You are on page 1of 3

BICOL UNIVERSITY GUBAT CAMPUS

Gubat, Sorsogon

GAWAING PAGKATUTO SA INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG


( Linggo 12 )

I. Intended learning outcomes/ Inaasahang Bunga ng Pagkatuto


A. Naipaliliwanag ang katuturan, katangian, uri at mga paraan ng pagsulat ng balitang pampalakasan.
B. Naipakikita ang kaalaman sa paraan ng pagkuha ng ulat para sa balitang pampalakasan.
C. Naipakikita ang kaalaman sa pagsulat ng isang mahusay na balitang pampalakasan.

II. Nilalaman
Paksa: Pagsulat ng Balitang Pampalakasan: Katuturan, Katangian ng Mahusay na Balitang Pampalakasan at Mga Paraan sa
Pagsulat

II. Paglalahad ng Aralin

BALITANG PAMPALAKASAN
Ang pahinang Pampalakasan ay may malakas na dating sa malaking bilang nangmga mambabasa. Ito ay
bahagi na ng kasiglahan ng buhay sa mataas na paaralan.
Katuturan
 Ang balitang pamapalakasan ay ang natatanging balita ukol sa ibat-ibang uri nang laro na batay sa
tuwirang balita, karaniwang nasusulat sa paraang aksyon.
 Uri ng tanging balita tungkol sa iba’t ibang laro na naglalahad ng mga maaksyong pangyayari at
nagatatampok sa lahat ng mga detalye at mga impormasyong may kinalaman dito.
 Ang balitang isports ay parte ng lathalain o diyaryo na naglalaman ng mga balita sa mundo ng
palakasan o isports
 Isang pagpapahayag ng mga balitang kaugnay sa mga pangyayari sa mundo ng palakasan Isa sa
pinakamaganda at nakakaaliw na gawaing pampahayagan

Uri ng Balitang Pampalakasan


1. P a u n a n g B a l i t a ( A d v a n c e n e w s ) - I b i n a b a l i t a a n g n a p i p i n t o n g l a b a n a n n g m g a
k o p o n a n . I t o a y n a g l a l a m a n h i n g g i l s a kakayahan at kahinaan ng bawat manlalaro sa koponan.
Tinatalakay rin angkahalagahan ng larong gaganapin.

2. K a s a l u k u y a n g B a l i t a ( A c t u a l c o v e r a g e ) - I t o a y n a g l a l a h a d n g m g a k a g a n a p a n
sa laro

Dahilan sa pagsulat ng balitang isports


1. Maraming nagbabasa ng balitang isports 
2. Ang balitang isport ang nagbibigay aliw sa mga mambabasa na sawa na sa magulong mundo ng pulitika
at mga ulat krimen 
3. Ang mga manunulat ng isport ay may kalayaang gumagamit ng mga makukulay na salita.

Paraan sa pagsulat ng Balitang Isport 

1. Isinulat ito katulad ng pagsusulat ng pangkaraniwang balita


 2. Inuuna rin sa pagsulat ng isport ang malaking pangyayari sa pamamaraang baligtad na piramide
(inverted pyramid)
3.Gumagamit ang isang isport writer ng mga salitang makukulay at buhay. 
4. Laging nasa patnubay ang resulta ng laro o tunggalian na siyang pumupukaw o umaakit sa
mambabasa 
5. Kung ang laro ay labanan ng koponan na katulad ng basketball/ softball ay huwag kalimutang
banggiting ang nagpanalo sa laro.
6. Sa pagsulat ng balitang isport ay ipinakita kung bakit hindi nanalo ang isang koponan.
7. Hindi nawawala sa pamatnubay ng ASSKaBa at higit sa lahat papaanong nanalo. 
8. Isinusulat sa paraang madaling mauunawaan ng mambabasa.

Katangian na dapat taglayin ng isang isport writer



1. May kaalaman siya sa isport na kaniyang tatalakayin. (basic sports rules) 
2. Marunong siyang gumagamit ng lenggwahe ng isport. 
3. Marunong siyang magplano kung paano susulatin ang larong napanood. 
4. Kritikal siya sa larong napanood at marunong mag-analisa ng mga talang nakuha sa laro.
5. Hindi siya makiling “ BIASED” sa alinmang team na ikokober kahit ang nabanggit na team ang
kanyang paborito. 
6.Mausisa at matalas ang pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng mga manlalaro. Kailangan matalas
ang mata sa maliit na detalya na nangyayari sa laro

Payo sa mga nagsisimulang magsulat ng isport

1.Mag-ipon ng ibat ibang artikulong mula sa ibat ibang pahayagan / magasin. 


