You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI - Western Visayas
Division of Iloilo City
ILOILO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
. Molo. Iloilo City
HANDAWTS sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN SY 2023-2024
MODYUL 7: ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD
NG DIGNIDAD NG TAO

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:

1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao


at paglilingkod . ( EsP9TT--IIe-7.1)
2. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya,paaralan o
baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.
( EsP9TT-IIe-7.2)

II. PANIMULA ( SUSING KONSEPTO):

Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain;


at ang produkto nito, materyal man o hindi ay magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay. Sinabi sa
panulat ni Pope John Paul II sa kaniyang akda na “Laborem Exercens” NOONG 1981 na ang paggawa ay
anomang gawain-pangkaisipan man ito o manwal, anoman ang kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao,
nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.

Ang Subheto at Obheto ng Paggawa

Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento, at teknolohiya na
ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa palatandaan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa
ngunit sa wari ay nakaliligtaan na unti-unting nailalayo sa tao ang kaniyang tunay na esensya sa mundo – ang
paggawa na daan tungo sa (1) pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan at kakaniyahan (2) pagkamit ng
kaganapang pansarili at (3) pagtulong sa kapwa upang makamit ang kaniyang kaganapan.

Mga Mahahalagang Layunin ng Paggawa:


1. Upang kitain ng tao ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga pangunahing
pangangailangan.Ngunit kailangang laging isaisip at isapuso na hindi tayo dapat na magpaalipin sa paggawa.
Hindi maikakaila ang kahalagahan ng paggawa, ngunit ang Diyos at hindi ang paggawa ang pinagmulan at
ang patutunguhan ng buhay.
2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya. Dahil sa natatanging
talino ng tao na ibinahagi ng Diyos, napagyayaman ang agham at teknolohiya. Isa itong “milestone o
phenomenon” na hindi na maiiwasan at hindi na maaaring talikuran. Kailangan lamang masiguro na hindi
gagamitin ito upang mawalan na ng silbi ang tao.
3. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunanang kinabibilangan.Mahalagang maunawaan na ang paggawa
ay mayroong panlipunang aspekto at hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan natin para sa pag-angat ng
kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan. Nakalulungkot na dumarami ang bilang ng tao na
itinuturing na hanapbuhay ang magbenta ng ipinagbabawal na gamot sa mga batang walang kamalay-malay,
ang magnakaw ng sasakyan at magbenta nito sa iba, o ang ibenta ang sarili sa prostitusyon. Hindi ito ang
tunay na layunin at esensya ng paggawa. Sa ganitong sitwasyon, unti-unting hinahatak pababa ang antas
nMakapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya. Dahil sa natatanging talino
ng tao na ibinahagi ng Diyos, napagyayaman ang agham at teknolohiya. Isa itong “milestone o phenomenon”
na hindi na maiiwasan at hindi na maaaring talikuran. Kailangan lamang masiguro na hindi gagamitin ito upang
mawalan na ng silbi ang tao. g moralidad ng lipunan, at higit sa lahat ay winawasak nito ang pagkatao ng tao.
4. May kakayahin rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga nangangailangan.Ang paggawa
ay isang obligasyon, isang tungkulin ng isang tao. Kailangan ng taong gumawa upang tumugon sa ninanais ng
Diyos at sa pangangailangan na panatilihin at pagyamanin o paunlarin ang sangkatauhan. Ang paggawa ay
isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan, at sa
bansa.
REPLEKSYON:

Panuto: Isulat sa kuwaderno ng pagninilay/isang pirasong papel ang iyong sagot. Maging malikhain
sa paglalahad ng iyong kasagutan at kopyahin din ang rubrics sa pagwawasto na makikita sa ibaba.
Sundin ang pormat ng Gawain.

Pangalan: _____________________________ Taon at Pangkat: ________________________


Petsa: ____________Guro: __________________________________________Iskor: ________

MODYUL 7. ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD


NG DIGNIDAD NG TAO
_________________________________
Pamagat ng Paksa

Pagpapahalaga/Birtud na natutuhan sa paksang tinalakay (Maglista ng 5):

Natutuhan/realisasyon:
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

Titigilan ko ang ________________________________________________________________.

Sisimulan ko ang ______________________________________________________________.

Ipagpatuloy ko ang ____________________________________________________________.

