You are on page 1of 28

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.1
Panitikan: Kuwentong Bayan
Teksto: “Ang Munting Ibon”
(Isang Kuwentong Bayan ng mga Meranao)
Wika: Mga Pahayag na Nagbibigay ng mga Patunay
Bilang ng Araw: 6 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ia-b-1)


 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan
ng mga tauhan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ia-b-1)


 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba
pang lugar ng bansa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ia-b-1)


 Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita
ayon sa gamit sa pangungusap.

PANONOOD (PD) (F7PD- Ia-b-1)


 Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng tradisyon at
akdang pampanitikan batay sa napanood na kuwentong bayan.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-Ia-b-1)


 Naibabalita ang kasalukuyang kalagayan ng lugar na pinagmulan ng
alinman sa mga kuwentong bayang nabasa, napanood o
napakinggan.

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ia-b-1)


 Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong bayan ay salamin ng
tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Ia-b-1)


 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

Unang Markahan| 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F7PD- Ia-b-1)


 Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng tradisyon at akdang
pampanitikan batay sa napanood na kuwentong bayan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ia-b-1)


 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang
lugar ng bansa.

II. PAKSA

Panitikan: Ugnayan ng Tradisyon at Kuwentong Bayan


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (KULTURA SA BAUL)


Magpapakita ang guro ng isang baul na naglalaman ng mga larawan Piliin sa
mga ito ang nagpapakita ng kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Pagkatapos
ay ipaliliwanag ang napiling larawan,

https://ak1.ostkcdn.com/images/products/8009924/Mohena-Wood-and-Leather-
Colonial-Treasure-Jewelry-Box-Peru-P15374632.jpg

Unang Markahan | 2
http://4.bp.blogspot.com/-ZaUmERk2gDU/UjW4GFbzYNI/AAAAAAAAAwU/cPlYWhuLNgY/s1600/WEB-610.jpg
http://4.bp.blogspot.com/-ZaUmERk2gDU/UjW4GFbzYNI/AAAAAAAAAwU/cPlYWhuLNgY/s1600/WEB-610.jpg
https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/736x/1a/96/38/1a963821d33f239197e732c694ee54d5.jpg
http://images.gmanews.tv/webpics/2015/12/2_-_noche_buena_2015_12_17_13_49_50.jpg
http://3.bp.blogspot.com/-3bwEVWO5TrQ/UjXDthFfhJI/AAAAAAAAABo/WiRe8sMZI_M/s1600/simbang+gabi.jpg
http://static.wixstatic.com/media/3629d39ccc713a4cc8274e58da79e8e1.wix_mp_256
http://images.gmanews.tv/video_thumbnails/2010a/2014/12/SONA_121514_11.jpg

Gabay na Tanong:
a. Ano-anong mga kultura, tradisyon at paniniwala ang isinasabuhay pa rin
hanggang sa kasalukuyan?
b. May mga kultura ba o tradisyon sa mga larawan na masasalamin sa inyong
lugar na kinalakhan? Ano- ano ang mga ito?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano nauugnay ang kuwentong bayan sa mga tradisyon at kultura ng


isang bayan?

Unang Markahan| 3
3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (SINE TIME)


Pagpapanood ng videoclip ng isang kuwentong bayan mula sa youtube.

SI JUAN TAMAD
https://www.youtube.com/watch?v=_npfDhFfaBM

ANALISIS

1. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang akda? Ilarawan ang bawat isa.
2. Ibigay ang pangkalahatang ideyang tinatalakay ng kuwento.
3. Isa-isahin ang kultura at paniniwala ng mga tauhan sa akdang
napakinggan.
4. Anong akdang pampanitikan ang tumatalakay sa mga kultura at paniniwala
ng isang bayan?
5. Iugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar
ng bansa.

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N- (FOR YOUR INFORMATION)

Kahulugan ng Kuwentong Bayan

Ang mga kuwentong bayan ay bahagi na ng panitikan ng mga


Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito’y lumaganap at
nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o
pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong bayan at karaniwang
naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at
lumaganap.

Maraming kuwentong bayan ang pumapaksa sa mga hindi


pangkaraniwang pangyayari tulad ng nangingitlog ng ginto, o kaya’y mga
nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyos at diyosa,
mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy atbp. Masasalamin sa
kuwentong bayan ang mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning
panlipunan sa panahon kung kailan ito nasulat.

May mga kuwentong bayang ang pangunahing layunin ay


makapanlibang ng mga mambabasa o tagapakining subalit ang karamihan
sa mga ito ay kapupulutan ng mahahalagang aral sa buhay.

