You are on page 1of 24

lOMoARcPSD|36343070

Ap4 q2 mod1 lipunan at kultura v2

Filipino Journalism (San Ildefonso National High School)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)
lOMoARcPSD|36343070

4
n
laa L
ah
a
I BI
am P GB
g
ri n NA
Pa
g -aa
I PI
D I
N
HI
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 1:
Linggo 1
Lipunan, Kultura at Ekonomiya
ng Aking Bansa

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Lipunan, Kultura at Ekonomiya ng Aking Bansa
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio
Development Team of the Module

Author: Anthony Sol F. Macatana

Editor: Nicolasa R. Taronzon

Reviewers: Ceciial E. Ingotan, PSDS


Chona H. Dilangen
Susan I. Alavanza

Illustrator: Fernando A. Ombayan


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members : Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

4
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Linggo 1
Lipunan, Kultura at Ekonomiya
ng Aking Bansa

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay


magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga guro mula
sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng Edukasyon na
mag-email ng kanilang puna, komento at
rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Panimula

Maligayang bati, minamahal naming mag-aaral!

Sa araw na ito ay may isang panibagong kaalaman na naman ang


iyong matutuklasan.

Ang Modyul na ito ay sadyang ginawa upang ikaw ay matuto.


Layunin nitong tulungan kayo sa iyong pag-aaral kahit nasa bahay ka
lamang. Ang mga aralin at mga gawain na napapaloob ay sadyang
idinisenyo batay sa iyong kakayahan at angking talino.

Sa modyul na ito ay matutunan mo ang kaugnayan ng kapaligiran


sa uri ng hanapbuhay, produkto at kalakal sa iba’t-ibang lokasyon ng ating
bansa.

Magkaroon ka sana ng kasiya-siyang karanasan sa pag-aaral!

Mga Tala Para sa Guro


Gabayan ang mga mag-aaral sa pag-gamit ng Modyul sa
Araling Panlipunan ng Ikaapat na baitang.

3i

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Alamin

Sa araw na ito ay pag-aaralan mo ang kaugnayan ng kapaligiran sa


uri ng hanapbuhay, produkto at kalakal sa iba’t-ibang lokasyon ng ating
bansa.

Ang layunin sa iyong pagkatuto ay:

1. Nailalarawan ang mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t-


ibang lokasyon ng bansa.
a. Naiuugnay ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay.
b. Naihahambing ang mga produkto at kalakal na
matatagpuan sa iba’t-ibang lokasyon ng bansa.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga


sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

ii
4

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatayang ito ay ginamit upang
masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii 5

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Subukin

Upang matukoy ang iyong kaalaman ukol sa aralin para sa araw na


ito, subukan mo ang gawain sa ibaba.

Panuto: Suriin at bilogan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pangunahing pangkat ng pulo ang may


pinakamalaking populasyon?
A. Luzon C. Palawan
B. Visayas D. Mindanao

2. Aling rehiyon ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan.


A. CAR C. Caraga
B. ARMM D. MIMAROPA

3. Aling rehiyon ang may pinakamaraming naninirahan?


A. CALABARZON C. Kanlurang Visayas
B. Gitnang Luzon D. National Capitan Region

4. Ilan ang bilang ng populasyon sa National Capital Region batay sa


census ng 2010?
A. 11.08 milyon C. 18.01 milyon
B. 11.86 milyon D. 18.10 milyon

5. Bakit marami ang naninirahan sa NCR?


A. Dahil makabago ang kanilang pamamalakad.
B. Dahil nasa sentro ito ng bansa.
C. Dahil maraming magagandang gusali rito.
D. Dahil maraming oportunidad o pagkakataon dito upang
makapag-aral at kumita.

