You are on page 1of 15

MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

IKATLONG MARKAHAN/ IKAPITONG LINGGO/ UNANG ARAW

Layunin:
Sa katapusan ng araling ito, inaasahang maisasakatuparan mo ang mga sumusunod na
gawain:
 Nakagagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t ibang multimedia at technology tools sa
pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan.

 Nakikiisa ng buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig.

PANIMULA

Ang bawat isa sa atin ay mahalagang instrumento upang makamit ang pandaigdigang
pagkakaisa. Ito ay nagsisimula sa tahanan, paaralan at komunidad na kinabibilangan natin. Kung sa
loob pa lamang ng ating tahanan ay marunong na tayong makiisa sa lahat ng bagay at gawain, ganoon
din ang ating magiging saloobin pagdating sa paaralan at sa pamayanan. Mahalagang taglayin natin
sa ating pagkatao ang pakikiisa at gawin natin ito ng bukal sa ating kalooban upang maisakatuparan
natin ang pandaigdigang pagkakaisa.

ALAMIN NATIN (Gawain 1)

Sa araling ito, tatlo sa mga mahahalagang hangarin ng bansa at ng buong mundo ay

ang pananatili ng kalinisan, pagkakaroon ng kaligtasan, at kapayapaan ang bibigyang pansin
tungo sa kaayusan ng pandaigdig na pagkakaisa.

A. Basahin ang sumusunod na sanaysay at suriin ang mga nilalahad tungkol sa pandaigdig
na pagkakaisa.

Ang Filipino Hospitality at ang Pagbibigkis ng Pandaigdigang Pagkakaisa

Constancia Paloma

Ang pagkakaroon ng Filipino hospitality ng bawat mamamayan ang makatutulong sa pagbibigkis

ng pandaigdigang pagkakaisa ng mundong winawasak ng di-pagkakaunawaan dahil sa kani-kaniyang
pagsulong ng pansarili nilang kapakanan at hangaring mapalawak ang impluwensiya ng kanilang lahi.

Subalit kaiba ang lahing Pilipino sapagkat sa bawat ngiting pagtanggap sa sinasalubong na
dayuhan, tila baga sinasabing, “Kahit anong lahi ka man, saan ka man nanggaling, halinang tumuloy
sa aming tahanan.”

Para sa mga Pilipino, iisa ang kahulugan ng Filipino hospitality --- ito ang pagtanggap nang may
buong katapatan at kasiyahan sa sinumang yayapak sa ating lupa at bibisita upang makipanirahan sa
maikling panahon sa ating bansa.

Page 1 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Isang larawan din ng Filipino hospitality ang matamis na ngiti bilang pagbati sa bagong dating
at ang paghahain ng masasarap na pagkain sa mga bisitang dayuhan.

Pagkatapos nang masayang pagtanggap, dadalhin naman natin ang ating mga bisitang
dayuhan sa iba’t ibang magagandang lugar sa ating bansa na ating ipinagmamalaki sa buong mundo.

Habang nasa bahay natin ang bisita, sinisikap nating maginhawa ang kanilang pagtulog, kaya’t
ibinibigay natin sa kanila ang pinakamaganda at pinakamaginhawang salid sa ating bahay.

Sa pag-alis ng ating mga bisitang dayuhan, baon na nila ang mga magagandang karanasang
iniaalay sa kanila ng Filipino hospitality, at pagdating nila sa kanilang bansa, buong kaligayahan nilang
ipinamamalita ang napakaganda nilang karanasan dahil sa buong pusong pagmamahal at
pagmamalasakit ng mga Pilipino.

Sa katagalan, ang malaking bahagi ng buong mundo ay makararanas na ng Filipino hospitality

na hindi nagmumula sa mga Pilipino lamang, kundi sa mga dayuhang nakaranas nito.

Dahil sa mga nabanggit, masayang isipin na ang Filipino hospitality ay isa lamang sa
magbibigkis sa pandaigdigang pagkakaisa.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang natatanging pagkakakilanlan sa mga Pilipino sa aspekto ng pagtanggap sa mga

bisitang dayuhan?