Unang Markahan | 4
May mga tampok o kilalang kuwentong bayan ang bawat rehiyon sa
Pilipinas. Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil
sa lumaganap ito nang pasalita, kaya’t minsay binabago ng
tagapagkuwento ang mga detalye na nagdudulot ng ibang bersyon dahil sa
pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng mga tauhan bagamat nananatili
ang mga pangungahing tauhan gayundin ang tagpuan kung saan naganap
ang kuwentong bayan.

Mga Kuwentong-Bayang Tagalog


 Si Maria Makiling
 Si Malakas at Maganda
 Mga Kuwento ni Juan Tamad

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (GRAPHIC ORGANIZER)


Gamit ang graphic organizer ay suriin ang ugnayan ng tradisyon at akdang
pampanitikan batay sa napanood na kuwentong bayan.

tradisyon

JUAN TAMAD

kultura paniniwala

Unang Markahan| 5
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (KUWENTONG ATIN)


Babasahin ng ilang mag-aaral ang isang kuwentong bayan sa bayan ng Taal
pagkatapos ay iuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa
iba pang lugar ng bansa.

ANG BABAENG MAY HAWAK NA PANYO

Ang mga taong naninirahan sa paligid ng lawa ng Taal ay di pa


nalilimutan ang mga nasalanta sa pagputok ng Bulkang Taal noong 1911.
Iyon ang dahilan ng pagkakaroon ng pagbabago sa mapa ng mga lugar
doon. Si Ka Andoy ang pinakamatanda sa mga nakatira sa malapit sa
paanan ng bulkan. Hindi niya malilimutan ang malagim na pangyayaring
iyon.
Bata pa siya nang ang Bulkang Taal ay pumutok. Kararating pa
lamang nila ng kanyang mga kaibigan mula sa panghaharana. Hindi niya
alintana ang sungit ng panahon. Maya-maya pa’y umuga nang malakas ang
kanilang tinitirhan. Ang nasa isip nila’y katapusan na iyon ng lahat.
Nakabanaag sila ng liwanag mula sa madilim na kalawakan. Nagsilabas sila
upang mailigtas at makakita ng liwanag.

Bigla silang nakakita ng magandang anyo ng babae, nakadamit


ng puti na may balabal na kulay asul. Mabilis ang lakad nito habang pabalik-
balik sa naglalakihang alon ng lawa. Nililibot din niya ang bulkan habang
iwinawagayway ang panyo sa bunganga ng bulkan.

Maya-maya pa’y kumalma na ang lawa at ang bulkan. Kasunod


niyon ay ang pagkawala ng magandang babae. Para kina Ka Andoy at sa
naninirahan doon, ang babaeng kanilang nabanaagan ay ang tinatawag na
Lady of Caysasay. Siya rin ang nasa Subic, baryo ng Lemery na nakitang
nagwagayway ng panyo sa umuulang lava at apoy. Kung hindi dahil sa
kanya, ang Subic daw ay wala na sa mapa ngayon.
Sanggunian: Pagtitipon ng mga Akdang Batangueño mula sa disertasyon ni Amelita Javier

Kaugnayan ng mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar


ng bansa:______________________________________________________

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga kuwentong bayan sa Pilipinas. Basahin at ibigay ang buod ng


mga binasa.
2. Basahin ang kuwentong bayan ng Mindanao na may pamagat na “Ang Munting
Ibon”. Humanda sa talakayan.
3. Magdala ng iba’t ibang larawang ginupit na may kaugnayan sa akdang tatalakayin.

Unang Markahan | 6
LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ia-b-1)


 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ia-b-1)


 Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon
sa gamit sa pangungusap.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-Ia-b-1)


 Naibabalita ang kasalukuyang kalagayan ng lugar na pinagmulan ng
alinman sa mga kuwentong bayang nabasa, napanood o napakinggan.

II. PAKSA

Panitikan: Kaugalian at Kalagayang Panlipunang Masasalamin sa


Kuwentong Bayan- “Ang Munting Ibon”
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (MANOOD TAYO)


Pagpapanood ng video clip tungkol sa mga kultura at tradisyon ng mga Muslim.

KULTURANG MUSLIM
https://www.youtube.com/watch?v=Mr_NOh63Lmo

Unang Markahan| 7
Gabay na Tanong:
a. Ano-anong mga kultura at paniniwalang Muslim ang inyong nakuha mula
sa pinanood?
b. Magbigay ng ilan pang paniniwalang Muslim na inyong nalalaman.

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano- anong mga kaugalian sa Mindanao ang masasalamin sa kuwentong


bayang “Ang Munting Ibon”?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (PILIIN)


Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit
nito sa pangungusap.

1. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso.


Hatinggabi madaling araw
katanghaliang tapat papalubog na ang araw

2. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga hayop.