2. Basahin at pag-aralang mabuti upang makabuo ng sariling istilo sa pagsulat. 
3. Gumamit ng mga mapwersang salitang hahatak sa interes ng mambabasa.
4. Sanayin ang sarili na ang dalawang mahabang pangungusap ay gawing isang maikli at maliwanag na
pangungusap na buo ang diwang ipinahayag.
5. Maaring sundin ang istilo ng isport write na inidolo hanggang magkaroon ng sriling istilo sa pagsulat.

HALIMBAWA 1

1 panalo na lang, kampeon na! Ginebra, tinalo ulit Meralco

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra upang makuha muli ang titulo sa PBA Season 46
Governors’ Cup nang pataubin naman ang Meralco, 115-110 sa Smart-Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Kumana nang husto si Justin Brownlee sa naipong 40 puntos at 11 rebounds

Tumulong din ang mga kakamping sina Scottie Thompson sa nakubrang 19 puntos, siyam na rebounds at 11 assists
habang si Christian Standhardinger ay nakagawa naman ng 13 puntos, kabilang ang anim sa huling bahagi ng laro.

Naka-16 puntos naman si Arvin Tolentino

“We did a great job of making shots all night. Just big shots the whole game. I didn’t think it was sustainable but we
were able to sustain it for 48 minutes,” sabi ni Gin Kings coach Tim Cone.

Kahit kumubra ng 30 at 15 rebounds si Tony Bishop, hindi pa rin nito naipanalo ang Meralco.

Kumana rin ng 27 puntos si Chris Newsome habang si Aaron Black ay nakaipon ng 25 puntos.

Ang nabanggit na laro ay dinagsa rin ng 18,251 fans, ang pinakamataas na bilang mula nang magkaroon ng
pandemya sa bansa
HALIMBAWA 2

Ika-4 na ‘to! Meralco, lalaban ulit sa Ginebra sa Governors’ Cup Finals

Makakaharap muli ng Ginebra ang Meralco sa PBA Season 46 Governors’ Cup Finals.

Ito ay nang padapain ng Bolts ang Magnolia, 94-81 sa Game 5 ng kanilang best-of-five semifinal round sa Smart-
Araneta Coliseum nitong Biyernes ng gabi.

Kumana si Allein Maliksi ng 24 puntos, kabilang ang anim na tres at dinagdagan pa ng tatlong rebounds at isang steal
habang si Raymond Almazan ay nakaipon ng 18 puntos at limang rebounds.

Kumubra naman si Chris Newsome ng 17 puntos, 12 rebounds habang si Aaron Black ay nakapagtala ng 16 puntos
at limang rebounds.

Sinamantala ng Meralco ang pagkawala ni Magnolia import Mike Harris na nagpahinga sa kaagahan ng laro dahil sa
injury nito.

Ito na ang ika-apat na beses na lalabanan ng Meralco ang Gin Kings sa Governors’ Cup Finals sa loob ng anim na
taon, tampok ang pag-kampeon ng huli noong 2016, 2017 at 2019.

PAGSASANAY 1:

A. Panood at Pagsusuri

Ipakita ang inyong kaalaman sa mga batayang nilalaman ng balitang pampalakasan sa pamamagitan ng
panood, pagmamasid at pagsusuri sa mga balitang pampalakasan ( Print at Visual) batay sa Uri at
Katangian nito.

B. Pagbuo ng Tseklist
Ipakita ang kaalaman sa pagsusuri ng isang mahusay na balitang pampalakasan sa pamamagitan ng
pagbuo ng tseklist na gagamiting pamatayan sa pagtaya sa kalidad ng artikulo.

PAGSASANAY 2
A. Pagbuo ng isang Album

Bumuo ng pag-aalbum na nagpaapkita ng katuturan, katangian, uri at mga paraan ng pagsulat ng balitang
pampalakasan. Maaaring magsama ng mga dagdag na larawan sa awtput.

PAGSASANAY 3: Pagsulat
1. Manood ng isang laro (basketball, Volleyball o Badminton sa inyong lugar o sa telebisyon/internet)
2. Sumulat ng isang balitang pampalakasan batay sa napanood na laro.
3. Ilagay kung anong uri ng balitang pampalakasan ang inyong gagawin.
4. Isaalang-alang ang mga katangian at mga hakbang sa pagsulat ng balitang pampalakasan.

https://www.scribd.com/document/398468842/Uri-Ng-Balitang-Pampalakasan

https://balita.net.ph/2022/04/01/ika-4-na-to-meralco-lalaban-ulit-sa-ginebra-sa-governors-cup-finals/

https://www.slideshare.net/jake292014/balitang-isports

Inihanda ni:

RICKY L. JAMISOLA, PhD


Guro

You might also like