You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino IV

I. Layunin
Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos

II. Paksa at Nilalaman


Paksa: Pagsunod sa Panuto (Tekstong Prosidyural)
Sanggunian: Yaman ng Lahi 4 (TG p.179,LM
Kagamitan: Libro, Chalk ,Pisara

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante

A. Panimulang Gawain

a. Paghahanda
1. Panalangin
-Bago natin simulan ang ating talakayan
sa araw na ito, inaanyayahan ko ang lahat Amen.
na tumayo para sa panalangin.

2. Pagbati
-Magandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon din po Ma’am!

3. Pagtatala sa mga lumiban sa klase


May lumiban ba sa araw na ito? Wala po lumiban sa araw na ito

B. Balik-Aral
Opo ma’am
Ano ang ginagamit upang ilarawan ang kilos na
ginawa?
Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng
halimbawa nito gamit sa pangungusap.

C. Pagtalakay ng agong konsepto at paglalahad


ng bagong kasanayan #1

Itanong:
Ano-ano ang hakbang sa paggawa ng juice?

Ipabasa ang mga hakbang na nakasulat sa


strip ng papel.
Itanong:
-Ano ang salitang kilos na ginamit sa unang
hakbang? Pangalawa? Pangatlo? Pangapat?
Panlima? Pang-anim?

-Anong salita ang puwede nating idagdag sa


unang hakbang upang mailarawan kung paano ito
dapat gawin? Sa ikalawa? Pangatlo? Pangapat?
Panlima? Pang-anim?

Ipabasa sa mga mag-aaral ang panibagong


mga hakbang sa paggawa ng calamansi juice.

Itanong:
- Ano ang tawag sa mga salitang idinagdag sa
pangungusap? Ano ang nagawa nito sa ating mga
hakbang?

D. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na


buhay

Pangkatin ang klase.


Maghanda ng isang fashion show. Ipakita kung
paano ang bawat kasapi ng pangkat ay
makatutulong sa pag-asenso ng kapuwa.

Matapos ang inilaang oras, tawagin ang pangkat


upang ipakita ang kanilang inihanda. Pagkatapos
ng pagtatanghal ng bawat pangkat, tumawag ng
ilang mag-aaral na maglalarawan ng mga kilos na
nakita sa pagtatanghal.

E Paglinang ng kabisahan

Tukuyin ang mga salitang kilos sa talatang binasa.


Isulat ang sagot sa inyong papel at bumuo ng
pangungusap gamit ang mga salitang kilos na
inyong sinulat.

Pang- abay Pangungusap


(salitang kilos)
F. Paglalahat ng aralin

Kailan ginagamit ang pang-abay?

Mga Bata lagi niyong tatandaan na Ginagamit


ang Pang-abay tuwing kailangan isalarawan
o bigyang-turing ang mga pandiwa, pang-uri
o kapwa pang-abay. Ginagamit ito upang
magbigay ng higit pang impormasyon tungkol
sa kilos o katangian. Maaring gamitin ang
pang-abay upang ilarawan ang panahon,
pamamaraan, lugar, o katiyakan ng isang
kilos. Maari rin itong gamitin upang ilarawan
ang sukat o timbang, maging ang pagtularin
ang dalawang bagay.

G. Karagdagang gawain

Magtala ng mga kaya mong gawin upang


makatulong sa sariling pamilya at sa ibang
mag-aaral sa kanilang pag-unlad.

H. Takdang Aralin

Sumulat ng limang hakbang kung paano


isagawa ang paboritong inumin. Salungguhitan
ang mga pang-abay na ginam

IV. Mga Tala

V. Repleksyon

Inihanda ni:
Josephine A. Bulaon

You might also like