Kampilan pana
Pagkain patibong

3. Isang matabang usa ang kanyang nadale.


Nadaanan naisama
Nahuli nakita

Piliin ang kasalungat ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa


pangungusap.

ibinahagi patpatin
yumuko mabuti

4. Tumingala siya at nakita ang nakasabit na matabang usa.

5. Kitang- kita sa kanya ang pagiging tuso.

6. Matabang usa ang nahuli ng bitag.

Unang Markahan | 8
4. Paghinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (CUE WORDS)


Pagbibigay ng mga cue words na may kaugnayan sa Munting Ibon.

5. Pagpapabasa ng Akda

Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA)


Babasahin ng ilang piling mag-aaral ang kuwentong bayan.

Ang Munting Ibon


Isang Kwentong-Bayan ng mga Meranao

Noong unang panahon, may mag-asawang naninirahan sa


malayong bayan ng Agamaniyog. Sila sina Lokes a Babay at Lokes a
Mama. Pangangasaso ang ikinabubuhay ng mag-asawa subalit hindi lang
ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso kundi maging ang kayang
maybahay na si Lokes a Babay. Bago sumapit ang takipsilim ay inilalagay
na ng mag-asawa ang kani-kanilang bitag sa gubat at ang mga ito’y kanilang
binabalikan sa madaling araw.
Isang gabi, habang nahihimbing si Lokes a Babay ay dahan-dahang
lumabas ng bahay si Lokes a Mama upang tingnan ang kanilang mga bitag.
Anong laking gulat niya nang makitang ang kayang bitag na nakasabit sa
puno ay nakahuli ng isang munting ibon samantalang ang bitag ng kayang
asawang nasa lupa sa tabi ng ugat ng isang malaking puno ay nakahuli
naman ng isang malusog na usa.’’Hmmm, hindi maari ito,’’ ang sabi ni Lokes
a Mama sa sarili.’’ Matabang usa ang nahuli ng bitag niya samantalang ang
akin ay isang munting ibon lang ang nadale. Alam ko na. Pagpapalitin ko
ang mga hayop na nahuli ng aming mga bitag.’’ ang nakangising wika ni
Lokes a Mama habang inililipat ang usa sa kayang bitag at saka itinali ang
ibon sa bitag ng asawa. Umuwi si Lokes a Mama nang nasisiyahan sa
kanyang ginawa kahit alam niyang isang panloloko ito sa kayang asawa.

Unang Markahan| 9
Kinabukasan, maagang ginising ni Lokes a Mama ang asawa. Gusto
niya kasing sabay silang magtungo sa kagubatan upang sabay ring makita
ang mga nahuli ng kani-kanilang mga bitag. Gulat na gulat si Lokes a Babay
nang makita ang matabang usang nakasabit sa bitag ng asawang nasa
itaas ng puno samantalang ang kayang bitag na nasa tabi ng puno ay
nakahuli lang ng isang maliit na ibon. Ipinagtataka niya kung paanong ang
bitag na nasa itaas ng puno ang nakahuli ng isang usa subalit hindi lang
siya kumibo. Sa halip, inuwi niya ang munting ibon at inilagay ito sa hawla.
Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kayang nahuli at
saka niluto. Umaamoy sa kapaligiran ang nakagugutom na amoy ng
nilulutong usa subalit nang handa na’y nilantakan ng lalaki nang hindi man
lang nag-aalok sa kanyang asawa. Sinolo niyang kainin ang buong usa sa
loob ng tatlong araw kahit alam niyang gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa
pa’y ang bitag naman talaga ni Lokes a Babay ang totoong nakahuli sa usa.
Likas siyang maramot at walang pagpapahalaga sa asawa kaya hanggang
maubos ang usa ay hindi niya binigyan si Lokes a Babay na nanatiling
walang kibo sa kabila ng ginagawa ng asawa.
Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a
Mama ang asawa. Gusto ko uling matikman ang matabang usa. Halika,
maglagay tayong muli ng bitag sa gubat,’’ ang kanyang paanyaya sa asawa.
Muli, naglagay ang dalawa ng kani-kanilang mga bitag. Subalit hindi
marunong umakyat ng puno si Lokes a Babay at dahil hindi man lang siya
tinulungan ni Lokes a Mama ay inilagay na lang niya uli ang kanyang bitag
sa tabi ng puno kung saan siya dating naglalagay.
Hatinggabi nang namalayan ni Lokes a Babay ang kanyang asawang
bumangon at dahan-dahang lumabas ng pinto. Nagkunwari siyang tulog.
Matalinong babae si Lokes a Babay at nahulaan niya ang ginagawa ng
asawa. Subalit wala siyang intensyong sundan ito. “ Alam kong niloloko mo
lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang naibulong sa sarili
at saka niya pinilit makatulog kahit pa siya’y nagdaramdam sa ginagawang
pagtrato sa kanya ng asawa.
Nang siya’y makatulog nananaginip siya. Napanaginipan niyang
pinakakain niya ng palay ang kanyang alaga at laking gulat niya ng
mangitlog ito ng isang monitas o isang mamahaling hiyas.
Nagising lang siya dahil tinatawag pala siya ni Lokes a Mama para
tingnan ang kanilang mga bitag. Subalit wala na siyang interes sa bitag.
“Ikaw na lang ang pumunta,” ang sabi niya sa asawa. “ Masakit ang ulo ko
at mas gusto ko mamahinga na lang,” ang dugtong pa niya.
“ Bahala ka. Basta’t pag may nahuli ako ay hindi uli kita bibigyan.
Kanya- kanya tayo,” ang sabi ni Lokes a Mama habang pababa ng hagdan.
Hindi sumagot si Lokes a Babay. Sanay na siya sa pagiging tuso at
madamot ng kanyang asawa. Wala rin itong pagpapahalaga sa kanya at
hindi niya naramdamang mahal siya nito.
Pagkaalis ng kanyang asawa ay agad niyang pinuntahan ang
kanyang munting ibon.