_________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag kung paano makatutulong sa pagkakaisa ng buong mundo ang katangiang

nabanggit sa talata?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

4. Bukod sa Filipino hospitality, ano-ano pang mga mabubuting ugali o pagpapahalaga ng mga

Pilipino ang makatutulong sa pandaigdig na pagkakaisa?

_________________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay, may iba pa bang paraan upang magkaroon ng pandaigdig na pagkakaisa?

Bigyang katuwiran ang iyong sagot.

_________________________________________________________________________

Page 2 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

B. Basahin at subuking kantahin ang awiting pinamagatang “Magkaisa”.

“Magkaisa”
Sarah Geronimo

Ngayon ganap ang hirap sa mundo

Unawa ang kailangan ng tao
Ang pagmamahal sa kapwa’y ilaan
Isa lang ang ugat na ating pinagmulan
Tayong lahat ay magkakalahi
Sa unos at agos huwag padada.

Panahon na (may pag-asa kang matatanaw)

Ng pagkakaisa (bagong umaga, bagong araw)
Kahit ito (sa atin Siya’y nagmamahal)
Ay hirap at dusa
Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)
At magsama (bagong umaga, bagong araw)
Kapit-kamay (sa atin Siya’y nagmamahal)
Sa bagong pag-asa.

Ngayon may pag-asang natatanaw

May bagong araw, bagong umaga
Pagmamahal ng Diyos, isipin mo tuwina.

Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)

At magsama (bagong umaga, bagong araw)
Kapit-kamay (sa atin Siya’y nagmamahal)
Sa bagong pag-asa.

Kompletuhin ang sumusunod na pahayag tungkol sa awitin:

1. Habang kinakanta ko ang awit, ako ay nakaramdam ng ____________________

_________________________________________________________________________

2. Ang mensahe ng awit ay _____________________________________________________

___________________________________________________________________________

Page 3 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

IKATLONG MARKAHAN/ IKAPITONG LINGGO/ IKALAWANG ARAW

Gawain ISAGAWA NATIN (Gawain 2)

Bawat isa sa atin ay bahagi ng buong mundo, mahalagang makiisa tayo sa

anumang mabuting hangarin ng bansa at sandaigdigan. At upang marating ang
ating mga hangarin, kailangan ang batas na makapagpapatupad sa mga ito.

A. Basahin at unawain ang sanaysay sa ibaba. Sagutan ang mga katanungan.

Ang batas ay mga kautusang ginawa para sa kabutihan ng nakararaming tao. Ang Saligang
Batas ay batayang-batas ng lahat ng batas na umiiral sa bansa ng pinakamataas na batas. Nakasaad
dito ang uri ng pamamahala ng pamahalaan sa bansa.

Ang mga batas ay sumasakop sa karapatan, tungkulin at responsibilidad ng mga mamamayan.

Ang mga batas na ito ay isinasagawa sa Mababang Kapulungan o Kongreso at mataas na Kapulungan
o Senado. Sumasakop din ito sa lahat ng aspekto ng buhay ng tao sa gayon ay magkaroon ng
kapayapaan, kaayusan at kaunlaran sa buong bansa.

Ang mga Kauutusan ay ang mga direktibang nanggagaling sa Pangulo ng Bansa, kinatawan o
konggresista, gobernador, punong bayan o alkalde upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga
tao.

Ang mga alituntunin ay ang mga kautusang ipinatupad ng isang grupo o pangkat upang maging
maayos ang takbo ng buhay ng mga tao.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang batas?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

2. Ano ang kautusan?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Page 4 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
3. Ano ang alituntunin?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

4-5. Ano ang kahalagahan sa pagsunod sa mga batas, kautusan at alituntunin?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

B. Sa tulong ng iyong mga kasama sa bahay, magbigay ng isang alituntuning ipinatutupad sa

inyong barangay. Isulat sa ibaba ang pangalan ng inyong barangay, bayan, at punong-
barangay.

