You are on page 1of 10

Aralin 1

ANG PANITIKAN

MGA PAKSA

Introduksiyon sa Panitikan
Panimulang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan

MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng Aralin 1, ang mga mananaliksik na mag-aaral ay
inaasahang:
Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at
kapaki-pakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan
Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan
Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang
riyalidad at ng panitikan
Makapag-ambag
sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika ng
panitikang pambansa.
A Singkaw- kaisipan
Malaki ang naiaambag ng panitikan sa pagkakakilala ng sariling identidad bilang bahagi
ng isang lahi at kultura sapagkat malinaw na inilalarawan at isinasaysay nito ang ugali,
pamumuhay, kultura at malikhaing katalinuhan ng isang lahi.
Nais mo bang masalamin at maaninag ang ating kultura sa pamamagitan ng mga akdang
pampanitikang tunay na maipagmamalaki? Simulan mo sa pag-uukol ng ilang sandali sa
pagbabasa ng katuturan ng panitikan.
Paksa 1: Introduksiyon sa Panitikan

C Bungkal – kabatiran
ANG PANITIKANG FILIPINO
Ang panitikan, tulad ng ibang mga sining, ay hinuhubog ng iba’t ibang bagay. Ito’y nababatay sa kapaligiran
at ng mga panlipunan at pangkabuhayang organisasyon ng mga tao. Ang diwang nasyonalisamo ang
nakapagpapainit nito. Ngunit higit sa lahat, kailangan ang matayog na isipan at maramdaming kaluluwa upang
makalikha ng panitikang may uri at magtatagal sa mahabang panahon. Subalit ang panitikan ay hindi lamang
binubuo ng mga obra-maestra. May mga panitikang nagkakaiba sa pamatayan batay sa kahalagahan at pagdulog sa
mga taong bumabasa. Halimbawa, ang mga pasyon, sarsuwela, at moro-moro natin ay kinagiliwan noong panahon
ng Kastila: sa kabilang dako, ang mga epiko, dula, nobela, sanaysay at maiikling mag katha ay nananatili pa rin
hanggang sa kasalukuyan.
Ang panitikan ay maaaring pasulat o pasalita. Itong huli ay hindi natala subalit nagpalipat-lipat lamang sa
mga salinlahi.
Ang nakasulat na panitikang Filipino ay may apat na raang taon lamang – isang maikling panahon kung
ihahambing sa ibang mga bansa at kung pagbabatayan ang panahong inilagi ng ating mga ninuno sa ating kapuluan.
Ang ganitong kalagayan ay matatalunton sa iba’t ibang kadahilanan. Pangunahin dito ay ang pagwasak ng ating
katutubong panitikan noong unang panahon ng pananakop ng mga Kastila gawa ng mga digmaan at pagwawalang-
bahala rito. Gayon din, naisatitik lamang ang mga ito sa mga dahon at iba pang sulating hindi makatagal sa
pagdaraan ng panahon.
Ayon kay Padre Chirino, ang ating mga ninuno ay nagkaroon ng mga samahang nagbubuklod-buklod sa
kanilang mga epiko, bugtong at nga sawikain ay nagpasalin-salin sa sunod-sunod na henerasyon. Ang kanilang mga
epiko, bugtong at mga sawikain ay nagpasalin-salin sa sunod-sunod na henerasyon. Ang kanilang mga gawaing
pampanitikan ay nauugnay sa kanilang pananampalataya at rituwal noong kanilang panahon. Naniniwala ang ating
mga ninuno sa buhay na walang hanggan. Dahil dito, nalikha ang iba’t ibang awitin para sa kaluluwa ng mga
nangamatay. Ang kanilang paggalang sa mga namatay ang naging kasangkapan sa pagsilang ng mga dalit, duplo at
karagatan.
Bagaman may sarili nang kabihasnan ang unang mga Pilipino, sa kasamaang palad, hindi sila nagkaroon
ng isang wika. Iba’t ibang diyalekto ang umiral sa iba’t ibang rehiyon ng kapuluan. Ngunit ang mga wikang ito ay
nagkakaugnay-ugnay rin pagkat may isang pinagmulan, ang Malayo-Polinesyo, ang wikang namarati sa Asya.
Nagkaroon sila ng kasangkapan sa pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na interaksyon sa isa’t isa.
Ang unang mga titik na ginamit ng ating mga pinuno ay kaiba kasya sa atin sa kasalukuyan. Batay sa pag-
aaral na ginawa nina Chirino at Pigafetta, ang alibata ay binubuo ng tatlong patinig at labindalawang katinig. Ang
tuldok o markang inilalagay sa itaas o ibaba ng mga titik ang siyang nagpapakilala ng tiyak na tunog at kahulugan.
Tulad ng wikang Intsik, ang pagbasa ay mula sa ibaba, pataas at pababa muli, at mula sa kanan-pakaliwa.
Subalit kahiman ay alpabeto at wikang ginamit ang ating mga ninuno para sa paglinang ng panitikan, hindi
naman sila nagkaroon ng mga kagamitan para sa paglilimbag. Samantala, mayroon pa rin silang naiwang mga
batas, alamat, awiting bayan at epiko na naisulat sa mga dahon, kawayan at balat ng mga puno. Kaya’t ang mga
ito’y nagpalipat-lipat sa mga salinlahi.
Sa kabuoan, maipalalagay na ang Panitikang Filipino ay yaong mga pasalita o nasusulat na isipan at
damdaming Filipino na sinulat ng mga Pilipino hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanilang
pamumuhay at pakikipamuhay.
Ang ating panitikan mula pa sa mga unang dahon at kasaysayan ng ating bansa hanggang sa kasalukuyan
ay nasasalig sa kalagayan ng wika sa kapuluan. Ang pagkakaroon ng maraming pangunahing wika ng Pilipinas ay
pagpapatunay ng kayamanan ng ating panitikan. May mga akdang nasulat sa mga katutubong wikain tulad ng
Tagalog, Sebuano, Ilokano, Pangasinan, Pampango, Bikolano, Ilonggo, Waray, Maranao, Tausog at iba pa. Sa mga
wikang nabanggit, sinasabing ang Tagalog ang pinakagamitin at higit nang nalinang, bagay na tinututulan ng mga
Sebuano. Ayon pa rin kay Padre Chirino, ang Tagalog ay “kakikitaan ng apat na katangian ng apat na
pinakadakilang wika ng daigdig – Ebrero, Griyego, Latin at Espanyol. Ito’y may mistisismo at kahirapan ng Ebrero,
may katangi-tanging talakay ng Griyego, may kaganapan at kariktan ng Latin at may pagkamagalang ng Espanyol.”