Unang Markahan | 10
Kumuha siya ng palay at pinatuka sa ibon. Gayun na lang ang
kanyang panggigilalas nang makitang pagkalunok nito sa palay ay biglang
nangitlog ng isang maningning na diyamante ang ibon. Dinampot niya ang
diyamante. “mayaman na ako!” ang paulit-ulit niyang sabi sa sarili habang
itinatago ang mamahaling bato.
Tulad ng dati, pag-uwi ng kanyang asawa ay iniluluto nito ang
kanyang huli at mag –isang kumakain nang hindi man lang nag-aalok.
Subalit hindi na ito pansin ni Lokes a Babay ngayon. Sa halip ay masaya
siyang humuhuni ng paborito niyang himig habang gumagawa sa bahay na
labis namang ipinagtataka ng kanyang asawa.
Araw- araw nga, pagkalabas ng kanyang asawa upang kunin ang
anumang nahuli ng kanilang bitag ay pinakakain naman niya ng palay ang
ibon at saka mag- aabang sa ilalabas nitong diyamante. Walang kamalay
malay si Lekes a Mama na marami na palang naiipong diyamante si Lokes
a Babay.
Isang araw, habang mag-isa na namang kinakain ni Lokes a Mama
ang kanyang inilutong huli ay nagsalita si Lokes a Babay. “ hindi ko na matiis
ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa
akin. Bukod pa riyan hindi ko na rin kayang tiisin ang pagiging maramot mo
at kawalan mo ng pagpapahalaga sa akin,” ang buong kapaitan niyang sabi
sa asawa na hindi man lang tumingala mula sa pagngasab sa niluto niyang
ligaw na pato. “ Payag na ako sa dati mong pang sinasabing pakikipahiwalay
sa akin. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin
subalit huwag na huwag mo na rin akong aabalahin,” ang pangwakas na
sabi ni Lokes a Babay.
Medyo na- konsensiya naman ang lalaki dahil totoong lahat ang sinabi sa
kanya ng asawa.Pero ito ang pinakahihintay niyang pagkakataon. Ngayon ay
malaya na siya. Matagal na niyang sinasabi kay lokes a Babay na gusto na niyang
makipaghiwalay subalit hindi ito pumayag. Ngayon ay heto at pumapayag na siya
sa kanyang kagustuhan.
Nag- impake si Lokes a Babay ng kanyang mga gamit at dala ang
pinakamamahal niyang ibon at umalis siya ng bahay. Naiwan naman si Lokes a
Mama at ipinagpatuloy lang ang kanyang pangangaso. Samantala, si Lokes a
Babay ay bumili ng isang malawak na lupain at nagpatayo ng isang torogan o
malapalasyong tahanan. Kumuha siya ng mga guwardiya at mga katulong na
magsisilbi sa kanya. Naging maayos at masagana ang kanyang pamumuhay.
Nabalitaan ni Lokes a Mama ang napakagandang kalagayan sa buhay ng kanyang
dating asawa kaya’t muli siyang nagplano.
“Babalikan ko si Lokes a Babay para makasalo rin ako sa kanyang
kayamanan. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang kanyang kayamanan subalit
dapat lang na makinabang din ako,” ang sabi sa sarili ng tusong lalaki.
Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Kilala niya kasi ang
pagiging tuso at manloloko ng asawa kaya’t pinagbilinan niya ang kanyang mga
guwardiya na huwag na huwag itong palalapitin man lang sa kanyang magarang
tahanan. Kahit anong gawin ni Lokes a Mama ay hindi napaloko sa kanya ang
asawa. At magmula noon, namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a Babay
nang maligaya, masagana at payapa.

Unang Markahan| 11
.
6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S NEXT)


Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng mga
flow chart.