PANGALAN NG PUNONG-BARANGAY: ___________________________________

BARANGAY: _________________________________________________________

BAYAN/LUNGSOD: ___________________________________________________

ALITUNTUNING IPINATUPAD: __________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

B. C. Performance Output Activity: Gawin ang sumusunod gamit ang multimedia at technology
tools.

1. Gamit ang Microsoft Word, sumulat ng sanaysay ukol sa kahalagahan ng Batas sa Kalinisan o
Batas sa Kaligtasan. Idikit ang iyong gawa sa loob ng kahon.

Page 5 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay

Pamantayan Lubos na Mahusay Mahusay Kailangan Pang Magsanay

10 8 5
Wasto at Maayos ang Malinaw at maayos ang paglalahad Maayos ang kabuuan ng Walang kaayusan ang mga
Datos mga impormasyon. paglalahad. impormasyon.
Epekto ng Mensahe Lubhang makabuluhan ang Makabuluhan ang Hindi makabuluhan ang
mensahe. mensahe. mensahe.

Kalinawan ng Sinasabi Lubhang malinaw ang mensahe at Malinaw ang mensahe at Hindi malinaw ang mensahe
pananalitang ginamit. pananalitang ginamit. at pananalitang ginamit.

2. Gumawa ng isang collage o mga pinagsamasamang larawan patungkol sa kahalagahan ng Batas

sa Kalusugan o kaya ay Batas sa Kapayaan. Gamiting ang teknolohiya sa pagsaliksik ng mga
larawan.

Rubrik para sa Poster

Pamantayan Indikador Puntos Natamong

Puntos
Nilalaman  Naipakita nang maayos ang ugnayan ng lahat ng 21 - 25
konsepto sa paggawa ng poster

Kaangkupan ng  Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng 16 - 20

Konsepto konsepto

Pagkamapanlikha  Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster 11 - 15

(Originality)
Kabuuang  Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon 6 - 10
Presentasyon
Pagkamalikhain  Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang 1- 5
(Creativity) maipahayag ang nilalaman, konsepto at mensahe

Kabuuan

Page 6 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

IKATLONG MARKAHAN/ IKAPITONG LINGGO/ IKATLONG ARAW

ISAPUSO NATIN (Gawain 3)

Bilang mamamayang Pilipino, nararapat lamang na matutunan

nating mahalin ang ating bansa at makibahagi sa pandaigdigang
pagkakakaisa. Ang pagkamasunurin, pagpapahalaga sa kaayusan at
kapayapaan, at pagkalinga sa kapaligiran ay makatutulong upang
maisakatuparan ang pagkakaisa ng bansa at maging ng daigdig. Sa
kabilang banda, kailangan din natin ng mga mahuhusay na pinuno na
mamumuno sa atin upang maabot natin ang ating mithiin na magkaroon
ng pandaigdigang pagkakaisa.

A. A. Basahin ang talata at pagnilayan ang sagot sa mga katanungan.

Ano Ang Kahalagahan Ng Mabuting Pinuno?

Ang isang mabuting pinuno ay hindi lamang taong nag-uutos kung ano ang gagawin,
kundi marunong ring mamuno sa pamamagitan ng pag gawa para sa kanyang mga
sinasakupan. Ang isang mabuting pinuno ay nakapag bibigay ng gabay para sa ikabubuti ng
kanilang mga tauhan. Sila rin ay nagiging “role model” para sa karamihan. Kung anong mga
mabuting asal ang ginagawa ng isang lider, sinusunod rin ng mga tauhan niya. Pero, kung wala
itong may ipinapakitang magandang asal, gayun rin ang kanyang mga sinasakop. Ang mga
batas at layunin sa isang lipunan ay ginawa para mabigyan tayo ng mapayapang pamumuhay.
Kung walang magandang pinuno para ipatupad ang mga batas na ito sa isang positibo at
makataong paraan.Ayon sa isang artikulo galing sa Careertrends, ang isang organisasyon, kahit
ano kalaki, ay sumasalamin sa mga personalidad ng kanilang mga pinuno. Kaya, naman
kailangan ng mabuting pinuno upang maging mabuti rin ang isang organisasyon.
https://philnews.ph/2020/09/24/kahalagahan-ng-mabuting-pinuno-paliwanag-at-halimbawa-nito/

1. Anu-ano ang mga katangian ng isang mabuting pinuno?

2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang mabuting pinuno upang magkaisa ang mga
mamamayan?

