Professional Documents
Culture Documents
February 20 - Mga Kasanayan Sa Mapanuring Pagbasa - Bago Magbasa
February 20 - Mga Kasanayan Sa Mapanuring Pagbasa - Bago Magbasa
II- Nilalaman
a. Paksa: Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa – Bago Magbasa
b. Sanggunian: De Laza, C. 2016. Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik. Pah. 18-19. Manila: Rex Book Store, Inc.
c. Mga Kagamitan: Notebook, Panulat, Laptop, TV/Projector
III- Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati sa klase.
Pagtsek ng Atendans
Pagtala ng Liban/Huli sa klase
Pagpuna sa kaayusan/Kalinisan sa klase
B. Aktibity
PANGKATAN
Magbibigay ng tigtatatlong (3) metacards sa bawat pangkat, saka punan ito ng mga
paghahanda na isinasagawa bago bumasa. Ipapaskil ito sa pisara.
MGA
PAGHAHAND
A BAGO
BUMASA
C. Analisis
Ibabahagi sa klase ang mga naisulat sa metacards.
D. Abstraksyon
INDIBIDWAL NA PAGBASA
Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin. Ang pagsusuri ng
panlabas na katangian ng teksto ay mahalaga upang malaman ang tamang estratehiyasa
pagabsa batay sa uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang
layunin ng pagbasa.
Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng
mabilisang pagtinigin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng
aklat. Sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang
kaalaman upang lubusang msuri kung anong uri ng teksto ang babasahin.
Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang
teksto batay sa isinasagawang pagsisiyasat. Ito ang pagsisimula ng kognitibong proseso.
E. Aplikasyon
Lagyan ng tsek () ang patlang bago ang bilang kung ang tinutukoy ng pahayag ay
mga gawain bago bumasa. Lagyan naman ekis () kung hindi.
Inihanda ni:
Sandralyn P. Martinez
SST – III