You are on page 1of 1

Ekumenikong Panalangin sa Flag Ceremony

Yumuko po tayo at damhin ang presensiya ng Panginoon.

Panginoon maraming salamat po sa magandang araw na ipinakaloob ninyo sa


amin. Hinihiling po namin ang Inyong gabay at biyaya habang nagsisimula
kami sa araw na ito.

Humihiling po kami ng patnubay para sa lahat ng aming mga gawain at aralin


ngayong araw, at ng karunungan na maunawaan ang mga bagong kaalaman na
ilalatag sa amin. Hinihiling rin po namin ang inyong patnubay sa aming mga
guro. Bigyan ninyo sila ng pasensya, inspirasyon, at dedikasyon sa pagtuturo.

Salamat po Panginoon sa pag-unawa at sa patuloy na pagmamahal Ninyo sa


amin. Ito po ang aming samo at dalangin sa matamis na pangalan ng Iyong anak
na si Hesus, Amen.

You might also like