Ang mag-
Pandarayang
asawang si Ang swerteng
ginagawa ng Ang naging
Lokes a Mama natamo ng
asawang lalaki sa wakas ng akda
at Lokes a asawang babae
asawang babae
Babay

7. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (IPAKITA ANG GALING)


Ipakikita ng bawat pangkat ang kanilang mga galing sa pagtalakay sa
kasalukuyang kalagayan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayang “Ang
Munting Ibon” sa pamamagitan ng mga mungkahing estratehiya.

1 MANIQUIN
2
MAIKLING
USAPAN CHALLENGE

POSTER
3 COLLAGE
4

Unang Markahan | 12
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe(4) manonood (4) manonood (2)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)

Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


Kaisahan nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
ng Pangkat pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
o bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
Kooperasyon sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
(3) gawain (3) (2) gawain (1)

8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita


ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng
guro

ANALISIS

1. Sino-sino ang mga tauhan sa akdang binasa? Ilarawan ang katangian ng


bawat isa.
2. Isalaysay ang suliraning tinalakay sa kuwento. Nasolusyunan ba ang ito?
Paano?
3. Ano-ano ang mga kaugaliang nasalamin sa akdang binasa? Isa-isahin ang
mga ito. Alin sa mga kaugaliang ito ang nararapat na isabuhay ng bawat
isang Pilipino? Alin naman sa mga kaugalian ang kailangang baguhin?
4. Paano mo ilalarawan ang kalagayang panlipunan sa Mindanao batay sa
mga pangyayari at usapan ng mga tauhan sa akda?
5. Sa anong uri ng akdang pampanitikan maihahanay ang binasang kuwento?
Bakit?

Unang Markahan| 13
Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N- (FOR YOUR INFORMATION)

Ang Mindanao na siyang pangalawang pinakamalaking pulo ng


bansa at sinasabing tahanan ng maraming Muslim ay tinatawag ding
Lupang Pangako ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng mismong pulo ng Mindanao
at ng kapuluan ng Sulu. Nahahati ito sa anim na rehiyong kinabibilangan ng
Rehiyon IX, X, XI, XII, XIII at ARMM.

Sa panitikang Mindanao masasalamin ang kultura at paniniwala ng


mga Muslim at mga pangkat-etnikong naninirahan dito. Karaniwang paksa
ng kanilang panitikan ay may kinalaman sa kanilang relihiyon at paniniwala
gamit ang kanilang lingua franca, Bisaya at Cebuano.

Ang Kulturang Muslim ay kumakatawan sa lahat ng bisa ng kulturang


sa pangkaraniwang paniniwala at mga pagsasanay. Isinama ng kulturang
Islam sa pangkalahatan ang lahat ng pagsasanay na pinaunlad sa paligid
ng relihiyong Islam.

Ayon sa kulturang Muslim, ang kasal ay nasa kawikaan ni


Muhammad, ‘kalahating relihiyon’. Ang pag-iisa ng dalawang kaluluwa sa
banal na seremonya ay makikita bilang isang ligal na pag-iisa at
panlipunang kasunduan. Ang mga pista tulad ng Eid ul-Fitr, Eid ul-Adha at
Lailat al Miraj ay isang magandang halimbawa ng impluwensya ng relihiyon
sa pamumuhay ng mga Muslim.

Ang mga lalaking Islam ay maaring magpakasal sa apat na babae


kung siya ay magiging pantay-pantay ang pagtingin sa kanyang mga
mapapangasawa at tratuhin ang mga ito nang pantay-pantay. Ang mga
mukha at kamay lamang ng mga kababaihang Muslim ang maaari nilang
ipakita sa publiko, ngunit maaari silang magsuot ng kahit ano sa harap ng
kanilang asawa.

Sanggunian: http://muslim-academy.com/the-right-understanding-of-the-islamic-
culture/#more-1897

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (ANG GINTONG ITLOG)


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga gintong itlog na naglalaman ng mga
pahayag mula sa aralin. Pagkatapos ay buuin ito upang matukoy ang
pangunahing konsepto ng tinalakay.

Unang Markahan | 14
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/Other_Language_Activities_(Intermediate_Readings)/ibong%20maya/pipit.gif
http://www.clker.com/cliparts/1/e/d/a/11970911411998706039carlitos_Whiter_Egg.svg

pagpapahalaga
ng babae sa
asawang lalaki

Pagmamahal
sa Bayan

Unang Markahan| 15
pananam-
palataya sa
Maykapal
laki

kasipagan

Labis na
kapangyarihan
ng asawang
lalaki sa pamilya

Unang Markahan | 16
kabutihan ng
puso

Ang mga kaugalian sa Mindanao na masasalamin sa kuwentong bayang


“Ang Munting Ibon” ay ang pagpapahalaga ng babae sa asawang lalaki,
kasipagan, kabutihan ng puso at labis na kapangyarihan ng asawang lalaki
sa pamilya.

