You are on page 1of 17

CORE GATEWAY COLLEGE Inc.

Maharlika Highway Cardenas St.


San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

Pagkatapos ng 60 na minuto ng aralin

I. Mga layunin
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nasasagot ang mga tanong tungkol sa akdang binasa
b. napapaliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
c. nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan
II.Paksang Aralin
Paksa: Ang Mahiwagang Tandang
Kaisipan: Pagkakaroon ng positibong pananaw at determinasyon sa pagharap ng mga
problema sa buhay
Sanggunian:
Panitikan ng Mindanao (mula sa pinagyamang pluma 7 pahina 91,-122)
Kagamitan sa Pagtuturo
libro, laptop, power point presentations,. Larawan teksto

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

A.Panimulang Gawain

1. PANALANGIN
Maaari mo bang simulan ang panalangin
ngayong araw na ito, Charles.

Tayo po ay yumuko at manalangin,


Panginoong makapangyarihan sa lahat
salamat po sa sa pag-iingat at paggabay
saamin. Bigyan niyo pa po kami ng
katalinuhan at kalakasan upang ang lahat ng
hamon ay aming malagpasan. Salamat po
2.PAGBATI Amen.
Magandang umaga Grade 7-Gumamaela
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

PAGTATALA NG LUMIBAN
Kahapon ay binigyan ko kayo ng takdang
aralin maari niyo na itong ipasa mula sa likod Magandang umaga din po ma’am!
papunta dito sa harap at ito ang patunay na
narito kayo sa aking klase.

Narito na ba ang lahat ng inyong takdang


aralin?
(ipapasa ang takdang aralin)

2. BALIK-ARAL
Salamat. Natatandaan niyo ba ang ating
tinalakay kahapon? Opo Ma'am

Opo Ma'am
Kung gayon ano ang tinalakay natin ?
Harmond?

Magaling! Maari mo bang ibahagi sa klase


ang iyong natutunan.Joy?

Ang tinalakay po natin kahapon ay ang mga


uri ng mga pangungusap

Mahusay! At ano naman ang mga uri ng Ang pangungusap ay tumutukoy sa salita o
pangungusap? Jerome? lipon ng mga salita na nagpapahayag ng isang
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking


titik at nagtatapos sa bantas.

Magaling tunay ngang naunawaan ninyo ang Ma'am May limang uri po ang pangungusap
ating naging talakayan kahapon. ito po ay ang Pasalaysay, Pautos, Pakiusap,
Patanong at Padamdam.

NASA DYOS ANG AWA NASA TAO


ANG GAWA

Opo ma'am (lahat sumagot)


Para s aiyo ano ang ibig sabihin nito??

Tama.

Maam nasa dyos ang awa. Pero nasa tao pa


din kung paano mag susumikap.
Bawat tao ay may kahilingan o pangarap na
nais abutin sa buhay. . kung bibigyan ka ng
pagkakataon nahumiling ng isang bagay. Ano
ang gusto mong hilingin .

Maam ang hiling kopo ay magkaroon ng


bagong sapatos.
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

B. PAGGAGANYAK

May inihanda akong larawan na kung saan ito


inyong tutukuyin at alalamanin kung anon ga
ba ang nasa larawan. Dahil konektado ito sa
tatalakayin natin sa araw na ito Malinaw ba
mag aaral?

Opo ma’am

Ano ang ang nasa larawan?

Ano namang uri ng manok

Ang nasa larawan ay isang uri ng manok na


tinatawag na Sarimanok.ito ay isang
maalamat na ibon ng meranao na sumasagisag
ng kasaganaan at mataas na uri ng sining sa Ma’am manok po
kanilamg pangkat . pero isa lamang itong
kathang isip sapgkat ang manok na ito ay nag
bibigay kapangyarihan at swerte kung sino Pang sabong po
ang mkakahawak nito.

Naunawaan ba mag aral?


CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

Ngayon ay dumako na tayo sa ating gagawin


sa araw na ito . pero bago yan may inihanada
ang mga inihihandang mga gabay na tanomg
na kung saan atin itong sasagutin pagkatapos
nyo mapanood ang video. Opo ma’am (lahat sumagot)

Malinaw ba mag aaral?

