You are on page 1of 1

PERFORMANCE TASK #1

Kung ikaw ay isang kasangkapan o kagamitan sa kusina ano ikaw at bakit?

Inihahalintulad ko ang aking sarili sa isang kutsara, dahil tulad nitong ginagamit upang tangan ang pagkain at
ilagay ito sa bibig. Nang sa gayo’y tayo ay mabusog at magkalaman. Ako rin ay tulad ng kasangkapan o ako
ang mismong kasangkapang magdadala ng aking mga pangarap at layunin sa buhay tungo sa lubos na
masaganang kinabukasan. Mabigyan ng sustansya at kaginhawaan ang aking buhay. Sapagka’t sa simula’t
sapol palang ay ako na ang nagsisilbing tagahawak ng aking kinabukasan na tulad ng kutsarang nagsisilbing
tagahawak ng pagkain.

Ang katatagan ko ay maihahalintulad ko rin sa isang bakal na kutsara na hindi nagpapahina sa pagkakalikha
ng masasarap na pagkain sa gitna ng apoy ng pagsubok. Sa bawat hamon, lumalakas ang aking paninindigan
tulad ng pagkapit ng kutsara sa bawat kulo ng kumukulo at malulutong na pagkain. Ang aking tagumpay ay
tulad ng kutsara na patuloy na nakakapaglingkod sa bawat hapag kainan, may pag-asa at inspirasyon sa bawat
kagutuman. Kung kaya’t, ako ay parang isang matibay at durableng kutsara, sapagkat ako ay may katatagan at
kakayahan na magtagumpay sa mga pagsubok at hamon ng aking buhay. Katulad ng kutsara na hindi madaling
masira, ang determinasyon ko at lakas ay nagbibigay sa akin ng kakayahan na harapin at malampasan ang
anumang mga pagsubok na dumarating sa aking buhay.

Sa huli, ang kutsara ay nagdudulot kagalakan sa isang masaganang hapagkain, gaya nito, ako rin ay mayroong
kakayahan na magbigay ng ginhawa at kaginhawaan sa aking sariling buhay. At ang pagkain na tangan ng kutsara ay
ang nagsisilbi o sumisimbolo ng pangarap na lagi kong tinatangan. Sa bawat mesa natin, ay hindi mawawala ang
ating mga kubyertos kagaya na lamang ng kutsarang naghahatid sa ating mga bibig ng iba’t ibang lasa ng putaheng
ating nalalasap. At ito’y maihahalintulad ko sa aking sarili na binibitbit ang mga pangarap at minimithi ko upang sa
huli ay malasap ko ang lasa ng tagumpay. Dahil tulad ng kutsara, tayo rin ay masipag at matiyaga sa paghahatid ng
kaginhawaan sa ating sarili at sa iba.

PANGALAN: DEIPARINE, LYRA M. SUBJEK: FILIPINO 1


BAITANG & KURSO: BSHM 1- ONYX. INSTRUKTOR: GINOONG ANSEL LANAWAN

You might also like