APLIKASYON at ang malabis na


Mungkahing Estratehiya (LIKE, COMMENT AND SHARE)
Alin sa mga sumusunod na kaugalian, paniniwala, kultura at tradisyong
Batangueño ang magandang maging paksa ng isang kuwentong bayan?
Lagyan iyo ng like, magbigay ng comment at i-share sa klase ang iyong napili.

“Matandang Dugo”, ito ang


napakagandang tradisyon ng mga
taga-Batangas, dahil dito
Ang isa sa halimbawa ng
napapatunayan ang pagiging
tradisyong Batangueño ay ang
marespeto ng bawat Batangueño
pagsasalita ng “eh” at “ga”. Ang
sa mga nakatatanda sa kanila,
mga Batangueño ay kilala sa
ngunit ang mas naging
pagsasalita nang may malakas na
magandang halaga nito ay hindi
punto. Pagsasalita na laging may
lamang ang mga nakatatanda ang
kasamang “eh” at “ga”.
nirerespeto nila dahil kahit mga
nakababata o kasing edad
lamang nila ay nirerespeto din.

Unang Markahan| 17
Kilala rin ang mga ito bilang
malakas sa pag-inom ng alak at Napakaraming mga Atraksyon na
pagkain ng matatamis. Isa sa makikita lang sa Batangas, at ang
mga itinuturong dahilan nito ang ilan ay matatag pa sa pagdaan ng
Central Azucarera Don Pedro, na panahon. Magagandang Tanawin,
itinuturing na pinakamalaking mayaman sa mga kultura’t
tagagawa ng asukal sa buong tradisyon. Tunay na kilala ang
bansa. Isa naman sa mga Batangueno sa pagiging
pinakakilalang produkto ng mabait sa mga taong bumibisita
lalawigan ang kapeng barako, sa lugar.
gayon din ang balisong.

http://lexiconin.com/wp-content/uploads/2016/02/123-1040x440.png
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Batangas

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Pinabilinan ni Lokes a Babay ang kanyang mga gwardiya na huwag na


huwag palalapitin man lang sa kanyang magarang tahanan ang kanyang
asawa. Mahihinuhang si Lokes a Babay ay____?

a. mapaghiganti at ikinatuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng kanyang


asawa
b. may itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasinghina ng inaakala ng
kanyang asawa
c. mahirap pakisamahan at walang makasundong tao dahil masama ang
ugali
d. naging masama na rin ang ugali dala ng kanyang kayamanan

Unang Markahan | 18
2. Gayon na lamang ang panggigilalas sa nakitang kakaiba. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang nakasulat ng pahilis?
a. pagkaasiwa b. pagkagulat c. pagkalungkot d. pananabik

3. Sinolo ng lalaki ang biyayang natanggap. Alin ang kasalungat ng salitang


sinolo?
a. ibinahagi b. patpatin c. mabuti d. yumuko

4. Sa kasalukuyan, paano maiiwasan ng mag-asawa ang pagkakaroon ng


hindi pagkakaunawaang kalimitang nakikita sa isang pamilyang Pilipino?

a. Magkaroon ng katapatan at igalang ang karapatan ng bawat isa.


b. Maging mapagmataas dahil sa kasalanang ginawa ng isa.
c. Ang babae ay nararapat magpasailalim sa lalaki sa lahat ng sitwasyon.
d. Sumunod ang babae sa asawang lalaki kahit siya ay nasasaktan na.

5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng mga kaugalian,


paniniwala at kulturang Muslim na tinalakay sa kuwentong bayang “Ang
Munting Ibon”?

a. Ang magkapatid na John at Dave ay mga Muslim. Bilang panganay, si


John ang laging nasusunod.
b. Masaya ang naging pagdiriwang sa kasalan nina Andy at Joy.
c. Ang mga mag-aaral ay sumusunod sa mga payo at tagubilin ng guro
sapagkat nais nilang matuto at magkaroon ng magandang kinabukasan.
d. Sina Aram at Abdul ay mag-asawang Muslim. Laging sinusunod ni Aram
si Abdul bilang ulo ng pamilya.

Sagot:
B B A A D

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga kaugalian at paniniwalang Muslim na isinasagawa pa


rin hanggang sa kasalukuyan.
2. Ano-ano ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay? Isa-isahin ang
mga ito.

Unang Markahan| 19
PAUNLARIN
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Ia-b-1)


 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

II. PAKSA

Wika: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (ANONG PATUNAY)


Ilalagay ng mga mag-aaral ang wastong larawan na nagpapakita ng mga
patunay sa isyung panlipunan na ibibigay ng guro. Gumawa ng makabuluhang
pangungusap mula sa aktibidad na isinagawa.

