at kapitbahay ay pawing sa mga palabas
ng GMA Kapuso nakatutok.
A. Ad numeram
B. Non-squitor
C. Post hoc rgo propter hoc
G. Paglilipat Humanap ng kapareha at mag-isip ng isang usapin na
(Extend) maaaring talakayin ng dalawang panig. Mag-isip ng
5 minuto magkasalungat na panig tungkol sa usapin na siyang
magiing posisyon ng magkapareha. Sumulat ng tekstong
argumentatibo tungkol sa ito. Gamitin ang halimbawang
balangkas upang magsilbing gabay sa pagsa-saayos ng
isusulat na teksto sa nakalaang espasyo

Paraan ng pagsisimula ng teksto :

Tesis :

Unang argumento

Mga suportang detalye o karagdagang impormasyon :

Ikalawang Argumento :

Mga suportang detalye o karagdagang impormasyon :

Ikatlong Argumento :

Mga suportan detaye o karadaan imppormasyon:

IV. Ebalwasyon (Depends on the Strategy used)


Ilagay ang sarili sa sitwasyong ito.
Paano mo ipaliliwanag sa iyong mga magulang na ang kursong ipinakuha nila sa iyo ay
hindi mo gusto? Dahil dito,nais mo nang lumipat sa kursong iyong tunay na interes.

Gumawa ng liham para sa iyong magulang ukol dito.Isaalang-alang anng paggamit ng


pabuo o pasaklaw sa paglalatag ng iyong katwiran.

V. Takdang Aralin/ Enrichment (as needed)


Basahin at itala ang sumusunod : Mga Elemento ng isang tekstong argumentatibo.

36
Pagninilay:
A. Blg ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Blg ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istrateheyang patuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan nasolusyonan sa tulong ng aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

37

You might also like