You are on page 1of 13

Department of Education

Region X-Northern Mindanao


DIVISION OF BUKIDNON
Sumpong, Malaybalay City

TEST ITEM BANK


FILIPINO 3
Fourth Quarter

Cha at Che : Magandang umaga po, Gng, Jessica Lavarez. May sadya po kmi sa inyo.
Gng Alvarez : Magandang umaga naman. Maupo kayo.
Theo : Ma’am, bago po lamang kami sa paaralang ito. Ibig po naming malaman kung saan po
ang daan papuntang silid-aklatan.
Sid: Ibig po naming manghiram ng mga aklat upang magbasa.
Gng Alvarez: Ganoon ba? Magandang hakbang ang inyong gagawin sa pagpunta sa silid-
aklatan. Makakatulong ito sa inyong pag-aaral at makapagpapaunlad sa pagbasa ng mabilis. Ang
silid-aklatan ay katapat ng silid ng ikatlong baitang.
1. Ano ang dahilan ng pagpunta ng mga mag-aaral kay Ginang Jessica Lavarez?

A. Bibili ng proyekto
B. Manghihiram sila ng aklat
C. Magtatanong kung saan ang papuntang silid- aralan.
D. Magbibigay ng proyekto.

2. Ano ang mga dahilan ng pagpunta ng mga mag-aaral kay Gng. Jessica Lavarez sa unang bahagi ng
kwento?

A. Ibig malaman kung saan ang silid-aklatan at manghiram ng aklat


B. Nais magtanong tungkol sa kanilang klase.
C. Gusto malaman ang daan papuntang canteen.
D. Para manghiram ng aklat.
A/at ito ay nasa Multistructural sapagkat Sa pagsasanay na ito, tinitingnan natin ang
iba't ibang aspeto ng kwento at binibigyan ng kahulugan o interpretasyon ang bawat bahagi
nito, na nagbibigay ng masusing pagsusuri sa kanilang pakay at layunin sa pagbisita kay Gng.
Jessica Lavarez.
3. Ano ang kaugnayan ni Gng. Jessica Alvarez kay Cha at Che?

A. Kaibigan
B. Kaklase
C. Guro
D. Magulang
C/at ito ay nasa relational sapagkat Ang tamang sagot ay C. Guro. Nakita natin sa unang
bahagi ng usapan na tinawag ni Cha at Che si Gng. Jessica Lavarez na "Ma'am," na
nagpapahiwatig na siya ay kanilang guro. Ito ang nagbibigay-kahulugan sa kanilang interaksyon
at nagsasaad na ang kaugnayan ni Gng. Jessica Lavarez kay Cha at Che ay bilang kanilang guro sa
paaralan.

Modesta R. Jaurigue
Kring…! “Yehey! Labasan na!” sigaw ng mga mag-aaral ng ikatlong Baitang. Lahat ay
nagmamadaling nagligpit ng mga gamit. Nakita ni Tom na itinapon ng mga kaklase ang mga
papel sa basurahan. “Bakit itinapon niyo ang mga papel na wala pang sulat? Sayang naman,” ang
sabi ni Tom. “Bibili na lang kami bukas at saka yukos na ang mga yan.” Ang sagot ni Cloe. Kinuha
ni Tom ang mga papel na itinapon ng mga kaklase at inilagay sa envelop. Nagtasa ng kanyang
lapis at inilagay sa lagayan ng mga lapis. Nang makitang maayos na ang kanyang mga gamit, saka
tumayo at inihanda ang sarili na umalis.

4. Ano ang ginawa ni Tom sa mga papel na itinapon ng mga kaklase?


A. Itinapon din sa basurahan
B. Binili sa susunod na araw
C. Iniayos at inilagay sa envelop
D. Iniwan lang sa lupa

5. Ano ang ginamit ni Tom para itago ang mga papel na itinapon ng mga kaklase?

A. Plastik
B. Envelop
C. Karton
D. Kagamitan sa pag-aaral
6. Ano ang reaksyon ni Cloe sa sinabi ni Tom tungkol sa mga papel na itinapon ng mga kaklase?
A. Hindi pinansin si Tom
B. Tinanong kung bakit importante ang mga papel
C. Sumang-ayon at tinulungan si Tom
D. Nagtaka kung bakit si Tom interesado sa mga papel
Stem: sa isang eksperimento sa Science class ni Gng. Anna naglagay siya ng tanim na mangga sa
ibat-ibang lugar
sa silid aralan. Naglagay siya ng maraming mangga sa malawak na Mesa, sa lamesa sa tabi ng
bintana at sa lamesa sa tabi ng pintuan.
7. Ano ang tanim na ginawang eksperimento sa Science Class ni Gng. Anna?