Mga Gabay na tanong:

1.Para sayo sang-ayon kaba sa sinabi ni lokus


a babae na ang kahiarapan ng kanilang mag Opo ma’am (lahat sumagot)
anak ay ay kagustuhan ni Allah? Ipaliwanag
ang iyong sagot?

2. Maganda ba ang paraang naisip ni


Bagoamama upang makatulong ssa kanya ng
mga magulang ? bakit oo bakit hindi?

3.sa iyong palagay, kung ikaw ang nasa


kalagayan ni bagoamama,susndin mo ba ang
lahat ng sinabi ng tandang ?
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

ANG MAHIWAGANG TANDANG


Arthur P. Casanova

Mga Tauhan:Lokus a Mama:


ang ama ni Bagoamama, asawa ni Lokus a Babae
Lokus a Babae-
ang ina ni Bagoamama, asawa ni Lokus a Mama
Bagoamama-
anak nina Lokus a Mama at Lokus a Babae
Mahiwagang Tandang-
ang manok na nagsasalita at may angking hiwaga
Sultan Abdullah-
ang sultan ng kaharian ng Agamaniog
Reyna Aliah-
ang reyna ng kaharian ng Agamaniog
Sabandar-
isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mangsasayaw ng
sultan
Kanankan-
isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mangsasayaw ng
sultan
Guwardiya 1 at 2-
mga bantay ng palasyo
Bata 1 at 2-
mga kalaro ni Bagoamama sa Palasyo
Dama 1 at 2-
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

mga alalay ng reyna at sultan


Mga Mandirigma-
magigiting na kawal ng sultan
Taumbayan 1,2,3,4,5, at 6
- mga mamamayan ng Kaharian ng Agamaniog
Korong Babae-
pangkat ng kababaihang tagapagsalaysay, set at props
ng dula
Korong Lalaki-
pangkat ng kalalakihang tagapagsalaysay, set at props
ng dula
Tagpuan:
Sa Kaharian ng Agamaniog. Isang matulaing kaharian
ng mga Meranao sa Lanao del SurKorong Babae:
Noong panahon ng ating mga ninuno, may
naninirahang mag-asawa sa isang maliit na
kaharian.Korong Lalaki: Si Lokus a Mama.(Lalabas
mula sa Korong Lalaki si Lokus a Mama. May dala
siyang mga sanga ng kahoy at itak. Tinatanggalan niya
ngdahon ang mga sanga.)Korong Babae: At si Lokus a
Babae.(Lalabas mula sa Korong Babae si Lokus a
Babae. May dala siyang plangganang puno ng
labahin.)Korong Lalaki: May isa silang anak na lalaki.
Si Bagoamama.(Lalabas mula sa Korong Lalaki si
Bagoamama. Pupunta siya sa gitna ng entablado at
maglalaro ng kasipa.)Lokus a Babae: Ang hirap talaga
pag natatambak ang labahin. Sumasakit ang beywang
ko. Nasaan na ba siBagoamama. Bagoamama,
Bagoamama!Bagoamama: Bakit po ina?Lokus a
Babae: Tulungan mo nga ako sa pagsasampay nitong
aking mga nilabhan.Bagoamama: Akin na po at
isasampay ko sa likuran ng bahay.Lokus a Babae: Naku
ang hirap pa namang magpatuyo ng damit nitong mga
nakaraang araw. Halos hindi nagpapakitaang araw.
Bago matuyo ang mga damit eh may amoy na ang mga
ito. Dumating na ba ang Itay mo?Bagoamama: Naroon
po sa kusina at inaayos ang mga panggatong na kinuha
niya sa gubat kanina.