PANG-
AABUSO
SA
KABABAIHAN

Unang Markahan | 20
http://media.philstar.com/images/pang-masa/police-metro/20140728/children.jpg
http://4.bp.blogspot.com/_OdDX91QPk2o/TNjl8AGxNmI/AAAAAAAABUg/fnsN28KZrBM/s1600/Kahirapan.jpg
http://ak01-cdn.slidely.com/slidesong/view/image/ssh/c5d8c376088312507527ff1718381122/s/column-grid/v/2
http://2.bp.blogspot.com/-ZBKRvNu5aYs/UsGw3w81tRI/AAAAAAAAABg/pblVvEeCif4/s1600/images.jpg
https://www.mykomms.com/external/group_cover/cj2minalh020150525085136-18523124205LwVTRmfaTE.jpg
http://image.slidesharecdn.com/tahananngisangsugarol-150717210949-lva1-app6891/95/tahanan-ng-isang-sugarol-4-
638.jpg?cb=1437167438
http://image.slidesharecdn.com/tahananngisangsugarol-150717210949-lva1-app6891/95/tahanan-ng-isang-sugarol-6-
638.jpg?cb=1437167438

Pangungusap:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Unang Markahan| 21
Gabay na Tanong:
a. Naging madali ba sa inyo ang ginawang aktibidad?
b. Paano ninyo naisagawa ang pagbibigay ng patunay sa mga isyung
panlipunan na tinalakay?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakit mahalagang gamitin ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga


patunay?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (DOKUMENTARYO)


Pagpapanood ng video clip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin.

KARAHASAN SA KABABAIHAN
News TV
https://www.youtube.com/watch?v=az0Ab_AInS8

ANALISIS

1. Ano ang pangkabuuang paksa ng dokumentaryong napanood?


2. Naging makatotohanan ba ang mga patunay na inilahad sa dokumentaryo?
Bakit?
3. Paano kaya kinalap ang mga patunay o ebidensiya sa nasabing palabas?
4. Batay sa iyong napanood, ano-ano ang magpapatunay na may suliranin
ang mga kababayan nating kababaihan?
5. Bakit mahalaga ang mga ebidensiya sa pagpapatunay ng isang bagay?
Ilahad ang kasagutan.

Unang Markahan | 22
Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - (FOR YOUR INFORMATION)

Mga Pahayag ng Pagbibigay ng mga Patunay

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan


ng isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay
makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o
kapani-paniwala sa mga tagapakinig.

Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng


datos o ebidensiya na lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng
inilalahad.

Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:

1. May dokumentaryong ebidensiya- ang mga ebidensiyang


magpapatunay na maaaring nakasulat, larawan, o video.

2. Kapani-paniwala- ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya,


patunay, kalakip na ebidensiya ay kapani-paniwala at maaaring
makapagpatunay.

3. Taglay ang matibay na kongklusyon-isang katunayang pinalalakas


ng ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.

4. Nagpapahiwatig-hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang


ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katotohanan.

5. Nagpapakita- salitang nagsasaad na ang isang bagay na


pinatutunayan ay totoo o tunay.

6. Nagpapatunay/katunayan-salitang nagsasabi o nagsasaad ng


pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.

7. Pinatutunayan ng mga detalye- makikita mula sa mga detalye ang


patunay sa isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para
sa makita ang katotohanan sa pahayag.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Unang Markahan| 23
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (MASAYANG KABABAIHAN)


Bubuuin ng mga mag-aaral ang mga mga larawan upang mabuo ang
masayang pamilya na naglalaman ng pangunahing konsepto ng aralin.
Makatutulong
ang mga
pahayag na
nagbibigay ng
patunay

katanggap-tanggap o
kapani-paniwala

upang tayo ay
makapag-
patunay at
maging

ang ating ipinaliliwanag

http://www.okclipart.com/img24/clcyixxxmpcpswtsnyvk.jpg

Makatutulong ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay upang tayo ay


makapagpatunay at maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala ang
ating ipinaliliwanag.

APLIKASYON
Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (TALUMPATIAN)
Pipili ang guro ng mga mag-aaral na siyang magbabahagi ng galing sa
pagtatalumpati batay sa kanyang ibibigay na paksa gamit ang mga pahayag na
nagbibigay ng patunay.

Paano mabibigyan ng solusyon ng pamahalaan ang mga pang-aabuso sa


kababaihan? Bigyan ng patunay ang mga kasagutan.

Unang Markahan | 24
Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (MAGSANAY PA)
Kilalanin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi.

