You are on page 1of 4

PANUKALA SA

PAGPAPAGAWA NG
COVERED COURT SA SJPEF

Mula kila:
CAIL AXEL CHAVEZ
BABY MICHAELA CUATRO
BARRY MALIGAYA
MARY REISYL ANN MENDOZA

PANUKALA SA PAG SASAGAWA NG COVERED COURT SA SJPEF

Mula kila: Cail Axel Chavez, Baby Michaela Cuatro, Barry Maligaya, Mary Reisyl Ann
Mendoza
Saints John and Paul Educational Foundation
Barangay Halang, Calamba City, Laguna
Ika - 27 ng Enero,2024
Haba ng panahon 3 buwan

I. Pagpapahayag ng suliranin:

Isa sa mga suliraning kailangan maisaayos ay ang covered court para sa paaralan
ng Saint John and Paul Educational Foundation. Ang paaralan ay nangangailangan ng
covered court upang may magamit sa flag ceremony at mga aktibidad na ginagawa ng
mga mag aaral para sa kanilang pag eensayo ng kanilang sayaw o mapaglalaruan ng
mga mag-aaral.

II. Layunin:

Makapagpagawa ng covered court na makakatulong sa mga mag aaral upang may


lugar sila sa kanilang pageensayo o may mapaglalaruan.
-Mag kakaroon ng maayos na gagalawan ang mga estudyante para sa kanilang praktis
na magaganap para sa subject na pe.
-Maiiwasan ang pag punta ng mga estudyante sa ibang lugar para mag practice.
-Upang may magamit sa mga aktibidad na gaganapin sa paaralan.

III. Plano na dapat gawin:

1. Pagpapasa, Pag-aaproba, at paglalabas ng badyet(5 araw)


2.Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa
pagpapagawa ng covered court (2 linggo)

• Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa


pagpapatayo ng covered court kasama ang gagamiting plano para rito.

3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor sa


gagawa ng covered court (1 araw)

Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para
sa kabatiran ng nakakarami.

4. Pagpapatayo ng covered court sa ilalim ng pamamahala ng paaralan ng Saint John


and Paul Educational Foundation (3 na buwan)

IV. Badyet:

-Ang kabuuang badyet para sa proyektong ito ay tinatayang PHP 850,000. Ang
halagang ito ay kinabibilangan sa pag bili ng mga bakal, bayad para sa serbisyong pag-
install at iba pang mga kagamitan na gagamitin para sa pag sasaayos ng covered court.

V. Benepisyo ng proyekto:

-Ang covered court ay maaring pakinabangan ng mga mag aaral at guro sa paaralan
ng SJPEF dahil makakatulong ito sa kanila para sa mga aktibidad na magaganap. Mas
magiging maayos ang kanilang kikilusan kung sakaling may mga programang
magaganap.

Isang suliranin ng mga mag-aaral ay ang pag hahanap ng lugar para mag practice,
masosolusyonan ito sa pagpapatayo ng covered court dahil maari na silang hindi
lumabas ng paaralan at hindi na kailangang mag hanap ng lugar para mag practice. Sa
pamamagitan nito masisigurado din na magiging ligtas ang mga estudyante dahil nasa
loob sila ng paaralan at mababantayan sila ng kanilang guro.

You might also like