Lokus a Babae: Nariyan ka na pala. Marami ka bang


nakuhang makakain mula sa gubat?Lokus a Mama:
Kakaunti nga eh. May dala akong isang buwig ng
saging. Mga tatlong araw pa bago mahinog ang
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

mgaiyan.Lokus a Babae: Eh gulay, mayroon ka?Lokus


a Mama: Sayote at kalabasa. Pakaunti nang pakaunti
ang mga ligaw na gulay. May bigas pa ba tayo?Lokus a
Babae: Dumaan ako kina Usman kanina bago naglaba
sa lawa. Nakahiram ng kaunti. Kasya na sa atin iyon
saloob ng tatlong araw.Lokus a Mama: Kailangan
nating bayaran ang bigas na iyan ng mga manok.Lokus
a Babae: Hal
os wala rin tayong manok. Aba’y sumama ka kina
Bashier sa pangingisda sa lawa at nang hindi tayo
nag-iisip kung saan kukuha ng ulam. Malapit na ring
maubos ang mga bulad natin

Lokus a Mama: Hayaan mo’t kakausapin ko si Bashier


mamaya para makasama ako
sa kanilang pangingisda sa lawabukas.Lokus a Babae:
Naaawa na nga ako riyan kay Bagoamama. Bihirang-
bihira na siyang makatikim ng sariwang isda.Lokus a
Mama: Hindi lang siya. Sawang-sawa na ako sa
manok. Ni hindi tayo makabili ng karneng baka.Lokus
a Babae: Ikaw kasi hindi ka natuto-tuto sa pag-aararo
ng bukid. Sayang iyang malawak na lupaing ipinamana
sa
atin ng aking ama. Hindi nabubungkal at natataniman.
Disin sana’y hindi tayo naghihirap ng ganito.
Lokus a Mama: Aywan ko ba, hindi ko talaga
natutunan iyan. Lumaki kasi ako sa paggawa ng brass.
Simula naman ngmaging mag-asawa tayo, tumigil na
ako sa paggawa ng brass. Malaki ang puhunan sa
paggawa ngbrass.Lokus a Babae: At simula noon, ang
pangunguha na lang ng mga prutas at gulay ang
nakayanan mong gawin.Lokus a Mama: Hayaan mo
mangingisda ako bukas. Sana maganda ang panahon
bukas. Ulan kasi nang ulan nitong mganakaraang araw.
Kung hindi ulan, puno naman ng hamog ang
kapaligiran.Lokus a Babae: Harinawang sumikat ang
araw bukas nang makatikim naman tayo ng tinolang
kadurog.Lokus a Mama: Magluto ka ng ating hapunan
at ginutom ako sa paghahalughog sa gubat.
Lokus a Babae: Mabuti pa nga. Palagay ko’y gutom na
rin ang anak natin.
(Magpopormang kusina ang Korong Babae. Tatlong
babae ang magpopormang tatlong tungko ng kalanat
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

apat namang kababaihan ang magpopormang palayok.


Magluluto ng pagkain si Lokus a Babae.Babalik sa
Korong Lalaki si Lokus a Mama at sa Korong Babae
naman si Lokus a Babae.)Korong Lalaki: Sadyang
ganyan nga po kahirap ang buhay ng mag-anak.
Palaging salat sa pagkain.Korong Babae: Umaasa na
lamang sila sa mga pagkaing nakikita sa kanilang pali-
paligid! Tunay pong kaawa-awa.)Korong Lalaki: Ai-
Dao! Tunay na kahabag-habang. Isang araw...(Lalabas
mula sa Korong Babae si Lokus a Babae na may
dalang banig at malong. Ilalatag niya angbanig. Mula
sa Korong Lalaki ay lalabas naman si Lokus a Mama
na may sakit. Hihiga siya sa banig atkukumutan siya ni
Lokus a Babae ng malong.)Lokus a Mama: Allah!
Tulungan po ninyo ang aking asawa. Pagalingin po
ninyo siya.(Lalabas si Bagoamama mula sa Korong
Lalaki.)Bagoamama: Ina, kumusta na po si Ama?Lokus
a Babae: Tatlong araw nang mataas ang kanyang
lagnat. Hindi gumagaling sa gamot na ibinigay ng
albularyo.Korong Babae: Sa pagkakataong iyon,
naalaala ni Bagoamama ang buhay sa palasyo ng
sultan.(Ang dalawang koro ay magsisipunta sa
kaliwang bahagi ng entablado. Ang mga babae ay
magpopormang mga kurtinang kaharian sa
pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga malong. Sa
pamamagitan naman ngkanilang mga katawan, mag-
aanyong trono naman ng sultan ang mga kalalakihan
maliban sa karakterni Sultan Abdullah. Uupo siya sa
trono. Naroon sa tabi niya si Reyna
Aliah.)Bagoamama: Ina, bakit po tayo mahirap
lamang?Lokus a Babae: Bagoamama, si Allah ang may
kagustuhan nito.Bagoamama: Wala ba tayong
magagawang paraan para maging mayaman tayo?
Lokus a Babae: Hindi ko alam, Bagoamama. Ang
iyong ama at ako ay limampung taon nang naninirahan
sa kahariang ito
ngunit hanggang ngayon ay mahirap pa rin kami.
Palagay ko’y kapalaran na natin ang maging dukha.
Bagoamama: Kung ginawa tayo ni Allah na mahirap,
ang ibig sabihin, maramot si Allah.Lokus a Babae:
Anak, hindi natin alam ang tunay na layunin ni Allah.
Anong malay mo bukas makalawa ay maawa sa atinsi
Allah at gagawin din niyang maginhawa ang ating
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