_____________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

Rubric sa Pagwawasto
Kraytirya 10 8 6 4 2
Kakumpletuhan Nasagutan ang May kulang na May kulang na 1-2 May higit sa apat na Walang naipasang sagot
(Completeness) lahat ng mga 1-2 sagot na sagot na gawain kulang na sagot sa sa gawain
bahagi at mga gawain gawain
tanong sa gawain
Kraytiria 5 4 3 2 1
Kalinisan Malinis, maayos Malinis at May mga burang Hindi malinis at Walang sagot sa
at malikhaing maayos na nagawa sa maayos ang ipinasang Gawain
naisagawa ang naisagawa ang ipinasang Gawain pagsagawa ng
gawain Gawain ipinasang Gawain
Kraytiria 15 10 5
Naipasa sa Naipasa ang Naipasa ang Naipasa ang
Takdang Gawain sa Gawain 1 araw Gawain
Panahon takdang panahon pagkatapos ng
(Timeliness) takdang
panahon
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI - Western Visayas
Division of Iloilo City
ILOILO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
. Molo. Iloilo City
HANDAWTS sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN SY 2023-2024
MODYUL 8: PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:


1. Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at
lipunan.( EsP9TT-IIg-8.1)

2. Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking


bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo Hal. Efren Penaflorida, greenpeace
volunteers, atbp.( EsP9TT-IIg-8.2)

II. PANIMULA ( SUSING KONSEPTO):


I. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)
Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/
pambansa, batay sa kaniyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong
o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang pananagutan. Kung hindi gagawin ng mamamayan
ang bolunterismo, hindi siya apektado kundi ang ibang tao na hindi niya tinulungan.

Mga Antas ng Pakikilahok ayon kay Sherry Arnteinis


Impormasyon - sa isang tao na nakikilahok mahalaga na matuto siyang magbahagi ng kaniyang nalalaman o
nakalap na impormasyon. Makatutulong ito upang madagdagan ang kaalaman ng iba.

Konsultasyon - ito ay bahagi na kung saan hindi lang ang sarili mong opinyon o ideya ang kailangang
mangibabaw kundi kailangan pa ring makinig sa mga puna ng iba na maaaring makatulong sa pagtatagumpay
ng isang proyekto o gawain.
Sama - samang pagpapasiya - upang lalong maging matagumpay ang isang gawain mahalaga ang
pagpapasiya ng lahat. Ito ay hindi lamang dapat gawin ng isang tao kundi ng nakararami.

Sama- samang pagkilos - hindi magiging matagumpay ang anumang gawain kung hindi kikilos ang lahat.
Tingnan mo ang walis tingting . Hindi ito makalilinis ng kalat kung isa lamang tingting ang gagamitin: ngunit
kung ang bawat tingting ay pagsasamasamahin mabilis itong makakalinis ng paligid.

Pagsuporta - Mapadadali ang isang gawain kahit mahirap kung ang bawat isa ay nagpapakita ng suporta dito.
Hindi ito tumutukoy sa tulong pinansiyal lamang. Ito ay maaaring ipakita sa pagbabahagi ng talento o
kakayahan o anumang tulong basta’t ito ay nanggagaling sa iyo puso

Sa Pakikilahok at Bolunterismo dapat makita ang Tatlong (3) Ts

1.Panahon (Time)_ - ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito lumipas hindi na ito maibabalik .
2.Talento (Talent) - Ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng talento at ito ay iyong magagamit upang ibahagi sa
iba.
3.Kayamanan ( Treasure) - maaring ang unang sasabihin ng iba ay wala akong pera, mahirap lang kami,
wala akong maitutulong , ngunit sa pagbibigay hindi tinitingnan ang laki nito sapagkat gaano man ito kaliit ang
mahalaga ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso para sa nangangailangan.
REPLEKSYON:

Panuto: Isulat sa kuwaderno ng pagninilay/isang pirasong papel ang iyong sagot. Maging malikhain
sa paglalahad ng iyong kasagutan at kopyahin din ang rubrics sa pagwawasto na makikita sa ibaba.
Sundin ang pormat ng Gawain.

Pangalan: _____________________________ Taon at Pangkat: ________________________


Petsa: ____________Guro: __________________________________________Iskor: ________

MODYUL 8. PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO


_________________________________
Pamagat ng Paksa

Pagpapahalaga/Birtud na natutuhan sa paksang tinalakay (Maglista ng 5):

Natutuhan/realisasyon:
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

Titigilan ko ang ________________________________________________________________.

Sisimulan ko ang ______________________________________________________________.

Ipagpatuloy ko ang ____________________________________________________________.

_____________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

Rubric sa Pagwawasto
Kraytirya 10 8 6 4 2
Kakumpletuhan Nasagutan ang May kulang na May kulang na 1-2 May higit sa apat na Walang naipasang sagot
(Completeness) lahat ng mga 1-2 sagot na sagot na gawain kulang na sagot sa sa gawain
bahagi at mga gawain gawain
tanong sa gawain
Kraytiria 5 4 3 2 1
Kalinisan Malinis, maayos Malinis at May mga burang Hindi malinis at Walang sagot sa
at malikhaing maayos na nagawa sa maayos ang ipinasang Gawain
naisagawa ang naisagawa ang ipinasang Gawain pagsagawa ng
gawain Gawain ipinasang Gawain
Kraytiria 15 10 5
Naipasa sa Naipasa ang Naipasa ang Naipasa ang
Takdang Gawain sa Gawain 1 araw Gawain
Panahon takdang panahon pagkatapos ng
(Timeliness) takdang
panahon

You might also like