6. Anong rehiyon ang binansagang “Kamalig ng Palay sa Mindanao?”


A. Rehiyon X C. Rehiyon XII
B. Rehiyon XI D. Rehiyon XIII

iv
6

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

7. Anong lalawigan sa Rehiyon ng Ilokos ang may malawak na


kapatagan?
A. La Union C. Ilokos Sur
B. Pangasinan D. Ilokos Norte

8. Anong bundok ang naghihiwalay sa mga lalawigan ng Laguna at


Quezon?
A. Bundok Apo C. Bundok Mayon
B. Bundok Pulag D. Bundok Banahaw

9. Aling rehiyon ang sentro ng pamahalaan, edukasyon, relihiyon at


industriya?
A. NCR C. Rehiyon IV
B. Rehiyon II D. Rehiyon XII

10. Ano ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa Pilipinas?


A. Bundok Apo C. Bundok Mayon
B. Bundok Pulag D. Bundok Banahaw

v
7

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Aralin Lipunan, Kultura, at


1 Ekonomiya ng Aking
Bansa
Sa nakaraang mga aralin ay nakilala mo ang bansang Pilipinas
ayon sa kinalalagyan nito at nalaman mo rin ang mga katangiang pisikal
nito. Natutunan mo pa ang tungkol sa mga likas na yaman, magagandang
tanawin at ang kahalagahan ng mga katangiang pisikal ng bansa. Upang
mapalalim pa ang iyong pag-uunawa tungkol sa bansang Pilipinas,
mahalagang malaman mo ang mga impormasyon ukol sa mga gawaing
pangkabuhayan, produkto at kalakal sa iba’t-ibang lokasyon ng ating
bansa.

Balikan

Sa nakaraang modyul ay napag-aralan at natutunan mo ang


kahalagahan ng katangiang pisikal sa pag-unlad ng ating bansa.
Alam mo ba kung saang rehiyon matatagpuan ang probinsya na
iyong kinabibilangan?
Ano-ano ang mga bayan o lungsod na nasasakopan ng iyong
probinsya?
Anong lawa ang itinuturing na pinakamalinis na crater lake sa bansa
na matatagpuan sa Guinoyoran, Valencia City?
Saan naman matatagpuan ang isang aktibong bulkan, na tinatawag
bilang Bulkang Calayo?
Ano itong matatagpuan sa lalawigan ng Albay sa Bicol at tinatawag
na Perfect Cone Shape na bulkan?
Iyan ay dapat lagi nating pakakatandaan.

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Tuklasin

Napaisip si Ella kaya naitanong niya si Bimbo. Ano kaya ang


kaniyang ipinagtataka?

Saang lugar ka
nakatira?
Anong hanapbuhay
mayroon sa inyong
lugar?

Malapit sa dagat.
Pangingisda.
Sa iyong lugar naman,
anong
hanapbuhay mayroon
kayo?

www.seasite.niu.edu/.../modules_in_Tagalog/

www.seasite.niu.edu/.../modules_in_Tagalog/

Ano ang masasabi mo sa usapan ng dalawang bata?


Ikaw, saan ka nakatira?
Anong hanapbuhay mayroon sa inyong lugar?
Bakit ito ang uri ng hanapbuhay sa inyong lugar?
Sa susunod na mga pahina ay malalaman mo ang mga ito.

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Suriin

Halika’t talakayin at linangin natin ang paksang ito.

Kapaligiran at Hanapbuhay

Ang kapaligiran ay ang lahat ng panlabas na mga puwersa,


kaganapan at bagay na gumagalaw sa ibabaw ng mundo. Ang kapaligiran
ng isang tao ay binubuo ng lahat ng mga bagay na nakapaligid sa kanya,
tulad ng gusali, tao, lupa, temperatura, tubig, liwanag at iba pang buhay
at walang buhay na mga bagay. Ang mga bagay na may buhay ay
madalas na may interaksiyon sa kanilang kapaligiran. Nagbabago ang
mga organismo bilang pagtugon sa mga kalagayan o kundisyon sa
kanilang kapaligiran.