buhay.(Saglit na napaisip si Bagoamama. Tumabi


siyang muli sa kanyang ina at sinabing kailangan
silangpumunta sa torogan ng sultan at humingi ng
abaka. Nagtaka si Lokus a Babae sa sinabi ng
anak.TInanong niya kung aanhin ang abaka ngunit
hindi iyon sinabi ng anak. Nagtaka lamang at iiling-
iling nasumunod si Lokus a Babae kay
Bagoamama.Hanggang sa makatulog siya sa pagod.
Nagtaka ang mgatao sa kung sino ang natutulog na
babae sa palasyo ng sultan.Hanggang sa nakarating sa
kaalaman ngsultan ang pangyayari. Pinapunta ng sultan
si Lokus a Babae sa kanyang harapan.)Sultan
Abdullah: Ikaw pala, Lokus a Babae. Ngayon ka lang
bumisitang muli. May problema ba?Lokus a Babae:
Wala po mahal na Sultan Abdullah.Sultan Abdullah:
Hindi ako maaaring magkamali, nababasa ko sa iyong
mukha na ikaw ay may problema. Ano angmaitutulong
ko sa iyo, Lokus a Babae?Lokus a Babae: Mahal na
Sultan, nahihiya po akong ipagtapat sa inyo ang aking
suliran. Ngunit, mahal na sultan,pinapupunta po ako
dito ng aking anak upang humingi ng abaka.

(Nagtaka ang sultan ngunit agad din naman niyang


ipinatawag ang mga kawal at pinag-utusan nakumuha
ng abaka sa manghahabi. Lubos ang pasasalamat ni
Lokus a Babae sa Sultan at dali-dalingumalis.
Pagdating sa bahay ay itinanong niya sa anak kung
aanhin ang baka. Sinabi ni Bagoamama nakailangan
nilang gumawa ng tali at lubid ngunit hindi niya rin
sinabi sa ina kung para saan iyon.Hanggang sa
makagawa sila ng daan-daang lubid.Nang matapos ay
agad ding kinuha ni Bagoamama ang mga natapos na
lubid at nagsimula nangmagtungo sa gubat. Naisip pala
niyang gumawa ng bitag. Nakakita siya ng
napakalaking yapak at doonsiya gumawa ng maraming
bitag. Pagkatapos ay umuwi na siya at dali-dali siyang
sinalubong ngkanyang ina.)Lokus a Babae: Anak,
huwag ka sanan
g mabibigla, yumao na ang iyong ama. Ang
problema’y wala tayong pampalibing
sa kanya. Ni wala rin tayong maibabayad sa Imam para
makapagdasal.Bagoamama: Kung ayos lamang Ina ay
tayo na lamang ang maglibing kay Ama at saka na
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

lamang natin siya padasalankapag may pera na tayo.