A. Saging
B. Mangga
C. Bayabas
D. Santol

8. Ayon sa eksperimento ni Gng. Ana, sa aling lugar nailagay ang pinakamaraming tanim na mangga?

A. Mesa
B. Lamesa
C.Lamesa sa tabi ng bintana.
D. lamesa sa tabi ng pintuan

9. Sa anong paraan maaring makaapekto ang lokasyon ng paglalagyan ng mga mangga sa bilang ng
mga bunga na maituturing na pinakamarami?

A. Ang lokasyon ay maaaring mgdulot ng ibat ibang antas ng araw na maaaring makaapekto sa
pglakinng bunga
B. Posibleng lokasyon ay may kaugnayan sa lawak ng espasyo na maaaring magbiga ng ma
maraming halaman.
C. Ang lokasyon ay maaaring magdulot ng ibat ibng uri ng nutients na mahalaga sa paglago n ga
halaman
D. Posibling ang lokasyon ay may kaugnayan sa pagtugon ng halaman sa mga kondisyon ng
kapaligiran tulad ng temperatura at humidity

l Stem: Ang bawat mag aaral ay binigyan ng isang aklat na may mga imahe ng mga hayop
tulad ng Aso, Pusa, Elepante at Leon. Sinimulan nilang sipiin ang mga pangalan ng mga hayop na
makikita sa aklat. Ang Aso ang naunang nasipi.

10. Ano ang pangalan ng unang hayop na nasipi?


A. Aso
B. Pusa
C. Elepante
D. Leon
11. . Anu-ano ang pangalan ng mga hayop na nasipi ng wasto at maayos ayon sa kwento ?

A. Aso, Pusa, Elepante, at Leon


B. Pusa, Baka, Aso at Leon
C. Elepante, Manok, Kalabaw at Pusa
D. Leon, Pusa, Baka at Kalabaw
A/ kaalaman na may konting imopormasyon at pagbibigay ng listahan

12. Paano nakatulong ang wastong sipi sa pag unawa ng mga mag-aaral sa mga hayop na kanilang
inaaral?

A. Ang wastong sipi ay nagbigay ng malinaw na pagkakakilanlan sa bawat hayop na kanilang


tinitingnan.
B. Ito ay nagbigay ng oportunidad sa mga mag aaral na magkaroon ng kasanayan sa wastong
pagsulat at pagsasalita
C. Ang sipi ay nagdulot ng mga bagong kaalaman tungkol sa mgs hayop na kanilang natutunan
D. Dahil sa wastong sipi, nagging mas madali para sa kanila na magturo o magpaliwanag sa iba
kung ano ang mga katangian ng bawat hayop

STEM: Isang araw, si Mia ay naglakbay sa kagubatan at nakatagpo ng leon. Tinanong niya ito
kung paano makapasok sa kaharian. Dahil sa tamang pagtatanong, nalaman ni Mia ang oras ng
pagbubukas ng mahiwagang pintuan at nagtagumpay sa kanyang misyon.

13. .Ano ang tamang oras ng pagbubukas ng mahiwagang pintuan sa kaharian?

A. Umaga
B. Hapon
C. Gabi
D. Madaling-araw

14. Sino si Mia at ano ang layunin niya sa kanyang paglalakbay?

A. Isang magsasakang naglalakbay


B. Isang mandirigmang naghahanap ng kaharian
C. Isang guro na nagtuturo tungkol sa kagubatan
D. Isang hardenero na nag-aalaga sa kagubatan

15. Ano ang koneksyon ng oras ng pagbubukas ng mahiwagang pintuan sa pag-unlad ng kwento?

A. Ito ang naging dahilan kung bakit nawala ang floats.


B. Ang oras ng pagbubukas ay nagbigay liwanag sa landas ni Mia sa kanyang misyon.
C. Ito ang nagturo kay Mia kung paano hahanapin ang nawawalang floats.
D. Ang oras ng pagbubukas ay hindi naging mahalaga sa kwento.
STEM: Sa isang nayon, naglakbay ang batang may pagkakatigang hanapin ang hiwaga ng
kagubatan. Ang lumang tipak ng lupa ay nagbigay ng palatandaan ng mga nakaraang
paglalakbay. Kapag mas malapit na siya sa kagubatan, napagtanto niyang ang katahimikan ay
nagdudulot ng kapayapaan. Ang mga tipak ng lupa at huni ng ibon ay nagpahiwatig ng
mayamang kasaysayan at kalikasan. Sa pamamagitan ng mga palatandaang ito, natutunan niya
ang kahulugan ng yaman at ganda ng lugar.

