You are on page 1of 7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – 1

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Taong Panuruan: 2023-2024

Pangalan:
Grado ug Seksiyon:

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Itiman ang titik ng tamang sagot:

1. Ito ay nagpapakita ng ating pagmamahal sa ating mga magulang sa


pamamagitan ng ___________.
Ⓐ Ikahihiya sila sa ibang tao
Ⓑ Igalang sila sa lahat ng oras.
Ⓒ Huwag pansinin ang mga ito.
Ⓓ Hindi pagsunod sa kanilang mga utos.

2. Ang magkakapatid na sina Joy at Ana ay mahal na mahal ng kanilang mga


magulang dahil sila ay magalang. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang
nagsasaad ng pagmamahal at paggalang sa magulang?

Ⓐ Pagsunod sa utos ng labag sa kalooban.


Ⓑ Hindi pakikinig sa mga payo ng mga nakatatanda.
Ⓒ Pagsunod sa mga utos at tagubilin ng mga magulang.
Ⓓ Pagsagot ng pabalang kapag kinakausap ang mga magulang.

3. Maagang nakauwi galing sa trabaho sina Mang Ben at Aling Rosa. Ano ang
dapat gawin ng kanilang mga anak?

Ⓐ Magdadabog sa mga paa.


Ⓑ Babangon at susundin si nanay.
Ⓒ Agad sasalubungin at magmamano sa kanilang mga magulang.
Ⓓ Hindi papansinin ang pagdating ng kanilang mga magulang.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
4. Sabado ng umaga, abalang nagluluto sa kusina ang nanay ni Rico, agad
naman siyang tumulong sa kaniyang nanay. Si Rico ay isang batang______.

Ⓐ Walang pakialam sa magulang.


Ⓑ Hindi maasahan sa mga gawaing bahay.
Ⓒ Tamad at walang paggalang sa kaniyang nanay.
Ⓓ Matulungin at may paggalang sa kaniyang nanay.

5. Tinatanong ka ng tatay at nanay mo kung tapos ka na sa iyong takdang–aralín.


Ang isasagot mo ay _____.

Ⓐ” Hinda pa, maglalaro muna ako.”


Ⓑ “Opo, inay at itay. Natapos ko na po.”
Ⓒ “Hindi pa, tinatamad pa ako. Mamaya na.”
Ⓓ “ Opo, inay at itay. Tatapusin ko mamaya.”

6. May sakit ang iyong Nanay at hindi siya makakilos sa mga gawaing bahay,
bilang anak ano ang gagawain mo?

Ⓐ Titingnan ko lang.
Ⓑ Maglalaro ako sa labas.
Ⓒ Si ate na lang ang bahala.
Ⓓ Tutulong ako sa mga gawaing bahay.

7. Nagbilin ang iyong ina bago umalis. Tinanong ka niya kung naintindihan mo.
Sasagutin mo siya ng _____.

Ⓐ “Naintindihan ko.”
Ⓑ “Naunawaan ko po, inay.”
Ⓒ “Oo na. Umalis ka na nga!”
Ⓓ “ Wala akong naintindihan”

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
8.Tinatanong ka ng ate mo kung kumain ka na. Ano ang isasagot mo?

Ⓐ “Opo, ate kumain na po ako.”


Ⓑ “Oo nga! Ang kulit!”
Ⓒ “Oo, kanina pa!”
Ⓓ “Po, tapos na.”

9. Binigyan ka ng tatay mo ng pasalubong galing sa kaniyang trabaho. Ano ang


sasabihin mo?
Ⓐ “Yes, akin lahat ito! Walang hihingi.”
Ⓑ “Bitin, wala na bang iba?”
Ⓒ “Sa susunod uli,itay”
Ⓓ “Salamat po, itay!”

10. Sumama ka sa iyong kaibigan sa pamamasyal at hindi ka nagpapaalam sa


iyong magulang. Tama ba ang ginagawa mo?
Ⓐ”Hindi po, dapat kang magpaalam bilang paggalang sa kanila”.
Ⓑ “Hindi po, dahil hindi po ako nakahingi ng pera.”
Ⓒ. “Oo, babalik din naman ako agad.”
Ⓓ “Oo, matagal pa sila uuwi .”