(Ganoon na nga ang nangyari. Inilibing nila si Lokus a
Mama. Nang sumunod na araw, pumunta
siBagoamama sa gubat upang tingnan ang mga bitag.
Nagulat siya sapagkat lahat ng kanyang mga bitagay
may huli. Isinukbit niya ang mga itinaling mga huli sa
kanyang balikat ngunit laking pagtataka niyanang
magsalita ang manok.)Mahiwagang Tanda: Kalagan
mo ako! Para mo nang awa, tulungan mo ako!
Bagoamama: Ha? Sino iyon? Saan galing ang tinig na
iyon?Mahiwagang Tandang: Para mo nang awa,
kalagan mo ako. Iuwi mo ako agad.(Nahinalik sa takot
si Bagoamama. Halos tumayo ang kanyang mga
balahibo sa naramdamang takot.Gulat na gulat si
Bagoamama nang matuklasan na ang tandang ang
nagsasalita. Napakakisig ngtandang na tila isang
magiting na mandirigma. Maganda ang balahibo at ang
palong ay parang koronang hari. Natuklasan ni
Bagoamama na talagang may natatagong hiwaga ang
tandang. Agad niya iyonginiuwi sa bahay. Nagulat si
Lokes a Babae sa dami ng huling manok ng kanyang
anak.)
Bagoamama: Huwag na po kayong maraming tanong
pa. Ang mabuti pa’y dalhin ninyo sa palengke ang mga
huli at
inyong ibenta.(Nang makaalis si Lokes a Babae ay
dumumi ng maraming ginto ang mahiwagang tandang.
Biglang yumaman ang mag-ina. Naipaayos ang
kanilang bahay. Laking gulat ng napadaang mga
kilalang mangsasangyaw. Batid ngmahiwagang
tandang ang pakay ng dalaw
a kaya’t nagsalita iyon na lubos na ikinagulat ng
dalawa.
Karipas silang tumakbo at nang makarating sa palasyo
ay bigla na lamang silang napahandusay. Ginisingsila
ng mga kawal at dali-dali nilang pinuntahan ang
sultan.)Sabandar: Mahal na Sultan, hindi na po kayo
ang pinakamayamang tao sa Kaharian ng Agamaniog!
Kanankan: Mayroon na pong higit na mayaman kaysa
sa inyo!Sultan Abdullah: Anong ibig ninyong sabihin?
Nababaliw na ba kayo? Marahil ay sinaniban kayo ng
demonyo!Sabandar at Kanankan: Mahal na Sultan,
nagsasabi po kami ng totoo.Sabandar: Mahal na Sultan,
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

si Bagoamama na anak ni Lokes a Babae at Lokes a


Mama ay may mahiwagang tandang nanagsasalita.
Bigla silang nagkaroon ng magagarang tela at mga
ginto at pilak.(Nag-isip ang sultan habang
pinaglalaruan ang kanyang bigote. Naisipan niyang
bilhin ang MahiwagangTandang mula sa mag-ina.
Lingid sa kaalaman ng Sultan ay alam na ng
Mahiwagang Tandang at nina
Bagoamama ang pakay ng Sultan kaya’t bago pa man
dumating ang Sultan ay nakapagdesisyon
na sila.Pumayag ang Mahiwagang Tandang na siya ay
bilhin ng hari. Ngunit upang masigurado ang estado
ngbuhay nina Bagoamama at Lokes a Babae ay sinabi
ng tandang na nais ni Bagoamama na pakasalananang
prinsesa na anak ng sultan. Pumayag naman ang hari.
Bago lumisan ang tandang at sumama sasultan ay
binigyan niya muna ng bigay-kaya ang mga taong
naroroon. Maraming magagarang tela anglumabas sa
bibig ng tandang habang siya ay
tumitilaok.)Taumbayan 1: Ang gaganda ng
kulay.Taumbayan 2: Ang gagara.Taumbayan 3:
Elegante. Panreyna at pansultan ang mga telang
ito.Taumbayan 4: Ginto at pilak! Para sa atin ba ang
lahat ng iyan?
Mahiwagang Tandang: Oo paghahatian ninyong lahat
iyan! Bagoamama, sa palagay ko’y tapos na ako sa
aking misyon.
Panahon na upang ako ay lumisan. Dalangin ko ang
masaya at masaganang pamumuhay ninyo rito
saKaharian ng Agamaniog.
Bagoamama: Paalam Mahiwagang Tandang! Dakila
ka! Sana’y dalawin mo kami sa hinaharap. Salamat.
Lokus a Babae: Hindi namin malilimutan kailanman
ang iyong labis na kabutihan. Salamat sa ginintuan
mong puso.
Bagoamama: Salamat muli kaibigan. Utang na loob ko
sa iyo ang lahat ng tinatamasa ko ngayon. Sana’y
patnubayan ka
ni Allah
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