16. Ano ang itinuturing na pahiwatig ng lumang tipak ng lupa sa kwento?

A. Daan patungo sa kagubatan


B. Alamat ng mga ninuno
C. Pook ng kapayapaan
D. Nakaraang paglalakbay

17. Paano nagsilbing palatandaan ang lumang tipak ng lupa sa kwento, at ano ang epekto nito sa
damdamin ng batang naglalakbay?

A. Nagbigay ng ligaya, katahimikan at kasaysayan at konteksto sa lugar


B. Nagdulot ng kapayapaan at introspeksyon
C. Nagbigay aliw at kakaibang tunog
D. Nagdulot ng ligaya at saya sa batang naglalakbay

18. Paano nagsilbing tulay ang pagtuklas ng batang naglalakbay sa kasaysayan ng lugar at sa kanyang
personal na damdamin?

A. Binigyan siya ng konteksto sa kung paano nabuo ang lugar, nagdadagdag ng lalim sa
kanyang pang-unawa.
B. Inilahad ng kasaysayan kung bakit may mga lumang tipak ng lupa, nagbibigay daan sa
masusing pagsusuri ng kanyang karanasan.
C. Ang tahimik na kapaligiran ng kagubatan ay nagsilbing inspirasyon sa kanyang personal
na damdamin, nagbibigay kahulugan sa kanyang paglalakbay.
D. Lahat ng nabanggit ay nag-ambag sa pagbuo ng koneksyon ng batang naglalakbay sa
lugar at sa kanyang sariling nararamdaman.

STEM: Si Alex, isang estudyante na pangarap maging pintor, sumali sa sining na paligsahan.
Sumunod siya sa panuto: gumamit ng natural na kulay, ipakita ang damdamin, at huwag
lalampas sa sukat na 18x24 pulgada. Buo ang loob na sumunod si Alex, nagamit ng natural na
kulay, at ipinakita ang damdamin sa likha. Sa resulta, nanalo siya sa paligsahan at naging
inspirasyon sa iba.
19. Ano ang isinunod ni Alex na hakbang sa kanyang pagsali sa sining na paligsahan?

A. Gumamit ng natural na kulay


B. Sumunod sa sukat na 18x24 pulgada
C. Ipakita ang damdamin sa bawat pinta
D. Maging inspirasyon sa iba

20. Paano naging epekto sa tagumpay ni Alex ang bawat hakbang na isinunod niya sa paligsahan ng
sining? Ibigay ang iyong pagsusuri sa bawat aspeto ng kanyang pagsunod sa panuto.

A. Epekto ng pagsunod sa paggamit ng natural na kulay.


B. Epekto ng pagsunod sa pagpapakita ng damdamin sa bawat pinta.
C. Epekto ng pagsunod sa tamang sukat na 18x24 pulgada.
D. Epekto ng tagumpay ni Alex sa pagiging inspirasyon sa iba.

21. Paano nakatulong ang pagsunod ni Alex sa mga panuto sa pagbuo ng kanyang likhang sining, at
paano ito nagdulot ng tagumpay sa kanya sa paligsahan ng sining?

A. Dahil sa pagsunod niya, nasaksihan ng mga hurado ang malalim na damdamin sa


bawat pinta.
B. Ang pagsunod sa panuto sa paggamit ng natural na kulay ay nagbigay buhay sa
kanyang obra.
C. Dahil sa tamang sukat, napansin ng mga hurado ang detalye at husay ng kanyang likha.
D. Ang pagsunod ni Alex sa panuto ay nagdulot ng tagumpay sa paligsahan, na nagbigay
inspirasyon sa iba.

STEM: Si Maria ay masigla at maasahan sa kanyang klase. Isang araw, may nagtapon ng basura
sa daan, kaya't tinulungan niya ang guro na linisin ito. Sa munting gawang ito, natutunan ni
Maria ang halaga ng pagtulong at responsibilidad.

