You are on page 1of 3

I.

PAMAGAT NG PROYEKTO
Paggawa ng Sports Club para sa mga mag-aaral ng Crisostomo O. Retes National High
School.

II. PROPONENT NG PROYEKTO


Edzelle Bucog Jenelie Tubac
Kent Cyrus Ulla Warren Remollo
Henna Pearl Cecelio Flotenia
Hanna Mae Ybias

III. KATEGORYA
Ang proyektong paggawa ng sports club para sa mga mag-aaral ng Crisostomo O. Retes
National High School ay pangangalapan ng pondong galing sa gagawing solicitation o fund
raising activity upang makakalap ng sapat na pera na kung saan ito ay manggagaling sa mga
guro, magulang, at ibang mga pribadong kompanya o mga tao na maaaring tumulong at
magbigay ng suportang pinansyal.

IV. PONDONG KAILANGAN

MATERYALES PRESYO
JERSEYS 18, 000
BALLS 13,000
NETS/RINGS 4,000
TRAINING EQUIPMENTS 5,000
TOTAL: 40,000

Ang perang gagamitin sa pagbili ng mga materyales ay magmumula sa pundong ilalaan


ng paaralan at sa mga pribadong kompanya/tao na hihingan ng solicitation o tulong
pinansyal.

V. RASYONAL
Bawat estudyante ay may kanya-kanyang indibidwal na kakayahan. Merong mga
magagaling sa akademiks at meron din namang namamayagpag pagdating sa larangan ng
palakasan o isports. Kung gayon, inilathala ang proposal na ito upang mabigyan ang mga
mag-aaral ng Crisostomo O. Retes National High School ng sapat na suporta at pasilidad
upang mahasa ang kanilang mga natatanging talento at kakayahan sa ganitong larangan.

VI. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO


 Deskripsiyon
Pagtatag ng mga sports club sa paaralan ng CORNHS.
 Layunin
Layunin ng proposal na ito na mabigyan ang mga mag-aaral ng CORNHS ng dekalidad
na mga pasilidad at suporta upang mahasa ang kanilang mga indibidwal na mga kakayahan
sa larangan ng palakasan. Bukod pa dito, ito din ay upang matutunan nila ang tamang mga
gawain lalong-lalo na patungkol sa disiplina na kanila ding magagamit sa kanilang pang-
araw-araw na pamumuhay.
VII. KASANGKOT SA PROYEKTO
Bilang mga mag-aaral, para mapabisa ang implementasyon ng proposal na ito ay
kinakailangan namin ang suporta ng parehong paaralan at ng mga pribadong kompanya
lalong-lalo na pagdating sa pinansyal na aspeto. Sila ay ang mga sumusunod:

Kasangkot sa Paaralan Kasangkot na mga Pribadong Kompanya


 CORNHS Sports Coordinator/s  MAAYO Shipping Inc.
 CORNHS School Head  Filoil Gas Station
 CORNHS Student Sports Enthusiast  Tampi Plaza
 CORNHS PTA

VIII. KAPAKINABANGANG DULOT


Ang mga mag-aaral ng Crisostomo O. Retes National High School ay mas lalong
mahihilig sa iba’t-ibang larangan sa pangpalakasan maliban sa mga akademikong gawain na
naibibigay ng paaralan. Sa madaaling salita, matutulongan nito ang mga mag-aaral na
maging disiplinado sa kanilang mga sarili at maiwas sila sa mga hindi magagandang gawain
kagaya nalang ng pagkalulong sa mga bisyo. Bukod pa dito, mapapakinabangan din ito ng
paaralan dahil maliban sa pangunguna ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang larangan patungkol
sa akademiks, ay mabibigyan din ng oportunidad ang ibang mga mag-aaral na maipakita
ang kanilang mga natatagong galing sa larangan ng palakasan. Dahil dito ay magkakaroon
ang paaralan ng CORNHS ng mga positibong puna bilang isang paaralan na naglalayong
mapagyaman ang kakayahan ng bawat mag-aaral sa kahit anong aspeto.

IX. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA


Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itinakda ang mga sumusunod na mga gawain
o hakbang:

Petsa Mga Gawain Pangalan (ng kung Lugar/Lokasyon


sino ang gagawa)
Enero 11, Pag-aproba ng punong guro CORNHS Sports CORNHS Court
2024 at pagpresenta ng planong Coordinator/s,
budget punong guro, at
CORNHS PTA
Enero 15-21, Pamimigay ng mga CORNHS Sports Mga lugar o
2024 solicitation letter sa mga Enthusiast establisyemento
pribadong kompanya para ng mga
sa dagdag tulong pinansyal pribadong
kompanya/tao
Enero 24, Patatapos ng plano CORNHS Sports CORNHS Court
2024 Coordinator/s,
punong guro, at
CORNHS PTA
Hulyo 2, 2024 Pamimili ng mga CORNHS Sports Dumaguete City
kinakailangang gamit para Coordinator/s at mga
sa bawat sports club piling mag-aaral ng
CORNHS
Agosto 27, Pagtatag ng sports club sa CORNHS Sports CORNHS
2024 paaralan Coordinator/s at
punong guro
Setyembre 2, Pagboto ng mga opisyal na CORNHS Sports CORNHS
2024 mangangasiwa sa mga Coordinator/s at mga
sports club CORNHS Sports
Enthusiast

X. GASTUSIN NG PROYEKTO
Para sa proyektong ito, itinatalang gugugol ang paaralang ng halagang humigit-kumulang
10,000 at ang iba pang tulong galing sa mga pribadong kompanya/tao na ilalaan sa
sumusunod na pagkakagastusan.

Bilang ng Aytem Pagsasalarawan Presyo ng Presyong


ng Aytem Bawat Aytem Pangkalahatan
(Php)
Pagpapagawa ng mga Sublimated na Php 450 Php 18,000
Jerseys na gagamitin mga Jersey para
para sa iba’t-ibang sa mas matibay
patimpalak o na kalidad
paligsahan na
dadaluhan ng paaralan
Mga bolang gagamitin Mga matitibay na Php 1,300 Php 13,000
para sa iba’t-ibang mga bola para sa
isports mas matagal na
paggamit
Pamimili ng mga net at Mga matitibay na Php 1,300 Php 4,000
ring para sa iba’t-ibang mga net at ring
isports para sa mas
matagal na
paggamit
Pamimili ng iba’t-ibang Dekalidad at Php 500-1000 Php 5,000
klase ng mga training matitibay na mga
equipment na training
gagamitin sa kanilang equipment na
pagsasanay maaaring gamitin
para mahasa ang
bawat kapasidad
ng mga mag-aaral
na sasali
KABUUANG Php 40,000
GASTUSIN

You might also like