Mga Gabay na tanong

1.Para sayo sang-ayon kaba sa sinabi ni lokus


a babae na ang kahiarapan ng kanilang mag
anak ay ay kagustuhan ni Allah? Ipaliwanag
ang iyong sagot?

2. Maganda ba ang paraang naisip ni


Bagoamama upang makatulong ssa kanya ng
mga magulang ? bakit oo bakit hindi?

3.sa iyong palagay, kung ikaw ang nasa


kalagayan ni bagoamama,susndin mo ba ang
lahat ng sinabi ng tandang ?

D.PAGLALAPAT

Piliin sa hanay B ang maging bunga ng mga


pangyayari sa hanay A batay sa akdang
binasa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
kahon

HANAY A.

1.Hindi natutong mag-araro sa bukid si lokus


a mama.

2. Hindi gumaling mula sa gamut na ibinigay


ng albularyo so Lokus a Mama.
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

3, Isinasagawa na Bagoamama ang kanyang


mga naisip na plano upang makatulong sa
kanilang mahirap na kalagayan

4. Nang mamatay ang ama ay walang perang


panggastos para sa kanyang mga naulila.

5. Tuluyan nagpaalam at masayang lumipad


ang mahiwagang tandang sa himpapawid.

HANAY B.

A. Nasayang ang malawak na lupaing


ipinama ng magulang na Lokus a Babae sa
kanila.

B. Lumala ang kanyang sakit at tuluyang


mamatay pagkalipas ng ilang araw.

C. Labag man sa kalooban ay walang nagawa


sina Bagoamama at Lokus a Babae kundi
ilibing nang hindi nabsbasan ang yumaong
ama.

D. Ito ay nag bibigay-daan sa kanya upang


makita ang mahiwagang tandang na
nagpabago sa kanilang buhay.

E. Bagaman lumuluha ay masayang kumaway


ang mag-ina at nag pasalamat sa tandang sa
mula sa kaiubuturan na kanilang puso.
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

Bakit hindi dapat mawalan ng pag-asa sa


kabila ng kahirapan at mga pagsubok sa
buhay? Paano nakakatulong ang pananalig sa
dyos na may kalakip na gawa upang maging
matagumpay ang buhay?

D.PAGLALAPAT

Kung naunawaan nyo ang tinalakay natisa


araw na ito. Ay mayroon akong ihinahadang
isang mahalagang tanong

Bakit hindi dapat mawalan ng pag-asa sa


kabila ng kahirapan at mga pagsubok sa
buhay? Paano nakakatulong ang pananalig sa
dyos na may kalakip na gawa upang maging
matagumpay ang buhay?

IV. Pagtataya
Papangkatin sa dalawang grupo ang klase, ang bawat grupo ay isulat ang simula gitna
wakas ng kwento at pumili ng isang miyembro bilang representante sa harap upang ibahagi ang
kwuneto.
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

40%
30%
20%
10%
100%

Kaugnayan sa Tema
Organisasyon
Gramar at palabanatsan
kakanyahan
kabuoan

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa masayang nangyari sa iyong buhay.

Pamantayan Diskripsyon Puntos

Nilalaman Kumpleto ang mga 30


paliawanag
Presntasyon Maayos at kaayaang 20
presentasyon
Impormasyon Organisado at may 50
pagkasunod-sunod ang lahat
kabuuan 100 puntos

Sanggunian:
Panitikan ng Mindanao (mula sa pinagyamang pluma 7 pahina 91,-122)

Ipinasa ni:
JEROME T. SANCHEZ
CORE GATEWAY COLLEGE Inc.
Maharlika Highway Cardenas St.
San Jose City Nueva Ecija
Teacher Education Program

Ipinasa kay:
BB. ARIANE KYRIE MACASLAM

You might also like