duckduckbro.com/2018/07/planting-calendar-for-the-philippines

https://psa.gov.ph/content/fisheries-statistics-philippines

10

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Ang kapaligiran ay may kinalaman sa gawain ng tao sa isang lugar,


lalo’t higit sa hanapbuhay o pinagkakakitaan ng mga naninirahan dito.
Halimbawa nito ay ang pag-aalaga ng hayop at pagsasaka na
hanapbuhay ng mga taong malapit sa kapatagan. Gayundin ang
pangingisda na hanapbuhay naman ng mga taong nakatira malapit sa
dagat o katubigan. Pagmimina, pagkakaingin, pagtatanim at pangangaso
naman ang hanapbuhay ng mga taong nakatira sa kabundukan at
kagubatan. Ang mga lugar na maraming bato at luwad ay may
hanapbuhay na paglililok. Mauunawaan sa mga halimbawang ito na may
kaugnayan ang hanapbuhay ng tao sa kanyang kapaligiran.

https://psa.gov.ph/content/cattle-situation-report

https://mining.einnews.com/country/philippines

11

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

https://businessdiary.com.ph/1807/how-to-start-a-sari-sari-store-business

Pagnenegosyo naman ay ang mga gawaing nakakalikha at


nagbebenta ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa pangangailangan ng
tao sa mga lungsod at kanayonan. Kaakibat nito ang anumang gawaing
pangekonomiya ng may layuning kumita at tumubo.

12

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Pagyamanin

Maliban sa mga nalalaman mo sa nakaraang mga pahina, higit na


makatulong ang gawain na ito upang mas mapalalim pa ang iyong
kaalaman.

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo


ang diwa ng talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

pagmimina pagsasaka pagpapastol

pangingisda pagnenegosyo

1. Anong uri ng hanapbuhay ang mainam sa mga naninirahan malapit


sa dagat o katubigan? __________

2. Ito ang uri ng pamumuhay na mas nakabubuti sa mga naninirahan


sa malalawak na kapatagan .Ano ito?_________

3. Ito ay ang pangkabuhayan ng mga nakatira sa bulubundukin na


potensyal na pagkukuhanan nga mga minerals._________

4. Ang pangkabuhayan ng mga nakatira sa kapatagan na may


malalago at matatabang damuhan.Ano ito?_________

5. Ang pangkabuhayan ng mga nakatira sa lungsod kung saan


naninirahan ang maraming mamimili ng mga pangunahing
pangangailangan. Anong pangkabuhayan ito?__________

13

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Isaisip

Makikita mo sa mga larawan na ito ang mga gawaing


pangkabuhayan sa iba’t- ibang lokasyon ng bansa.

Panuto: Punan ng angkop na sagot ang bawat patlang batay sa uri ng


pamumuhay na makikita sa larawan.
.
1.

https://psa.gov.ph/tags/agriculture

2.

mgb.gov.ph

14

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

3.

https://tycoon.ph/how-to-start-sari-sari-store-philippines

4.

https://www.balinkbayan.gov.ph/products/161-cattle-raising.html

5.

15

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

https://iprice.ph/adventure/fishing/rods

Isagawa

Higit na mapapaunlad ang iyong kasayan sa araling ito sa


pamamagitan ng pagsagot ng gawain na nasa ibaba.

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang tamang sagot na


makikita sa loob ng kahon.

pagmimina pagsasaka pagpapastol

pangingisda pagnenegosyo

1. Isang mahalagang industriya na pinagkukunan ng gatas at karne.


_____________

2. Ang mahalagang kabuhayan ng mga malalapit sa dagat at


katubigan. ____________

16

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

3. Ang mahalaga at mamahaling uri ng bato at minerales na


ginagawang alahas at palamuti ay nanggagaling sa
pangkabuhayang ito.____________

4. Ito ang mainam na hanapbuhay ng mga nakatira sa malalawak na


kapatagan. Ang mga industriyang ito ay tinaguriang “Farmer’s
Cradle”. ____________

5. Ang hanapbuhay na ito ay nagbebenta ng kalakal at serbisyo sa


mga lungsod at kanyonan na tumutugon sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao. ____________

16
Tayahin

Sa pagmamagitan ng gawaing ito, masusubok mo ang antas ng


iyong kasanayan.

Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng hanapbuhay na ipinapahiwatig sa


bawat sitwasyon.