Page 7 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

B. Sa gabay ng mga magulang, magsaliksik sa internet at pumili ng isa na sa palagay mo ay ang

nararapat na lider .Bigyan ng katuwiran kung bakit ang opisyal na ito ang iyong napili. Isulat
ang iyong sagot sa ibaba.

________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

_____________

C. ISIPING MABUTI. Sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang mangyayari sa ating mundo kung ang bawat tao ay magkakaroon ng pusong
naghahangad ng pandaigdigang pakakaisa?
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

1. Sa kasalukuyan, masasabi mo bang may pandaigdigang pagkakaisa? Pangatwiranan ang

iyong sagot.
_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

2. Ano-ano ang gawaing makatutulong sa pagkamit ng pandaigdigang pagkakaisa?

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

3. Paano makatutulong sa pandaigdigang pagkakaisa ang matapat na pagsunod sa mga batas

ukol sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan, at kapayapaan.
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

4. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagkakaroon ng pandaigdigang

pagkakaisa?
_________________________________________________________________________

Page 8 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

D. Pag-aralan ang sumusunod na mga larawan na nagpapahayag ng suliranin sa

bansa at sa buong daigdig. Ilista ang mga masamang maidudulot ng mga suliranin ung
hindi ito mabibigyan ng solusyon. Magbigay ng solusyon sa bawat suliranin

1. MASAMANG MAIDUDULOT SOLUSYON

Pagkasira ng kalikasan

2. MASAMANG MAIDUDULOT SOLUSYON

Pang-aabuso sa mga bata

3. MASAMANG MAIDUDULOT SOLUSYON

Pandaigdigang suliranin sa bawal

na gamot

E. Sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Ang mga suliranin ba na nakita mo sa mga larawan ay nangyayari sa Pilipinas?

__________________________________________________________________________

2. Paano ito nakakaapekto sa ating bansa?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Page 9 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

IKATLONG MARKAHAN/ IKAPITONG LINGGO/ IKAAPAT NA ARAW

ISABUHAY NATIN (Gawain 4)

Ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang bansa ay mahalaga

tungo sa kaunlaran. Magkakaiba man ang salita, estado sa buhay at
paniniwala o pananaw ito ay nagsisilbing bigkis. Mahalagang pagyamanin ito
sa pamamagitan ng pakikiisa. Bilang batang marunong makiisa, ito ay
maaaring simulan sa ating paaralan at maging sa tahanan na kung saan
naipakikita natin ang pakikiisa sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawain.
At kapag ito ay nagampanan mo ng buong husay, nangangahulugan lamang
na handa ka na ring magbahagi ng iyong kakayahang makatulong para sa
pandaigdigang pagkakaisa.

A. Basahin ang tulang pinamagatang “Pagkakaisa”, at sagutan sumusunod na

mga katanungan.

Pagkakaisa
Maraming sinulid na mumunti
Mahihina kapag nag-iisa,
Ngunit matapos mahabi
Naging pinakamahusay na bandila.

Marami ring mga tao

Na iba’t iba ang kalagayan,
Pag nagbigkis ng pag-ibig at layunin na totoo
Nagiging bayang makapangyarihan.

Sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang pamagat ng tula?

________________________________________________________________

2. Bakit ito pinamagatang pagkakaisa?

________________________________________________________________

3. Ano ang masasabi mo sa ikalawang saknong?

________________________________________________________________

4. Sa palagay mo, bakit sinabing makapangyarihan ang bayang nagbigkis ng pag-

ibig at layunin na totoo?
________________________________________________________________

5. Ano ang nais ipakahulugan ng tula?

________________________________________________________________

Page 10 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

B. Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Isulat ang iyong gagawin o magiging
reaksiyon.