11. Handa ka na sa pagpasok sa paaralan.Nakita mo ang iyong nanay sa


balkonahe, ano ang gagawin mo?
Ⓐ Aalis sa bahay na walang paalam.
Ⓑ Magpaalam sa nanay at magmadaling aalis.
Ⓒ Magmano at magpaalam sa nanay bago umalis.
Ⓓ Sa likod dadaan para hindi madisturbo si nanay.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
12. Isang umaga nakasalubong nina Ana at Lisa ang kanilang guro na si Gng.
Reyes ,ano ang kanilang sasabihin?
Ⓐ “ Magandang umaga po, Gng. Reyes.”
Ⓑ “ Magandang araw po,Gng. Reyes.”
Ⓒ “ Magandang tanghali ,Gng. Reyes.”
Ⓓ “ Magandang gabi po,Gng. Reyes.”

13. Kinakausap ka ng nanay at tatay mo sapagkat sila ay aalis muna. Ano ang
dapat mong gawin?

Ⓐ Makinig pero ang mata ay nakatingin sa may bintana


Ⓑ Makinig nang mabuti habang sila ay nagsasalita
Ⓒ Tumango lámang at ipagpatuloy ang paglalaro
Ⓓ Lakasan ang TV habang sila ay nagsasalita

14. Hindi mo maabot ang laruan mo na nasa ibabaw ng kabinet. Sasabihin mong
_____.

Ⓐ “Kuya, pakiabot naman po ng aking laruan.”


Ⓑ “Iabot mo nga ang aking laruan. Dalian mo!”
Ⓒ “Kuya, dalian mo ang pagkuha ng aking laruan.”
Ⓓ “Unahin mo iyong inuutos ko.”

15. Si Greg ay nagpapaalam sa kanyang mga magulang sa tuwing siya ay may


pupuntahan. Bakit kailangang magpaalam ni Greg sa kanyang mga magulang?
Ⓐ Ito ay magpapakita ng respeto sa kanila.
Ⓑ Ito ay magbibigay ng kapahamakan sa kanila.
Ⓒ Ito ay makatutulong upang sila ay magalit sa iyo.
Ⓓ Ito ay magbibigay sa iyo ng kalayaan.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
16. Kinuha ni Ara ang naiwang wallet ng kanyang kaklase at itinago niya ito sa
kanyang bag. Kung ikaw si Ara, ano ang gagawin mo?
Ⓐ Ibibigay ang wallet sa aking ina.
Ⓑ Itatapon ko ang wallet sa basurahan.
Ⓒ Isasauli ko sa aking kaklase ang kanyang wallet.
Ⓓ Sisirain ko ang kanyang wallet.

17.Si Mark ay nahihirapan sa isang tanong sa pagsusulit at nais niyang tingnan


ang mga sagot ng katabi niya. Ano ang dapat niyang gawin?
Ⓐ Itanong sa katabi niya kung ano ang sagot nito.
Ⓑ Gumaya sa katabi niya at isulat ang sagot nito.
Ⓒ Ipagpaliban ang tanong at ito'y balikan na lamang pagkatapos ng pagsusulit.
Ⓓ Gawin ang sariling pag-aaral upang masagutan ang tanong.

18. Ano ang maaaring epekto ng pagsisinungaling o hindi pagiging totoo sa


iyong magulang o nakatatanda tungkol sa paggamit ng computer sa paglalaro?
Ⓐ Pagkakaroon ng dagdag na oras sa paglalaro ng mga paboritong laro.
Ⓑ Pagkawala ng tiwala at pagkabahala mula sa iyong magulang o nakatatanda.
Ⓒ Pagkakaroon ng mas mataas na mga marka sa paaralan.
Ⓓ Pagkakaroon ng dagdag na mga benepisyo at pribilehiyo.

19. Paano mo pahahalagahan ang pagiging matapat sa iyong mga magulang at


nakakatanda?
Ⓐ Pagkakaroon ng mataas na marka sa paaralan.
Ⓑ Pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras.
Ⓒ Pagtulong sa mga gawaing bahay.
Ⓓ Pag-aaral ng aking leksyon.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
20. Bumili ka ng pagkain sa kantina, sobra ang sukli na ibinigay ng tindera sa
iyo. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin.

Ⓐ Isasauli ko ang sobrang sukli.


Ⓑ Itatago ko ang sobrang sukli.
Ⓒ Ibibigay ko sa aking kapatid.
Ⓓ Magkukunwaring hindi ko alam.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
ANSWERS KEY

1. Ⓑ 11. Ⓒ
2. Ⓒ 12. Ⓐ
3. Ⓒ 13. Ⓑ
4. Ⓓ 14. Ⓐ
5. Ⓑ 15. Ⓐ
6. Ⓓ 16. Ⓒ
7. Ⓑ 17. Ⓓ
8. Ⓐ 18. Ⓑ
9. Ⓓ 19. Ⓑ
10. Ⓐ 20. Ⓐ

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified

You might also like