A. Katuturan ng Panitikan

● Ang salitang Tagalog na “panitikan” ay galing sa unlaping PANG- (na nagiging PAN- kapag ang kasunod na
ugat ay nagsisimula sa d, l, r, s, t); sa ugat ng TITIK (letra) na nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod
sa PAN-; at sa hulaping –AN, samakatwid: pang *titik* an. Ang salitang ito ay panumbas ng Tagalog na
“literatura” o “literature” na kapuwa batay sa ugat na Lating “litera” na ang kahuluga’y “letra” o titik.
● Ayon kay Azarias, sa kaniyang aklat na “Pilosopia ng Literatura”, ang Panitikan ay pagpapahayag ng mga
damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan, at sa
kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha. Ang paraan ng pagpapahayag ay iniaayos sa iba’t iba niyang
karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa, na nababalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-
asa o pangamba.

Ang Panitikang Filipino


Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino hinggil sa
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.
Dapat isiping ang Pilipino ay naging “Pilipino” mula noong ika-16 na dantaon lamang – aapat na dantaon lamang.
Ngunit bago naging “Pilipino” ay may mga tao na ritong may kakayahang bumasa’t sumulat sa sariling baybayin
(alphabet) at may sariling kalinangan at kabihasnang kauri at katulad ng sa mga Malayo-Indonesyo at Malayo-
Polinesyo. Nang dumating ang mga Kastila, ang dating panitikan ay namalagi habang nanasok sa isip at puso ng
Kristiyanismo. Ang unang nagising sa malaong pagkakahimlay ay ang panitikang Tagalog na nagpatuloy ng pagsibol
at paglaganap hanggang sa ating panahon.
Ang panitikan sa Filipino at sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas ay panghabang panahon at masasabing
malusog.

B. Anyo ng Panitikan
Ang komprehensibong pagtalakay ukol sa anyo ng panitikan ay matutunghayan sa
aralin 8 ng sangguniang ito.

C. Impluwensiya
Kung ang klima, gawain, kinatitirahan, lipunan at pulitika, relihiyon at edukasyon ay may
impluwensiya sa anyo, hangarin, at laman ng panitikan naman ay may dalang impluwensiya sa
buhay, kaisipan, at ugaliin ng tao sa dalawang kalagayan.
Una – nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing
pinanggalingan ng akda.
Ikalawa – sa pamamagitan ng panitikan, ang mga tao sa daigdig ay nakakatagpo sa
damdamin at kaisipan at nagkakaunawaan, bukod sa nagkakahiraman ng ugali at palakad.

May mga akdang pampanitikang nagdala ng malaking impluwensiya sa buong daigdig ay


marami. Pangunahin ang mga sumusunod:

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG PANITIKANG FILIPINO


Mga Bahagi ng Panitikang Filipino
Paksa 2: Panimulang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan

Pagpapahalaga sa mga Likhang Sining Ayon sa Iba’t Ibang Pananaw

Isang mapanghamong larangan ang pag-aaral ng panitikan sa anumang lebel ng pagtingin dito.
Sa ganitong pananaw, nagiging kawili-wili para sa guro at estudyante ang asignaturang ito.
Mga Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan

You might also like