22. Ano ang ginawa ni Maria nang may nagtapon ng basura sa daan?
A. Umupo lang
B. Lumakad palayo
C. Tumakbo ito papalayo
D. Tumulong sa guro na linisin ang basura

23. Paano ipinakita ni Maria ang pagiging mabuting halimbawa sa kanyang klase?
A. Pagiging masigla at maasahan sa kanyang klase
B. Nagtapon din ng basura
C. Nanood lang sa gilid
D. Umupo lang ito
24. Ano ang naging epekto ng munting gawain ni Maria sa kanyang pag-unlad bilang mag-aaral?
A. Mas naging responsableng estudyante
B. Wala itong epekto sa kanya
C. Naging mayabang siya
D. Mas naging tamad

STEM: Si Miguel ay isang batang masayahin na madalas maglakad sa aming pamayanan.


Nakikita niya ang mga magagandang bulaklak at ang masasayang tao na naglilibot sa kalsada.
Isang araw, natagpuan niya ang isang maliit na pusa na kulay itim at puti na naglalaro sa ilalim ng
puno. Tinawag niya itong "Oreo" dahil sa kulay nito. Sa bawat araw, kasama niya si Oreo sa
kanyang mga lakad, at dito natutunan ni Miguel ang pagmamahal sa mga hayop sa aming
pamayanan.

25. Ano ang pangalan ng maliit na pusa na natagpuan ni Miguel?


A. Oreo
B. Blackie
C. Snowball
D. Whiskers

26. Bakit tinawag ni Miguel ang maliit na pusa na si Oreo?


A. Dahil sa kulay nitong itim at puti
B. Dahil sa kulay nitong berde at pula
C. Dahil sa kulay nitong dilaw at asul
D. Dahil sa kulay nitong kulay-abo at rosas

27. Paano naging mahalaga ang pagkakaroon ni Miguel ng pagmamahal kay Oreo sa kanyang buhay?
A. Dahil ito ang nagturo sa kanya ng kahalagahan ng pagmamahal sa mga hayop
B. Dahil ito ang naging daan upang mas kilalanin niya ang kanyang pamayanan
C. Dahil ito ang nagsilbing inspirasyon sa kanyang paglalakbay sa buhay.
D. Dahil ito ang nagbigay sa kanya ng bagong kaibigan
STEM: Pag-aralan ang graph sa ibaba.

28. Ilan ang bilang ng mga mag-aaral na may paboritong kulay na pula?
A. 1
B. 2
C. 3
D. 5

29. Ano ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na may paboritong kulay na ube at berde?
A. 3
B. 4
C. 5
D. 7

30. Paano mo mailalarawan ang ugnayan ng bilang ng mga mag-aaral sa bawat kulay sa graph?
A. Mayroong mga kulay na mas marami ang may gusto kaysa sa iba
B. Mayroong mga kulay na parehas ang bilang na gusto ng mga bata
C. Ang gustong kulay ng mga bata ay dilaw
D. Walang bata ang may gusto ng pula

Stem: Ang Aking Ate

Ang aking Ate ay masipag. Mahusay siya pagdating sa mga gawaing bahay. Gusto niyang malinis
ang aming bahay at ang malawak naming bakuran. Makintab at makinis lagi ang aming sahig.
Ang aming pinto, bintana, at dingding na malapad ay nililinis din niya. Hindi lang siya masipag
kundi isa rin siyang ulirang anak. Tinutulungan niya palagi sina Nanay at Tatay sa mga gawaing
bahay. Siya rin ay mabait at maunawain na kapatid. Mahusay rin siyang umawit at matalino sa
klase. Siya ay laging nakangiti at masaya. Isa siyang kalugod-lugod na anak at kapatid.
31. Bakit tinuturing na ulirang anak ang Ate sa kwento?
A. Dahil sa kanyang ganda
B. Dahil sa kanyang kahusayan sa pag-awit
C. Dahil sa kanyang pagiging masipag at matulungin
D. Dahil sa kanyang katalinuhan sa klase

32. Ano ang katangian ng Ate sa kwento na pwede mong tularan?


A. Magalang
B. Masipag
C. Maka-Diyos
D. Matapat

Stem: Ang Aking Ate


Ang aking Ate ay masipag. Mahusay siya pagdating sa mga gawaing bahay. Gusto niyang malinis
ang aming bahay at ang malawak naming bakuran. Makintab at makinis lagi ang aming sahig.
Ang aming pinto, bintana, at dingding na malapad ay nililinis din niya. Hindi lang siya masipag
kundi isa rin siyang ulirang anak. Tinutulungan niya palagi sina Nanay at Tatay sa mga gawaing
bahay. Siya rin ay mabait at maunawain na kapatid. Mahusay rin siyang umawit at matalino sa
klase. Siya ay laging nakangiti at masaya. Isa siyang kalugod-lugod na anak at kapatid.

