You are on page 1of 16

Epekto ng kakulangan sa tulog ng mga

estudyante sa Cebu Technological


University – Main Campus

GROUP 1
Kabanata 1

SULIRANIN AT MGA
SAKLAW NITO
Rasyonal ng Pag-aaral

Sa panahon ngayon,hindi na makakaila na halos


lahat ng mga estudyante ay nakakaranas na ng pag
pupuyat lalo na at nasamas makabagong panahon na
kung saan lahat ay namamadali at instant. Ayon sa
WebMD (2018), ang kabataan ay kailangan
makatulog ng walo’t kalahating oras hanggang siyam
at kalahating oras. Sinuportahan naman ito ng Sleep
Foundation (2015) na ang pagtulog ay kailangan
upang gumana ng maayos ang kaisipan. Hindi lamang
sa kalusugan nakakaapekto ang pagpupuyat pati na rin
sa ibang aspekto.
Ang kakulangan sa pagtulog ay dulot ng pagtulog ng
dis oras ng gabi at paggising ng maaga. Nagdudulot ito ng
kakulangan ng enerhiya,kakulangan ng gana sa klase dahil
sa kakulangan ng konsentrasyon,at hindi paging
produktibo. Ang mga salik na nakakaapekto sa sapat na
tulog ng tao ay ang kanyang libangan ,gawaing
bahay,gawaing pampaaralan o anumang gawain na
nagpapaikli ng kanyang oras ng pagtulog. Sa pagsibol ng
panahon ng teknolohiya ,maraming tao ang naaadik sa pag
gamit ng social media . May iba naman na ang dahilan ng
pagtulog ng matagal ay ang paggawa nila ng mga gawain
para sa isang organisasyon.
Ang pagtulog ng sapat ay napakahalagang aspekto sa
pag-aaral para magkaroon tayo ng sapat na lakas na gawin
ang mga gawain ng hindi nawawalan ng konsentrasyon. Sa
panahon ngayon,pwede nang gumamit ng teknolohiya sa
pagtuturo kaya ang mga estudtyante ay pinapagawa ng
Powerpoint Presentation ng kanilang mga guro para sa
kanilang reporting. Ang iba naman ay pinapagawa ng
music video na ang iba ay walang masyadong alam kaya
humahantong sa pagpupuyat. May mga estudyante rin na
naghihirap dahil sa insomia,isang karamdaman na kung
saan ang isang tao ay nahihirapan sa pagtulog kahit
gustuhin nitong matulog ng maaga.
Ang Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman ang epekto ng kakulangan


ng tulog ng mga mag-aaral sa Cebu Technological University- Main Campus.
Tiyakin sa pag-aaralna ito na matugunan ang mga sumusunod:
1.Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:
1.1 edad
1.2 kasarian; at
1.3 social status?
2. Ano- ano ang epektong oras at haba ng pagtulog ng mga respondente batay sa:
2.1 akademik
2.2 pisikal: at
2.3 sosyalisasyon?
3. Anong solusyon ang ibibigay ayon sa:
3.1 akademik
3.2 pisikal: at
3.3 sosyalisasyon?
Metodolohiya
Desinyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng


quantitative na pamamaraan.ang sarbey ay ang
ginamit bilang pangunahing instrumento ng pag-aaral.
Ang pagkolekta ng data ay batay sa sarbey na
ipinamahagi sa mga respondente. Ang sarbey ay
dinisenyo para makakuha ng sapat na impormasyon
na makakatugon sa mga layunin ng pag-aaral na ito.
Respondente

Ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay


ang mga piling mag-aaral ng Cebu Technological
University- Main Campus (Day Program):
 Grade 11
 Grade 12
 1st year college
Lokal

Ang pag-aaral na ito ya isinagawa sa Cebu Technological


University – Main Campus ng M.J. Cuenco Avenue Corner R.
Palma St. Cebu City,Philippines. Ang unibersidad na ito ay may
isang pangunahing kampus : Cebu Technological University -
Main Campus na may walong sangay na campus: Argao
Campus, Barili Campus,Carmen Campus, Daanbantayan
Campus, Danao Campus,Moalboal Campus, San Francisco
Campus, Tuburan Campus na may labindalawang ekstensyon na
kampus: Bantayan Island, San Remegio, Tabogon,
Pinamungajan, Bitoon-Barili, Bonbon-Cebu City, San Fernando,
Naga, Dumanjug, Malabuyoc, Samboan, at ang Oslob Campus.
Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa Cebu Technological
University-Main Campus dahil ang Senior High na
departamento ay nakabasi dito.
Instrumento