1. May dumating na bisita sa inyong bahay, ngunit wala pa ang inyong magulang.

________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Nakita mong nagkalat sa kalsada ang kamag-aral mo

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. May sumingit sa pila habang magbabayad kayo ng iyong Nanay sa grocery store

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4. May dayuhan na nagpapatulong sa iyo ng direksiyon

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. May bagong kamag-aral na mahiyain.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

6. Nabalitaan mo na may kampanya sa pagtitipid ng pagkunsumo ng elektrisidad

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

7. Nakita mong nagsusulat sa pader ng inyong kapitbahay ang iyong nakababatang

kapatid at mga kaibigan nito

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

8. May pangkatang gawain kayo ngayon ngunit isa sa inyong pangkat ay walang
pokus sa inyong ginagawa

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

9. Ipinagmamalaki ng iyong kaibigan ang pagtawid kung saan-saan

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

10. Nagkakaroon ng pagtatalo ang mga kasama mo sa pangkat tungkol sa inyong

pangkatang proyekto

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Page 11 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

C. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang tsek (√) o ekis (X) ang

isinasaad ng pangungusap tungkol sa pagkakaisa. Bilugan ang sagot.

√ X 1. Sabay - sabay kumakain ng hapunan ang isang pamilya.

√ X 2. Tumutulong sa mga makabuluhang proyekto ng pamayanan.

√ X 3. Nagsisigawan sina nanay at tatay.

√ X 4. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak kung araw ng Linggo.

√ X 5. Nagpapaiwan sa bahay ang isa sa miyembro ng pamilya kung may

pupuntahang okasyon.

√ X 6. Tulung-tulong ang lahat sa mga gawain.

√ X 7. Sinisigawan ng ate o kuya si bunso kung hindi sinusunod ang kanilang utos.

√ X 8. Sama-sama silang nanonood ng palabas sa telebisyon sa sala kung sila ay

kompleto.

√ X 9. Nakikiisa sa mga pangkatang gawain sa loob ng paaralan.

√ X 10. Sabay-sabay na nagdarasal ang mag-anak bago at pagkatapos kumain.

PAGLALAHAT

Ang pandaigdigang pagkakaisa ay pagtutulungan at pagsasama-sama o

pagkakabuklod-buklod ng mga bansa sa buong mundo na may layuning mapabuti ang
lahat. Sila ay nagtutulungan na mapaunlad ang bawat bansa. Layun din nilang
isakatuparan ang katahimikan ng bawat bansa laban sa mga mapang-abusong
mamamayan na nais magpalaganap ng kaguluhan. Tayong lahat ay kabahagi ng ating
bansa. Mga Pilipinong dapat magpakita ng pagmamahal sa bansa at titiyak sa
pagkakaroon ng pandaigdigang pagkakaisa na maaaring magdulot ng maunlad,
mapayapa, at mapagkalingang pamayanan.

Page 12 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

IKATLONG MARKAHAN/ IKAPITONG LINGGO/ IKALIMANG ARAW

SUBUKIN NATIN (Pagtataya)

A. Isulat sa patlang ang SA kung sang-ayon at DSA kung di- sang ayon sa mga sumusunod na

pangungusap.

_____ 1. Dapat na patawan ng karampatang parusa ang mga lumalabag sa batas.

_____ 2. Ang batas para sa mahihirap at mayayaman ay pantay.

_____ 3. Ginawa ang mga batas upang madisiplina ang mga tao.

_____ 4. Ang pagsunod sa batas ay pagpapakita ng pagmamahal sa bansa.

_____ 5. Malalakas ang loob ng mga taong lumalabag sa batas.

_____ 6. Ang batas ay mga kautusang ginawa para magkagulo ang mga tao.

_____ 7. Ang Filipino hospitality ay pagtanggap nang buong katapatan at kasiyahan sa lahat

ng dayuhan.

_____ 8. Hindi ko pinakikitunguhan nang maayos ang sinumang dayuhan na bumubisita sa

amin.

_____ 9. Ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang bansa ay mahalaga tungo sa

kaunlaran.

_____ 10. Hindi kailangan ang pagtutulungan upang magkaroon ng pandaigdigang

pagkakaisa.

B. Isulat ang Tama sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagkakaisa at

Mali naman kung hindi.

_____ 11. Sama-samang sumali ang ikalimang baitang sa paanyaya ng pinuno ng SPG sa

“Fun Ru Para sa Kaikasan”.

