You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
SCHOOLS DIVISION OF COTABATO
DR. ONOFRE H. CAMPO HIGH SCHOOL
Batasan, Makilala, Cotabato
S.Y. 2023-2024
DAILY LESSON Teacher Ramelie V. Saliling Grade Level 12
PLAN Date Oct 3, 2023 Learning Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t-ibang
(DLP) Time 7:30 - 9:30 AM Area Teksto tungo sa Pananaliksik
Section Pasteur Quarter Unang Markahan
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig
B. Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga
penomenangkultural at panlipunan sa bansa

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang


Isulat ang Code ng bawat kasanayan teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig
F11PB – IIId – 99
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahan na:
A. natutukoy at nakilala ang kahulugan ng previewing,
contextualizing at questioning;
B. nauunawaan ang nilalaman ng teksto at ginamit na
estratehiya ng mapanuring pagbasa; at
C. nakasusulat ng sariling teksto mula sa kanyang
karanasan sa kasalukuyang sitwasyon.

II.NILALAMAN Iba’t Ibang Tekstong Babasahin


Kalakip ang mga Estratehiya ng Mapanuring Pagbasa
(Previewing, Contextualizing
at Questioning o Pagtatanong)
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa Portal Learning
Resources
B. Iba Pang Kagamitang Panturo SLM/ADM - Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong
Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-
Lungsod Pasig
IV. PAMAMARAAN Gawin ang pamamaraang ito ng buong Linggo at tiyakin
na may gawain sa bawat araw. Para sa holistikong
pagkahubog, gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga
istratehiya ng Formative assessment. Magbigay ng
maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong
kaalaman,, mag-isip ng analitikal at kusang magtaya ng
dating kaalaman na inuugnay sa kanilang araw-araw na
karanasan.
A.Balik-aral sa nakaraang Aralin at/ o pagsisimula Pananlangin
ng bagong aralin. Tsek ng Attendance
Pagganyak:
Kumustahin ang mga mag-aaral
Paano mo sinisimulan ang pagbasa ng teksto?
B. Paghahabi sa layunin ng Aralin Ipabasa sa isang mag-aaral ang Layunin sa pag-aaral.

Bago mo ba simulan ang pagbasa nagtatanong ka ba


muna sa iyong sarili? Bakit?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Basahin at unawain ang bawat aytem. Bilugan ang titik
ng wastong sagot.
1. Ito ay pagsasaayos ng teksto sa paraang historikal,
biograpikal at nakabatay sa kontekstong kultural.
A. previewing B. contextualizing C. questioning
2. Ang estratehiyang ito ay pasimpleng pinasisilip ang
nilalaman para magkaroon ng ideya ang isang
mambabasa.
A. previewing B. contextualizing C. questioning
3. Naglalaman ng mga tanong para sa malalimang
pagkakaintindi sa teksto.
A. previewing B. contextualizing C. questioning
4. Ang estratehiyang contextualizing ay nangangailangan
ng ____________
A. karanasan B. impluwensya C. pagkilala
5. Isa sa bahagdan ng pagbasa ng previewing ay
ang_______________
A. pagtingin sa pamagat B. may kaalaman sa paksa
C. pag-uugnay

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy ng bawat
bagong kasanayan #1 pahayag.
___________1. Ito ay naglalaman ng mga tanong upang
mapalalim ang pagkakaunawa sa nilalamang teksto.
___________2. Pagtingin sa pamagat na nakasulat na
blue print
___________3. Ito ang pagsasaayos ng teksto sa paraang
historikal, biograpikal at nakabatay sa kontekstong
kultural.
___________4. Gumagamit ng karanasan upang mas
makilala ang nilalaman ng teksto.
___________5. Ito ang pagbasa na hindi muna ganap o
buo ang sinusuri sa binabasang teksto bagkus kinukuha
muna ang mga detalye upang makuha ang
pangkahalatang pagkaunawa sa kabuoan ng teksto
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasnan Basahin ang diyalogo at tukuyin kung ang estratehiyang


(Tungo sa Formative Assessment ) ginamit sa mga salitang may salungguhit ay:
A. previewing
B. contextualizing
C. Questioning.
Pedra: Parang nabasa ko sa (1) headlines na tumaas na
naman ang covid cases.
Pedro: Oo, nabasa ko rin na ang (2) covid ngayon ay
airborne na!
Pedra: Talaga! (3) saan kaya ito talaga nagsimula?
Pedro: Hindi ko alam! basta sabi sa (4) unang talata sa
pahayagan malupit ang virus na ito.
Pedra: Sa palagay mo, (5) ano kaya ang iniisip ng mga
tao sa buong mundo?
Pedro: Hindi ko alam, basta kailangan nating mag-ingat!

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na Panuto: Sumulat ng sariling teksto mula sa iyong


buhay. karanasan sa kasalukuyang sitwasyon. Tukuyin ang
ginamit na estratehiya at ipaliwanag kung paano ito
nakatulong sa pagbuo ng teksto. Suriin ang ilan sa
estratehiyang ginamit sa pamamagitan ng pagguhit sa
pangungusap
Pamantayan:
Wasto ang ginamit na estratehiya: 15
Maayos at malinawa ang gramatika: 10
Kabuoan 25
H. Paglalahat ng Aralin Sa tulong ng web, ibigay ang mga katangian ng tatlong
estratehiya.

I.Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang
pahayag at Mali naman kung ito ay hindi wasto.
__________1. Ang pagbasa ng talaan ng nilalaman ay
maituturing na contextualizing.
__________2. Ang questioning ay base sa pangunahing
ideya at hindi sa nilalaman ng teksto.
__________3. Ang previewing ay ginagamit sa pagkuha
ng buod ng teksto.
__________4. Ang contexualizing ay estratehiya
nakapokus sa historikal at bayograpikal ng teksto.
__________5. Ang pagbasa sa una at huling talata ay
previewing na paraan.
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at
remediation
V. MGA TALA
Magnilay sa iyong mga istratehiyang pagtuturo. Tayain ang
VI. PAGNINILAY paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo
ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maaari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/
ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maaari nilang
ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F.Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihandi ni:

RAMELIE V. SALILING
Teacher 11-SHS

Sinuri ni:

ERWIN M. PLANA
Principal 1

You might also like