1. Ang lungsod ng Baguio ay may malamig na klima. Marami


ritong sariwang gulay, prutas at mga bulaklak. Anong lugar ito
angkop sa uri ng hanapbuhay?_________

2. Maraming bagoong at bangus sa lalawigan ng Pangasinan.


Marami pang ibang uri ng isda ang nahuhuli sa lugar na ito.
Anong hanapbuhay ang naaangkop dito?__________

3. Malawak ang kapatagang taniman ng palay sa Gitnang


Luzon. Ang lugar na ito ay angkop sa anong uri ng
hanapbuhay?__________

4. Ang mga lalawigan ng Bukidnon, Batangas at Mindoro ay may


malawak na pastulan ng hayop tulad ng baka at kambing.
Angkop ang lugar na ito sa anong uri ng hanapbuhay? _____

17

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

5. Malawak na bahagi ng Pilipinas ay katubigan. Kung


pagyayamanin ito, maraming sariwang isda at mga yamang-
dagat ang mapapakinabangan. Anong uri ng hanapbuhay ang
naaangkop dito?_________

6. Ang mag-anak na Garcia ay nakatira sa kapatagan. Marami


silang nakahandang mga pananim para sa darating na tag-
ulan. Ang lugar nila ay angkop sa? _________

7. Si Mang Ramon at Mang Tado ay naninirahan sa


kabundukan. Marami silang pananim na kamoteng kahoy,
mani at gabi. Ito ang pinagkakakitaan ng kanilang buong mag-
anak. Ang lugar nila ay angkop sa? _________

8. Malawak ang kagubatan sa Palawan. Marami ritong


malalaking puno at malalawak na taniman. Dito mabibili ang
iba-ibang yari ng muebles na gawa sa magagandang klase ng
kahoy. Anong lugar na 17
ito ay angkop sa?_________

9. Sina Rodel ay nakatira sa Laguna. Siya ay empleyado ng


isang pagawaan ng sapatos at ang kaniyang kapatid ay
empleyado naman sa pagawaan ng tela. Angkop sa
_________ ang kanilang lugar?.

10.Malapit sa dagat o katubigan ang tirahan ng mag-


asawang Ana at Ruben. Karamihan sa kanilang mga
kapitbahay ay may mga sariling bangka kaya nagpagawa rin
sila ng kanilang sarili. Ang kanilang lugar ay naangkop
sa?_________

18

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

Karagdagang Gawain

Mas mahahasa pa ang iyong kasanayan at kaalaman sa gawaing


nasa ibaba.

Panuto: Isulat ang mga nawalang letra upang mabuo ang mga salita
na may kaugnayan sa uri ng hanapbuhay..

1. PAG_I_I_A = ____________
2. PAG_A___A = ____________
3. PAGP__A__O_ = ____________
4. PAG___E_OS__ = ____________
5. PA_G__G_S__ = ____________

19

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)
20
Pagyamanin
1. pangingisda
2. pagsasaka
3. pamimina
4. pagpapastol
5. pagnenegosyo
Isagawa
1. pagpapastol
2. pangingisda
3. pagmimina
4. pagsasaka
Karagdagang Gawain 5. pagnenegosyo
1. pagmimina
2. pagsasaka Isaisip
3. pagpapastol 1. pagsasaka
4. pagnenegosyo 2. pagmimina
5. pangingisda 3. pagnenegosyo
4. pagpapastol
5. pangingisda
Tayahin
1. paghahalaman Subukin
2. pangingisada 1. a
3. pagsasaka 2. a
4. pagpapastol 3. d
5. pangingisda 4. b
6. pagsasaka 5. d
7. pagasasaka 6. c
8. pagtotroso 7. b
9. pagawaan ng sapatos at 8. d
tela 9. a
10. pangingisda 10. a
Susi sa Pagwawasto
lOMoARcPSD|36343070
lOMoARcPSD|36343070

Sanggunian:

Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan, Charity A.,
Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P., Quintos, Emily R., (2015).
Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Department of
Education-Intructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IMCS).

Dado, Belen P., Gozun, Ruth A., Magsino, Rodante S., Manalo, Maria
Lucia L., Nabaza, Jose B., Naval, Evelyn P., (2015). Araling
Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Department of Education-
Intructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

21

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)


lOMoARcPSD|36343070

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

22

Downloaded by Gojo Dump (domainexpansion00000@gmail.com)

You might also like