33. Ilang pangungusap ang bumubuo sa talata?


A. 7
B. 9
C. 10
D. 11

Stem: Ang mga salitang kilos o pandiwa ay naglalarawan ng mga aksyon o kilos na isinasagawa
ng mga tao, bagay, o hayop,Mga halimbawa ng mga salitang kilos o pandiwa Magluto - Ang
paghahanda ng pagkain sa tahanan.
Maglaba - Ang paghuhugas ng mga damit.
Mag-aral - Ang pag-aaral ng mga aralin sa paaralan.
Magtanim - Ang paglalagay ng mga binhi sa lupa upang tumubo.
Magtapon - Ang pagtatapon ng basura sa tamang lugar.
Maglinis - Ang pag-aayos at pag-aalis ng dumi sa isang lugar.
Maglaro - Ang paglalaro ng mga laro o palaro sa pamayanan.
Magturo - Ang pagbibigay ng kaalaman o impormasyon sa mga estudyante.
Magtulong-tulong - Ang pagtulong sa isa't isa upang matapos ang isang gawain.

34. Ano ang ginagawa nang guro kapag nasa paaralan?


A. Magturo
B. Magtanim
C. Magtulong-tulong
D. Maglaba
35. Pumili ng mga salitang kilos na kadalasang ginagawa ng isang batang katulad mo?
A. Maglaba at Magtanim
B. Magturo at Mag-aral
C. Maglaro at Mag-aral
D. Maglinis at Maglaba

36. “Ibig po naming manghiram ng aklat.” Anong salitang kilos ang ginamit sa pangungusap?

A. aklat
B. ibig
C. naming
D. manghiram

37. Alin sa mga sumusunod na parirala ang may salitang kilos?

I. kumain ka na
II. magandang bata
III. naglalaro ang mga bata
IV. masayang pamayanan

A. I at II B. I at III C. IV D. II at IV B. I at III

38. Paano nakakatulong ang mga salitang kilos sa pagpapahayag ng damdamin ng isang tao?

A. nagbibigay kulay sa pagsasalaysay ng damdamin


B. nagpapahayag ng kahulugan at intensiyon sa komunikasyon
C. Wala sa nabanggit
D. A at B D. A at B

STEM: Araw ng Sabado, masayang naglalaro si Mark kasama ang kaniyang alagang aso
sa bukid. Mabilis tumakbo si Brownie kaya agad niyang nakukuha ang bolang inihahagis ng
kaniyang amo.

39. Ano ang ginagampanan ng pang-abay na “masayang” sa pangungusap?


A. Naglalarawan ng kilos o gawi
B. Nagsasaad ng oras
C. Tumutukoy sa lugar
D. Tumatakbong aso
40. Paano naiiba ang pang-abay na “mabilis” sa pang-abay na “agad” batay sa pangungusap?

A. Magkaiba ang kahulugan


B. Parehong naglalarawan ng kilos
C. Iisa ang gamit sa pangungusap
D. Magkatulad ang kahulugan

41. Paano nakakatulong ang pang-abay sa pagpapahayag ng damdamin o kilos ng mga tauhan sa
kwento?
E. Hindi nakakatulong
F. Nagbibigay kulay sa pangungusap
G. Tumutukoy lamang sa oras
H. Nagpapahayag ng kilos B/ Nagbibigay kulay sa pangungusap

STEM: Basahin ang kwento ng isang batang mahilig sa teknolohiya. Alamin natin kung ito ay
nakatutulong o hindi nakaktulong sa kanya.

Nakatutulong nga Ba?