1. Ang mahigit anim na libong bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Yolanda
ang magpapatunay sa lakas at bagsik ng bagyong humambalos sa maraming
lalawigan sa Kabisayaan noong 2013. (nagbibigay ng patunay)
2.Umaasa silang huwag ng magkaroon ng ganoon kalakas na bagyo sa bansa.
3.Ang unti-unting pagtatayo ng mga nasirang gusali at mga tirahan at
pagsisismula ng muling komersiyo sa mga lugar na ito ang nagpapatunay na
bumabangon ang mga taga Visayas. (nagbibigay ng patunay)
4. Sana ay magkaroon ng solusyon ang mga karahasang nagaganap sa mga
kababaihan.
5. Ang Gender and Development ay gumagawa ng mga hakbang upang
masolusyunan ang mga problema na may kaugnayan sa karahasan at pang-
aabuso sa mga kababaihan.

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng


patunay?

a. Makatutulong ang mga pahayag upang tayo ay makapagpatunay at ang


ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa
mga tagapakinig.
b. Makatutulong ang mga pahayag sa pag-alam ng kahulugan at
kasalungat ng isang salita.
c. Makatutulong ang mga pahayag sa pagkakaroon ng ugnayan ng talata.
d. Makatutulong ang mga pahayag sa pagtukoy sa formalidad at
kaantasan ng wika.

2. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng pagbibigay ng patunay?

a. Kaya naman magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti


ng lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga nasalanta.
b. Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga
mahal sa buhay at ari-arian.
c. Huwag na sana tayong makadama ng labis na kalungkutan.
d. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development
Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling
pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.
Unang Markahan| 25
3. Ito ay mahalaga sa pagbibigay ng mga patunay sa isang pangyayari.

a. ebidensya o datos
b. pangngalan at panghalip
c. formalidad ng wika
d. opinyon

Panuto: Kilalanin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o


hindi. Isulat ang P kung nagbibigay ng patunay at DP kung hindi.

4. Ang tulong mula sa iba’t ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong piso
ang nagpapakita sa likas na kabutihang-loob ng tao anuman ang kulay ng
balat at lahi nito. (nagbibigay ng patunay)

5. Huwag na sana tayong salantain uli ng malakas na bagyo upang maiwasan


ang pagkasawi ng maraming buhay.

Sagot:
A D A P DP

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magbigay ng mga patunay na ang kuwentong bayan ay bahagi na ng buhay


ng bawat isang Pilipino.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 1.1.

Unang Markahan | 26
ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ia-b-1)


 Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong bayan ay salamin ng
tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.1


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya ( SINE TIME)


Magpapanood ang guro ng isang halimbawa ng kuwentong bayan at ibibigay
ng mga mag-aaral ang buod nito pagkatapos.
KUNG BAKIT UMUULAN
https://www.youtube.com/watch?v=nwGOIlLYys8

Iisa-isahin ng mga mag-aaral ang mga kultura at tradisyong nasalamin sa


kuwentong bayang napanood.

Magpapakita ang guro ng larawan


ng isang pahayagan at pagtalakay
nito bilang paghahanda sa gagawing
aktibidad.

https://image.issu.com/16062023524538e09252ca41dc545b8b9d56c8a02b09/jpg/page_1.jpg

Unang Markahan| 27
2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS
GOAL: Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong bayan ay salamin ng tradisyon o
kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.

ROLE: Bilang isang manunulat ng pahayagan sa inyong lungsod ay


naatasan kang sumulat ng isang kolum na nagpapatunay na ang
kuwentong bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na
pinagmulan nito.

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan

SITUATION: Ang “WORDPRESS.COM” ay nangangailang mag-publish sa


kanilang website ng isang kolum.

PRODUCT: Kolum na nagpapatunay na ang kuwentong bayan ay salamin ng tradisyon o


kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


ORIHINALIDAD Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
AT ng orihinalidad ang orihinalidad ang tula ay nagmula sa
NILALAMAN nilalaman ng talata.(4) nilalaman ng mga naisulat nang
(4) talata.(3) mga talata.(1)
Napakahusay ng Mahusay ang Hindi gaanong
PAGGAMIT NG pagpili sa mga naging pagpili sa mahusay ang
SALITA salitang ginamit sa mga salitang naging pagpili ng
(3) talata.(3) ginamit sa talata.(2) mga salitang
ginamit. (1)
Lubos na kinakitaan Kinakitaan nang Hindi kinakitaan nang
SUKAT AT nang maayos na sukat maayos na sukat at maayos na sukat at
TUGMA at tugma ang naisulat tugma ang naisulat tugma ang naisulat
(3) na talata.(3) na talata.(2) na talata.(1)

KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN
1. Sumulat ng isang talatang nagpapakita ng mga patunay na ang
pagmamahal sa mga kababaihan ay nagdudulot ng tagumpay ng
pamilya.
2. Ano ang pabula bilang isang akdang pampanitikan? Magsaliksik ng
tungkol dito.

Unang Markahan | 28

You might also like