You are on page 1of 2

CATCH UP FRIDAY: ARALING PANLIPUNAN

Pre-Reading:
Activity 1: PAGSASALIN-SALITA
Piliin ang tamang pagsasalin ng mga nasalungguhitang salita na nakuha mula sa
music video.
Activity 2: SALITAAN
Hanapin ang tinutukoy ng mga pangungusap sa salitang “NASYONALISMO”.
Halimbawa: isang uri ng mamalya (mammal) na madalas kasakasama sa tahanan.
Sagot: ASO (Ang mga letrang A, S, at O at makikita sa salitang NASYONALISMO.

1. isang komunidad, mas malaki ito kaysa sa isang baryo ngunit mas maliit kaysa
sa isang bayan
2. awitin o himno sa simbahan na itinuturing bilang sagrado o banal
3. nabubuo mula sa dalawang tuldok na pinagkabit o pinag-ugnay
4. naiwang ari-arian ng namatay
5. bayan ng probinsya ng Nueva Vizcaya
6. gamit sa bahay na pansalo ng puwit kung nakaupo
7. ginagamit panghilot
8. halamang-ugat na namumunga sa ilalim ng lupa
9. dati o nakaraan
10. impresyong pandama sa pagkain o ibang sustansiya

Reading Proper:

Matapat na Bayani

Narinig mo na ba ang pangalang Gat Francisco Dagohoy? Marahil ay hindi pa. Si Gat
Francisco Dagohoy ay isa sa mga bayaning hindi lubhang pamilyar sa marami. Ang
kanyang kagitingan ay kinikilala lalong-lalo na ng mga taga-Bohol. Si Dagohoy ay tubong
Boholano.

Ang pinakamahabang pang-aaklas laban sa mga Kastila ay naganap sa Bohol sa ilalim ng


pamunuan ni Gat Francisco Dagohoy. Ang dahilan ng paglaban ni Francisco Dagohoy sa
kapangyarihan ng mga kastila ay ang kanyang kapatid.

Ang kanyang kapatid ay isang konstable ng pamahalaan ng Kastila. Ang konstable ay


tumutupad ng mga tungkulin ng pulis. Ang konstableng ito ay nakipaghamok sa isang
lalaki. Sa kasawiang-palad siya ay namatay.

Tumutol ang pari na basbasan ang bangkay ng kapatid ni Francisco Dagohoy. Di umano
ang konstable ay namatay sa duwelo at hindi pinapayagan ng batas ng simbahan na
basbasan ang bangkay ng sinumang taong namatay sa duwelo. Dahil dito namuno sa
isang pag-aaklas si Francisco Dagohoy. Maraming tao ang sumama sa pag-aaklas na ito

Si Dagohoy at ang kanyang mga kasama ay nanirahan sa mga bundok at inabangan si


Talibon sa Bohol. Ang mga taong ito ay namatay nang malaya at malayo sa mga kamay
ng mga Kastila. Ang mga tauhan ni Dagohoy ay naging matagumpay sa paglaban sa mga
Kastila. Ipinahayag ni Francisco Dagohoy na malaya ang lalawigan ng Bohol. Ang
lalawigan ng Bohol ay hindi nagbabayad ng buwis sa mga Kastila. Ang katayuang ito ay
nagpatuloy sa loob ng 85 taon.

lblugapo
Ang pamahalaang Kastila ay nagpumilit na makuha ang lalawigan ng Bohol. Ngunit
matatag at matigas ang mga Boholano sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan. Lubhang
nababahala ang mga Kastila sa katapangan at katatagan ng mga Boholano. Kaya't
nagpadala sila ng malaki at malakas na hukbo na magpapasuko sa mga Boholano.

Malakas at malaki ang mga kanyong ginamit ng mga Kastila laban sa mga Boholano.
Walang patumanggang pagsalakay ang ginawa ng mga Kastila. Napilitang tumakas ang
mga manghihimagsik sa bundok. Hindi tumugot ang mga Kastila hanggang hindi
nalalansag ang hukbo ni Francisco Dagohoy. Wala silang laban sa mga armas at mga
sandata ng mga dayuhan. Noong ika-31 ng Agosto 1829, napasuko ng mga Kastila ang
hukbo ni Francisco Dagohoy.

Maraming manghihimagsik ang namatay sa paglaban sa mga Kastila. Alam nilang nagapi
sila ng mga Kastila ngunit ibinigay nila ang kanilang buong lakas at buhay upang
makalaya sa pagmamalabis ng mga Kastila. Dahil dito si Francisco Dagohoy at ang
kanyang mga tauhan ay kinilala bilang mga bayani ng bansa. Ang buong bansa ay
nagpupugay sa mga taong ito na hindi nangiming magbuwis ng buhay alang-alang sa
kalayaan ng bayan.

Pinoy Edition © 2024 - All rights reserved.


Source: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/matapat-na-bayani/Pinoy Edition © 2024 - All
rights reserved.

Activity 3: KAMBAL-SALITA (may revise)


Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nagamit sa babasahin.
1. matagumpay
2. lalawigan
3. tumugot
4. nagapi
5. konstable

Post-Reading Proper:
1. Bakit itinuturing na bayani si Gat Francisco Dagohoy?
2. Ano ang iyong nararamdaman pagkatapos mabasa ang kwento?
3. Kaya mo bang ibuwis ang iyong buhay para sa bayan? Bakit?
4. Ano ang iyong nagustuhan kay Gat Francisco Dagohoy nan ais mong taglayin.
Bakit?
5. Bukod kay Gat Francisco Dagohoy, sino sa mga bayani ng Pilipinas ang iyong
hinahangaan? Bigyang paliwanag.
6. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang damdaming nasyonalismo
o pagmamahal sa bayan?

lblugapo

You might also like