Pagkagising ni Galileo, agad niyang binuksan ang telebisyon. Oras na ng kaniyang paboritong
cartoons. Lumamig na ang pagkain sa agahan. Hindi pa rin tapos ang kaniyang pinapanood. Oras
na nang paliligo. Tinatamad pa rin siya. Hindi mapuknat ang mga mata sa kaniyang pinapanood.
“Galileo, kumain kana,” paalala ni ate Cora. “Galileo, pumunta ka nga muna sa tindahan,” hiling
ni Nanay. “Galileo, tulungan mo muna ako dito,” utos ni Tatay.
Hindi pa rin tumitinag si Galileo sa panonood ng kaniyang paboritong panghapong programa.
“Ito po si Bryan Conception, nag-uulat.” Tak…tak…tak… ito ang sunod na narinig sa kaniyang
kwarto. Computer naman ang binuksan ni Galileo. Ilang saglit lang, isang munting papel ang
lumabas sa kaniyang printer. Gabing-gabi na nang marinig nina ate Cora, Nanay at Tatay ang
mga salitang, “Ito po si Galileo Diza, nag-uulat.” Napangiti si Galileo. Handa na siya sa kaniyang
pag-uulat na gagawin sa klase kinabukasan.

42. Ano ang ibig sabihin ng “telebisyon” batay sa kwento?


A. Laruan
B. Aparato sa pagluluto
C. Device para sa panonood ng programa
D. Balita
43. Alin sa mga sumusunod na ginamit na salitang hiram ay naglalarawan ng kilos ni Galileo sa umaga?
A. “Tinatamad”
B. “Telebiyon’
C. “Nag-uulat”
D. “Programa”

44. Paano naiugma ang pangungusap na “Galileo, tulungan mo muna ako dito” sa konteksto ng kwento?

A. Naglalarawan ng kilos ni Nanay


B. Nagpapakita ng kahalagahan ng pagtulong
C. Tumutukoy sa paboritong program ani Galileo.
D. Pagbabalita B/ nagpapakita ng kahalagaan ng pagtulong.

45. Ano ang tamang gamit ng pang-abay sa pangungusap na "Ang mga kabataan ay masigla na
naglakbay patungo sa lugar ng pista."?

- A) maingay
- B) masaya
- C) malungkot
- D) malaya

44. Paano naglalarawan ng kilos o gawi ang pang-abay sa pangungusap na "Ang kasalukuyang
administrasyon ay maingat na nagtataguyod ng mga reporma sa edukasyon" kumpara sa "Ang
batang lalaki ay malakas na naglakbay patungo sa pook pasyalan"?
- A) Sa paraan ng kilos
- B) Sa damdamin ng pangyayari
- C) Sa kalidad ng gawi
- D) Sa katangian ng lugar

STEM:
Ang Mabuting Samaritano Isang lalaki ang bumaba sa Herusalem patungong Hereco.
Kinasadlakan niya ay mga magnanakaw. Pinagnakawan siya at iniwan sa daan na halos
mamamatay na. Isang pari ang nuo’y pababa at nakita niya ang kawawang lalaki. Iniwasan niya
ito at gumawi sa kabilang landas. Wala siyang ginawa upang matulungan ito, hanggang nagawi
ang isang Livete. Nang makita niya ito ay ginawa rin niya ang ginawa ng pari. Tiningnan lamang
niya ito at iniwasan. Samantala, dumating ang isang lalaki, ang Samaritano. Nang nakita niya ito
ay kaagad siyang naawa. Lumapit sa tabi ng sugatang lalaki at nilinis ng kamay niya ang mga
sugat nito. Inalalayan ito at dinala sa isang matitirhan. “Mangyaring alagaan siya at babayaran ko
ang lahat mong magugugol,” ang sabi niya sa tagapamahala ng tirahan.” Batayan: Landas sa
Pagbasa6, p. 183
I. Tinulungan sya ng Samaritano, Binantayan at inalagaan hanngaang sa gumaling
II. Nagbigay pasalamat ang lalaki sa pagtulong at pagmamahal
III. Isang lalaki ang bumaba mula sa Jerusalem Patungong Jericho naaksidente sya at
iniwang duguan
IV. Dumating ang isang pari at itinulak lang ang lalaki
V. Sumunod ang isang Levita ngunit umiwas at iniwan siyang naghihirap

45. ANO ANG TAMANG PAG-KAKABOUD NG KWENTO


A. I,III,V,IV,II
B. II,I,V,VI,II
C. III,IV,V,I,II
D. II,V,IV,I,III

C/ THE LEARNERS ARE REQUIRED TO SUMMARIZE THE GIVEN SELECTION, AND SO IT FALLS
UNDER A MULTI-STRUCTURAL SOLO MODEL

You might also like