You are on page 1of 2

Ako at ang Lubang

Melanie S. Cajayon

Nang unang marinig ang iyong pangalan


Ni walang pang-akit akong naramdaman
Anong lugar ka ba’t pagkakaabalahan
Ng mga paa ko upang matapakan?

Subalit tadhana’y sadyang mapagbiro


Kung saan ka ayaw do’n mapapako
Kalian nga lamang ay aking nakuro
Dito ako’y pitong taon na at sampu.

Di ko malimutan lantsang mapangahas


Ang munting sasakyan na sa aki’y nagbagtas
Patungo sa lugar na di ko mawatas
Dasal ko sa Poon, doon ako’y Inyong iligtas!

Akalain ko bang ganun na katagal


Yaong inilagi sa inaayawan
Marahil ako ay nahilo’t naimang
Dahil lupang ito’y di ko na naiwan.

Ipagpatawad ninyo mga kababayan


Ang sugnay na aki’y bago lang naturan
Ang pagkahilo ko at aking pagkaimang
Mga biro ko lang at may pagkatuwaan.

At kung nais ninyong talagang marinig


Mula sa labi ko kwento ng pag-ibig
Buksan ang tenga ninyo at labi’y ipinid
Upang maihayag laman nitong dibdib.

Ugali nang pobre at walang maipag-aral


Pumasok sa madre’t nakipagsapalaran
Sandata’y talino’t lakas ng katawan
Kahirapa’t pagsubok ay napagtagumpayan.

Subali’t kapalit ng aking titulo


Marapat maglingkod sa ating kapwa tao
Karunungang taglay na aking natamo
Tadhanang ipagkaloob sa mga Lubangeno.

Sa tanang buhay ko nandoon ang Poon


Dahil dininig Niya ang aking pahimatong
Magandang kapalaran natagpuan ko roon
Sa lugar na aking dati’y hinahamon.

Sa aking pagtuntong sa isla ng Lubang


Hindi lang paghanga aking naramdaman
May isang damdaming hindi ko mawari
Pag-ibig sa lugar at sa angkang dito lumalagi.

Aking panalangin sa dapit-hapon ng buhay


Patuloy na ipagkaloob sa Lubang buhay na matiwasay
‘wag maagaw dito ang kapayapaan
Upang maging payapa ang aking paghimlay.

Composed and dedicated to Her Loving Husband for his 41st B-day!

You might also like