You are on page 1of 3

BICOL UNIVERSITY GUBAT CAMPUS

Gubat, Sorsogon

GAWAING PAGKATUTO SA INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG


(Linggo 4-5)

I. Intended learning outcomes/ Inaasahang Bunga ng Pagkatuto


A. Naipakikita ang kaalaman sa katuturan ng pamatnubay at pagsusuri sa mga uri nito.
B. Naipakikita ang kaalaman sa pagsulat ng pamatnubay na may pagsasaalang-alang sa mga tuntunin
nito.

II. Nilalaman
Paksa: Ang Pamatnubay
1. Katuturan
2. Mga Uri at Pamamaraan sa Pagsulat (Kombensiyunal, Pambalarila, Makabago)

III. Paglalahad ng Aralin


Ang panimulang balita ay tinatawag na pamatnubay, sa wika Ingles “LEAD”. Ito ay ang
pinakamahalagang bahagi ng balita sa kabuuan sapagkat ito ang unang binibigyan ng pansin at umaakit
sa mambabasa. Kanariwan, ang pahayagan ay binabasa nang madalian kung kayat sa simula ng balita ay
nangangailangan ng higit na atensyon mula sa mambabasa gayudin naman sa manunulat.

Ang pamatnubay ay ang mga may pinakamainam na bahagi, kahit na ang lathala ay isang panayam,
lathain o kritikal na panunuri.
Sa akdang lathain o pabalitang lathalin, ito ay maaaring isang salita, parirala, pangungusap o isang
talata.

Ito ang paunang pangungusap o mga pangungusap, paunang talataan o mga talataan, ng isang balita.

Ito ang nagtataglay ng punong-diwa ng isang balita

URI NG PAMATNUBAY

A. Batay sa Layunin

1. kombenasyonal- Kung minsan ito ay itanatawag ding boud na pamatnubay. Karaniwan, ang balita
ay gumagamit ng ganito pamamaraan na tumatalakay sa natural at tuwirang paraan. Ito ay ang
pinakapangkaraniwang uri na sumasagot sa mga tanong na SINO ?, ANO ?, KAILAN ?, BAKIT ?,
PAANO ?
2. di kombensyonal na pamatnubay - Ang balitang lathain ay gumagamit ng pamatnubay na ito.
Inilalahad dito ang ang intensyon ng pagpupungyagi ng manunulat sa pagpapakilala ng kanyang
balita sa paraang naiba.

B. katanungang Pamatnubay-Ang uring ito ng pamatnubay ay ang pinakamatanda sa lahat ng uri na na


ginagamit ng mamamahayag tulad ng sino,Ano,Bakit,Paano, kailan at saan (5w’s at H)

1. PAMATNUBAY NA SINO ( WHO LEAD )


Ang pangalan ay ang gumagawa ng balita lalo na ang mga kilala
2. PAMATNUBAY NA ANO ( WHAT LEAD )
Pinakamatuwid na pamatnubay na naghahayag ukol sa balita

3. PAMATNUBAY NA BAKIT ( WHY LEAD )


Nagsasaad hinggil sa pinagmulan o sanhi ng itinatampok na pangyayari.

4. PAMATNUBAY NA PAANO ( HOW LEAD )


Karaniwang ginagamit sa hindi inaasahang mga pangyayari at mga aksyon.

5. PAMATNUBAY NA KAILAN (WHEN LEAD)


Ginagamit kapag ang mga pangyayari ay naganap sa di inaasahang panahon o ang panahon ng
kaganapan ay lalong mahalaga.
6. PAMATNUBAY NA SAAN (WHERE LEAD)
Ginagamit kung ang mga pangayayari ay naganap sa hindi pamgkaraniwang lugar.

Kailan Ginagamit ang Makabagong Pamatnubay

1.Kung mayroong mga datos na hindi pantuwirang balita sa kabuuan

2.Kung may mga datos na mas higit na kawili wili kung gamitan ng kakaibang paraan sa paglalahad nito

3.Kung ang paggamit ng makabagong pamatnubay ay tila natural lamang, angkop at malaya

4.Kung ang layunin ng pamatnubay ay pukawin ang kawilihan ng Mambabasa

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng mabisang Pamatnubay

1.Gumamit ng payak na pangungusap.

2.Huwag pabigatin ang panimulang talata sa pagsagot sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit
at Paano.

3.Huwag uliting gamitin ang mahalaga o di-karaniwang salita sa isang pangungusap.

4.Hangga’t maari, iwasan ang paggamit ng mga pantukoy tulad ng ang, ang mga, si, sina, at iba pa, bilang
panimulang salita sa pamatnubay.

Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng pamatnubay na Balita

1.Ang talata sa balita ay hindi dapat sumobra sa 75 salita.

2.Ilagay ang mahahalagang datos sa unahan ng talata.

3.Iwasan ang paggamit nang paulit-ulit na mga salita, mga sugnay o iba pang katulad na gramatikong
kayarian sa simula ng magkasunod na salita.

4.Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod nito sa iisang talata.

5.Ang isang pangungusap na talata ang pinakagamitin sa balita, ngunit kung hindi maiiwasan ang
paggamit ng mahigit sa isangpangungusap, hindi dapat sumobra sa tatlo.

6.Gawing maikli ang pangungusap sa talataan. Hangga’t maari, hindi ito lalampas sa 15-20 salita. Ang
pangungusap na higit sa 30 salita ay maaaring mahirang nang maunawaan.

7.Isaayos ang mga talata ayon sa pababang kalalagahan upang kukulangin ng espasyo ay maaaring
putulin ang mga huling talata nang hindi naaapektuhan ang nilalaman nito.
IV. Pagsasanay

Gawain 1
Panuto: Magsaliksik sa internet ng tig-isang halimbawa ng pamatnubay na kombensyunal at di-
kombensyunal na pamatnubay. Suriin sa nakuhang halimbawa ang mga paraan sa mabisang pagsulat ng
pamatnubay sa pamamagitan ng REAKSYONG PAPEL.

GAWAIN 2.

Sumulat ng isang maiklling sanaysay hinggil sa kahalagahan ng pamatnubay sa isang balita. Ang
sanaysay na gagawin ay dapat may panimula, katawan at wakas.

GAWAIN 3
Panuto;

Bumuo ng isang KOMBENSYUNAL na pamatnubay hinggil sa anumang paksa sa balita na nais mo.
Isinasaalang-alang mga tuntunin sa pagsulat ng mahusay na pamatnubay.

Inihanda ni:

RICKY L. JAMISOLA, PhD


Instructor

You might also like