Ang sarbey ang ginamit ng mga mananaliksik


upang malaman ang epekto ng kakulangan ng tulog ng
mga estudyante sa kanilang akademik performans. Ito
ay nahahati sa tatlong bahagi: una, nilalayong alamin
ang propayl ng mga estudyante; pangalawa,tungkol sa
epekto ng kakulangan ng tulog sa akademik, sosyal at
pisikal na aspekto, at pangatlo, nilalayong makalikha
ng solusyon sa epekto ng kakulangan ng tulog ng mga
estudyante sa nabanggit na mga aspekto.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at


makatulong sa mga sumusunod:
 Sa mga administrasyon- nakakatulong ang
pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng
kaalaman kung ano ang maaari nilang gawing
solusyonsa mga estudyanteng kulang sa tulog at
mahikayat na mag aralng mabuti.
 Sa mga guro – magkaroon sila ng kaalaman sa mga
dapat gawin nila para hindi na mapuyat ang mga
estudyante nang sa gayon ay magabayan at
matulungan ang mga estudyante sa tamang
pamamaraan ng kanilang pag-aaral.
 Sa mga magulang - bilang unang mga guro ng kanilang
mga anak: ay makakapagisip-isip sila ng mga bagay na
maipapayo at maitutulong sa kanilang mga anak para
maiwasan na nilang magpuyat, kasabay ng pag-gabay tungo
sa maganda at maayos na pamamaraan ng kanilang pag-aaral.
 Sa mga mag-aaral – makakatulong ang pananaliksik na ito
dahil dito na malalaman ng mga estudyante na mahalaga ang
pagkakaroon ng sapat na tulog sa pag-aaral. nagsisilbing
gabay at babala ito para sa mga estudyante sa mga pwedeng
epekto ng kanilang pagpupuyat.
 Sa mga susunod na mananaliksik – maaari nila itong
gamiting basehan sa kanilang pananaliksik hinggilsa pag-
aaral ukol sa epekto ng kakulangan sa tulog ng mga
estudyante.
Talakayan ng mga Katawagan

 Sosyal- ang pakikipag-ugnayan ng indibidwal at ng


grupo, o ang kapakanan ng mga tao bilang mga
miyembro ng lipunan.
 Senior High School- ang dalawang huling taon ng k-
12 program.sa ilalim nito ,lahat ng mag-aaral ay
makikinabang sa core curriculum,o mga paksang
pangkalahatan,at mga paksang kapares sa piniling track .
 Akademikong Pagganap- ay naglalarawan sa
kahusayan ng isang mag-aaral sa mga kurso sa paaralan
o institusyon.
 Tulog- ay ang kalagayan ng pagpapahinga,na nagaganap
sa mga hayop,kasama ang mga tao .ang mga hayop na
natutulog ay nasa isang katayuan ng walang kamalayan,o
karamihan sa kanila.
Epekto ng kakulangan sa tulog ng mga
estudyante sa Cebu Technological University
– Main Campus

Walberg’s theory of Information Consolidation


Educational Productivity Theory of Sleep

Ano- ano ang epektong Ano- ano ang epektong Ano- ano ang epektong
oras at haba ng pagtulog oras at haba ng pagtulog oras at haba ng pagtulog
ng mga respondente ng mga respondente ng mga respondente
batay sa akademiks? batay sa pisikal? batay sa sosyalisasyon?

AWTPUT
ACTION PLAN
LAYUNIN Mga dapat Nakakatulong sa
gawin aspektong;
Iwasan ang sobrang Pisikal
Maiwasan ang paggamit ng gadgets.

kakulangan ng Gamitin ng wasto ang


oras, unahin ang pinaka-
Akademik

prayoridad.
tulog o Gumawa ng listahan para Akademik
sa mga dapat gawin.
pagpupuyat. (To-do-list)
Iwasan ang pag-inom ng Pisikal
maraming kape o pagkain ng
mga pagkaing may caffeine.
Iwasan ang stress. Sosyalisasyon at Pisikal

You might also like