You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino IV

1. Layunin

Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos

II. Paksa at Nilalaman

Paksa: Pagsunod sa Panuto (Tekstong Prosidyural)

Sanggunian: Yaman ng Lahi 4 (TG p.179,LM

Kagamitan: Libro, Chalk, Pisara

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante

A. Panimulang Gawain

a. Paghahanda

1. Panalangin

-Bago natin simulan ang ating talakayan sa araw na ito,


inaanyayahan ko ang lahat na tumayo para sa
panalangin.

Amen.
2. Pagbati

-Magandang unaga sa inyong lahat! Magandang din din po Sir!

3. Pagtatala sa mga lumiban sa klase Wala po lumiban sa araw na ito

May lumiban ba sa araw na ito?

B. Balik-Aral

Ano ang ginagamit upang ilarawan ang kilos na ginawa?

Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng


halimbawa nito gamit sa pangungusap.

C. Pagtalakay ng agong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #1

Itanong:

Ano-ano ang hakbang sa paggawa ng juice?

Ipabasa ang mga hakbang na nakasulat sa strip ng


papel.

Itanong:

-Ano ang salitang kilos na ginamit sa unang hakbang?


Pangalawa? Pangatlo? Pangapat? Panlima? Pang-anim?

-Anong salita ang puwede nating idagdag sa unang


hakbang upang mailarawan kung paano ito dapat
gawin? Sa ikalawa? Pangatlo? Pangapat? Panlima?
Pang-anim?

Ipabasa sa mga mag-aaral ang panibagong mga hakbang


sa paggawa ng calamansi juice.

Itanong:

- Ano ang tawag sa mga salitang idinagdag sa


pangungusap? Ano ang nagawa nito sa ating mga
hakbang?

D. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Pangkatin ang klase. Maghanda ng isang fashion show.


Ipakita kung paano ang bawat kasapi ng pangkat ay
makatutulong sa pag-asenso ng kapuwa.

Matapos ang inilaang oras, tawagin ang pangkat upang


ipakita ang kanilang inihanda. Pagkatapos ng
pagtatanghal ng bawat pangkat, tumawag ng ilang mag-
aaral na maglalarawan ng mga kilos na nakita sa
pagtatanghal.

E. Paglinang ng kabisahan

Tukuyin ang mga salitang kilos sa talatang binasa. Isulat


ang sagot sa inyong papel at bumuo ng pangungusap
gamit ang mga salitang kilos na inyong sinulat.

Pang-abay (salitang kilos) Pangungusap


F. Paglalahat ng aralin

Kailan ginagamit ang pang-abay?

Mga Bata lagi niyong tatandaan na Ginagamit ang Pang-


abay tuwing kailangan isalarawan o bigyang-turing ang
mga pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Ginagamit
ito upang magbigay ng higit pang impormasyon tungkol
sa kilos o katangian. Maaring gamitin ang pang-abay
upang ilarawan ang panahon, pamamaraan, lugar, o
katiyakan ng isang kilos. Maari rin itong gamitin upang
ilarawan ang sukat o timbang, maging ang pagtularin
ang dalawang bagay.

G. Karagdagang gawain

Magtala ng mga kaya mong gawin upang makatulong sa


sariling pamilya at sa ibang mag-aaral sa kanilang pag-
unlad.

H. Takdang Aralin

Sumulat ng limang hakbang kung paano isagawa ang


paboritong inumin. Salungguhitan ang mga pang-abay
na ginamit.

IV. Mga Tala


V. Repleksyon

You might also like