You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Unang Lagumang Pagsusulit (Kalagitnaang Markahan)

Pangalan: ______________________________ Antas/Seksyon: _______________ Iskor: _____


Panuto: Basahin ng maigi ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang pagsusulat daw ay isang talento at hindi raw lahat ng tao ay may kakayahang makapagsulat ng isang
makabuluhang akda o komposisyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagsusulat ng akademikong
sulatin?
A. Paksa
B. Kaalaman ng wastong pamamaraan ng pagsulat
C. Opinyon ng Manunulat
D. Pamamaraan ng Pagsulat
2. Isa sa mga uri ng pagsulat ay ang Propesyunal na Pagsulat na tumutukoy sa paggawa ng mga sulatin o pag-aaral
tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gawain ng isang
propesyunal na manunulat?
A. Paggawa at pagsusuri ng kurikulum
B. Narrative report tungkol sa physical examination
C. Wastong pagsulat ng lesson plan
D. Pagsulat ng balita, editorial at iba pa.
3. Mahalagang maunawaan ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat. Alin sa mga sumusunod
ang mga katangian ng akademikong pagsulat?
A. Pormal, Obhetibo, Maliwanag at Organisado
B. Di-pormal, Subhetibo, Komplekado
C. Hindi malinaw ang estruktura, walang panindigan, hindi planado ang ideya
D. Subhetibo, tao at damdamin ang tinutukoy, sariling karanasan
4. Anong layunin sa pagsulat na kilala rin sa tawag na expository writing na naghahangad na makapagbigay
impormasyon at mga paliwanag at ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto?
A. Malikhaing Pagsulat C. Mapanghikayat na Pagsulat
B. Impormatibong Pagsulat D. Pansariling Pagpapahayag
5. Ang mapanghikayat na pagsulat ay kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga
mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang
tumutukoy nito?
A. Nobela B. Dyornal C. Business Report D. Editoryal
6. Si Jhon ay nagtatrabaho sa isang kompanya. Siya ay inaasahan ng kanyang Manager na gumawa ng isang pag-
aaral tungkol sa isang proyekto na nais nilang maipatayo sa napiling lugar. Alin sa mga sumunod na uri ng
pagsulat ang kanyang gagawin?
A. Malikhaing Pagsulat C. Propesyunal na Pagsulat
B. Teknikal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat
7. Anong uri ng pagsulat ang pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa?
A. Malikhaing Pagsulat C. Propesyunal na Pagsulat
B. Teknikal na Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat
8. Maraming benepisyo ang makukuha natin sa pagsusulat. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang HINDI
tumutukoy sa benepisyong ito?
A. Magdudulot ito ng kalungkutan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong
makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan
B. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o
pananaliksik
C. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong
paraan
D. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’tibang batis ng kaalaman para
sa akademikong pagsusulat
9. Ang akademikong pagsulat ay isang intelektwal na pagsulat. Alin sa mga sumusunod na uri ng akademikong
sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugod, mangatwiran at magbigay ng
kabatiran o kaalaman?
A. Bionote B. Abstrak C. Talumpati D. Replektibong Sanaysay
10. Ito ay institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan.
A. Industriya B. Agrikultura C. Akademya D. Ekonomiya
11. Malaki ang papel mo bilang mananaliksik, may mga inaasahang katangian na dapat mong angkinin. Alin sa mga
sumusunod na katangian ang tumutukoy sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-
aaralan mo; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago/iniiwasan/ipinagkakailan ang walang pagkilala at
permiso sa kinunan; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik?
A. Kritikal B. Matapat C. Maingat D. Analitikal
12. Anong katangian ng isang mananaliksik na tumutukoy sa pagkuha ng datos na hindi madaling kunin at nag-iisip
ng sariling paraan para makuha ang mga ito?
A. Matiyaga B. Sistematiko C. Responsible D. Maparaan
13. Inaayos ni Allan ang paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao/institusyong pinakunan ng mga ito, at sa
pagsisiguro ng maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula pormat hanggang sa nilalaman at sa
prosesong pagdadaanan. Anong katangian ng mananaliksik ang tinutukoy nito?
A. Kritikal B. Sistematiko C. Analitikal D. Responsible
14. Anong gamit sa pagsulat ang nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat?
A. Paksa C. Layunin
B. Kasanayang pampag-iisip D. Wika
15. Ang paraang argumentibo, impormatibo, naratibo, deskriptibo, at ekspresibo ay napakaloob sa
pangangailangang ito.
A. Pamamaraan sa pagsulat B.Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
C. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin D.Paksa
16. Ito ay nagsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. Kailangang matiyak na
matutugunan ng isusulat ang motibo ng pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang pakay sa katauhan ng
mambabasa.
A. Wika B. Paksa C. Layunin D. Pamaraan sa pagsulat
17. Si Michelle ay gumawa ng isang sanaysay na nagpapakilala sa kanyang sarili. Sa kanyang nagawang sanaysay ay
gumamit siya ng maliliit na titik sa mga pangalan ng kanyang mga kapatid. Alin sa mga sumusunod na gamit ng
pagsulat ang HINDI niya mabatid na gamitin?
A. Wika C. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
B. Pamamaraan sa Pagsulat D. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin
18. Anong wika ang napatunayang mabisang gamitin sa pagkatuto ng mga mag-aaral at nakasaad sa Konstitusyon na
ito ay isa sa mga opisyal na wikang panturo sa mga paaralan?
A. Wikang Bisaya B. Wikang Ilonggo C. Wikang Tagalog D. Wikang Filipino
19. Anong uri ng pagsulat na may layuning irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng
mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa?
A. Reperensyal na Pagsulat C. Teknikal na Pagsulat
B. Akademikong Pagsulat D. Malikhain na Pagsulat
20. Ang RRL ay mga pag-aaral na pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga
konsepto sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik. Ano ang ibig sabihin ng RRL?
A. Rewrite of Reviewed Logo C. Review of Related Literature
B. Review of Renewed Love D. Reencounter of Recalled Living
21. Isa sa mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat ay ang iwasan ang paggamit ng mga salitang
kolokyal o balbal. Ito ay dapat gamitin upang madaling mauunawaan ng mambabasa ang paglalahad ng mga
kaisipan o impormasyon.
A. Pormal B. Obhetibo C. Maliwanag at Organisado D. May Pananagutan
22. Ito ay tumutukoy na katangian na dapat taglayin na kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa
kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik.
A. Pormal B. Obhetibo C. May panindigan D. May pananagutan
23. Anong katangian ng akademikong pagsulat na nagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang
bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin?
A. Pormal C. Maliwanag at Organisado
B. Obhetibo D. May pananagutan
24. Ito ay tumutukoy sa paglalahad ng mga kaisipan at datos na may maayos na pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang punong kaisipan o main topic ay dapat
mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.
A. Pormal C. Maliwanag at Organisado
B. Obhetibo D. May pananagutan

You might also like