Page 13 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

_____ 12. Napagkasunduan ng magkaibigang Bert at Janry na umuwi na lamang at huwag ng

makilahok sa programa dahil ito ay ukol sa droga at wala naman silang maitutulong

dito.

_____ 13. Pinunit ni Nestor ang poster tungkol sa Earthquake Drill na isasagawa pa lamang sa

kanilang barangay.

_____ 14. Tumulong sa pagkalap ng mga donasyon ang mga batang nasa ikaanim na baitang

upang matulungan ang mga biktima ng nakaraang bagyo.

_____ 15. Ang mga tao sa aming barangay ay sabay-sabay nagpatay ng ilaw bilang pakikiisa

sa Earth Hour.

_____ 16. Ang isang grupo ay nagkasundo upang ihalal ang mamumuno sa kanilang lugar;

isang taong may hangaring mapaunlad ang kanilang lugar.

_____ 17. Sa paaralan, naatasan ang isang mag-aaral na mamuno sa isang grupo, ang mga

miyembro ay nag-usap-usap at bumuo ng isang plano para sa gagawin nilang

proyekto.

_____ 18. Sa tahanan, ang mga magulang at mga anak ay nagpapasiyang magbakasyon sa

probinsiya, sila ay magkakasamang nagdesisyon na puntahan at bisitahin ang

kanilang lolo at lola.

_____ 19. Sa trabaho, ang mga manggagawa ay nagkaisang mag-rally sapagkat hindi sapat

ang kanilang suweldo at mga benepisyong natatanggap.

_____ 20. Sa pamahalaan, nagkakaisa ang pangulo, ang senado at kongreso sa

ipapanukalang mga batas para sa mga mamamayan ng Pilipinas.

C. Iguhit ang puso (♥) sa patlang kung nagsasaad ng pakikiisa sa mga gawaing
nakatutulong sa bansa at daigdig, at tatsulok (▲) naman kung hindi.

_____ 21. Sumusunod ako sa mga alituntunin at batas na ipinapatupad sa aming barangay at

sa bansa.

_____ 22. Bilang mag-aaral, ako ay mag-aaral nang mabuti upang pagdating ng araw ay ako

naman ang isa sa tutulong sa aking bayan upang maging maunlad sa pamamagitan

ng paggamit ng aking mga kaalaman.

Page 14 of 15
MODULE CODE: ESP5-Q3-W7-PPP-lllG-H-31/lllh-32

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

_____ 23. Hindi ko pagtutuunan ng pansin ang pagtulong ng ating bansa dahil hindi ko ito

kaya.

_____ 24. Patuloy na ginagampanan ng mga kapulisan ang kanilang tungkulin sa pagsugpo

ng mga ipinagbabawal na gamot.

_____ 25. Ang mga nars at doktor sa buong mundo ay walang kapaguran sa kanilang

paglillingkod upang magamot ang mga may karamdaman lalong lalo na ang mga

nadapuan at nahawa ng sakit na Covid 19.

Mahusay! Ako’y nagagalak at nagpakita ka nang kagalingan sa araling

ito. Ipinakita mo ang iyong kahusayan sa paggawa ng proyekto gamit
ang multimedia at technology tools. Ngayon ay handang-handa ka na
sa pakikiisa sa mga gawaing makakatulong sa ating bansa at daigdig.
Binabati kita!

Inihanda ni:
JONAMAY J. DOCENA
P. Villanueva Elementary School

Sanggunian:
Zenaida R. Ylarde, et.al. (2016) Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5. Vibal Group, Inc. Philippines
Grade 5 TGs at LMs
https://www.slideshare.net/ezekielpatacsil/es-p-gr-1tg-q34insidepp10-1212
https://childlabor2017.wordpress.com/author/childlabor2017/
https://www.slideshare.net/boykembot/ang-kagubatan
https://www.todobiranews.com/2016/07/pulis-ngayon-ang-bida.html
www.scribd.com
www.liveworksheets.com
www.musixmatch.com
www.youtube.com

Page 15 of 15

You might also like